Chapter 43 - The Flight
L.A., Nevada/Philippines
"Love, pauwi na kami sa Ireland ngayong linggo," ani Mark. "Makikita ko na ulit sina mommy." Nakaharap siya sa laptop habang nakikipag-video call kay Jem na nasa Pilipinas.
"R-Really? Pauwi kayo?" Lihim na napangiti ang dalaga. Masaya siyang malaman na uuwi ang binata. Ibig sabihin noon ay maaari silang magkita sa Ireland.
Maganang tumango-tango ang binata. Napatigil siya nang mapansin ang unat na unat na paglawig ng mga labi ni Jem. "What's behind that big smile, huh?"
Natauhan ang dalaga. Binawasan niya ang pagngiti.
Hindi muna puwedeng malaman ni Mark na pupunta ako sa Ireland.
"Wala..." Jem shook her head. "Masaya lang ako kasi makapagpapahinga na rin kayo sa wakas. Sunod-sunod ang projects n'yo riyan, eh."
Lumapit si Mark sa camera. "That's fine. Walang sinabi ang pagod kung nakakausap naman kita kahit saglit lang. Just seeing you makes my weariness disappear." Napahawak siya sa batok sa hiya.
Jem tried to hold back her smile. Nag-uumapaw ang kilig niya dahil sa sinabi ng binata. "Lumalabas na naman ang pagiging romantiko mo, Mark. Tama na nga, baka mapa-oo ako sa 'yo nang wala sa oras, eh."
"D-Don't!" Napaayos ng upo ang binata. "I mean, what I'm trying to say is don't answer me yet, please?" He showed his puppy eyes. "Gusto ko kasi na kapag dumating ang oras na 'yun e nakikita kita at nahahawakan. I want that moment to be special."
Lalong nagdiwang ang puso ng dalaga.
Tatlong taon na akong sinusuyo ni Mark.
Siguro panahon na para ibigay ko sa kaniya ang matamis kong oo.
Tama. Hanggang ngayon e nanliligaw pa rin siya sa akin.
Gusto ko na nga sanang umoo noon pa para opisyal nang maging kami.
Pero ayaw pa niya.
Ang weird nga, eh.
Siya 'yung nanliligaw pero ayaw pa niyang sagutin ko siya. Haha.
Hindi ko akalaing darating sa puntong liligawan niya ako.
Dati, halos 'di ko siya maabot. Pero ito ngayon, abot na abot ko na siya.
Sa tingin ko, ito na ang tamang panahon.
I'm going to surprise him once we landed in Ireland.
Hahanap lang ako ng tiyempo and that's it.
I'll give him my sweetest 'yes'.
Naputol ang daloy ng iniisip ni Jem nang magsalita si Mark.
"Love? Maybe it'll be better to get a connecting flight through the Philippines before I go to Ireland." Excitement can be seen in his eyes.
Jem crumpled the hem of her dress and bit her lower lip. "W-Wag na. Dumiretso ka na lang sa Ireland. Hehe."
Kumunot ang noo ni Mark. "W-Why?"
"Baka hindi rin tayo magtagpo. May plano kasi kaming puntahan ng BFFs ko." She pouted. "What if we just meet after a week or two?"
Lumawig ang ngiti ni Mark dahil sa suhestiyon ni Jem. Agad siyang pumayag.
If ever I have the ability to make the clock tick faster, I'll do that. I really miss, Jem.
***
Stanley's Unit
New York, New York
Magkatabing nakahiga sa kama sina Kian at Sonia. Katatapos lang nilang pagsaluhan ang isa na namang mainit na sandali.
Mayamaya pa ay bumangon na ang binata upang uminom ng tubig. Sinundan siya ng nobya na yumakap mula sa likod niya.
"I will miss you."
Kian gently removed Sonia's hands on his abdomen. He faced her. "Sumama ka na, hon."
Nginitian ni Sonia ang binata at pinisil niya ang ilong nito. "We already talked about this, right?"
Napabuntong-hininga na lamang ang binata. It's as if he's already giving up convincing his girlfriend.
Gustuhin man ng babae na sumama e hindi naman niya puwedeng maiwan ang trabaho. May kontrata siya sa modeling agency. She can't take a long vacation kung kailan niya gusto.
"Don't be worried. Susunod ako kapag nakahanap ako ng pagkakataon." Sonia crossed her arms and smirked. "I'm concerned of the possibility that you'll cross paths with Jodi in Ireland."
Pagak na napatawa si Kian. "Oh, napasok na naman si Jodi. Matagal na kaming wala. "
"Ex is ex." Sonia rolled her eyes. "Tayo nga, nagkabalikan. Kayo pa kaya?"
Natatawang-napapailing si Kian. Kinuha niya ang tuwalya at pumasok na sa banyo.
Sumambakol ang mukha ni Sonia. "Ano ba 'yan, hon? Di ka talaga marunong manuyo kahit kailan!" may hinampo sa tinig ng dalaga. Pinagpag niya ang higaan at padabog na umupo sa ibabaw.
Mahigit isang taon na kami ni Kian.
Sa tuwing nagtatampo ako, hindi man lang niya ako sinusuyo.
Hindi ko alam kung bakit.
Di naman siya ganoon no'ng naging kami ilang taon na ang nakaraan.
Kahit ako ang may kasalanan, siya pa rin ang sumusuyo sa akin.
But now, he really changed a lot.
Parang wala na siyang ka-sweet-an sa katawan. Nagiging sweet lang 'pag may nangyayari sa amin.
Pero okay lang sa akin.
Ang mahalaga, akin na siya ulit.
At hindi ako makapapayag na makuha siyang muli ni Jodi.
Takot din ako.
Na sa oras na bumalik siya sa Ireland e mangyari 'yun.
Natatakot ako.
Na kung gaano kabilis ko siyang nakuha.
Ay gano'n din siya kabilis mawala.
Hindi ako papayag.
Gagawin ko ang lahat para makiusap sa management.
Sana pumayag sila.
Kailangan kong bakuran si Kian.
***
Cubao, QC
Philippines
Kapapatulog lang ni Kathryn sa kambal. Pagkatapos niyang iayos ang puwesto ng mga ito ay binigyan niya ng halik sa noo ang mga anak. Akto na sana siyang tatayo nang makita niya ang kaniyang ina na nakatayo sa may pinto.
"Mama."
"Tara sa kusina, anak. Magkape muna tayo." Tango lamang ang itinugon ni Kathryn. Mayamaya pa ay parehas na silang nasa dining table habang pinagsasaluhan ang mainit na kape.
"Kailan nga ulit ang alis n'yo?"
"Sa isang araw na po, 'Ma."
Humigop muna ng kape ang kaniyang ina. "Paano kung magkita kayo ng ama ng mga bata? Handa mo bang ipaalam sa kaniya ang tungkol sa mga anak ninyo?"
Hinalo-halo muna ni Kathryn ang iniinom niyang kape bago sumagot.
"Hindi ko po alam, Mama. Hangga't maaari, kung puwede kong ikubli ang katotohanang iyon, gagawin ko."
"Lumalaki na sina Kian John at Keanna." Tumayo ang kaniyang ina para kumuha ng loaf bread. Kumuha rin ito ng mayonnaise para ipalaman. Gumawa siya ng isa para kay Kathryn at isa para sa sarili niya.
"Hindi mo puwedeng itago habambuhay ang tungkol sa kanila, anak. Malalaman at malalaman pa rin 'yan ni Kian."
Hindi nakasagot si Kathryn.
"Payong ina lang ito, anak." Nilagok muna ni Aling Adel ang laman ng tasa bago itinuloy ang sasabihin.
"Wala namang masama kung uunahin mo na 'yung bagay na makapagpapaligaya sa 'yo."
Napatingin si Kathryn sa kaniyang ina.
"Alam mo ba, tumagal kami ng tatlong taon ng papa mo bilang magkasintahan? Sobrang saya namin noon, 'yung tipong bawat araw ay punong-puno kami ng pag-ibig sa isa't isa. 'Yung halos 'di kami mapaghiwalay sa tuwing magkikita kami. We are deeply in love to each other." Tumigil saglit si Aling Adel sa pagkukuwento dahil tila kinikilig ito sa pagbabalik-tanaw sa kanilang nakaraan.
"Nalaman kong bata pa lamang ang papa mo ay naipagkasundo na siya ng lolo at lola niya na ipakasal sa magiging apo ng kumpare nila. Noon, napakaimportanteng tumupad sa kasunduan dahil parang ipinagbili mo ang dignidad ng buong angkan mo kung 'di ka tutupad doon.
Hanggang dumating na 'yung araw, na dapat nang tumupad sa kasunduan ng papa mo. At dahil alam ko kung gaano kahalaga ang pagtupad sa kasunduan, nagkusa na akong magpaubaya."
Sa puntong iyon ay napakunot ang noo ni Kathryn at matamang nakinig sa mga susunod na kuwento ng kaniyang ina.
"Nagpakalayo-layo ako. Nakiusap ako sa mga magulang ko kung puwedeng pumunta ako sa Maynila para maghilom. Hindi pa ako masyadong updated noon kasi hindi pa naman uso ang cellphone. Tanging sulat o telegrama lang ang tanging paraan ng komunikasyon noon."
"Wala akong balita sa papa mo kaya ini-assume ko nang kasal na siya sa panahong iyon. Masakit man pero unti-unti kong tinanggap na hindi kami para sa isa't isa."
"Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng liham mula sa mga magulang ko, na lolo at lola mo. Doon ko nalamang hindi pa pala ikinakasal ang papa mo. Ang kasal daw ay sa isang araw na."
"Nalaman kong gabi-gabi palang pumupunta si Zander sa tapat ng bahay para hintayin ang paglabas ko. Gabi-gabi ring nakikita nina Inay at Itay ang pag-iyak niya sa labas habang tinitiis ang lamig na hatid ng gabi.
"Para bang ako ay hinipan ng hangin kaya gumayak agad ako pauwi para ipaglaban ko ang papa mo.
Ilang oras ang ibinyahe ko at nang makarating ako noon ay magtatanghali na. Napaiyak ako dahil akala ko huli na ako ngunit nasa simbahan pa raw ang mga ikinakasal.
Wala akong sinayang na saglit. Saktong kadarating lang ng bride sa altar ay sumigaw ako.
'Itigil ang kasal! Buntis ako sa panganay namin ni Zander!'
Pero siyempre hindi naman talaga ako buntis noon ha? Umeksena lang ako para maitigil ang kasal.
Nagbulong-bulongan ang mga tao sa paligid at nakita kong umiyak 'yung bride sa altar.
Tumakbo ang papa mo papunta sa akin at dali-dali kaming tumakbo palabas ng simbahan.
Nagtanan kami.
At heto na nga. Kami pa rin at andiyan na kayong mga anak namin dahil ipinaglaban ko 'yung pag-ibig namin," nakangiting paglalahad ni Aling Adel.
Hindi maiwasang ipakita ni Kathryn ang kilig sa mahabang salaysay ng kaniyang ina.
"Wow. May ganyan po pala kayong pinagdaanan ni papa ha?"
"Ganyan ako napikot ng mama mo," ani ng papa ni Kathryn na sumulpot sa likod ng kaniyang ina. Binigyan nito ng back hug si Aling Adel.
Lalong napatili si Kathryn sa nasasaksihan. Magsisingkuwenta anyos na ang mga ito ngunit ang pag-ibig sa isa't isa ay wala pa ring pagbabago.
"Babalik na po ako sa kuwarto, Mama, Papa." Tumuloy na si Kathryn sa kuwarto nilang mag-iina.
Humiga siya sa pagitan nina Kian John at Keanna. Nang makaayos ng higa ay dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ng kambal.
Maiintindihan n'yo rin si mommy balang araw.
***
NAIA Terminal 3
Pasay City
Napaaga masyado ng dating si Kathryn sa airport kung kaya tumambay na lamang siya sa isa sa mga bench doon.
Two o'clock in the morning palang. Three forty five ang flight.
Ang agap ko nga masyado. Nakakainip.
Napahalukipkip na lang ng mga kamay ang dalaga dahil sa lamig na nararamdaman. Nakatingin lang siya sa kawalan habang iniisip ang maaaring kahinatnan nila sa Ireland.
Hahanapan ko agad ng bahay si Mae para mabilis akong makauwi sa Pinas.
We may not know, baka umuwi rin pala ang Westlife sa Ireland. Ayokong magkrus ang landas namin ni Kian.
Sana naman ay hindi.
Nakaramdam siya ng konting kirot sa puso.
Ipinilig niya ang ulo para kumbinsihin ang sarili niya. Na hindi na siya dapat makaramdam ng sakit.
Nakatitig pa rin siya sa malayo nang mapansin niyang may isang lalaking kanina pa pala nakatingin sa kaniya.
Foreigner. Sa tantiya niya'y Irish o British ang lahi. Matangkad, itim na itim ang buhok, at guwapo.
Parang nakita ko na siya dati? Hindi ko lang matandaan kung saan.
Hindi niya napansin na nakatitig na pala siya sa lalaki. Natauhan na lang siya nang bigla siyang ngitian ng estranghero. Kaagad niyang iniwas ang tingin at itinuon na lang ang atensiyon sa ibang direksiyon.
Sa gilid ng mga mata'y napapansin niyang nakatingin pa rin ang lalaki sa kaniya. Dahil sa kuryosidad ay nilingon niyang muli ito. Hindi nga siya nagkamali dahil nakatingin nga ito sa kaniya. Nginitian siyang muli ng lalaki.
Sa pagkakataong iyon ay sinungitan na ni Kathryn ang estranghero.
Mayamaya, naramdaman niyang tumayo ang lalaki. Papalapit ito sa kaniya!
Napahinga siya nang maluwag nang lagpasan siya nito. Papunta pala ang lalaki sa coffee vending machine malapit sa kaniya.
Salamat, Lord. Akala ko kung ano na.
Tiningnan niya ang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya habang naghuhulog ng barya sa machine.
He really resembles someone. Hindi ko lang mawari kung sino pero iba talaga ang pakiramdam ko, eh.
Binawi ni Kathryn ang tingin nang ipinihit na ng lalaki ang katawan pabalik sa kanina nitong inuupuan.
Nagkunwaring abala ang dalaga sa pagtingin sa karimlan. Napansin niyang tumigil ang lalaki at humarang sa tinitingnan niya.
"H-Hey," ani Kathryn. Halatang ikinukubli lang niya ang kaba. Nakatingin kasi sa kaniya ang lalaki habang nakangiti. "A-Are you stalking me?" dugtong pa niya.
The stranger gasped while maintaining his smile. "I don't." Yumukod ang lalaki sa harap niya, bagay na ikinagulat ng dalaga. "You dropped your wallet that's why I stopped."
Kinuha agad ni Kathryn ang pitaka. Kinipkip niya iyon sa may dibdib.
Nagpalitan ng tingin ang dalawa.
"I know we just met. I am-"
"Mga bakla!" Hindi natuloy ang sasabihin ng binata nang malipat ang tingin ni Kathryn sa ibang direksiyon. Walang pasabing umalis ang dalaga sa harap ng lalaki.
Kararating lang ng mga kaibigan ng dalaga. Nilingon niya sandali ang lalaki at binigyan ito ng irap. Sinuklian siya ng lalaki ng ngiti na para bang natatawa.
"Let's get out of here," bulong ni Kathryn sa mga kaibigan.
"Sino 'yun, bakla? Shuta, ang pogi!" bulalas ni Analisa na halos mabalian ng leeg sa paglingon sa estranghero.
Lumingon din naman si Mae. "Parang nakita ko na siya dati, hindi ko lang matandaan kung saan."
Bumuntong-hininga si Kathryn. "Kanina ko pa 'yan naiisip. Mukha na nga akong ewan katititig sa kaniya. Minumukhaan ko kasi. Para kasing ano..." Napasapo ng isang kamay si Kathryn sa ulo. "Ah, ewan. Ayoko na munang isipin."
"Mamaya na 'yan. Kumain muna tayo sa Mcdo. Kanina pa talaga nagwawala itong tiyan ko," reklamo ni Jem.
Dumiretso na ang apat sa tinutukoy na fastfood restaurant ng huli.
***
Labinlimang minuto bago ang itinakdang flight ay sumakay na sila sa eroplano. Ayon sa seat nila ay magkakatabi sina Analisa, Mae, at Jem. Si Kathryn lang ang napahiwalay.
"Ano ba 'yan. Ako lang talaga ang nakabukod. Parang 'di kayo mga kaibigan, ah," kunwa'y biro ng dalaga.
"Hayaan mo na, bakla. Magpapa-miss naman kami sa 'yo kahit konti. At saka malay mo ba? 'Yang makatabi mo pala ang magpapabago ng buhay mo," saad ni Mae.
"Dami mong alam." Umiling-iling si Kathryn. "Sige na, alis na." Itinulak-tulak ng dalaga ang mga kaibigan patungo sa designated seat ng mga ito.
Halos puno na ang eroplano. Isa na lang ang bakante at 'yun ang katabing upuan ni Kathryn.
Napahawak nang mahigpit ang dalaga sa cushion ng upuan nang makita ang isang pasaherong humahangos palapit sa kaniya.
'Yung lalaki sa waiting area kanina!
"Hi, miss!" nakangiting bati ng lalaki na naglalagay ng baggage sa overhead bin. Pagkatapos noon ay prente siyang umupo sa tabi ni Kathryn.
Umirap sabay pinagkrus ng dalaga ang mga kamay.
"Stalker." Mahina man pero sinadyang iparinig iyon ng dalaga sa katabi.
"Me? A stalker?" The stranger chuckled while pointing his forefinger on his chest. "I'm not, miss."
Dumilim ang anyo ni Kathryn. Sinamaan niya ng tingin ang binata.
Mayamaya ay lumapit ang isang flight attendant sa kanila.
"Is there something I can help you, sir and ma'am?"
Inilipat ni Kathryn ang tingin sa dumating. Mas maaliwalas na ang mukha niya. "Miss, may iba pa bang seat kahit sa economy class? Gusto ko sanang lumipat."
"I'm sorry but this flight is fully-booked, ma'am."
Umarko pababa ang mga labi ng dalaga. "Okay, thank you."
Napasandal na lamang sa upuan si Kathryn. Sinulyapan niya ang mga kaibigan niya sa isang dako. Nakatingin ang mga ito sa kaniya habang pinagkakaisahan siyang pagtawanan. Pinanlakihan na lamang sila ni Kathryn ng mga mata kaya mas lalo tuloy silang natawa.
Minabuti ng dalaga na makinig na lang ng kanta sa Spotify para libangin ang sarili.
Mayamaya pa ay naglalakbay na ang eroplano sa himpapawid.
Napahinga siya nang maluwag nang makitang natutulog na ang katabi.
Hindi siya makaidlip. Nang magsawa sa pakikinig sa Spotify ay namili na lang siya ng panonoorin sa small LED screen na nasa harap niya.
Ilang minuto na siyang nagba-browse ng videos pero wala pa rin siyang napipili. Mayamaya ay nakita niya ang isang clip na pinamagatang Westlife Comeback tour: Five Again. Kuha ito noong nag-perform ang Westlife sa Wembley Stadium tatlong taon na ang nakaraan.
Hindi nga pala niya napanood ito dahil sa pagbubuntis niya. Pinag-isipan muna niya kung panonoorin niya ito. Sa huli ay pinindot niya ang play button.
Kumakabog ang puso niya habang pinanonood ang simula. Mas lumakas iyon nang ipakita sa clip si Kian.
Banaag sa aura ng binata ang lungkot habang kinakanta ang 'I Don't Wanna Fight'.
I don't wanna fight no more
I forgot what we were fighting for
& this loneliness that's in my heart
Wont let me be apart from you
I don't want to have to try
Girl to live without you in my life
So I'm hoping we can start tonight
Cause I don't wanna fight
No more
Hindi namalayan ni Kathryn na may rumaragasa na palang luha mula sa kaniyang mga mata.
Bumalik na naman ang guilt. Guilt na namuo dahil hindi niya ipinaglaban ang pag-ibig niya sa binata.
She recalled what her mother shared the other night. On how she fought for love.
Duwag ba ako dahil hindi ko siya ipinaglaban?
O matapang ako kasi nagawa ko siyang ipaubaya sa taong nagmamay-ari sa kaniya that time?
Tahimik na humagulgol si Kathryn sa upuan. Mabuti na lamang at nasa tabi siya ng bintana kaya hindi siya mahahalata ng mga pasahero.
Maliban sa isa.
"Tissue?"
Itinaas ni Kathryn ang mukha. Nakita niya ang estrangherong lalaking kinaiinisan niya kanina. Hindi na siya nagdalawang-isip at kinuha niya ang tissue na iniaalok nito.
"I'm just here if you need someone to talk to." Nakangiti ang lalaki sa kaniya.
Tingin lang ang isinukli ni Kathryn sa binata. Muli niyang itinuloy ang panonood ng Westlife concert. Kinakanta na ng lads ang Don't Say It's Too Late.
And I would risk it all for you
to prove my love is true
I'll build a wall around my heart
that would only break a part for you
Can change the way I feel
so tell me what's the deal
Don't say
Don't say it's too late
Muli siyang napahagulgol nang ilang segundong itinapat ang camera kay Kian.
Nananadya ba talaga ang tadhana?
Is it a sign na ipaglaban ko siya?
Is it still not too late?
But I guess it is too late..
Dahil may girlfriend na siya.
Ayokong maulit na naman ang nangyari noon.
Na mamahalin ko ulit siya.
At pagdating ng oras, isasauli ko na naman siya sa taong nagmamay-ari sa kaniya.
I think I need to get rid of the thought of starting everything over again with him.
I need to accept that we need to go on with our own lives now.
"Dahil ba sa kanta kaya ka umiiyak? O iniiyakan mo mismo 'yung Westlife?"
Napalingon si Kathryn sa nagsalita. Walang iba kundi ang estrangherong katabi niya. Nakaunat ang leeg nito habang nakasulyap sa monitor na nasa harap ng dalaga.
Kathryn tried her best to cover the screen but it's too late. "It does not concern you. Leave me alone." Sinubukang hinaan ng dalaga ang boses para hindi makabulabog sa iba.
"I guess it's already my concern." Inayos ng lalaki ang pag-upo. Ngayo'y nakatuon na ang kaliwang siko nito sa arm rest ng upuan ni Kathryn. "Kanina ko pa naririnig ang pag-iyak mo."
Nahihiyang iniwas ng dalaga ang tingin. "I'm sorry. I'll try to compose myself."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Itinuon muli ng dalaga ang pansin sa pinanonood.
Tumutok na naman ang camera kay Kian. Muling natakpan ng luha ang dalawa niyang mga mata.
"Now I'm convinced."
Napalingon si Kathryn sa lalaki. Nagkatitigan sila.
"Of what?" tanong ng dalaga habang sumisinghot sa tissue na itinakip niya sa ilong.
"Na hindi naman talaga ang kanta ang dahilan kaya ka umiiyak." Tumingin ang binata sa monitor. "Umiiyak ka dahil kay Kian."
Yumukod si Kathryn dahil sa hiya. "Pasensya na. Nabulabog pa kita."
"Wala 'yun."
Muling ibinaling ng dalaga ang pansin sa pinanonood.
Patuloy lang ang lalaki sa pag-obserba. "Gusto mo bang dalhin kita kay Kian? I know where he lives."
Hindi mapakali ang isang parte ng puso ng dalaga pero hindi niya iyon ipinahalata.
"No need."
"I thought kapag nagkita kayo e at least makababawas 'yun sa lungkot mo."
"Huwag mo akong intindihin. OA lang talaga ako kaya umiiyak ako."
"Kilalang-kilala ko si Kian."
Kathryn released a soft, cynical laugh. "Malamang. Sino ba sa Ireland ang hindi nakakakilala sa Westlife?" She rolled her eyes.
"Ayaw mo ba talagang dalhin kita sa kaniya?"
Kathryn answered with a smirk.
"It's up to you, miss." Inayos ng binata ang winter coat na suot at isinuot sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay. He leaned back to his seat comfortably.
"Hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't isa." May dinukot ang binata sa kanang bulsa kung saan naroon ang isa nitong kamay. "Here's my card. Call me in case you need me."
Tiningnan ni Kathryn ang nakasulat sa business card na iniabot sa kaniya ng lalaki.
Wari ba niya ay tumigil ang sirkulasyon ng dugo sa mukha niya dahil sa nakita niyang nakasulat sa card.
Colm Egan
Dublin, Ireland
+353 83 333 3 333
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro