Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52 - Trapped

Glendalough Hotel
Wicklow, Ireland

Hapon na nang nakarating sina Jem at Mark sa Wicklow na katabi lamang ng Dublin. Higit isang oras ang ginugol nila sa biyahe papunta rito.

Pagkatapos nilang iparke ang sasakyan ay pumunta na sila sa lobby ng Glendalough Hotel upang kumuha ng accommodation. Both of them planned to stay for two to three days there.

"Miss, two rooms please. One for me and one for my girlfriend," wika ni Mark.

Tumugon ang receptionist. "I'm sorry sir but there is only one room left."

Lumaylay ang mga balikat ng binata. Bakas sa mukha niya ang disappointment.

"We'll take that room, miss." Si Jem ang nagsalita.

Napaawang ang bibig ni Mark na sinabayan ng sunod-sunod na pagkurap ng mga mata. Nabigla siya sa sinabi ng nobya.

***

Mark's POV

The idea of inviting Jem in Glendalough is a product of an impulsive decision.

I was just planning to bring her to a restaurant for a breakfast then I saw a road sign pointing to Glendalough.

Medyo kinakabahan ako kasi nga baka hindi siya pumayag.

I was really filled with joy when she said yes. Siyempre, magkakaroon na kami ng quality time together.

Habang nagda-drive ako, iniisip ko na ang mga dapat naming gawin doon, at kasama na nga ang pagkuha ng hotel accommodation.

Aware akong uso ang booking ng hotel rooms kaya inasahan ko na ring baka mahirapan kaming makahanap ng hotel kapag nakarating na kami sa Glendalough. Marami rin kasing turista ang dumarayo rito.

Pero bahala na..

Come what may.

Sana may extra pang dalawang rooms para sa 'min ni Jem.

Lumaki sa isang konserbatibong pamilya ang girlfriend ko kaya alam kong hindi siya komportable sa ideya na magkasama kami sa isang kuwarto.

Kaya hindi talaga ako makapaniwala nang sabihin ni Jem na kukuhanin na namin 'yung natitirang room.

***

"Do you have a spare mattress?"

"Yes, ma'am. Additional charge lang po kasi hindi po 'yan kasama sa freebie ng hotel."

Isang ngiti ang pinakawalan ng nobya ni Mark. "We'll get one, miss."

Tumango lang 'yung receptionist at mayroon itong in-encode sa kaharap na computer.

"Here's your key card, Mr. Feehily. And here's a spare one for your girlfriend."

"Thank you."

***

Napipintahan ng yellow pastel ang dingding ng nakuha nilang room. Ang ceiling naman noon ay purong puti. Ang sahig naman ay natatakpan ng plain burgundy carpet.

May dalawang malalaking bintana kung saan malaya nilang napagmamasdan ang kagandahan ng Glendasan valley sa 'di kalayuan.

Aliw na pinagmasdan ni Jem ang tanawin. Sa tabi niya ay nandoon din ang katipan.

"Ngayon lang nagsi-sink in sa akin na nasa Ireland na talaga ako, love." Pinagmalas ng dalaga ang tingin sa labas. "Dati, sa vlogs ko lang ito nakikita pero ngayon, naaapakan ko na. Di ako makapaniwala."

Inakbayan ni Mark ang dalaga. "We'll explore more destinations tomorrow."

"I can't wait." Hinarap ni Jem si Mark. Kinuha ang dalawang mga kamay nito at ini-sway pakaliwa at pakanan. "Gusto kong puntahan ang bawat sulok ng Ireland."

"It will happen anytime soon. Hayaan mo akong samahan kita sa lahat ng pagkakataong iyon, love."

Jem's eyes were filled with joy. "Really?"

Mark smiled with glee.

"Oh, thank you." Niyakap ni Jem nang mahigpit ang nobyo na agad sinuklian din ng yakap ng huli.

Hindi na nila nabilang kung ilang saglit na magkahinang ang kanilang katawan. Ang tanging mahalaga lamang ay ang kapayapaang nararamdaman nila sa piling ng isa't isa sa pagkakataong iyon.

Unang bumitiw si Jem. "I'm starving, love. Let's grab a bite." Pagkatapos noon ay pumunta siya sa kinaroroonan ng bag.

Kinuha niya ang babasaging perfume. Iwinisik niya ang kaunti sa leeg para ma-refresh ang sarili. Akto niyang ibabalik ito sa bag nang hindi tumama ang pagsaluksok niya sa hawak. Nahulog sa sahig ang babasaging perfume at nagkalat ang likido.

Umahon ang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib niya.

"Love, magpapatawag na ako ng cleaner. 'Wag mo nang walisin," wika ni Mark.

Balisang tumango lang si Jem.

Hindi nalingid kay Mark ang reaksiyon ng nobya. "What's bothering you, love?"

Matamlay na umupo si Jem sa edge ng kama. Sumunod si Mark.

Nagpakawala ng hangin ang dalaga mula sa dibdib. Sinundan iyon ng marahang pag-iling. "Kinakabahan ako. May paniniwala kasi kaming mga Pilipino na 'pag may nabasag ka nang 'di sinasadya, may mangyayari raw na 'di maganda sa 'yo o sa mga taong malapit sa 'yo."

"Take it easy, love. It's just an accident." Hinarap ni Mark si Jem at hinawakan ang mga kamay nito at saka pinisil. "I will keep you safe. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo.. sa 'tin. I still have plans to build a family with you with a dozen of kids."

Nanlaki ang mga mata ni Jem. "Sandosena talaga?"

Mark nodded. "Sayang naman 'yung genes ko kung hindi tayo mag-aanak ng marami. Mark Feehily kaya ito 'no? Paniguradong magaganda at guwapo ang future kids natin, love."

"Kung kaya mong buhayin ang 'sandosenang anak, why not?"

"Ako pa ba?" Pinisil ni Mark sa ilong ang kaniyang nobya. Iginiya niya ito papunta sa may balcony. Nang makarating doon ay niyakap niya sa likod ang minamahal habang kanilang pinagmamasdan ang Wicklow Mountains.

***

pagbabalik-tanaw

Isinuksok ni Kian ang ilang papeles sa long brown envelope. Katatapos lang niyang magbayad ng amilyar o ng real estate tax. Ngayong nagawa na niya ang pinakikisuyo ng ina ay didiretso naman siya sa music store para bumili ng pick ng gitara.

Napukaw ang pansin niya nang tumunog ang lift. Bumukas ang pinto noon at agad siyang pumasok.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang may isa pang sakay sa lift. Hindi na siya nag-abalang tingnan kung sino iyon. Abala siya sa pagkutingting ng phone.

Kian's POV


I stand comfortably in a corner while holding my phone. I also take glances at the number of the floor where the lift is currently located.

26th floor

25th floor

24th floor

Teka..

Ano 'yun?

Parang may naputol na kable?

Napatingin ako sa kasama ko sa lift para malaman kung napansin niya rin iyon.

I was shocked to know who's the person I am with, the entire time I'm inside the lift.

It's Kathy.

Mixed emotions start to bother my chest when we heard the same sound again that we heard earlier.

A short clicking sound of a cable detaching from the lift brought us the highest level of fear we ever felt in our lives.

And that's it..

The lift went down uncontrollably.

Sh*t. Not now please.

Wala akong sinayang na panahon. On a spur of the moment, I grabbed Kathy. I laid my back on the floor and put her on top of me.

God, if we're going to fall down, just let me die.. but not her please.

Niyakap ko siya nang mahigpit para hindi siya mahila ng pressure papunta sa ceiling.

Suddenly, the lift stopped going down.

Everything is pitch black.

A deafening silence came after.

I-Is this the end?

Then why am I not feeling extreme pain?

Shit.

Narinig ko ang malalalim na paghinga.

"K-Kathy?"

"K-Kian..."

"Hush... calm down. I-I'm here."

"A-Are we dead?"

"No, Kathy. W-We are alive."

Then she burst into tears.

Wala akong nagawa kung hindi ang yakapin siya at suklayin ang kaniyang buhok gamit ang aking isang kamay.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero sobrang bigat ng pakiramdam ko na makita siyang umiiyak.

Hindi ko mapigilang malungkot.

Haaaay... Kathy, tahan na please?

Nanatili kami sa puwesto namin sa pangamba na baka isang maling galaw namin ay baka tuluyan nang bumagsak ang lift o elevator.

I felt that she's hugging me back. I just let her do that if that is the only way to ease her feeling.

Shit.

I can hear my heart pounding hard inside my chest.

Bakit ganito? Sobrang bilis ng tibok na para bang may hinahabol.

***

Ilang minuto nang nakatigil ang lift ay ganoon pa rin ang puwesto nila.

Inangat ni Kian ang ulo para tingnan ang dalagang nakapaimbabaw sa kaniya. "Kathy?"

Nabawasan ang paghikbi ng dalaga. Ibinaling nito ang ulo sa binata. "Uhm?"

"How are you feeling?"

Umalon ang mga labi ng dalaga. "I-I'm afraid," aniya sa pagaralgal na boses.

"I'm here. I will protect you," Kian said with assurance.

Imbes sumagot ay isinubsob muli ng dalaga ang mukha sa dibdib ni Kian. Mas lalong lumakas ang paghikbi niya.

Kinuha ng binata ang cellphone para humingi ng tulong. Pinindot niya ang numero ng police station. Mayamaya'y may kausap na siya sa kabilang linya. "Sir, we're trapped in Sheeran's Building... Yes. I have a companion. I think we're down the 18th.. Yes.. okay. We'll wait for you."

Hinaplos ni Kian ang likod ng dalaga. "Everything will be fine, Kathy. Parating na ang rescuer natin."

"Hindi ako puwedeng mamatay, Kian. Hinihintay ako ng pamilya ko. H-Hindi ako... p-puwedeng mamatay." Lalo pang lumakas ang pag-iyak ng dalaga.

"You won't die. I promise."

Lincoln Center
New York, New York

Nakapasok na si Sonia sa loob ng malaking dressing room kung saan inaayusan ang mga modelo. Tatlong linggo na lang ay gaganapin na ang NY Fashion Week.

"Hey! Long time no see, girl!" bungad ni Heather kay Sonia pagkapasok ng huli sa pinto. "Where have you been?"

Pumunta si Sonia sa harap ng malaking salamin. Inusisa kung may kailangan siyang i-retouch sa make up. "Nag-isolate lang ako sa unit. Di ko feel makipag-socialize sa mga tao," pagdadahilan ng dalaga. Hindi niya sinabi ang tunay na dahilan bilang pag-iingat na ring makarating sa management ang tungkol sa takas niyang pagbabakasyon.

Lumangitngit ang pinto kaya napatingin ang dalawa roon. Tumambad sa kanila si Debbie. "Girl, hinahanap ka pala ni Brandon. Noong minsan pa pabalik-balik dito."

Napabusangot si Sonia nang marinig ang sinabi ng kapwa modelo.

"Puwede n'yo bang sabihan 'yun sa susunod na tantanan na niya ako? He's getting into my nerves!"

"Ikaw na lang ang makipag-usap sa kaniya. Kahit naman sabihan namin 'yun ni Debbie e babalik at babalik pa rin naman 'yun," ani Heather.

Malalim na buntong-hininga lamang ang pinakawalan ni Sonia.

•••

Nasa stage na ang lahat ng modelo kabilang sina Sonia, Heather, at Debbie.

"Ladies, we'll start our daily practice today for the upcoming NY Fashion Week," panimula ni Ms. Johnson, ang manager nina Sonia. "Before we begin, I have an announcement."

Tumikhim muna ang ginang bago nagpatuloy. "An acclaimed Irish model who started her career in Canada will be a part of us from now on."

Tumingin si Ms. Johnson sa gilid ng stage. "Miss Albert, come in."

Ms. Albert? kunot-noong tanong ni Sonia sa sarili. Tiningnan niya ang direksiyon kung saan manggagaling ang tinutukoy ng manager.

Tumigil ang mundo niya nang unti-unting magkahugis at magkaitsura ang papalapit na tao. Kung ilang segundo niyang pinigil ang paghinga ay hindi niya alam.

Tama nga ang hinala ko!

Si Jodi Albert na ex ni Kian ang tinutukoy ni Ms. Johnson na bagong model!

Sa dinami-rami ng pag-a-apply-an, dito pa talaga?

Lihim na itinikom ni Sonia ang kaniyang mga palad.

"Hi, everyone. I'm Jodi," nahihiyang kinawayan ni Jodi ang mga makakasama sa trabaho. "Pleased to meet all of you."

Isa-isa niyang nilapitan ang mga kapwa modelo para makipagkilala.

Mayamaya ay nagkaharap na sina Jodi at Sonia. Nais sanang makipagkamay ni Jodi sa huli pero hindi natuloy.

Tiningnan lamang ni Sonia ang kamay ng dalaga. Iniarko niya ang kanang kilay habang nakahalukipkip ang mga braso.

Umakyat ang tingin niya. Ngayo'y nakipagtitigan na siya kay Jodi na noo'y dala-dala ang confused na reaksiyon sa mukha. Nakataas pa rin ang mga kamay ng huli sa ere.

"If that handshake means an attempt to start a friendship, just take back your hand. I am not interested."

"Ohh." Napatuwid ng tayo si Jodi. Noon lang niya binawi ang kamay. Tumango-tango siya. "Not an issue."

Nagkibit-balikat siya. Akma siyang lalakad para makipagkilala sa iba nang magsalita si Sonia.

"I'm Sonia. I am Kian Egan's girlfriend and future wife." Binigyang-diin ng dalaga ang huling salita.

Napakurap-kurap si Jodi dahil sa sinabi ni Sonia. Nang makahuma ay nilingon niya ang nagsalita. Ginamit niya ang sandali para kilatisin ito.

"I get it now." Dahan-dahan siyang lumakad papalapit muli kay Sonia. "Kaya pala ang init ng dugo mo sa akin e may pinanggagalingan naman pala." She let out a small laugh. "You don't have to feel threatened. You can gatekeep Kian as long as you want. Hindi ako manghihimasok, promise."

Akmang ibubuka ni Sonia ang bibig nang lapitan sila ni Ms. Johnson.

"Is there a problem, Jodi? Sonia?"

Hinarap ni Jodi ang manager. "None, Ms. Johnson. We're just having a small talk."

Tumango ang ginang. "Great. Come with me, Jodi. I'll introduce you to our staff."

Bago sumama sa manager ay binigyan ni Jodi ng isang nakalolokong ngiti si Sonia.

Ngitngit na ngitngit ang huli dahil hindi man lang siya nakabawi sa dalaga.

***

Brewbaker Cafè
Dubln, Ireland

Kanina pa tingin nang tingin si Colm sa suot na relong pambisig. Labinlimang minuto na ang nakalipas matapos ang alas kuwatro pero wala pa si Alexa.

Habang naghihintay ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ina.

"A-Anak."

Napahigpit ang paghawak ni Colm sa phone nang marinig ang tinig ng natatarantang ina. "M-Mom?"

"Na-trap sa lift ang Kuya Kian mo. Nasa Sheeran's Building siya!"

"H-Ho? Pupuntahan ko si Kuya, Mom!" Binabaan na niya ng telepono ang ina.

I'm sorry, Alexa. I know you'll understand.

***


Nagkukumpulan ang rescue officers sa 17th at 18th floor ng Sheeran's Building. Nakaantabay naman ang ambulansiya sa labas bilang paghahanda sa kung anuman ang mangyari.

Nakarating na sa area ang pamilya ni Kian maging sina Mae at Analisa.

"Okay lang kaya si bakla?" Bakas sa mukha ni Mae ang pag-aalala. Nasa kabilang parte sila kung saan wala ang pamilya ni Kian.

"Sana." Napabuga ng hangin si Analisa. Hinarap niya ang kaibigan. "Sasabihin ba natin kay Jem 'to?"

"Huwag na. Baka mapabalik sila ni Mark nang wala sa oras kaya 'wag na natin silang pag-alalahanin pa."

"Kung sabagay." Bumuntong-hininga si Analisa. Binalingan niya ng tingin ang nakasarang pinto ng elevator. "Kawawa naman 'yung kaibigan natin do'n. Buti na nga lang may kasama siya, eh. What do you think? Pogi kaya 'yung kasama ni bakla sa elevator?"

"Gaga, naisingit mo pa talaga 'yun ha?"

Natigil ang usapan nila nang may napadaang police officer.

"Sir, kumusta po 'yung mga sakay? Kaibigan po namin 'yung isa sa na-trap," ani Analisa.

"Conscious ang parehong sakay. Anytime soon e mailalabas din namin sila. 'Yun nga lang, medyo matatagalan. Sa limang kable ng lift e tatlo na lang ang natira kaya maingat kami sa mga susunod naming hakbang," paliwanag ng pulis. "We'll do our best to save your friend."

"Maraming salamat po, sir," magkasabay na sabi nina Analisa at Mae.

***

Sa kabilang dako ay naroon naman ang pamilya ni Kian.

"Mom, Dad!" ani Colm na kararating lang. Hingal na hingal siya, tanda na kagagaling lang niya sa pagtakbo.

"Anak." Sinalubong ni Patricia ng mahigpit na yakap ng anak. Kitang-kita sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

Napatingin si Colm sa pinto ng elevator na pinagkukumpulan ng rescue officers. "How's kuya?"

"Nasa loob pa, anak. May isang kasama. Babae." Ang ama niya ang sumagot.

"Everything will be fine, Mom and Dad. Kuya will make it," pagpapalakas ni Colm sa loob ng mga magulang.

***

Nakaupo na sa magkabilang panig sina Kian at Kathryn nang matukoy nilang safe pa rin ang bahagyang pagkilos. Huwag nga lang sila kikilos nang sobra dahil maaari nilang ikapahamak iyon.

Bukas na ang emergency light kaya nagkakaaninagan na silang dalawa. Hindi man nag-uusap ngunit nahuhuli nila ang isa't isa na nagsusulyapan. Agad din nilang inililihis ang tingin kapag nagtatama ang kanilang mga mata.

Upang malibang ay kinuha ni Kathryn ang cellphone. Pinasadahan niya ng tingin ang pictures sa photo gallery.

Bumangon ang pangungulila sa kaniya. Mayamaya ay muling uminit ang paligid ng mga mata niya. Naisip na naman niya ang bagay na nagpaluha sa kaniya kanina.

Kung nagdire-diretso ang elevator kanina, siguradong patay na sila ni Kian. Na kung nangyari iyon ay lalaki na walang mga magulang sina Kian John at Keanna.

Mawawala si Kian nang hindi man lang nalaman nito na may anak pala sila.

Napasulyap siya sa kaharap. Sa pagkakataong iyon ay saka lang na-absorb ng utak niya ang ginawa kanina ni Kian. Kung paano siya nito protektahan habang bumabagsak ang elevator.

Hanggang ngayon ay nadarama pa niya ang mga bisig ni Kian na nakabalot sa kaniya.

Kian, bakit mo ginawa 'yun? Di ba, dapat galit ka sa akin kasi ipinagtabuyan kita noon?

Pero prinotektahan mo ako.

Bakit?

May lumukob na sakit sa puso niya. Parang may sumusundot doon. Parang may lumilingkis na napakahigpit kaya napahugot siya ng malalim na paghinga. Sinabayan iyon ng pagpatak ng luha.

"Here." Inialok ni Kian sa dalaga ang hawak na panyo.

Napatingin doon ang dalaga. Katulad na katulad iyon ng panyong ibinigay sa kaniya ng binata ilang taon na ang nakaraan.

Umiling-iling si Kathryn. "Huwag na. May panyo akong dala. Salamat." Binuksan niya ang handbag upang hanapin ang tinutukoy.

Nakailang halungkat na ang dalaga ngunit hindi pa rin niya makita ang panyo.

"Kuhanin mo na ito, Kathy." Muling inialok ni Kian ang panyong hawak. "Promise, hindi ko pa nagagamit 'yan."

Hindi na nag-atubili si Kathryn. Kinuha na niya ang panyo. Meron din iyong naka-embroidered na initials ng binata.

Ipinahid niya ang panyo sa pisnging nabahiran ng luha.

It still smells like the hanky he gave me more than three years ago. Yes, the scent of a JOOP perfume.

"H-hey Kathy, does it smell bad?" pag-aalalang tanong ni Kian. Nakita niya kasing nakatitig ang kaharap sa panyong ipinahiram.

Tipid na ngumiti ang dalaga sabay iling. "That scent of your hanky reminded me of the same hanky you gave me at the rooftop." She paused. "You're still using JOOP huh?"

Kian nodded shyly. "Yes. I have no plans to switch perfume brand."

His breathing hitched. He continued. "Natatandaan mo pa pala 'yung ginagamit kong pabango."

"Oo naman." Napatango-tango ang dalaga.

Naging fan mo kaya ako kaya alam ko lahat. Gusto niya sana 'yang idugtong pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw na niyang mapahaba ang pag-uusap nila ni Kian.

Itinuon niya ang atensiyon sa ibang parte ng elevator.

Kailan kaya kami makakalabas dito?

Napatingin siya sa kinaroroonan ni Kian. Nahuli niyang nakatitig sa kaniya ang binata.

Ginantihan niya iyon ng pagtitig sa pag-aakalang babawiin ni Kian ang mga mata. Ngunit nagkamali siya. Mas lumalim pa ang ibinabatong sulyap sa kaniya ng binata.

Hindi pa rin talaga niya iniiwas ang tingin niya.

He is looking at me the same way that he's looking at me years ago.

I can see those blue eyes once again.

Ang aking kahinaan noon..

Ay kahinaan ko pa rin pala ngayon.

Please stop it Kian before I get lost in those blue eyes all over again.

•••

Author's Notes:

Hello, hello guys! Wazzup? Sorry na po agad, alam kong medyo lutang at maikli 'yung update. 😅

Hindi po sila namatay. 👏🥰 Well, hindi pa pala sure kasi hindi pa sila nare-rescue. 😁✌ Remember, tatlo na lang 'yung cable ng lift. 😨

By the way, 'yung lift po pala ay elevator sa 'tin. Lift ang tawag nila sa Europe. So ayun, medyo naipaliwanag ko na po 'yan hehe.

And welcome back to the story Ms. Jodi Albert! Magiging kaaway kaya siya o kakampi? 🤔 Abangan! 😁

Vote and comment po kayo kung nagustuhan ninyo. Okay lang kung hindi. 😄😃

And I accept feedback po ha? Kung nauumay or nahahabaan na po kayo sa story, please tell me po para magawan ko na po ng paraan para matapos. Kasi pangit naman po kung nakakaumay na po pala 'yung story pero pinapahaba ko pa. 😭 I also accept suggestions po ah? Sa totoo lang, suggestion lang din po ng isang reader (Hi Sis Jenelyn! 👋) 'yang scene sa elevator and naisingit ko po sa story. 😁

Kung may alam pa po kayong magandang senaryo na magpapaganda sa kuwento, bukas-palad ko pong tatanggapin. 😁 Minsan po kasi, nauubusan din talaga ako ng ideas kaya napapatagal 'yung update ko. 😂😅

So, see you next chapter. Baka po Friday na ulit ang kasunod. Hehe.

Salamat po sa pagsubaybay! :)

Xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro