Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 71 - Emergency

ABS-CBN ASAP Studio
Diliman, Quezon City

Matiyagang naghihintay si Mark sa labas ng dressing room kung nasaan si Jem. Mayamaya pa ay lumabas na ang dalaga, labinlimang minuto bago ang itinakdang performance.

She's wearing a skintone turtle neck, high-waist pants, hoop earrings, and statement heels na lalong mas nagpaangat sa taglay nitong ganda.

"You're outfit looks alluring on you, love."

"Salamat, love."

Tipid siyang nginitian ni Jem. Pakiramdam niya ay mayroon itong dinaramdam.

Marahan niyang hinawakan si Jem sa magkabilang balikat. Iniharap niya ang nobya sa kaniya.

"I think there is something that is bothering you. Would you like to share it with me?" Tiningnan niya si Jem na may kasamang pag-aalala.

Bumuntong-hininga ang dalaga. Dinukot nito ang phone sa bulsa.

"Take a look on this, love," sabay ipinakita ang isang text sa screen.

Sinundan ko si Kian sa New York. Nakita ko sila ni Sonia mga bakla. Buntis. Ansakit-sakit.

Napalunok ng laway si Mark sa nabasa. Maging siya ay nagulat dahil hindi niya akalaing pupunta pala sa America ang kaibigan. Wala rin siyang alam na buntis si Sonia dahil wala namang nababanggit ang kaibigan. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Hindi ito ang tamang panahon para labis na isipin iyon. Baka makaapekto sa performance ng kaniyang nobya.

He shove his girl's hair and held her chin.

"Kung ano man iyan, love. Isantabi mo muna ha? Pag-usapan natin 'yan mamaya. Mag-focus ka muna sa performance mo. Galingan mo. You can do it!" Nginitian ni Mark ang kaniyang nobya at binigyan ito ng tatlong segundong banayad na halik sa noo para palakasin ang loob nito.

"Salamat, love. S-Subukan kong isantabi. Pero salamat dahil nandiyan ka kasi kung wala ka, baka kanina pa ako tuliro," nakangiting sabi ni Jem. Halata pa rin ang pag-aalala nito sa mga mata.

"You should. O sige na, mukhang ikaw na yata ang susunod na magpe-perform. Uupo muna ako sa may harap para kitang-kita." Pinisil ni Mark ang kamay ng nobya sabay niyakap nang panandalian. Tumakbo siya using the side door para makapunta sa naka-reserve na upuan sa audience.

Nagulat ang mga katabi ni Mark. Hindi makapaniwala ang mga ito na si Mark Feehily ng bandang Westlife ay naroon. Nagawa pang makapagpa-picture ng iba na malugod namang pinaunlakan ni Mark.

"And to serenade us today, let us welcome, the rising star of the Pop music industry, let us give it up for Ms. Jemelyn Ava Charlotte Tolentino!" ani Luis na isa sa host ng ASAP.

Isang masigabong palakpakan ang narinig sa buong studio. Inilibot ni Jem ang tingin sa buong paligid at natuon ito kay Mark.

Para sa iyo ito, Mark.

Just a Kiss by Lady Antebellum

Lyin' here with you so close to me
It's hard to fight these feelings
When it feels so hard to breathe
Caught up in this moment
Caught up in your smile

I've never opened up to anyone
So hard to hold back
When I'm holding you in my arms
We don't need to rush this
Let's just take it slow

Just a kiss on your lips in the moonlight
Just a touch of the fire burning so bright
And I don't want to mess this thing up
I don't want to push too far
Just a shot in the dark that you just might
Be the one I've been waiting for my whole life
So baby I'm alright, with just a kiss goodnight

Natapos na ang pagkanta ni Jem. Isang malakas na palakpakan ang natanggap niya.

Bakas sa mukha ng dalaga ang galak. Iniyukod niya nang bahagya ang ulo bilang pasasalamat sa audience.

"Woah! That is an outstanding performance, Jem!" ani Luis.

"Salamat."

"Kita mo, napatayo ang audience sa sobrang galing ng pag-awit mo," saad ni Billy Crawford na itinuro ang crowd. Naghiyawan ang mga Jemsters at Jemark fans na nasa kaliwang sulok ng stage na may hawak-hawak na banner.

"Thank you, Billy." Namumula na ang pisngi ni Jem dahil sa pagiging overwhelmed.

"Sobra mo kaming napahanga. This is your first ASAP performance, right?"

Tumango si Jem bilang pagsang-ayon.

"Alam kong masusundan pa ito dahil sa angkin mong talento." Bumaling si Luis sa crowd. At alam n'yo ba kung sino ang kasama ngayon ng ating rising popsong princess?"

Naghiyawan ang crowd. "Mark Feehily!"

"Yes. Kasama niya ngayon ang walang iba kung hindi si Mark Feehily ng Westlife." Nagpalakpakan ang audience nang marinig nila ang pangalan ni Mark. Ipinokus ng camera ang binata at walang alinlangan naman itong nag-wave doon, bagay na ikinakilig ng mga manonood.

"Can you come here upstage, Mr. Mark Feehily?" paunlak ni Billy.

Ngumiti si Mark tanda ng pagpayag.

Sinundan ni Jem ng tingin ang nobyo na papaakyat. May mga paruparong nagliliparan na naman sa tiyan niya.

Mayamaya pa ay nasa stage na rin si Mark. He's wearing a white polo sleeves, partnered with black jeans, and Nike Air Zoom Pegasus 37 rubber shoes.

Nakipagkamay siya kina Luis at Billy at matapos noon ay binigyan niya ng isang mabilis na halik sa pisngi ang nobya, bagay na nagpakilig sa audience.

"Punong-puno na ng langgam dito sa stage," saad ni Billy na ipinadyak-padyak ang paa, kunwari ay nagtatanggal ng langgam.

Napahagikhik ang dalawang magkasintahan gayundin ang mga manonood.

"Mark, alam namin na naka-partner mo si Jem sa isang music video four years ago. Tama?"

"Yes, Billy."

"Ang tanong ng sambayanan, from being partners in a music video, nag-level up na ba ang relasyon ninyong dalawa ngayon?"

Nagkaroon ng bulong-bulongan at tilian sa crowd.

Nagkatinginan sina Jem at Mark, tila ba naghihintayan sila ng hudyat kung sino ang sasagot.

"We're dating," sabay na wika ng dalawa.

Napuno ng tilian ang buong studio at mayamaya pa ay itinaas ng Jemark fans ang tarpaulin at banners na kanilang hawak. Sina Billy at Luis ay lumapit kay Mark para i-congratulate ang huli.

"We love you, Jemark!" sigaw ng fans.

"We love you too!" sabay na sigaw ng dalawa at kinawayan ang kanilang fans.

Natapos na ang performance ni Jem at ngayon ay nasa dressing room na siya. This time e kasama na niya si Mark sa loob.

"Grabe, ang galing mo, love."

"Mas magaling ka."

"Ikaw."

"Ikaw kaya." At napatawa silang dalawa.

"Let's unwind? Tara sa Tagaytay?" pangangalok ni Jem.

"That's a good idea, love. Let's go?"

Pagbukas nila ng pinto ng dressing room ay may bumungad sa kanilang tatlong babae. Kasunod ng mga ito ang security guard ng building nila na si Fer. Mukhang fan sila ng mga ito dahil nakasuot sila ng t-shirt na may nakasulat na "JeMark".

"Ma'am Jem, pasensya na po. Talagang ang kukulit. Hinarang na namin sa entrance e nagpumilit pa ring pumasok. Gustong-gusto talaga kayong makitang dalawa," sambit ng security guard na si Fer. Nakahawak ang isang kamay nito sa batok tanda ng hiya.

"Naku, okay lang po, Manong Fer. Sige, kami na ang bahala rito," sagot ni Jem. Humingi muli ng pasensya ang guard at iniwan na ang tatlong fangirls na makukulit.

Bumaling si Jem sa tatlong babae na noo'y kilig na kilig. They are around their 20s kung hindi siya nagkakamali ng tantiya.

"Hi, anong pangalan ninyo?"

"Hi, I'm Aprillyn."

"I'm Wendylyn!"

"And I'm Lynne!"

"Wow, puro Lyn ang pangalan n'yo ha? Nakakatuwa naman!" magiliw na sabi ni Jem sa tatlo.

The three girls giggled. "Oo nga po, eh. Kaya po ang tawag namin sa sarili namin ay Charlyn Angels," sabi ng babaeng nagngangalang Wendylyn.

Napatawa sina Jem at Mark dahil doon.

"Ang cute ninyong tatlo! How can we help you ba?" singit ni Mark.

"Ay, magpapa-autograph lang po at saka picture na rin. Fan na fan n'yo po kami simula pa noong nag-date kayo sa Amanpulo. And we're so happy kasi nakaharap na namin kayo!" masayang sabi ni Lynne.

"Kami rin, masaya rin kami na ma-meet kayo," saad ni Mark. "Nasaan na ba 'yung cellphones ninyo? Selfie tayo!"

Nagmadali si Aprillyn sa pagkuha ng cellphone niya at kaagad naman itong iniabot sa binata. Mayamaya pa ay nag-selfie na sila. Isa-isa ring nagpa-picture ang mga dalaga sa kanila bilang remembrance. Labis ang galak nila sa mukha at nagpaalam din naman kaagad sa magkasintahan.

Ngingiti-ngiti naman si Jem na nakasunod ang tingin sa papaalis na fans.

"Abot-tainga ang ngiti mo, love. Mukhang tuwang-tuwa ka sa Charlyn Angels ha?"

"Naalala ko lang bigla, love. Ganoon din ako kasaya noong meet & greet no'ng concert ninyo rito sa Pilipinas. Dati, okay na ako na makakuha kahit picture na kasama ka, eh. Okay na ako roon."

Hinapit ni Mark ang baywang ng kasintahan. "Pero tingnan mo naman ngayon, hindi lang picture na kasama ako ang nakuha mo. Pati na rin ang puso ko." Kumindat si Mark, bagay na nakapagpapula ng mukha ni Jem. "Oh, kinikilig ka na naman sa akin, love. Guwapo ko ba?" sabay pogi points sign.

"Yabang mo, love. Oo na," sabay hampas nang mahina sa braso ng nobyo.

Natatawa na lang si Mark at inakbayan na si Jem. Mayamaya ay lulan na sila ng sasakyan ng dalaga patungong Tagaytay.

Ilang oras ang biniyahe nila. Pagdating nila roon ay kumain sila sa bulalohan sa Tagaytay.

"Here are your orders, ma'am and sir," saad ng server.

"Thank you," magiliw na sabi ni Mark.

Halata namang kinilig ang babae. Siguro ay naguwapuhan kay Mark. Pagkaalis ng babae ay nagkatinginan ang magnobyo at napahagikhik nang mahina.

"Iba talaga ang charm mo, love. Marami na ang na-i-infect ng Mark Feehily Syndrome. Ang guwapo mo kasi." Pinisil ni Jem ang pisngi ng kasintahan.

"Siyempre, kailangang lagi akong guwapo. Baka ipagpalit mo ako e. Lalo pa at sumisikat ka na, love. Marami na ang lalapit sa 'yo at poporma," may lungkot sa tinig na sabi ni Mark.

"Ay, wag kang mag-isip ng ganiyan, love. Hindi naman ako magpapaporma, eh. Sa 'yo lang ako." Niyakap ni Jem ang nobyo.

"Talaga?"

"Oo naman." Humilig si Jem sa balikat ng nobyo at mas isiniksik pa ang ulo sa may leeg nito, bagay na nakapagpangiti kay Mark. "Kumain na tayo. Lalamig na itong bulalo."

"Bulalo? Do you mean, this bone marrow, beef shunks with corn cob, and some leafy vegetables?" pagtukoy ni Mark sa nakahain sa kanilang harap.

"Exactly!"

"D-Do you think it is safe to eat?"

Jem chuckled. "Of course, love. Look." Itinuro ni Jem ang iba pang kumakain sa restaurant. Enjoy na enjoy ang mga ito sa pagkain ng bulalo.

Hindi maipinta ang mukha ni Mark nang muli siyang bumaling sa kasintahan.

"Do you think I will offer you something that is harmful to eat?"

"N-No. I trust you, love just like how I trusted you with the quick quick. I know it's delicious because you're the one who picked it," may pagtitiwala sa tinig na sabi ni Mark.

"Great! Now, try a spoonful of the soup."

"O-Okay."

Sumalok si Mark ng isang kutsara ng sabaw at pikit-matang hinigop ito. Ninamnam niya ang sabaw at mayamaya pa ay sunod-sunod na ang paglantak niya sa sabaw. Sinabayan na rin niya ng pagnguya ng beef na kalahok nito.

Tuwang-tuwang pinagmasdan ni Jem ang nobyo na noo'y abalang-abala sa pagkain.

"Miss! Can you please refill the soup? Thanks!" tuloy-tuloy na sabi ni Mark.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay natapos nang kumain ang magkasintahan. Napahimas sa tiyan si Mark na noo'y busog na busog sa tinanghalian.

"That's so astoundingly delicious!"

"See, I told you," ani Jem na tuwang-tuwa sa katipan.

"You never really fail me pagdating sa ganito, love. You're the best!"

"Bolero ka talaga, love," tudyo ni Jem. "Magpatunaw muna tayo ng kinain at pagkatapos ay ipapasyal kita sa Tagaytay." Ok sign lang ang isinagot ni Mark dahil medyo hirap pa siyang magsalita dahil sa kabusugan.

Lenoxx Hill Hospital
New York, New York

"Eight weeks pregnant? Are you serious, doctor?" Napatayo si Kian nang matapos sabihin ng doktora na walong linggong buntis si Sonia, taliwas sa nakita niya sa dokumentong ipinasa nito through IG na labing-apat na linggo na itong buntis. Nasa loob sila ng office ng assigned gynecologist ni Sonia.

Inayos ng naturang doktora ang salamin na suot at hinarap si Kian. "Yes, Mr. Egan. Based on her last menstruation, assessment, and evaluation, she is eight weeks pregnant."

Napasabunot si Kian sa buhok niya. Nagmadali siyang buksan ang Instagram App at tinungo ang DM conversation nila ni Sonia ilang araw lamang ang nakaraan. Nais niyang balikan ang attachment na s-in-end sa kaniya ng dating katipan tungkol sa pregnancy results nito.

Akma niyang bubuklatin ang naturang mensahe nang agawin ni Sonia ang cellphone ni Kian. Dali-dali nitong idinelete ang pagpapalitan nilang dalawa ng mensahe.

"Why did you do that? I am just confirming if what I have in my memory is right!" Halos pasigaw nang sabi ni Kian.

"Sit down and relax, Mr. Egan. What happened?"

"She showed me a verification of pregnancy letter. You're Dr. Morgan, right?"

Tumango ang doktora na nagtataka.

"Hey—" tangkang paggitna ni Sonia.

"Stop, Sonia." Kian glared to his former girlfriend. He glanced back to the doctor. "That letter states that she is fourteen weeks pregnant and that was undersigned by you so I believe that."

"W-Wait. So you're saying that she falsified the result?" Her eyebrows furrowed.

"No, doc—"

"Will you please shut up, Sonia?" gigil na sansala ni Kian.

Napayuko na lang ang dalaga. Halata sa itsura nito na hindi siya mapakali dahil makikita ang paglikot ng balikat nito.

"She can't be fourteen weeks pregnant with that small tummy, Mr. Egan. My log also tells that she just turned eight weeks." Bumaling ang doktor kay Sonia. "Ms. Williams, you're aware that what you did is illegal. I still don't know why you did that but I will let it pass. I won't press any charges. I hope this would be the last time you'll do that."

"Ahhhhhhhhh!"

Napasigaw si Sonia habang hawak ang puson.

"Oh my gosh! Mr. Egan, please carry her to the bed." Napatayong sabi ng doktora sabay tungo nito sa mga equipment.

"She's bleeding, Dr. Morgan!" histerikal na sabi ni Kian.

Napailing na lang ang doktora. Tinungo nito ang auditibo para tumawag sa nurses' station. Humihingi na ito ng back up.

Tagaytay City
Philippines

Kung saan-saan nakarating ang magkasintahang sina Jem at Mark. Napuntahan na nila ang Tagaytay Picnic Grove, Skyranch, Fantasy World, at People's Park in the Sky.

Ngayon nga ay hatinggabi na ngunit napagpasyahan nilang manatili pa rin dito para mag-bonding ng kaunti. Nasa Purple Owl Restaurant sila ngayon.

Ramdam na ramdam nila ang romantic ambience ng lugar na mas pinaigting pa ng rose petals sa sahig, white Christmas lights, heart-shaped pillows, and teddy bears. Ang set up kasi ng lugar ay nasa isang garden sila kaya kitang-kita nila ang bilog na buwan at ang mabituing kalangitan.

"Ang ganda naman dito, love. Pang-couple talaga." Inilibot ni Jem ang tingin sa restaurant. May mangilan-ngilan ding couples na naroon ngunit medyo may kalayuan sa kanila para na rin sa privacy.

"Pero mas maganda ka, love."

Halos mamilipit si Jem sa sobrang kilig. Para bang bumalik siya sa pagiging teenager.

"Puro ka banat, love. Umupo na tayo."

Mayamaya pa ay may dumating na waiter at naghain ito ng isang bowl ng appetizer na may lamang fresh fruits, mallows, macarons, at isang tasa ng melted chocolate. Di rin nagtagal ay isinerve na rin ang main dish na sweet and sour fish na in-order nila.

Nang makatapos sila ng pagkain ng dinner ay nagkuwentuhan sila habang nagpapatunaw ng mga kinain. Nakasandal si Jem sa dibdib ng nobyo habang nakatingin sa kalangitan. Samantala ay hinahaplos naman ni Mark ang buhok ng kaniyang nobya.

"I really love the scent of your hair, love. It suits you. You're hair is like a flower which I would never get tired to sniff. It's so fragrant!"

"Konti na lang talaga, iisipin kong may hihingiin kang pabor, love," napapangiting sabi ni Jem.

"Uy, wala ah. Masama bang purihin ang maganda at mabango kong girlfriend?"

"Baka masanay ako, love. Baka naman hanap-hanapin ko 'yan kapag itinigil mo 'yang compliments mo one day. Sabi nila, ganiyan daw ang mga lalaki. Pag sa una ma-effort, mabulaklak magsalita pero kapag nakuha na ang gusto, wala na. Titigil na."

"It will never happen. I'm doing that not because it is an obligation of a boyfriend. I am doing that kasi iyan ang isinisigaw ng puso ko. Promise ko 'yan. Hindi kita pagsasawaan."

Napahawak si Jem sa braso ng katipan at pinisil ito nang bahagya tanda ng pagpapasalamat.

Naagaw ang pansin nila nang may mga taong nagkukumpulan sa di-kalayuan sa kanila.

Napalingon sila roon para alamin ang nagaganap.

"I want to spend the rest of my lifetime with you. In front of your friends, my parents, and your parents. I want them to be the witness of my important proclamation my beloved, Jheca."

Lumuhod ang lalaki sa harap. Umalingawngaw ang impit na tili ng ilang kababaihan na naroon.

"Will you marry me?"

Kita ang galak sa mukha ng babae at walang alinlangan itong sumagot.

"Yes, Aaron. I will marry you!"

Nagpalakpakan ang mga nakasaksi sa isang importanteng ganap sa pagitan ng dalawa. Isa sa nakipalakpak ay si Jem na noo'y pinangingilidan na ng luha. Halatang carried away ito sa romantic proposal.

Seryosong nakatingin si Mark sa nobya.

Someday, I'd be the one to bend in one knee in front of you, asking for your hand in marriage. aniya na may kinapang maliit na kahon sa kaniyang bulsa.

Not now, but soon.

Isang tawag sa cellphone ang bumulabog sa kanila.

Analisa is calling.

"Bakla, bakit napatawag ka? Gabing-gabi na, ah? Ano? Ospital? Saan? Sige sige. Pupunta na kami. Ngayon na!" Pinatay ni Jem ang tawag at atubili siyang tumingin kay Mark.

"Love, it's emergency. Let's go back to Manila as quick as possible!"

Walang hininging paliwanag si Mark mula sa nobya. Kung ano man ang emergency na iyon ay malalaman din niya mayamaya. Ang tanging nasa isip niya ay ang makabalik silang dalawa sa kotse sa pinakamabilis na paraan.

Bistro Le Steak
New York, New York

Nasa corner ng isang restaurant sina Jodi at Kathryn. May nakahaing Surloin Steak sa harap nila. Jodi is almost halfway of her meal but Kathryn has not touch anything yet. Nanatili lang siyang nakatungo sa kaniyang kinauupuan. Halos maubos na ang luha niya dahil kanina pa siya iyak nang iyak.

"Girl, hindi mo pa nagagalaw 'yong food mo. Kumain ka na muna. It's my treat," ani Jodi na naghihiwa ng steak sa kaniyang plato.

Nagpunas ng luha si Kathryn na dumaloy sa kaniyang pisngi. Lumagok muna siya ng tubig na nasa lamesa. Pakiramdam niya ay na-dehydrate siya kaiiyak.

"Jodi."

Iniangat ng dalaga ang mukha. "Bakit?"

"B-Bakit mo ginagawa ito sa akin? You're so nice. I-I was expecting for you to be angry sa pagkikita natin. 'Yung Jodi na sasabunutan ako at sasampalin. But you reacted the opposite." Napatungo si Kathryn sa labis na hiya. "I ruined your relationship. You and Kian's relationship."

Napatigil sa pagkain si Jodi. Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at tinidor. Kinuha niya ang table napkin at idinampi ito sa kaniyang mga labi.

"Kathryn, it's been years and all the wounds have healed. You don't have to blame yourself for what happened." Lumapit siya kay Kathryn at tinabihan ito sa upuan. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. "I'd be honest. I really became angry towards you before kasi sarado pa ang utak ko. Pero makalipas ang ilang taon, nauunawaan ko na ang sitwasyon. Na you tried your best to avoid Kian para sa ikaliligaya ko. Hanggang sa punto na kailangan mong magsakripisyo at itago sa kaniya ang dalawang anak ninyo."

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn at napatigil siya sa paghikbi. Hinarap niya ang dating katipan ni Kian.

"A-Alam mo?"

Tumango si Jodi bilang pagsang-ayon.

"I knew it all along. Noong gabi na hindi umuwi si Kian sa hotel, nakita ko ang pictures ninyo sa Amanpulo. It really pained me a lot. A lot." Jodi sighed. "Kasi si Kian ang buhay ko. Sa kaniya lang ang mundo ko. Napatanong ako sa sarili ko na ganoon ba kalala ang kasalanan ko kay Kian sa pagtanggi sa kaniya sa inaalok niyang kasal? All I just wanted that time is to prepare myself emotionally, physically, and mentally bago ako umoo sa kaniya." Kita ang lungkot sa mga mata ng dalaga.

"At noon ngang pumunta siya sa Pilipinas, we lost communication for few weeks at doon ko rin napag-isip isip na gusto ko na ring umoo sa kaniya kahit 'di pa ako handa. I don't want to lose Kian that time."

"I fetched him at the airport pero ibang-iba na siya. Anlamig na ng pakikitungo niya sa akin. I thought that was still because of the rejection he had from me. B-But it's deeper than that pala. Kasi nahulog na siya sa iba." Tumingin si Jodi sa mga mata ni Kathryn.

"At sa iyo iyon, Kathryn."

"When I saw your pictures in Amanpulo, inggit na inggit ako. Kasi kitang-kita ko 'yung tinginan ninyo. I wouldn't deny that both of you are really in love in those pictures. Insecurity grew inside of me. Napatanong ako, ano ba ang kulang? May itsura naman ako, sexy naman ako. I'm also a performer when it comes to... to bed. Pero bakit sa 'yo nabaliw si Kian?" Pinisil ni Jodi ang kamay ni Kathryn. May isang butil ng luha na pumatak mula sa kanan niyang mata. Mabilis ang kamay ni Kathryn at agad iyong pinunasan.

"I hired a private detective. Everything has been documented. 'Yung paghihintay ni Kian sa cafe ng ilang oras. 'Yung pagsilip mo sa kaniya habang tinitikis mo 'yung damdamin mo na puntahan siya. 'Yung pagsuka mo sa mall. 'Yung pag-uwi mo sa probinsiya para magpakalayo-layo, ang pagsilang mo sa kambal, ang pagpapalit mo ng trabaho maiwasan lang si Kian. Lahat, alam ko."

Napatakip ng bibig si Kathryn gamit ang kaniyang kamay dahil sa nalaman.

"Totoo 'yon. B-But don't worry. I stopped the private investigation after Kian and I broke up."

"Nang nasa Ireland na kami, I was losing hope dahil sa sakit ko. Gusto ko na lang mamatay sa sakit na pinaghalong dulot ng kanser at sakit ng puso ko. Pero nangako si Kian na 'pag nagpagaling ako, pakakasalan niya ako... kahit kita ko sa mga mata niya na labag sa loob iyon."

"Pero wala akong pakialam, girl. Ang mahalaga sa akin that time e mapasaakin siyang muli. Nagpaka-selfish ako. Masaya pa nga ako noon kasi nakikiayon ka sa akin kasi ayaw mo ring ipakita ang mga anak ninyo kay Kian kaya sabi ko, mapapadali sa akin ang lahat. But I was wrong." Sunod-sunod na ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Jodi.

"Nang gumaling ako, kitang-kita ko kung gaano kabigat para sa kaniya ang gagawin niyang pagpapakasal sa akin. At that time, I decided to step back. Gusto ko nang magparaya sa inyo. Nagpakalayo-layo ako, dala-dala ang lihim mo tungkol sa kambal ninyong anak. Akala ko kasi, ipaglalaban ka na ni Kian so hinayaan ko na lang na siya mismo ang makatuklas sa kambal n'yo." Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Jodi. "Pero nagulat na lang ako na sila na ulit ni Sonia, six months after we broke up. I don't know why and how. Maski ako ay naguluhan din. Pero hindi na lang ako nakialam. Ibinaon ko na rin sa limot si Kian. And now, look at me, I'm healed."

"Don't get me wrong. Naiyak ako kasi naalala ko lang 'yung masasakit na alaala pero tanggap ko na ang nangyari sa amin ni Kian. I've moved on."

"I-I'm sorry Jodi if you feel that way. Alam kong sobrang sakit ng nangyari sa 'yo and I also take part of the reason why you were in pain. Patawarin mo ako." Humagulgol si Kathryn.

Kaagad yumakap si Jodi kay Kathryn habang tina-tap ang likod nito.

"It's fine.. It's fine. Haaay, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Kailangan lang pala natin magkaroon ng closure," saad ni Jodi na ngumiti sa kaharap. "You're forgiven. A-And I'm also sorry for my selfishness. Kung umamin na sana ako kay Kian noon na may kambal kayo e baka nakakapitong anak na kayo ngayon." Napahagikhik si Jodi.

"Loka ka!" Hinampas nito nang mahina si Jodi sa braso nito.

"Ay, close tayo?" Itinaas ni Jodi ang isang kilay nito habang nakatingin kay Kathryn. "Joke lang!" Tumawa ito dahil sa naging reaksiyon ni Kathryn.

Napatawa si Kathryn pero agad ding lumungkot ang itsura nito.

"Oh, why?"

"Si Sonia."

Iniharap ni Jodi si Kathryn sa kaniya habang hawak sa magkabilang balikat.

"Listen." Itinuon ni Kathryn ang atensiyon sa kaharap. "Duda rin ako sa malditang iyon kaya nag-hire ulit ako ng private investigator para siya naman ang pamanmanan ko."

"Oy, ang creepy mo ha?"

"Hindi naman. Gusto ko lang talaga malaman ang kulo ng babaeng iyon. Dami no'ng atraso sa akin, eh. So ganito na nga, nagkita kami ni Sonia sa isang mall dito sa baby's corner. Nagtaka pa nga ako kung ano ang ginagawa niya roon. Sabi nga niya e namimili raw ng gamit ng sanggol para sa anak nila ni Kian. Then noong paalis na ako, may nakasalubong akong isang lalaki na masama ang tingin sa akin. Nilampasan lang ako at dumiretso kay Sonia. Itong Sonia e takot na takot lalo pa noong makita niyang nakita ko silang magkasama. Na-curious ako kaya ayun, the rest is history. The child that she is carrying is not Kian's dahil hindi magkasama si Kian at si maldita nang mabuo ang bata kasi nasa tour si Kian. So, malaki pa ang chance na matuloy ang love story n'yo." Nakahalukipkip si Jodi habang itinataas ang parehong kilay.

"Do you mean..."

"Yes, na sayang lang ang iniyak mong luha kanina. Pinuntahan siya ni Kian dito sa New York kasi wala siyang ideya na hindi kaniya iyong bata. Pinapaako ni maldita 'yung bata kay Kian."

Napaawang ang bibig ni Kathryn. Doon na niya napagdugtong-dugtong ang lahat.

"Kaya tumayo ka na at gumawa ka ng eksena sa ospital. Ipamukha mo kay Sonia na hindi si Kian ang ama ng dinadala niya. Susunod ako tapos vi-video-han ko kayo. Puwedeng pangteleserye 'di ba?"

"Ikaw talaga, Jodi. Ang jologs mo rin pala 'no? Dapat pala e dati pa kita naka-close, eh!" nakangiting sabi ni Kathryn.

"Of course naman! Akala mo lang sopistikada ako pero kalog din ako 'no? O siya, gora ka na sa ospital. Dali!"

Akmang tatayo si Kathryn nang tumunog ang cellphone niya.

"Hello? Jem? Magmamadaling araw na riyan ah. Bakit ka napataw- Ano? Ospital? Isinugod? Kailan? Anong oras? Saang ospital? Dugo? Kailangan ng dugo? Sige. Kontakin n'yo na ang lahat ng blood bank diyan para makakuha ng dugo. Lilipad agad ako pauwi. Please, gawin n'yo ang lahat! Nagmamakaawa ako. O sige sige. Bye."

Nanginginig ang mga kamay ni Kathryn nang ibaba ang cellphone.

"What happened?" tanong ni Jodi na nag-alala rin sa na-overhear sa phone conversation.

"Si Kian John, ang anak ko, isinugod sa ospital. Na-dengue. Jodi, wala na akong panahon para komprontahin si Kian. Kailangan ko nang makauwi ngayon din!"

"O sige. Ako na ang bahala kay Kian. Mag-iingat ka. At sana gumaling na si Kian John." Mahigpit na nagyakapan ang dalawa at agad namang tumalilis si Kathryn. Malungkot siyang sinundan ng tingin ni Jodi hanggang makasakay ito ng cab.

***

Author's notes:

And yes, chapter 71 is finally published!May pasok pa ako sa work pero hindi ako natulog ma-publish lang ito. Ayan, si Jodi pala ang susi ng lahat. 😂

What can you say about this chapter?
Leave your comments below. :)

Announcement!
On-going po 'yong pa-give away ko ng tatlong Westlife caps. I-search n'yo lang sa Facebook 'yong #IllBeGiveAway para mapunta kayo sa mismong post. Basahing mabuti ang mechanics to qualify your answer. :) Game?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro