Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63 - Welcome Back to Dublin

Horse Island
West Cork, Ireland

Huni ng ibong nakadapo sa balkonahe at init ng sinag ng araw ang gumising kay Kathryn. Napatingin siya sa wall clock na nasa kanang bahagi. Tatlumpung minuto na ang nakalipas mula alas nuwebe ng umaga.

Mukhang napahaba ang tulog namin ni Kian. nasa isip ni Kathryn. Binalikan ng tanaw niya ang nangyari kagabi.

Hindi niya napigilan ang pagngiti. Napatingin siya sa natutulog na katabi. Mapayapang natutulog si Kian habang nakapalibot ang braso nito sa kaniyang tiyan.

Ikiniling ni Kathryn ang katawan paharap kay Kian para mas madali sa kaniya na mapagmasdan ang binata.

"Kahit maghapon kong pagmasdan ang mukhang ito, hindi ako mauumay. Haaaay, ang guwapo mo talaga, mahal," mahinang sabi ni Kathryn habang banayad na hinahaplos ang buhok ni Kian. Wari ba ay hindi pa rin naaabala ang binata sa mahimbing na pagtulog.

"Crush lang kita noon. Ngayon, siguradong-sigurado akong mahal na kita." Inilapit niya ang mukha sa mukha ng nobyo. Gusto niyang maramdaman ang mainit nitong paghinga para masigurong nasa reyalidad siya at wala sa panaginip. "Mahal na mahal kita, Kian."

Napapitlag siya nang imulat ni Kian ang mga mata. Ngayon ay nakatitig na sa kaniya ang dalawang asul na mga mata ng kasintahan na nagpapatunaw muli ng puso niya.

"Good morning, mahal!" Yumakap nang mahigpit si Kian kay Kathryn sabay dampi ng halik sa noo ng nobya, ilong, at sa huli ay sa mga labi. Nagdulot ito ng kilig sa sistema ng dalaga.

"K-Kanina ka pa gising?"

"Secret," sagot ni Kian sabay ngisi. Nagpapula iyon sa mga pisngi ni Kathryn.

Napanguso ang dalaga sa tugon ng nobyo. Inilapit ni Kian ang dalaga sa sarili at ngayon nga ay yakap na niya ito.

"What did you say, mahal? Crush mo lang ako noon pero ngayon ay ano?"

Hinampas ni Kathryn nang mahina ang dibdib ni Kian at kinurot ito sa tagiliran. Napaigtad ang binata dahil sa ginawa ng nobya, na sinundan ng mahinang pagtawa.

"Narinig mo naman, eh, ipauulit mo pa sa akin." Napayuko si Kathryn dahil sa nararamdamang hiya.

Umayos ng puwesto si Kian at hinawakan niya ang baba ng nobya. Itinaas niya ang mukha nito para magkaharap sila. Lumikot ang mga mata ni Kathryn na halatang ayaw salubungin ang titig ng nobyo.

"I did. Gusto ko lang ulit marinig. Ang sarap pakinggan, eh," may pagsusumamo sa tinig na nasambit ni Kian.

"Sige na nga." Bumuntong-hininga si Kathryn para bumiwelo pagsasalita. "Ang sabi ko, crush lang kita noon, mahal na kita ngayon."

Napanguso si Kian. "May kasunod pa 'yun, eh."

Napakunot ang noo ni Kathryn. Hindi naglipas-saglit ay naalala niya ang pinaghihinampo ng katipan. "Mahal na mahal kita."

Lumawig ang ngiti sa mukha ni Kian nang marinig na ang mga salitang ninanais marinig. Di niya mapigilang siilin ng halik ang nobya na tumagal ng tatlong segundo.

Naghiwalay ang kanilang mga labi at nagharap silang muli. "Mahal na mahal din kita, Kathy. Ikaw na dating fan ko lang noon pero ngayon ay girlfriend ko na."

Ang pamumula ng mga pisngi ni Kathryn ay mas lalong lumala at ngayon nga ay abot na yata iyon sa buong mukha. Para siyang nasa alapaap sa sobrang saya.

Nasa ganoon siyang estado nang baliin ang atensiyon nila ng amoy na tila nanggagaling sa kusina. Napakunot ang noo nila na nagkatinginan.

"Naaamoy mo rin?"

"Oo."

Tumayo na sila sa kama at kaagad nagbihis. Sinundan nila ang amoy ng fried rice. Hindi pa sila nakalalapit sa kusina ay nakaririnig na rin sila ng mahinang pagtipa sa gitara.

"Kanina pa kayo?"

"Uy, bro," ani Shane na nakaupo sa may dining area. "Oo, eh. Kanina pa kami."

"Bakla!" sigaw nina Analisa, Jem, at Mae. Dinaluhong nila ang kaibigan na ilang araw na nawalay sa kanila.

"Hep! Hep! Hep!" pagpigil ni Kathryn sa mga kaibigan sa tangkang pagyakap sa kaniya. Isa-isa niya itong binigyan ng kurot sa tagiliran.

"Ouch!"

"Aray naman!"

"Sakit!"

Napatawa ang lads sa pagkukulitan ng magkakaibigan.

"Kayo ha, sinet up set up n'yo pa kami ni Kian. Ang dami ninyong alam," sambit ni Kathryn sabay tingin sa mga kaibigan at ganoon na rin kina Brian, Nicky, Shane, at Mark na nasa dining area.

"Weh, gusto rin naman," panunudyo ni Analisa.

"Whatever," tugon ni Kathryn na kunwaring naiinis. Sa loob-loob ay nagpapasalamat siya sa mga kaibigan na naging tulay ng pagkakaayos nila ni Kian.

"So totoo talagang kayo na?" Napahawak si Jem sa baba habang naghihintay ng kumpirmasyon.

Imbes na tumugon ay hinapit ni Kian ang baywang ni Kathryn at binigyan ito ng mabilis na halik sa mga labi. Gumanti ng halik si Kathryn at ganoon din ang ginawa ni Kian. Para silang nagsasaulian ng halik.

"Ay ano ba 'yan!" Itinakip ni Mae ang kamay sa mga mata.

"Respeto naman sa mga single," pagrereklamo ni Analisa.

Samantala ay panay ang panunudyo ng lads kay Kian. Nilapitan ni Kian ang mga ito at isa-isang binigyan ng fist bump.

Mayamaya ay magkakasalo na silang kumakain sa hapag-kainan.

"We're here to fetch you." Napatingin si Mark kay Kian. "Hinahanap na tayo ni Louis."

Sumabad si Analisa. "Kailangan ko na ring umuwi sa Pilipinas. May schedule kami ng inventory sa grocery store."

"Ako rin," saad ni Jem. "May guesting daw ako sa ASAP sabi ni Paul."

"And I'll come with my girlfriend." Pinisil ni Mark ang isang kamay ni Jem na nakapatong sa lamesa. "I want to support your first big break in the TV industry." Kita ang biloy nito sa pisngi nang ngitian niya ang kasintahan.

"Thank you, love." Isang nakahahawang ngiti ang pinakawalan mg dalaga.

"Ehem! Ehem!" Pineke nina Brian at Nicky ang pag-ubo para ma-distract ang magnobyo.

Naiiling si Mark sa ginawa ng mga kaibigan. "Kayo talaga kahit kailan, panira ng moment." Napatawa sila sa isa't isa.

"Sasama rin ako."

Napatingin ang lahat sa nagsalita. Si Kian.

Natigilan si Kathryn sa sinabi ng nobyo. Binalingan niya ito. "S-Sasama ka?"

Mapupungay ang mga matang tiningnan ni Kian ang kasintahan. "Yes, mahal. I want to formally introduce myself to your family as your boyfriend."

Napatigil sa pagsubo ng pagkain ang lahat. Ang kasalukuyang umiinom ng tubig noon na si Mae ay naibugang muli pabalik sa baso ang nainom. Ang lads din naman ay 'di mapakali sa kinauupuan at ang mga mata'y lumilikot. Isang bagay na hindi rin nalingid kay Kathryn.

May pagtatakang tiningnan ni Kian ang mga kasama. "Why? Is there something wrong, guys?"

"Wala, bro. Mabuti ngang makaharap mo na ang pamilya ni Kathy. Ayos 'yan," wika ni Shane. May kung anong sinasabi ang mga mata nito na hindi maunawaan ni Kian.

"At tama rin 'yan para makilala mo nang lubos si Kathryn. Kilala ka lang din ng mga magulang niya sa picture," saad ni Jem. "Dapat mong malaman 'yung nakaraan niya lalo na ang mga nangyari sa kaniya nitong nakalipas na apat na taon." Sandaling ibinaling ni Jem ang tingin kay Kathryn at agad ding inalis iyon doon. Sinipa nang mahina ni Kathryn ang kaibigan na tila ba nagbabadya na mag-ingat sa mga bibitiwang salita.

Tumango si Kian. "I want that too. Gusto kong mapalapit sa pamilya ng girlfriend ko." Bumaling siya sa nobya. "Okay ba 'yun, mahal?"

Isang ngiti ang isinukli ni Kathryn kay Kian. "Oo naman." Agad din niyang iniiwas ang tingin dito dahil hindi niya maikubli ang pag-aalala sa mga mata.

Mae's Residence
Beaumont, Dublin Ireland

Pagal ang katawan mula sa biyahe ay napahiga sa king-sized bed ang magkakaibigan.

Nagpagulong-gulong si Analisa sa malambot na kama. Nang magsawa ay binalingan niya si Mae. "Mami-miss kita, bakla," pagtukoy nito sa huli.

"Luh, miss agad? Sasama pa nga ako pauwi e," tugon ni Mae. Sasama nga ito sa mga kaibigan pauwi ng Pilipinas para i-liquidate ang iba niyang ari-arian. Nakatuon ang atensiyon nito sa laptop.

"Yown!"

"Ano, bakla? Nakapag-book ka na ba ng ticket?" saad ni Jem na noo'y nagsusuklay ng mahaba niyang buhok.

Mae nodded. "Pero ibang ticket ang na-book ko. Hindi pa plane ticket."

"Then what?" Jem responded.

"Apat na VIP tickets sa concert ng One Direction dito sa Dublin tomorrow!"

"VIP tic— what?" Nanlaki ang mga mata ni Kathryn nang marinig ang sinabi ng kaibigan.

"One Direction. Harry, Zayn, Niall, Liam, and Louis."


"OMG!"

Parang kiti-kiti na 'di mapakali ang magkakaibigan na napalirit sa kinahihigaan. Paano ay isa rin ang One Direction sa mga bandang kanilang hinahangaan.

"I need to inform Mark about this." Lumabas muna sandali si Jem. Balak niyang ipaalam ito sa nobyo.

Hindi pa man niya nabubuksan ang cellphone ay nakatanggap siya ng tawag. Hindi nga siya nagkakamali dahil mula ito sa kaniyang nobyo.

"Hello, love. May sasabihin ako sa 'yo/Hi, love. May sasabihin ako sa 'yo," magkasabay na sabi nina Jem at Mark. Sabay silang napatawa dahil doon.

"You go first, love," saad ni Jem.

"Okay, love, pasensya na." Tumigil sandali si Mark sa pagsasalita upang bumiwelo. "One Direction has concert tomorrow. I'm wondering if you can come with me?"

Bahagya mang nagulat ay sumagot si Jem. "Actually, tungkol din diyan ang sasabihin ko, love." Hinintay muna ni Jem ang magiging reaksiyon ni Mark sa kabilang linya pero tila ba ay naghihintay ito ng kasunod na sasabihin niya kaya tumuloy na siya. "Nakabili na kasi si Mae ng ticket para sa aming apat ngayon lang. 'Yon nga rin sana ang ipagpapaalam ko sa 'yo."

Mark's face brightened. "Love? Pakisabi naman kay Mae if it's possible to make it nine. I'll bring the lads with me. Siya na lang din ang mag-book para tabi-tabi tayo."

"Bet ko 'yang idea na 'yan, love. O sige na, ibababa ko na ang tawag. Baka may makakuha pa ng slot sa katabi ng seats na nai-reserve namin. Kita na lang tayo later!"

***


Nag-book ng karagdagang limang ticket si Mae. Nakakuha siya ng good seats sa harap mismo ng stage. They're all good for tomorrow.

***

"May bumubusinang sasakyan sa labas. Kay Mark na yata 'yun," saad ni Mae na noo'y naglalagay ng rejuvinating cream sa mukha.

"Siguro nga." Kinuha ni Jem ang sling bag niya sa ibabaw ng bed side table. "We'll be back before ten o'clock."

"Enjoy. Gumamit ng proteksiyon," biro ni Analisa na busy sa cellphone.

"Che!" pabirong inismiran ni Jem ang kaibigan.

"Proteksiyon.. like payong?" buwelta ni Analisa. "Baka umulan e. Duhh?"

"Wag ako, bakla. Alam ko ang takbo ng isip mo." Jem smirked and went down the stairs.

Hindi pa nakatatagal si Jem sa pagbaba nang magsalita ito.

"Kathryn, may bisita ka rin pala. Babain mo dali!"

Kunot-noong napatanong ang dalaga. "Huh? Ako?"

"Boyprend mo!"

"Hala!" Napabalikwas sa higaan si Kathryn na noo'y nakasuot lamang ng tattered shorts at white off-shoulder.

"Nasaan 'yung kabila ng tsinelas ko?" tarantang sabi niya habang nakatingin sa ilalim ng kama.

"Eto na, baks." Sinipa ni Mae ang hinahanap ng kaibigan.

"Yun!"

Nagpulbo lamang at naglagay ng liptint si Kathryn sabay pusod sa buhok gamit ang red ponytail.

"Wait, nandiyan na!"

Nagmadali sa pagbaba si Kathryn at bumungad sa kaniya ang nobyong nasa sala.

Agad na sumalubong si Kian ng yakap sa girlfriend niya. Yumakap din naman agad pabalik si Kathryn na halatang gulat pa rin sa pagbisita ng nobyo.

"Hindi ka nag-text na papunta ka rito, Mahal. Sana ay naipagluto kita."

Hinaplos ni Kian ang kanang pisngi ni Kathryn at nagsalita, "Nakapatay pa kasi 'yung cellphone ko, mahal. Hindi ko pa nabubuksan. Malapit lang naman 'yung bahay ni Mae kaya pinuntahan na lang kita rito. At saka, you don't have to cook dinner, kasi yayayain kitang mag-dinner sa bahay ngayon."

Parang nagbara ang lalamunan ni Kathryn sa sinabi ni Kian. "Dinner? S-Sa inyo?"

Tumango ang binata bilang kumpirmasyon.

"Hala. Huwag muna, mahal." Tumungo si Kathryn sa sahig habang pinaikot-ikot ang kaliwang paa sa sahig. "Nakakahiya."

"Wag kang mahiya, mahal. Gustong-gusto ka kaya nila lalo na nina Nyssa at Mommy." Itinaas ni Kian ang mukha ni Kathryn para magkatinginan sila. "Ipapakilala na kita sa kanila bilang girlfriend ko." Isang ngiting nakatutunaw ang pinakawalan ng binata na pumukaw sa damdamin ng dalaga.

"How could I say no? Idinadaan mo na naman ako sa ngiti mong 'yan," ani Kathryn na kinurot sa pisngi ang nobyo. "Give me ten minutes. I'll just change clothes."

"Sure. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal," ani Kian sabay kindat sa nobya.

"Wow, hahaha. Sige na, Mahal, magpapalit na ako ng damit. Sandali lang." Kathryn headed back to Mae's room to change her outfit.

Brook's Private Cinema
Brooks Hotel
Dublin, Ireland


Katatapos lang mag-dinner nina Mark at Jem. Ngayon nga ay nasa Brook's Private Cinema na sila.

"Wala bang ibang manonood, love?"

Mark shook his head and smiled. "None. I reserved it for the two of us." Nasa may bandang gitna sila ng 26-seater cinema na sadyang dinisenyo para sa private reservations tulad nito.

"Ang cute." Inilibot ni Jem ang tingin sa loob ng cinema.

Mark held Jem's right hand. "What do you want to watch, love?"

"A Walk to Remember."

"I haven't watched it yet, love. Pero sige, masusunod ang prinsesa ko." Noon din ay kinuha na ni Mark ang remote para i-play sa big screen ang ni-request na movie ni Jem.

"Ayan na. Nakaka-excite." Napahawak si Jem sa braso ni Mark.

"Mukhang nakakaiyak itong movie na ito, love. You can use my jacket to wipe your tears if you need ha? Wag kang mahihiya," he chuckled.

"Sige, love. Nakakaiyak nga raw ito."

Nagsimula na silang manood. Sa una ay patawa-tawa pa si Mark kasi tinitingnan niya ang reaksiyon ni Jem. Seryosong-seryoso kasi ito.

Bandang kalagitnaan ng palabas ay nanahimik na ang binata na hindi nalingid kay Jem.

"Love?"

"L-Love?" Lihim na nagpunas si Mark ng luha.

"Umiiyak ka ba?"

"Ako? Umiiyak? H-Hindi ah!" tanggi nito na ikinurap-kurap ang mga mata.

Marahang tumawa si Jem. "Hindi nga? Heto ang panyo, love."

"Wag na, love. H-Hindi naman ako umiiyak, eh." Muling itinutok ni Mark ang atensiyon sa pinapanood.

"Okay, sabi mo, eh." Napatawa sa loob-loob si Jem at ipinukol na niyang muli ang atensiyon sa pelikula.

Jamie saved my life. She taught me everything. About life, hope and the long journey ahead. I'll always miss her. But our love is like the wind. I can't see it, but I can feel it. - Landon Carter

"Tragic 'yung ending. Ano ang masasabi mo, Lo—" Napatigil si Jem sa pagsasalita. Tumambad sa kaniyang paningin ang nobyo na nakasandal sa upuan habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha. Pulang-pula na ang mga mata nito. Marahil ay kanina pa ito umiiyak.

"Uy, love?! Umiiyak ka ba?"

Kaagad pinalis ni Mark ang luha sa mga mata niya nang mapansing tinitingnan siya ng nobya. Hangga't maaari ay ayaw niyang makita siya ni Jem na umiiyak. For him, crying is a sign of weakness, sign of not being a man. And he doesn't want her to see that weakness lalo pa at nagpapakalalaki na siya.

"N-Napuwing ako, love. Ano ba 'yan?" kunwa'y naiinis na sabi ni Mark.

Bumunghalit sa katatawa si Jem dahil sa reaksiyon ng nobyo. "Ang cute mo, love."

"Love naman." Napanguso si Mark dahil sa ginagawa ng nobya.

"No, no. Just let your tears flow. Here's the hanky. Wag mo nang tanggihan, love. Nakakaiyak naman talaga 'yung movie e. Take it."

"Mukha bang umiyak ako?"

"Halatang-halata." Napangiti si Jem. Siya na mismo ang nagpahid ng luha na dumaloy sa pisngi ng nobyo.

Bumuntong-hininga si Mark at tiningnan ng malalamlam niyang mata ang abalang kasintahan.

"Ohh.. B-Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?"

"That movie moved my heart, love. Sana walang magkaroon ng malubhang sakit sa ating dalawa katulad ni Jamie. I want to grow old with you hanggang sa magkaapo tayo." Hinawakan ni Mark at pinisil ang kamay ni Jem. "I don't want our love story to end like that. Marami pa akong memories na gustong buuhin kasama ka." Isang butil ng luha na naman ang pumatak sa mata ni Mark. He was indeed affected by the movie.

"Ano ka ba, love. Siyempre hindi 'no? Magkasama tayong tatanda." Nginitian niya si Mark bilang assurance. "Sige na, let's call it a night. Kailangan na nating magpahinga dahil may pupuntahan pa tayong concert bukas."

"Okay, love. Tara, ihahatid na kita."

Mae's Residence
Beaumont, Dublin
Dublin, Ireland

Makalipas ang sampung minuto ay nakagayak na si Kathryn. She's currently wearing a plain white neophrene dress paired with pearl earrings. Her hair was gathered and bound at the back of her head using a white ponytail and she's wearing a pair of white sandals.

"You look wonderful, mahal," pagpuri ni Kian sa nobya. Nilisan na nila ang bahay ni Mae para lakarin ang daan patungong Egan's mansion.

"Thanks, mahal," nakangiting saad ni Kathryn. " By the way, I brought blueberry cheesecake para kay Nyssa. Mabuti na lang e nakabili si Mae kanina."

"Nyssa will certainly love that, mahal. Spoiled na spoiled na sa 'yo 'yung batang 'yun ha?"

"Pagbigyan mo na ako, mahal. Wala akong babaeng kapatid kaya kay Nyssa na lang ako bumabawi."

"Kung sabagay, she'll become you're legit sister naman in the future so tama 'yan na maging magka-close na kayo as early as now."

She blushed. "Ikaw talaga. You're making me speechless na naman."

Napangiti si Kian sa reaksiyon ng nobya. "Oh, heto na tayo."

"Kinakabahan talaga ako, mahal."

Hinawakan ni Kian ang kanang kamay ni Kathryn at pinisil iyon. Iginiya niya ang dalaga papasok sa mansion.

"Mommy!" pagtawag ni Kian sa ina.

Malakas ang kabog ng puso ni Kathryn at 'di siya mapakali sa kinatatayuan. Ilang sandali lang ay makikita na niyang muli ang pamilya ni Kian. It's a bit awkward this time dahil parang ilang linggo lang ang nakaraan ay nakasalamuha pa niya ang mga ito kasama ang dating nobya ni Kian na si Sonia. Isa pa nga ay si Colm ang kasa-kasama niya noon na siya ring unang nagpakilala sa kaniya sa Egan family.

Ilang sandali ay sumilip ang ina ni Kian.

"Oh, hayan na pala kayo. Halikayo, pasok."

"Good evening po, tita." Kinakabahan man ay binati ni Kathryn ang ina ni Kian.

"Good evening din Alex— este Kathy," nakangiting bumeso ito sa dalaga. "Naku, nasanay na akong tawagin kang Alexa. Eh, sabi ko kako e 'yan na lang ang gusto kong itawag sa iyo ay ayaw naman ni Kian. He preferred us to call you Kathy kasi importante raw sa kaniya 'yang name mong 'yan."

"Hala.. Naku, tita. Kahit ano pong gusto ninyong itawag sa akin ay walang problema. Kathy or Alexa is fine," nakangiting saad ni Kathryn sa ina ng taong mahal niya.

"Ate Kathy!" Isang pamilyar na boses ang narinig nila mula sa second floor. Si Nyssa.

"Nyssa! I miss you!"

"I miss you too, ate!" Yumakap si Nyssa sa nobya ng kuya. "I'm used to call you Ate Alexa pero Ate Kathy raw ang gusto ni kuya na itawag ko sa 'yo."

"Eto talagang kuya mo," ani Kathryn sabay baling sa nobyo. Muling itinuon niya ang pansin kay Nyssa. "By the way, here's a blueberry cheesecake for you."

"Wow! Thank you, ate! Naku, nahihiya na ako sa 'yo. Lagi ka na lang may dala nito para sa akin. You don't have to. Kahit wala namang ganito, botong-boto naman ako sa 'yo for Kuya Kian, eh." Kinindatan ni Nyssa si Kathryn at tinudyo-tudyo.

"Naku, hindi ito suhol ha? I'm doing this voluntarily, bunso. Wala kasi akong babaeng kapatid. I can be your bigger ate if you like and you can be my younger sister naman."

"Of course, ate! Unang kita ko pa lang sa 'yo e gusto ko nang maging ate ka. I really ship you two, you and Kuya Kian, together. Ramdam ko talagang bagay na bagay kayo. Di naman ako na-inform na may nakaraan talaga kayo. Ang sweet, ehmeyghewd. Kinikilig ako!"

Natatawa sina Kian sa pagiging hyper ni Nyssa. Mayamaya rin ay lumisan na ang dalagita dahil pinapatulong ito ni Patricia sa paghahanda ng pagkain.

Nagkumustahan na rin sila ng ibang kapatid ni Kian maging ni Mr. Kevin Egan. Noon din ay nawala na ang kanina pang bumabagabag sa damdamin niya. She no longer feels awkward dahil ngayon pa lang ay ramdam na niya na botong-boto sa kaniya ang buong pamilya ng nobyo. Naikuwento na kasi siya ni Kian sa mga ito kaya nagkaroon na sila ng background sa pinagdaanan nilang dalawa.

Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunan at matapos ang isang oras ay inihatid na ni Kian si Kathryn.

"Thank you for the night, mahal."

"My pleasure. Bukas ulit, mahal. See you sa concert," nakangiting sabi ni Kian.

"See you!" Akmang papasok si Kathryn sa gate nang hilahin ni Kian ang kamay niya. Ngayon ay magkadikit na ang katawan nila habang nakapulupot ang mga kamay nila sa isa't isa.

"You forgot my goodnight kiss, mahal," ani Kian.

"Oops, sorry." Hinagkan ni Kathryn sa mga labi ang minamahal na nobyo. Madali lang iyon ngunit punong-puno ng pagmamahal. "Good night, mahal!"

"I love you, good night."

"I love you too."

Tinanaw ni Kian ang nobya hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay.

Sa wakas ay naipakilala na niya nang pormal si Kathy bilang nobya. Ilang araw na lang ay siya naman ang magpapakilala sa pamilya nito. Nasasabik na napangiti si Kian habang iniisip kung ano ang mga maaaring mangyari sa tagpong iyon.

Binagtas na niya ang daan pauwi sa bahay. Oras na para magpahinga.

Stanley Unit
New York, New York

Kanina pa naglalakad paroon at parito si Sonia sa loob ng kuwarto. Kagabi pa kasi niya sinusubukang kontakin si Kian sa phone ngunit lagi itong out of reach. Hindi rin niya makontak ito sa social media kasi naka-block na siya.

Kailangan niyang gumawa ng paraan.

Nagliwanag ang mukha niya nang maisipan niyang muling gumawa ng isa pang IG account para gamitin sa pakikipagkomunikasyon kay Kian.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakagawa na siya ng bagong account. @futuremrsegan ang ginamit niyang username para mas mapansin siya ng lalaki.

Nakita niyang may bagong post si Kian kahapon. Picture ito ng dalawang kamay na magkahawak at may caption na "Maybe, sometimes love needs a second chance, because it wasn't ready the first time around."

Nagngitngit ang loob ni Sonia. Mukhang nagkita na si Kian at ang babaeng tinutukoy ni Jodi. Walang naka-tag kaya isang misteryo pa rin sa kaniya ang pagkakakilanlan sa babae.

Sa inis ay m-in-essage niya si Kian.

"Kian, it's me Sonia. I hope you get this message as soon as possible. We need to talk. I'll call you via phone."

Sinend na niya ito at matapos ay pinatay na niya ang cellphone. Umaasa siya na makatatanggap siya ng sagot kay Kian sa lalong madaling panahon.

•••

Author's Notes:

I dedicate this chapter to ShirleyRequiro6 and space_jham

Hi guys!
Ang hirap pala 'no kapag papalapit na nang papalapit 'yung ending ng story mo? Nagkaka-separation anxiety na agad ako. :(

I'm emotionally attached to my characters. Parang ang hirap nilang pakawalan. 😭

Kaya pala may writers na hindi nakakatapos ng story nila e dahil sa parehong dahilan. :(

But don't worry guys. Tatapusin ko ito, promise! :) May ending na akong nabuo sa utak ko. Hehe.

See you next update. Xiao!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro