Chapter 39 - The Threat
St. Helen Medical Center
Lucena, Quezon
"Doc, gawin po ninyo ang lahat ng makakaya n'yo para mailigtas ang anak ko," sambit ng papa ni Kathryn.
"A-At ang apo ko," segunda naman ni Aling Adel, ang ina ng dalaga.
Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinambit ng huli.
Tumango lamang ang doktor at ipinasok na ang walang malay na si Kathryn sa Emergency Room.
Napaluha nang labis ang ina ng dalaga sa labis na nerbiyos at pag-aalala sa sitwasyon ng kaniyang anak at apo. Inalo naman siya ng kaniyang asawang si Zander upang mabigyan siya ng kalakasan at kapanatagan.
***
Egan Residence
Dublin, Ireland
"'Nak, nandiyan si Jodi sa sala," wika ni Patricia na ina ni Kian. Bahagya niyang binuksan ang pinto para masilip ang anak.
Nakita niya si Kian na nakahiga sa kama at nakatulala lang sa kisame. Mukha yatang hindi siya narinig dahil tila malalim ang iniisip ng binata.
Nilapitan ni Patricia ang anak. Umupo siya sa gilid ng kama nito kaya napalingon sa kaniya ang binata. "Ilang araw ka nang nagmumukmok, anak. Hindi mo nagagalaw ang pagkaing inihahatid ko sa iyo."
"Okay lang ako, Mom."
"No, you're not. Ina mo ako, Kian. Nararamdaman ng isang ina kung mayroong dinaramdam ang kaniyang anak." Humawak siya sa balikat ng binata. "Handa akong makinig."
Sa puntong iyon ay may tumulong luha mula sa mga mata ni Kian. Ikinuwento niya ang tungkol kay Kathryn. Mula sa kung paano niya nakilala ang dalaga hanggang sa panahong pinalalayo na siya nito.
Walang bahid ng panghuhusga na binigyan ng isang yakap ni Patricia ang kaniyang anak na noo'y tuluyan nang humikbi dahil sa emosyon.
"Mom, mahal ko na siya."
Tinapik ni Patricia ang likod ni Kian na tila siya ay nagsasabi na 'Magiging ayos din ang lahat anak.'
***
Dahan-dahang ipininid ni Jodi ang pinto ng kuwarto ni Kian. Sumilip siya roon nang maulinigan niyang may umiiyak sa kuwarto. At tama nga siya, si Kian nga ang humahagulgol.
She heard everything and that makes her cry silently.
He really loves her.
But I love him too.
I have to win him back and make sure to love him unconditionally this time.
Tahimik niyang pinahid ang mga luha na rumaragasa sa kaniyang pisngi. Bumalik siya sa sala upang doon na lang hintayin ang paglabas ng boyfriend.
***
Lumabas na si Kian sa kuwarto matapos ang labinlimang minuto.
"Baby." Tumayo si Jodi upang salubungin ng halik at yakap ang nobyo. Yumakap naman si Kian ngunit iniiwas nito ang mga labi sa paghalik kaya sa pisngi niya nahalikan ang nobyo. Nakaramdam ng kirot sa puso si Jodi ngunit binalewala na lang niya ito.
"Hey. Napadalaw ka yata."
"Miss na kita, eh. Ilang araw na rin tayong hindi nagkikita." Pilit pinasigla ni Jodi ang boses. "Another thing is, I want to cook for you. Matagal ko na ring hindi nagagawa iyon, eh."
"Tamang-tama. Magluluto na ako ng tanghalian." Bumungad si Patricia sa tabi ng dalawa. "Jodi, tara na sa kusina."
"Mom—" tangkang pagpigil ni Kian.
Isang thumbs up at ngiti lamang ang isinagot ni Patricia. Nabigyan na nito ng apron ang nobya ng anak.
Sumunod si Kian sa kusina upang kumuha ng isang baso ng tubig. Tuloy-tuloy niyang nilagok ito. Nang maubos ang tubig ay ilalapag sana niya ang baso sa lamesa ngunit sa 'di sinasadyang pagkakataon ay napasala siya ng paglagay. Nahulog ang baso at nabasag.
Nakaramdam ng kaba at pagbilis ng puso si Kian sa 'di niya maipaliwanag na dahilan. Para bang may ibig iparating na may masamang nangyari o mangyayari dahil sa pagkabasag ng basong iyon.
***
Feehily's Residence
"Babe, may kilala akong puwede mag-administer ng wedding natin. Puwede si judge. What do you think?" tanong ni Cailean.
Nanatiling tahimik lang si Mark na noo'y umiinom lamang ng chocolate drink.
"Babe? Ano sa ting—"
Naputol ang sasabihin ni Cailean nang ibagsak ni Mark ang tasa sa lamesa.
"Let's call off the wedding."
Kumunot ang noo ni Cailean habang nakatitig sa nobyo.
Muling nagpatuloy si Mark. "Ayoko na."
"What?!"
Mariing tiningnan ni Mark ang binata. "Maghiwalay na tayo."
"Bakit? Dahil na naman ba sa babaeng 'yun?" Nasapo ni Cailean ang kaniyang noo. Umiling-iling siya at bumuntong-hininga. "Ayusin natin ito. I think you're just feeling cold feet."
"That's not right." Umiling-iling si Mark. "Listen, Cailean. No'ng dumating ka sa buhay ko, we immediately became close to each other. We became a thing, and we agreed to stay together because we felt that we love each other. But Cailean, during those weeks that I was away from you makes me realize one thing. That what I really feel for you is only a sibling kind of love. Na siguro naghahanap lang ako ng kalinga ng isang kuya, ng isang kapatid."
Saglit na tumigil si Mark sa pagsasalita. Kita naman ang pagkuyom ng mga palad ni Cailean.
"When Jem came into my life, I thought that life is just testing our relationship. Pinilit kong pigilan. Pero nagkukusa ang puso kong mahalin siya." Makahulugan niyang tinitigan si Cailean. "I love her. And this time, I am 100% sure."
"Sibling kind of love?" Mapaklang tumawa si Cailean na noo'y pinangingilidan na ng luha. "I never felt that you treat me as a brother, Mark." Umiling-iling siya. "Sabihin mo na lang kasi, na nabaliw ka lang diyan sa babaeng 'yan kaya ka nagkakaganiyan. Hindi 'yung kung ano-ano pa ang idinadahil—"
"Paano kung oo? Na baliw na baliw nga talaga ako sa kaniya. Na walang araw na hindi ko siya naiisip. Na araw-araw siyang tumatakbo sa isip ko?"
Napaawang ang bibig ni Cailean habang nakatingin kay Mark. Mayamaya ay napatingala siya at sunod-sunod na tinampal niya ang noo. "I can't believe this is happening."
Naglakad paroon at parito ang binata habang nakapamaywang. "Fine."
A smirk was formed on Cailean's lips. He looked at Mark. "You made my life miserable, Mark. I'm going to make that woman's life miserable too. Damay-damay na 'to."
"Are you out of your mind?" Napataas na ang boses ni Mark sa pagkakataong iyon. Mahigpit niyang hinawakan sa braso ang kaharap.
"Yes! And that is because of you!" Kumawala si Cailean sa pagkakahawak sa kaniya ni Mark. Kita ang pagngitngit ng mga ngipin niya.
"Ako na lang ang pagbuntunan mo ng galit mo, huwag si Jem." Pilit pinakakalma ni Mark ang boses.
Umiling-iling si Cailean. "I've already made up my mind. Kung gusto mo talaga siyang hindi mapahamak, tapusin ninyo ang lahat ng namamagitan sa inyo, then we'll get back together. Bahala ka kung ano ang gagawin mo. Kung gusto mong bumalik sa Pilipinas para kausapin siya, I don't give a shit. Just make sure to cut ties with that woman. Dahil kung hindi..."
He intentionally didn't continue his last sentence. Tumayo na siya at pumasok sa kuwarto. Mayamaya ay may dala na siyang maleta.
"I'm giving you thirty days to fix everything. I'll stay in the townhouse for the meantime." Tuluyan na niyang nilisan ang bahay ni Mark.
***
Manila, Philippines
Katatapos lang ng recording ng album ni Jem. Iri-release ito isang linggo mula sa araw na 'yun.
"Very good, Jem! Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa iyo. You are a rising star!" pagbati ni Paul na nagha-handle sa kaniya.
"Naku, boss. Baka lumaki ang ulo ko niyan. 'Wag n'yo naman akong kapurihin."
"You deserved every praise dahil may potential ka." Tinapik ni Paul ang balikat ng kaniyang talent. "So paano ba 'yan, magpahinga ka na. Baka anytime this week e mag-shoot na tayo ng MV para sa cover mo ng Written in the Stars. Ang problema nga lang ay kung sino ang puwede mong leading man sa MV."
"Sir Paul! Sir Paul! Sa tingin ko ay 'di mo na kailangang maghanap ng leading man ni Madam Jem," ani Reynalyn na isa sa staff. "May guwapong lalaking naghihintay sa kaniya sa lobby! Parang nakita ko na nga siya dati, eh."
"Ano raw ang pangalan?" tanong ni Jem.
"Hindi ko po naitanong, eh." Napakamot si Reynalyn sa batok niya. "Teka, nandito na pala siya," turo nito sa isang direksiyon.
Sabay na napatingin sina Paul at Jem sa may pinto.
Napanganga si Jem. Hindi siya makapaniwala kung sino ang tinutukoy ng staff na lalaking naghihintay sa kaniya.
Si Mark.
Ang love of his life.
Tila ba nag-slow mo ang lahat ng bagay na nasa paligid niya. Wala nang ibang makita si Jem kung hindi si Mark lang.
Pumalirit ang mga tao na nasa loob ng recording studio.
"Mark Feehily! OMG!"
Nagsipagtakbuhan ang mga babae para yumakap sa binata at humiling ng selfie.
Tinawag ng pansin ni Paul ang security para mapigilan ang pagdami ng mga taong nagtatangkang lumapit kay Mark.
Nang ma-control ang fans na pumalibot sa binata ay saka lang nagkaroon ng pagkakataon ang huli na lapitan si Jem.
"Hi, Jem!" Kumikinang ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa dalaga. Nakatago ang mga kamay nito sa likod.
"You're here," sabi ni Jem na noo'y natutuliro. "Bumalik ka."
"Like what I promised," nakangiting sabi ni Mark. "Flowers for you."
Nagtilian ang mga babae sa paligid na noo'y kinukuhanan na sila ng litrato. Siguradong magba-viral ito.
"Miss na kasi kita," dugtong ni Mark. Lumapit siya sa tainga ni Jem at bumulong, "Do you miss me too?"
Kinilig si Jem sa tanong ng binata. Hinampas niya ito nang mahina sa braso.
"Siyempre naman."
Ilang minuto silang nagsulyapan habang nagngingitian nang pumagitna sa kanila si Paul.
"Ahm, sorry to interrupt, love birds." Pinukulan niya ng tingin ang binata. "Can I have a minute with you?"
"Sure," mabilis na sagot ni Mark.
***
"I have a proposal which I think will benefit you and Jem," panimula ni Paul nang makapasok sila sa opisina.
"Paul.." tangkang pagpigil ni Jem sa sasabihin ng kaniyang manager.
Mark leaned towards Jem. He reached for her right hand and squeezed it. He gave her a dazzling smile. "That's okay, Jem."
Mark nodded at Paul, signaling him to continue.
"I'll be straight to the point." Sumandal si Paul sa swivel chair at dume-kuwatro. "I would like to offer you a project to be Jem's leading man in her music video." Ipinaliwanag ni Paul ang tungkol sa kaniyang inaalok.
"You have a very interesting offer, Paul. But first, I need to consult this to my manager. Hold on one second."
"Sure."
Sandaling lumayo si Mark upang tawagan si Louis. Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang pag-uusap. Nang bumalik siya ay mayroon siyang seryosong mukha. Tiningnan niya muna si Paul at matapos ay kay Jem naman at pabalik ulit sa manager ng huli. Matapos noon ay huminga siya nang malalim.
"Approved."
"Yes!" Pinatok ni Paul ang mesa sa labis na saya.
***
Dublin, Ireland
Muli na namang isinugod si Jodi sa ospital matapos datnan ng mataas na lagnat at makaramdam ng panghihina.
"Mr. Egan, based on the tests that we conducted, Ms. Jodi Albert's white blood cells are higher than normal. I'm sorry to say but the cancer is now on stage two," dire-diretsong sabi ng doktor. "We'll do our best to kill the cancer cells."
"Kung ano po sa tingin ninyo ang makabubuti, gawin n'yo po," wika ng binata.
Pumasok si Kian sa loob ng silid ni Jodi pagkatapos makipag-usap sa doktor.
"Baby," mahinang sambit ng dalaga.
"Shhh.. Magpahinga ka lang. Makakasama sa iyo."
Jodi showed a helpless smile. "Siguro, hanggang dito na lang talaga ang buhay ko." Hirap na hirap na huminga ang dalaga habang sinasabi iyon. "This is my destiny."
"Wag kang magsalita ng ganiyan. Magpagaling ka. P-Papakasalan pa kita, 'di ba?" may garalgal sa lalamunang sabi ni Kian. Sinabi niya iyon para magkaroon ng dahilan si Jodi na ipaglaban ang buhay niya.
Naiangat nang kaunti ng dalaga ang ulo. "T-Talaga, baby?"
Tumango lamang si Kian.
Sumilay ang ngiti sa mapuputlang labi ni Jodi. Sinundan iyon ng pagluha. "Akala ko handa na akong mamatay. P-Pero no'ng sinabi mo na pakakasalan mo ako, nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban."
"Lumaban ka lang. Lakasan mo ang loob mo." Hinawakan ni Kian ang kanang kamay ng dalaga.
Nagtagal pa ng ilang minuto si Kian sa ospital. Pagkarating ng kapatid ni Jodi ay umuwi muna siya.
***
Egan's Residence
"Mom, nandito na po ako."
"Oh, anak. Ikaw pala." Niyakap niya ang bagong dating. "Kumusta na si Jodi?"
Humugot ng malalim na paghinga si Kian. "Her condition has worsened, Mom. Nanghihina ang katawan niya."
Patricia tapped Kian's right shoulder. "I can imagine how it feels to be constantly worried, son. Don't be. I'm praying with you."
"Thanks, Mom."
"Nagluto ako ng potato soup. Kumain ka na muna rito. Dalhan mo na rin si Jodi mamaya para lumakas ang pakiramdam niya." Pinagpag ni Patricia ang mga kamay sa suot na apron. "Siyanga pala, anak. Naglinis ako ng kuwarto mo. Inalis ko na rin 'yong laman ng maleta mo. Mukhang may mga importanteng gamit doon. Ipinatong ko lang sa kama mo."
"Sige, Mom. Mamaya na ako kakain. Titingnan ko lang saglit 'yung kuwarto."
Pagkasabi noon ay umakyat na ang binata.
Tunay ngang malinis na ang kuwarto niya. Wala na ang mga kalat at ilang basyo ng beer na ininom niya nang nagmumukmok siya.
Natagpuan niya ang tinutukoy ng ina. Ilang items mula sa fans. Isang brown envelope at ang scrapbook na ibinigay ni Kathryn.
Naalala niya ang ipinangako niya sa dalaga na babasahin niya ang scrapbook na bigay nito.
Umupo siya sa gilid ng kama. Inumpisahan niyang buklatin ang mga pahina.
Nakalagay sa unang pahina ang old picture ng Westlife na ginupit lamang sa isang songhits magazine. May handwriting doon na dalawang arrow. Isa ang nakaturo kay Nicky, at isa naman ay sa kaniya. Mayroong nakasulat na "Mr. Blue Eyes #1" at "Mr. Blue Eyes #2" sa tabi ng kanilang picture. Mayroong caption na nakalagay sa ibaba:
I don't know their names yet but I would label them as Mr. Blue Eyes #1 and #2! They are my Westlife crushes. :)
Ipinakita naman sa ikalawang pahina ang iba't ibang larawan. May larawan ng notebook ng dalaga na punong-puno ng pangalang 'Kian'. Kian loves Kathryn. Kathrian #29 forever. I love you Kian forever.
Napangiti siya nang makita iyon.
Sa ikatlong pahina ay may nakadikit na news article nang maging sila ni Jodi. There were also several pictures of Jodi and him na pinatungan ng heart stickers. Sa baba ay may caption:
They are the most perfect couple in my eyes! I ship them! :) I hope Jodi takes care of Kian. If not, I'm gonna take him. Hahaha. Just kidding! Jodian forever. ❤
Pictures ni Kian mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan ang nasa ikaapat na pahina. Hina-highlight doon ang iba't ibang hair style ng binata.
Caption: Loving all of his hairstyles! Even though he'll be bald, it wouldn't mind me. He will always look handsome in my eyes. :)
Sa ikalima hanggang ikasampung pahina naman ay ipinakita ang pictures ni Kathryn habang hawak ang merch na ipina-personalize niya na may mukha ng Westlife at ni Kian.
Aliw na aliw si Kian na tingnan ang mga larawan dahil pinaglaanan talaga ni Kathryn ng effort at pera ang pagkuha ng mga iyon. Tulad na lang ng Kian doll. Ipinakita kasi 'yung picture ng pagbasag ng dalaga ng alkansiya niya at sa tabi naman noon ay hawak na niya ang Kian doll na pinakaaasam.
Nakaramdam ng tuwa si Kian dahil doon.
Ang mga sumunod na pahina naman ay ilang pictures na kinuhanan no'ng concert hanggang sa Amanpulo na inabot ng dalawampung pahina.
Nakangiti lang siya habang binubuklat ang bawat pahina.
Narating na niya ang huling pahina at naroon naman ang isang mahabang sulat. Binasa niya ito.
Dear Kian my hubbyloves,
Ahahaha 'wag kang mabibigla sa tawag ko sa 'yo. I call you hubby na talaga kahit noong 'di pa tayo nagkikita. Iniisip ko kasi talaga na hubby kita kahit hindi naman. Hahahaha. So ayun na nga nasaksihan mo na ang kabaliwan ko sa 'yo since day one? Ikaw kasi, eh. Bakit ka pa kasi nag-exist? Yan tuloy, naging parte ka na ng mundo ko simula pa no'ng una! Hehe.
Ang labo ba? Oo nga. Kasinlabo ng chance na maging tayo. Char. So ayun lang naman, gusto ko lang mag-thank you. Thank you for fulfilling my fangirling goals. Thank you kasi sa wakas nagkaroon na ng sagot ang mga panalangin ko. Thank you for being my inspiration within the past one decade. Sabi nga sa kanta 'You're the meaning in my life. You're the inspiration.' Naks naman! Thank you for the kisses (on the cheeks. Ehem, baka may makabasa pang iba eh haha)
Thank you so much, Kian. You left me precious memories that I will remember forever. Kahit 'wag na akong mag-asawa, okay lang. And kung 'di mo mamasamain? Ituturing pa rin kitang hubby kahit magkalayo na tayo. Iisipin ko na lang na long distance 'yung relasyon natin kaya 'di tayo nagkikita hahaha lol. (Pero kung naki-creepy-han ka naman sa part na 'yun e pwede mo naman akong sawayin hehe)
So ayun, ingat ka sana and God bless sa journey ninyo at ng ibang lads. Always remember that I will be your fan forever.
Your #1 fan,
Kathryn Alexandria Rodriguez-Egan (just kidding lol)
-President of Kian Egan Philippines, your wife in the parallel universe and your wife in next life haha kidding only ^_^
Napangiti si Kian nang isara ang scrapbook na hawak.
Now I already begin to doubt if she really didn't love me..
Hmm. Kumusta na kaya siya?
***
Manila, Philippines
"Ganda talaga ng kaibigan ko! Talagang binalikan talaga ni Mark, eh," saad ni Mae na sinuklayan ang dulo ng buhok ni Jem.
"Wala na bang sabit 'yan, bakla?" makahulugang tanong ni Analisa habang nakaismid.
"Feel ko, wala na. Look oh, nagpalit ng black profile pic si Cailean sa IG." Ipinakita ni Mae ang cellphone. "At saka wala na 'yung pictures nila ni Mark."
Hindi alam ni Jem ang mararamdaman sa pagkakataong 'yun.
"Okay, fine. Kung break na talaga sila, puwede na akong kiligin sa Jem at Mark ship," ani Analisa na noo'y magaan na ang ekspresiyon sa mukha.
Nag-apir sina Mae at Analisa at napatalon sa kilig.
"Oy, 'wag kayong ganiyan. Parang ang bad mag-celebrate habang may nalulungkot na isang tao," suway ni Jem sa kanila.
"Siguro wala namang masama, bakla. Kasi at least we know, bago ka ulit pormahan ni Mark ay tinapos na muna niya 'yung sa kanila ni Cailean. Ang masama kasi ay 'yung pinagsabay kayo."
"Pero kasi..."
"Hay naku. Masyado mong inaalala si Cailean. Ako na ang bahala roon. Gagawin ko na lang din siyang lalaki. Pero magpapa-coach muna ako sa 'yo para mataas ang success rate," himig-biro ni Mae.
"Gaga."
Napatawa silang tatlo dahil doon.
Mayamaya ay humupa ang tawanan nila. Nagsalita si Jem. "May kulang."
"'Yung tawa ni Kathryn," dugtong ni Analisa. Sabay-sabay silang humugot ng malalim na paghinga.
"Kumusta na kaya 'yung kaibigan nating 'yun?" tanong ni Mae. "Wala akong balita mula nang itakbo siya sa ospital ng parents niya. Naka-deactivate rin lahat ng kaniyang social media accounts. Wait, tawagan ko nga."
"Naku, baet. Cannot be reached. Katatawag lang namin kani-kanina," banggit ni Analisa.
"Maybe she needs some sort of privacy. Ipanalangin na lang natin na sana okay silang dalawa ng inaanak natin."
"Hopefully," wika naman ni Jem.
***
St. Helen Medical Center
Lucena, Quezon
Tila ba nagising sa isang mahimbing na pagkakatulog si Kathryn. Inilibot niya ang paningin.
Puting kisame.
Puting dingding.
Puting damit.
Puting higaan.
Am I in a hospital?
Napatigil siya nang ilang segundo at napahawak sa may puson.
A-Ang baby ko?
Ginising niya ang natutulog niyang ina na nakasubsob sa tabi ng kama.
"Ma! Ma!" yugyog ni Kathryn kay Aling Adel.
"K-Kathryn?! Teka, tatawag ako ng doktor!"
"Ma, teka lang. 'Yung baby ko? Okay lang ba siya?"
"Sandali, anak. Tatawag lang ako ng doktor. Diyan ka lang!"
Naiwang mag-isa si Kathryn sa silid.
Ang anak ko...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro