Chapter 46 - Dublin Tour
Nagising mula sa mahimbing na pagtulog si Kathryn dahil sa pagyugyog sa kaniyang mga balikat.
"Uhmmm.."
"Bakla ka ng taon, bumangon ka na!" ani Analisa. "May nag-aabang sa 'yo sa labas!"
"Sino?" wika ng dalagang pupungas-pungas pa ng mukha.
Sumabad si Mae. "See it for yourself."
Nag-inat muna ng mga braso si Kathryn at matapos noo'y tinungo niya ang bintana. Nawala ang antok na lumulukob sa katawan niya nang makita niya si Colm na nakasandal sa kotse. Nakaitim na shades ang binata, shorts na puti, rubber shoes, at blue v-neck t-shirt. Napansin siya ng binata kaya kumaway ito sa kanila.
Tinudyo siya ng kaniyang mga kaibigan ngunit kaagad niyang sinuway ang mga ito para tumigil.
Hinarap niya ang mga kaibigan at pinandilatan niya isa-isa ang mga ito.
"Mga bakla talaga kayo. Alam n'yo namang tito siya ng mga anak ko kaya tigilan na ninyo ang panunukso."
"Di ka na mabiro, bakla." Siniko ni Analisa ang kaibigan. "Aba ay kung ayaw mo kay Colm e 'di akin na lang."
"Sa akin kaya, hindi sa 'yo," sabad ni Mae.
"Hati na lang kaya kayo? Mag-aaway pa, eh," ani Jem sa mga kaibigan.
Nag-apir sina Analisa at Mae bilang pagsang-ayon.
***
Tumayo mula sa pagkakasandal ang binata nang makitang palapit sa kaniya sina Kathryn. "Good morning, Alexa!"
Tipid na ngumiti ang dalaga na medyo inaantok pa. "Ang aga mo, ah. Napadaan ka yata?"
Itinaas ng binata ang suot na shades. "Hindi ako napadaan. Talagang dito ang sadya ko."
Kumunot ang noo ni Kathryn. "Ha?"
Nilapitan siya ni Colm at binulungan. "I'll take you to several places around Dublin." Binalingan niya ng tingin ang mga kaibigan. "We can also bring your friends."
Napakagat sa pang-ibabang labi ang dalaga. Nag-iisip siya ng idadahilan. "As much as I wanted to, but I've got a lot of things to do, Colm. Pupunta pa kami ng mga kaibigan ko sa bahay sa Beaumont for site vie—"
Naputol ang sasabihin ni Kathryn nang magsalita si Mae mula sa likod.
"Let's cancel the site viewing instead."
"Mae..."
Tiningnan lang ni Mae nang makahulugan si Kathryn. Pinukulan niya ulit ng tingin si Colm.
"Tara na sa loob?" Kinawitan niya ang braso ng binata. "We’ll just get ourselves ready."
***
Binuksan ni Mae ang malaking TV sa sala at nag-browse sa YouTube. Pinili niya ang clip ng live performance ng Westlife habang kumakanta ng World of Our Own.
Sandaling lumabas ng kuwarto sina Jem at Analisa upang saliwan ng pagsayaw ang kanta. Napatili sila nang marinig na nila ang intro.
🎶 You make me feel funny
When you come around
Yeah that's what I found out honey
What am I doing without you?
You make me feel happy
When I leave you behind
It plays on my mind now honey
What am I doing without you?
Oh, took for granted everything we had
As if I'd find someone
Who's just like you 🎶
Napasilip mula sa kusina si Kathryn. Natatawa siya habang pinanonood ang mga kaibigan.
"Won't you join them?" tanong ni Colm.
"Hindi na. Nag-e-enjoy naman ako habang pinanonood sila."
Hinigit nina Analisa at Jem si Kathryn upang isali ito sa pagkakantahan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang makisaliw sa mga kaibigan.
🎵 Oh, we got a little world of our own
I'll tell you things that no one else knows
I'll let you in where no one else goes
What am I doing without you?
And all the things I've been looking for
Have always been here outside my door
And all of the time I'm looking for something new
What am I doing without you?
What am I doing without you? 🎶
Nang matapos ang kanta ay nag-slow clap si Colm habang nakangiti. "Akala ko si Alexa lang ang fan ng Westlife, kayo rin pala."
"Naman! Sa fandom nga kami nagkakila-kilalang apat, eh. Tapos tig-iisa pa kami ng bias," ani Analisa. "Sa akin si Nicky, si Shane kay Mae. Si Mark kay Jem at si Kathryn ay kay K–"
"Oh, tama na ang daldal, bakla. Maligo ka na." Hindi natuloy ang sasabihin ng dalaga nang ipagtulakan siya ni Kathryn papasok sa banyo.
***
Egan's Mansion
Naglilinis ng mga sasakyan ang magkakapatid na sina Tom, Gavin, at Kian.
"Kuya, napansin n'yo ba si Colm? Hindi ko pa napapansing bumaba, eh," sambit ni Kian na nagpupunas ng windshield ng sasakyan ng ina.
"Ah, si Colm? Umalis nang maaga 'yung utol nating iyon. Nakaporma nga e," ani Gavin. "Siguro, may lakad sila ni Alexa."
"Mukhang malakas ang tama ng kapatid natin sa Alexa na 'yun, ah?"
"Parang gano'n na nga," wika ni Tom. "Hayaan mo na. Nasa tamang edad naman na 'yung kapatid nating 'yun."
"Naku, 'tol. Mauunahan ka pa yata ng bunso natin," untag ni Gavin kay Kian. "Kayo ba ni Sonia, kailan kayo lalagay sa tahimik?"
"Wala pa sa isip ko. Eh, kayo namang pamilya ko ang unang makakaalam niyan 'pag inalok ko na siya ng kasal."
"Bigyan mo na kami ng pamangkin para may kalaro na ang mga anak ko," wika ni Tom.
Itinutok ni Kian ang hose ng tubig sa mukha ng kuya kaya nabasa ito. Gumanti si Tom at nakisali si Gavin kaya mayamaya ay nagbasaan na silang magkakapatid ng tubig. Parang bumalik sila sa pagkabata.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Kian. Sandali siyang tumigil sa pakikipagbasaan upang sagutin ang tawag.
"Hon," bungad ni Sonia sa kaniya. "Can you pick me up at the airport tomorrow?"
Umaliwalas ang mukha ng binata. "Airport? Do you mean–"
"Yes, hon. Hindi kita matiis kaya pinilit ko talagang makabiyahe," nakangiting sagot ng dalaga. "However, I still need to go back here after three days."
Ilang salita pa ang pinagpalitan ng dalawa bago nila tinapos ang tawag. Alas sais ng gabi bukas ang takdang oras ng pagsundo ng binata sa nobya.
Sandamakmak na panunudyo ang nakamit niya mula sa mga kuya na nakikinig pala sa usapan ng dalawa.
"Seriously? Pupunta ang babaeng 'yun dito?"
Napatingin ang tatlo sa pinagmulan ng tinig. Bumungad sa kanila si Nyssa na nakahalukipkip ang mga kamay at nakabusangot.
Nilapitan ni Kian ang kapatid. Marahan niyang pinisil ang pisngi nito. "Tatlong araw lang naman, bunso."
Humugot ang dalagita ng malalim na paghinga. "So it means tatlong araw rin akong magkukulong sa kuwarto."
Kian chuckled. "Hindi man ngayon, alam kong magugustuhan mo rin si Sonia pagdating ng panahon."
Iningiwi ng dalagita ang mukha. "It will never happen, kuya!"
Nagtawanan sina Gavin, Tom, at Kian dahil sa reaksiyon ni Nyssa. Muli ay itinuloy nila ang pagbabasaan.
***
"Just enjoy the food, girls," ani Colm na noo'y umiinom ng Irish coffee. "My treat." Nasa The Rolling Donut siya kasama ang mga dalaga.
"Ay ang taray! Big time naman pala ang suitor mo, bakla," bulong ni Analisa sa katabi.
Pinandilatan ni Kathryn ang kaibigan.
Ibinaling ni Analisa ang tingin sa binata. "Sure ka, libre mo 'to?"
"Oo naman. Kain lang kayo nang kain."
"Siyempre. Libre na 'to, eh!" Napatawa silang lahat nang isubo ni Mae ang isang donut nang tatlong kagatan lang.
Natigil sa pagtawa si Jem. Napatingin siya sa pinto. "Wui, mga bakla. Si ano...."
Maang na napatingin ang mga dalaga kung saan nakatingin si Jem.
"Carlos!" sabay-sabay nilang sigaw.
Agad nilang nakuha ang atensiyon ng binatilyo na kapapasok palang. Dagli silang pinuntahan nito.
"Mga ate!"
"Sit here." Umisog nang kaunti si Kathryn para bigyan ng espasyo ang bagong dating. "Carlos, I want you to meet Colm. Colm, this is Carlos."
Iaabot na sana ng binatilyo ang kamay sa kaharap nang matigil iyon sa ere. Kumunot ang noo niya habang kinikilatis ang binata. "Colm? Colm Egan?!"
Tumango si Colm. "Ako nga."
"Paanong.. teka.." Nagpabalik-balik ang tingin ni Carlos kay Ate Kath niya at sa binata. "Boyfriend mo ba siya, Ate Ka—"
"Alexa. Ate Alexa. Ikaw talaga, Carlos e malilimutin na."
Hindi maintindihan ni Carlos kung bakit tila ba ayaw magpatawag ng ate niya sa una nitong pangalan.
Napatingin ang binatilyo sa gawi nina Ate Analisa niya na sinesenyasan siyang sumakay na lang.
"Ah, oo nga, Ate Alexa." Napakamot sa batok si Carlos.
"Hindi ko boyfriend si Colm. We just bumped into each other on the plane. Basta, it's a long story."
"Dito ka na rin kumain sa table namin," pag-anyaya ni Colm sa binatilyo. "Pagkatapos e didiretso naman kami sa Trinity College of Dublin. Gusto mong sumama?"
Lumiwanag ang mukha ni Carlos. "Doon ako pumapasok, kuya. Sasabay na ako sa inyo."
"Naks! Naunahan mo pa kami ng mga ate mo na makapunta rito, eh," saad ni Analisa. "Teka, paano ka nga pala napadpad sa Ireland?"
"Isa ako sa mga mapapalad na nabigyan ng full scholarship ng Ayala group sa Harvard University, mga ate. Nakiusap ako sa kanila na imbes na mag-Harvard e dito na lang ako sa Ireland mag-aral. Ito po kasi 'yung dream destination ko, eh. Ayun, pumayag naman sila," mahabang paglalahad ni Carlos.
Pare-parehong namangha ang mga dalaga pati na rin si Colm sa ibinahagi nito.
***
"This is the Campanile, mga ate," turo ni Carlos sa bell tower na nasa harap nila. "Iniiwasan 'yang daanan ng mga estudyante. Meron kasing paniniwala na kapag daw tumunog 'yung kampana habang dumadaan diyan sa ilalim 'yung mga estudyante ay hindi nila maipapasa 'yung final exams. Kaya kung daraan man sila riyan ay iniintay muna nilang maka-graduate sila."
Tiningala ng mga dalaga ang tower.
Muling nagpatuloy si Carlos. "Eh, may pagkapasaway ako. Sinakto kong dumaan sa ilalim habang tumutunog 'yung kampana. Hahaha. Kung ma-i-imagine n'yo lang 'yung shock sa mukha ng mga estudyante, matatawa kayo."
"Ang kulit!" nangingiting komento ni Mae. "Oh, eh nakapasa ka naman sa exams?"
"Naman, ate." Nag-pogi points sabay kindat ang binatilyo. "Naka-flat 1 nga ako sa major subjects ko, eh. Kaya ayun, may mga gumaya na sa akin. Baka raw naputol na 'yung sumpa."
Naiiling na tumawa-tawa silang lahat.
***
Nilampasan na nila ang tower. Nilakad nila ang kalawakan ng campus.
"Trinity College of Dublin was built in 1592," ani Colm. "Dito nag-aral sina Oscar Wilde at Samuel Beckett."
"Oscar Wilde? Di ba siya 'yung author ng The Canterville Ghost? Si Samuel Beckett e siya naman 'yung sumulat ng Dream of Fair to Middling Women?" tanong ni Kathryn.
Colm responded with a nod. Nginitian niya ang dalaga. "You like books?"
Sumabad si Mae. "Oo, mahilig 'yan magbasa kaya marami 'yang naka-stock na knowledge sa utak, eh. Ang tawag nga namin diyan e Miss Encyclopedia."
"Kung ganoon, sigurado akong magugustuhan ni Alexa ang susunod nating pupuntahan."
***
Pumila na sila para makapasok sa university library kung saan matatagpuan ang Book of Kells.
"Isa sa mga atraksiyon na dinarayo sa Dublin ay ang Book of Kells," panimula ni Colm. "Ito ang isa sa oldest manuscripts ng four gospels na ginawa noong 800 A.D. Noong 1660s eh i-tinurn over ito sa Trinity para ma-preserve," pahayag ni Colm.
"Pero bago tayo makapunta sa Book of Kells ay madaraanan natin ang The Long Room kung saan makakakita tayo ng higit pitong milyong libro, magazines, at iba pa na nakalagay sa shelves. Sobrang dami ng libro roon. 'Yun nga lang, bawal galawin," pagtutuloy pa niya.
"Ayy? Library tapos ayaw magpagamit ng libro?" may panghihinayang na sabi ni Jem.
Sumabad si Carlos. "Oo, ate. Those were meant to be displayed and preserved." Binalingan niya ang mga dalaga. "Alam n'yo ba, lahat ng naiimprentang libro at magazines sa UK at Ireland e inilalagay rito? Kaya sobrang dami ng nakikita n’yo."
"Gusto kong mag-uwi kahit isandaang libro!" ani Kathryn na manghang-mangha sa nakikita.
"Sayang. Bawal, eh," ani Colm habang nakatingin sa dalaga. "Regaluhan na lang kita ng isandaang books, Alexa. May malapit na bookshop paglabas natin sa Trinity."
"Talaga?" Napangiti si Kathryn. Naglaho rin iyon nang mapagtantong sa kapatid ni Kian nagmula 'yun.
Marupok ako sa libro pero isasantabi ko muna iyon sa pagkakataong ito.
Umiling-iling ang dalaga. "Huwag na. Mahirap bitbitin pauwi sa Pilipinas." Pinukulan niya ng tingin ang mga kaibigan. "Tara, maglibot pa tayo."
***
Halos isang oras din ang inilagi nila sa loob ng university library bago nila napagpasiyahang lisanin ito.
Paalis na sana sila nang makasalubong nila si Nyssa, ang kapatid nina Kian at Colm.
Ipinakilala ng huli ang kapatid sa mga dalaga pati na rin kay Carlos.
Magiliw na nakipagkilala ang dalagita sa mga kasama ng kuya niya. Sa huli ay hinarap niya si Kathryn.
"Ate Alexa!"
"Nyssa, nagkita tayong muli." Binesohan ni Kathryn ang dalagita.
Nagtinginan sina Analisa, Mae, at Jem. Iisa ang tumatakbo sa isip nila. Pinukulan nila ng nagtatanong na tingin ang kaibigan.
"Siyanga pala, ate. I want to invite you at our house tomorrow," ani Nyssa habang tinitingnan ang mga kaharap. "Birthday ko kasi."
Tatanggi sana si Kathryn nang biglang sumingit si Jem.
"Of course, we are able to attend." Nginitian niya ang dalagita.
"Thank you," ani Nyssa sabay ngiti sa kaharap. Mayamaya ay napawi ang ngiting iyon. Tinitigan niya si Jem habang nakahawak sa baba. "Parang nakita na kita, ate."
Hindi lumipas ang limang segundo nang biglang nahaluan ng excitement ang ekspresiyon ng dalagita. Natutop niya ng mga kamay ang sariling bibig.
"Ate? Ikaw 'yung ka-partner si Mark Feehily sa music video ng Written in the Stars?"
Dahan-dahang tumango ang dalaga habang nakangiti.
Kumislap ang mga mata ni Nyssa. "Hala! Huge fan mo ako, ate. Pa-picture naman?"
"Sure." Nag-pose na ang dalawa para sa isang selfie.
Mayamaya ay tumunog na ang cellphone ng dalagita. "I have to head my way out, guys. I really love to spend more time with all of you but I still have classes. I also have to take this phone call." Iniangat nito ang kamay na may hawak na cellphone.
Sinagot ni Nyssa ang tawag habang nilalakad ang direksyon papuntang main building.
Hindi pa nakalalayo ang dalagita kaya dinig pa ng grupo ang sinabi nito sa kausap sa phone.
"Hello, Kuya Kian! Napatawag ka?" The other words became gibberish as Nyssa walks away from them.
Napatda si Kathryn sa kinatatayuan. Tila ba nabuhusan ng semento ang kaniyang mga paa.
Tumimo sa isip niya ang pangalang binanggit ng dalagita.
Kian. Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa utak niya.
"Alexa, okay ka lang?" may pag-alala sa tonong naitanong ni Colm.
Inangat ng dalaga ang tingin. Umiling-iling siya. "Medyo napagod lang ako."
Colm sighed. "I'll take you home."
Nagkasundo silang lahat na umuwi na.
***
"Kaaalis lang ni Colm," ani Jem na nakatingin sa bintana. Isinara niya iyon at matapos ay umupo siya sa tabi ni Kathryn. Sa harap naman nila ay nakatayo sina Mae at Analisa.
"Ano, bakla? Explain everything in one whole sheet of pad paper, back to back," ani Analisa.
"Wala akong energy," tanging sagot ni Kathryn.
"Ang sabihin mo lang, nag-iba 'yung mood mo no'ng marinig mo 'yung pangalan ni Kian," pambubuko sa kaniya ni Jem.
"Hay naku, mamaya n'yo na ako tanungin. Pagod talaga ako."
Nagtinginan nang makahulugan sina Jem, Analisa, at Mae bago lumabas.
Napahinga nang maluwag si Kathryn nang mapag-isa siya sa kuwarto. Tumulog siya nang may lungkot na taglay sa mukha.
***
Nasa isang sulok ng Bobo's Restaurant si Jem. Mag-isa lang siyang naroon. Sinadya niyang agahan para hindi na siya daanan ni Mark.
Gusto sana akong sunduin ni Mark pero 'di ako pumayag.
Ayokong malaman ni Kathryn na nandito na ang Westlife. Hangga't maaari ay ililihim ko muna iyon sa kaniya.
Pero I'm very excited.
Alam ko kasing magkukrus ang landas nila habang nandito sila sa Ireland.
At malakas ang kutob kong bukas na iyon.
'Yun na nga rin ang dahilan kaya pumayag ako sa imbitasyon ni Nyssa.
OMG!
Ang lakas makateleserye nito. Na-i-imagine ko na agad 'yung reaction nung dalawa 'pag nakita nila ang isa't isa. Hahaha.
Kinikilig na agad ako!
Natigil ang pagmumuni-muni ni Jem nang may magtakip ng kamay sa mga mata niya.
Isang pilyang ngiti ang kumawala sa mga labi ng dalaga. "Nicky?"
Agad inalis ng may-ari ang mga kamay mula sa mga mata ni Jem. Lumingon ang dalaga at tumambad sa kaniya si Mark na nanlalaki ang butas ng ilong.
Napahagikhik ang dalaga sa inakto ng binata.
"What's funny, love?" sabi ni Mark na naghihimutok ang tinig.
"Charot lang!" Nag-peace sign si Jem showing her puppy eyes. "Ikaw pa ba e kilalang-kilala ko ang lambot at bango ng mga kamay mo."
Pinamulahan ng pisngi si Mark dahil sa sinabi ni Jem.
He warned her. "Sa susunod na biruin mo pa ako ng ganoon, hahalikan kita sa mga labi kahit maraming tao."
Uminit ang pisngi ni Jem dahil sa narinig mula kay Mark.
"U-Umupo na nga tayo," ani Jem nang mapagtanto niyang nasa public place nga pala sila.
Iniusog ni Mark ang upuan para makaupo nang maayos ang kasama
Dalawang oras din silang nagtagal sa loob ng restaurant. Pagkatunaw ng kinain ay naglakad-lakad sila hanggang marating nila ang Ha'penny Bridge.
***
Ha'penny Bridge, River Liffey, Dublin, Ireland
Tanging tunog ng kanilang mga sapatos ang maririnig ng dalawa habang tinatahak nila ang tulay. Maya't mayang sulyap at ngitian lang ang namamagitan sila, sapat na iyon para iparating ang nadarama nila sa isa't isa.
Binasag ni Jem ang katahimikan. "Ang weird. Bakit parang kanina pa tayo walang nakakasalubong na mga tao?"
Lumingon siya sa kaliwa at kanan para maghanap ng dadaan sa bridge.
Mark stopped walking. "It's because I rented this place for us, love." Noon din ay namatay ang lahat ng ilaw sa bridge kaya napayakap si Jem kay Mark.
"Hala, brownout!"
Mark chuckled upon hearing what Jem said.
Mayamaya pa ay lumiwanag ang buong paligid. Ang ilaw na nagmumula sa poste ay napalitan ng puting fairy lights na nakakabit sa magkabilang gilid. May rose petals na pumuno sa kahabaan ng daan.
Napukaw ang pansin ni Jem ng tatlong violinists na sinimulan nang patugtugin ang hawak nilang mga instrumento.
Nanigas sa kinatatayuan ang dalaga. Hindi pa rin lubusang naa-absorb ng utak niya ang nangyayari.
Mula sa kabilang dulo ay lumapit sina Shane, Kian, Nicky, at Brian na nakasuot ng formal suits. Nakaplaster ang ngiti sa mga labi ng mga ito habang nakatingin kina Jem at Mark.
Brian and Kian stopped walking few meters away from the two while Shane and Nicky kept on stepping forward. May hawak silang formal suit para kay Mark at isang bouquet ng bulaklak.
Nang maisuot na ng binata ang formal suit ay hinarap niyang muli si Jem. Sa pagkakataong iyon ay hawak na niya ang bouquet ng bulaklak.
The lads started singing.
I Do by Westlife
🎶 Tell me can you feel my heart beat
Tell me as i kneel down at your feet
I knew there would come a time
When these two hearts would
entwined just put your hand in mine
Forever
For so long I have been an island
When no-one could ever
Reach the shores
And we've got a whole lifetime to share
And I'll always be there, darling this i swear 🎵
Dahan-dahang lumapit si Mark kay Jem upang iabot ang hawak niyang bulaklak. May panginginig na tinanggap iyon ng dalaga habang magkasalubong ang tingin nila ng binata.
🎶 So please believe me
For these words I say are true
And don't deny me
A lifetime loving you
And if you ask will I be true
Do I give my all to you
Then I will say I do 🎵
"Mark, can you explain what's going on?"
Mark flashes his most radiant smile that Jem has ever seen.
"On the day that I first saw you in Instagram, there was a vision that popped up in my head saying that you'll be a part of my life someday." Pinisil ni Mark ang kanang kamay ng dalaga.
"It sounds weird. I was in a relationship that time. Most importantly, you are a woman so I shrugged that thought off my mind.
"But, as I kept on denying your existence, doon ko sinimulang kuwestiyunin kung ano ako, kung sino ba talaga ako."
Mark paused and looked at every detail of Jem's face. "Mas lalong gumulo ang isip ko nang sa wakas ay ma-meet kita noong nag-concert kami sa Pilipinas. That's the time I finally accepted that I'm starting to like you. Pinipigilan ko lang kasi alam ko e bakla ako at para sa lalaki lang ako."
"Noong nasa Amanpulo na tayo, unti-unti mo akong binabago. Itong pusong baklang ito, ginawa mo ulit na lalaki. Tinuruan mo akong magmahal ng isang babae na hindi ko pa nagagawa noon pa man."
His smile reaches his eyes. "Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakaraan mula nang makilala kita pero itong puso ko, hindi nagbabago. Mahal pa rin kita at mas lalo kitang minamahal habang tumatagal."
Tears of joy escaped from Jem's eyes upon hearing everything that Mark said. Mas dumami iyon dahil sa sunod na ginawa ng binata.
May dinukot si Mark mula sa kaniyang bulsa – isang kahon na naglalaman ng silver ring.
He bended his one knee in front of her. He faced her with his eyes beginning to be filled with tears.
"Jem, you will make me the happiest person in the world tonight if you would say yes to be my girlfriend." Mark swallowed a lump in his throat. "Please say yes, love."
Namalisbis sa pisngi ang sunod-sunod na pagluha ni Jem. Tumingin siya sa Westlife lads na naghihintay rin ng sagot, sa mga musician, at maging sa videographer at photographer na noo'y kinukuhanan ang pangyayari.
Muling bumalik ang tingin ng dalaga sa binata. Ilang segundo niyang inaral ang mukha ni Mark at mayamaya pa ay binigyan niya ang binata ng isang matamis na ngiti.
"It's a yes, Mark."
•••
Author's Notes:
Comment and vote na lang po kayo if nagustuhan ninyo ang chapter na ito. :)
To be honest, kaya natagalan 'yung update ko e kasi nanood pa ako ng vlogs about Dublin para backed up ng facts ang mga isusulat ko. Sobrang nakakaaliw. Marami akong natutunan tungkol sa Ireland which makes me desire more to go to that country. Grabe, nakaka-amaze! :)
Abang lang kayo sa next chapter. Susundan ko rin ito agad dahil na-e-excite akong mag-type ng mga susunod na mangyayari. :)
P.S. Nilagyan ko na rin pala ng pictures para ma-imagine ninyo 'yung place na tinutukoy ko. At saka pala patugtugin n'yo 'yung "I Do" by Westlife habang nagpo-propose si Mark para mas dama ninyo 'yung proposal. Kakilig, grabe! :)
Dine-dedicate ko po pala itong chapter sa isang reader kong si cernitchezlyn. I hope you like it! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro