Chapter 38 - Confirmed
Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC
Pabalik-balik na naglalakad sa loob ng sala si Jem. Nakatingin lang sa pinto ng CR si Analisa at si Mae naman ay panay ang pahid ng pawis sa noo dahil sa kaba.
Nasa loob naman ng CR si Kathryn. Hinihintay niya ang paglabas ng resulta sa pregnancy kits na binili nila.
Binalikan niya ng tanaw ang nangyari kanina.
Nang masigurong wala na siyang maisusuka ay ipinahid niya ang likod ng kamay sa bibig. Itinuwid na niya ang pagtayo at saka hinarap ang mga kaibigang kanina pa hagod nang hagod sa likod niya.
"Ano, bakla? Okay ka na?" may pag-aalala sa tinig na tanong ni Mae.
Tumango-tango si Kathryn. "Okay lang ako. Nabahuan lang ako sa cinnamon na naamoy ko kanina."
"Cinnamon?!" sabay-sabay na sambit ng kaniyang mga kaibigan.
"Ah, baka naamoy mo 'yung nabili ko kanina sa Pan de Manila," ani Analisa. Kinuha niya ang cinnamon bread na nasa bag at ipinakita iyon sa mga kaibigan.
Pinangmulagatan siya ng tingin nina Jem at Mae. Namalayan na lang nila na tumalikod nang muli si Kathryn para dumuwal.
Napangiwi si Analisa at nag-peace sign sa kaniyang mga kaibigan.
Makalipas ang ilang minuto ay nahimasmasan na si Kathryn.
"Grabeng bagsik ng amoy niyang cinnamon. Sobrang sama." Itinakip ng dalaga ang kamay sa ilong. "Ilayo n'yo nga sa akin 'yan, please?"
"Wala na bakla, tinapon na ni Analisa kanina," saad ni Jem.
Inakay na nila ang dalaga papunta sa couch.
***
"You are acting weird lately. Kumakain ng tinapay na may palamang ketchup lang tapos nasusuka sa amoy ng cinnamon. Naglilihi ka ba?" tanong ni Jem sa kaibigan.
"Gagi. H-Hindi. E-Ewan," kinakabahang sabi ni Kathryn.
Tiningnan siya ng kaniyang mga kaibigan.
"Hindi ba kayo gumamit ng proteksiyon no'ng nag-chukchakchenes kayo ni Kian?" tanong ni Mae.
Umiling-iling ang dalaga.
Pinagkrus ni Analisa ang mga braso. "So ayun. Posible nga."
"Ganito na lang." Hinarap ni Jem si Kathryn. "Mag-PT ka para masiguro kung nandiyan na nga si future inaanak sa sinapupunan mo."
"Nakakakaba," saad ni Kathryn.
Inismiran siya ni Jem. "Hay naku, nakakakaba talaga. Tara na."
***
"Ate, pabili po ng PT," sambit ni Mae.
Siniko ni Kathryn sa gilid ang kaibigan. "Bakla, hinaan mo lang 'yung boses mo. Nakakahiya."
"Ay, aarte pa," sabi ni Mae. "Pregnancy kit lang naman ang bibilhin natin, hindi pampalaglag."
Bumili sila ng limang piraso ng kits na iba't iba ang brands para makasiguro sa resulta. Matapos bumili ay tinungo na nila ang condo ni Kathryn para doon isagawa ang pregnancy testing.
***
"Oh my gosh!"
Tarantang tinungo ng magkakaibigan ang pinto ng CR nang marinig nila ang pagsigaw ni Kathryn.
Kinatok nila ang kaibigan. Hindi nagtagal ay pinagbuksan sila ni Kathryn. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang hitsura nito.
Hinawakan ni Mae ang isang balikat ng dalaga. "Ano? Ninang na ba ako?"
"Positive?" tanong ni Jem.
"Boy or girl?" ani Analisa.
Sinuway siya ni Jem. "Gaga ka, boy or girl agad? 'Di pa nga alam kung positive, eh."
"Ay, oo nga. Haha." Binalingan ni Analisa si Kathryn. "So ano na, bakla?"
Imbes na magsalita ay inilahad ng dalaga ang kits sa harap ng mga kaibigan.
"OMG!!!" Napuno ng nakabibinging pagtili ang condo.
Lahat ng hawak na kits ni Kathryn ay may dalawang guhit. Ibig sabihin noon, buntis siya.
Napatalon ang tatlo niyang mga kaibigan sa tuwa samantalang siya ay nanatiling nakatayo at nakatulala.
Unti-unting nagsi-sink in sa utak ni Kathryn ang lahat. Na nagbunga ang nangyari sa kanila ni Kian.
Bumuntong-hininga siya at hinimas ang tiyan. Kinausap niya ang munting buhay na naroon.
Anak? Patawarin mo si mommy ha?
Magigisnan mo ang mundo nang wala kang kikilalaning ama.
'Wag kang mag-alala.
Hindi ka naman pababayaan ni mommy.
Mamahalin kita at 'di ko ipararamdam sa 'yo na wala kang tatay.
***
Dublin, Ireland
Unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Jodi kahit mayroon pa rin siyang leukemia. Dalawang beses siyang nagke-chemotheraphy sa isang buwan. Sa buong panahon na iyon ay kasama niya si Kian, bagay na nagpapasigla sa puso niya.
Subalit sa tuwing mapapatingin siya sa asul na mga mata ng nobyo ay alam niyang may malalim itong iniisip. Na sa likod ng mga matang iyon ay ang pusong nagluluksa at nagdurusa. Kian might be physically present beside her but she is aware that he is mentally present in the Philippines.
It hurts her like her heart is being crumpled. The fact that his boyfriend bears a pain because of another woman hurts her like hell.
Pero hindi niya susukuan si Kian. She is determined to get him back to the same Kian who loved her for three years. Naniniwala siya na mapapawi rin agad ang nararamdaman ng nobyo para sa babaeng minsan lang nitong nakilala.
Kian, bumalik ka na.
***
Myrtle Condominium, Tower 1, 10th floor, Unit 101
Cubao, QC
"Bakla, uuna na kami ha? Ingatan mo ang sarili mo pati na rin ang inaanak namin. I-chat mo lang kami kung gusto mong samahan ka namin magpa-check up," bilin ni Mae sa kaibigan.
Malumanay na tumango si Kathryn sabay hawak sa braso ng nagsalita. "Kakausapin ko lang si Jem. Mauna na kayo."
Humakbang na palayo sina Mae at Analisa samantalang naiwan naman si Jem.
Kunot-noo na nilingon ni Jem ang kaibigang si Kathryn. "Bakit?"
Humugot muna ng malalim na paghinga ang dalaga bago sumagot. "Alam kong may komunikasyon pa kayo ni Mark..." Tiningnan niya nang may pagmamakaawa si Jem. "Kung maaari sana, huwag mo sanang banggitin sa kaniya ang pagbubuntis ko. A-Ayoko sanang makarating ang tungkol dito kay Kian."
"P-Pero si Kian ang ama ng dinadala mo."
"Please.."
Napakibit ng mga balikat si Jem at hinarap ang kaibigan.
"Okay. Your secret is safe with me. Ang akin lang naman, dugo at laman 'yan ni Kian. May karapatan pa rin siya sa bata. Hindi mo maililihim sa kaniya habambuhay ang tungkol diyan. Malalaman at malalaman niya rin 'yan."
"Bahala na. Pero thank you pa rin sa payo mo, Jem. Isasapuso ko 'yan."
"Concern lang ako sa 'yo," wika ni Jem at tiningnan ang kaibigan. "I'll go ahead. Take care of yourself." Humakbang na siya patungo sa elevator.
Ngayon ay mag-isa na lamang si Kathryn at pinaplano naman niya kung paano niya sasabihin ang lahat sa mga magulang niya.
***
Lumulan sa provincial bus pauwi sa Lucena si Kathryn. Uuwi siya sa bahay ng mga magulang niya.
Nagwawalis ang kaniyang ina nang ito ay kaniyang datnan.
"Kathryn?!"
"Mama!"
Mahigpit na yakap ang ibinigay ng mag-ina sa isa't isa. Lumabas naman ang kaniyang papa at mga kapatid nang mabatid nila ang kaniyang pagdating.
"Ang tagal mong 'di nakauwi ha," ani ng papa niya.
"Oo nga po, eh. Pasensya na po kung ngayon na lang ulit nakadalaw."
Nag-unahan ang kaniyang mga kapatid sa pagkuha ng bag niya. Alam naman niya na pasalubong lang ang pakay ng mga ito.
"Hati-hati kayo. Walang lamangan."
Nagpalit na ng damit ang dalaga at tinungo na niya ang kuwarto. Malinis at maayos ito. Halatang palaging nililinisan ng mama niya.
Hinawakan niya ang personalized Westlife pillows na nakalagay sa ibabaw ng kama. Tinitigan niya isa-isa ang mga ito. Nang magtungo siya sa pillow na may larawan ni Kian ay bigla siyang napahagulgol ng iyak.
Iyak siya nang iyak na tila ba ay noon lang ulit siya nakaiyak nang ganoon.
Miss na miss na niya si Kian.
Miss na niya 'yung kulitan nila, ang pagpapalitan nila ng halik at ang pag-aalaga nito sa kaniya.
She misses everything about him.
Pero wala na. Ipinagtabuyan na niya ito papunta sa iba.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagluha niya hanggang sa makatulog na siya sa pagod.
***
Dublin, Ireland
Kasalukuyang nagpa-practice ang Westlife para sa kanilang nalalapit na Wembley Stadium Concert. Kapansin-pansin ang pagiging wala sa focus ni Kian dahil madalas itong magkamali.
"Kian, are you okay?" tanong ni Shane. Katatapos lang ng tatlong oras na practice nila.
Iling ang isinagot ng binata.
"Iinom na nga natin 'yan!" ani Nicky na inakbayan ang nalulungkot na kaibigan.
Pumunta silang magkakabanda sa pinakamalapit na bar para mag-inuman. Muli ay kumuha sila ng isang private room.
Kumuha sila ng dalawang case ng beer na pinangunahang kuhaan ni Kian. Kaagad nitong nilagok ang isang bote at nakapangalahati agad siya ng nainom.
"Bro, dahan-dahan lang. Marami pa ito. Di ka mauubusan," ani Brian.
Binalewala lang ni Kian ang sinabi ni Brian at ipinagpatuloy pa niya ang paglagok ng alak.
Kung maglalasing ba ako, malilimutan ko siya?
Pero ayoko siyang kalimutan.
I realize that I'm deeply, madly in love with her.
Pero bakit sa kaniya parang wala lang?
May mali ba sa akin? May ginawa ba ako na ikina-turn off niya?
I miss her so bad.
Nagbukas muli ng isa pang bote si Kian at muli itong nilagok nang tuloy-tuloy.
Napailing na lang ang mga kaibigan niyang sina Brian, Mark, Nicky, at Shane habang nakatingin sa kaniya.
***
Feehily's Residence
"Babe, saan mo dadalhin 'yang mga unan?" bati ni Cailean kay Mark na noo'y kalalabas lamang ng kuwarto niya. Kuwarto nila actually.
"Sa guest room ako matutulog."
"Seriousl—" Tiningnan lang siya ni Mark bago ito tuluyang pumasok sa guest room. Dinig din mula sa loob ang pag-lock nito ng pinto.
Padabog na napaupo si Cailean sabay hagod sa kaniyang sintido. Palilipasin na lamang niya ang pag-iinasta ni Mark sa ngayon. Natatakot siya na sakali mang awayin niya ito ay lalo lamang ito magkaroon ng dahilan para iwan siya.
***
Lucena, Quezon
Alas diyes ng gabi ay nagising si Kathryn. Nakaramdam siya ng pagnanais na makakain ng tinapay na may palamang ketchup kaya bumaba siya para pagbigyan ang cravings niya.
Nadatnan niya ang mama niya na nagtatahi ng mga uniporme ng kaniyang mga kapatid gayundin ang ama niyang katitimpla lamang ng mainit na kape.
"Nariyan ka pala, anak. Parito at kumain ka. Ipinagluto kita ng lengua estofada. 'Yung paborito mo," pangyayakag ng mama ni Kathryn.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga na punong-puno ng pananabik. Kaagad siyang sumandok ng maraming kanin at naglagay ng maraming ulam. Napatingin na lamang sa kaniya ang mga magulang na noo'y nagtataka. Pangtatlong tao kasi ang isinandok ng kanilang anak.
Naubos na ni Kathryn ang kinain at halos sairin niya ang laman ng pinggan.
"Anak, 'di ka ba nakakakain nang maayos doon? Parang ngayon ka lang nakakain ng totoong pagkain," ani ng kaniyang ama.
"Ah.. eh.. Di naman po, Papa. Hehe."
"Ang lakas mo kumain. Para kang mauubusan," bati ng kaniyang ina.
Napangiti si Kathryn at bigla siyang napayuko.
"May dinaramdam ka ba?" tanong ni Aling Adel.
Dahan-dahang iniangat ng dalaga ang ulo. Tiningnan niya ang ama at ina. "M-May gusto po sana akong sabihin."
Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang. Parehas na lumapit ang dalawa sa kaniya.
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Kathryn bago nagsalita. "Ma, Pa. Buntis po ako."
Mariing itinikom ng papa niya ang mga kamay. "Ano? Sino ang ama?" Ang mama naman niya ay napatakip ng bibig.
"Alam ko pong hindi kayo maniniwala pero.. si Kian Egan ng Westlife po," ani Kathryn na nanatili pa ring nakayuko.
Ilang segundong patlang ang lumipas. Mayamaya pa ay pumalatak ng tawa ang dalawa.
"Hahahahahahahaha."
"Ahahahahahahahaha."
"Naku, 'nak. Napanood ko na 'yan sa YouTube. Ipa-prank nila ang mga magulang nila na buntis kamo sila tapos sasabihin na ang ama ng ipinagbubuntis ay isang celebrity. Teka, saan mo itinago 'yung camera rito?" ani ng mama niya na kunwa'y naghahanap.
"Ma naman!" saad ni Kathryn na noo'y nakahalumbaba na sa lamesa.
"Ikaw kasi, anak. Kahit matanda na kami ng mama mo, marunong naman kami sa mga YouTube YouTube na 'yan," ani ng papa niya na ginulo-gulo pa ang buhok ni Kathryn.
"Aakyat na nga po ako. Siguro maniniwala lang kayo 'pag sakaling malaki na ang tiyan ko," sabi ni Kathryn na nagkakandahaba na ang nguso.
"Boyfriend nga wala ka, tapos mabubuntis ka? Wag kami, anak."
"Hay naman. Si mama talaga. Aakyat na po ako."
Yung inipon ko 'yung lakas ng loob ko para sabihin lang 'yun tapos gagawin lang nilang katatawanan. Hayyy.
***
"Good morning, everyone! Thank you for tuning in again to another edition of our program, 'The Breakfast Show'! I am Eoghan McDermott and here is my partner Doireann Garrihy to be with you. We have very special guests today."
"All the way from Dublin, please welcome Shane, Brian, Mark, Nicky, and Kian of Westlife!" bungad na pagbati ni Doireann.
Masigabong palakpakan ang pumuno sa studio ng programa.
"Good morning, Westlife! It's good to know you are finally back. What's your plan?" pag-iinterview ni Eoghan sa lads.
"As of now, we are preparing for our big show in Wembley. I am so excited 'cause we will be performing there again together," ani Shane.
"Cool! Wishing the best for your upcoming show. Anyways, what do you got for us now?" tanong ni Doireann.
"We are going to sing few songs from our old tracks. We will start with 'I Don't Wanna Fight' so let's get it on!" ani Mark.
***
"Oh Jem, napatawag ka?"
"Magbukas ka ng Facebook page ng RTE 2fm. Live sila ngayon, dalian mo na!"
Dali-daling binuksan ni Kathryn ang laptop niya at pumunta nga siya sa page ng RTE 2fm. Live ang Westlife ngayon.
"I Don't Wanna Fight" pa.
Nananadya yata, eh.
150+ 'yung kanta nila pero iyan pa 'yung napili nila.
🎵 I can't sleep
Everything I ever knew
Is a lie without you
I can't breathe
When my heart is broke in two
There's no beat, without you
You're not gone, but you're not here
Instead that's the way it seems tonight
If we could try to end these wars
I know that we can make it right
Cause baby 🎶
Palipat-lipat ang camera sa lads. Sa tuwing napo-focus nito si Kian ay nakararamdam ng bigat sa puso ang dalaga.
Makikita sa mukha ni Kian ang kalungkutan na parang damang-dama nito ang bawat liriko.
I don't wanna fight no more
I forgot what we were fighting for
& this loneliness that's in my heart
Wont let me be apart from you
I don't want to have to try
Girl to live without you in my life
So I'm hoping we can start tonight
Cause I don't wanna fight
No more 🎶
B-Bakit parang.. naluluha si Kian?
Mayamaya pa ay nakita niyang may isang butil ng luha na dumaloy sa kanang pisngi ng binata. Isa. Dalawa hanggang sa naging sunod-sunod na.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-awit ng lads bagama't napansin na nila ang kanilang kabanda na umiiyak. Concerned na tiningnan nila si Kian.
Pilit na ngumiti ang binata at nag-thumbs up pa sa kaniyang mga kasamahan maging sa hosts ng radio show. Bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang sakit na nararamdaman.
Natapos ang kanta at may kasunod pa sana ngunit napagdesisyunan ng hosts na mag-commercial muna upang mahimasmasan si Kian.
Nag-trending agad ang nangyari. Nalaman agad ito ng buong Ireland maging ng fanbase ng Westlife sa iba't ibang panig ng mundo lalong-lalo na sa Pilipinas.
***
Nag-video call ang magkakaibigang sina Analisa, Jem, Mae, at Kathryn.
May lungkot sa mga matang tinitingnan ng tatlo si Kathryn na noo'y iyak nang iyak.
"Uy, bakla," tanging nasabi ni Mae. Hindi siya makaapuhap ng tamang salita para i-comfort ang kaibigan.
"Tahan na, baka makasama sa bata," pag-alo ni Jem.
"Kaya mo 'yan, bakla," banggit ni Analisa. "Chair up." Ini-enable nito ang screen share at nagpakita ng meme ng isang bata na may hawak na upuan.
"Namo ka, Analisa," ani Jem na hindi alam kung matatawa o maiiyak.
"Joke lang, bakla. Pinatatawa lang kita," saad ni Analisa kay Kathryn.
Nanahimik na ang tatlo. Hinayaang maglabas ng emosyon ang kaibigan.
"Hindi ko siya kayang makitang nasasaktan. Minsan, pinagsisisihan ko ang pagtaboy ko sa kaniya. Na kung ipinaglaban ko siya e hindi siguro kami nasasaktan parehas. Pero, eto na 'yun, eh. Kailangan ko nang pangatawanan ito. He's hurt with a lie. A lie that I never loved him which is exactly the opposite of what I really feel. I love him so much."
Napahagulgol na nang tuluyan si Kathryn.
Mayamaya, ang hagulgol ay napunta sa sigaw..
"Dugo! Dugo! Ahhhhh!"
Napasigaw nang malakas ang magkakaibigan na nataranta dahil nawalan ng malay ang kaibigan nila sa kama. Kitang-kita nila ang pulang likido na umaagos palabas sa shorts nito.
Makikita rin sa camera ang mga magulang ni Kathryn na humangos papasok sa kuwarto niya nang marinig ng mga ito ang pagtili ng anak.
Napintahan ang mukha ni Aling Adel ng pagkabigla. Ang papa naman ni Kathryn ay walang sinayang na sandali para buhatin ang anak nila.
"Pakiabot ng susi ng kotse, mahal," sigaw ng papa ni Kathryn bago mawala ito sa camera.
Ano ang mangyayari kay Kathryn?
Makaka-move on ba si Kian?
Maililigtas ba ang batang dinadala ni Kathryn?
Abangan..
•••
Author's note:
So ayun, ngayon lang talaga ako sisingit ng comments sa chapters na isinusulat ko. :)
Kaway-kaway sa mga active and silent readers ko na patuloy na sumusuporta sa story ko simula Chapter 1. You are the best guys! Let me know what are your thoughts? Do you want a happy or a tragic ending? I'll definitely read your suggestions.
P.S. Hindi pa po matatapos 'yung story. Nagsu-survey lang po ako. 🤣😅
Sabihan n'yo lang po ako kung gusto ninyo ng cameo sa next chapters. I'll include you. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro