Chapter 41 - Payback Time
Dalawang putok ang umalingawngaw sa kapaligiran. Ang lahat ay napatigil sa loob ng ilang segundo para malaman kung saan napadpad ang bala na kumawala sa baril ni Cailean.
Wala. Walang natamaan.
Ngunit kita ng mga tao na nakahandusay sa daan ang lalaki na may taklob na timba sa ulo. Basang-basa ang buong katawan nito dahil sa tubig na nagmula sa timba.
***
pagbabalik-tanaw
"Papatayin ko siya! Kung hindi ka rin lang babalik sa akin Mark, papatayin ko na lang kayo parehas!" Ikinasa ni Cailean ang baril at itinutok na sa kanila.
Bago pa man maiputok ni Cailean ang baril ay sinugod siya nina Aling Simona at Aling Nena. Pinagtulungan ng mga itong itaas ang mga kamay ng binata.
Pumailanlang ang nakabibinging tunog. Mabuti na lang at sa ere naiputok ng lalaki ang baril kaya walang natamaan.
Hinampas ni Aling Cecilia ng tabo ang kamay ni Cailean kaya tumilapon ang baril sa damuhan. Matapos iyon ay binuhusan niya ang lalaki ng tubig na mula sa timbang dala-dala. Pagkaubos ng laman ay kaniyang itinaklob ito sa ulo ng binata.
Pansamantalang tinalian nina Aling Nena at Aling Simona ang mga kamay ng binata habang nag-aabang ng responde.
Hindi nagtagal ay dumating na ang patrol car ng barangay. Dinampot ng mga tanod ang puno't dulo ng lahat.
"Let go of me!" pagpupumiglas ni Cailean na noo'y nakaposas na.
Tiningnan lamang ng mga tanod ang nagwawalang binata.
"Ano ba?! Bitiwan n'yo ako!" Nilingon niya si Mark. "Babe, please help me."
Binigyan lamang ni Mark ng isang matalim na titig ang dating katipan. Iginiya niya papasok sa bahay ang katabing si Jem.
"Mark!" Tuluyan nang ipinasok si Cailean sa loob ng patrol car.
***
Nahimasmasan na at nagkaroon na ng malay si Aling Rita. Kasalukuyan silang nasa sala ng bahay. Kaaalis lang din ng mga pulis na nag-iimbestiga sa kaso. Kasabay din noon ay ang paglabas nina Aling Nena, Aling Simona, at Aling Cecilia na kinuhanan din ng statement sa nangyari. Labis ang pasasalamat sa kanila nina Jem at Mark.
Nang makaalis na ang mga bisita ay nagharap-harap sina Mark, Jem, at ang mga magulang ng dalaga.
"Iho, maraming salamat sa pagtatanggol mo sa aming anak. Hindi ko alam kung paano namin mababayaran ang ginawa mo," buong pasasalamat na sambit ni Mang Ponciano.
"Hindi n'yo po kailangang gawin 'yun Mang Ponciano, Aling Rita. Ginawa ko po 'yun dahil gusto ko siyang protektahan. At poprotektahan ko siya hanggang sa aking huling hininga."
Napangiti ang mga magulang ni Jem sa tinuran ng binata.
"Ako ay nagtataka lamang iho. Ano ba ang pakay ng lalaking iyon? Bakit sinundan niya kayo hanggang dito?" tanong ni Aling Rita.
Tumingin si Mark kay Jem. Nang makahugot ng lakas ng loob ay saka niya ikinuwento ang lahat. Lahat-lahat mula sa pagkakaroon niya ng relasyon kay Cailean. Pati kung paano niya nakilala si Jem at kung ano ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Matapos niyang magkuwento ay nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan.
"Iho, thank you for being honest. I admire you for that. Wala akong pakialam sa nakaraan mo. As long as your intention to my daughter is pure, we're good," ani Mang Ponciano na nag-thumbs up kay Mark.
"Ako rin, wala ring problema sa akin. Ang kasiyahan ng anak ko ay kasiyahan ko na rin," segunda ni Aling Rita.
Napangiti si Mark dahil sa basbas na ibinigay ng mga magulang ni Jem. Sa tuwa ay hinawakan niya ang kamay ng katabi.
Sinaway ni Jem si Mark sa takot sa magiging reaksiyon ng mga magulang niya. Pinalaki kasi siyang konserbatibo ng mga ito.
Ngunit sa halip na galit ay tumawa lang ang dalawa na para pang natutuwa sa nakikita.
"Nay? Tay?"
"Hay naku, Jemelyn. Pinagdaanan din namin 'yan ng nanay mo." Inakbayan ni Mang Ponciano ang asawa. "Ganyang-ganyan din kami ng nanay mo noon."
Tumayo na sina Aling Rita at Mang Ponciano. Iniwan nila sina Jem at Mark sa sala para makapagsarilinan ang dalawa.
Malawig ang ngiting iginawad ni Jem kay Mark. "Ikaw lang pala ang makapagpapalambot sa puso nina tatay at nanay, eh. Noong highschool pa lang ako, may naghatid sa aking kaklaseng lalaki na tinulungan lang ako sa pagbubuhat ng project pauwi. Masama ang tingin sa kaniya ni tatay. Mayamaya ay lumabas ang huli at naghasa ng itak sa may pinto. Marami pang mga kaibigan kong lalaki ang nakaranas ng halos kaparehas na sitwasyon kaya walang nagtangkang manligaw sa akin." Sandaling tumigil si Jem para hagurin ng tingin ang binata. "Pero bakit pagdating sa iyo, bakit gano'n? Nakuha mo agad ang loob ni tatay."
"Well." Hinagod-hagod ni Mark ang baba niya na tila nagsasabi na 'Iba talaga siguro 'pag guwapo'. Napahagikhik si Jem at hinampas nang kaunti ang binata.
***
Kumain sila sa isang maliit na restaurant sa may bayan. Ito na ang pagkakataon para mapatikim ni Jem ng pagkaing Pinoy si Mark.
"I can't pick my favorite. I love all of these," ani Mark na ang tinutukoy ay ang mga pagkain sa lamesa. "Kailangan ko na sigurong mag-aral na kumain ng mga ito para 'pag naging mag-asawa na tay-"
Hindi naituloy ni Mark ang pagsasalita kasi sumabad si Jem. "Uy, anong mag-asawa? Di ka pa nga nanliligaw sa akin, eh."
Kumunot ang noo ni Mark. "Ligaw?"
Tumango si Jem. "It means courtship in English. Dito sa Pilipinas, kapag gusto mo ang isang babae, kukunin mo ang loob niya. Haharanahin mo siya, paglilingkuran, tutulungan sa gawaing bahay, at iba pa."
Napaisip nang malalim si Mark.
Sa amin, 'pag tinanong mo ang babae ng 'Can you be my girlfriend?', it would be official. Ganoon lang kadali. Pero sa Pilipinas, it's a little bit challenging.
Well, basta para kay Jem gagawin ko ang lahat.
I think I may be needing her manager's help regarding this.
Sa kabilang banda ay mayroon ding iniisip si Jem.
Hay naku Mark, kung ako lang ang masusunod, hindi ka pa nanliligaw, sasagutin na kita. Hihi
Pero siyempre, konting pakipot pa at nang maranasan ko naman ang pakiramdam ng nililigawan.
Char.
Kahit naman ganito ako, gusto kong maranasan ang gano'n. Siguro patatagalin ko ang panliligaw ng ilang araw.
Haha. Char ulit.
Ilang buwan? Ilang taon?
Okay. 1 year? Di kaya magsawa si Mark?
Hmm..
Ngiting-ngiti si Jem sa kaniyang naiisip.
"Iniisip mo na naman ako. Katabi mo na nga ako, eh," ani Mark na pinansin ang labis na pagngiti ni Jem.
Napamulat-pikit ang dalaga nang magsalita si Mark. Umiling-iling siya at nag-isip ng dahilan. "N-Naalala ko lang 'yung sinabi mo kay Cailean kanina. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Pero kinikilig ako promise."
Itinigil ni Mark ang pagkain at hinarap si Jem. Titig na titig siya sa dalaga.
"Lahat ng narinig mo kanina ay totoo, Jem. Matagal ko nang tinatanong ang sarili ko kung tama ba ang nararamdaman ko. Pinilit kong pigilan ang sarili ko pero kusa itong bumabalik patungo sa iyo."
Kinuha ni Mark ang dalawang kamay ng dalaga at pinisil ang mga iyon.
"I love you, Jem. You don't have to answer that right away. I just want you to know what I feel."
Nanatiling speechless si Jem sa kaniyang kinauupuan. Ninanamnam niya ang bawat salitang namumutawi sa mga labi ni Mark.
"Bakla man ang pagkakaalam sa akin ng mundo, hindi nila alam na naging lalaki na akong muli dahil sa 'yo. My love for you changed me, Jem."
Hinagkan ng binata ang mga kamay ng dalaga na nagdulot ng kilig na dumaloy sa kalamnan ng huli.
***
Nang makauwi ay nakipag-video call si Mark sa manager at sa ibang lads. Kinumusta ng mga ito ang kalagayan nila matapos ang engkuwentro kay Cailean.
"Okay lang kami." Sinulyapan niya si Jem bago muling pinukulan ng tingin ang mga kausap. "Medyo traumatic lang 'yung nangyari. Jem and I had a mutual decision to consult a psychiatrist tomorrow to make sure it didn't cause PTSD."
"That's a good idea," ani Shane. "What will happen to Cailean?"
"The local police said that they are working with the law enforcement agency from our country. Posibleng ilipad siya papunta diyan para diyan siya ikulong."
In-unmute ni Nicky ang mic para magsalita. "Nakakagulat talaga. Hindi namin akalain na magkakaganiyan si Cailean."
"I was shocked too," sagot ni Mark. "He became too possessive that's why he resorted to that action. He'll pay for what he did."
Natahimik ang lahat nang sabihin iyon ng binata.
"Oh sige na, bro. Tapusin na natin 'to," ani Brian. "Anong oras na rin kasi riyan e. Bumalik ka agad dito sa Ireland as soon as you can nang maituloy na natin 'yung practice for our Wembley concert. Ilang buwan na lang 'yun."
Tumango si Mark. Akma niyang i-e-end ang usapan nang sumingit si Kian.
"Sandali lang, bro. May gusto lang sana akong tanungin kay Jem."
"S-Sa akin?" Itinuro ng dalaga ang sarili.
Tumango ang binata. "May idea ka ba kung nasaan si Kathy?"
Para bang umurong ang dila ni Jem sa pagkakataong iyon. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang kausap.
"H-Ha?"
"I am begging you please, Jem. Hirap na hirap na ako," ani Kian na noo'y gumagaralgal na ang boses.
Jem swallowed a lump in her throat. "She disappeared, Kian. We have limited knowledge on her whereabouts."
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Kian. "Sige. Salamat."
Laylay ang mga balikat ng binata na nilisan ang couch na kinauupuan.
***
Ilang minuto nang tapos ang video call ngunit nanatili pa rin si Jem sa kaniyang puwesto. Nakatingin pa rin siya sa laptop na noo'y naka-off na.
Iniisip pa rin niya ang pagsisinungaling na ginawa kay Kian para lang mapagtakpan ang kaniyang kaibigan. May parte ng isip niya ang nagtutulak na aminin sa binata na nagdadalang-tao si Kathryn. But she kept a promise to her friend which she cannot break.
Nahihirapan siya kasi naiipit siya sa sitwasyon.
Mark hugged Jem without saying any word. That gesture at least lessen the burden in her chest.
***
Lumabas si Kian pagkatapos niyang makipag-usap kay Jem. Pinaharurot niya ang sasakyan at tinungo niya ang isang bar na medyo may kalayuan sa kanila. Dumiretso siya sa counter at kaagad humingi ng isang shot ng vodka. Nilagok niya iyon at humingi ng isa pa. Muli niya itong nilagok hanggang humingi siyang muli ng isa pa. One after another.
"Sir, baka malasing na po kay-" tangkang pagpigil ng bartender.
"Wag mo akong pakialaman. Bigyan mo lang ako nang bigyan," pagputol ni Kian sa sasabihin ng lalaki.
"O-Okay po." Nagsaling muli ang bartender ng vodka sa shotglass.
He stayed like that until it's almost midnight. Marami na ang tao sa loob ng bar sa oras na iyon.
There is this one girl na kanina pa sinusulyapan si Kian. Kanina pa niya gustong lapitan ang binata pero pinanlilisikan agad siya nito ng paningin kaya hindi niya ito makausap.
Her name is Stacy, in her mid 20s. Matangkad, balingkinitan ang katawan, blonde, at hazel green ang mga mata. Isa siya sa party goers ng club. Tatlong beses sa isang linggo siya kung tumambay roon. Kian is a new face in that place at napansin niyang may pagkaguwapo ito kaya natipuhan niya agad.
Ngayong nakasubsob na lamang sa counter si Kian sa sobrang lango sa alak ay ginamit niya ang pagkakataong ito para malapitan ang binata.
"Kuya Will, kunin ko na itong tropa ko. Iuuwi ko lang sa bahay," ani Stacy sa bartender.
"Oy Stacy. Tropa mo ba talaga 'yan? Kanina ka pa nga niyan sinasamaan ng tingin, eh. Kung ano na naman ang binabalak mo, huwag mo nang ituloy. Kilala ka na namin dito."
Stacy winked at Will. "I got this. Ibalato n'yo na sa akin ito."
Napailing na lamang ang bartender dahil sa inakto ng dalaga.
Sinubukang alalayan ni Stacy si Kian.
"Uhmm.... B-Bitiwan mo ako," ani ng binata na noo'y nakapikit pa rin.
"Iuuwi na kita."
"G-gusto ko kay Kathy. Iuwi mo ako kay Kathy."
"Oo.. oo! Dadalhin kita sa kaniya." Iginiya ng dalaga si Kian at dinala sa kotse niya. Nanatiling nakapikit ang binata na noo'y idinadaing ang sakit ng ulo.
"Kathy.. I love you very much.. and it hurts so much."
"How can I move on when I'm still in love with you?"
Stacy displayed an appalled look. "So he almost make himself drunk to death because of a woman. Unbelievable."
Ilang lakad pa ang ginawa nila nang makarating sila sa kotse ng dalaga. Paaandarin na sana ni Stacy ang kotse nang bigla siyang hinigit ni Kian.
"I miss you so much, Kathy."
Binigyan niya ng isang halik ang kaharap.
Muling nagbalik sa alaala ni Kian ang tamis ng halik nila ni Kathryn sa rooftop, sa balcony, sa Amanpulo, at sa Vivere Hotel.
Those are the most wonderful and unforgettable kisses I ever had.
Wait-
The lips I am kissing right now is not the same lips I ever wanted.
I am kissing the lips of a stranger.. of a totally different woman!
Lalo pa siyang natauhan nang magsimulang lumakbay ang kamay ng babae sa ziplock ng pantalon niya. The girl is about to open it.
Kathy would not do such a thing.
Sa puntong iyon ay napamulat siya. Noon niya nakumpirmang iba ngang babae ang kahalikan niya.
He felt guilty.
These lips are only for her.
Itinulak niya nang bahagya ang babae kaya napasandal ito sa driver's seat.
"Hey!" asik ng babae.
"Ano'ng ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito? Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Kian na sa isang iglap ay pinanawan ng espiritu ng alak.
Stacy grinned from ear to ear. "I'm bringing you to my place."
"You're impossible!" Galit na lumabas ng kotse si Kian. Padabog niyang isinara ang pinto.
"Hey! Wait!"
Wala nang nagawa si Stacy dahil nakasakay agad sa cab ang lalaki.
***
Kanina pa sinusulyapan ni Jem ang wall clock.
It's almost dinner time. Nasaan kaya si Mark? Pati si Paul wala rin.
OMG. Hindi kaya-
May pagkasilahis pa naman si Paul.
Mga taksil huhuhu.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-e-emote nang may marinig siyang tumutugtog ng gitara sa labas.
Pasko na ba? Bakit may nangangaroling na?
Obvious by Westlife
🎵 We started as friends
But something happened inside me
Now I'm reading into everything
There's no sign you hear the lightning, baby
You don't ever notice me turning on my charm
Or wonder why I'm always where you are 🎶
Nanlaki ang mga mata ni Jem nang makilala niya ang boses ng kumakanta.
Kaagad sumilip sa bintana mula sa second floor ang dalaga. Nakita niya si Mark na kumakanta sa baba habang si Paul naman ay tumutugtog ng gitara.
Natutop ng dalaga ang bibig. Napatingin siya sa taas.
Lord, sorry po sa misjudgment ko kina Paul at Mark kanina.
Ang dumi ng utak ko.
Iba pala ang pakulo nila.
Akala ko naman kung ano.
Lihim niyang tinawanan ang sarili niya dahil sa pag-o-overthink kanina.
🎶 I've made it obvious
Done everything but sing it
(I've crushed on you so long, but on and on you get me wrong)
I'm not so good with words
And since you never notice
The way that we belong
I'll say it in a love song 🎵
Lumapit na rin ang mga magulang ni Jem upang saksihan ang panghaharana ni Mark sa kanilang anak. Ngiting-ngiti ang mga ito habang nagmamasid. Lumapit na rin ang dalawang kapatid ng dalaga na noo'y sinimulang tudyuin ang kanilang ate.
Nang natapos na ang pagkanta ni Mark ay pinapasok na sila ng mga magulang ni Jem. Nilapitan ni Mark ang dalaga at iniabutan ang huli ng isang bouquet ng puting rosas.
"Flowers for the most beautiful woman in the world."
"Ayiieeeeh!" biro ng mga kapatid ni Jem sa kanilang ate.
"Ano ang ibig sabihin nito, Mark?" ani Jem na natutuliro na.
Mark beamed his most beautiful smile. "Nililigawan ka."
Napuno ng tudyuhan ang buong bahay dahil sa sinabing iyon ng binata.
***
Nang gabi ngang iyon ay opisyal nang sinimulan ni Mark ang panunuyo kay Jem. Bawat oras ay ipinaparamdam niya ang pagmamahal niya sa dalaga.
Nagtagal pa sila ng isang araw sa bayan ni Jem at muli silang bumalik sa Metro Manila. Sa araw ring iyon ay lumipad na rin pabalik sa Ireland si Mark para ipagpatuloy ang practice para sa kanilang Wembley Concert.
Matapos ang ilang linggo ay nai-release na nga ang music video ni Jem kung saan kasama niya si Mark. Kaagad itong nanguna sa local billboard hits at nanatili ito sa top spot sa loob ng ilang buwan. Dito na rin nagsimula ang pagkakaroon niya ng sariling fandom gayundin ang fandom ng loveteam nila ni Mark na tinawag na 'Jemark'. Isa na nga siya sa maituturing na rising star ng ABS-CBN.
Samantala, tuloy pa rin ang buhay ni Analisa na nagtayo na naman ng isang branch ng grocery store. Pina-follow pa rin siya ni Nicky sa Instagram. Consistent ang binata sa pagla-like sa bawat posts niya. This makes other fans jealous at her kaya nagkaroon siya ng haters.
Si Mae naman ay patuloy pa rin sa business trip sa ibang bansa. Masyado siyang abala kasi balak niyang mag-settle down sa Ireland at totohanin ang planong mag-jowa ng Irish. Hopeless na siya na mapasakanya si Shane dahil sinabi na ng binata na hanggang little sister lang ang tingin nito sa kaniya. The two of them still have continuous communication through social media. Panay pa rin ang pagshe-share ni Shane ng words of wisdom sa kaniyang 'little sister'.
Brian, Nicky, and Shane are still single- the reason why fans crave for them lalo na 'yung mga kababaihan na gustong-gusto jumowa ng Westlife member.
Patuloy pa rin ang gamutan ni Jodi Albert. Mas lalong naging tutok sa kalagayan niya ang kaniyang mga kamag-anak pati na rin si Kian.
Nanatili pa ring naka-bedrest si Kathryn dahil sa kaniyang kondisyon Alagang-alaga siya ng kaniyang mga magulang. Deactivated pa rin ang social media accounts niya. Hindi rin siya gumagamit ng cellphone para 'di maka-trigger ng negative emotion.
Few months have passed, matagumpay na nakapag-perform sa Wembley Stadium ang Westlife at talaga namang jampacked ang buong lugar na dinayo pa ng fans mula sa iba't ibang panig ng mundo. Mula noon ay mas kinilala pa ang Westlife 'di lang sa Europa at Asia kundi maging sa Australia at USA. Isang tagumpay ang pagbabalik nila bilang limang miyembro.
Nagpatuloy pa rin ang buhay ni Kian. Tuloy ang practice, commitment sa trabaho, at pagbabantay kay Jodi sa ospital. Inilugmok niya ang sarili sa pagtanggap ng modelings and product endorsements para maging busy. Panandalian mang nawawaglit si Kathryn sa alaala niya sa buong maghapon ay bumabalik naman ang isip niya sa dalaga sa oras na humiga na siya sa kama para matulog. Nami-miss niya pa rin ito.
Tuloy pa rin ang buhay ng lads at ng mga dalaga kahit nasa magkabilang panig sila ng mundo.
Ilang panahon pa ang nakaraan, sumapit na ang ikasiyam na buwan ng pagbubuntis ni Kathryn.
Isang araw,
"Mama, naiihi ako," ani Kathryn na hirap na hirap makatayo sa higaan.
"Teka, aalalayan kita." Sandaling itinigil ni Aling Adel ang pagwawalis. Palapit na sana siya sa anak nang magsalita ang huli.
"Sorry, Mama. Ihing-ihi na ako. Di ko na kaya." May dumaloy na maraming likido pababa sa mga hita ni Kathryn na agad kumalat sa sahig.
Naihawak ni Aling Adel ang dalawang kamay sa pisngi. "Jusko! Hindi 'yan ihi. Pumutok na ang panubigan mo, anak!" Sumigaw siya. "Mahal! Dalhin natin si Kathryn sa ospital. Manganganak na siya!"
Kumaripas ng takbo si Mang Zander para buhatin ang kaniyang anak patungong sasakyan. Wala silang sinayang na sandali at pinaharurot na niya ang sasakyan patungong ospital.
***
St. Helen Medical Center
Lucena, Quezon
"Congrats, Ms. Rodriguez! We have one baby boy and one baby girl!" bulalas ng doktora na nagpaanak sa kanya.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kathryn nang makita niya ang mga anak na parehong asul ang mga mata. Nahawakan pa niya ang mga ito. Ilang saglit pa ay nawalan siya ng malay.
•••
Author's note:
Hello! Kung nakarating ka po hanggang dito, gusto ko ulit mag-thank you nang bonggang-bongga! :)
More chapters to go. Hindi pa po ending. Marami pa ang mangyayari. Hehe.
Sino ang nainis sa new character na si Stacy? Medyo nainis din ako. Ang harot at nag-take advantage sa kalasingan ni Kian! Grrr. Hahaha. Sino rin ang shipper ng JeMark diyan? Kinilig ba kayo sa linyang binibitiwan ni Mark? Ahahaha.
Jodi, kumapit ka! Kahit karibal ka dyan ni Kathryn, ayoko na mamatay ka. Pagaling ka ghOrL huh pero sana naman i-let go mo si Kian. Wag ka nang magpaka-selfish if ever man gumaling ka. Ipagtabuyan mo siya sa babaeng mahal niya. Wag mo siyang pakasalan. Ahaha char.
Pero ang bongga ng characters nung tatlong Charlie's Angels na sina Aling Simona, Aling Nena, at Aling Cecilia. Akala ko ay chismosa ng barangay lang ang role. Aba'y naging hero din pala. Hahaha
Pero laughtrip dun sa pinagbintangan ni Jem na may ginagawang something sina Paul at Mark. Ahahaha. Pakajudgmental mo ghOrL? :D
So ayun guys, vote n'yo itong chapter if nagustuhan ninyo. Hehe. Samahan n'yo pa ako sa next chapters. :) Every view and vote ninyo sa story ko, sobra-sobra kong na-a-appreciate kung alam n'yo lang. :)
Labyu all :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro