Chapter 44 - Just Arrived
"I-Ikaw si Colm Egan? Ang kapatid ni Kian Egan?" pabulong ngunit may diin na tanong ni Kathryn.
Nakangiti na tumango ang lalaki. "And you are?" Inilahad nito ang kaliwang kamay para magpakilala.
"Jodi." Tinanggap niya ang kamay ni Colm para makipag-handshake. Agad niyang binawi ang kamay.
Napatawa si Colm dahil sa isinagot ng kausap.
"You got to be kidding me. That's my brother's ex's name."
Itinaas ni Kathryn ang isang kilay. "Bakit? Bawal bang magkaparehas kami ng pangalan?"
Tumingin sa ceiling ng eroplano ang binata habang nakahawak sa baba. Di naman nagtagal iyon dahil muli niyang ibinalik ang tingin sa dalaga. "Hindi naman. Pero malaki ang kutob kong hindi naman talaga Jodi ang pangalan mo."
Umismid ang dalaga. "I'm Kathryn Alexandria. Just call me Alexa." Ipinakita niya ang ID card sa lalaki. Itinabi niya rin agad iyon. Iniiwasan niyang matandaan ni Colm ang una niyang pangalan.
"Ka.. What? I just remember Alexandria."
"Just call me Alexa."
Nginitian siya ng binata. "I'm pleased to meet you, Alexa."
Itinuon ni Colm ang siko sa arm rest ng upuan niya. "Please keep the card. Just call me if you need me."
"Sure." Isinuksok ng dalaga ang calling card sa bag.
***
"Flight attendants, prepare for landing please. Cabin crew, please take your seats for landing."
Matapos ang labing-apat na oras ay narating na ng eroplano ang Dublin Airport. Inihanda na ng mga pasahero ang kani-kanilang sarili bago ang pag-landing.
Nang makababa ay nagpaalam na sa isa't isa sina Colm at Kathryn. Kaaalis lang ng binata nang dumating ang tatlong kaibigan ng dalaga na napahiwalay.
Iniuntog ni Analisa ang sariling balakang sa balakang ni Kathryn. "Oy, bakla. Mukhang close na kayo ni pogi ha?"
"Sabi sa 'yo, eh, 'yung katabi mo nga sa eroplano ang magpapabago ng buhay mo," ani naman ni Jem.
"Tigilan n'yo ako, mga bakla." Minasahe ni Kathryn ang magkabila niyang sentido. "You won't believe what I found out about that guy."
Pinalibutan siya ng mga kaibigan niya. Kita sa mata ng mga ito ang interes sa sasabihin niya.
"Spill the tea!" saad ni Analisa.
"Later na lang 'pag nakarating na tayo sa unit ni Mae."
Sabay-sabay na lumaylay ang mga balikat nina Jem, Analisa, at Mae tanda ng disappointment.
***
"Colm."
Napapitlag ang binata nang may tumawag sa pangalan niya.
"Hey, kuya!" Sinalubong ni Colm ng yakap ang nakatatandang kapatid. "Na-miss kita."
Bumitiw sa pagkakayakap si Kian. "Na-miss din kita, 'tol. Kanina ka pa ba naghihintay?"
"Siguro ay fifteen minutes pa lang naman, kuya. Mabuti na lang e nandito pa ako sa airport nang sinabi mong pauwi ka rin pala. You didn't inform us."
"Hindi rin naman ako aware na pauwi ka kaya 'di na kita nasabihan. Eh, nasilip ko 'yung IG story mo na nasa plane ka rin pauwi kaya kinontak kita," paliwanag ni Kian. Inakbayan niya ang nakababatang kapatid. "Uwi na tayo. Siguradong matutuwa sina Mom and Dad kapag nakita tayong magkasama."
Pinara nila ang paparating na cab at inilagay na nila ang kanilang mga bagahe sa bunker ng sasakyan. Tinahak na nila ang daan pauwi sa kanilang bahay.
***
Hometown Condo unit
Dublin, Ireland
Nakaupo sa ibabaw ng kama si Kathryn habang nakikipag-video call sa mga anak niya.
"Mommy misses you so much, mga anak." Umakto siyang iki-kiss ang mga kausap sa cellphone.
"We miss you too, Mommy," wika ni Keanna.
"Mommy, uwi na ikaw," ani Kian John na sumingit sa camera. Nagpa-cute ito sa ina.
"Don't worry, you'll see mommy soon. I will bring many pasalubong."
"Yehey!" Pumalakpak ang kaniyang kambal na anak habang tumatalon-talon sa kama.
Ilang minuto pa silang nag-usap usap. Mayamaya ay nagpaalam siya nang maayos sa mga anak niya.
Ini-end na niya ang video call. Baka 'pag tumagal pa ang pag-uusap nila ng kaniyang mga anak ay maluha na siya nang tuluyan. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na napalayo siya sa mga ito kaya napakaemosyonal niya.
Tinungo na niya ang kama. Itinulog niya ang kalungkutan at ang jetlag na nararamdaman.
Nasa gitna siya ng isang mataong lugar. Hindi niya mawari kung saan iyon basta ang alam niya ay nasa isang concert venue siya.
Lumingon-lingon siya upang hanapin ang mga kaibigan ngunit hindi niya makita ang mga ito.
"Mae! Analisa?! Jem! Nasaan kayo?"
Pinipilit niyang hawiin ang mga tao na abala pa rin sa pagkanta kasaliw ang iniidolo. Kung sino man ang nagko-concert, wala siyang pakialam dahil ang tangi lang niyang nais ay makita ang mga kaibigan.
Sa paglalakad niya ay natanaw niya ang mga kaibigan na noo'y bitbit din ang kaniyang mga anak na sina Keanna at Kian John. Tuloy-tuloy lamang ang paglalakad ng mga ito na tila ba hindi siya naririnig.
Mas binilisan niya ang paglalakad at mas nilakasan niya ang paghawi sa mga tao mahabol lang ang mga kaibigan at mga anak ngunit kahit ano ang gawin niya ay 'di pa rin niya maabutan ang mga ito.
Naramdaman niyang sinisiksik na siya ng mga tao at nahihirapan na siyang huminga. Gusto niyang humingi ng tulong ngunit walang lumalabas na boses sa bibig niya.
Hangga't mayamaya, nagkusa nang mahawi ang tao kaya nakaramdam na siya ng luwag sa paghinga. Unti-unti niyang nababanaag ang liwanag na nagmumula pala sa stage.
Kitang-kita niya ang kaniyang kambal na anak na naroon, hawak-hawak ng isang lalaki. Unti-unti niyang tiningnan ang lalaki mula sapatos hanggang leeg at nang titingnan na niya ang mukha nito ay biglang nablangko ang lahat.
"Bakla, gumising ka!" ani ng mga kaibigan ni Kathryn. Nagtulong-tulong ang tatlo sa pagyugyog sa dalaga para magising.
Naalimpungatan ang dalaga. Napaupo siya sa kama at sinapo ang ulo. "P-Panaginip lang ang lahat?"
"Gaga. Hindi lang panaginip, bangungot kamo," sambit ni Mae. "Mabuti nga at mababaw lang ang tulog ko kaya sinubukan kitang gisingin. Kaso lang, hindi ka talaga magising kaya hiningi ko na ang tulong nina Jem at Analisa."
Ikinuwento ni Kathryn ang laman ng kaniyang panaginip.
Nagkatinginan na lang ang magkakaibigan na pare-parehas ang laman ng isip.
"Si Kian ang lalaki sa panaginip mo," sabay-sabay na sabi ng mga ito.
Bumuntong-hininga si Kathryn. "Hindi puwede." Tumayo siya para kumuha ng fresh milk sa refrigerator.
Pero puwede nga ang posibilidad na iyon..
***
Egan's Mansion
Dublin, Ireland
Hindi matatawaran ang kaligayahan ng mag-asawang sina Patricia at Kevin. Kapwa sila masaya dahil kasalo nila sa hapunan ang lahat ng kanilang mga anak na sina Fenella, Gavin, Kian, Colm, Vivienne, Marielle, Tom, at Nyssa.
"Naghanda talaga ng marami ang Mommy ninyo kasi ngayon lang ulit tayo nakumpleto," sambit ng Daddy Kevin nila na nasa kabisera ng lamesa.
"Ito kasing si Colm e puro gala kaya 'pag nagre-reunion tayo e siya lang ang kulang," may hinampo sa tinig na sabi ni Gavin.
Bumiwelta si Colm. "Sabi nga nila, YOLO or You Only Live Once kaya ine-enjoy ko lang ang buhay, kuya."
Sumabad si Tom. "Sa dinami-rami ng bansang napuntahan mo, wala ka pa rin bang ipakikilalang girlfriend?"
Nilunok muna ni Colm ang pagkain bago sumagot. "Wala pa, kuya." Akma siyang susubo ng pagkain nang may pumasok sa isip niya na nakapagpangiti sa kaniya. Inilibot niya ang tingin sa table. "Wala pa sa ngayon."
Ginulo ng Kuya Kian niya ang kaniyang buhok. "In love yata ang bunso namin, ah. Magkuwento ka naman."
Binitiwan muna ni Colm ang kubyertos na hawak sabay uminom ng kaunting tubig. "May nakatabi akong Filipina sa eroplano."
Bumagal ang pagnguya ni Kian sa pagkain. "Filipina?"
Tumango ang kaniyang kapatid. Muli nitong ipinagpatuloy ang pagkukuwento. "She's an interesting woman. Alam n'yo ba, napagkamalan pa niya akong stalker? Eh, siya nga 'yung ilang beses kong nahuhuling nakatingin sa akin. Minumukhaan yata ako."
"Siyempre, may celebrity tayong kapatid. Normal na 'yan," sabad ni Fenella.
"That's right, ate. Eh, kaso mukhang hindi niya ako nakilala. Kasi kung kilala niya ako e 'di siguro kinuwento na ako noon nang kinuwento tungkol kay kuya." Nilingon niya si Kian. "Speaking of. You know what, kuya? She was watching Westlife clips during the flight. What puzzles me is, everytime the camera focuses on you, tears stream down from her eyes."
"D-Did you get her name?" tanong ni Kian.
"Of course, kuya. Her name is Alexa. I gave her my calling card in case she needs me but I didn't get a chance to ask for hers. Hihintayin ko na lang na tumawag siya sa akin if she needs me. Nakuwento niya kanina na inihahanap niya ng bahay 'yung kaibigan niya. She's a real estate agent," mahabang salaysay ni Colm.
"Kanina lang kayo nag-meet no'ng Filipina pero parang marami ka na agad alam tungkol sa kaniya ha?" tudyo ni Patricia sa kaniya.
"Siyempre, Mom. Gano'n talaga, kapag interesado ako sa isang tao e kinikilatis ko talaga siya."
Biniro-biro siya ng kaniyang mga kapatid.
"Kuya Colm, siguraduhin mo lang na magugustuhan ko si Alexa ha?" ani Nyssa, ang labing anim na taong gulang nilang kapatid.
Hinaplos ng binata ang buhok ng kapatid. "You will definitely like her."
Muling nagpatuloy ang dalagita. "Ayokong magkaroon ng hipag na nagbibigay sa akin ng mabigat na pakiramdam. Just like Sonia." Pinukulan niya ng tingin ang Kuya Kian niya.
Kian chuckled. Matagal na siyang aware kung gaano kasalungat ang kapatid niya sa nobya. Sanay na siya. "Darating din 'yung panahong makakapalagayang-loob mo rin si Sonia."
Nyssa responded with a deep sigh followed by shaking her head from left to right.
***
Isang oras matapos ang hapunan ay humiga na agad si Kian. Muli niyang naalala ang pinag-usapan nilang magkakapamilya kanina, lalo na ang sa pagitan nila ni Colm.
Hindi ko maikakailang kinabahan ako kanina.
Akala ko, si Kathy 'yung na-meet ni Colm.
Pag may nababanggit kasing Filipina na Westlife fan, siya agad ang naiisip ko.
Imposible. Alexa ang pangalan ng na-meet ni Colm at isang real estate agent. Banker si Kathy.
Ipinilig ni Kian ang ulo upang mawaksi agad ang iniisip na iyon. He's already in a relationship. He convinced himself that he should not be thinking about other woman aside from Sonia.
Ngunit anuman ang pangungimbinsi niya sa sarili, pinipilit muling buksan ng puso niya ang isang kabanata ng buhay niya na noon pa naisara.
***
Hometown Unit
Dublin, Ireland
"Ano?!" Pare-parehas ang naging tugon nina Analisa, Mae, at Jem nang marinig ang nakagigimbal na kuwento ni Kathryn.
"You heard it right, mga bakla. Si Colm nga 'yung katabi ko sa eroplano."
Natutop ni Jem ang bibig gamit ang mga kamay. "Kaya pala sobrang pamilyar ng mukha niya."
"I agree," ani Mae na nagba-browse sa laptop. "Siya nga ito."
Nagkumpulan ang magkakaibigan sa likod ng dalaga. Tiningnan nila ang image results ng s-in-earch ni Mae.
"Ow em ji. Nagpaparamdam na ang mga Egan sa 'yo, bakla!" pakli ni Analisa.
Umiling-iling si Kathryn. "I will not get myself involved again in the life of any Egan nor any Irish people."
"You will always be," saad ni Mae. "Gaano mo man iiwas ang sarili mo sa kanila e hindi mo magagawa. Half-Irish sina Kian John at Keanna. Most importantly, they are descendants of Egan family."
Nakuha ni Kathryn ang punto ni Mae. Tama ang kaibigan. She will always be involved with Irish people at sa pamilya ng Egan dahil iyon ang dugong nananalaytay sa dugo at kalamnan ng kaniyang kambal na anak.
Umahon sa pagkakaupo si Kathryn. Tiningnan niya ang mga kaibigang naka-indian seat sa kama. "Mabuti pang kumilos na tayo. Sisimulan ko na ngayon ang paghahanap ng bahay nito ni bakla." Itinuro ng dalaga si Mae gamit ang nakausling bibig.
Tumayo na rin si Jem. "May lakad din pala ako mamaya."
Pinamaywangan siya ni Kathryn. "At saan ka naman pupunta, bakla? Hindi mo naman alam ang pasikot-sikot dito."
"Maghahanap ako ng poging Irish."
"Isusumbong kita kay Mark!" sigaw ni Analisa.
"Samahan pa kita." Pumasok na si Jem sa banyo para maligo.
***
Nakaligo at nakapag-ayos na ng sarili ang mga dalaga. Bago humiwalay si Kathryn sa mga kaibigan ay nagbilin siya sa mga ito.
"Whatever happens or whoever you encounter, tandaan ninyo, nasa Pilipinas ako ha? Wala ako sa Ireland."
"Okay, gets namin," sabi ni Jem.
Pumara na ng cab si Kathryn. May pupuntahan siyang isang restaurant kung saan may kakausapin siya.
***
Dax Restaurant
Dublin, Ireland
Napatayo si Kathryn sa kinauupuan nang pumasok ang dalawang pigura sa pinto ng restaurant. Sinalubong niya ng beso ang mga ito. "Glad to meet you again."
Sina Riza at Jenelyn ang mga bagong dating. Mga kasamahan niya ito sa Kian Egan fan group. Sa Dublin na nakatira ang dalawa kung saan sila nagtatrabaho bilang room attendant sa isang hotel.
Umupo na sila sa upuan upang ituloy ang pag-uusap.
"Kumusta na kayong dalawa?"
Si Riza ang nagsalita. "Heto, magdadalawang taon na kami rito pero hindi pa namin nakakasalubong ang Westlife. Pero okay lang, marami-rami rin kaming nakikitang guwapong Irish so doon muna namin nililibang ang sarili namin."
"Nasa USA kasi 'yung lads kaya hindi n'yo talaga sila makikita," sagot ni Kathryn. "Bumawi na lang kayo kapag nakabalik na ulit sila sa Ireland. Hindi malabong makita ninyo sila. Maliit lang naman ang Dublin."
Tumango-tango ang dalawa.
"Anyways, let's talk about the text message I sent to you earlier." Inayos ni Kathryn ang pag-upo.
"Marami kaming alam na house for sale dito. I've seen some just a week ago," ani Jenelyn. "Puwede nating puntahan ngayon din. Day off naman namin."
Nagningning ang mga mata ni Kathryn dahil sa sinuhestiyon ni Jenelyn. Wala na silang sinayang na oras. Pinuntahan na nila ang kotse ni Riza na nasa parking lot.
***
Kabababa lang ng Westlife lads mula sa sasakyan ni Shane. Napagkasunduan nilang kumain sa paborito nilang restaurant, ang Dax Restaurant.
Nagtatawanan sila habang naglalakad nang mahagip ng tingin ni Kian ang kotseng kaaalis lamang. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa likod na upuan.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Sinabayan niya iyon ng pagkusot ng mga mata. Pagtingin niyang muli ay ibang babae naman pala ang nasa passenger seat ng sasakyan.
I thought it's her.
"Bigla kang tumahimik, bro." Umakbay si Brian sa kaibigan niyang si Kian.
Umiling ang binata. "May naisip lang."
"Wag mo nang isipin 'yun. Mahal ka no'n!" ani Mark at nagtawanan sila.
Tipid na ngiti ang isinukli ni Kian sa kaibigan.
Pumasok na sila sa loob ng restaurant. In-order nila halos lahat ng pagkain na nasa menu. Na-miss kasi nilang kumain dito.
***
five minutes ago
"In just fifteen minutes e makakarating na tayo sa unang bahay," ani Riza na siyang driver ng sasakyan. Pinaandar na niya ang kotse paalis ng parking lot ng Dax Restaurant.
"Oops! Nalaglag 'yung phone ko." Yumukod si Kathryn para kuhanin ang nalaglag na cellphone sa ilalim ng upuan.
"There you go!" nakangiting sabi niya pagkakuha sa cellphone at muli siyang umayos ng upo.
•••
Author's notes:
Hanggang dito na lang muna 'yung update ah? Hehe.
Ano ang sa tingin n'yo? Magkita nga kaya sina Kian at Kathryn sa Ireland o hindi?
Shems, mukhang magiging love interest pa yata ni Colm si Kathryn. Naku Colm, nanay 'yan ng mga pamangkin mo. 'Wag mo nang balaking ligawan. 😂 Hmm, ano kaya'ng mangyayari if ever malaman ni Kian na ang Alexa pala na tinutukoy ni Colm at si Kathryn ay iisa? Naku, mukhang rambulan ito. Ahahaha.
Kaway-kaway sa silent and active readers ko! :) Vote n'yo na lang 'yung chapter kung nagustuhan ninyo ah. Nasa sa inyo naman 'yun. :)
By the way, antabay lang kayo ha kasi may gagawin akong Westlife one-shot stories. Per chapter e iba-iba ang bida, iba-ibang kuwento. Comment lang kayo kung gusto ninyong ma-feature at kung sinong Westlife lad ang bias mo para siya 'yung i-partner ko sa iyo. :) Will publish that soon. Magpo-focus muna ako rito sa I'll Be (The Greatest Fan of Your Life). Hahaha.
'Til next chapter ulit! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro