
Chapter 36 - The Dilemma
Minsan, may mga bagay na akala natin pangmatagalan na.
Pero 'di natin alam e pansamantala lang pala.
Paano kung 'yung mga bagay na makapagpapasaya pala sa 'yo,
Ay siya palang magpapaluha sa iba?
Handa ka bang magparaya para sa ikasasaya ng iba?
O handa kang ipaglaban 'yung pag-ibig mo na alam mong may kasiguraduhan na?
Hanggang saan at hanggang kailan mo ipaglalaban ang taong mahal mo na alam mong mahal ka rin?
The Garden Suite Hotel
Car Parking
Magkayakapan pa rin sina Mark at Jem nang may marinig silang tunog ng mga susi na nalaglag.
Napalingon sila sa pinanggalingan noon. Parehas silang nagulat nang makita kung sino ang naroon.
"C-Cailean?!" ani Mark.
Hindi pa nakatatagal ay dumating naman sina Shane, Nicky, at Brian. Buhat nila ang walang malay na si Jodi.
"What happened?" Panandaling nalimutan ni Mark ang eksena. Napokus ang atensiyon niya sa malapit na kaibigang si Jodi.
"She lost consciousness, bro," sagot ni Brian.
"She has cuts on her wrists," sabi ni Shane na itinuro ang mga mabababaw na sugat na tinutukoy niya.
Napuno ng tensiyon ang mukha ni Mark. "Let's bring her to the nearest hospital."
"Hop in. I'm going to drive the car," ani Jem na pumiwesto sa may manibela. "May license ako."
"Wait."
Napatingin ang lahat nang magsalita si Cailean.
"I'll come with you." Binuksan nito ang pinto ng passenger's seat.
Nagkatinginan nang makahulugan sina Mark at Jem dahil doon. Wala silang nagawa dahil nakaupo na si Cailean sa likuran nila.
Nang makasakay ang lahat ay pinaharurot na ni Jem ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital.
***
Vivere Hotel
Mag-aalas dose na ng tanghali ay mahimbing pa ring natutulog ang magkayakapang sina Kathryn at Kian. Kapwa sila may ngiti sa kanilang mga labi na sumisimbolo sa mapayapa nilang pagtulog.
Ilang minuto ang lumipas ay binulabog sila ng isang tawag.
Jem Feehily is calling you..
Tiningnan ni Kathryn ang cellphone.
Bakit kaya tumatawag itong baklang ito? Alam naman niyang hindi ako sumasagot ng tawag.
Tinitigan lang niya ang cellphone hanggang sa tumigil na ang pagtawag ng kaibigan.
Nakahinga siya nang maluwag.
Babalik sana siyang muli sa pagtulog nang muling tumawag si Jem.
"Answer it, Kathy," ani Kian na nakayakap sa likod ni Kathryn. Ang baba niya ay nakatuon sa collar bone ng dalaga.
She nodded and answered the phone call.
"Bakla!" bungad sa kaniya ni Jem. "Si Kian, kasama mo?"
"Ouch!" Inilayo ni Kathryn ang cellphone. "Ang sakit sa tainga ha? Oo, kasama ko siya. Bakit?"
"Hand him the phone!"
Nakaramdam ng urgency si Kathryn base sa tono ng kaibigan kaya ibinigay niya agad ang phone sa katabi.
Tumayo ang binata na noo'y nakatapis lang ng tuwalya. Si Kathryn naman ay nakahiga habang nababalutan ng puting kumot sa katawan. Nakatingin lang siya kay Kian.
"Hello, Jem." Ilang segundong patlang ang dumaan. Mayamaya ay lumakas ang boses ni Kian. "Ano? Ospital? Saan?"
Napasinghap ang binata. Bakas sa mukha niya ang pagkabagabag.
Tiningnan niya si Kathryn na noo'y gustong makibalita.
"Nasa ospital si Jodi. Naglaslas daw."
"Ano?!"
***
St. James Medical Center
Quezon City
Humahangos na nakarating sina Kian at Kathryn kung saan naka-confine si Jodi.
Nadatnan nila sa loob ng room ang lads, si Cailean, Jem, Louis Walsh, at ang attending physician ni Jodi.
"How is she, doc?" tanong ni Kian.
Inayos ng doktor ang hawak na stethoscope. Isinuksok iyon sa bulsa ng white coat na suot. "Kaano-ano po ninyo ang pasyente?"
Napatigil sa pag-uusap-usap ang mga tao sa room kabilang na si Kathryn. Napukol ang pansin nila kay Kian.
"I-I'm her boyfriend."
Naglipat ang tingin ng lahat kina Kian at Kathryn. Ramdam nila ang pagkailang ng paligid.
Dumistansya nang kaunti ang doktor upang harapin si Kian.
"She has lacerations on her right wrist which caused too much bleeding. We also noticed some contusions so we conducted some tests." He paused. "I'm sorry but your girlfriend has Leukemia."
Naisapo ni Kian ang kamay sa mukha dahil sa nalaman.
Marami pang sinabi ang doktor pero halos lahat ng iyon ay hindi na tumitimo sa isip ng binata.
Jodi has cancer. Iyon lang ang malinaw sa kaniya.
***
Pinalibutan si Kian ng kaniyang mga kasamahan. Hinawakan ng mga ito ang balikat ng binata bilang pagdamay.
Nilapitan ni Jem si Kathryn na noo'y nakayuko. Nililibang nito ang sarili sa pagtingin sa tiles ng sahig.
Mayamaya pa ay may narinig silang mahinang pag-ungol sa hospital bed. Gising na si Jodi.
Binuksan ng dalaga ang mga mata. Inilibot ang tingin sa paligid at natigil iyon sa lalaking pinakatatangi. Si Kian.
"Baby," hirap man sa pagsasalita ay pilit na ngumiti si Jodi. "You're here."
Marahang tumango lang ang binata habang nakatuon ang pansin sa nobya.
Muling iginala ni Jodi ang paningin. Kinikilala niya ang bisitang naroon bukod kay Kian.
Napatiim-bagang siya nang mapunta ang tingin niya sa dako nina Jem at Kathryn.
"Y-You." Dinuro ni Jodi si Kathryn.
"M-Me?" Tumingin pa sa likuran ang dalaga para siguraduhin na siya nga ang tinutukoy ng nobya ni Kian.
A fraction of Jodi's lips lifted into a smirk. "You really have the guts to face me after flirting with Kian huh?"
"Jodi."
"Wag mo akong pigilin, baby." Nilingon niya si Kian. "Kailangan kong ipamukha sa babaeng ito kung saan siya dapat lumugar."
Muling pinukulan ni Jodi ng masamang tingin ang dalaga. "Ganyan ka na ba kadesperada? Look at you. Pati paraan ng pananamit ko, ginagaya mo. Para ano, masulot si Kian?"
Napatingin si Kathryn sa mga nasa loob ng kuwarto - kay Louis Walsh, sa lads, at kay Cailean. Lahat ng ito ay nakatingin sa kaniya. Nang bumaling siya kay Kian ay nakikita niya ang mga mata nitong nangungusap.
"I'm sorry. I-I didn't mean-" Naputol ang sasabihin ni Kathryn nang sumabad si Jodi.
"Of course you mean it."
Lalo pang iniyuko ng dalaga ang mukha. "I-I'm sorry."
Walang sinayang na sandali ang dalaga. Natagpuan na lamang niya ang sariling humahakbang patungo sa pinto ng silid kasunod ang kaibigan niyang si Jem.
Akmang susundan ni Kian si Kathryn ngunit pinigilan siya ni Jodi. Ang kaninang matapang nitong aura ay lumambot. Ngayon ay pinangingilidan naman ng luha ang mga mata ng nobya.
"Please stay."
Ginusto mang sundan ni Kian si Kathryn ay mas pinili niya na manatili sa tabi ni Jodi. Mas kailangan siya nito sa panahong ito.
***
Nang makalabas ng silid ay pinakawalan na ni Kathryn ang kanina pa pinipigil na pagluha. Ang bawat salitang pinakawalan ni Jodi ay sumugat sa damdamin niya.
She found shelter on Jem's arms. Niyakap siya nito.
"Sige, bakla. Iiyak mo lang."
***
Chilltop Cubao
"Ayan kasi. Sinabi nang what stays in Amanpulo, stays in Amanpulo dapat," saad ni Analisa na naiiling-iling pa. "Kayong dalawa ha? Hindi ako nagkulang ng paalala sa inyo, 'di n'yo rin pala sinunod."
Hinampas ni Mae nang mahina ang kaibigan sa braso. "Tama na 'yan. Umiiyak na nga ang kaibigan natin e, pinagagalitan mo pa."
"Eh, ano ang gagawin natin, bakla? Hahayaan lang nating gumawa ng mali 'yang mga kaibigan natin? Para saan pa at naging kaibigan tayo kung kukunsintihin natin sila sa mali? Kailan natin sila sasawayin?"
Muling binalingan ni Analisa sina Jem at Kathryn. "Kailan ba kayo titigil sa kahibangan na 'yan? Kapag nakipag-sex na kayo kina Kian at Mark?"
Napatigil sa pagsinghot ng luha si Kathryn. Napatingin siya sa mga kaibigan.
Pinamutlaan ng mukha si Analisa. "O-Oy. bakla, kinakabahan ako sa titig mong 'yan. 'Wag mong sabihing-"
Sumabad si Jem. "T-Teka. Magkasama kayo ni Kian kanina so..."
Ngayon ay nakatingin na sina Mae, Analisa, at Jem kay Kathryn. Lahat sila ay naghihintay ng kasagutan.
Dahan-dahan siyang tumango. "Kian and I went to bed together."
Sabay-sabay na tinampal ng tatlo ang kani-kanilang mukha.
***
"So, naniniwala na kayo?" ani Kathryn na pasimpleng kumakain ng french fries. Pinanonood niya ang mga kaibigan na nag-i-scroll down ng pictures sa photo gallery ng phone niya.
"Kingina mo, Kathryn. Totoo nga!" bulalas ni Analisa. Nakatingin sila ngayon sa pictures nina Kian sa loob ng hotel room. Kapwa lang sila nakasaplot ng kumot.
"I told you," sabi ni Kathryn na kumuha ng isang beer in a can at nilagok ito.
"Hmm? Ipapasa ko pala 'tong picture sa BBC para mag-viral. Ibebenta ko sa kanila sa malaking halaga," himig-biro ni Mae.
"Raulo ka, bakla," sagot ni Kathryn na natatawa-tawa.
Muling nagpatuloy si Mae. "Daks ba? Tuli?" Nakatanggap siya ng kurot at mulagat mula kay Jem.
Hindi pa rin sila makapaniwala. Z-in-oom in at zoom out pa nila 'yung picture para ma-check ang authenticity noon.
"Sana all nakarat ng Westlife member. When kaya?" dugtong pa ng dalaga. Muli ay kinurot siya ni Jem. Ngayon ay mas madidiin na.
"Aray naman, Jem! Nakakadalawa ka na sa akin, ah?" Sinimangutan niya ang kaibigan.
Medyo napapangiti na si Kathryn. Nagpapagaan ng damdamin niya ang nakikitang pagkukulitan ng mga kaibigan.
Pasimple niyang kinuha ang songbook. Pinili niya ang Kung Di Rin Lang Ikaw na awitin ng December Avenue.
Hindi niya ako hinabol.
Alam ko namang mas pipiliin pa rin niya si Jodi.
At talaga namang dapat si Jodi ang piliin niya..
Sino ba naman ako?
Nanghimasok lang ako sa buhay nila.
Wala dapat ako sa eksena.
Pero bakit? Bakit kailangan ko pagdaanan ito?
Ang sakit pala.
Ganito pala ang ma-broken.
Parang pinipira-piraso ang puso ko.
Sobrang sakit.
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa 'ting dalawa?
Bumibitaw dahil 'di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw?
Mas okay pa siguro 'yung mga panahong hindi mo ako kilala.
'Yung mga panahong kahit simpleng like mo lang, okay na ako.
Hindi tulad ngayon...
I crave more for your attention.
'Yung tipong gusto na lang kita angkinin..
Pero ayaw kong sa ganitong paraan..
Na may masasaktan dahil lang sa sarili kong kagustuhan
I think I need to learn to let you go..
Kahit masakit..
Dahil ito ang tama..
Nang matapos niya ang pagkanta ay tuluyan nang napaiyak si Kathryn. Dinaluhan naman siya ng mga kaibigan niya.
Kaya mo yan, Kathryn. Strong ka 'di ba?
***
St. James Medical Center
Quezon City
Dalawa na lamang sa loob ng kuwarto sina Jodi at Kian.
May katahimikang namamagitan sa kanila. Binasag lamang iyon ni Kian.
"Why did you do that?"
Isang nagtatanong na tingin ang ipinukol ni Jodi sa nobyo. "Huh?"
Tumingin si Kian sa laslas ng nobya.
"N-Nothing." Iniwas ni Jodi ang tingin kay Kian.
"Hindi ka maglalaslas dahil bored ka lang."
Nanatiling nananahimik si Jodi.
Nang hindi makatanggap ng tugon mula sa dalaga ay nagsalita si Kian. "Once we fix your discharge papers, we'll fly back to Ireland. Doon ka na magpapagamot."
Lumiwanag ang mukha ni Jodi. "Really? We're going back to Ireland, baby?"
Tumango si Kian. "Ihahatid lang kita. Babalik din ako rito sa Pilipinas."
"B-Babalik ka sa Pilipinas?"
Tango lang ang itinugon ni Kian.
"No." Marahas na umiling ang dalaga. "Kailangan kita sa panahong ito, baby. 'Wag mo naman itong gawin sa akin."
Nilapitan siya ni Kian. Umupo ang binata sa tabi niya.
"Alam ko ang lahat, Kian. Ramdam ko ring may espesyal ka nang pagtingin sa babaeng kasama mo kanina. Pero masisisi ba kita? She was there when I rejected your proposal. She was there by your side to comfort you. Pero Kian, masyado pang mabilis ang lahat. Don't be mistaken about your feelings for her as something else. Ako, ako ang tunay na nagmamahal sa 'yo."
"You know nothing, Jodi."
Hinawakan ng dalaga ang braso ng nobyo.
"I know, baby. I know." Pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "Handa akong kalimutan ang lahat. Magsimula ulit tayo."
Dumako ang kamay ni Jodi sa ibabaw ng kamay ni Kian. "Handa na akong pakasalan ka, baby. It's a yes."
Kalituhan ang nasa mukha ni Kian.
Bakit ganito?
Dapat masaya siya.
Dapat tumatalon na siya sa ligaya.
Pero bakit ganoon?
Umahon sa pagkakaupo si Kian. "I think I need some fresh air. Lalabas lang ako sandali. Papapasukin ko muna sila."
Hindi na hinintay ni Kian na sumagot si Jodi at noon nga'y nakalabas na siya ng pinto.
***
Nang makalabas siya sa kuwarto kung saan na-admit si Jodi ay agad niyang tinawagan si Kathryn.
Nag-ring ang phone nito ng isa.. dalawa.. tatlo.
Hanggang sa naging lampas isandaan.
Ngunit hindi pa rin ito sinasagot ng dalaga.
Sinubukan niyang tawagan si Jem ngunit gano'n din ito, hindi rin sumasagot sa tawag niya.
He tried to message Kathryn in IG and Messenger pero hindi pa rin siya nito nire-reply-an.
He texted her.
Kathy, let's meet at the cafe in front of your office. I will wait for you.
Sent.
Tumawag na siya ng taxi para puntahan ang cafe na tinutukoy niya.
***
St. James Hospital
Nasa labas ng kuwarto ni Jodi sina Cailean at Mark. Nakaupo sila sa steel bench.
Umalis muna sina Louis Walsh, Shane, Nicky, at Brian para hindi sila masyadong mahalata ng mga tao. Baka kasi sila pagkumpulan.
"Ihahanda ko na ang mga gamit mo, babe. Two days na lang, lilipad na tayo pabalik ng Ireland," ani Cailean.
"Cailean.." tangkang pagpigil ni Mark sa sasabihin ng nobyo.
"At saka pala, babe. May mga binili na akong pasalubong kanina. For sure, magugustuhan 'yun ng mga pamangkin mo."
"Please don't pretend that you forgot what happened in the car parking earlier," diretsang sabi ni Mark.
Tiningnan siya ni Cailean at pinagmasdan.
"I know, babe. Pero kaya ko 'yung intindihin. Kaya ko 'yung balewalain. Kasi alam kong sa akin ka pa rin."
"I'm in love with her," pag-amin ni Mark.
Napatigil si Cailean at napanganga sa narinig niya mula sa kasintahan. Namumuo na ang luha sa mga mata niya.
He shook his head."No, you're not."
"I am."
"That's stupidity, Mark. How long have you been together? One month? That's too short for you to know it is already love!"
"Hindi ko alam, Cailean. Ang alam ko gustong-gusto ko siya. At hindi ko alam kung kaya kong mawala pa siya." Napayuko si Mark pagkasabi niya noon. "I'm sorry."
"Mark, kilala mo ako. Hindi ako basta-basta bumibitaw sa isang bagay na gusto ko. If you're thinking to leave me, I'm sorry dahil 'di ako papayag." Tumayo si Cailean at naglakad palayo.
Sinundan lang siya ng tingin ng binata.
Tumigil sa paglalakad si Cailean at nagsalita nang hindi lumilingon.
"You still have two days to give your sweetest goodbye to that girl. Just make sure that this time, tatapusin n'yo na ang lahat ng namamagitan sa inyo. Pagbalik natin sa Ireland, akin ka na lang."
Napasuntok sa dingding si Mark pagkaalis ni Cailean.
***
Chilltop Cubao
Nakarami ng inom sina Jem, Analisa, at Mae kaya nakatulog sila sa pagkalasing. Tanging si Kathryn na lamang ang natitirang gising.
Nakatitig lang siya sa cellphone habang binabasa ang mensaheng natanggap mula kay Kian.
I'm sorry, Kian. Mas kailangan ka ni Jodi ngayon.
This time, hindi na ako magpapakarupok.
***
Starbucks Cafe
Cubao, Quezon City
Nakakadalawang order na ng kape si Kian habang nakatanaw sa bangko na pinagtatrabahuhan ni Kathryn.
Mag-aalas onse na ng gabi iyon.
Mabuti na lamang at 24/7 ang naturang kapehan kaya ayos lang na manatili siya roon ng ilang oras.
Maghihintay ako, Kathy.
Muli niyang sinubukang tawagan si Kathryn ngunit gano'n pa rin. Patuloy lang na nagri-ring ang cellphone nito.
Inabutan na siya ng umaga ngunit hindi pa rin nagpapakita ang dalaga.
Ah, mag-aalas otso na. Papasok na siya sa trabaho.
Pagod, antok, at gutom ay hindi niya ininda mahintay lamang ang dalaga.
Kung alam ko lang ang tinutuluyan niya, doon na sana ako dumiretso.
***
Papasok na sana si Kathryn sa trabaho nang matanaw niya sa loob ng cafe si Kian.
He spent the whole night waiting for me?
Damn. I'm so selfish.
Pero..
Hindi na nga ako marupok 'di ba?
Pero 'di ko siya matiis...
Arggh!
Hindi ka na marupok..
Hindi ka na marupok..
Hindi ka na marupok..
Hindi..
Hindi ka nagkakamali. Marupok ka pa rin!
*Erase*
*Erase*
Kathryn, tatagan mo.
Malungkot na tumalikod ang dalaga. Napagdesisyunan niyang sa kabila na lang dumaan para hindi siya makita ni Kian na pumasok sa trabaho.
***
Oras na ng break time pero nasa cafe pa rin si Kian.
Hihintayin pa rin kita, Kathy.
Nakaramdam ng kirot sa puso si Kathryn nang mabasa ang text ng binata. Napabuntong-hininga siya at itinabi niyang muli ang cellphone sa bulsa.
***
"Tara sa Mang Inasal, Kathryn?" pangyayakag ni Christine na katrabaho niya. Oras na ng pananghalian.
"Nagpa-deliver na ako, girl. Next time na lang."
Iniiwasan niya pa rin kasi na lumabas.
Sobrang lungkot ang lumukob sa damdamin niya habang nakasilip sa bintana. Nakita niya si Kian na nakatingin sa entrance ng pinagtatrabahuhan niya. Susubsob ito sa lamesa at muling titingin.
Hindi na mapigilan ni Kathryn na mapaluha kaya tahimik siyang umiiyak sa station niya.
I need to do this, Kian.
Para sa atin ito..
Ako na ang magsasakripisyo.
***
Natalo na ng dilim ang liwanag sa kalangitan nang nakauwi si Kathryn sa condo. Paghiga niya sa kama ay humagulgol siya.
Ano'ng ginawa ko kay Kian?
Ba't ko pinahirapan ang kalooban niya?
Paano ko siya natiis ng gano'n?
Isang text ang natanggap niya mula kay Kian.
Kathy, I'm really sorry. Umuwi na ako. I think I have a flu. Medyo mainit ang pakiramdam ko.
Don't worry. Babalik ako sa cafe once maging okay ang pakiramdam ko. Sana makita man lang kita bago kami bumalik sa Ireland.
Miss na kita.
Lalong humagulgol si Kathryn sa nabasa.
He's sick.
And no one's there for him.
Her heart breaks into pieces thinking how is Kian doing right now. Is he okay? She has no idea.
Nagluto siya ng sopas. Naghanda rin siya ng gamot at prutas at isinilid iyon sa isang lalagyan.
Nag-book siya ng Grab para ipahatid ang mga inimpake niya sa hotel na tinutuluyan ng binata.
She informed the driver to keep her name anonymous para hindi malaman ni Kian na siya ang nagpadala ng mga iyon.
***
Nakatanggap siya ng text apatnapu't limang minuto na ang nakaraan.
Kathy, thank you for all these meds and soup. Alam kong ikaw ang nagpadala nito. Ikaw lang naman ang sinabihan ko na maysakit ako, eh...
Mas okay siguro kung nandito ka..
After she read that message, she bursts into tears.
Hindi na niya kaya.
Sobrang sakit na ng puso niya.
'Yung gustong-gusto niyang alagaan, yakapin, at hagkan si Kian pero 'di niya magawa.
Gustong-gusto niyang puntahan siya kaso hindi pwede.
Kailangan niyang magtiis.
Ilang oras din siyang umiyak nang umiyak. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kapaguran.
***
Mga bandang alauna ng madaling-araw ay naalimpungatan siya. When she checked her phone, she saw fifty missed calls and twenty unread messages. Lahat iyon ay galing kay Kian
Kathy, mukhang mapapaaga ang uwi namin sa Ireland. Need na kasing iuwi si Jodi. She vomited blood.
Kathy, magpakita ka sa 'kin please.
Kathy, one last time.
Kathy..
Sorry Kathy, hindi na kita mahihintay. Paalis na 'yung jet.
Goodbye. :c
Bumuhos ang luha ni Kathryn na may kasamang pighati.
She doesn't know what to feel anymore.
Nag-flashback lahat ng alaala nila ni Kian.
Mula sa pagpansin nito sa comment niya sa Instagram
Sa concert
Sa Amanpulo
Sa Vivere Hotel
Hanggang sa huli nilang pagkikita sa ospital
Many things happened in just in one month.
I'm sorry, Kian. Salamat sa mga alaala.
I love you, goodbye.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro