Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 50 - I Will Keep You Safe

Nakapagpalit na si Kathryn ng tuyong damit na ipinahiram ni Fenella.

Labis pa rin ang pangangaligkig niya kaya napahalukipkip siya sa katawan. Napansin naman iyon ni Gavin kaya ginatungan nito ang fireplace na nasa living room.

"Thank you."

Tumango si Gavin at tipid na ngumiti. "Okay ka na ba?"

Napasinghap ang dalaga. Inalis na nito mula sa pagkakahalukipkip ang mga kamay. "Mas okay na ngayon." Lumingon-lingon siya. "Nasaan pala sina Mr. and Mrs. Egan? Hindi ko na sila naabutan dito pagkatapos kong magbihis."

"Oo nga pala. Hindi na nakapagpaalam sina Mom sa 'yo. Pinababalik kasi sila ni Mrs. O'Brien." May kinuha si Gavin sa front pocket ng suot na damit. Isang calling card. Inabot niya iyon sa dalaga. "Tawagan mo na lang daw si mom kung may kailangan kayo."

Matapos makuha ni Kathryn ang card ay bumalik na si Gavin sa party.

Sumulpot si Colm mula sa kusina. May bitbit siyang isang bowl ng porridge.

"Kumain ka muna nito para mainitan ang sikmura mo, Alexa." Hinawi niya ang buhok ni Kathryn/Alexa na nakaharang sa mukha. Isinabit niya iyon sa tainga nito. "How do you feel right now?"

Humigop muna si Kathryn ng porridge mula sa bowl bago sumagot. "Parang natanggal ang lahat ng lamig sa katawan ko." Nginitian niya si Colm. "Thanks for this ha?"

Muling humigop si Kathryn para namnamin ang pagkain.

Sa kaniyang peripheral view ay para bang may nakatingin kay Kathryn kaya napatigil siya sa paghigop ng porridge. Tumingin siya kay Colm.

Shems.

Gagi nakakahiya!

Bakit ba humihigop ako nang direkta mula sa bowl?

Dinala ko pa talaga rito sa ibang bahay 'yung gawi ko sa Pinas.

May spoon, Kathryn. May spoon!

Dagling inilapag ni Kathryn ang bowl na hawak. "S-Sorry."

"Uy, bakit mo ibinaba? Ang cute mo kayang tingnan!" saad ni Colm na mula sa pagiging seryoso ay nakangiti na ngayon. Kitang-kita ang magandang ngiti ng binata na lalong nagpaguwapo sa kaniya.

"Cute? Di nga, eh. Nakakahiya kaya." Napayuko si Kathryn sa hiya.

Tumayo si Colm at tinungo ang kusina. Pagbalik niya ay may dala siyang isang bowl ng porridge na para sa sarili niya.

Umupo siyang muli sa tabi ng dalaga. Gamit ang dalawang kamay ay hinigop niya ang laman ng bowl. Hindi niya iyon tinantanan hangga't hindi nauubos.

Nalaglag ang panga ni Kathryn dahil sa ginawa ni Colm.

"Finished!" ani ng binata sabay dighay. "Oops! Sorry!" Tinakpan niya ang bibig.

Ipinitik ni Colm ang mga daliri sa eye level ni Kathryn para kuhanin ang atensiyon nito.

Napapikit-pikit naman ang dalaga nang bumalik ang kaniyang wisyo.

"Oh ayan, quits na tayo ha? Kaya alisin mo na 'yang hiya-hiya na 'yan, Alexa. Walang masama na magpakanatural. Just be yourself."

Kathryn didn't respond. Ina-absorb niya ang sinabi ng binata.

Muling nagpatuloy ang huli. "At saka na-realize kong mas okay pala kung hihigupin na lang 'yung sabaw. Bigla akong na-boring-an sa paggamit ng soup spoon."

"Wui, gamitin mo pa rin 'yung soup spoon. Mukha pa namang mamahalin." Kinuha ng dalaga ang kutsara. Sinipat-sipat iyon at matapos ay isinalok sa natitirang porridge sa bowl niya. Sumubo siya ng isa. "Ay, parang ang boring nga!"

Nagtawanan ang dalawa dahil doon.

***

Nakasilip mula sa labas si Kian. Kanina pa niya tinitingnan sina Kathryn at Colm na nag-uusap sa living room. Lihim niyang pinaningkitan ng mga mata ang dalawa.

Twenty minutes ago

"What's wrong with you? Kanina pa ako dada nang dada rito pero hindi mo ako kinakausap," yamot na sabi ni Sonia.

Tumigil sa paglalakad si Kian. Hinarap niya ang nobya. Pinukulan niya ito ng malamig na titig. "Why did you push her?"

"Me? Push?" Pagak na tumawa si Sonia. "It was an accide-"

She was cut off when Kian deliberately shook his head. "My eyes were following you. Kitang-kita ko ang ginawa mo kanina."

Sonia bowed her head in shame. She played with her fingers. Mayamaya ay binabaan na niya ang pride. Nilapitan niya ang nobyo at hinawakan sa braso. "S-Sorry, hon. I was jealous. Nasa kaniya lahat ang atensiyon kanina. Pati nga ikaw nakita kong nakatitig sa kaniya kahit katabi mo ako. Sino bang girlfriend ang hindi sasama ang loob dahil doon?"

May bumara sa lalamunan ni Kian. Humugot siya ng paghinga. "Bakit mo pagseselosan ang taong pinopormahan ng kapatid ko?"

Pero may basehan naman talaga ang pagseselos ni Sonia. Kathy is a part of your past. A part of your past that she is unaware of. ani Kian sa sarili niya.

"Ewan." Sonia rolled her eyes and smirked.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Binasag iyon ng dalaga.

"Let's end this argument. Ilang araw lang ako rito sa Ireland, mag-aaway pa tayo." Aktong pupulupot si Sonia sa braso ng nobyo.

"Apologize to her."

Tumuwid sa pagkakatayo si Sonia. Hinarap niya si Kian. "If I understand it correctly, you want me..." Itinuro niya ang sarili. "...to apologize to that woman?"

Marahang tumango ang binata.

Nagpakawala ng mahinang tawa si Sonia. Palakas nang palakas iyon.

"What's wrong with you?" tanong ni Kian na nakakunot ang noo.

Mayamaya ay humupa na ang tawa ng dalaga. "Apologize? I would never do that, hon."

Kian gritted his teeth. "Look, muntik nang mawala ang buhay ng isang tao dahil sa 'yo. Kung hindi ko siya naagapa-"

Naudlot ang pagsasalita niya dahil nagsalita si Sonia.

"Ayan! Ipinaalala mo pang iniligtas mo siya dahil sa paghalik mo sa kaniya."

"It's not a kiss. It's just a mouth-to-mouth resuscitation!" depensa ni Kian.

"Kiss or whatever it is, I don't care. Nagkadikit pa rin ang mga labi n'yo."

"Kahit sino naman e gagawin ang ginawa ko. Pati ba naman 'yun pagseselosan mo?" Naisapo ni Kian ang kamay niya sa noo. "Wag mong ilihis ang usapan. Apologize to her."

"No."

Aktong maglalakad si Sonia papasok sa loob ng bahay nang matigilan siya. Nakaharang sina Jem, Analisa, at Mae sa daraanan niya. Naka-cross arms ang mga ito habang nanlilisik ang mga mata sa kaniya.

Imbes ma-intimidate ay pinagtaasan pa ni Sonia ng kanang kilay ang tatlo. Tiningnan niya isa-isa ang mga ito.

Hindi nagpatalo ang mga dalaga. Nakipagtitigan sila sa babaeng muntik nang kumitil sa buhay ni Kathryn.

"Step aside, bitches!" mapanuyang saad ni Sonia.

"Patulan ko na kaya 'to?" Umaktong bibigwasan ni Analisa ang kaharap ngunit kaagad din siyang napigilan sa braso ng dalawang kaibigan.

"Bakla, maghunos-dili ka. 'Wag mong dungisan ang palad mo ng balat ng babaeng 'yan," ani Jem na pinukulan ng masamang tingin si Sonia.

Patuloy na nagpumiglas si Analisa. "Bitiwan n'yo ako, mga bakla. Isa lang, promise."

Umiling si Jem habang pinapakalma ang kaibigan. Hinarap niya si Sonia.

"Don't you have manners? Ikaw na nga 'tong muntik nang makapatay sa kaibigan namin, ikaw pa ang may ganang magmataas. Ang tibay mo rin ha?"

Sonia rolled her eyes upwards. "I'm too tired to argue with you. Umalis na kayo."

"Ay ang kapal," sabad ni Mae na nakapamaywang na. Hinarap niya si Sonia. "At sino ka naman para paalisin kami? Bahay mo 'to?"

A smirk was formed on Sonia's lips.
"Let's say, it is not yet my house..." Binigyang-diin nito ang not yet. "...pero magiging akin din ito kapag pinakasalan na ako ni Kian."

Nagkatinginan sina Jem, Mae, at Analisa.

"Kasal daw?" Kinapitan ni Analisa ang braso ng dalawang kaibigan at bahagyang niyugyog.

Napuno ng halakhak ang paligid. Nakakunot-noo lang na tinitigan ni Sonia ang tatlong dalaga.

Naunang humupa ang pagtatawa ni Analisa. Bumiwelo siya para kausapin si Kian.

"Kian, huwag mong sabihing nag-propose ka na sa hitad na ito?"

Tingin lang ang itinugon ni Kian sa kaibigan ni Kathryn.

"Gusto mong mag-asawa ng mamamatay-tao at warfreak? Good luck ha?"

Sumabad si Mae. Hinarap niya si Sonia. "Nate-threaten ka ba kay Alexa? Takot ka bang makuha niya si Kian mula sa 'yo? Hindi 'yun imposible."

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Sonia. Napatigalgal naman si Kian na noo'y nataranta sa sinabi ni Mae.

What does she mean?

Umirap si Sonia at padabog na dumaan sa gitna ng tatlo para makapasok sa loob ng mansiyon. Naghagikhikan ang magkakaibigan nang nakaakyat na ang dalaga.

Hinarap ni Analisa si Kian at kinausap.

"Pagsabihan mo 'yung jowa mo na huwag na huwag nang kakantiin si Kathryn. Pag 'di ako nakapagtimpi, makakalbo 'yan."

"S-Sorry," nahihiyang sabi ni Kian.

"You shouldn't be. Sa kaniya dapat manggaling 'yan," wika ni Mae.

Paalis na sana ang tatlo nang lingunin ni Jem si Kian. "And thank you pala kasi sinagip mo ang kaibigan namin." Pasimpleng naghampasan ng mga braso ang mga dalaga habang pinipigil ang pagtili. Napatigil lang sila nang nakita nilang nakatingin sa kanila si Kian.

"Ay, sorry naman. Past is past na nga pala," ani Analisa. "Babalik na kami kina Mrs. O'Brien. Mukhang okay naman ang kaibigan namin kasi ehem.. kasama naman si Colm." Nagkatinginan nang makahulugan ang tatlo.

"Tara na!" Hinila ni Mae ang mga kaibigan paalis sa mansion.

***

Nang mawala sa paningin ni Kian ang tatlo ay pumasok na siya sa loob. Naalala niyang flight nga pala ng nobya niya mamayang madaling-araw. Papaalalahanan lang niya ito para makapaghanda na ng gamit.

Madadaanan niya ang living room bago makapunta sa hagdanan na nagkokonekta sa una at ikalawang palapag ng mansiyon. Ibig sabihin noon ay madadaanan niya sina Colm at Kathryn na noon ay nakaupo sa couch.

Bahala na. Dadaan lang naman.

Huminga nang malalim ang binata bago pumasok sa loob ng bahay.

***

"Please excuse me for a moment, Alexa. I'll just take this call," saad ni Colm na iwinasiwas nang bahagya ang hawak na phone. Agad siyang naglakad palayo nang makuha ang permiso ng dalaga.

Nakasalubong pa niya ang kuya niya na noon ay papasok ng mansion. Nag-bro fist pa ang dalawa habang nakikipag-usap sa cellphone si Colm.

***

Kathryn's POV

Nakakatuwa pala kausap itong si Colm.

Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya noong una. Akala ko antipatiko siya at mataas ang tingin sarili pero kabaligtaran pala.

Kayang-kaya rin niyang sakyan ang trip ko.

Biruin mo, mula raw ngayon e gagayahin na niya kung paano ako kumain ng porridge. Bitin daw kasi kapag kutsara lang ang gamit.

Hahaha. Ang cute lang.

Naudlot ang pag-uusap namin nang tinawagan siya ng mommy niya. Nagpaalam siya saglit para lumabas.

Naiwan akong mag-isa sa sala. Ginamit ko ang pagkakataon para mapagmasdan ang mansion.

Ngayon ko lang napagtanto na napakaganda pala talaga ng interior design nito and aside from that, talagang ramdam mo ang kulturang Irish 'cause the green color dominates the inside. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Paglingon ko ay nakita ko ang isang pamilyar na tao na dire-diretso ang paglalakad.

Si Kian.

Hindi ko alam kung babatiin ko siya, pasasalamatan, o dededmahin.

Babatiin? Para saan pa? Close kami?

Dededmahin? Napakasama ko naman na 'di man lang siya pasalamatan matapos niya akong iligtas.

Wala naman sigurong masama. Bahala na.

"Kian."

***

Aktong paakyat na sa hagdan si Kian nang mapatigil siya. Narinig niya ang isang pamilyar na boses.

Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig. Hindi nga siya nagkakamali. Mula nga iyon kay Kathryn.

May kiliti na pumukaw sa kaibuturan ng puso niya nang sambitin ng dalaga ang kaniyang pangalan.

Kian.

Pinigil niya ang pagdaloy ng kuryenteng nagsisimulang sumiklab sa puso niya. Pormal niyang hinarap si Kathryn.

"Kathy."

***


Naalala ni Kathryn ang unang beses na tinawag siya ni Kian sa nickname na iyon. Muling bumalik sa isip niya ang nakaraan. Kung paano siya awtomatikong napapangiti sa tuwing tinatawag siya ni Kian sa gano'ng pangalan.

Ipinilig niya ang ulo niya para mawaglit sa isip niya ang naalala. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"S-Salamat sa pagligtas mo sa akin kanina."

Bahagyang ipinihit ni Kian ang katawan paharap sa dalaga. "Wala 'yun. Kahit sino naman e gano'n din ang gagawin sa gano'ng sitwasyon." He looked at her intently. Para bang binabasa ang nasa utak ng dalaga.

Humigit nang paghinga nang makailang beses ang binata bago nagsalita. "I-I am sorry for what Sonia did to you earlier."

Tipid na nginitian ni Kathryn ang binata. "Kalimutan na natin 'yun. Ang mahalaga, buhay naman ako."

Nag-aapuhap ng sagot ang binata ngunit wala siyang makuha. Abala ang mga mata niya sa pagtitig sa mukha ng dalaga.

Namagitan ang nakabibinging katahimikan sa sandaling nagtama ang mga mata nila- kapwa nila pinakikiramdaman ang isa't isa.

Nasa ganoong puwesto sila nang datnan sila ni Colm.

"Kuya? Alexa?"

Kapwa napapiksi sina Kian at Kathryn. Sabay silang napatingin kay Colm.

"I was just apologizing to her."/"I was just thanking him."

Napatawa si Colm dahil doon. "Hey, relax?"

"I got to go." Sinulyapan ni Kian sina Kathryn at Colm at pagkatapos ay agad siyang tumalikod. Akma siyang aakyat ng hagdan nang magsalita si Colm.

"Sige, kuya. Babalik pa kami kina Mrs. O'Brien."

"Babalik?" magkasabay na namang sabi nina Kian at Kathryn.

Pabalik-balik ang tingin ni Colm sa dalawa. "Konti na lang, iisipin ko nang may namamagitan sa inyo, ah." Halata ang bikig sa lalamunan niya nang sabihin niya iyon pero ikinubli niya iyon sa isang pilit na tawa.

He composed himself. Hinarap niya si Kathryn, na mas kilala niya bilang si Alexa. "Pinababalik tayo ni Mom doon, Alexa. Ipakikilala raw kayo ni Mrs. O'Brien sa buong asosasyon. But if you don't like to go back, we ca—"

"Of course, I like it." Agad pinutol ni Kathryn ang sasabihin ng binata. "Let's go?"

Sinulyapan ni Colm ang kapatid. Tumango-tango lang ang huli.

Sinundan na lang ng tingin ni Kian ang dalawa habang palabas ang mga ito sa mansion.

***

Nakatayo si Kian sa may bintana ng kaniyang kuwarto. Tinatanaw niya ang bahay ni Mrs. O'Brien.

Mula sa puwesto niya ay kita niya ang magaslaw na mga ilaw na may iba't ibang kulay gayundin ang ingay na nagmumula roon.

Isinara niya ang kurtina saka siya humiga sa malambot niyang kama.
Kinuha niya ang cellphone at nagpatugtog.

"Safe" by Westlife

🎵 Hard to find a way to get through
It's a tragedy
Pulling at me like the stars do
You're like gravity
Even if the wind blows
It makes it hard to believe 🎶


Nang makita ko siyang nahulog sa pool ay hindi ako nagdalawang-isip na puntahan siya.

Nanaig ang ihinihiyaw ng utak kong kailangan ko siyang puntahan, na kailangan ko siyang sagipin at protektahan.

🎶 How ya gonna love
How ya gonna feel
How you gonna live your life like the dream you have is real
And If you lost your way
I will keep you safe
We'll open up all the world inside
I see it come alive tonight 🎵
I will keep you safe

Alam ko sa sarili kong hindi lang 'yun adrenaline rush.

Pero bakit?

Bakit?

'Di ba galit ako sa kaniya kasi iniwan niya ako sa ere?

Na iniwasan niya ako?

Na nasaktan ako sa mga sinabi niya sa tawag noon?

Na pinaghintay niya ako sa cafe?

Apat na taon.

Punong-puno pa rin ng 'bakit?' ang isip ko.

Noong nahulog siya sa pool, bakit hindi ako nagdalawang-isip na sagipin siya?

Na saglit kong nalimutan ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya sa loob ng apat na taon.

Na no matter what happens under any circumstance, I need to keep her safe.

Na ang tanging iniisip ko habang lumalangoy ako papunta sa kaniya ay hindi siya puwedeng mawala.

Hindi ka puwedeng mawala, Kathy.

Umupo si Kian sa tabi ng kama at isinubsob niya ang mukha sa dalawa niyang palad.

Mayamaya ay napagdesisyunan niyang tumayo. Sunod ay isinuot niya ang beach shorts at sleeveless na damit.

Babalik siya sa party.

Mrs. O'Brien's Residence

Magkakasama sa isang table sina Kathryn at ang mga kaibigan niya. Kasama din nila sina Colm, Brian, Shane, at Mark. Pinagsasaluhan nila ang nakahaing finger food, Heineken at Guinness Beer.

Kararating lang ni Nicky sa table. Kanina pa siya hindi tinatantanan ng mga babaeng nais makapareha siya sa pagsasayaw.

Inakbayan ni Shane ang kaibigan. "Bro, kaya pa?"

Habol ang paghinga ay umiling-iling si Nicky. Sumalampak siya ng upo sa tabi ni Analisa.

Pinunasan ng dalaga ang pawis ng binata sa likod at tuluyang inilagay ang bimpo roon.

Pinagtawanan siya nina Brian at Shane.

"Bakit ka nagpapalagay ng towel sa likod, bro? Are you a kid?" tudyo ni Brian na hindi matigil sa katatawa.

"Oy, grabe kayo. Ganiyan kami sa Pinas 'no para mas madaling ma-absorb 'yung pawis." Binalingan ni Analisa si Nicky. "Tanggalin mo rin 'yan mayamaya."

"Thanks, Analisa!" Kinindatan ni Nicky ang dalaga dahilan kaya kinilig ang huli.

Binalingan niya ang mga kaibigan. "'Okay naman, mga bro ah. Medyo natutuyo na 'yung likod ko."

Ngumiwi si Brian. "Turn off pa rin sa chix, bro. Alisin mo na 'yan."

Nicky smirked at his bandmate. Mayamaya ay tumayo siya. "What if ganito na lang kaya ang gawin ko?"

Walang sabi-sabi ay hinubad niya ang suot na t-shirt na ikinalaki ng mga mata ng mga dalaga.

Mabilis ang aksiyon ni Mark dahil agad niyang tinakpan ang mga mata ng nobyang si Jem. "Respeto naman, bro. Nandito ang girlfriend ko, eh."

"Sorry." Dagling itinakip ni Nicky ang bimpo sa abs niya.

Nagtawanan ang mga kasama niya sa table.

Mayamaya ay may lumapit na isang babae. Irish, may buhok na blonde, at nasa twenties ang edad.

"Let's hit the dance floor, Nicky!"

Nicky apologetically looked at her. "I-I'm sorry. I'm still regaining my energy. Maybe we can try later?"

Lumaglag ang ekspresiyon ng dalaga. "Okay. That's fine."

Siniko ni Brian si Nicky. "Bakit mo tinanggihan, bro? Chix na 'yun, eh."

Umiling si Nicky. " Pagod na talaga ako. Awat muna."

"Chix na naman," angil ni Analisa. "Kailan ba kayo titino? Lampas trenta anyos na kayo 'no."

Nilingon ni Nicky ang dalaga. Tiningnan niya ito nang malalim. "Kapag pinatino mo na ako."

Sumunod ay ang walang kasinlakas na pangangantyaw at pagpalirit na nagmumula sa lads at mga dalaga.

"Ehmergherd. Fangirling goals achieved ka na, bakla!" Hinampas-hampas ni Kathryn ang likod ng dalaga.

"A-Aray. Para namang matatanggal ang kaluluwa ko sa hampas na 'yan eh."

"Totoo na ba 'yan, Nicky?" kantiyaw ni Shane sa kaibigan.

"Biro lang, bro. Best of friends lang kami ni Analisa 'no? Bumaling siya sa tinutukoy. "Di ba?"

"Hmp!"

"Inirapan ka, bro, oh?" ani Brian.

"Tigilan n'yo nga ako ng pangangantyaw kay Nicky ha? Ayoko sa guwapo nga pero babaero naman."

"Salamat. Alam kong guwapo ako," sabad ni Nicky na minasahe ang kunwa'y balbas habang pa-cute na nakatingin kay Analisa.

Siniko ng dalaga si Nicky sa may bahaging tiyan. Umakto namang nasaktan ang binata kahit napakahina lang noon.

"Kahit hindi na ako. Okay na sa aking may kaibigan akong may jowang Westlife lad para libre kami ng ticket sa lahat ng concerts n'yo," eksplika ni Analisa.

"Bakit hindi? Kung gusto n'yo, VIP kayo lagi, eh," ani Mark pagkatungga niya ng beer.

"Ay gusto ko 'yan. Magkakaroon ka na nga lang ng kaibigang sinuwerte ng tadhana, pakinabangan mo na," biro ni Mae na noo'y sinulyapan si Jem na inismiran lang siya.

"Mukhang malabo 'yan. Hindi naman kami magtatagal dito, eh," singit ni Kathryn. "Sa iba n'yo na lang ibigay 'yung ticket para sa akin."

"Di nga, bakla?" tanong ni Jem kay Kathryn. "Parang dati, halos makipagpatayan ka makakuha lang ng free concert tickets ng Westlife. Halos lahat ng contests sinasalihan mo para sa tickets. Ngayon nga oh, kusa na tayong binibigyan, tatanggihan mo pa."

Nagtawanan ang lads pati na rin ang magkakaibigan.

"Siguro ganito lang talaga 'pag nagkakaedad na."

"Anong nagkakaedad?" tanong ni Shane. "You're still young. Marami ka pang makikilala."

"Minsan, akala mo 'di mo pa siya nakikilala pero nasa tabi mo lang pala," singit ni Colm.

"Minsan naman e akala mo nasa tabi mo pero nasa likod mo pala," biro naman ni Mae na abala sa paglantak ng kornik na pulutan nila.

Nagtaka siya dahil biglang tumahimik ang mga kasama niya kaya unti-unti siyang tumingin sa mga ito. Nakatingin ang lahat sa likod niya.

Parang hindi.

Sa likod pala ni Kathryn.

Unti-unting lumingon si Mae. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino ang tinitingnan ng mga kasama.

"K-Kian."

"Oh, bakit parang nakakita kayo ng multo?"

"Kuya, akala ko matutulog ka na," sambit ni Colm.

Nagkibit-balikat si Kian. "Hindi ako makatulog. Abot ang tugtog sa bahay kaya bumalik na lang ako." Tumabi si Kian kay Colm na agad naman siyang binigyan ng espasyo. Bale sa magkabilang tabi ni Colm ay sina Kian at Kathryn. "Ano pala ang ganap? Parang ang seryoso yata ng topic n'yo, ah."

Kumuha siya ng isang bote ng Heineken at tinungga ito.

"About random stuff, bro," sagot ni Mark sa kaibigan.

Tumango na lang si Kian at tuloy-tuloy niyang inubos ang isang bote ng Heineken.

"Dahan-dahan lang, bro. Ipagda-drive mo pa si Sonia papuntang airport mamaya 'di ba?" pagsuway ni Nicky sa kaibigan.

"Isa lang naman, Nicky. Di ako malalasing nito."

"Kuya, sabayan kita." Kumuha si Colm ng isang bote ng Heineken.

Kumunot ang noo ni Kian. "Di ba, hindi ka umiinom?"

"Not anymore, kuya." He winked at Kian. "I drink but not often."

Nagkaroon ng ilang saglit na katahimikan ang paligid. Mayamaya ay pumailanlang ang kantang Wake Me Up Before You Go-Go.

"Let's dance!" yakag ni Shane na nauna nang tumayo.

Nagsipagsunuran na ang lads at mga dalaga patungo sa dance floor. Ang tangi na lamang naiwan sa lamesa ay ang magkapatid na sina Kian at Colm.

***

Colm's POV

Nakikipag-usap ako noon sa mga kababata ko nang marinig ko ang malakas na splash ng tubig.

May nahulog - o mas accurate na sabihing may itinulak sa pool.

Paglingon ko ay pamilyar sa akin ang damit ng taong nalulunod sa pool.

Hindi ako puwedeng magkamali. Si Alexa 'yun!

Nauna ang panic ko noon dahil unang-una, may takot ako sa tubig lalo na 'yung malalalim. Weird nga e. Sa edad kong bente y sais, hindi ko pa rin naiaalis 'yung takot kong iyon sa sarili ko. Noong bata pa kasi ako ay muntik na akong malunod sa beach noong nagbabakasyon kaming buong pamilya. Mabuti na lamang ay sinagip ako ni Kuya Kian mula sa muntikang pagkakalunod.

Pilit na itinataas ni Alexa ang mga kamay niya para humingi ng tulong.

Tarantang-taranta na ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Kailangan ko siyang mailigtas.

Bahala na.

Inaalis ko na ang suot kong coat noon nang magulat ako dahil may tumalon sa pool. Hindi ko mapagsino iyon. Ang tanging nakita ko lang ay nakasuot pa rin ng suit ang taong 'yun.

Nagsimula nang humarang sa akin ang mga tao hanggang sa matakpan na nga ako.

Pinilit kong makasingit para makarating kay Alexa. Alalang-alala na ako sa kaniya dahil panigurado ay marami na siyang nainom na tubig.

Akma akong lalapit para bigyan sana siya ng mouth-to-mouth resuscitation ngunit nagulat ako nang umahon sa pool ang taong kilalang-kilala ko.

Si Kuya.

Si Kuya na magaling lumangoy.

Si Kuya na mahilig sa tubig.

Siya ang nagligtas kay Alexa.

Nakaramdam ako ng konting... selos? Ewan. Ang sigurado ako ay masikip ang dibdib ko noon.

Umahon ang kutob sa dibdib ko.

Kutob na may namamagitan kina Kuya Kian at Alexa.

I'm not sure yet. Teorya ko lang.

Isinantabi ko na lang muna iyon dahil ang mas mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Alexa.

Pagkaahon ni kuya ay tiningnan niya ang halos wala nang malay na si Alexa. Wala siyang sinayang na panahon kaya nilapatan na niya ng first aid ito.

Ang mouth-to-mouth resuscitation.

Isa.

Napapikit ako. Hindi ko kayang tingnan ang kuya ko at ang taong gusto ko na magkalapat ang mga labi.

Oo, gusto ko na si Alexa noong nasa terminal pa lang kami sa NAIA. Para bang napadaan lang si kupido at bigla akong pinana nito kaya bigla akong nahulog sa kaniya.

Noong una, balak ko pa siyang ilakad kay kuya kasi nalaman kong fan pala siya ng Westlife.

Pero ngayon, parang gusto ko siya ilayo at ipagdamot.

Selfish mang pakinggan pero 'yun ang totoo kong nararamdaman.

Alexa, ang lakas ng tama ko sa 'yo.

Hayy.

Paulit-ulit na ginawa ni kuya ang pagsalba sa babaeng gusto ko.

Ako dapat 'yun e kaso ando'n na si kuya at mas safe kasi marunong siya sa mga ganiyan dahil may certificate siya sa first-aid training. Kailangan 'yun sa Surfing Club na kinabibilangan niya.

Pinanood ko siya habang binibigyan niya ng mouth-to-mouth resuscitation si Alexa.

Nang mapansin kong napatagal ang paglapat ng bibig niya no'ng kalagitnaan ng paglalapat niya kay Alexa ng lunas.

Nais kong lapitan si kuya para paalalahanan siya pero natuod ako sa puwesto.

Medyo nakaramdam ako ng kirot.

Damn.

Kuya, parang iba na talaga 'yan.

Laylay ang mga balikat ko habang nasasaksihan ang senaryong niyon.

Nang makita kong nagkamalay na si Alexa ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Salamat, kuya.

Nakalimutan ko rin agad ang nangyari. Napalitan 'yun ng pagkaaliw lalo na nang makausap ko si Alexa.

Tuwang-tuwa ako sa kaniya. Napakanatural niya.

Pero bumalik muli ang paninikip ng dibdib ko nang nakita kong magkaharap sila. Parang may tumutusok doon na libo-libong karayom.

Para talagang may iba.

Hindi ko alam.

At kanina, nanahimik ang lahat nang dumating si kuya lalo na at nataon sa sitwasyon ang sinabi ni Mae.

"Minsan akala mo 'di mo pa siya nakikilala pero nasa tabi mo lang pala," sagot ko.

"Minsan naman e akala mo nasa tabi mo pero nasa likod mo pala," ani Mae.

At that point, it became clear to me...

That Alexa is not just Kuya's normal fan.

***

"Kuya, sino ba talaga si Alexa sa buhay mo?"

Napatingin si Kian sa kaniyang kapatid. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot.

Ipinatong ni Colm ang isang kamay sa balikat ng kapatid. "Please be honest to me, Kuya."

Sinulyapan ni Kian si Kathryn na noo'y nasa dance floor habang nakikipagsayaw sa mga kaibigan. Tatlong segundo ang itinagal noon. Pagkatapos ay muli niyang binalingan ng tingin ang kapatid.

"Kathryn Alexandria Rodriguez, Kathryn, Kathy, or Alexa is.. was... ..my special fan." Nilagok niya ang natitirang Heineken beer na hawak.

***


The lads and the ladies formed a circle while dancing. They show off their dance moves to the tune of the upbeat music.

Sa gilid ng bilog na ginawa ng mga kaibigan ay nandoon lang si Kathryn habang nakatayo. Hindi siya lubos na makapagsaya. Maya't maya kasi ang sulyap niya sa magkapatid na tila ba mayroong malalim na pinag-uusapan.

"Mukhang ikaw ang pinag-uusapan nila." Nagulat siya dahil binulongan siya ni Jem.

"Parang may magkapatid pa yatang magkakasira dahil sa isang babae," ani pa ni Analisa at napahagalpak ito katatawa.

"I can sense an upcoming sibling rivalry!" untag naman ni Mae.

Umismid si Kathryn. "Itigil n'yo 'yan. Nagsisimula na naman kayo." Muli siyang tumingin sa magkapatid. Napansin niyang nakatingin sa kaniya si Kian kaya dagli rin niyang binawi ang tingin.

Ano ba itong pag-uusisa na ginagawa ko?

Whatever is between Colm and Kian, sa kanila na lang iyong magkapatid.

Hay naku.

Usyuso pa more.

Itutuon ko na lang ang atensiyon ko sa pagsasayaw.

Makapag-enjoy nga muna panandalian para makalimot sa lahat.

Wooooohhh!!!!

Napapiksi ang dalaga nang may tumapik sa balikat niya. Paglingon niya ay tumambad sa kaniya si Colm.

"Y-You're here!" Pasimple niyang sinulyapan ang likod ng binata. Para bang may hinahanap siya. Nang wala siyang nakita ay may lungkot na lumukob sa puso niya.

"Umalis na kasi si kuya. Ihahatid pa raw niya si Ate Sonia sa airport. Kawawa naman ako kung mag-isa na lang ako kaya makikisayaw na lang ako sa inyo." Sinimulan na ni Colm ang pag-indayog sa tugtog na Shape of my Heart ng Backstreet Boys. Nakisali siya sa bilog na ginawa ng lads at ng mga dalaga.

Sinundan ni Kathryn ng tingin ang binata.

Mukhang hindi naman siguro gano'n kalala ang pinag-usapan nila. Mukha namang okay si Colm.

Ayan, bumabalik na naman ang aking pagkausyusera.

***

"Kathryn Alexandria Rodriguez, Kathryn, Kathy, or Alexa is... was... my special fan."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng magkapatid nang banggitin iyon ni Kian.

Sinimulan nang ikuwento ni Kian ang lahat-lahat kay Colm...

...maliban na lamang ang tungkol sa isang gabi ng kapusukan na pinagsaluhan nila ng dalaga.

Sa kanila na lamang ni Kathryn iyon. Wala siyang pinagsabihan maging ang lads.

Nang matapos siyang magkuwento ay tiningnan siya nang mataman ni Colm. Handa si Kian na iharap ang mukha niya sakali mang sapakin siya ng kapatid.

Ngunit kabaligtaran noon ay ngiti ang itinugon sa kaniya ni Colm.

"May the best man win, kuya." Nakipag-bro fist siya sa kapatid.

***

Alas dos na ng madaling-araw natapos ang party kina Ms. O'Brien. Kani-kaniyang uwi na rin ang mga tao sa kani-kanilang tahanan.

Gustuhin man ni Mae na manatili sa bago niyang bahay ay hindi pa puwede. Bukod sa hindi pa tapos ang pag-turn over sa bahay niya ay wala pa ring kalaman-laman ang loob nito. Dahil doon ay talagang wala silang choice kung hindi ay ang umuwi sa tinutuluyang unit.

Nais pa sanang patulugin ni Mrs. Egan ang mga dalaga sa kanilang mansiyon ngunit hindi na nagpapilit pa ang mga ito dahil sa sobrang hiya. Sa huli rin ay hindi na kinumbinsi ni Mrs. Egan ang mga dalaga ngunit hindi siya pumayag na hindi sila ihatid ng lads.

Sakay pa rin ng sasakyan ni Nicky ay tinahak na nila ang pabalik sa unit ni Mae.

***

Nakapaglinis na ng katawan ang mga dalaga. Nakasuot na sila ng night pajamas at kani-kaniya sila ng paglalagay ng facial mask.

"Grabe, parang lahat ng dead cells ko nawala dahil sa party na 'yun!" bulalas ni Analisa. "Masaya na sana ang buong gabi kung hindi lang umeksena 'yung jowa ni Kian na pinsan yata ni Satanas. Hmmp. Kumukulo pa rin ang dugo ko hanggang ngayon!"

"Ang bobo niya sa part na itinulak niya si Kathryn sa pool tapos 'yung jowa niya 'yung sumagip. May kasama pang mouth-to-mouth resuscitation. Eh, 'di siya ngayon 'yung nasaktan. Ang bilis ng karma niya!" napahalakhak na sabi ni Mae.

Jem faked a cough. "Well, speaking of mouth-to-mouth resuscitation.." Napatingin siya kina Mae at Analisa. Sabay-sabay na tumingin nang nakaloloko ang tatlo kay Kathryn na noo'y tinatanggal na ang suot na facial mask.

Napataas ang kilay ni Kathryn na nagmamaang-maangan sa pinagkukuwentuhan ng mga kaibigan niya.

"How does it feel like being kissed again by the same man you've been dreaming of before?"

"What do his lips taste like? Do those taste the same three years ago?"

"And how does it feel like being saved and being protected by the man you used to loved before?"

Isa-isang tiningnan ni Kathryn mga kaibigan. Inismiran niya ang mga ito.

"I invoke my right against self-incrimination." She turns off the lights then headed to her bed.

•••

Author's Notes:
To everyone, thank you po kasi nakaabot kayo ng Chapter 50. 😍

Super overwhelmed ako lalo na 'pag nalalaman kong may naglalaan talaga ng oras para basahin itong kuwento kong produkto ng imahinasyon ko. Sobrang salamat talaga!

Fast update po tayo. Comment lang po kung sino 'yung mga nagbabasa ng story ko, pandagdag inspirasyon lang at para lalo akong ganahan. Hihi. If wala po kayo masabi, just comment an emoji. Gusto ko lang makita kung ilan ang nagbabasa nito. Hehe.

Feedbacks and suggestions are appreciated po. Baka may idea kayo na mas magpapaganda ng story. Like, papasok kayo sa story para pagtulungang sabunutan si Sonia. Ganern. Ahahaha. Charot.

See you next update! :) Sundan ko na ba agad?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro