Chapter 55 - Stargazing
Lower Lake
Glendalough, Wicklow, Ireland
Pagsapit ng alas otso ng gabi ay tinatahak na nina Jem at Mark ang daan patungo sa Lower Lake.
Pinisil ng dalaga ang palad ng nobyo. "Love, sigurado ka ba sa ginagawa natin? Hindi ba ito bawal?"
Nilingon ni Mark ang nobya sabay kinindatan. "I've got you covered, love. Don't worry too much."
Nagpatianod na lamang si Jem sa nobyo. Nagpatuloy sila sa paglalakad.
Mayamaya ay may napansin ang dalaga. Niyugyog niya ang braso ng katipan.
"Mark, akala ko ba doon ang daan?" She pointed at the left direction using her forefinger. Sa kaliwa kasi ang daan papuntang Visitor Centre. Ito ang nagsisilbing lagusan patungong Lower Lake. Nagtataka siya kasi papunta sila sa kanan.
"We're heading a different way, love. Siguradong hindi tayo papayagan 'pag dumaan tayo sa Visitor Centre. Just trust me." Binigyan ni Mark ng reassuring smile ang katipan.
Tinungo nila ang isang kakahuyan at nilandas nila iyon sa loob ng di-hihigit sa tatlumpung minuto. Mayamaya pa ay bumungad na sa kanila ang napakaganda at tahimik na Lower Lake.
Ang mga bituin sa kalangitan na nagniningning ay kitang-kita sa repleksiyon ng tubig na tila ba salamin dahil walang kagalaw-galaw iyon.
"We're here." Ibinaba na ni Mark ang bitbit na mga gamit.
"Ang ganda." Nakisabay sa pagningning ng bituin sa kalangitan ang mga mata ni Jem.
Nakitingin na rin si Mark sa pinagmamasdan ng katipan. "Do you like it?"
"So much."
Napangiti si Mark dahil sa tinuran ng kaniyang kasintahan. Lumitaw ang napakalalim na biloy sa mga pisngi niya na lalong nagpaguwapo sa kaniya.
Hindi maiwasan ni Jem na mapangiti rin dahil sa ekspresiyon ng nobyo. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. "Thank you."
"P-Para saan, love?"
Inangat ni Jem ang mukha. "For doing everything just to make me happy."
Hinarap ni Mark ang dalaga kaya napakalas ang pagyakap ng huli sa katawan ng binata. Nagtitigan sila nang ilang segundo.
"Hinding-hindi ako mapapagod na pasayahin ka hindi lang ngayon kundi habang nabubuhay ako." Binigyan ni Mark ng isang banayad na halik sa noo ang nobya tanda ng respeto.
Napayakap sila sa isa't isa sa tagpong iyon.
"Uy, shooting star!" turo ni Jem sa kalangitan. "Let's make a wish!" Pagkatapos noo'y pumikit siya.
Ilang sandali pa ay iminulat na ng dalaga ang mga mata. Nilingon niya si Mark. Naabutan niyang nakatitig ang nobyo sa kaniya.
"Love? Nakapag-wish ka na ba?"
Iling ang isinagot ni Mark sa nobya.
"W-Why?"
"Why should I wish upon a star if all that I'm wishing for is already here by my side?"
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Jem. Sinundan agad iyon ng pagyakap niya sa nobyo.
"You're making my heart melt, love."
Yumakap pabalik ang nangingiting binata. Napatingin siya sa taas at napaisip.
When he knew Jem, he noticed some changes that happened to him. Naging mas romantiko siya. Naging poetic. At dahil iyon sa pagmamahal na ibinubukal ng puso niya para lamang sa nobya.
Bumitiw sila sa pagyayakapan. Sabay silang napatingin sa kalangitan para muling maghintay kung mayroon pang susunod na shooting star na babagsak mula roon.
"Let's sit, love. I'll light a bonfire so we could grill our food." Inalalayan ni Mark si Jem na makaupo sa damuhan na nilatagan niya ng tela.
Pinagtulungan nilang ihawin ang baong milkfish at chicken barbecue sa pamamagitan ng apoy na ginawa ng binata. Matapos maluto ang lahat ay pinagsaluhan na nila ang mga nilutong pagkain.
They talked for hours while facing the quiet surface of the Lower Lake. Habang dumaraan ang mga oras ay mas nakikilala pa nila ang isa't isa.
Nang makaramdam ng antok ay napagpasyahan na nilang magpahinga sa tent.
Natuod si Jem sa kinatatayuan ilang metro bago sila makalapit sa tent. Napalunok siya nang makailang beses.
Matutulog kami ni Mark sa iisang higaan?
Wari ba ay nahimigan ni Mark ang iniisip ng nobyo.
"Don't worry, love. I'll put a division between us."
Pumasok silang dalawa sa tent. Ibinaba ni Mark ang isang tela na puwedeng humati sa tent sa dalawa.
***
Nakahiga na sila at handa nang matulog. Bago isara ni Mark ang dibisyon ay gumilid siya paharap sa nobya.
"Good night, love."
Binigyan niya ng isang dampi sa mga labi ang nobya.
Ang dampi sa labi na dapat sana'y sandali lamang ay naging ilang segundo.
Natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili na nagpapalitan ng banayad na halik. Mark is kissing Jem slowly, yet hungrily.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Jem. Nag-uumpisa na siyang madala sa nangyayari.
Tuluyan nang iwinaksi ni Mark ang dibisyong naghahati sa kanilang dalawa ni Jem. He just found himself beside his girlfriend, still kissing her.
I can't resist her soft and sweet lips. ani Mark sa isip.
May panginginig ang kaniyang mga kamay nang kaniyang hinapit ang beywang ng kasintahan.
Bahagyang iminulat ni Mark ang mga mata at itinuon ang tingin sa nobya na noo'y nakapikit lamang.
Ibinuka ni Jem ang mga mata. Nagkatinginan silang dalawa. Nagkahiyaan sila kaya napatigil sila sa paghahalikan.
Kung makikita lamang ni Mark ang aking mga pisngi ay makikita niyang kasimpula ito ng makopa. sambit ni Jem sa sarili.
Samantala ay hindi mapakali si Mark sa kinasasadlakan. Halo-halo ang kaniyang iniisip.
I want to protect her, to preserve her until our marriage. I can't do what is beyond a kiss but my body is almost uncontrollable earlier.
I am the man... I should be in control.
But at the same time..
I really want her lips, nothing but her lips.
Pero bakit may parte pa rin ng aking isipan ang nagsasabi na hindi para roon ang mga labi ko?
Tila ba ipinagsisigawan nito na para lang ito sa lalaki!
Hinahabol siya ng multo ng kaniyang nakaraan.
Ah, Tumigil ka, Mark!
Tunay ka nang lalaki. Masanay ka na sa mga labi ng iyong sinta na isang babae!
Napabuntong-hininga siya.
"L-Love, may problema ba?" may pag-aalala sa tinig na nasabi ni Jem.
Tuliro na napatingin si Mark sa nobya. Pilit niyang pinasigla ang tinig.
"W-Wala, love."
Mas inilapit ni Jem ang sarili sa nobyo. Ngayon ay magkaharap na sila. Ibinaling ng dalaga sa kaniya ang mukha ng kasintahan.
"You're lying."
Muling napabuntong-hininga si Mark.
"This is the first time that I kissed a woman like that, love. And.. and.. I find it a little bit awkward. You knew I was a ga-"
Hindi na naituloy ni Mark ang sasabihin nang siilin siya ni Jem ng isang halik. It's a short one but that kiss gave him an assurance that she accepts him wholeheartedly.. that she completely accepts his past and she's willing to help him overcome his doubts.
"Tanggap ko ang buong ikaw at tanggap kong nasa proseso ka pa rin ng transition, love." Hinawakan ni Jem ang kanang kamay ni Mark at pinisil iyon. "Huwag kang mag-alala, kasama mo ako sa journey mong iyan. At kahit naman bakla ka pa rin, mahal na mahal pa rin kita. Bakla ka na noong minahal kita kaya tanggap na tanggap na kita."
"Ano? Sino ang bakla?" Nangunot ang noo ni Mark sa tinuran ng kasintahan.
"Ay, nagalit?"
"Hahalikan ulit kita 'pag sinabi mo pang bakla ako."
"Eh, bakl-" Hindi na naituloy ni Jem ang sasabihin niya dahil siniil na siya ni Mark ng halik. Mabilis lamang iyong halik pero madiin. Tila ba may pagbabanta sa kasintahan na hindi siya magdadalawang-isip na uliting muli iyon.
Binigyan niya ng nakalolokong tingin si Jem na noo'y nakahawak pa rin sa mga labi.
"I'm giving you a warning, love. Bibigyan talaga kita ng maraming kiss 'pag sinabi mo pa 'yun," saad ni Mark na noo'y medyo naka-smirk.
"Oo na, titigil na po. Kulit, eh." Kiniliti ni Jem si Mark sa tagiliran gaya ng pagkiliti niya rito nang sila ay nasa Amanpulo. Gumanti naman ng kiliti si Mark. Paulit-ulit nilang ginawa iyon hanggang sa sila ay mapagod.
Nalimutan na nilang ibaba ang telang dibisyon dahil mahimbing na silang natulog.. kayakap ang isa't isa.
Lincoln Center
New York, New York
Kabababa lang ni Sonia sa sinakyang cab. Papasok na siya sa Lincoln Center nang napataas ang isa niyang kilay.
Nakita niya si Jodi na noo'y kalalabas lang ng sariling sasakyan. Agad na nagtagis ang kaniyang mga ngipin.
Ang aga-aga ay sinisira na naman ng babaeng ito ang aking araw!
"Jodi!"
Napatigil si Jodi sa paglalakad. Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig. "Ohh, Sonia?"
Sadyang pinatunog ni Sonia ang mga takong sa daan habang nilalapitan ang dalaga. "Puwede bang 'wag ka nang magbait-baitan? Alam kong nasa loob ang kulo mo!"
Napataas ang isang kilay ni Jodi sa sinasabi ng kausap.
"It's just your second day today and you are already kissing the ass of our managers." Pinagkrus ni Sonia ang mga kamay. "Para sa kaalaman mo, ilang taon na akong itinuturing dito bilang Queen of Runway. I won't let you take away that title from me."
Pinasadahan siya ni Jodi ng tingin mula ulo hanggang paa. Kitang-kita sa mukha nito ang pagpipigil ng tawa. Lihim siyang natatawa sa inaasta ng kaharap.
Akma siyang aalis nang pigilin siya ng nanggagalaiting si Sonia.
"Kinakausap pa kita!"
"Ouch!" Napahawak si Jodi sa balikat na bahagyang nasaktan ni Sonia. Taas-noo niyang hinarap ang dalaga.
"Alam mo, Sonia. Kung iyang titulo mo lang naman ang inaalala mo, sige sa'yong sa'yo na," may panggigigil sa kaniyang tinig.
"And what did you say? You are... a queen?" Jodi smirked. "It's unclassy for a 'queen' to create a scene like this in public."
Lalo siyang sinamaan ng tingin ni Sonia. Muli siyang nagpatuloy.
"What are you goin' to do? Mag-eeskandalo ka ulit tulad ng ginawa mo kahapon?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Sonia.
"E-Eskandalo? Kahapon?"
"Just see it for yourself." Pagkasabi noo'y umalis na nang tuluyan si Jodi.
Hindi pa nakalalayo ang huli ay nakatanggap ng mensahe si Sonia mula kay Ms. Johnson.
Sonia, we need to talk. Come to my office.
Kinakabahan man ay nagmamadali nang tinungo ni Sonia ang lugar na tinutukoy ng manager.
***
Napaupo si Sonia sa swivel chair nang mapanood niya ang ipinakita sa kaniya ni Ms. Johnson. Clip itong mula sa tatlong babae na nakabunggo niya.
Kalat na ang video sa social media. Pinagpipiyestahan na iyon ng mga tao. 'Whore', 'bitch' at kung ano-ano pa ang itinatawag sa kaniya ng mga nakakita sa video. Some even dragged Kian's name.
Lihim na napamura si Sonia.
"Our organization was dragged down because of that video, Sonia. Nalalapit na ang NY Fashion Week at ikinatatakot ko ay baka magsipag-urungan ang sponsors," ani Mrs. Johnson. "I think you need to rest for a while... palipasin lang natin itong NY Fashion Week."
Napapiksi si Sonia. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya. "Give me a second chance, Ms. Johnson. Napakaimportante ng event na ito para sa akin."
"I'm sorry but the board already decided on this."
Nasapo ni Sonia ang sariling noo. Nag-uumpisa nang uminit ang kaniyang mga mata.
Isang mabigat na desisyon ang naisip niya.
Malakas na ibinagsak ng dalaga ang mga kamay sa lamesa ng manager.
"Fine. I'm quitting for good!" Walang lingon-likod niyang nilisan ang opisina ni Ms. Johnson.
Sa paglabas niya sa opisina ay nakita niya si Jodi na wari ay narinig ang lahat ng nangyari sa loob kanina.
Napasinghap na lang si Sonia. May pagtatangis ng ngipin niyang tinalikuran ang babaeng minsa'y minahal ni Kian.
Marami na siyang iniisip. Ayaw na niyang dagdagan pa.
Egan's Mansion
Beaumont, Dublin, Ireland
Nasa dining area si Kian habang nakaupo. Ang direksiyon ng mga mata niya ay sa hardin ngunit lampas ang tingin niya roon.
Marami siyang iniisip.
Si Kathryn.
Si Sonia.
Ang kaniyang kapatid na si Colm.
Kagabi pa siya binabagabag sa kaiisip sa tatlo.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Tiningnan niya ang mommy niyang abala sa pagtitimpla ng kape ng asawa.
Mayamaya ay nalipat ang tingin ni Kian sa kaniyang daddy na nasa kabilang dako ng lamesa. Nagbabasa ito ng diyaryo.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Kung umakto ba ang mga ito ay parang walang nangyari kahapon. Ni hindi man lang siya kinokompronta ng mga ito.
"Mom, Dad."
Sabay na napalingon sina Patricia at Kevin sa kinaroroonan ni Kian.
Tumayo ang binata sa kaniyang kinauupuan at nilapitan ang mga magulang.
"Yes, son?" tanong ng mommy niya. Lumapit ito sa asawa para iabot ang tinimplang kape.
"Mom? Dad? Huwag n'yong sabihing wala lang sa inyo 'yung nakita ninyo kahapon?"
Nagpalitan ng makahulugang tingin sina Patricia at Kevin.
"Sandali lang, anak." Umakyat si Patricia sa ikalawang palapag ng mansion. Ilang minuto lang ang lumipas ay bumaba na rin ang ginang na dala-dala ang isang kahon. Inilapag niya ito sa lamesa.
Nagtatakang binuksan ni Kian ang kahon. Napalaki ang mga mata niya sa nakita.
Naroon ang scrapbook pati ang brown envelope na naglalaman ng raw pictures nila sa Amanpulo.
"P-Paano n'yo-"
"Ako ang humalungkat niyan sa kuwarto mo, kuya," ani ng isang tinig na nagmula sa itaas.
"Colm." Sinundan ni Kian ng tingin ang kapatid na pababa na ng hagdan. Mayamaya pa ay kaharap na niya ito.
"Hindi ako magiging sinungaling sa 'yo, kuya. Nasaktan ako sa.. sa nasaksihan ko." Para bang may namuong lungkot sa mga mata ng binata dahil sa naalala.
Muling nagpatuloy ang nakababatang kapatid ni Kian. "Gusto kitang suntukin sa oras na iyon, kuya."
"Pero ano ba ang magagawa ko? Ako nga pala ang unang naghamon sa iyo na May the Best Man Wins 'di ba? Ginawa mo lang naman 'yung diskarte mo kung paano makukuha ang puso niya." Napangiti nang tipid si Colm sa sandaling iyon. Nanatili lamang na nakikinig ang mga magulang nila sa isang tabi.
"And I guess... you already did."
"Sa totoo lang, matagal mo na palang nakuha 'yung puso niya. At hanggang ngayon e dala-dala mo pa rin dito sa Ireland. Dinala mo pa sa USA kaya hindi niya tuloy mabuksan ang puso niya para sa iba."
"I couldn't deny the connection between the two of you when the doors of the lift opened. May iba talaga eh."
Tinungo ni Colm ang upuan malapit sa kaniyang mga magulang. Sinundan naman siya ng tingin ni Kian.
"I'm such an idiot. Pagkatapos noon, pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili kong wala lang iyon. Pero natandaan ko iyong mga kinuwento mo sa akin kina Mrs. O'Brien."
"I entered your room at pilit naghanap ng pruweba na makapagpapatunay na mali ang hinala ko.
Pero nagkamali ako dahil ang nakuha ko ay ang mas nakapagpatibay ng nararamdaman n'yo para sa isa't isa.
These scrapbooks and pictures...
Are already enough proof for me to stop..
And give way to you, kuya." pagtatapos na salaysay ni Colm. Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay sa kapatid.
Ngumiti si Kian at walang pag-aalinlangang sinalubong ang kamay ni Colm. Sinundan iyon ng mahigpit na yakap.
"Settle everything with Sonia. Or else, I'm gonna get Alexa. Itatanan ko siya at hindi na ibabalik sa iyo 'pag sinaktan mo pa siya," pagbibiro ni Colm.
"In your dreams!" Kinusot ni Kian ang magulong buhok ng kapatid.
Inakbayan sila ng kanilang mga magulang na noo'y natutuwa sa kinahinatnan ng pag-uusap ng dalawa.
Hometown Unit
Dublin, Ireland
Maaga pa lamang ay nag-aasikaso na ng napakaraming papeles si Kathryn. Inilatag niya ang mga ito sa dining table.
Umiinat-inat na lumabas si Mae mula sa kuwarto.
"Bakla, ang aga-aga naman niyan!" aniya na humikab pa. Halatang nakulangan sa pagtulog. Paano ay anong oras na rin sila nakauwi mula sa ospital.
"Inaasikaso ko lang ang papers ng bahay mo para makauwi na ako sa Pilipinas. Miss ko na ang mga anak ko."
"Miss na ang mga anak o may gusto ka na namang takbuhan dito sa Ireland?"
Napatigil sa pagsusulat si Kathryn at unti-unti niyang nilingon ang kaibigan.
"Raulo ka talagang babaita ka. Siyempre miss na miss ko na ang mga anak ko. Naho-home sick na ako."
"Okay, sabi mo, eh." Tinungo na ni Mae ang malaking TV para humanap ng musika na pang-zumba.
Napabuntong-hininga na lang si Kathryn at akto niyang itutuloy ang pagsusulat nang may maisip siya.
Tama ka, bakla. May gusto nga akong takbuhan dito.
Matapos ang lahat ng nangyari kahapon, wala na akong mukhang ihaharap sa lahat.. lalo na sa pamilya ng mga Egan.. sa lads..
..at kay Kian.
Aaminin ko, may isa na namang kabanata sa buhay ko ang muling nabuksan dahil sa nangyari sa lift. Pilit ko mang itanggi pero nananaig ang nararamdaman ng aking puso!
Pero hindi ito tuluyang makalabas dahil.. dahil sa katotohanang nakatali pa siya sa isang tao!
I don't want to create the same mistake twice.. not anymore...
Poulanass Waterfall
Glendalough, Wicklow, Ireland
Mga bandang alas singko ng umaga ay nakabalik nang muli sa hotel sina Mark at Jem. Nang mag-alas diyes ay muli silang bumalik at dumiretso sa pamosong talon na napuntahan na nila kahapon - ang Poulanass Waterfall.
Nagpumilit si Jem na bumalik sila rito dahil nabitin umano siya sa pagtingin sa magandang lugar na ito.
"Parang ayoko nang umalis dito, love. Ang ganda-ganda tingnan ng talon," ani ng dalaga na ini-sway ang kamay ng nobyo habang nakamasid sa tubig ng Poulanass.
"Let's camp again here, love!"
Umiling si Jem at pinisil ang palad ni Mark. "Sa ibang lugar naman tayo mag-camp. Kinakabahan na ako. Baka mahuli na tayo niyan mamaya."
Mark shrugged his shoulders. "Okay lang. Sanay naman na akong mahuli."
"N-Nahuli ka na, love?"
Entusiyastikong tumango ang binata. "Four years ago, a woman caught my heart. Sabi niya, habambuhay na raw niyang ikukulong iyon." Mark looked at Jem. "Okay lang, wala naman na akong planong bawiin 'yung puso ko. Sa kaniya na lang iyon."
Awtomatikong lumawig ang mga labi ni Jem. Umabot iyon hanggang mga tainga niya.
"Kainis ka naman, love!" She pouted her lips and hugged her boyfriend.
Mark secretly smiled and hugged her back. Kasiyahan niya ang makitang masaya ang nobya.
***
Naglakad-lakad pa sila sa paligid ng talon.
Mayamaya ay napatigil si Jem.
"Teka, parang si ano 'yun ah?"
Napatingin din si Mark sa tinitingnan ng nobya.
"James!"
Dagling bumitiw sa pagkakahawak ng kamay si Jem at pinuntahan ang lalaking tinawag nitong James. Napatingin na lamang si Mark sa kamay niyang naiwan at muling ibinalik ang tingin sa nobya at lalaking pinuntahan.
"Gummy bear!" sigaw ng lalaki.
Gummy bear?! Wait, what? Sino ang lalaking ito at may endearment pang gummy bear sa girlfriend ko?!
Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Mark. Napatikom nang mahigpit ang dalawa niyang kamay.
"Potchiiiiii!" ganting bati ni Jem kay James. Kitang-kita ng dalawang mga mata ni Mark na mahigpit na nagyakapan ang dalawa. Nagwawala na ang loob niya dahil sa nakikita.
My girlfriend is hugging a man!
Haaayy....
I don't like to see her hugging anybody. I want her to only hug me!
Gustong-gusto na sana niyang suntukin ang lalaki pero kinontrol niya ang sarili.
"Dude.. she's my girlfriend." Nakalapit na si Mark sa dalawa.
Kaagad naman na bumitiw sa isa't isa sina Jem at James. Kapwa nagulat ang dalawa sa pagsulpot ni Mark.
Napahawak si James sa batok. "Sorry, Dude."
"Ahm, James.. he's Mark. My boyfriend. Mark, he's James. 'Yung classmate na naikuwento ko na sa iyo noon. 'Yung naghatid sa akin sa bahay para tulungan akong magbuhat ng project tapos-"
"Tapos napauwi kaagad ako dahil naghasa si tito ng itak sa labas ng bahay.." pagpapatuloy ni James sa sasabihin ni Jem.
Nag-apir sina Jem at James dahil doon kaya lalong dumilim ang mukha ni Mark.
"James, I'm Mark." Iniabot ni Mark ang kanang kamay sa kaharap. Dagli namang kinuha iyon ni James.
"Nice meeting you, dude."
Seryosong tumango lang si Mark sa bagong kakilala.
"I know that you miss each other a lot but we need to go now." Pagkasabi noon ay bumaling siya kay Jem. "Let's go, love."
"P-Pero-"
"No, Gummy Bear. I mean, Jem. Mukhang marami pa kayong pupuntahan ni Mark." May dinukot si James mula sa bulsa. "Here's my card. I live in Dublin. Let's keep in touch next time!"
"Sure!" Tuluyan nang lumisan ang magkasintahan palayo kay James na 'dating kaklase' ni Jem.
Hawak ni Mark ang kamay ni Jem habang naglalakad pero kumpara kanina ay napakatahimik niya.
"Love?"
"Uhm.." ani Mark na hindi nililingon ang nobya.
"May problema ba?"
"Wala."
"Ay, ang suplado naman?"
Hanggang sa pagkain nila sa restaurant ay nanatili pa ring tahimik ang binata.
Ano kaya ang problema ng boyfriend ko?
Hanggang sa makarating na sila sa Glendalough Hotel ay ganoon pa rin si Mark. Tila ba may dinaramdam ito sa loob-loob.
Muli ay tinanong ni Jem ang nobyo. "Love? Okay ka lang ba?"
Napatigil si Mark sa pagtatanggal ng medyas at napatingin sa nobya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.
"Okay lang ako. Okay na okay lang ako na binitiwan mo 'yung kamay ko noong nakita mo 'yung classmate mo, Love. Okay lang ako na nagyakapan kayo. Okay lang na Potchi at Gummy Bear ang tawagan n'yo. Okay lang din na nagbigayan pa kayo ng contact details at magha-hang out pa sa susunod. Okay na okay lang talaga ako, love." Bagsak ang mga balikat na nasambit iyon Mark.
Lumiwanag ang mukha ni Jem. Napaawang nang kaunti ang bibig niya na tinutop niya agad ng kaniyang mga palad.
"Markus Michael Patrick, are you jealous?!"
"J-Jealous? Me? No! I am not jealous!" Namumula ang tungki ng ilong ng binata. "Kung gusto mo.. mag-hang out pa kayo ng Potchi mo ngayon. Okay na okay lang sa akin, love."
"Confirmed. Nagseselos ka nga!" kinikilig na napapatawang sabi ni Jem. Nilapitan niya ang nobyo at nilambing-lambing sa pamamagitan ng pagyakap.
Kunwang tinatanggal ni Mark ang kamay ng nobya.
"Do'n ka na sa Potchi mo," labas sa ilong na nasabi ng binata. Nagkakandahaba na ang nguso nito.
"Ayieeeeeeh! Nagseselos ang boyfriend ko," ani Jem.
Pinupog niya nang pinupog ng halik ang mukha ng kasintahan. Sa mga labi, sa ilong, pisngi, baba, noo. Paulit-ulit niyang ginawa iyon.
"Love, huwag mo nang pagselosan si James. Dati ko lang na kaklase 'yun. Sa iyo lang ako."
Nakararamdam na ng kilig si Mark pero mas nangingibabaw pa rin ang tampo niya.
"Crush mo yata si James, eh. Do'n ka na."
"Eh, 'di doon na ako," himig-biro ni Jem na natatawa. Akto siyang aalis palabas ng pinto pero kaagad siyang hinigit ni Mark. Ngayon ay nakaupo na ang dalaga sa lap ng nobyo.
"At talagang pupuntahan mo nga 'no?" tiim-bagang na sabi ni Mark.
Sa puntong iyon ay napabunghalit na ng tawa si Jem. Kinikilig na natatawa siya sa pagseselos ng nobyo.
"Bakit ka natatawa?"
"Eh, ang cute mo kasing magselos, love! Kinikilig ako!"
"At natutuwa ka pa sa pagseselos ko, love?" Napahalukipkip si Mark ng mga kamay dahil doon. Naka-pout na namang muli ang mga labi niya na mas nagpa-cute sa kaniya.
Umiling-iling si Jem. "Hindi, love. Ang cute-cute mo lang kasi talaga, promise! Mahal mo nga talaga ako 'no?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" Hinapit ni Mark si Jem papalapit sa kaniya. "You owe me a hug!"
"Hindi lang hug, may kiss pa!" Niyakap ni Jem nang mahigpit ang nobyo at paulit-ulit niyang binigyan ito ng short kisses sa mga labi, baba, at ilong.
Mayamaya ay maaaninag muli ang saya sa mukha si Mark dahil sa panlalambing ng nobya.
•••
Author's Notes:
This chapter is dedicated to Sis Ecka na nag-request na pag-awayin ko man lang daw sina Jem at Mark. Nakakaumay raw kasi ang ka-sweet-an no'ng dalawa. 😂✌
Happy 11,400 reads mga minamahal kong readers! Sad to say po, ilang chapters na lang ang nalalabi sa akda kong ito. :( Ayaw ko nang pahabain pa kasi baka maumay na kayo.
Wait n'yo na lang 'yung bonggang ending. Kung inaakala n'yong magkakatuluyan sina ano at ano tulad ng ibang teleserye... hmm? Wag pakasiguro ha? Pero survey lang, who wants this novel to have a happy ending? Who wants this to have a tragic finale? Please let me know in the comment section! ^_^
Next update will be on Saturday po. Muli, salamat po talaga sa pagtitiyaga na maghintay sa susunod na chapter. Sobrang na-a-appreciate ko po kayo. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro