Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 67 - Wait For You

Stanley Unit
New York, New York

Pangiti-ngiti si Sonia habang nakaupo sa swivel chair sa loob ng kuwarto niya.

Kaydali mo palang hawakan sa leeg, Kian.

Sa oras na ikasal tayo, wala ka nang kawala.

Isang malademonyong tawa ang pinakawalan niya. Tiningnan niya ang tiyan at hinimas iyon.

Baby, you're gonna meet your daddy soon.

Isang pagkatok ang nagpatigil sa kaniya sa ginagawa.

Binuksan niya ang pinto. Sumama ang itsura niya nang makita kung sino ang bumungad sa kaniya.

Si Brandon.

"Good morning, baby!"

"Nothing's good in the morning. Get the f-ck out of my apartment.. now!" Akmang isasara ni Sonia ang pinto ngunit napigilan iyon ng matipunong braso ni Brandon. Tuluyan na itong nakapasok sa apartment.

"Try harder, baby," nakangising sabi ni Brandon. Diniretso na nito ang kitchen para ipatong ang mga pinamiling grocery. May maternity milk, prutas, gulay, at mayroon ding baby book.

"I'll call the police," may pagbabanta sa tinig ni Sonia.

"No need. I'm gonna go out immediately. I just passed by to bring some healthy goodies for you and our baby."

"My baby alone." Binigyang-diin ni Sonia ang salitang alone. "Now, get out. It pisses me off just by seeing your face!"

Akmang hahalik si Brandon ngunit napigilan agad siya ni Sonia. Natatawa lang ang binata at pagkatapos ay tuluyan na niyang nilisan ang apartment ni Sonia. Kinindatan muna siya ng lalaki bago lumabas ng pinto, na nakapagpanindig ng mga balahibo niya.

Napasalampak si Sonia sa upuan. Sinapo niya ang noo at napabuntong-hininga.

Sa oras na makarating si Kian dito, lilipat agad kami ng apartment para hindi na ako gambalain ng Brandon na 'yun.

Egan's Mansion

Lugmok pa rin si Kian sa isang sulok ng kaniyang kuwarto. Gulong-gulo na siya. It is a matter between the woman he truly loves and the unborn child of him that his former girlfriend is carrying.

Napasabunot si Kian sa ulo. Naalala niyang muli ang pag-uusap nila ng dating nobya kanina lamang.

Napakatuso ni Sonia. She knows how to play the game dahil kaya niyang magpaikot ng tao. Ikinagagalit ni Kian ang paggamit nito sa walang kamuwang-muwang na bata sa sinapupunan. Anong klaseng ina siya para makayanang sabihin na ipalaglag ang bata sa oras na 'di niya makuha ang gusto niya?

Napasuntok si Kian sa pader dahil hindi na niya makayanan ang pinagdaraanan niya. Nagdugo ang kamao niya ngunit hindi niya iyon ininda. Hingal na hingal siyang muling umupo. May mga luha nang nag-uunahan umalpas sa mga mata niya sa pagkakataong iyon.

All of a sudden, he remembered what he and Kathryn talked about the other night.

"Mahal?"

"Yes, mahal?"

"Puwede ba akong humingi ng payo?"

"Payo? Oo naman. Hindi mo lang ako nobyo. Puwede mo rin akong maging kaibigan na handang makinig sa 'yo at magbigay ng payo. Tungkol ba 'yun saan, mahal?"

Bumuntong-hininga siya at hinugot niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya sa dibdib at sinimulan na niyang magsalaysay.

"Mahal, I have a friend kasing babae. May taong mahal na mahal siya. Mahal din naman siya noong lalaki. Isang araw, may nakilala 'yung lalaki na isang babae at iyong babaeng iyon ay minahal din siya. Isang araw, may nangyari doon sa lalaki at doon sa babaeng kararating lang sa buhay niya at lingid sa kaalaman ng lalaki ay nabuntis iyong babae. Halimbawa Mahal, kung ikaw iyong lalaki tapos nalaman mong may nabuntis ka. Sino ang pipiliin mo, iyong kaibigan ko na girlfriend mo o iyong babaeng bagong dating sa buhay mo?"

Hindi kaya mayroong ideya si Kathy sa pagdadalang-tao ni Sonia kaya idinaan niya sa paghingi ng payo ang sitwasyon ko ngayon?

Sinusubok lang ba ako ni Kathy?

Pero hindi e, ibang-iba naman kasi ang sitwasyon. Ibang-iba.

"Naku, mahal. Parang ang komplikado naman ng sitwasyon ng boyfriend ng kaibigan mo. Pero sige, sasagutin ko iyan."

"Kunwari ako iyong lalaki ha? Kunwari lang. Pipiliin ko iyong babaeng bagong dating sa buhay ko. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi kung mahal ko talaga 'yung girlfriend ko, hindi na ako titingin sa ibang babae. The fact na tumingin ako sa ibang babae at nabuntis ko pa nga ay dapat kong mas piliin iyong nabuntis ko lalo pa kung boluntaryo ko namang ginawa iyon. At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko."

At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko.

At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko.

At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko.

Umalingawngaw sa isip ni Kian ang huling bahagi ng kaniyang sinabi.

Fudge. Ang dali lang magpayo pero 'pag ikaw na ang nasa sitwasyon, ang hirap-hirap palang magdesisyon.

Dublin Airport

Dahil sa excitement na makauwi sa Pilipinas ay nasa Dublin Airport na ang magkakaibigan, tatlong oras bago ang itinakdang flight.

Matapos ang isang oras ay siya namang pagdating nina Brian, Mark, Shane, at Nicky.

"Are you excited, love?" tanong ni Jem sa nobyo.

"Of course, love. I can't wait to become your stage boyfriend who'd clap before, during, and after your performance," sagot ni Mark.

Napangiti si Jem. Sumandal siya sa dibdib ng nobyo.

Panay naman ang tingin ni Kathryn sa relong suot pati sa cellphone.

"Wala pa si Kian, ah. Sunduin ko na kaya?" alok ni Nicky.

Bumaling sa kaniya si Kathryn. "Wag na, Nicky. Sabi niya kagabi, darating siya. Chill lang kayo." Sa loob-loob niya ay medyo nakararamdam na rin siya ng pagkabalisa ngunit hindi lamang niya pinapahalata.

"Weird. Hindi naman nagpapahuli nang ganito 'yun. Palagi pa ngang nauuna 'yun sa airport kapag may flight kami," ani Shane.

Nagtanguan ang lads bilang pagsang-ayon.

"Kalma lang kayo. Sabi nga niya 'di ba na may dadaanan pa siya sa Dublin? Baka natagalan lang nang kaunti roon," nakangiting saad ni Kathryn.

Samantala, sa malayo ay may isang taong nakamasid kanina pa.

Si Kian.

Alas siyete pa lamang ng gabi ay nasa airport na siya. Nasa isang kubling sulok lamang siya. Kanina pa niya tinatanaw ang mga kasama na hinihintay siya.

***

Apatnapu at limang minuto bago mag-alas diyes ng gabi

Nakatingin si Kian sa dalawang boarding pass na hawak. Isang patungo sa Pilipinas at isang papuntang Amerika. Kailangan niyang mamili ng isa.

"We need to get in now. Let's go," pangyayakag ni Analisa sa mga kasama..

"Umuna na kayo guys, hihintayin ko pa si Kian. Siguradong darating 'yun," ani Kathryn na puno ng pag-asa sa mukha.

Darating si Kian.. alam kong darating siya.

"Bakla, baka mahuli ka. Dapat naka-board na tayo ngayon pa lang," saad ni Mae.

"Okay lang. Eh, 'di kapag hindi kami naka-board, I'll reschedule our flight. I can't leave Kian, bakla. I told him that I'll wait for him."

Nagkatinginan ang lads at ang mga kaibigan ni Kathryn.

"Sige, mauuna na kami ha? Here's a spare key of my house in case you need to stay there. Sumunod kayo ha?" ani Mae sabay hagis ng susi sa kaibigan.

"Oo naman. Mauna na kayo. Baka kapag hindi kayo nakasakay e ako pa ang masisi ninyo. Go na."

"See you around, Kathy!" pamamaalam ni Brian.

"Bye!"

Kumaway-kaway si Kathryn sa mga kaibigan. Nang mawala sa paningin niya ang mga ito ay umupo siyang muli sa bench na kinauupuan nila kanina.

Ngayon ay mag-isa na lang siya. Ramdam na niya ang lamig ng gabi kung kaya ay hinalukipkip niya ang sarili sa suot na jacket habang pinagkikiskisan ang mga kamay para makadama ng init.

Sa isang dako ay nanatili pa ring nakamasid si Kian at nakita niyang mag-isa na lamang si Kathryn. Malamang sa malamang ay hinihintay siya nito.

Tila may balaraw na sumasaksak sa puso niya habang nakatingin sa minamahal. Hanggang ngayon pa rin ay naguguluhan siya. Naguguluhan kung ano bang desisyon ang pipiliin niya. Gustuhin man niyang lapitan ang nobya ay pinipigilan niya ang sarili dahil paniguradong bubugso ang damdamin niya. Alam niya na sa oras na magharap sila ng nobya ay hindi na siya makatatalikod pang muli.

Kapag pinili niya si Kathryn, buhay ng isang bata na dugo at laman niya ang mawawala.

Kapag pinili niya ang bata, mawawala na sa kaniya si Kathryn dahil kailangan niyang pakasalan si Sonia.

At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko.

At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko.

At isa pa, kung ako iyong lalaki ay ayaw ko namang lumaking walang ama 'yung magiging anak ko.

Muli na namang umalingawngaw sa kaniyang isip ang mga sinabi niyang iyon.

Napasandal siya sa dingding at hindi na niya napigilan pang muli ang pagpatak ng luha.

Napatingin siyang muli sa boarding pass na parehas ang departure time. Ten o'clock in the evening.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Ngayon ay alam na niya kung anong flight ang sasakyan niya.

May bigat ang bawat hakbang na tinungo niya ang gate patungo sa flight na napili niya.

***

Nakatingala si Kathryn habang nakamasid sa dalawang eroplano na kaaalis lang ng airport. Limang minuto na ang nakaraan makalipas ang alas diyes.

Malamang sa malamang, isa roon ang eroplano na sasakyan ko sana.. ang eroplano kung nasaan ang mga kaibigan ko.

I strongly believe that Kian didn't ditch me. I know he has a reason why he's still not here. I am his girlfriend at kailangan kong lawakan ang pag-unawa ko.

Kinuha ni Kathryn ang cellphone. Sinubukan niyang kontakin si Kian.

The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Tiningnan niya ang social media accounts ni Kian. Active 11 minutes ago ang nobyo, bagay na ikinakunot ng noo niya. Hinayaan na lamang niya iyon dahil mas nanaig sa kaniya ang pag-aalala sa kasintahan.

Ilang oras pa ang dumaan ngunit wala pa ring Kian na dumarating. Gustuhin man niyang puntahan ito sa mansion ay hindi niya magawa dahil baka magkasalisi sila lalo pa at hindi nakabukas ang cellphone ng binata.

Maghihintay ako, Kian.

Ilang oras pa ang nakalipas, alas sais na sa Dublin ay nagising siya ng mahinang pagtapik sa balikat. Nakatulog pala siya.

"Ma'am, do you need some help?" ani ng isang lalaki na sa wari niya ay isang security officer sa naturang airport.

Umiling si Kathryn. "I-I'm just waiting for my seven 'oclock flight," pagdadahilan niya.

Tumango lamang ang security officer at kaagad ding umalis.

Kinusot ni Kathryn ang mga mata na sinabayan ng paghikab. Halos labing-isang oras na pala siya sa airport.

Nilukob na naman siya ng kalungkutan nang maalala niya kumbakit naroon pa rin siya, nag-iisa.

Malapit na akong maniwala na sinadya talaga ni Kian ang hindi niya pagsipot.

G-Gumanti kaya siya sa ginawa ko sa kaniya tatlong taon na ang nakaraan?

Na lahat ng ipinakita niya sa akin nitong nakaraang araw ay pawang pagpapanggap lamang?

Na kaya niya ako pinaibig e para magawa niya akong saktan nang maramdaman ko rin ang sakit na naranasan niya nang iwan ko siya nang walang dahilan?

H-Hindi.

Alam na alam kong tunay ang lahat ng ipinadama niya sa akin. I can see in his eyes that his love is genuine.

Pinahid ni Kathryn ang luhang rumagasa sa kaniyang pisngi. She has to stop herself from thinking about unsupported assumptions.

Tumayo na siya. Nakapagdesisyon na siyang puntahan si Kian sa mansion nila.

Nag-book siya ng SPSV o small public service vehicle kung tawagin sa Ireland. Mayamaya pa ay lulan na siya nito pabalik sa Beaumont.

***

"Magandang umaga po."

Napatigil si Patricia sa pagdidilig ng halaman sa garden nang marinig niya ang pagtawag mula sa gate. Nagliwanag ang mukha ng ginang nang makilala kung sino ang naroon.

"Kathy!" Dagling pumunta si Patricia sa gate para pagbuksan ang dalaga. "Pasok ka."

"Salamat po. Nandito po ba si Kian, Tita?"

Napaawang ang bibig ni Patricia sa tanong ng nobya ng anak.

"Teka. Ang paalam ni Kian sa akin e papunta raw sila sa Pilipinas para ihatid ka." Napakunot ang noo ng ginang. "Tumawag siya sa akin kagabi. Aba'y papunta raw siya sa New York."

Napahigpit ang hawak ni Kathryn sa suot na jacket. "N-New York po?"

Tumango si Patricia. "Wala naman siyang nabanggit kung anong gagawin niya roon. Pero.." Mataman na tiningnan muna siya ng ina ni Kian bago ituloy ang balak nitong sabihin. ".. sa pagkakaalam ko ay tagaroon si Sonia."

Napatakip ng kamay sa bibig si Kathryn. Sari-sari ang naiisip niya ng mga oras na iyon. Nagbabadya rin ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Are you okay, hija?"

Tumango lamang siya ngunit agad itong pinasinungalingan ng mga luhang tuluyang bumasa sa pisngi niya. Hindi na niya napigilan pa ang pagluha sa harap ng ina ng kaniyang nobyo.

Buong pag-aalala na pinunasan ni Patricia ang mga luha ng dalaga. Iginiya niya ito patungo sa loob ng sala nila.

"Tahan na, Kathy," pang-aalo ni Patricia sa dalaga na nakayakap na sa kaniya. Nasa couch na sila sa living room.

"Tita, sana ay mali ang naiisip ko," hagulgol na saad ni Kathryn.

"Alam kong may malalim na dahilan si Kian kaya niya nagawa iyon. Sana bigyan mo siya ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Alam kong mahal ka niya."

"Sana nga po, tita. S-Salamat po," ani ng dalaga sa pagitan ng mga hikbi. Mahigpit siyang yumakap pabalik kay Patricia. Kailangang-kailangan niya ng balikat na masasandalan at maiiyakan.

Mayamaya pa ay nagsipagbabaan na rin ang mga kapatid ni Kian gayon din ang ama ni Kian.

Oras na siguro para malaman nila ang lihim na matagal na niyang itinatago.

"M-May aaminin po ako."

•••

Author's Notes:

Yey! Himala ah? Araw-araw na akong nag-a-update? Ending is real na talaga. 😭

Heto na ang revelations. Waaaaah. Please let me know what do you think about this chapter?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro