"Well, well, well," ani Mae na dume-kuwatro sa pang-isahang upuan sa living room. Pinukulan niya ng mapanuyang tingin si Kathryn. "May paghabol na nalalaman si Kian kanina, ah?"
"Nalaglag nga raw kasi 'yung panyo kaya isinoli," ani Jem. Binigyang-diin niya ang pagsasabi ng daw.
Tumikhim si Analisa. "Nalaglag o sinadyang ilaglag?" Sa puntong iyon ay nakatingin na ang tatlo kay Kathryn.
"Do I really have to repeat myself?" Padabog na tumayo ang dalaga sabay pihit ng katawan patungong kuwarto. Pabalya niyang isinara ang pinto pagkapasok.
Napahagikhik ang tatlo habang nakatingin sa pinuntahan ng kaibigan.
***
Nakasimangot habang nakaupo si Kathryn sa edge ng kama.
Naiinis ako sa sarili ko.
Kung bakit kasi sa dinami-rami ng panyo ko eh iyon pa ang nadala ko?
At sa tagal namin sa restaurant kanina e doon ko pa naisip kuhanin 'yun sa tapat ng dalawang ayokong banggitin ang pangalan.
Take note, hindi ko namalayang nalaglag pala no'ng ibabalik ko na ha?
Ano na lang ang iisipin no'n ni Kian– uhm.. I mean no'ng lalaking iyon?
Na kini-keep ko pa 'yung gamit na ibinigay niya hanggang ngayon?
Na baka isipin niyang pinahahalagahan ko pa rin siya?
Hayyy...
T-Teka..
Eh, bakit ba ako worried na worried do'n?
Pinalampas ko na lang sana iyon
Pero bini-big deal ko pa.
Ay naku. Ewan ko ba.
Dapat dedmahin ko na lang siya. Nai-stress lang ako.
Tumayo siya at tinungo ang banyo para maglinis ng katawan. Kukuhanin na sana niya ang sipilyo nang mapatingin siya sa kamay. Muli niyang naramdaman ang kuryenteng dumaloy sa sandaling nagkadikit ang mga daliri nila ni Kian.
Napapikit siya at umiling.
Listen, Kathryn. Nandiyan ka sa Ireland hindi upang muling silaban ang namatay na mitsa sa pagitan ninyo ni Kian.
Nandiyan ka dahil sa isang special project.
You have to focus on that para mas mapadali ang pagbalik mo sa Pinas.
Focus. Focus. Focus.
Huminga siya nang malalim at itinuloy na ang pagsisipilyo.
Maya't maya ay napapasulyap siyang muli sa daliri kaya napapatigil siya.
Minadali niya ang pagsisipilyo at sunod naman niyang ginawa ay ang pagkukuskos ng sabon sa hintuturong nadikitan ng balat ni Kian.
Nagre-replay sa utak niya ang nangyari kanina kaya paulit-ulit din niyang kinukuskos ng sabon ang daliri sa pag-asang mabubura noon ang bakas ni Kian.
Nang mapagod ay tumigil na siya. Itinuon niya ang mga kamay sa sink habang tinitingnan ang repleksiyon sa salamin.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone niya. Nakatanggap siya ng isang text message.
Alexa, what are planning to do later?
- Colm
Nag-reply siya.
Will work on some stuff I left at work before I came here. Why?
Muling tumunog ang phone niya.
I see. I was actually planning to invite you to watch a movie later. May gagawin ka pala. Hehe. Next time na lang. :)
Nagtipa ng sagot si Kathryn.
Sige. Pasensiya na talaga, Colm. Bawi ako next time.
Pinatay na ni Kathryn ang cellphone niya pagka-send niya noon. Napabuntong-hininga siya.
Inilugmok niya ang sarili sa kama at nagpagupo sa antok.
***
Pagkapasok ni Kian sa restaurant ay niyaya na niya si Sonia para umuwi.
Aktong paaandarin na niya ang sasakyan nang lapitan siya ng nobya. Hinalikan siya nito sa may bandang tainga na ikinadarang niya.
"Hon..." Humigpit ang paghawak niya sa manibela ng sasakyan.
"Let's go somewhere else," bulong ni Sonia sabay hagod pababa sa gitnang bahagi ng pantalon niya.
Napapikit na lamang si Kian. Di nagtagal ay iniharurot niya ang sasakyan sa pinakamalapit na inn.
***
Isang oras ang lumipas. Mahimbing na natutulog si Sonia na ang tanging saplot lamang ay ang kumot na nakabalot sa kanilang katawan ni Kian. Sa tabi niya ay naroon ang kaniyang nobyo na kanina pa nakatingin sa ceiling ng kuwartong kinaroroonan nila.
Inayos ni Kian ang puwesto. Ngayon ay nakaupo na siya habang nakasandal sa headrest ng kama. Mataman niyang tiningnan ang hintuturo sa kanang kamay.
Bakit gano'n?
Mabilis lang na nagdikit 'yung mga daliri namin pero ramdam ko pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko maintindihan.
Ikinuyom ni Kian ang mga palad. Nakatitig lang siya roon habang kinikilatis ang damdamin.
Mayamaya ay pumasok sa isip niya ang pagpulot niya sa panyo ng dalaga.
Bakit ginagamit niya pa rin 'yung panyo na ibinigay ko sa kaniya?
Ibig bang sabihin noon, may pagpapahalaga pa rin siya sa akin kahit kaunti?
Natampal ni Kian ang sariling noo.
Tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatanggap siya ng notification. Nyssa tagged him on the pictures that were taken on her birthday.
Isa-isa niyang tiningnan ang bawat litrato hanggang sa matunton niya ang group pictures. May isa na naroon ang buong pamilya niya at ang lads. Katabi naman niya si Sonia.
Umangat ang kaliwang kilay niya nang dumako ang tingin niya kung saan nakaakbay si Colm kay Kathryn. Kitang-kita na napakalaki ng ngiti ng dalaga roon. Nakaramdam siya ng kaunting paninibugho.
Is she smiling because she just wanted to pose for the picture taking or because there was something going on between her and my brother?
Tsk.
Teka nga. Eh, bakit ba naging concern ko pa 'yun?
Patuloy pa rin ang pag-i-scroll down ni Kian ng pictures. Napatigil siya nang makita ang isang larawan na kinuhanan sa garden. Litrato iyon na nakapokus sa mga kapatid niyang sina Tom at Gavin.
Ang mas napansin niya ay ang background kung saan kitang-kita ang poker face ni Kathryn habang nakatingin sa kabilang dako kung saan naroon sila ng kaniyang nobyang si Sonia.
Was she feeling jealous?
Bahagyang napangiti si Kian dahil sa naisip na iyon.
Itinuloy niya ang pagtingin sa mga larawan. Sa sumunod naman ay picture pa rin ito nina Tom at Gavin ngunit sa background ay makikita si Kathryn na nakangiti dahil sa pagdaan ni Colm na nahagip din ng camera. Samantala ay nakatingin naman si Kian sa dako nina Colm at Kathryn. Siya naman ngayon ang poker face.
D-Did I really react that way?
I doubt it. Natiyempuhan lang 'yan ng camera.
Nawalan na siya ng ganang tumingin ng pictures kaya nag-log out na siya.
***
Matapos maihatid si Sonia sa mansion ay dumiretso si Kian sa bahay ni Shane. Naroon na sina Nicky, Mark, at Brian nang siya ay makarating.
"You're here, bro!" saad ni Shane na may dala-dalang ilang bote ng Heineken at dalawang bag ng popcorn. "Let's start this!"
***
Nagsuhestiyon si Mark na mag-YouTube naman pagkatapos nilang panoorin nang magkasunod ang dalawang pelikula. Ngayo'y abala siya sa pamimili ng dapat nilang panoorin.
Sa isang dako ay prenteng nakaupo sina Kian at Brian. Magkasalo sila sa isang bowl ng popcorn.
Sinulyapan ni Brian ang katabi. "You're still into her, bro. Am I right?"
"No." Tila nabalisa si Kian sa pagkakaupo dahil sa tanong ng kaibigan. "I-I mean not anymore."
Napatawa nang mahina si Brian.
"See? Wala naman akong binanggit na pangalan pero mukhang may naiisip ka na."
Binato ni Kian ng isang pirasong popcorn ang katabi dahil doon. Sinundan iyon ng matalim na tingin.
Umisog papalapit si Brian. "Eh, kung wala ka na talagang nararamdaman sa kaniya, okay lang ba sa iyong..." Hindi muna itinuloy ng binata ang sasabihin. Kumain muna siya ng ga-kamaong dami ng popcorn.
Napatigil sa pagnguya si Kian. Tiningnan niya ang kaibigan. Hinihintay niya ang susunod na sasabihin nito.
Inubos ni Brian ang pagkaing nasa bibig saka lumagok ng Heineken. Nilingon niya ang katabi pagkatapos. "Okay lang ba sa 'yong ligawan ko siya?"
Medyo naningkit ang mga mata ni Kian. Tila ba umurong ang kaniyang dila. Bumiwelo siya para pasiglahin ang tinig. "K-kung gusto mo siya, bakit hindi?"
Hindi nagsalita si Brian. Nanatili lang siyang nakatitig sa katabi. Ilang saglit pa ay bumunghalit siya ng tawa.
"HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAH!" Napaupo siya sa sahig dahil sa katatawa.
Kumunot ang noo ni Kian dahil sa inakto ng kaibigan.
Nang makahuma ay bumangon si Brian mula sa pagkakalupagi sa sahig. Nilapitan at tinapik niya sa balikat si Kian.
"It was only a joke, bro." Natatawa siyang umiiling-iling. "I'm just checking if you still have feelings for her. I guess my assumption is right."
"Assumption your ass." Binigyan ni Kian ng mahinang suntok ang kaibigan sa sikmura. Umaktong nasaktan si Brian at saka sila nagtawanan.
"Of course I won't court her. We have bro code, remember?"
Kian smirked. "You can court her if you want. No hard feelings, bro." Tipid na nginitian ni Kian ang kaibigan. "There's no need to ask permission from me."
"Di nga, bro?" Ininguso ni Brian ang kamao ni Kian na nakatikom at ang ilong ng binata na nanlalaki. "Eh, kulang na lang e manuntok ka na sa itsura mo, eh."
Napuno ng hagalpak ang buong silid. Narinig din kasi ng ibang lads ang usapan ng dalawa.
Lalong dumilim ang anyo ng napagkaisahang si Kian.
***
"I found something that we can watch," ani Mark na nakatutok ang pansin sa TV.
Nagkumpulan ang lads para usisain ang clip na nahanap ng binata.
"Teka, parang pamilyar ah?" Sa Amanpulo ba 'yan?" tanong ni Nicky.
Mark excitedly nodded. He played the thirty-minute video, which according to the description was uploaded by Arjay and Jay Ar several years ago.
Nagsimula ang video sa ikatlong araw ng Westlife concert sa Araneta. Ito 'yung part na niyayaya ng lads ang mga nakapareha sa isang romantic date.
Napangiti si Mark nang sila ni Jem ay ipokus ng camera. Kabi-kabilang panunudyo ang natanggap niya sa lads.
Ang sunod na ipinakita ay sina Kian at Kathryn. Kitang-kita ang labis na saya sa ekspresiyon ng dalaga.
Napatahimik ang lads na kanina ay nagkakantiyawan. Ang lahat ng atensiyon nila ay nakapukol kay Kian na seryosong nakatutok ang mga mata sa TV.
Ang sumunod na eksena naman ay 'yung pasakay na sila sa private jet at bawat pares ay kumakaway sa camera. Ipinakita rin ang pagkanta nina Kian at Kathryn ng I'll Be sa loob ng sasakyang panghimpapawid. Napatayo sina Mark, Nicky, Shane, at Brian na hindi na nakapagpigil na makapangantyaw.
"Ang tamis naman no'n!" Minasahe ni Nicky ang mga balikat ni Kian.
Hindi na nakuhang sumagot ng binata na pinagkaisahang bulabugin ng ibang lads.
Itinuloy na nila ang panonood. Sa kalagitnaan ng clip ay ipinakita ang pagka-kite surf ni Kian na sinundan ng pag-uusap nina Jem at Kathryn.
"Go, Kian babe!"
Binundol ni Jem ang balakang ng kaibigan gamit ang sariling balakang. "Bakla ka. Marinig ka ni Kian, oh."
Kathryn confidently shrugged her shoulders. "Sa lakas ng hangin, imposible niyang marinig 'yun. Go, Kian babe!"
Napapailing-iling si Jem sa kaibigan na muling inulit ang pagsigaw. "Oh, sige. Sabihin na nating hindi nga niya narinig pero recorded naman 'yun sa cam nina Jay-Ar at Arjay." Itinuro niya ang dalawa na nasa likod na tutok sa pagfi-film at pagkuha ng photos.
Napangiwi si Kathryn at napakagat ng pang-ibabang labi. Mayamaya ay nagkibit-balikat siya. "Okay lang. Babe ko naman talaga si Kian, eh."
"Yown!" Halos mabingi si Kian sa lakas ng panunudyo ng apat.
"Tsssss. Manood na lang tayo. Hindi na natin kailangang mag-ingay." Muling inayos ni Kian ang pag-upo sa couch at matapos ay humalukipkip.
Natapos ang video na muling kumakaway ang magkakapares bago sumakay sa private jet pabalik sa Manila.
Pare-parehong nakangiti nang malawig ang lads – liban kay Kian. Mahigit tatlong taon na ang nakaraan pero sariwa pa rin ang lahat sa kanilang alaala.
"Naalala n'yo ba 'yung pagong? Sayang, hindi naisama sa video," ani Nicky.
"I remembered that turtle!" ani Shane. "How about the garden?"
"'Yung puwedeng pagpitasan ng prutas? Oo naman! Andami kong nakain doon, eh," palatak ni Brian.
"Eto pa," sabad ni Nicky. "Yung gabi na nag-camping tayo tapos siksikan tayong walo sa isang tent kasi..." Hindi itinuloy ng binata ang kasunod na sasabihin. Mapanuya niyang tiningnan si Kian.
"Kasi sinolo nina Kian 'yung isang tent," pagpapatuloy ni Mark na natatawa-tawa.
"Yown!" bulalas ni Nicky na sinundan ng kantyawan ng lads.
Tumabang ang timpla ng mukha ni Kian. "Pinagkakaisahan n'yo na naman ako." Tumayo na siya. "Makauwi na nga."
***
Nakaayos na sina Kathryn at ang mga kaibigan niya. Pare-pareho silang nakapostura. Dadalo sila sa party sa Beaumont.
Palabas na sana sila nang may bumusinang sasakyan sa tapat ng unit ni Mae.
"Nandiyan na yata si Mark mo," ani Kathryn.
Awtomatikong napangiti nang malawig si Jem. Nandoon ang pinaghalong excitement at kaba sa dibdib niya na makitang muli ang nobyo.
Paglabas nila ay bumungad sa kanila sina Mark, Brian, Nicky, at Shane. Pati ang kapatid ni Kian na si Colm ay nandoon din.
"Ehmergherd. What is the meaning of this?" ani Analisa na nakasapo ang isang kamay sa dibdib.
"Surprised?" Nicky took one step forward, his hands are hiding in his pockets. "We're here to pick you up." He offered his hand to Analisa.
Gumaya na rin ang ibang binata. Nilapitan ni Shane si Mae. Si Mark naman kay Jem. Sina Brian at Colm naman ay parehong lumapit kay Kathryn.
"Shala naman, may pagsundo." Isa-isang tiningnan ni Mae ang mga binata. "Eh, bakit parang may kulan– Ahh, wala. Never mind." Nilingon niya si Kathryn sabay nag-peace sign.
Inikot ng huli ang mga mata. Pinangunahan na niya ang pagpasok sa long van ni Nicky.
***
Maraming tao ang bumungad nang marating ng mga dalaga at binata ang bahay na pinagdarausan ng party.
Pool party ang theme pero naka-semi formal dress and suit muna ang attendees sa simula ng programa. Pagkatapos noon ay saka sila magpapalit ng swimsuit at trunks para sa ikalawang bahagi.
Mainit silang tinanggap ng host ng party.
"Hi, Mrs. O'Brien! My name is Mae, your new neighbor!" pagpapakilala ng dalaga sa ginang na nasa limampu ang edad. "And these are my friends– Jem, Analisa, and Kathryn."
"Lovely to meet all of you, ladies. Come in, I'll introduce you to the members of Beaumont Homeowner's Association."
***
Nang makapasok sa mismong venue ay inilibot ni Kathryn ang paningin niya. Nang makita niya sina Patricia at Kevin Egan ay nilapitan niya ang mga ito para batiin.
"Look who's here," ngiting-ngiting sabi ni Patricia na unang nakapansin sa papalapit na dalaga.
Ilang saglit na nagkumustahan ang tatlo.
"Pumunta na kayo sa table namin sa right side ng pool," ani ng ginang. Binalingan niya ng tingin si Colm na kararating lang."Nandoon na 'yung mga kapatid mo."
Tinanguan ni Colm ang ina. Iginiya niya si Kathryn sa table. Nadatnan nilang nakaupo roon si Nyssa kasama si Carlos.
"Carlos!"
"Ate!" Tumayo ang binatilyo para salubungin si Kathryn.
"I didn't expect that you're here." Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalaga sa dalawang teenager. "...with Nyssa."
Napatungo lang ang dalawa at nagngitian. Napatango na lang nang marahan si Kathryn habang nakangiti. Nauunawaan niyang may namamagitang pagkakaunawaan sa dalawa.
Mayamaya ay nagsisunuran na rin ang lads at ang mga kaibigan ni Kathryn. Nakapalibot na sila sa mahabang lamesa kasama ang ibang kapatid ni Colm.
Dalawang upuan na lang ang bakante.
"Where's Kian and Sonia?" tanong ni Kevin kay Fenella.
"Nakabihis na sila bago kami umalis sa mansion, Dad. Baka papunta na rin sila rito."
Napatigil si Kathryn nang marinig ang sinabi ng huli. Lihim niyang sinulyapan ang mag-ama.
"Speaking... they're already here." Napalingon ang lahat. Nandiyan na nga sina Kian at Sonia.
"Hi." Inilibot ni Kian ang paningin sa mga nasa lamesa. Nang makarating iyon sa dako ni Kathryn ay ilang segundo siyang napatingin doon.
"Son, fix your buttons," wika ni Patricia. Inginuso nito ang kuwelyo ng anak.
"Oh." Kaagad na inayos ni Kian ang butones ng damit. Nang magawa iyon ay inalalayan niya sa pag-upo si Sonia.
"What a coincidence," ani Vivienne. "May pagkakapareho ang damit n'yong dalawa." Sina Sonia at Kathryn ang tinutukoy ng dalaga.
Binigyan ni Sonia ng matalim na tingin si Kathryn. Agad din niyang binawi iyon. Naalala niyang kasama nga pala niya ang mga kapamilya ni Kian. Kailangan niyang magpa-good shot.
Ang matalim na tingin na iginawad niya ay agad napalitan ng pekeng ngiti.
"I wore this in a fashion show last month. It costs $100,000 based on market value," ani Sonia kay Vivienne. "How about you, Alexa? Where did you get that pretty dress?" may bahid ng sarkasmong tanong niya sa dalaga.
"I bought it in a thrift shop for €100 in Grafton Street," kalmadong sagot ni Kathryn.
"Wow, same quality of dress for a less expensive price! I love your frugality," pagpuri ni Patricia kay Kathryn.
Tumango ang dalaga. "Buying in thrift shops is one of my hobbies since I was young, Mrs. Egan. I really don't buy new dress 'cause they cost too much. What I do is I just wait for the same product to be displayed in those shops."
Pinuri siya ng lahat maliban kay Kian na noo'y nakatingin lang sa kaniya. Gano'n din si Sonia na noo'y lihim na nagngingitngit ang kalooban. Tingin ng dalaga ay napahiya siya.
May araw ka rin sa 'kin.
Nilingon ni Sonia ang boyfriend. Nakita niya itong nakatingin sa babaeng kinaiinisan niya.
"Hon, your eyes please."
Ilang beses kumurap-kurap ang binata. Iniwas na nito ang tingin kay Kathryn.
***
Nang matapos ang kainan ay hiningian ni Mrs. O'Brien ng pampaaliw na kanta ang Westlife. Walang pagdadalawang-isip na dinako ng lima ang gitna para kantahin ang My Girl.
I've got sunshine on a cloudy day
When it's cold outside I've got the month of May
I guess you'd say
What can make me feel this way?
My girl (my girl, my girl)
Talkin' 'bout my girl (my girl)
I've got so much honey the bees envy me
I've got a sweeter song than the birds in the trees
I guess you'd say
What can make me feel this way?
My girl (my girl, my girl)
Talkin' 'bout my girl (my girl)
Hey hey hey
Hey hey hey
Ooh
Habang umaawit ay nakatuon ang atensiyon ni Kian sa nobya. Tila ba inaalay niya ang kanta sa dalaga. Hindi iyon nakaligtas sa paningin nina Kathryn at ng mga kaibigan.
"Tuwang-tuwa ang demonyita," nakaismid na sabi ni Analisa.
Pinagkaisahang dikdikin nina Jem at Mae si Kathryn.
"Tsk. Tigilan n'yo nga 'yan. Para kayong sira," asik na sabi ng huli.
Kinalabit ni Mae ang kaibigan. "Selos ka?"
"Hindi."
"Selos ka, eh?"
"Nope."
Sumingit si Jem. "Parang ganitong-ganito rin 'yung nangyari sa Amanpulo, eh. Ikaw 'yung tinitingnan ni Kian habang kumakanta sila ng I Lay My Love on You. Ang saklap naman, iba na ang kinakantahan niya ngayon."
"Sabi na kasing hindi, eh!" ani Kathryn. Medyo napalakas ang pagsambit niyang iyon kaya napalingon ang mga tao sa paligid nila. Kaagad naman silang humingi ng paumanhin at itinuloy na lang ang panonood.
Hindi na maituon ni Kathryn ang atensiyon sa panonood dahil nababagabag siya ng nasaksihan niya.
Nakakaalibadbad.
Sa harap ko pa naglalandian. Daig pa nila ang teenager kung umasta!
Ang sakit sa mata promise.
At isa pa itong mga kaibigan ko.
Nagseselos daw ako?
Of course not!
***
Nang natapos na ang pagkanta ng lads ay isinunod na ang pag-inom ng red wine bilang paghahanda sa pagsasara ng unang bahagi ng program. Kasunod na noon ay ang pool party.
Nilalaro ni Sonia ang wine glass na hawak. Nakatutok ang pansin niya kina Analisa, Mae, Jem, at Kathryn. Mayamaya ay napangisi siya. May maitim siyang binabalak.
"Excuse me, hon." Inililis niya nang maayos ang suot na gown para hindi niya iyon maapakan.
Taas-noo niyang tinungo ang kinaroroonan ng apat na magkakaibigan. Nang nasa tapat na siya ng mga ito ay nagkunwari siyang natapilok.
Sa pagkakatapilok na iyon ay tinabig niya si Kathryn– o Alexa sa pagkakakilala niya. Nawalan ng balanse ang dalaga at tuluyang nalaglag sa pool.
Napasinghap ang mga taong nakasaksi sa pagkakalaglag ni Kathryn kabilang na ang mga kaibigan niya. Hindi magkandaugaga ang mga ito sa pagkataranta.
"Bakla!"
Pekeng pagkagulat ang nakalitaw sa mukha ni Sonia. Sa loob-loob niya ay tumatalon siya sa tuwa. "Ow. Sorry."
Sabay-sabay na nilingon nina Jem, Analisa, at Mae ang dalaga.
"Ikaw na br—" Hindi natuloy ang pagsugod ni Analisa kay Sonia dahil napukaw ni Kathryn ang atensiyon niya. Kumakawag-kawag ang dalaga sa tubig. Humihingi ng saklolo.
Nagkaroon ng komosyon sa paligid. Kita ang hirap ni Kathryn sa paglangoy sa pool na pitong talampakan ang lalim. Mabigat ang dress niyang suot na dinagdagan pa ng suot na pares ng stiletto.
Habang natataranta ang lahat ay may isang lalaki na nag-dive sa pool para sagipin ang dalaga.
Halos panawan na ng ulirat si Kathryn ngunit naramdaman niya na may mga kamay na hinapit siya sa baywang. Ramdam niya ang paghigit nito sa kaniya papunta sa tabi ng pool.
Iniahon ng kung sinumang iyon si Kathryn na noo'y marami nang naiinom na tubig. Inihiga niya ang dalaga at walang pag-aalinlangang binigyan ito ng mouth-to-mouth resuscitation.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Ramdam ni Kathryn ang pagdikit ng mga labi nito sa kaniyang labi.
Ang tamis ng mga labi niya.
Lima.
Anim.
Pito.
Pito.
Pito.
B-Bakit matagal na ang pagkakalapat ng labi ng kung sinumang lalaking ito?
Pito.
Pito.
Pito.
Di nagtagal ay tuluyan niyang inilabas ang natitirang tubig na muntik nang pumasok sa kaniyang baga.
Napaupo siya at dinaluhan siya ng mga kaibigan. Napaubo pa siya nang tuluyang bumalik ang kaniyang huwisyo. Narinig niya ang pagpapasalamat ng mga tao sa paligid, "Thank God."
Hinanap ng mga mata niya kung sino ang lalaking sumagip sa kaniya.
Maaari kayang si Colm? Si Brian? O si Nicky?
Nakita niya ang tatlo ngunit hindi naman basa ang damit ng mga ito.
Nakita niya si Mrs. O'Brien na may dala-dalang tuwalya. Ipinampunas ng ginang ang hawak sa basang-basa niyang katawan.
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mrs. O'Brien. "My dear, are you hurt?"
Nagpakawala ng pilit na ngiti si Kathryn. "I-I'm okay, Mrs. O'Brien."
"I'm glad that Kian helped you to get out of the water. Thank God, you're safe!"
Napamulagat ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi ng ginang. "K-Kian?"
Sumagot si Mrs. O'Brien. "Yes, he saved you."
Nilingon ng dalaga ang mga kaibigan. Dahan-dahang tumango ang mga ito bilang kumpirmasyon.
Ipinukol niya ang tingin sa isang parte ng garden. Nakita niya si Kian na walang saplot na pang-itaas.
Pinupunasan ni Patricia ang basang katawan ng anak habang ang ama naman ni Kian na si Kevin ay may hawak na t-shirt na pamalit ng anak.
Nanatiling nakatingin si Kathryn sa binata.
Bakit mo ako iniligtas, Kian?
Hindi niya inaasahang mapadako ang tingin ng binata sa kaniya.
Napako ang paningin nila sa isa't isa. Ang bawat tinging iyon ay punong-puno ng katanungan. Ang mga titig na maraming kahulugan. Ang mga titig na nanghihingi ng paliwanag.
Natigil ang pagmumuni-muni ni Kathryn nang lapitan siya ng ina ni Kian. Nakalahad ang isang palad nito sa kaniya. "Come with us, Alexa."
Without a second thought, she joined her.
***
Kian's POV
Kanina ko pa napapansin na iba ang ikinikilos ni Sonia. Nang magpaalam siya ay kinutuban ako kaya hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya.
Nakita ko siyang lumapit kina Analisa, Mae, Kathy, at Jem.
Noong una e akala ko ay makikipaglapit lang siya sa apat kaya hahayaan ko na sana.
Napatayo ako nang makita ko ang sunod na ginawa ni Sonia.
Itinulak niya si Kathy sa pool!
Kitang-kita ko ang pagmamakaawa ni Kathy habang humihingi ng saklolo. Wala akong alinlangan na tumakbo papunta sa pool para sagipin siya.
Tinangka akong pigilan ni Sonia sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko ngunit hiniklas ko lang ito para masagip ko na si Kathy.
Wala akong sinayang na oras maisalba lang siya. Lumangoy ako papalapit sa kaniya.
I grabbed her waist when I reached her. Iniahon ko siya at nang subukan ko siyang gisingin ay hindi pa rin niya iminumulat ang kaniyang mga mata
Hindi na ako nagdalawang-isip na ituloy ang naiisip ko.
Kailangan kong gawin iyon.
Huminga ako nang malalim at unti-unti kong inilapit ang mga labi ko sa kaniya para bigyan siya ng mouth-to-mouth resuscitation.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
May kaunting tubig na lumalabas sa bibig niya ngunit alam kong mas marami pa siyang nainom.
Apat.
Lima.
Anim.
Pito.
Pito.
Pito.
Bakit parang may magnet ang mga labi niya na ayaw akong pakawalan?
Pito.
Pito.
At that moment, something made me realize that I am touching the lips that I once kissed before.
Damn it. I miss these lips so much!
Pumikit ako para namnamin ang sandali.
Mayamaya pa ay naramdaman kong ibig magpakawala ng tubig ng kaniyang bibig kaya kusa akong umalis. Pinaalalayan ko siya sa mga kaibigan niya.
Lumayo ako sa kumpulan. Sinalubong ako nina mommy at daddy na may dalang tuwalya at pamalit kong damit.
Hinanap ko si Sonia. Natagpuan ko siyang madilim ang anyo habang nakahalukipkip. Tiningnan ko siya nang seryoso upang iparating sa kaniya na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Inisnaban lang niya ako at tinalikuran.
Hinubad ko ang damit ko dahil medyo giniginaw na ako. Tinuyo ni mommy ang likod ko.
I have a gut feeling that someone is looking at my direction. I turned around and surprisingly...
Kathy is looking at me.
Para bang may enerhiyang pumipigil sa akin na umiwas ng tingin. The more I look at her, the more my eyes lose its ability to stare away.
Nilapitan siya ni mommy at niyayang umalis. Mukhang papunta yata sila sa mansiyon.
Kinuha ko ang basang damit ko. Susundan ko sila.
"Hon? W-Wait!"
Narinig kong sumigaw ang aking nobya ngunit hindi ko siya nilingon. Masama ang loob ko sa ginawa niya.
Mayamaya ay narinig ko na lang ang papalapit niyang mga hakbang. Kumawit siya sa braso ko. Tinahak na namin ang daan pabalik sa mansiyon.
•••
Author's Notes
Hi! Kumusta po kayo?
Mag-a-update ulit ako mamaya o bukas dahil ginaganahan ako. ^_^ Paano naman hindi ako gaganahan e napanaginipan ko si Kian kahapon ng tanghali. Nakaka-inspire tuloy. ♥️
If may feedback po kayo sa story ko, please feel free to comment so that I can work on it. I openheartedly accept constructive criticism po. 😘
3,000 reads na tayo. 😱😲 It wouldn't happen if you're not there kaya thank you po sa pagsubaybay ninyo sa story ko. You are all my motivation. ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro