Chapter 70 - The Revelation
Matapos ang ilang oras na pagbiyahe ay nakauwi na sina Mark at Jem. Inabot na sila ng hatinggabi dahil nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang umalis na sila sa bahay ni Nanny Marcela. Maraming ikinuwento ang matanda sa kanila at ipinakita pa nga nito ang ilang album kung saan niya idinidikit ang news and magazine articles tungkol kay Mark. Nang gabi na ay nagpaalam na sila dahil bukod sa kailangan nang magpahinga ni Nanny Marcela ay kinailangan na ring makabalik nina Jem dahil may performance pa ang dalaga sa ASAP kinabukasan.
Pinagbuksan ni Mark ng pinto ng kotse ang nobya para makababa ito.
"Thank you, love."
Pagkasara ng pinto ay humarap siya kay Jem. Itinuon niya ang kaniyang kanang kamay sa nakasarang pinto kaya napasandal doon si Jem.
"No, I should be the one to thank you." Buong pagmamahal na tinitigan ni Mark ang kaniyang nobya na noo'y titig na titig sa kaniya.
Inilapit ni Mark ang mukha kay Jem at halos ilang sentimetro na lamang ang layo nila sa isa't isa. Sinalikop niya ang kamay ni Jem gamit ang kaniyang kaliwang kamay at marahang pinisil iyon.
"Thank you. I appreciate your effort for me to see Nanny Marcella. I can't describe how happy I feel right now. And that is because of you, love."
Umayos si Jem ng tayo at marahan niyang hinaplos ang pisngi ng kaniyang nobyo. Saglit niyang siniyasat ang bawat detalye ng mukha nito, from his high-arched eyebrows, to his sparkling blue eyes, sharp nose, and his rosy full lips.
Ah.. napakaguwapo mo talaga, Mark.
"I'd do everything for you. That is how much I love you."
Walang salita ang namutawi mula kay Mark. Bagkus, mas inilapit lang niya ang sarili sa nobya hanggang sa nararamdaman na nila ang paghinga ng bawat isa.
"M-Mark."
Ilang sandali pa ay magkalapat na ang kanilang mga labi na pinasimunuan ng binata. Pikit ang mga mata nilang ninanamnam ang bawat sandali, mga sandaling wala silang ibang ninanais kung hindi ang iparamdam ang pagmamahal nila sa isa't isa, sa ilalim ng ilaw na nagmumula sa sinag ng buwan.
Mga tatlumpung segundo ay kusa nang bumitiw ang kanilang mga labi ngunit hindi pa rin natigil ang pag-uusap ng kanilang mga mata, sapat na iyon para maiparamdam nila ang itinitibok ng kanilang mga puso.
"Tara na, love."
Tumango lamang si Jem at hawak-kamay silang pumasok ng bahay.
***
Nang muli niyang imulat ang mga mata ay namalayan niyang nasa Dublin Airport siya. Nagtataka man kung paano siya napapunta roon dahil ang alam niya ay nasa sala siya ng apartment ni Sonia ay ipinagkibit-balikat na lang niya iyon.
Napagdesisyunan niyang ihakbang ang mga paa, hindi niya alam kung saan siya tutungo. Maraming tao ang nakasalubong niya. Yaong iba ay kararating lang mula sa ibang lugar at ang iba ay pasakay pa lamang ng eroplano, paalis ng Dublin.
Luminga-linga siya. Pilit niyang inaaninag at kinikilala ang mga tao sa paligid niya ngunit hindi niya makita maging ang mukha ng mga ito. Tanging ang naririnig lamang niya ay ang mga pag-uusap ng mga iyon. Sinasabayan pa iyon ng ingay na nagmumula sa intercom, ingay na mula sa gulong ng mga maleta, at ingay ng yabag ng mga tao.
Naglakad siya nang naglakad hanggang sa namalayan niya na ang ingay na iyon ay pahina nang pahina, at ang mga tao sa paligid niya ay unti-unti nang nangawala. Unti-unti na ring binabalot ang kaniyang paligid ng karimlan hanggang sa namalayan niyang nag-iisa na lamang siya sa loob ng airport.
"Hello? Is anybody here?"
Imbes na kasagutan ay alingawngaw ng sarili niyang tinig ang kaniyang narinig.
Naglakad pa siya nang naglakad, na tanging ginagabayan lamang ng sinag ng buwan mula sa labas.
Hanggang sa may natanaw siya sa di-kalayuan. Tila ba mayroong bench na katabi ng isang ilaw ng poste at may nakita siyang silhoutte ng ilang tao.
Marahan siyang naglakad papunta roon at ilang hakbang na lamang siya nang magkaroon ng hugis ang mga taong iyon.
Nakita niyang umalis ang sa tingin niya ay pitong katao at ang natira na lamang ay ang isang babae. Hindi pa niya nakikilala kung sino iyon pero tila ba mayroong bagay na humampas sa dibdib niya dahil ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.
Umupo ang babae na maya't maya ang tingin sa relong tangan.
Kian, mahal ko. Nasaan ka na? Hihintayin kita...
Nagulat siya nang marinig niya iyon mula sa babae.
Kathy...
Sinubukang ihakbang ni Kian ang mga paa niya ngunit tila ba napako ito sa kaniyang kinatatayuan. Nakaramdam siya ng biglang pamamanhid sa binti na tila ba nagsemento noon sa kaniyang kinaroroonan.
Gusto niyang sumigaw ngunit umurong ang kaniyang dila sa lalamunan.
Kathy.. Nandito ako.
Mahal ko. Lumingon ka.
Wala siyang magawa kaya hinayaan lang niya ang sarili na panoorin ang ginagawa ni Kathryn. Sa tantiya niya ay inabot ng ilang oras ang pagmamasid niya sa mahal niyang kung ilang beses umupo, humiga, magparoon at parito sa harap ng bench na kinauupuan.
Hindi niya namamalayan na unti-unti nang pumapatak ang mga butil ng luha na kanina pa nagbabadyang umalpas sa kaniyang mga mata.
Mayamaya pa ay nakita niya ang kaniyang nobya na tuluyan nang natulog sa bench.
Biglang bumilis ang pangyayari, unti-unti na muling lumiwanag ang paligid at unti-unti na ring nagkakaroong muli ng tao. Nararamdaman na rin niya na naigagalaw na rin niya ang kaniyang namamanhid na paa.
Sa wakas, makalalapit na ako sa 'yo, mahal ko.
Nandito na ako. Dumating ako, mahal.
Akma niyang ihahakbang ang mga paa nang biglang may kumapit nang malakas sa kaniyang braso. Sa sobrang lakas nito ay tila ba kahit ilang lalaki ay hindi kakayaning labanan ang pwersa nito.
Nilingon niya kung sino ang may kapit sa kaniya.
"Sonia?"
Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"Akin ka lang, Kian. Akin ka lang!" Walang ano-ano'y namalayan na lang niya na kinakaladkad na siya ng babae papalayo sa minamahal niya.
"Kathy! Mahal ko! M-Mahal!"
"Ahhhhhhhhh!"
Nagising mula sa isang panaginip ang noo'y natutulog na si Kian. Namalayan na lang niya na nasa lapag siya, tanda na nalaglag siya mula sa sofang tinutulugan. Tagaktak ang kaniyang pawis sa mukha maging sa kaniyang katawan.
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Sonia na humangos mula sa kuwarto. Dinaluhan niya si Kian na nakahiga pa rin sa sahig. Tangka niyang hahawakan si Kian sa braso nang napapitlag ito.
"H-Huwag mo akong hawakan." Umatras si Kian habang hawak ang braso na muntikan nang madampian ni Sonia.
Napatawa ang kaniyang dating katipan.
"Hon, you're so weird."
Napahawak si Kian sa dibdib habang habol-habol ang kaniyang paghinga. Tinungo niya ang ref at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.
Panaginip lang ang lahat.
Pero parang totoo.
Tiningnan lang niya si Sonia na noo'y naiwan sa sala. Tandang-tanda pa niya ang ginawa nito sa kaniyang panaginip.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya.
"Maghanda ka na. Maaga tayong pupunta sa doktor mo."
"S-Sige."
Umiling-iling lang siya at pumasok na sa banyo. Nang wala na ang lahat ng saplot sa kaniyang katawan ay binuksan na niya ang shower. Pinili niya ang 'hot' at lumabas mula roon ang mainit na tubig.
Nanatili lamang siyang nakatayo roon at nakatingala habang sinasalo ang tubig.
Muling nagbalik sa kaniyang alaala ang senaryo sa kaniyang panaginip kanina. Ang pagpapaiwan ni Kathy sa mga taong sa tingin niya ay ang lads at ang mga kaibigan nito.
Ang paghihintay nito sa kaniya na hindi naman darating kasi nasa eroplano na siya papuntang America.
It pains him... so much.
And it kills him.
Patawarin mo ako, mahal.
Gagawin ko ang lahat para maayos ito.
Ayokong mabuhay nang wala ka sa piling ko.
Pero ayaw ko rin naman na masaya nga tayo ngunit may isang walang kamuwang-muwang na bata na mawawalan ng buhay dahil mas pinili ng kaniyang ama ang sarili niyang kaligayahan.
I-I'm sorry.
Naramdaman niya na may bumara na pala sa lalamunan niya. Hindi niya namalayan na may mga luha na palang sumasabay sa pag-agos ng tubig na lumalagaslas mula sa shower.
Gagawin ko ang lahat para maayos ito.
***
Alas otso ng umaga ay binabagtas na ni Kathryn ang kahabaan ng Park Avenue. Medyo tinanghali na rin siya ng gising dahil napasarap ang tulog niya, marahil ay dahil sa pinagsamang pagod niya sa biyahe mula Ireland at sa pagod sa paghahanap kay Kian sa kalakhang New York.
Mahal, mapapagod ang katawan kong hanapin ka pero hindi ang puso ko. determinadong sabi ni Kathryn sa kaniyang sarili.
Sandali siyang tumigil para kuhanin cellphone. Kailangan niya ng pampalakas ng loob.
Kian John.. Keanna.. Hahanapin ni Mommy si Daddy, okay?
Dinampian niya ng halik ang larawan ng kaniyang mga anak. Mas naging pursigido siyang hanapin ang kaniyang nobyo. She has to find him whatever it takes.
Akma niyang ibubulsa ang cellphone nang may humablot nito. Nakita na lamang niya ang pagtakbo ng snatcher papalayo.
"Hey! My phone!"
May isang lalaki na naalarma sa kaniyang pagsigaw. Nahinuha agad nito ang pagkaka-snatch ng cellphone ng dalaga nang sundan nito ng tingin ang tumatakbong lalaki.
Walang sinayang na sandali ang lalaki. Hinabol nito ang snatcher.
Sumunod naman si Kathryn sa lalaki at mayamaya pa ay nakita niyang ipinoposas na nito ang lalaking humablot ng kaniyang cellphone.
"Let me go! Let me go!" sigaw ng snatcher.
"Where's the phone?"
"H-Here! Just let me go!"
"No. I'm gonna send you to the jail," saad ng lalaki na sa hinuha ni Kathryn ay isa palang US police. Hindi niya nahalata ito noong una dahil mukhang off-duty ito kasi nakapangsibilyan lamang. Nakatalikod ang lalaki sa kaniya kaya hindi niya pa nakikita ang mukha nito.
May tinawagan ito at mayamaya pa ay may dumating na patrol car na lulan ang dalawang unipormadong pulis.
"We'll take care of this, bud," ani ng isang pulis.
"Thanks, bud." Tinanaw lang nito ang patrol car na paalis sakay ang mga kasamahan at ang snatcher.
"Sir, I am the owner of the phone."
Napalingon ang pulis sa nagsalita. Napakunot ang noo nito dahil kinikilala niya ang babae.
"Liam?/Kathryn?"
"Oh my gosh. Ikaw nga!" bulalas ni Kathryn. "Pulis ka na?"
"Oo." Nakangiting nilapitan ng lalaki ang dalaga na matagal na niyang hindi nakita. Binigyan niya ito ng sandaling yakap bilang pagbati sa muli nilang pagkikita. "Magkumustahan naman tayo kahit sandali lang. Siguro naman, puwede nang matuloy iyong iniaalok kong coffee noon?" biro pa nito.
Napahagikhik si Kathryn sa tinuran ng kakilala. "Oo naman! Tara? My treat?"
"I insist. My treat!"
"Okay. Tara!"
***
"How are you? Paano ka naging pulis?"
"Noong huli tayong magkita ay nag-resign na rin ako. Pangarap ko rin talaga na magpulis kaya matagal ko nang pinag-iisipan kung ipu-pursue ko ba ito o hindi."
"Oh, bakit natagalan naman 'yung pagdedesisyon mo? Pag pangarap, push dapat agad 'yan. Hindi na 'yan pinag-iisipan pa."
"That is because... I want to pursue someone that time." Napatingin si Liam sa kaniya. "Sabi ko sa sarili ko, susubukin ko na ligawan siya at 'pag wala akong pag-asa, that is a sign na kailangan kong i-pursue 'yong pangarap ko rito sa America."
Humigop ng kape si Kathryn. "And I guess, hindi ka sinagot no'ng niligawan mo?"
"Naku, hindi pa nga man lang ako nakapanliligaw nang pormal e basted agad. Ilang beses ko siyang inayang magkape noon pero lagi akong natatanggihan. Nang pumayag naman ay may sumundo namang boyfriend," tatawa-tawang sabi ni Liam.
Napatawa rin naman si Kathryn dahil doon.
"Oh see, dahil doon e nandiyan ka na sa kalagayan mo ngayon. You have to thank her boyfriend kasi nai-pursue mo 'yong dream mo." Binigyan niya ng diin ang salitang boyfriend.
"You know what? I think I should," dagdag pa nito na napapatawa pa rin. "Oh by the way, here's your phone."
Kinuha ni Liam ang cellphone ng dalaga. Aktong ibibigay niya na ito nang sa 'di sinasadya ay nakita nito ang wallpaper ng phone niya.
"Mga anak mo?"
Isang tango ang isinagot ni Kathryn sa kausap.
"I see." Sumeryoso ang mukha nito ngunit kaagad din namang napalitan ito ng isang ngiti. "I am happy for you."
"Thank you, Liam." Napatingin siya sa relong-pambisig. "Oh sige na, I hate to say this but I need to say goodbye for now. Gusto pa sana kitang makakuwentuhan nang matagal pero may pupuntahan pa ako."
"Sige. It's really nice talking to you again, Kathryn."
"I'm feeling the same, Liam." Nagpalitan sila ng numero at Facebook account bago sila naghiwalay ng landas.
***
Pasado alas nuwebe y medya na nang ituloy niyang muli ang misyon sa paghahanap kay Kian.
Napadpad siya ng kaniyang mga paa sa Central Park. Katulad ng kaniyang inaasahan ay napakarami pa ring tao room ngunit 'di niya iyon alintana. Mas umagaw ng kaniyang pansin ang mga bulaklak na namumukadkad at mga punong unti-unti nang nagkakaroon ng dahon. Ang senaryong iyon ang 'di maikakailang nagbigay sa kaniya ng kapayapaan at sigla sa kaniyang damdamin.
Ilang saglit lang ang itinagal niya roon at muli niyang itinuloy ang paglalakad.
Muli siyang dinala ng mga paa sa Park Avenue kung saan siya nagmula kanina. Dire-diretso lang siyang naglakad kahit wala siyang kongkretong patutunguhan.
"Hi! How are you doin'?"
"Great! Hope you are!"
Ilang New Yorker na nakakasalubong niya ang nakabatian niya. Normal kasi sa America ang gano'n.
Nakararamdam na siya ng pangangalay sa paa kaya sandali muna siyang tumigil. Inilibot niya ang tingin at nakita niya ang malaking sign board na may nakalagay na Lenox Hill Hospital.
Ah, nasa may tapat pala ako ng ospital.
Pasimple niyang ini-stretch ang binti nang agawin ang atensiyon niya ng isang blue Ford Fusion Hybrid Car na pumarada sa labas ng Lenox Hill Hospital. Hindi niya alam pero sinundan niya ng tingin iyon.
Mayamaya pa ay iniluwa noon ang isang pamilyar na bulto ng katawan.
Hindi ako maaaring magkamali.
Si Kian iyon.
Dagli niyang tinawid ang pedestrian lane. Mabuti na lamang ay saktong pinatatawid ang mga tao kaya nakatigil ang mga sasakyan.
Mabilis ang tibok ng kaniyang puso. May ilan siyang nakabangga ngunit agad din siyang humingi ng tawad. Ang mahalaga ay makarating siya sa lalaking sinisinta niya... ang taong tanging itinitibok ng kaniyang puso.
Halos sampung hakbang na lamang ang layo niya kay Kian nang ikinagulat niya ang paglabas ng isa pang tao mula sa sasakyan.
Si Sonia.
Kitang-kita niya ang pag-alalay ni Kian sa paglabas nito. Naguguluhan man siya kung bakit kinailangan pang gawin iyon ni Kian ay nagkaroon na rin ito ng linaw sa kaniya.
Kita niya ang paghawak ni Sonia sa tiyan. Nang kilatisin ni Kathryn ay napansin niya ang maliit na umbok, na alam niyang hindi lang dulot ng labis na pagkain.
B-Buntis si Sonia?
Parang sinampal ng ilang daang tao si Kathryn. Reality hits her.
Na wala talagang balak dumating si Kian noong gabing nasa airport siya.
Na kaya pala hindi sumipot ang binata e pumunta ito sa New York para daluhan si Sonia.
Si Sonia na nagdadalang-tao.
Na ipinagbubuntis ang kanilang anak.
Hindi man lang nagbigay-hudyat ang mga luha ng dalaga dahil bumalong agad iyon sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ay pinagpirapiraso sa isang milyong bahagi ang kaniyang puso.
Durog na durog siya.
Kung nakikita lang niya ang puso niya sa pagkakataong iyon ay makikita niya ang pagdurugo nito.
Wala na siyang pakialam sa mga taong nakakakita sa kaniya.
Hinang-hina ang kaniyang pakiramdam kaya napaluhod siya sa daan. Pinagtitinginan man siya ng mga tao ngunit wala siyang pakialam. Ang gusto niya lamang ay maiiyak niya ang sakit na nararamdaman.
Sinapo niya ang mukha gamit ang mga kamay at hinayaan niyang saluhin ang mga luha niya gamit ang kaniyang mga palad.
Nanatili lang siya roon na tigmak ng luha ang kaniyang mga mata.
Isang mahinang tapik ang sandaling nagpatigil sa kaniya.
"I think you need a hanky."
"J-Jodi?"
***
Author’s Notes:
Hi, guys! Una sa lahat, sorry kung medyo malungkot itong chapter. Medyo emosyonal ako ngayon that is why I needed to deactivate my FB for a while. Sumakto naman sa emosyon ng characters dito sa chapter na ito. :(
But I know, I'll be okay din naman. (Dulot ba ng quarantine ito? LOL)
Thank you for supporting me. Yieeeh. Malapit na talaga itong matapos. Konting tipa na lang. :'( Baka isa rin ito sa reasons kaya sobrang lungkot ko. 💔
By the way, happy 20,000 reads! Sobrang napapasaya ninyo ako sa suporta n’,yo. Thank you so much. 😭
Ita-type ko na 'yung next chapter. Nagkaharap na sina Jodi at Kathy. Ano kaya ang meron? 🤔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro