Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59 - Personal Nurse

Horse Island
Dublin, Ireland

Nabanyusan na ni Kathryn ang katawan ni Kian upang kahit papaano ay bumaba ang temperatura nito.
Nakahiga na ang binata at mapayapang nakapikit na ang mga mata.

Mukhang tulog na siya.

Dahan-dahang tumayo si Kathryn sa gilid ng kamang kinauupuan niya habang bitbit ang isang unan at kumot. Balak niya sanang matulog sa sofa na katabi lang ng kama.

Hindi pa siya nakahahakbang ay naramdaman niya ang isang makapangyarihang braso na humapit sa kaniyang baywang.

"D-Dito ka lang please, Kathy. Dito ka lang sa tabi ko." Banaag sa boses ng binata ang pagsusumamo.

Napapikit nang mariin ang noo'y nakatalikod pa ring si Kathryn. Napakagat-labi siya bago niya tugunin ang nagsalita.

"Mas mabuti kung mag-isa ka lang sa kama para mas maginhawa. Nandito naman ako sa sofa, babantayan pa rin naman kita."

Kinabig siya ni Kian paharap kaya siya napahiga. Now, their faces are just few inches away from each other.

"I will feel better kung katabi kita matulog," sambit ng binata na pinamumungayan pa ng mga mata.

"Sige na nga. Dito na ako matutulog." Iniayos ni Kathryn ang kumot na nakabalabal sa binata. Sumandal siya sa headboard ng kama at minasahe niya ang ulo ni Kian nang makatulog na ito.

Mayamaya ay mahimbing nang natutulog ang binata.

"Sleep well, Kian." Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga. Ginawaran niya ang lalaki ng palihim na halik sa may bumbunan.

***

Ilang oras na ang lumipas pero nanatili pa ring gising si Kathryn. Oras-oras niyang mino-monitor ang temperatura ng binata. Panay rin ang paglalagay niya sa noo nito ng bimpong itinubog sa maligamgam na tubig. Tuwing sasapit ang ikaapat na oras ay ginigising niya si Kian para painumin ng gamot. Matapos noon ay pinapatulog din niya ito kaagad.

***


Alas dos na ng madaling-araw. Matinding nangangaligkig si Kian na ikinapag-alala ng dalaga.

"Kian? Ano'ng nararamdaman mo?"

"M-Malamig."

"T-Teka, kukuha pa ako ng kumot."

"No."

Napakunot-noo si Kathryn dahil sa tinuran ng binata.

Marahang hinigit ni Kian si Kathryn patungo sa kaniya at nang mapagtagumpayan niya iyon ay niyakap niya ang dalaga. Isinubsob ng binata ang mukha sa leeg ng katabi habang nakapulupot ang kaniyang mga kamay sa beywang nito.

"I feel better and warmer. Thank you, Kathy."

Alanganing yumakap pabalik si Kathryn sa binata. Biglang sumilakbo ang tibok ng kaniyang puso sa pagkakataong iyon.

Parang sunod-sunod na hinahampas ng tambol ngayon ang puso ko.

Kung alam mo lang, Kian. Kung alam mo lang.

Rodriguez Residence
Sunflower Subdivision
Project 4, Quezon City

Matamang nakamasid si Aling Adel sa asawa niyang may pinupukpok sa dingding ng living room.

"Ayos na, mahal." Bumaba na si Mang Zander sa ladder. Pagkababa ay tiningnan niya kung pantay ang pagkakapako sa bagay na idinikit niya roon.

Picture iyon nina Kathryn, Keanna, Kian John... at ni Kian.

In-edit ng bunso nilang anak ang larawang ito. Nang sila ay magandahan ay pinalakihan nila para ipa-frame.

"Salamat, mahal," ani Aling Adel na napahawak sa siko ng asawa. Nakatingin din ang ginang sa ikinabit ng asawa. "Kung sila ang itinakda para sa isa't isa, anumang humadlang sa kanila ay pagtatagpuin pa rin sila."

Umakbay si Mang Zander kay Aling Adel.

"Nanay! Nanay!"

Masiglang tumakbo papunta sa mag-asawa ang kanilang mga apong sina Kian John at Keanna.

Sino ba ang mag-aakala na ang kinababaliwan ng kanilang anak na si Kian Egan na miyembro ng sikat na boyband na Westlife ang siya palang ama ng mga batang ito?

Aaminin nila, hindi talaga sila naniwala nang umamin si Kathryn tungkol sa pagdadalang-tao nito sa supling nila ni Kian.

Kung iisipin ay napakaimposibleng mangyari noon.

Kahit noong naipanganak ni Kathryn ang mga ito ay nag-aagam-agam pa rin sila. Hanggang sa lumaki na ang mga ito ay naging kumbinsido na rin sila. Hawig na hawig nga ng kambal ang ama nila lalo na noong bata pa ang huli.

Nagkaroon ng masinsinang pag-uusap sina Mang Zander, Aling Adel, at Kathryn. Doon ikinuwento ng dalaga ang lahat. Lahat-lahat.

Nang matapos magkuwento ay mas nangibabaw sa kanila ang pagmamahal at pang-unawa nila sa anak kaysa sa galit. Mahal nila si Kathryn at gustuhin man nilang maikasal ang anak nila nang malinis at puro ay wala na silang magagawa dahil nangyari na. Anak pa rin nila ito at wala silang choice kung hindi tanggaping muli ito.

"Tatay! Tatay! Karga po!" nakangusong sabi ni Kian John. Iniuumang nito ang maliliit na braso sa lolo.

"Paano ko ba matatanggihan ang apo kong ito eh dinadaan-daan na naman ako sa pagpapa-cute na 'yan? Ay siya, halika," ani Mang Zander na binuhat si Kian John.

Upang 'di mainggit ay binuhat rin ni Aling Adel si Keanna. Kulot ang blonde nitong buhok, may matangos na ilong, at kapansin-pansin ang asul nitong mga mata na nakuha mula sa amang si Kian Egan. Ganoon rin ang hitsura ng kakambal na si Kian John. Nagkaiba lamang sila pagdating sa buhok dahil ang gupit ng buhok ni Kian John ay low fade gaya ng usong hairstyle ng mga bata ngayon. Blonde rin ang kulay nito na mas lalong nagpaangat sa kaniya kung itatabi siya sa ibang bata.

"Daddy oh!" Nakaturo si Keanna sa picture frame na idinikit ng kanilang lolo. Ang tinutukoy niyang daddy ay ang larawan ni Kian sa tabi nilang mag-iina.

Lingid sa alam ni Kathryn ay kilala na ng kambal ang kanilang ama. Nangyari ito ilang araw matapos makalipad ng dalaga papuntang Ireland.

Naghuhugas ng pinggan si Aling Adel habang nakahiga sa sofa sina Kian John at Keanna. Hawak ng mga ito ang isang tablet habang nanonood ng nursery rhymes.

🎶 Johny Johny
Yes Papa
Eating sugar
No Papa
Telling lies
No papa
Open your mouth
Hahaha 🎵

Napapasayaw pa ang dalawa habang sinasaliwan ang awitin. Napapangiti na lamang si Aling Adel dahil sa tuwa sa mga apo.

Ilang minuto ang lumipas ay nanibago ang ginang dahil sa pagiging tahimik ng kambal. Paglingon niya ay kita niyang tutok na tutok pa rin ang dalawa sa screen.

Lumapit si Aling Adel at nanlaki ang kaniyang mga mata dahil nanonood ang mga apo ng Westlife concert. Kung hindi siya nagkakamali ay clip ito noong nag-concert ang boyband sa Pilipinas ilang taon na ang nakaraan.

Ang ipinagtataka niya ay kung paano natuklasan nina Kian John at Keanna ang video na iyon.

"Oh, bakit seryosong-seryoso yata kayong maglolola?" ani Mang Zander na kabababa lamang ng hagdan.

"Mahal, paanong-"

"Naku, mukhang napindot yata ng mga apo natin 'yung history. Pinanonood ko 'yan kanina," paliwanag ni Mang Zander. Nakinood na rin ito sa mga apo.

Tuwang-tuwa ang mga bata nang makita nila ang mommy nila na nasa stage. Ito iyong oras na hinaharana ng Westlife ang limang dalaga

"Nanay, sino po 'yun?" tanong ni Kian John. Nakaturo siya kay Kian na katabi ng ina sa video.

Hindi nakasagot si Aling Adel. Umurong ang kaniyang dila.

"Yan ang daddy n'yo," ani Mang Zander.

Pinandilatan ni Aling Adel ang kabiyak. Binalikan siya ng inosenteng tingin ng asawa.

"Oras na para malaman nila ang tungkol sa kanilang ama."

"Da...ddy?" tanong ni Keanna na sinubukang bigkasin ang 'daddy'.

Tumango si Mang Zander. "Oo, apo. Da-ddy. Daddy."

"Daddy!" sabay na sabi ng kambal.

Naipokus ang camera kina Kian at Kathryn. Inaawitan noon ng Westlife ang mga dalaga ng kantang Swear it Again.

"Daddy, Mommy, Daddy, Mommy!" ani ng dalawa na panay ang turo kina Kian at Kathryn sa screen.

Napapangiti ang mag-asawang Adel at Zander dahil sa nakikita.

"Balang-araw, makikita rin nilang magkasama ang daddy at mommy nila," wika ni Mang Zander.

Isang ngiti ang pinakawalan ni Aling Adel na humilig sa dibdib ng asawa.

***

Alas-nuwebe na ng umaga ngunit hindi ito batid dahil malakas pa rin ang buhos ng ulan.

Nag-inat ng kamay si Kathryn tanda na napasarap ang kaniyang naging pagtulog. Naghihikab pa siya habang tinitingnan ang oras sa cellphone.

"Hala! Alas nuwebe na! Nakaligtaan ko ang pagpapainom ng gamot kay Kian!"

Taranta niyang kinuha ang gamot na nasa side table. Akma niya itong bubuksan nang maramdaman niyang bumangon si Kian. Gising na rin pala ito.

Ipinatong ng binata ang baba sa isang balikat ni Kathryn.

"Ay palaka ka ng kabayo!"

Bahagyang napatawa si Kian. "Good morning, Kathy!"

Iniwas ng dalaga ang balikat na pinatungan ni Kian.

"G-Good morning too. Uminom ka na ng gamot."

"I'm well. I no longer need that," nakangiting sabi ni Kian.

Hindi pa rin nagsasalita si Kathryn. Nilingon niya ang binata para kumpirmahing wala na nga itong lagnat. Dinama niya ang noo, leeg, at pisngi ni Kian.

Napangiti siya nang mapatunayan niyang hignaw na ito sa lagnat. "Mabuti naman."

"Magaling mag-alaga ang nurse ko, eh," ani Kian na noo'y kinindatan si Kathryn.

Umismid ang dalaga na sinabayan ng pag-ikot ng mga mata. "Bolero!"

"Hindi ako bolero. Totoo 'yung sinabi ko," sinserong sabi ni Kian. "Salamat, Kathy."

Hindi maikakaila ang idinulot noong pamumula sa pisngi ng dalaga.

"Uy, bakit pulang-pula ng mukha mo ha? Kinikilig ka 'no?"

"H-Hoy! Hindi ako kinikilig ha? M-Mukha ba akong kinikilig?"

"Hindi halata. Nauutal-utal ka pa nga, eh." Nilapitan ni Kian ang dalaga at itinaas ang babâ nito. "Aminin mo, patay na patay ka pa rin sa akin 'no?" Lalong ipinungay ni Kian ang mga mata. Alam na alam niya kung paano kukuhanin ang loob ng dalaga.

"Gusto mo lang akong halikan, eh," may panghahamon sa tinig ni Kathryn. "Aminin mo, nami-miss mo na ang mga labi ko." She smiled silently and bit her lower lip, as if she is trying to reverse the situation.

Napatingin si Kian sa mga labi ng kaharap. Bumuhay iyon sa kaniyang dugo.

"Is it a dare?" Lalong inilapit ng binata ang mukha kay Kathryn.

Unti-unti nang nawala ang ngiti ni Kathryn dahil sa pagtitig ni Kian. Aminado siyang nakararamdam na naman siya ng kaba sa kaniyang dibdib.

Pero hindi siya magpapalamong muli sa mga titig na iyon kung kaya ay hinawakan niya ang pisngi ni Kian para kurutin.

"Ikaw talaga, idinadaan-daan mo na naman ako sa titig mong 'yan. Kung inaakala mong ma—"

Napatigil si Kathryn sa pagsasalita nang hawakan ni Kian ang kamay niyang nakadantay sa pisngi ng binata. Nanatili pa rin itong nakatitig sa kaniya at sa oras na iyon ay hindi niya namalayang nakipagsasalubungan na siya ng titig.

"K-Kian..."

•••

Author's notes:

Hi, guys! Sorry for the short update! Mahaba sana ito pero napagdesisyunan kong hatiin na lang 'yung ita-type ko. Sobrang challenging ng mga susunod na eksena hahaha. I don't wanna spoil you guys lol.

Please wait for my next update later, on or before @9pm! ☺️😍❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro