Chapter 34 - Romantic Dinner
ABS-CBN Recording Studio
Nasa loob na ng studio si Jem habang si Mark naman ay nasa labas. Pinagigitnaan sila ng glass window kaya kita pa rin nila ang isa't isa.
"We'll start in a bit, Jem. Relax.. focus.. think of an inspiration," sabi ni Direk na nasa tabi ni Mark.
Tumingin si Jem kay Mark. Tumingin din ang binata pabalik sa kaniya.
Inspiration? I think I already have one.
If You're Not the One
If you're not the one then why does my soul feel glad today?
If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call?
If you are not mine would I have the strength to stand at all?
Kung hindi ka para sa 'kin, bakit ang saya-saya ko 'pag kasama kita, Mark?
Bakit 'pag hinahawakan mo ang kamay ko, bakit tila ba ay para doon talaga 'yun?
Kung hindi ka para sa akin, bakit nagpapakita ka ng motibo?
May Cailean ka na 'di ba?
Kung hindi ka talaga para sa akin, hanggang kailan tayo ganito?
"Ang ganda talaga ng boses ni Jem. Malayo ang mararating ng batang ito," saad ng direktor. Nakatutok lang ang tingin nito sa dalaga.
Tumango-tango ang mga nakarinig noon kabilang na si Mark.
Ang ganda ng boses ni Jem..
Para akong inihehele sa langit.
Pero bakit tila may iba sa pagkanta niya? Parang may emosyon.
Nang magsimula nang awitin ni Jem ang pre-chorus ay tiningnan niya si Mark.
🎵 I never know what the future brings
But I know you're here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life with
I don't want to run away but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I could stay in your arms? 🎶
Gustong-gusto kitang angkinin pero wala akong karapatan kasi pagmamay-ari ka na ng iba.
Pero bahala na ang bukas. Ang mahalaga ay ang ngayon.
Ihahanda ko na ang sarili ko..
Sa oras na kuhanin ka na sa akin,
Kahit masakit,
Ibibigay kita.
Natapos na ang pag-record ni Jem sa kanta. Pinakinggan nilang lahat ang resulta.
"This is a masterpiece!" Hinarap ng direktor ang dalaga. "Ang galing mo, Jem! Dalang-dala kami sa pagkanta mo. Eto ngang si Stella oh, napapahikbi pa." Itinuro nito ang katabing staff na nagpapahid ng luha sa isang mata.
Napatawa naman ang mga nakarinig.
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Jem. "Salamat, direk."
Binigyan siya ng mahinang tapik ng direktor sa kanang balikat.
"Sa susunod na pagbalik n'yo rito, baka naman puwede mo nang isama itong si Mark. Duet kayo kahit isang kanta lang." Makailang ulit na itinaas-baba nito ang dalawang kilay habang nakatingin kay Mark.
"Sure, direk. Puwede nating pag-usapan 'yan," walang alinlangang sagot ni Mark. Nakangiti niyang sinulyapan ang dalaga.
***
Nakasakay nang muli sa kotse sina Mark at Jem.
"Saan ba magandang pumunta?"
"Ayoko sa mall." Napatingin sa taas si Jem. "Ano kaya kung pumunta tayo sa Baclaran. Sumimba tayo?"
"S-Simba?"
Tumango si Jem. "Ayaw mo ba?" Nilingon niya ang binata. "Ihahatid na lang kita sa hotel ninyo."
Umiling-iling si Mark. "Sasama ako. Naisip ko lang kasi na matagal na pala akong 'di nakapupunta sa simbahan. And you are the only person next to my parents who invited me to go to church."
Napangiti si Jem. "Siguro ako 'yung pinili Niyang instrumento para mapalapit kang muli sa Kaniya."
"Siguro nga."
Ngiti ang itinugon ni Jem sa binata.
***
Sa tulong ng Waze ay tinahak na nila ang daan patungo sa Baclaran. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin sila.
"We're just in time. Holy Mass will start in thirty minutes," saad ni Jem na noo'y kumuha ng holy water mula sa stoup. Nag-sign of the cross ang dalaga at matapos ay nag-genuflect sa may entrance ng simbahan.
Ginaya ni Mark ang ginawa ng dalaga.
Ang sarap sa pakiramdam na nakapasok akong muli sa simbahan.
Naalala ko 'yung mga panahong altar server pa ako. Palagi rin ako noon sa simbahan.
Ang tagal ko ring hindi nakasimba.
I never thought na makapapasok muli ako.
But here I am.
And that is because of Jem.
Lumakad na sila papasok. Umupo sila sa may unahan.
Napatitig siya sa dalaga habang pinagmamasdan ang malaanghel na mukha nito.
I'm really in a church. 'Cause I'm now facing an angel.
"Mark?"
Mark's train of thoughts was interrupted when Jem spoke. He blinked his eyes repeatedly. "Ha?"
"Okay lang ba na mag-rosary muna tayo? May twenty minutes pa bago magsimula ang Misa." Iniabot ni Jem kay Mark ang isa niyang rosaryo.
Tumango ang binata. Amusement ang makikita sa mga mata niya. Sa pagkakataong iyon ay nadagdagan siya ng rason na gustuhin si Jem.
Hinayaan ng dalaga na si Mark ang manguna sa pagdarasal sa tulong ng rosary guide.
Ilang saglit pa ay nagsimula na rin ang Banal na Misa. Itinuon nila ang sarili nila sa presensiya ng Panginoon.
"Awitin natin nang sabay-sabay ang Ama Namin," ani ng pari.
Napatingin si Mark sa mga tao. May ilang nakataas ang mga kamay, may nakadaop ang mga palad, at may iilan na magkahawak ang kamay habang kumakanta.
Kinuha niya ang isang kamay ni Jem para gayahin ang mga naghawak-kamay.
Napamulat ang noo'y nakapikit na si Jem. Sinabayan iyon ng pamumula ng kaniyang mga pisngi. Napangiti siya at itinuloy na muli niya ang pagdarasal.
Pumunta sila sa tirikan ng kandila pagkatapos ng Misa. Maraming tao ang nagtitirik din noon kaya nakisingit sila para makapagtirik din.
Inabutan ni Jem ng tatlong kandila si Mark. "Sindihan mo 'yan, Mark. Think of three persons that you would like to pray for."
Pinagmasdan ni Mark ang mga kandilang nasa kamay niya.
Isa para sa magulang ko.
Isa para sa mga kabanda ko.
At isa...
Para sa katabi ko.
***
"Kumain muna tayo, Jem," yakag ni Mark. "Saan kaya?" Lumingon-lingon siya sa paligid upang maghanap ng makakainan.
"Sawa na ako sa fastfood at restaurants, eh." Sandaling tumigil si Jem para mag-isip. Mayamaya ay napangisi siya.
"Tara!" Hinawakan niya ang isang kamay ni Mark at hinila ang binata patungo sa isang direksiyon.
Napadpad sila sa cart ng isang street vendor. Maraming paninda na naroon. Mayroong kwek kwek, kikiam, siomai, hotdog, squidballs, barbecue, isaw, shanghai, meatballs, balut, penoy, at iba pa.
"Ito ang kakainin natin?" ani Mark na itinuturo ang mga nakahaing paninda.
Jem wiggled her eyebrows. "Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ay—" Naputol ang sasabihin ni Mark dahil inabutan na siya ni Jem ng isang bowl na may lamang ilang pirasong kwek kwek at kikiam.
Natawa ang dalaga dahil sa reaksiyon ni Mark. Bakas sa mukha ng binata ang pandidiri.
"Say ahhhhh..." Hawak ni Jem ang stick na may isang pirasong kwek kwek. Dinala niya ito patungo sa bibig ng binata.
Pikit-matang tinanggap ng binata ang kwek kwek at pagkatapos ay mabagal na nginuya niya ito. Ang mukhang may bahid ng pandidiri kanina ay napalitan ng satisfaction.
Matapos niyang maubos ang isang stick ay ang kikiam naman ang kinain nito at gano'n din ang kaniyang reaksiyon.
"Kuya, I'll get one more stick of little eggs coated with orange flour please," sambit ni Mark sa tindero.
"Huh?" Napakamot si manong sa ulo.
"Kwek kwek daw po, kuya," sabad ni Jem.
"Oh yes.. Quick quick. I want that," segunda ni Mark.
Hindi maampat ang pagngiti ni Jem habang pinanonood ang binata sa paglantak nito ng street food. Masaya siya dahil na-a-appreciate ng binata ang ganito kasimpleng bagay.
***
Vivere Hotel
Alabang, Muntinlupa
Labinlimang minuto makalipas ang alas sais ng hapon ay nagising na si Kathryn. Meron pa siyang apatnapu't limang minuto para makapaghanda.
Sampung minuto bago mag-alas siyete ay nakapag-make up na siya. Mayamaya ay isinunod naman niya ang pagsusuot ng damit.
She is wearing a plunging V-beaded illusion chili red back gown with slit partnered with a pair of a 5" silver-colored evening platform sandals.
She paired it with silver dangling earrings and a silver necklace partnered with a heart-shaped pendant.
Her hair is laid down in one side.
To finish her look for tonight, is a silver Jessica McClintock Chloe clutch bag that perfectly matches her accessories.
She looks at her own reflection in the mirror.
Mukha na akong tao. ani Kathryn sa kaniyang sarili.
Nagpaikot-ikot siya sa harap ng salamin dahil sa labis na katuwaan.
Mayamaya pa ay narinig niya na may kumakatok sa labas ng room na tinutuluyan niya.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang napakaguwapong nilalang.
He is wearing a navy blue Adam Baker Men's Classic and Slim Fit Formal Tuxedo suit, partnered with a pair of British Tan Cap Toe Derby shoes.
"You look beautiful tonight./You're gorgeous."
Nagkasabay sila sa pag-compliment sa isa't isa. Dahil doon ay napatawa sila.
"Shall we?" Ini-offer ni Kian sa dalaga ang kanang braso.
Tumango si Kathryn at umangkla na roon. Tinungo na nila ang elevator para makaakyat sa rooftop.
The Nest Dining in the Sky
Vivere Hotel
"Ang ganda naman dito!" ani Kathryn habang inililibot ang tingin sa paligid.
"There's more view to see from our table," saad ni Kian. "Let's go?"
Tumango ang dalaga at nagpatianod na kay Kian patungo sa pina-reserve nitong lamesa.
Nang makaupo ay lalong namangha ang dalaga. Mula sa puwesto nila ay kitang-kita ang nagliliwanag na lungsod ng Muntinlupa. Sa pagiging abala ay hindi niya napansin ang paglapit ni Kian.
"Kathy."
Napapitlag pa ang dalaga sa pagtawag ng binata. Her cheeks flared at the view of him holding a bunch of flowers.
"This is for you."
"Thank you, Kian." Halos hindi na matingnan ng dalaga ang kaharap. Palagay niya ay pulang-pula na ng mga pisngi niya sa nararamdaman.
***
"Kian, why are we here? Ano'ng meron?" Nilingon ni Kathryn ang paligid. Tulad nila ni Kian ay nakasuot din nang pormal ang mga naroon. "What's the occassion?"
Kinuha ng binata ang mga kamay ng dalaga at ikinulong iyon sa mga palad.
"This is a date, Kathy. Our date."
Binawi ni Kathryn ang mga kamay niya.
Lumitaw ang pagtataka sa mukha ni Kian. "W-Why?"
"This is just a friendly date, right?"
"Not even close." He winked at her. "I'll let you know later."
"Pang-ilang babae na ba akong dinala mo sa marangyang date tulad nito?"
Muling kinuha ni Kian ang mga kamay ng dalaga.
"Third. First was Sonia, Jodi, and then you."
Napaawang ang bibig ng dalaga. "Sonia? 'Yung first love mo?"
"O-Oo. Paano mo nalaman?"
"I read that in a book which you guys released," she proudly said.
"You're incredible." He kissed her hands and released those after. "You know me well even before we meet. Baka pati ayaw kong pagkain, alam mo rin."
Kathryn starts slicing her steak. "You don't like sushis."
"Woah. Kakaiba ka talaga," ngiting-ngiting sabi ng binata.
"That's one of the easiest to remember. Di ko rin kasi bet ang sushi."
Napangiti si Kian. "I'm happy to know we're similar in some things."
"Oo nga, eh. Ewan ko lang kung parehas din tayo when it comes to things that we like. Malay ko ba kung nagbago na ang preference mo. The magazine I read was released five years ago pa kasi."
"You're right, Kathy." He paused. "Nagbago na nga talaga ang gusto ko."
Kuryosidad ang dahilan kaya napaangat ng tingin ang dalaga. Naabutan niya si Kian na nakatingin sa kaniya.
She avoided his gaze. "Ituloy na nga natin 'tong pagkain. 'Yung ice cream ko, matutunaw na," she cackled trying to avert their topic.
Ngunit hindi natinag si Kian. He leaned towards his date. "Eh, ikaw Kathy, ano ba ang gusto mo?"
"Ikaw." Kathryn unconsciously answered.
It took her a matter of five seconds before realizing what she said.
"Oh my." Tinapik-tapik niya ang bibig niya. "I.. I mean... I-I was a-about to ask y-you kung ikaw, ano ang sa tingin mo ang gusto ko?"
Kian softly chuckled. "Ang cute mo."
He reached for her right cheek then pressed it softly.
Kathryn closed her eyes to feel the moment. At that point, she found peace and calmness.
Nasa gano'n silang posisyon nang magsimulang pumailanlang ang isang tugtog. Tugtog na nagmumula sa isang violinist na nagpe-perform sa may gitna.
Nang ibaling ni Kathryn ang tingin kay Kian ay nakalahad ang palad nito sa kaniya.
"May I have the honor to dance the most beautiful person here tonight?"
Kathryn gathered some imaginary strands of hair on the side of her face then placed those at the back of her right ear.
She shyly answered. "Hehe. Sige."
***
Umalingawngaw sa ere ang tugtog na Right Here Waiting ni Richard Marx.
Kanina pa kung saan-saan ibinabaling ng dalaga ang tingin. Natatakot siyang salubungin ang titig ni Kian dahil kung may kapangyarihang tumunaw iyon ay kanina pa siya wala.
"Look at me, Kathy." Kian held Kathryn's chin so they could face each other. "Are you avoiding my gaze?"
"H-Hindi, ah. Naghahanap lang ako ng hidden cameras. Mamaya pala e parte lang ang lahat ng ito ng isang reality show tapos wala akong kaalam-alam."
Kian chortled. "You're making me laugh a little, Kathy." He stopped dancing so that he could cup Kathryn's face. "There's no show, dear. I would not let anyone intervene this special date between you and me."
"S-Special date?"
He nodded. "A special date for a special girl like you."
Nakita ni Kathryn ang paglapit ng mukha ni Kian kaya napapikit siya.
She was expecting for a kiss on the lips but she got a forehead kiss instead.
Buti hindi ako nag-pout. Nakakahiya siguro 'yun. ani Kathryn sa kaniyang sarili.
"Espesyal ka rin para sa akin, Kian. At gusto kong malaman mo 'yun habang may pagkakataon pa akong ipaalam sa iyo 'yun."
Kian's face lit up. He looked at every single detail of Kathryn's face. "Alam ko, at kahit hindi mo sabihin, araw-araw mo namang ipinadarama sa akin 'yun."
Tuluyan na silang tumigil sa pagsasayaw. Iginiya ni Kian ang dalaga patungo sa corner na may kalayuan sa tao. They both look up to enjoy the view of the moon in the sky.
Kian hold Kathryn's right hand. "I hope I made your night, Kathy."
Humilig sa balikat ng binata ang dalaga. "You did."
The Garden Suite Hotel
Room 610
Isang sigaw ang narinig ng lads mula sa kuwarto ni Kian.
"Hindi. Hindi. Hindi!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro