Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 66 - The Decision

Egan's Mansion

Binuksan ni Kian ang pinto ng kaniyang kuwarto. Pagkapasok niya ay ini-on niya ang switch ng ilaw at dumiretso siya agad sa kaniyang closet.

Nakaramdam man siya ng pagod ngunit hindi niya iyon inalintana dahil sa excitement niyang makabalik muli sa Pilipinas. Napapangiti na lamang siya sa pagkasabik na maipakilala ang sarili sa mga magulang ng kaniyang nobya.

Nasabi na sa kaniya ni Kathryn na kilala na siya ng mga magulang ng dalaga bilang Westlife member. Sa pagkakataong ito, gusto niyang ipakilala ang sarili bilang nobyo na handang pakasalan ang kanilang anak anumang oras kung papayagan man ng pagkakataon.

Kinuha niya ang isang maliit na box sa bulsa ng kaniyang coat. Napangiti siya nang binuksan niya iyon. Inaalala niya ang mga tagpo mula sa panahong magkausap sila ng nobya sa telepono noong isang gabi.

"Ba mhaith liom tú a phósadh lá éigin. Ba mhaith liom an chuid eile de mo shaol a chaitheamh leat le mo thaobh."

"Huh? Ano raw?"

"Secret," natatawang sabi ni Kian.

"Lah, ano nga iyon? Mamaya e minumura mo na pala ako nang 'di ko namamalayan," kunwa'y tampong sabi ni Kathryn.

"Hindi kita minura. Alam mo namang mahal na mahal kita."

Hindi niya naitago ang kilig sa narinig mula sa nobyo. Bawat linyang binibitiwan nito ay talagang nagdudulot ng kilig sa kaniyang sistema.

"You'll know soon, mahal. For now, that's my little secret."

"Okay, fine. Ang daya," ani Kathryn.

Ba mhaith liom tú a phósadh lá éigin. Ba mhaith liom an chuid eile de mo shaol a chaitheamh leat le mo thaobh.

Napangiti si Kian habang naaalala ang mga salitang iyon na hango sa Irish Gaelic language.

Napangiti si Kian dahil doon.

He phoned Mark.

"Bro, where are you?"

"I'm in the hospital with Jem, bro. Why?"

"Ohh. Can you accompany me later? Gonna buy something for Kathy."

"Sure, bro. I will call you once we're done."

Makalipas ang dalawang oras ay tinawagan na siya ni Mark. Nagkita sila sa Grafton Street.

"Saan tayo, bro?"

"Rocks Jewellers."

"Ano sa tingin mo ang pinakamaganda sa mga 'yan?" tanong Kian kay Mark. Nakatingin sila sa mga singsing na naka-display.

"Eto." Mark pointed out a round brilliant diamond solitaire ring on the left side.

"Magugustuhan niya ito." Bumaling si Kian sa nagbabantay ng shop. "Miss, how much is this?"

"€439.00, Mr. Egan," nakangiting sabi ng babae.

"Okay, I'll take it."

Natapos na ang pagbabalik-tanaw ni Kian. Muli niyang isinilid ang box sa coat.

I want to ask for her hand in front of her parents.

I want her to bear my last name for a lifetime.

I want her to be my Mrs. Egan.. and I am sure about it.

Napapangiti siya habang iniisip iyon.

Mayamaya pa ay nakapaggayak na siya at matapos noon ay nilundag na niya ang kama na ang tanging suot ay boxers na pantulog.

Kinuha muna niya ang phone sa bedside table na matagal ding nakapatay. Balak muna niyang buksan iyon para makapag-alarm. Ayaw niyang tanghaliin ng gising lalo pa at may gagawin pa siya sa Dublin. Mamimili siya ng pasalubong para sa pamilya ni Kathryn.

Nakapag-set na siya ng alarm. Sunod-sunod na notifications ang natanggap niya sa kaniyang social media accounts. Sanay naman na siya roon.

Babalewalain na lang sana niya ang mga nasa notification na lumalabas nang may isang pumukaw sa kaniyang pansin.

@futuremrsegan requests to send you a message.

Na-curious siya kaya pinindot niya ang message para mapunta sa main inbox niya.

Kian, it's me Sonia. I hope you get this message as soon as possible. We need to talk. I'll call you via phone.

ANSWER THIS GODDAMN MESSAGE. YOU'LL REGRET IF YOU DON'T!

"What is this girl thinking about? Tapos na ang lahat sa amin!" nagngingitngit na sabi ni Kian.

Ni-reply-an niya ang mensahe. "What do you want?"

Hindi naglipas-saglit ay nakatanggap siya ng response. 

Unblock me. I'll discuss it via phone.

Inalis ni Kian sa block list ang dating kasintahan. Tinawagan niya ito agad.

"Now what?"

"You've answered! How are you, hon? I missed you," sinadyang lambingan ni Sonia ang boses habang nagsasalita.

"I don't have enough time to fool around, Sonia. Papatawagin mo ba ako para lang diyan?" may bahid na inis sa boses na nasabi ni Kian.

"Of course not." Tumikhim ang nasa kabilang linya. "As I mentioned, I want to tell you something important."

Nanatiling nakikinig lamang si Kian.

Nagpatuloy si Sonia. "Buntis ako at ikaw ang ama."

Tila ba uminog ang kapaligiran at nagpantig ang mga tainga ni Kian dahil sa narinig.

"B-Buntis? Hindi magandang biro 'yan, Sonia!"

"Do I sound like I'm joking? Okay, I'll send you my results." Natahimik ang dalaga ng ilang saglit. "Check my DM."

Nanginginig ang mga kamay ni Kian na tiningnan ang s-in-end ng dating nobya. Nagulat siya nang makitang totoo nga ang sinasabi nito.

"H-How?"

"Are you serious? Malamang, nagse-sex tayo noon kaya may nabuo!"

"This can't be real. Alam mo kung gaano ako kaingat." Kian gritted his teeth.

"You can't be 100% sure, Kian."

Huminga nang malalim ang binata at nag-isip.

"Listen. Pananagutan ko ang bata. Hindi kita tatakbuhan."

Nakarinig siya ng mahinang halakhak sa kabilang linya.

"Kian, I am not just asking you to financially support the child — our child. I don't want this kid to grow up in a broken family. I want marriage." May diin ang pagsabi ni Sonia sa salitang marriage.

"Hindi ko magagawa 'yan," pagsalungat ni Kian. "We can't marry each other if the other one fell out of love."

"We can always rekindle your lost love, Kian. Hindi ko susukuan ang pamilya natin."

"I am in love with someone else," giit ng binata.

"Does it matter? Kumpara sa babae mo, mas matimbang ako dahil dinadala ko ang anak mo...anak natin."

He hissed. "Kukuhanin ko na lang ang anak natin. Ipapangako kong lalaki siya na hindi niya mararamdaman na hindi buo ang pamilya niya. I can't give you the marriage that you want."

"I want marriage, Kian! If you can't give that to me, I will get rid of this kid!"

"W-Wag. Dugo at laman ko rin 'yan, Sonia," may gibik sa lalamunan na nasabi iyon ni Kian.

"I'll give you forty eight hours. If you come here in New York, I'll continue this pregnancy. We'll also arrange our wedding as soon as possible. If you don't, you will regret it." Naputol na ang linya pagkatapos noon.

Sinubukang tawagang muli ni Kian ang numero ng dating nobya ngunit hindi na ito makontak.

He is now left with a very hard decision.

Should he go to the Philippines with Kathryn and ask for her hand in marriage?

Or to save his child by marrying Sonia?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro