Chapter 6 - No One's Gonna Sleep Tonight
Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC
Alas dos na ng madaling-araw ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Kathryn. Kanina pa siya hindi mapakali kaiisip sa maraming bagay.
Westlife World Tour
Ang pagbabalik ni Brian sa Westlife
Meet & greet
Westlife Romantic dinner with a lucky fan
"I need to get that slot," pagtukoy niya sa romantic dinner with Westlife.
Kian, I will make it possible for you to choose me.
Kailan mo ba kasi ako mapapansin? Kahit 'yun lang talaga, sobrang magiging masaya na ako.
Dahil hindi siya makatulog ay bumangon na lang siya para magkape. Kinuha niya ang phone para mag-check ng social media accounts. Katulad ng nakagawian, pinuntahan niya ang IG ng bawat Westlife lads, pagkatapos ay IG ni Jodi Albert na girlfriend ni Kian. Ang huling account na binisita niya ay ang pagmamay-ari ng bias niyang si Kian. Nakita niyang may bagong post ang binata.
Hala, may bagong post si hubby ko. Bakit 'di ako nakatanggap ng notification?
Picture ito ni Kian habang isinusuot ang kuwintas kay Jodi.
"No more long words. I love you now and forever. Happy anniversary, baby!"
Awww. Sana all. Sobrang bagay talaga sila sa isa't isa.
Konting kirot sa puso ang kaniyang naramdaman nang nabasa niya iyon pero agad din niya itong pinawi. Sino nga ba naman siya para masaktan? Isa lang naman siyang fan sa kabilang parte ng mundo na hindi man lang alam ni Kian na nag-e-exist pala.
Masaya ako para sa 'yo, Kian. Ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko na rin. nakangiting sinabi ni Kathryn habang nagta-type ng comment sa post ng kaniyang idolo. You two are really perfect for each other. Love you both.
Tipid siyang napangiti nang makitang tagumpay ang kaniyang pagko-comment. Akma niyang itatabi ang cellphone nang tumunog ito.
"One notification from Jodi Albert. Wait. Ano?" Bahagya niyang nilakasan ang brightness ng kaniyang cellphone para kumpirmahin ang nabasa. Ni-refresh niya ang IG notifications niya.
"Jodi Albert likes your comment few seconds ago." Halos lumabas sa rib cage ang kaniyang puso nang mabasa iyon. Inilapit niya ang cellphone niya sa dibdib. "Ni-like ng future wife ni Kian ang comment ko!"
Naudlot ang akma niyang pagtili nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. Halos panawan siya ng ulirat nang mabasa niya ang sumunod na notification.
Kian Egan likes your comment few seconds ago
Muntikan na niyang mabitiwan ang cellphone sa sobrang taranta. Nanginginig siya nang labis at napatili nang malakas sa sobrang kilig. Dumapa siya sa kama at nagpagulong-gulong sabay takip ng unan sa mukha para tumili na naman. Tiningnan niya ang cellphone niya at nakitang naroon pa rin ang notification.
"Shocks! Totoo nga!"
Nang mahimasmasan ay ini-screenshot niya iyon at ip-in-ost sa Facebook.
Finally! Na-notice na ako ni Kian. waaaah omg
Hindi na niya nabilang ang oras. Nakatulugan na lang niya ang katititig sa kaniyang ip-in-ost. She fell into a deep slumber with a wide smile on her face.
Philippine Bank of Commerce Inc.
Cubao, QC
08:00 AM
"Good morning, Kathryn!" bati ng katrabaho niyang si Liam.
Nginitian ng dalaga ang katrabaho. "Good morning too."
"Mukhang hindi ka yata nakatulog nang maayos kagabi, ah. Let's have coffee?"
"I'm good, Liam. Thank you for the invite," nakangiting sabi ni Kathryn sa kausap.
Lumupaypay ang mga balikat ng binata.
Nagpatuloy si Kathryn. "I really love to chit chat with you, Liam but I still have pending works to do. Sorry, ah? Una na ako."
Tipid na ngumiti ang binata. "Walang problema. See you around."
Matagal nang pumoporma ang binata kay Kathryn. Unang araw pa lang ng dalaga sa trabaho ay nagpakita na ito ng interes ngunit ilang beses na rin siyang nabasted dahil ang gusto ni Kathryn ay walang iba kundi si Kian Egan. O kung hindi man si Kian ay kahit sino basta Irish, maputi, blonde ang buhok na may asul na mga mata. Kabaligtaran naman nito si Liam na purong Pilipino, may pagkakayumanggi ang balat, brown ang mga mata, at itim ang buhok. Bagama't gano'n ay hindi maikakaila na may taglay na kaguwapuhan ang lalaki. Sa kabila noon ay hanggang kaibigan lang ang maibibigay ni Kathryn na pagtingin sa binata.
***
"Bakla!"
Nagulat si Kathryn dahil may sumigaw sa may pinto. Nang tingnan niya kung sino ang mga iyon ay napagtanto niyang mga kaibigan niya iyon.
"Wui, nasa trabaho ako, 'wag n'yo muna akong tawaging bakla. Formal-formalan muna tayo ngayon nang very light," anas ni Kathryn sa mga kaibigan nang makalapit ang mga ito sa kaniya.
"Sorry po, ma'am." In-emphasize ni Analisa ang huling salita. "Eh, 'di Ms. Rodriguez na lang." Napahagikhik silang apat.
"Ano ba ang ginagawa n'yo rito?"
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa bangko?" ani Jem na noo'y kumukuha ng slip.
"Bibili ng isda?"
"Gaga. Magwi-withdraw na kami ng funds para if ever na mag-announce ng ticket selling e may cash-on-hand na kami," paliwanag ni Mae. "Kaya ikaw, bak- este Ms. Rodriguez, mag-withdraw ka na rin para ready ka na rin. Okay?"
"Ako pa ba? Maraming pera sa vault. Hugot-hugot na lang anytime," biro ni Kathryn kaya napahagikhik sila. "Sige na, I-a-assist ko na kayo. Pagkatapos eh mag-coffee break tayo. My treat."
"Wow. Anong meron at parang nahipan ka yata ng sariwang hangin?" gulat na tanong ni Analisa. Hindi kasi ito madalas gawin ng kaibigan.
Pinamaywangan siya ni Kathryn. "Friend ba talaga kita, Analisa? Di ka nagtse-check ng FB posts ko." Tumalikod din siya para asikasuhin ang wini-withdraw ng kaniyang mga kaibigan.
Ilang segundo pa ay nakarinig siya ng impit na tili mula kay Analisa. Agad namang napigilan iyon dahil natakpan agad nina Jem at Mae ang bibig ng kanilang kaibigan.
Starbucks Cubao
"OMG!" Sa wakas ay nakasigaw na rin si Analisa dahil nasa rooftop sila ngayon.
"Grabe ka, bakla. Ang suwerte mo! Sana ako rin e mapansin ni Mark," himig-tampong sabi ni Jem.
Nabigla sila dahil aksidenteng may nalaglag na tasa ng kape mula sa kabilang table.
"Sorry," banggit ng customer.
"Okay lang," sabi ni Kathryn sabay ngiti.
"Going back," pagpapatuloy ni Jem. Nakatingin siya ngayon kay Kathryn. "Just to recap, nag-comment ka sa IG post ni Kian tapos ni-like niya?"
Tumango naman si Kathryn. Nang hindi na siya makapagpigil, hinampas niya nang malakas ang braso nina Analisa at Mae. Nagreklamo naman ang mga ito dahil masakit daw. Nagtawanan sila pagkatapos.
"Biruin n'yo 'yun, mga bakla? Mahigit sampung taon akong uhaw sa atensiyon niya and finally... nakuha ko na!" ngiting-ngiti si Kathryn habang inaalala ang nangyari kagabi. "Lalo tuloy akong na-inlove sa kaniya kasi feeling ko, totoong puso niya 'yung ibinigay niya sa 'kin instead na heart react lang. Hay, Kian, mas mahal na kita ngayon!"
"I'm happy for you, bakla. Sana gano'n din sa 'kin si Nicky babe," ani Analisa.
"Hayaan mo, bakla. 'Pag nagkatuluyan kami ni Kian, ilalakad kita kay Nicky, okay?"
"Luh, ni-like lang 'yung comment, magkakatuluyan agad?" sabi ni Jem.
"Eto naman, ang KJ!" Umismid si Kathryn. "Malay mo ba?"
Sumimsim muna siya ng iniinom na iced choco. Tiningnan niya ang relong-pambisig. "Babalik na ako sa loob. Balitaan n'yo na lang ako 'pag may update na sa ticket selling, ha?"
Tumango lang ang kaniyang mga kaibigan bilang tugon. Mayamaya ay bumalik na siya patungo sa bangko.
Dublin, Ireland
"Let's take a short break!" ani ng manager ng Westlife na si Louis Walsh. Nagre-rehearse ngayon ang limang miyembro para sa nalalapit nilang world tour.
Medyo nahihiya pa nang kaunti si Brian na makihalubilo kina Shane, Mark, Kian, at Nicky kaya naisipan niyang magkalkal ng phone para gawing abala ang sarili. He checked his Twitter na matagal na niyang hindi na-a-update. Noon niya napagtantong dumami lalo ang followers niya. Siguro ay dahil 'yun sa pagbabalik niya sa Westlife.
Nakalalayo na siya ng na-i-scroll down nang mapansin niya ang tweet ng isang @KathrynRodriguez08. It's a picture of him and a girl no'ng nag-solo concert siya sa Manila a year ago. May caption itong 'Brian, I am your crazy girl. I miss you. Please come back.'
How can I ever forget this girl? Siya 'yung nasa may producer's seat at panay sigaw ng "I love you, Brian!" "Please notice me!" Ang babaeng sumigaw ng "I love you!" at sinagot ko naman ng "I love you too!" Ang babaeng sumigaw ng "Please serenade me" at ang babaeng tinawag ko ng "Hi crazy!". How can I not remember that girl? She's cute. I used to be annoyed at fans na kasing-wild niya magpakita ng admiration sa idolo nila pero hindi man lang ako nakaramdam ng inis sa babaeng 'yun. Ewan ko ba?
Napapailing na napapangiti siya dahil sa naiisip niyang iyon. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang mga kagrupo niya.
Inakbayan siya ni Shane. "Bro, ang layo mo sa 'min ah. Ano 'yan?" usisa ng binata sa tinitingnan ni Brian sa phone.
"Wala lang, bro. Nagtse-check lang ako ng Twitter account ko."
"Patingin nga." Inagaw ni Kian ang cellphone ni Brian. Nakita niya ang picture ng kaibigan at ng isang babaeng fan. Napatitig siya nang isang segundo sa mukha ng fan pero natigil iyon nang binawi ni Brian ang cellphone.
"Tinitingnan ko lang 'yung mga itina-tag sa 'kin ng fans," ani Brian pagkabawi niya ng phone. Inilagay din niya agad iyon sa bulsa.
"Okay." Kumibit-balikat si Kian. "Tara, laro? Let's shoot the ball!" Umakto pa ang binata na sumisipat ng billiard ball.
Pumayag din naman agad si Brian. Mayamaya pa ay magkakasama na silang lima sa bilyaran.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro