Chapter 42 - Fast Forward
After 3 years
🎶 We've got a little world of our own
I'll tell you things that no one else knows
I'll let you in where no one else goes (world of our own)
And all of the things I've been looking for
Have always been here outside my door
And all of the time I'm looking for something new
What am I doing without you? 🎵
"Thank you so much, Michigan! See you again!" Kumaway si Shane sa libo-libong fans bago nila nilisan ang entablado.
Katatapos lang nilang mag-perform sa Michigan Stadium sa harap ng maraming fans.
Nahirapan ang Westlife na mapasok ang US music industry noong nagsisimula pa lang ang banda nila. Mas nakapokus kasi ang bansa na pasikatin ang mga banda at musikerong Amerikano.
Ngunit nag-iba na ang ihip ng hangin ngayon. Mismong America pa nga ang nag-approach sa Westlife upang alukin sila ng kontrata.
Nagsimula silang sumikat nang maging guest sila sa Carpool Karaoke segment ng show ni James Corden. Nagkaroon sila ng malaking fanbase sa USA mula noon. Nakadagdag na dahilan ang kanilang itsura kaya dumami agad ang kanilang fans.
Dalawang taon na rin silang pumupunta't bumabalik sa Europa at USA dahil sa kabi-kabilang shows. Sa kabila noon ay 'di nila iniinda ang pagod dahil iyon ang isa sa pangarap nila para sa kanilang banda.
"Medyo napagod ako nang kaunti, ah. Tara, shot?" yakag ni Brian sa kapwa lads nang marating nila ang van.
"G agad! Alak na alak na ako." Nanguna na si Shane na pumasok sa sasakyan.
Nakapasok na ang apat. Si Kian na lang ang naiwan sa labas.
"Umuna na kayo, mga bro. Magkikita muna kami ng girlfriend ko."
"Ge." Iniangat ni Nicky ang dalawang kilay bilang pagpayag. "Sumunod ka, bro, ha?"
Lumapit nang kaunti si Kian sa tabi ng bintana kung nasaan si Nicky. "Oo ba. Kakain lang kami."
Hinintay niyang makaalis ang van bago siya tumawag ng cab. Wala pang limang minuto ay nakakuha na siya ng sasakyan.
"On the way na ako, hon. I love you." Pangiti-ngiti si Kian habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
***
Centre Street Cafè
Michigan, USA
Narating ni Kian ang destinasyon matapos ang labinlimang minutong biyahe. Pagkababa niya sa cab ay sinalubong agad siya ng isang staff.
"Good afternoon, sir. Welcome to Centre!"
"Reserved seat for two, table 15?" tanong ng binata.
"This way, sir." Itinuro ng staff ang kaliwang bahagi ng restaurant.
***
Inilibot ni Kian ang paningin para hanapin ang nobya. Lumawig ang ngiti niya nang makita ang dalaga.
Wala siyang sinayang na sandali. Nag-unahan ang mga paa niya sa paghakbang malapitan lang ang sadya.
Isang nasa 30-anyos na babae ang sumalubong sa kaniya. May taglay itong blondeng buhok at hazel green na mga mata. Ang taas ng dalaga ay hanggang tainga ni Kian. Alaga sa gym ang balingkinitan nitong katawan.
Meet Sonia. Ang first love ni Kian.
Isang halik sa mga labi ang iginawad ni Kian sa nobya.
"Happy anniversary, hon."
"Happy anniversary too, hon," ganting bati ni Sonia.
***
Rodriguez Residence
Sunflower Subdivision
Project 4, Quezon City
"Akin 'yan!"
"Akin!"
"Akin! Mommy, oh."
"Share kayo sa toys, mga anak. Huwag kayong mag-away," saway ni Kathryn kina Kian John at Keanna, ang tatlong taong gulang niyang kambal na anak.
"Mommy, niaagaw po ni Kian John 'yung raruan ko," pagsusumbong ni Keanna na noo'y pinangingilidan na ng luha sa mga mata.
Kinuha ni Kathryn sa ibabaw ng aparador ang kaparehas na laruang hawak ni Kian John.
Iniabot niya ang naturang laruan sa anak na babae. "Parehas na kayong meron ha? 'Wag na kayong mag-away. Laro na ulit kayo do'n."
"Opo," masayang tugon ng kambal. Naglarong muli ang mga ito sa sala ng bahay.
Napangiti si Kathryn dahil madali niyang napasunod ang kaniyang mga anak.
Sina Kian John France at Keanna Joann Franchs ang kambal nina Kathryn at Kian. Tatlong taon na ang nakaraan mula nang ipinanganak ni Kathryn ang dalawa, at ngayon nga ay katatapos lang nilang ipagdiwang ang ikatlo nilang kaarawan.
Katuwang ni Kathryn ang kaniyang mga magulang sa pagpapalaki sa mga bata. Naninirahan sila ngayon sa isang tatlong palapag na bahay na nabili niya sa isang subdivision. Isang taon pagkapanganak niya ay muli siyang bumalik sa lungsod at itinuloy na niya ang resignation sa bangkong pinagtatrabahuhan niya. Meron kasing nag-offer sa kaniya ng mas magandang opportunity at iyon ay ang maging real state agent na nagbebenta ng condo, mansions, townhouse, at mga bahay. Marami na siyang naging kliyente kung kaya madali siyang nakapagpundar ng investments.
Tinapos na niya ang pagluluto ng almusal at matapos noon ay naligo na siya. Makikipagkita kasi siya sa isang kliyente ngayong alas diyes ng umaga.
"Mama, aalis po muna ako. Kayo na muna ang bahala kina Kian John at Keanna."
"Hindi ba at Sabado ngayon, 'nak? Restday mo dapat."
"Opo, Mama. Mukha pong bigatin 'yung kliyente ko. Hindi ko ito puwedeng palampasin kasi baka makuha pa ng iba."
"Sige. Kaawaan ka ng Diyos. Ipagpapaalam na lang kita sa papa mo."
"Sige po, Mama."
***
Tinahak na niya ang daan patungo sa meeting place nila ng bago niyang kliyente. She has still no idea who the client is. Ang tangi niyang alam ay babae ito.
Pagkapasok niya sa restaurant ay hinanap niya ang table ng kliyente.
Abala siya sa paghahanap nang may tumapik sa kaniyang braso.
"Wui, bakla ka ng taon!"
Dagli niyang nilingon ang nagsalita. Napaawang ang bibig niya nang makilala kung sino iyon. "Oy, Mae! Long time no see?" Yumakap siya nang mahigpit sa babae. "Of all places, dito pa tayo nagkita. Ano'ng meron?"
Mae grinned. "I'm your client."
Mas iniawang ni Kathryn ang bibig nang mapagtanto ang sinabi ng kaharap. Hindi siya makapaniwala.
"Have a seat," alok ni Mae.
Umupo agad si Kathryn sa upuang nasa opposite side ng kaibigan. "Closed sale agad ito." Ngumiti siya nang pagkalaki-laki. "Saan mo gustong bumili ng unit? Meron kami sa Rizal, may condo rin sa Ortigas, Pasay, Paranaque. Puwede kang mamili."
Sumimsim ng iced tea si Mae bago sumagot sa paraang patanong. "Sino naman ang may sabing gusto kong kumuha ng property sa Pilipinas?"
"Eh, 'di maghanap tayo sa international. Puwedeng-puwede rin, bakla. Meron kami sa US, Canada, Australia." Nag-open ng new tab si Kathryn sa website ng kaniyang trabaho para buklatin ang samples ng properties sa mga nabanggit niyang lugar.
Nagpakawala ng malalim na bugtong-hininga si Mae. "Bakla, sa Ireland sana."
"Ireland. Sure. Meron din kam—" Napatigil si Kathryn sa pagta-type. Natigagal siya nang marinig ang bansang binanggit ng kaibigan. "I-Ireland?"
Tumango si Mae. "Alam mo naman, na-approve na ang Irish citizenship ko so kailangan ko na talagang maghanap ng matitirahan."
"Bakit sa Ireland pa?" kunot-noong tanong ni Kathryn. Tiim-bagang na tumitig siya sa kaibigan.
"Kasi hindi sa Iceland o Greenland."
Nagpakawala ng malalim na paghinga si Kathryn. "I'm backing out." Akmang liligpitin ng dalaga ang mga materyales sa lamesa. "Alam mo naman kung bakit iniiwasan ko ang lugar na iyon, 'di ba?"
Inikot ni Mae ang kaniyang mga mata. "Yung iniiwasan mong tao e nasa USA naman, eh. Bihira lang 'yun umuwi so there is a small chance na magkita kayo."
"It's a no pa rin," pagmamatigas ni Kathryn.
"P500,000.00 incentive 'pag naihanap mo ako ng bahay. Deal?"
"Pasensya na talaga, bakla."
"P1,000,000.00."
"Hindi talaga. Ngayon lang kita matatanggihan."
"Dalawang milyong pis—"
"Kailan mo ba gustong mag-site viewing nang makapag-impake na? Gusto mo ngayon na? Tara na!" pabirong hinigit ni Kathryn ang kamay ni Mae.
Napatawa nang malakas si Mae. Sa wakas ay nakumbinsi niya ang kaniyang kaibigan na ihanap siya ng bahay sa Ireland.
"Yayain na rin natin sina Jem at Analisa nang makapag-bonding naman tayong apat. Hindi na tayo nakumpleto, eh."
"I'll call Analisa," sabi ni Kathryn. Kinuha niya ang cellphone para i-dial ang numero ng kaibigan.
Isang minuto lang ang itinagal ng kanilang tawag. Pumayag ang kaibigan niya.
Sunod naman niyang tinawagan ay si Jem. Katatapos lang ng show nito sa Batangas. Payag din daw.
"So I guess, there is no reason to back out," nakangiting sabi ni Mae. "Tuloy na tuloy na talaga."
"I think so."
***
They decided to meet at Kathryn's place. Ngayon na lang din kasi sila magkikita-kitang apat dahil madalas mag-out-of-the-country sina Mae at Jem.
"Ito na ba ang mga inaanak namin? Anlalaki na!" manghang sabi ni Mae. Ang tinutukoy niya ay ang kambal ni Kathryn.
"Oo. Makukulit na rin. At ang dadaldal," ani Kathryn. "Mga anak, say hi to your ninangs!"
"Hi po, Ninang Analisa, Ninang Mae, and Ninang Jem!"
"Walang duda. Anak nga ni Kian ang mga ito," saad ni Mae na pinipisil sa pisngi ang dalawa.
"Lika nga, bakla. Pakurot nang very light sa tagiliran."
Nagtawanan ang magkakaibigan. Ayaw kasing ipabanggit ni Kathryn ang pangalan ni Kian sa harap ng kaniyang mga anak.
"Naisip ko lang, bakla," panimula ni Jem na pinagkrus ang mga hita. "Ano pa'ng sense ng paglayo kemerut mo at pagsa-sacrifice for the sake of Jodi and Kian's so-called happiness e maghihiwalay din pala sila?"
"True!" segunda ni Mae. "Kung ipinaglaban mo si Kian e kasal na sana kayo at siguro may limang anak na."
Pabalang na tumawa si Kathryn. "Change topic na! Ako na naman ang ginigisa ninyo, eh."
Kumuha siya ng isang bote ng Heineken at dire-diretso itong itinungga.
***
One and a half year ago
Dublin, Ireland
"You're finally cancer-free, Ms. Jodi Albert! Congratulations!"
"Thank you, doc," maluha-luhang tugon ng dalaga. Natapos din ang ilang taon niyang pakikibaka kay kamatayan. She can live a normal life again.
"Narinig mo 'yun, baby? Magaling na ako!" Napayakap siya nang mahigpit kay Kian.
Napangiti nang tipid ang binata na noo'y yumakap nang pabalik kay Jodi. Masaya rin siya sa narinig na balita.
Ilang araw pa ay na-discharge na sa ospital si Jodi. She and Kian decided to have a simple date at their favorite place, Kilkenny Cafe Restaurant.
"I can't believe that I beat cancer, baby." ngiting-ngiting sabi ng dalaga. "Akala ko talaga e mamamatay na ako. But look, I'm here."
"No wonder why you did that, I know you are a fighter since the beginning," saad ni Kian.
Ibinaba ni Jodi ang hawak na kubyertos. Dinala niya ang isang kamay patungo sa ibabaw ng kanang kamay ni Kian sa harap niya.
"Thank you," sinsero niyang tiningnan ang binata.
Tipid na ngumiti si Kian. Inayos niya ang pag-upo. He released a throaty sound. "Now that we're here. I think it's about time to talk about the commitment that I need to fulfill."
Nagtatanong ang mga mata ni Jodi. Muling nagpatuloy si Kian.
"The wedding."
Ilang segundong pinigil ng dalaga ang paghinga. "S-Sigurado ka ba?"
Ilang saglit na katahimikan ang nagdaan bago tumango si Kian.
Sinubukang basahin ni Jodi ang mga mata ng binata.
Walang araw na hindi ko hinangad na dumating ang panahon na gumaling na ako.
Araw-araw kong pinalalakas ang loob ko para lumaban..
The wedding that Kian promised to me was what kept me on going...
At ngayon ngang dumating na ang panahon na pinakahihintay ko..
Na pag-usapan namin ang tungkol sa bagay na 'yun,
Bakit parang hindi siya masaya?
It seems like he is only saying that as if he is just obligated to do that.
"Mukhang kailangan mo pa ng oras, baby. Hindi naman ako nagmamadali. M-Makapaghihintay pa naman ako."
Umiling-iling si Kian. "I'm already firm with my decision. Kailangan nating ituloy ito. You know me, I am a man with a word of honour."
Parang nasagi ng kung ano ang puso ni Jodi.
"Kailangan nating ituloy? Ang tanong, gusto mo bang ituloy?"
Ilang segundong hindi nakasagot si Kian. Iniwas niya ang tingin sa dalaga.
A moment of silence came between them. Jodi broke it.
"Mahal mo ba ako?"
Kian laughed in a half-suppressed manner. "Ano bang klaseng tanong 'yan?"
Jodi ignored his answer. "Answer me, Kian. Mahal mo ba ako?"
"Kumain na lang tayo. We don't have to raise our voices in front of the food," patay-malisyang sabi ng binata.
"Oh my gosh." Napasapo na lang ng kamay si Jodi sa mukha.
***
Pagkalipas ng isang linggo ay sinimulan na nilang asikasuhin ang mga kakailanganin nila sa kasal.
"Baby, nasaan ka? Food tasting natin ngayon," sabi ni Jodi na noo'y tinatawagan si Kian.
"Tinatamad pa akong bumangon. Kaya mo na 'yan. Kung ano ang mapili mo, 'yun na rin ang sa akin." Pinatay rin kaagad ng binata ang tawag.
Napasimangot si Jodi. Pina-reschedule na lang niya ang food tasting.
Matapos ang ilang araw, sukatan naman ng gown at ng tuxedo ang schedule nila para sa araw na iyon.
Wala na naman si Kian.
Parang ako na lang ang may kagustuhang ituloy ito.
I've had enough.
If he wants freedom, I will give it to him.
Hindi 'yung ginaganito niya ako.
She booked a Grab and went to Kian's house. Dire-diretso siyang umakyat sa kuwarto ng binata.
Nagising si Kian dahil sa sunod-sunod na katok sa kaniyang kuwarto.
Binuklat niya ang pinto habang humihikab. "Oh, you're here."
"It's already ten o'clock in the morning. Our gown and tuxedo fitting schedule is at nine." Pinukulan ng dalaga ng madilim na titig ang binata. Kita ang pagtatagis ng kaniyang bagang.
"Una palang, tinanong na kita kung sigurado ka rito pero ipinapakita mong parang hindi ka naman interesado," panimula ni Jodi.
She looked at him, observing his reaction. "Tapusin na lang kaya natin ito? First, I want to clear things with you. Yes, I appreciate you for being by my side during the lowest points in my life lalo na no'ng nakikipaglaban ako sa kanser. 'Wag mong isipin na ayoko na magpakasal sa 'yo porke magaling na ako."
May isang butil ng luha na bumagsak sa kaliwa niyang mata. "Sa totoo lang, gustong-gusto ko. Gustong-gusto ko, Kian. Pero sa ipinapakita mo na parang ako lang naman yata ang may gusto matuloy ang lahat ng ito, mabuti pang 'wag na nating i-push through. Alam ko... alam ko na hanggang ngayon. Siya pa rin.. siya pa rin ang nasa puso mo. Ayokong dumating sa point na naglalakad ako papuntang altar pero ibang mukha ang nakikita mo. Damn, Kian! I love you so much. I am prepared to marry you anytime. Kahit ngayon puwedeng-pwede. Pero kung isa lang ang nagmamahal sa atin, I think we should not consider marrying each other." Tuluyan nang napahagulgol so Jodi.
Napayuko lamang si Kian at walang nasabi. Awa ang nararamdaman niya sa dalaga.
Mayamaya ay huminahon si Jodi. Pinahid niya ang mga luhang bumasa sa kaniyang mga pisngi. "One last question.. Kian, mahal mo pa rin ba ako?"
Nanatili lamang na nakatayo si Kian. Wala siyang isinagot kay Jodi.
Sumilay ang pekeng ngiti sa mga labi ng dalaga. "Okay.. Malinaw na sa akin ang lahat." Tumalikod si Jodi para lisanin ang bahay ni Kian.
***
"Bakla, nakarating ba sa 'yo 'yung balita?" ani Analisa.
"Feeling ko hindi pa. Alam mo naman, wala kasi akong social media," bored na sagot ni Kathryn. Kasalukuyan niyang pinadedede ang kambal. "Ano ba kasi 'yan? Para ngang importante kasi napatawag ka pa, eh."
"Break na sina Jodi at Kian." Maikli man ang sinabing iyon ni Analisa pero umalingawngaw iyon sa tainga ni Kathryn.
Iniangat ng dalaga ang isang kilay. Sari-saring emosyon ang pumapaloob sa kaniya sa pagkakataong iyon. "Eh?"
"Oo, bakla. Try mong mag-internet. Kalat na kalat kaya."
Sa puntong iyon ay nagbukas si Kathryn ng laptop. Nakumpirma niyang wala na nga ang dalawa.
"Nabasa ko na. Oh, tapos?" pabalang na sabi ni Kathryn. Itinatago lang niya ang tunay niyang damdamin. Ang totoo'y napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Ito na nga kaya ang chance para ituloy nila ni Kian ang naudlot nilang love story?
"Gaga ka talaga kahit kailan. Chance na para mabuo na ang pamilya n'yo!" bulyaw sa kaniya ni Analisa.
"Pag-iisipan ko, bakla. I will call you again 'pag may desisyon na ako," saad ni Kathryn at tinapos na niya ang phone call.
Napatingin sa malayo ang dalaga.
Kian, bakit mo siya pinakawalan?
Marami akong isinakripisyo, kami ng mga anak mo para lang maging okay kayo ni Jodi.
Nauwi rin sa wala.
Pero kung wala na talaga kayong chance?
Gusto mo bang bigyan ng chance 'yung sa ating dalawa?
Ilang gabi niyang pinagpuyatan ang pag-iisip kung ano ang kaniyang gagawin. One day, she just found herself applying for US Visa.
Susundan niya si Kian.
***
Malayo ang nilalakbay ng isip ni Kian.
I honestly don't know how to react when Jodi canceled our wedding.
Happy because I won't be forever tied to a one-sided marriage?
Guilty for purposely hurting Jodi and showing her that I am really not interested in the wedding?
I don't know. I really don't know.
Actually, tama naman siya, eh. Si Kathy pa rin talaga. After all these years, siya pa rin ang itinitibok ng puso ko.
I just became tired of fighting for her.
Siguro, napagod na rin itong puso kong umasa.
I've been looking for her these past few years but to no avail.
Paano ko siya makikita?
Kung sa bawat hakbang ko palapit sa kaniya, ay humahakbang siya ng isa pa palayo sa akin.
She is really running away from me. Iniiwasan niya ako.
Napagod na lang ako.
Pero bakit kasi, hindi siya mawala-wala sa isip ko.
Pinilit ko namang mahalin muli si Jodi.
Pero sadyang.. Kathy Kathy, Kathy lang talaga ang isinisigaw ng puso ko.
Ang gulo. Napakagulo.
Mabuti pang ilugmok ko na lang muli ang sarili ko sa pagtatrabaho.
***
Anim na buwan ang mabilis na lumipas. Katatapos lang ng concert ng Westlife sa Madison Square Garden. Pinayagan ni Louis ang lads na magliwaliw.
Mag-isang nilalakad ni Kian ang Riverside Park. Naka-disguise naman siya at naka-winter coat kaya kampante siyang hindi agad siya makikilala ng mga tao bilang miyembro ng Westlife.
Napakaraming tao ang nakasalubong niya. Gano'n naman talaga sa New York. Halos 24/7 na busy ang mga tao.
Nagpi-picture siya ng kapaligiran nang may lumapit sa kaniyang babae. Humawak ito sa braso niya.
"Kian?"
Kung makailang beses ikinurap ni Kian ang mga mata niya ay hindi na niya mabilang. "Sonia."
Lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng dalaga nang ngumiti ito. "Ako nga! Kumusta ka na?"
"F-Fine." Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ni Kian. Ina-absorb pa ng utak niya na tunay niyang kaharap ang dating nobya. Ibang-iba na ang itsura at pananamit nito.
"May gagawin ka ba? Let's hang out!" Hindi na hinintay ni Sonia ang sagot ng binata dahil hinigit na niya ito papunta sa kung saan.
***
Natagpuan na lamang ni Kian ang sarili na katabi ang walang saplot na si Sonia. Mahimbing itong nakayakap sa kaniya habang natutulog.
Napatingin siya sa kisame. Muling lumarawan sa kaniyang isip ang mukha ng babaeng kaniyang itinatangi.
Naalala ko si Kathy.
Ibang-iba pa rin talaga 'pag mahal mo ang kaniig mo.
Yes, I loved Sonia before. Pero wala na 'yung pagmamahal na iyon, eh. So what we had now is not making love. It's like a casual sex.
Pero 'yung sa amin ni Kathy? It's pure love. Between her and me.
I miss her so much.
Nakaramdam ng tusok ng karayom si Kian sa puso dahil sa kaisipang iyon.
Naudlot ang kaniyang pagmumuni-muni nang kumilos ang katabi. Gising na ito.
"You're awake." Umupo si Kian sa gilid ng kama. Balak na niyang magbihis. "I got to go."
Pinanood ni Sonia ang binata habang nagbibihis.
"You know what, Kian?" Bumangon si Sonia. Itinakip niya ang puting kumot sa kaniyang katawan. "There is one out of 19.8 million chances na magkita tayo sa New York. Hindi mo ba naisip na baka gumagawa na ng paraan ang tadhana para pagtagpuing muli ang landas natin?"
Tumayo na ang dalaga at pinuluputan ng yakap si Kian. "You're single and I am too. Why don't we give ourselves a second chance?"
Bumuntong-hininga si Kian. "Pag-iisipan ko mun—"
Tinakpan ni Sonia ang bibig ni Kian gamit ang kaniyang hintuturo.
Lumapit siya sa tainga ng binata. "I always get what I want, Kian. Kailangan mong panagutan ang nangyari sa atin. I don't sleep with someone who isn't my boyfriend. Kaya from now on, tayo na ulit."
Wala nang nagawa si Kian kung hindi ang umoo na lang.
***
Sabik na lumabas mula sa DFA building si Kathryn. Sa wakas ay na-approve na ang kaniyang 10-year multiple entry US Visa pagkatapos ng anim na buwang paghihintay. Mapupuntahan na rin niya si Kian sa wakas. Handa na siyang ipaglaban ang lalaki sa pagkakataong ito dahil wala na siyang maaapakang tao.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Ngayon na lang ulit niya napagdesisyunang mag-activate ng social media accounts pagkalipas ng dalawang taon.
Nakita niya ang tagged posts sa kaniya bago siya mag-deactivate. Pictures nila on stage with Westlife na kinuhanan ng co-lifers niya.
Bumisita rin siya sa group ng Official Fan group para maki-update sa nangyayari. Ilang meet-ups na rin ang hindi niya napuntahan. Hindi na rin niya na-update ang Kian Egan Fanclub na itinayo niya.
Sa pag-i-scroll down ay isang post ang gumimbal sa kaniya. Gamuntik na niyang maibato ang cellphone dahil sa nabasa.
Kian and Sonia are officially dating.
Hindi maampat ang panginginig ng kamay niya habang tinititigan ang cellphone.
Sila na ulit ni Sonia?
Yung first love niya?
Shet. Ang sakit.
Kian, kung kailan handa na akong ipaglaban ka e bakit nakipagrelasyon ka pa sa iba?
Napaluhod na lamang siya sa gitna ng kalsada sa sobrang panlulumo.
***
Kasalukuyan
Los Angeles, California
"Lads, we'll head back to Ireland for the meantime," saad ni Louis. "Medyo magtatagal tayo roon kasi marami tayong TV and radio shows guestings na naka-line up."
The lads shout in victory upon hearing the news from their manager.
"When are we going back?" tanong ni Mark.
Pinukulan ni Louis ng tingin ang nagtanong. "Next week."
"Yown!" Nicky punched his right hand in the air due to excitement. "See you in a week, Motherland!"
•••
Author's notes:
So ayun guys, ano'ng masasabi ninyo sa chapter na ito? Nagustuhan n’yo ba 'yung names ng kambal?
Oh ayan, hindi ko ginawang kontrabida si Jodi. Love love ko kasi siya. :) 'Yun nga lang, may bago na namang pumasok sa eksena na nagngangalang Sonia. Haha
Comment down below and pa-vote na rin para sundan ko na agad ito ng next chapter! :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro