Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48 - Love & Hate

Napasandal si Kian sa sementadong dingding. Nasapo niya ang kaniyang noo. Hindi siya makapaniwalang nabitiwan niya ang ganoong kabigat na salita sa babaeng minsan ay naging parte ng buhay niya.

I can't describe what I'm feeling right now.

Halo-halo.

I never had any hint that Kathryn and the lady that my younger brother met at the airport is just the same person. It blew my mind.

I was never prepared for this. Antagal naming hindi nagkita matapos niya akong layuan.

Tapos ganito pa?

Ano nga ulit 'yung sinabi niya kanina? Na kung pwede lang niyang putulin ang lahat ng ugnayan namin e gagawin niya.

Damn it!

Sinabunutan ni Kian ang sariling buhok at sinipa ang lata na nasa tabi.

Pumasok na siya sa loob ng mansion. Dumiretso siya sa mini bar at agad tumungga ng isang bote ng Heineken beer. Inubos niya ito at nagbukas siyang muli ng isa pang bote hanggang sa 'di niya namalayan na nakakailang bote na pala siya.

Mayamaya lang ay lumugmok na siya dahil sa kalasingan.

***

Tahimik lang ang magkakaibigang dalaga sa loob ng sasakyan. Tinatahak na nila ang daan pauwi sa unit ni Mae.

Maya't maya ang sulyapan nina Analisa, Jem, at Mae. Iisa ang nasa isip ng mga ito.

Ang kaibigan nila.

Nakaupo si Kathryn sa back seat habang nakatanaw sa labas ng kotse. Wala mang emosyon ang mukha niya ngunit halatang malalim ang kaniyang iniisip.

"May nakakaalam ba sa inyo ng tungkol dito?" ani ng dalaga habang nakapukol pa rin ang paningin sa labas ng kotse.

Biglang naipreno ni Jem ang sasakyan. Napahigpit ang hawak niya sa manibela.

"Aray!" daing ni Analisa na nakasapo ang isang kamay sa dibdib. "Magdahan-dahan ka naman, bakla. Parang naalog ang brain cells ko, eh."

Isang katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse. Binasag iyon ni Kathryn. Tiningnan niya ang kaibigang nagmamaneho ng sasakyan.

"Jem, may gusto ka bang sabihin?"

"Ba't 'di mapakali? Ni hindi makatingi—" Hindi naituloy ni Analisa ang pagkanta sa tono ng Wag na Wag Mong Sasabihin dahil tinakpan ni Mae ang bibig niya.

Itinabi ni Jem ang kotse. Nang magawa niya iyon ay hinarap niya si Kathryn.

Ilang segundo niyang tinitigan ang kaibigan at pagkatapos ay humugot siya ng paghinga. "It was really my intention not to tell you that Westlife is here in Ireland. Pero masisisi mo ba ako, bakla? Naisip ko lang kasi na baka ito na 'yung chance ninyo ni Kian na mag-usap. Sabihin na nating ayaw mo nang makipag-ayos sa kaniya lalo pa't may girlfriend naman 'yung tao. Pero bakla, ama siya nina Kian John at Keanna. Hindi mo maitatago sa kaniya ang katotohanan habambuhay."

Napahawak si Kathryn sa sintido niya at napabuntong-hininga nang malalim. Mayamaya'y umiling-iling siya.

"Let's go to the nearest bar. Gusto kong uminom."

***


Pinuntahan nila ang The Brazen Head Pub na pinakamatandang pub o bar sa Dublin na itinayo pa noong 1198.

Kumuha sila ng isang table na sapat lamang sa apat na katao. Um-order sila ng apat na Guinness Beer.

"Bakla." Ipinatong ni Jem ang isang kamay sa braso ni Kathryn. "I think I have to apologize." Itinulis niya ang nguso niya.

"Anong I think? Pag-iisipan mo pa talaga, ah." Inirolyo ni Kathryn ang mga mata habang nakaismid.

"Gusto kong mag-sorry kasi siyempre, naglihim ako. Pero masisisi mo ba ako? Kung sinabi ko bang nandito ang Westlife, sasama ka ba sa dinner, bakla?"

Kathryn didn't respond. She crossed her arms while furrowing her face.
Nilingon niya sina Analisa at Mae.
"Wala rin ba kayong alam na nasa Ireland ang Westlife?"

Umiling ang dalawa.

Nalipat ang tingin niya kay Jem. "So it means ikaw lang ang nakakaalam nitong pakana na pagtagpuin kami?"

"Yup! Kami ng boyfriend ko."

Para bang may iisang utak sina Kathryn, Analisa, at Mae. Sabay-sabay nilang tiningnan si Jem.

"Did you just say... boyfriend?"

"Kayo na ni Mark?"

"Totoo? Walang halong joke?"

"Teka lang, mga bakla. Isa-isa lang ang tanong." Sumimsim muna si Jem sa pint glass na may lamang Guinness Beer. "Oo, kami na. Kagabi lang."

Ipinakita niya sa mga kaibigan ang maikling video na kinuhanan ng videographers.

"Hala gagi, totoo nga!" bulalas ni Mae.

"Bakla ka talaga ng taon!" Sinabunutan ni Analisa si Jem sabay dinaluhong ito ng yakap. "Waaaaaah. Congrats, bakla! I'm happy for you!"

"Awwww. Hindi naman halatang happy ka? Mabubunot na ang buhok ko sa anit kahihigit mo."

Napatawa silang lahat dahil doon.

***


Mayamaya pa ay nakikisayaw na sina Analisa at Mae sa mga Briton at Irish. Naiwan sina Kathryn at Jem sa upuan na kuntento nang pinagmamasdan ang kanilang mga kaibigan.

"So, okay na ba tayo, bakla? Gets mo naman siguro 'yung point ko 'no?" pagbabalik ni Jem sa topic na nalihis kanina.

"Fine. Wala na rin naman akong magagawa. Nagkita na kami." Idinikit ni Kathryn ang hawak na pint glass upang makikampay sa kaibigan. Nangngitian sila.

Hindi pa sila nakapapangalahati ng beer ay napatigil sila. May mga kamay na tumakip sa kanilang mga mata.

"Hoy, mga bakla. Tigilan n'yo ang mga paandar ninyong patakip-takip ng mga mata," ani Kathryn.

Mas dumiin ang pagtakip ng mga kamay kay Kathryn, hudyat na mali siya ng hula.

Could it be... him?

"Kian?"

Unti-unting lumuwag ang pagtakip ng mga palad sa kaniyang mga mata. Ini-adjust ng dalaga ang paningin niya dahil bahagya itong lumabo. Ilang saglit pa ay lumingon siya sa likod.

"Colm."

Napagtanto niyang ang binata pala ang dumating. Kasama nito si Mark na ngayo'y katabi na ang nobya sa kabila ng lamesa.

Sila lang ang dumating. Wala ang ibang lads, maging si Kian.

"Hehe. Ako 'to, si Colm." Napahawak ang binata sa likod ng ulo.

"Nakakagulat ka naman, akala ko maki-kidnap na ako nang wala sa oras, eh," pabirong sabi ni Kathryn upang makalimutan ang pagkailang sa mali niyang pagkakahula.

Huminga muna nang malalim si Colm at saka ngumiti nang napipilitan bago nagsalita. "Nag-alala kami nang malaman naming dali-dali kayong umalis sa mansion. Dumiretso kami ni Kuya Mark sa unit ni Mae kaso wala pa 'yung kotse. We assumed na hindi pa kayo nakakauwi kaya we roamed around the city at dito nga kami napadpad."

Umupo siya sa katabi ng dalaga. "Let's have a couple of drinks. Sasabayan namin kayo pero isang beer na lang ang puwede sa 'yo, Alexa, ha?" Kinuha niya ang menu para pumili ng o-order-in.

***

Nagtagal pa sila ng isang oras sa pub saka nila napagdesisyunang umuwi na. Dahil kanina pa umiinom ang mga dalaga ay ipinag-drive na lang sila ng dalawang lalaki.

Dalawang sasakyan ang gamit nila. Ang kotse ni Mae na minamaneho ni Colm at ang kotse ni Mark kung saan naroon si Jem.

"Bakit biglang lumiko 'yung dalawa? Saan pupunta 'yun?" tanong ni Analisa na nakapansin sa pagliko ng sasakyan nina Mark.

"Kalma, bakla. Uuwi rin 'yun mayamaya," sabi ni Kathryn. "Baka magde-date lang."

Napakibit na lang ng mga balikat ang magkakaibigan at muli nilang itinuon ang atensiyon sa daan.

***

"Let's go somewhere else, love. I don't want to go home yet," saad ni Jem na napatingala habang nakasandal sa shotgun seat ng sasakyan ni Mark. "Magpahangin muna tayo. Tinamaan yata ako sa Guinness." Minasahe niya ang sariling sentido. Hilong-hilo siya.

Iniliko ni Mark ang kotse. Pagkatapos ay may kinuha siyang botelya mula sa bag. "Apply a portion of this on your nose, temple, and forehead to relieve your dizziness, love."

"White flower?" Siniyasat ni Jem ang iniabot ng nobyo. "Ang alam ko, Asians lang ang gumagamit nito, eh. Gumagamit ka rin pala nito?"

Mark smiled a little. "I learned to use it from Nanny Marcela, a Filipina. She was my personal nanny until I was fourteen years old." Sinulyapan ng binata si Jem. "Sadly, she's no longer with us 'cause she retired early."

"Do you know her address? We can visit her someday if you wish to."

Lumigaya ang mga mata ni Mark nang marinig iyon mula sa nobya. Tumango-tango siya "D-Do you really want to come with me, love?

"Oo naman. I can feel how important she is to you. Gusto kong ma-witness 'yung muli ninyong pagkikita. O sige, kapag maluwag na ang schedule ninyo, puntahan natin siya."

Pinisil ni Mark ang pisngi ni Jem panandalian. "I can't wait for that day to come, love. I know Nanny Marcela will be glad to meet you."

Muling itinutok ng binata ang pansin sa pagmamaneho.

***

"We're here!" Tinungo ni Mark ang kabilang pinto para pagbuksan ang kaniyang nobya.

Nasa isa silang burol sa may bandang dulo na ng Dublin. Kitang-kita nila ang city lights mula sa puwesto nila.


Nakikisabay sa ningning ng mga ilaw ang mga mata ni Jem. Hangang-hanga siya sa nakikita. "Ang ganda-ganda naman dito. Parang gusto kong titigan na lang ito magdamag."

"Ako rin," saad ni Mark. "Gusto ko lang din tumitig. Hindi naman kasi nakakasawang pagmasdan, eh."

Nakangiting nilingon ni Jem ang nobyo pero napawi rin ang ngiting 'yun nang matantong nakatitig sa kaniya si Mark. Nagpabilis iyon ng pagpintig ng puso niya.

Muli niyang nilingon ang maliwanag na lungsod ng Dublin pero wala na ang atensiyon niya roon.

Nagsalita si Mark na noo'y nakapukol na rin ang pansin sa city lights. "This used to be my favorite view but not now anymore."

"May mas maganda pa ba rito? Ang ganda-ganda na kaya nito."

Dahan-dahang inilipat ni Mark ang titig kay Jem. Tiningnan niya ang bawat detalye ng mukha ng nobya. "It's you, love."

Kinuha muna ng binata ang ilang buhok na humaharang sa mukha ni Jem. Inilagay niya iyon sa likod ng tainga ng dalaga bago muling nagsalita. "You're now the most beautiful view in my eyes. Pangalawa na lang itong city lights."

Tumalon ang puso ni Jem pagkarinig sa sinabi ng kaniyang nobyo. Uminit ang kaniyang magkabilang pisngi.

Ang titig ng asul na mga mata ni Mark ay tila ba dumadaloy sa bawat ugat ng katawan ni Jem. Yaong titig na halos ikatunaw niya.

Ngayo'y nilapitan na ni Mark ang nobya at hinawakan niya ang mga kamay nito. Mayamaya'y napunta ang isa niyang kamay sa gilid ng mukha ng dalaga para ilagay sa likod ng tainga nito ang ilang piraso ng buhok na inililipad ng hangin.

Mark cupped Jem's face. "I could stare at this beautiful face forever."

He gave her a forehead kiss. Pagkatapos ay pinaglapit niya ang kanilang mga noo. "I love you so much, Jemelyn Ava Charlotte Tolentino."

Jem responded. "I love you too, Markus Michael Patrick Feehily."

Para bang may sariling isip ang kanilang mga labi dahil kusang naghinang ang mga iyon. Madali lang ngunit punom-puno iyon ng pagmamahal.

They hugged each other for a while when their lips parted. After that, they both faced the city of Dublin while admiring its beauty.

***


Sinubukan ni Kian na bumangon ngunit lalo lang siyang nahilo.

Kinusot-kusot niya ang paningin. Napagtanto niyang nasa sariling kuwarto na siya.

"Gising ka na pala, kuya," saad ni Colm na kapapasok lang ng kuwarto niya.

"Anong oras na ba?" tanong ni Kian na nakasapo pa rin ang kamay sa ulo.

"Two o'clock in the afternoon."

"A-Ano? Nakatulog ako nang gano'n katagal?" Ngayo'y nakatayo na si Kian at kasalukuyang kumukuha ng tuwalya mula sa cabinet.

"Ikaw ba naman ang magpakalasing sa sampung Heineken beer ay talagang makatutulog ka talaga nang mahaba." Napatawa si Colm. "Bakit ka naglasing mag-isa, Kuya? Nag-away ba kayo ni Sonia?"

Umiling-iling si Kian. "Nagpalipas lang ako ng oras. Hindi ko namalayang naparami na ang nainom ko."

"I see." Tumango-tango si Colm na tila ba nakumbinsi sa paliwanag ng kapatid. Nilapitan niya ito.

"Kuya, what can you say about Alexa?"

Napatigil sa paghahanap ng tuwalya si Kian. Hinarap niya ang kapatid. "Alexa? Okay naman."

"Were you attracted to her?"

Kumunot ang noo ni Kian. "Does it really matter? May girlfriend na ako, Colm."

"I just want to make sure. I like her at ayokong makabangga ang sarili kong kuya pagdating sa taong gusto ko." Tinapik ni Colm ang kanang balikat ng kapatid.

Napatawa si Kian. "That's silly."

"I know, kuya." Colm chuckled. "I am just intimidated. Ang alam ko, fan mo siya so... gusto ko lang ng assurance na 'di mo siya trip."

Ginulo ni Kian ang buhok ng kaniyang bunso. "Ikaw talaga. Sige na, maliligo muna ako.

***

Nakamasid lang si Kian sa tubig na iniluluwa ng shower.

Nagbalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili niyang panaginip lang ang lahat. Agad napawi iyon dahil ang pag-uusap nila ng kaniyang kapatid kani-kanina lamang ay isang patunay na nagkita sila ni Kathryn o mas kilala ni Colm bilang si Alexa.

Si Kathryn na nakaraan niya...

..ay kilalang Alexa ng buong angkan niya.

Ano ba'ng gusto ng tadhana at kami'y pinagtagpo pa?

At bakit sa lahat ng tao, siya pa ang natipuhan ng kapatid ko?

I cannot imagine her as my sister-in-law.

She can't be with my brother...

As I already owned her before.

I am her first.

Marahas na umiling-iling si Kian. Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Bakit ba ganito ako mag-isip na para bang ipinagdaramot ko siya?

Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito.

May girlfriend na ako.

Napabuntong-hininga siya matapos ang pagmumuni-muning iyon. Itinuloy na niya ang paliligo.

Please leave my thoughts, Kathy. You are a part of my past.

***

Matapos ang tatlumpung minuto ay lumabas siya ng kuwarto. Nadatnan niya si Sonia sa kusina na kasama si Mommy Patricia.

"Good afternoon, Mom. Good afternoon, hon." Nilapitan ni Kian ang ina at hinagkan sa pisngi. Ganoon din ang ginawa niya kay Sonia.

"Tamang-tama. Nagluluto kami ng banana cake," ani Patricia. "Tinuturuan ko si Sonia kung paano mag-bake."

Gumuhit ang pagkamangha sa mukha ni Kian. "Cool. Kumusta 'yung pagbe-bake n'yo? Patikim naman ako."

Inayos ni Sonia ang suot na mittens. Matapos ay hinarap niya ang nobyo. "I'm having fun while baking, hon. I lov—"

Naudlot ang sasabihin niya nang biglang sumulpot si Nyssa sa kusina.

"Actually, mukhang pangtatlong subok na niya mag-bake niyan pero hindi pa niya nakukuha ang tamang pagluluto, kuya." Nilapitan ni Nyssa ang oven at binuksan. "Look, hindi na naman umalsa. Panibagong sayang na naman." She rolled her eyes and crossed her arms.

Napatungo si Sonia. "S-Sorry. It's my first time to bake."

"Don't feel sorry, hija." Hinagod ni Patricia ang likod ng nobya ng anak. "Ang mahalaga ay sinusubukan mong matuto."

"Thank you, tita." Sonia fidgeted her fingers. She looked at Kian and Patricia. "May I excuse myself? I think I need to use the bathroom." Tumalikod siya pagkasabi noon. Tinahak niya ang direksyon ng CR.

Sumilay ang mapanuksong ngiti sa mga labi ni Nyssa. Nilapitan siya ng kaniyang kuya na noo'y umiiling.

"Nyssa, I know that you have a bad blood to my girlfriend but please don't treat her like that. Bisita pa rin natin siya."

"I'll try." Buntong-hininga ang sunod na isinagot ng dalagita. Kumuha siya ng tubig mula sa water dispenser. "I really don't like her, kuya. Sorry." Umakyat nang muli si Nyssa sa sarili niyang kuwarto.

Nagkatinginan na lamang si Kian at ang kaniyang ina na napapailing na lang sa inakto ng dalagita.

***

Sinundan ni Kian ang nobya.

"Hon?" Mahihinang pagkatok ang ginawa niya sa pinto ng banyo. "Are you oka—"

Napapiksi siya nang bumukas ang pinto ng banyo. Iniluwa noon si Sonia na hinigit siya papunta sa loob.

"Hon. Baka makahal—" Hindi na naituloy ni Kian ang sasabihin dahil hinalikan na siya ng nobya. Nagsisimula nang maglakbay ang kamay ng dalaga sa iba't ibang parte ng katawan niya.

Iminulat ng binata ang mga mata. Sandali siyang humiwalay at tumitig sa kaharap. Mayamaya ay ginagantihan na niya ito ng malalalim na halik.

Pero para bang may tumapik kay Kian na nagpabalik sa huwisyo niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Sonia at matamang tinitigan ang dalaga. "Nasa loob tayo ng bahay, hon. Baka magalit si Mom 'pag naabutan niya tayong ganito."

Sonia pouted her lips. Mas ipinungay niya ang mga mata. "Sandali lang naman, eh."

"I'm sorry. " Binuksan ni Kian ang pinto ng banyo para lumabas.

Pabalibag na isinara ni Sonia ang pinto. Sinandalan niya iyon. Puno ang mukha niya ng disappointment.

"I'll book for a reservation in a restaurant. Let's date," saad ni Kian na lumapit sa pinto ng banyo para marinig ng nobya ang sasabihin niya.

***

Ilang beses na naglakad paroon at parito si Kian habang nakapamaywang. Makailang ulit din niyang sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

I had to stop Sonia from kissing me.

Una, totoo namang nababahala ako. Nasa bahay kami at nakakahiyang maabutan kami ni Mom na magkasama sa banyo.

Ikalawa, namalikmata ako kanina habang hinahalikan ako ng girlfriend ko.

When I opened my eyes, I saw Kathy's face instead of Sonia.

What's crazy is, when I thought she's her, there was something that urge me to bring back the kiss.

Madali lang iyon. Ngunit agad akong natauhan.

What the feck is going in my mind?!

Bakit si Kathy ang nakita ko kanina?

At bakit sa pag-aakalang siya nga ang kaharap ko ay may tumulak sa aking gumanti ng halik?

Bakit?

Ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

***

Katatapos lang mag-shopping ng magkakaibigang dalaga sa Grafton St. Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay nakaramdam sila ng gutom kaya nagkasundo silang kumain sa Boueuf Dublin.

Halos hindi sila makapagsalita dahil sa pinaghalong pagod at gutom.

Napatuwid ng upo si Jem nang dumako ang tingin niya sa pinto ng restaurant. "Mga bakla, look who's coming!"

Sabay-sabay na napalingon sina Analisa, Mae, at Kathryn sa tinitingnan ng kaibigan. They were stunned when they saw Kian and Sonia entering the establishment.
Iginiya ang mga ito ng server sa bakanteng lamesa na katapat lang nila!

***

Natigilan si Kian nang mapansin ang mga tao sa kabilang lamesa. Nakatingin ang mga ito sa kaniya. Panandaliang tumigil ang pagtibok ng puso niya at lihim siyang nabalisa.

Nilapitan niya ang server at binulungan. "Are there any available tables?"

"I'm sorry. All tables are fully booked, sir."

Bumuntong-hininga si Kian. Kinuha na lang niya ang menu na iniaalok ng server.

Inabot ni Sonia ang isang kamay ng nobyo at pinisil iyon. "May problema ba, hon?"

"Nothing." Pilit na nginitian ni Kian ang katabi." Sige, pumili ka na ng pagkain."

Ilang ulit niyang pinasadahan ng tingin ang menu pero wala pa siyang napipili. Hinayaan na lang niya si Sonia na pumili ng para sa kanila. Inilapag niya ang menu at lihim na sinulyapan ang mga nasa kabilang table.

Naabutan niyang nagtatawanan ang apat, na tila ba walang pakialam sa presensiya niya.

Napukol ang tingin niya kay Kathryn. Kita niya ang pagngiti nito na abot hanggang mga mata.

How can she smile like that knowing that I am just here?

Did she already forget how she dump me a couple of years ago?

Kung itrato niya ako rito, para akong hangin, ah.

Siguro nga hindi naman niya talaga pinahalagahan 'yung pinagsamahan namin.

Madali lang siguro niya akong kinalimutan..

Samantalang ako..

"Hon."

Naudlot ang pagmumuni-muni ni Kian nang kalabitin ni Sonia ang braso niya.

"Hmm?'

"Nakapili na ako ng food." Tinitingnan ni Sonia ang isang dish. "Baka may gusto kang idagdag?"

"Irish coffee, hon," sabi ni Kian. Tumango naman si Sonia bilang pagtugon.

Hinawakan ni Kian ang kamay ni Sonia na nakapatong sa table. Napangiti ito sa inakto ng nobyo. Minsan lang kasi ito magpakita ng ganoon sa publiko.

***

"Huy, 'wag na kayong tumingin sa kabila. Baka isipin no'ng Kian na 'yun, tinitingnan ko siya," suway ni Kathryn sa mga kaibigan.

"Sus, hindi pa ba?" ani Jem.

Kathryn rolled her eyes. "Whatever." Lumingon-lingon siya. "Nandiyan na 'yung food!"

Inayos nila ang mesa at sinimulan na nila ang maganang paglantak sa mga in-order nila.

"Gagi, ang sweet no'ng dalawa," pabulong na saad ni Analisa na sumusulyap sa kabilang table.

Sumabad si Mae. "Mag-isip tayo ng topic na nakakatawa dali. Ipakita natin sa kanila na hindi tayo bothered sa presensiya nila."

Umiling-iling si Kathryn. "Magsikain na lang tayo. Eh, kung dinededma n'yo na lang sila e 'di payapa lang tayong kumakain." Pinukulan niya ng pansin ang pagkain.

"Tumawa na lang tayo kunwari," suhestiyon ni Analisa. "Hahahaha."

Sinakyan naman agad ni Mae ang kaibigan na nakitawa na rin. Sina Jem at Kathryn naman ay medyo natatawa na rin sa ka-weirdo-han ng mga kaibigan.

Mayamaya ay nilakasan ni Mae ang pagtawa at sa pagkakataong iyon ay may lumabas na kanin sa ilong niya.

"Hahahahahahah ay pot—"

Nagkatinginan sina Analisa, Jem, Kathryn at sa puntong iyon ay napahagalpak na sila katatawa.

Si Mae naman ay hiyang-hiyang pinunasan ang ilong. "Well, napahiya man nang konti, mukhang effective naman." Umayos ng upo ang dalaga. "Tingnan ninyo si Kian, parang nakatingin kay Kathryn."

Pasimpleng tumingin si Jem sa kinaroroonan ng binata. "Hala, oo nga."

Sinipa-sipa ni Analisa ang paa ni Kathryn. "Bakla, look oh."

"Tsk. Wala akong paki."

Nagpatuloy sa panunudyo ang tatlo sa dalaga. Natigil din naman sila nang sa tingin nila ay naaasar na nga ang kaibigan.

Tiningnan ni Kathryn ang tatlo. Nang sa tingin niya ay abala na ang mga ito sa pagkain ay pasimple siyang lumingon. Curious siya kung tama bang tinitingnan siya ni Kian.

Nanigas ang mga panga niya. Sinundan iyon ng pag-irap. Nasaksihan niya kasi ang paghawak ni Kian sa kamay ni Sonia sa ibabaw ng lamesa.

Is that jerk trying to make me feel jealous?

Feel na feel, a.

Puwes, hindi naman ako nagseselos. Nakakairita lang sila tingnan.

Public Display of Affection.

Pabalagbag siyang tumayo. "Magsi-CR lang ako."

***

Nang makapasok siya sa restroom ay kinalkal niya ang bag niya. Isa-isa niyang inilabas ang pulbo, liptint, at eyeliner.

Tiningnan niya ang sariling repleksiyon sa salamin.

Ang gulo pala ng buhok ko. Hindi pa pala ako nakapagsuklay mula nang umalis ako sa unit ni Mae.

Ang haggard ko na rin.

Kailangan ko na rin sigurong mag-skincare tulad ni Jem.

Shocks. Bakit may pimple akong isa at bakit sa ilong pa?

Hays..

Paano na ito?

May boses na lumitaw sa isang bahagi ng utak niya.

Ano naman kung gulo ang buhok mo? O kung haggard ka man o may pimples na isa?

Wala ka namang pinapagandahan 'di ba?

Why is it that all of a sudden you became worried about how you look?

Naisip niyang may ipinupunto ang isang bahagi ng utak niya. Isa-isa na niyang ibinalik ang mga gamit sa handbag na dala. Nagsuklay naman siya kahit papaano para presentable siyang tingnan.

Isasara na lang sana niya ang handbag nang may pumasok sa CR.

Si Sonia.

Tumabi ito sa kaniya at nag-retouch din.

Hindi niya maiwasang tingnan ang babae sa salamin.

Napatingin siya sa mga labi nito na pinapula ng lipstick.

Sa mukha nito na pantay ang blend ng make up.

Ang pagkakapuyod ng mahaba at blonde nitong buhok.

Ang hazel eyes nito.

Almost perfect na.

Natigil siya sa pagmumuni-muni nang magsalita si Sonia. "Why are you staring at me?"

"N-Nothing." Iniwas ni Kathryn ang tingin sa katabi. She's starting to feel uncomfortable.

Dali-dali niyang isinukbit ang bag. Dahil hindi nga niya naituloy ang pagsasara noon kanina ay nalaglag ang mga gamit niya kabilang ang liptint na gumulong sa may paanan ni Sonia. Napapunta iyon sa ilalim ng mataas na heels nito.

"E-Excuse me. May I—"

Hindi na natapos ni Kathryn ang pangungusap nang sipain ni Sonia ang liptint pabalik sa kaniya. Medyo malakas iyon kaya napadaing siya.

Unti-unti nang kumukulo ang dugo ni Kathryn pero mas pinili niyang maging kalmado.

Isang sulyap ang ipinukol niya sa dalaga bago dali-daling nilisan ang comfort room.

***


Padaskol siyang umupo sa upuan. Humalumbaba siya habang nakasambakol ang mukha.

"Anyare sa 'yo, bakla?" usisa ni Jem sa kaniya.

Umayos ng upo si Kathryn at ikinuwento ang nangyari sa CR.

"Anak nampochii. Eh, kung mukha niya kaya ang sipain ko?" gigil na sabi ni Analisa na akmang tatayo sa upuan.

Pinigilan ni Kathryn ang kaibigan sa braso. "Hayaan mo na, bakla. Baka allergic lang siya sa mumurahing liptint."

Napahinuhod naman si Analisa. Umupo siyang muli.

Mayamaya ay nakalabas na rin si Sonia sa restroom. Dumaan siya sa tapat ng mga dalaga. Napukol ang atensiyon niya kay Kathryn at tiningnan ito na parang naaasiwa.

Nagbigayan ng makahulugang tinginan ang mga dalaga. Sinundan nila ng tingin ang nobya ni Kian. Akto itong uupo nang mabali ang takong ng suot nitong stilletto. Mabuti na lamang ay mismong sa upuan siya napaupo kaya hindi siya napabalikwas.

Halos mamula ang mukha nina Analisa, Jem, Kathryn, at Mae dahil sa pagpipigil ng tawa. Hindi iyon nakaligtas kay Sonia. Binigyan ng huli ng dagger look ang apat.

***


Tinapos lang nina Kathryn ang pagkain at mayamaya pa ay nagkayayaan na silang umalis.

Nagpupunas siya ng pawis gamit ang panyong dala. Nang ibabalik na niya iyon ay napamali ang pagsuksok niya. Hindi niya namalayang nalaglag iyon sa sahig.

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Kian. Nagdalawang-isip muna siya kung kukuhanin ba o hindi ang panyo na nalaglag.

Wala naman sigurong masama. Iaabot ko lang naman.

Nang makapagpaalam kay Sonia ay kinuha niya ang panyo. Napatigil siya nang akma niyang kukuhanin iyon.

This is the same handkerchief I gave to her when we were at the rooftop!

Why does she still have this?

Naguguluhan man ay kinuha niya pa rin iyon. Nagmadali siyang sundan ang apat na magkakaibigan. Naabutan pa rin niya ang mga ito na pasakay sa kotse.

***

"Wait!"

Nagkatinginan ang magkakaibigan nang lingunin nila ang pinagmulan ng tinig. Palihim na siniko ni Jem ang katabing si Kathryn.

"Oh, Kian?" bati ni Analisa sa binata nang tumigil ang binata sa harap nila.

Pinukulan ni Kian ng tingin si Kathryn. Mayamaya ay may dinukot siya sa bulsa. Iniabot niya iyon sa dalaga. "You dropped this."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Napasinghap siya. "H-Hindi akin 'yan."

"I saw it fell from your hand so I'm sure it is yours."

"Fine." Padabog na kinuha ni Kathryn ang panyo mula sa kamay ng binata.

Hindi sinasadyang nagkadikit ang kanilang mga hintuturo. Tila ba may naramdamang kuryente ang dalaga na dumaloy sa kaniyang katawan. Binalewala na lang niya iyon at pumasok na sa kotse. Hindi na niya nilingon ang binata.

"Salamat, Kian. We'll go ahead," sabi ni Jem bago pinaharurot ang sasakyan.

Tango lamang ang itinugon ni Kian. Hinintay niyang mawala sa paningin ang sasakyan.

Napatitig siya nang ilang saglit sa daliri. Di nagtagal ay tinahak na niya ang daan pabalik sa loob ng restaurant.

  •••

Author's Notes:

So ayun, medyo nakakaya ko nang habaan 'yung chapters. Ayoko kasing nabibitin kayo. Hahaha. At saka medyo sinisipag na akong mag-type kasi nagkaka-scenes na ulit sina Kathryn at Kian. Yieee.

'Til next chapter ulit mga bibis. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro