Chapter 32 - Missing You
The Garden Suite Hotel
Room 610
Nang makababa sina Kian at Mark ay nadatnan nila sina Cailean at Jodi sa dining area. Umiinom ang dalawa ng kape.
Tumayo si Jodi para salubungin si Kian. "Saan ka nanggaling, baby?"
"D'yan lang sa labas." Umiwas ng tingin ang binata. "Masyado pang maaga. Bakit gising na kayo?"
"It's almost four in the morning. Mayamaya e magliliwanag na rin. Samahan n'yo na lang kaming magkape." Tumingin si Cailean kay Mark. "Gusto mo bang ipagtimpla kita, babe?"
Umiling si Mark. "Tatapusin pa namin ni Kian 'yung iniinom namin sa taas."
Napatungo habang nakakagat-labi si Cailean. Nasaktan siya sa pagtanggi ni Mark.
Akala ko, gustong-gusto niya ang timpla ko? Bakit tila nag-iba na?
Binalingan ni Kian ng tingin si Jodi. "Babalik muna kami sa taas. Malapit na kaming matapos. Ilang bote na lang naman."
Akmang lalabas ng pinto ang binata nang hawakan ni Jodi ang kaniyang braso.
"Dito ka lang, baby."
Humugot ng paghinga si Kian habang nakatingin kay Jodi.
Hinila ng dalaga ang nobyo patungo sa kanilang kuwarto. Bago makapasok ng pinto si Kian ay isang makahulugang tingin ang ibinigay niya kay Mark.
***
Itinulak ni Jodi si Kian sa kama. Sabik niyang pinaliguan ng halik ang leeg ng kasintahan. Mayamaya'y nilandas naman niya ang mga labi ng nobyo.
"No, Jodi," ani Kian sa gitna ng paghalik sa kaniya ng nobya.
Mas lalo pang pinusukan at diniinan ni Jodi ang pag-uukol ng halik sa kasintahan. Nagsimula nang maglakbay ang mga kamay niya patungo sa iba't ibang parte ng katawan ni Kian.
Pikit-matang napatingala ang binata. Hindi sinasadya'y rumehistro sa kaniyang isip ang mukha ni Kathryn. Lumarawan ang ngiti ng dalaga at ang napakaaliwalas nitong mukha. Binalikan niya ang mga alaala nila sa isla, ang una nilang halik, ang bonding nila sa The Garden, sa villa habang may bagyo at ang pagtulog nila sa tent.
Napangiti siya sa naisip na iyon at bigla siyang napamulat. Doon na naputol ang paglalakbay ng kaniyang diwa.
Si Jodi ang nasa harap niya at hindi si Kathryn.
"I said stop." Buo ang boses na nasabi iyon ni Kian. Iniharang niya ang kaniyang mga kamay upang matigil ang paghalik sa kaniya ng babae.
May namuong luha sa mga mata ni Jodi dahil sa inakto ni Kian. Kaagad naman siyang napatigil at napaupo sa tabi ng kama.
"What's wrong with you, baby? 'Di ba, dati naman na natin itong ginagawa?"
Umayos na rin ng puwesto si Kian at sumandal sa headboard ng kama. Napabuntong-hininga siya at napatingin sa may lampshade.
"I-I'm just tired."
Naging mapayapa ang mukha ni Jodi. Binigyan niya ng isang yakap si Kian.
"I understand." Pinisil niya ang ilong ng nobyo. "Sige na, magpahinga ka na. Mamaya na lang natin ituloy."
***
Naunawaan agad ni Mark ang nais iparating sa kaniya ni Kian nang titigan siya nito.
Na kailangan niya nang balikan sina Kathryn at Jem sa rooftop.
Halos bente minutos na rin ang nakalipas nang iwan nila ang dalawa sa taas.
Sana hindi sila nainip.
"May pupuntahan lang ako, Cailean."
Walang nagawa ang huli dahil bago pa siya makasagot ay naisara na ni Mark ang pinto.
Humangos ang binata papuntang rooftop. Sa tuwing naiisip niyang makikita niyang muli si Jem ay parang may mga nag-uunahang kabayo sa dibdib niya.
Para siyang highschool student na excited magpagpag ng eraser sa labas ng classroom para makita ang crush sa kabilang section.
***
Nakarating na siya sa rooftop ngunit nanlumo siya nang makitang wala na roon ang dalawa. Nilibot niya ang lugar sa pag-aakalang baka nagtatago lang sina Jem at Kathryn ngunit napatunayan niyang wala talaga ang dalawa roon.
Napaupo siya at napasandal sa pagod sa paghahanap nang naalala niyang may number nga pala siya ni Jem.
Tinawagan niya ang dalaga ngunit patuloy lang sa pag-ring ang kabilang linya.
Ilang minuto niyang sinubukang tawagan si Jem ngunit hindi talaga sinasagot ng dalaga ang tawag niya.
***
Jollibee Sta. Mesa
Parehas nakahalumbaba sa lamesa sina Jem at Kathryn habang nakatulala sa kawalan.
"Tititigan na lang ba natin itong order natin?" tanong ni Kathryn na hindi pa rin inaalis ang mga mata sa tinitingnan.
Pinakawalan ni Jem ang malalim na paghinga. "Ewan ko. Gutom nga ako bago pumuntang hotel e pero ngayon, parang ayaw kong kumain."
"Ako rin naman." Kinuha ni Kathryn ang isang tinidor para kumuha ng spaghetti. "Kainin pa rin natin ito. Sayang kasi."
Ganoon din ang ginawa ni Jem.
***
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang magsalita si Kathryn.
"Bakla, naalala mo pa ba 'yung mga pinaggagawa natin dati?"
Napatingin sa kaniya si Jem.
Muli siyang nagpatuloy. "Yung nagha-heart-to-heart talk tayo kung bakit hindi pa tayo pinapansin nina Kian at Mark."
Napatuwid sa pagkakaupo si Jem. "Ah, oo. Tapos mag-e-emote tayo with matching pagdausdos habang nakasandal sa dingding."
"At saka may background song pang Bakit Nga Ba Mahal Kita? para damang-dama," dugtong pa ni Kathryn.
Nag-apir ang dalawa at napatawa nang malakas.
Nang humupa ang pagtatawa ay kumalma sila.
"Parang kailan lang 'no? Tapos ngayon e napansin na nila tayo sa wakas."
Nagkatinginan sila nang makahulugan.
Jem heaved a deep sigh. "Pero 'di ba, dapat masaya tayo kasi nga napansin na tayo ng Westlife lalo na nina Kian at Mark? Pero bakit hindi ko kayang maging masaya nang buo?"
"Ramdam kita, bakla." Lumaylay ang mga balikat ni Kathryn. "Ilang araw ko na ring kinukumbinsi ang sarili kong maging masaya. Oo, nando'n na tayo sa masaya nga, but I cannot be completely happy. Hindi natin alam na sa kabila ng sayang nararamdaman natin e maaari palang may masaktan tayong tao."
Binalingan ni Kathryn si Jem. "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, bakla?"
Sumagot ang tinanong. "Sina Cailean at Jodi."
Sabay na napabuntong-hininga ang dalawa.
"Tapusin na natin ang ugnayan natin kina Kian at Mark habang hindi pa nagiging kumplikado ang lahat, habang hindi pa lumalala 'yung nararamdaman natin para sa kanila. Para kung magmu-move on tayo, masakit lang. Hindi masakit na masakit," mahabang litaniya ni Jem.
Tumango si Kathryn.
So if you got a candle you better light it now
And if you gotta voice you better shout out loud
Raise your hands above this crowd and I will reach you
Can you hear me, can you hear me now?
Napatingin sila sa phone ni Jem nang tumunog ito nang malakas. May tumatawag.
Kinuha ng dalaga ang phone niya. Sunod-sunod ang pagtambol ng kaniyang puso nang tumambad sa screen ang pangalan ni Mark.
Sa una'y hinayaan lang niyang tumunog iyon nang tumunog hanggang sa maging missed call. Nakailang ulit pa ito sa pagtawag .
Akma niyang sasagutin ang pang-apat na tawag nang kuhanin ni Kathryn ang phone mula sa mga kamay niya.
"Bakla ka ng taon! Kasasabi mo lang 'di ba?" 'Wag mo 'yang sagutin."
Nasa aktong pagsusungit si Kathryn nang may dumating na text mula kay Mark. Aksidente niyang nabuksan 'yun.
Jem, si Kian ito. Pakisuyo naman kay Kathy please. Tatawag ulit ako.
Impit na pumalirit ang dalaga. Ilang segundo lang ang nakalipas ay tumawag ulit ang numero ni Mark. Sigurado silang si Kian 'yun.
Ngiting-asong binalingan ni Kathryn ang kaibigan. Nagpapahiwatig siya na gusto niyang sagutin iyon.
"Rupok 'yan?" Jem crossed her arms. Mariin siyang umiling-iling. "Walang sasagot ng tawag sinuman sa atin."
Napasimangot si Kathryn. Wala na siyang nagawa kung 'di ang isauli ang cellphone ng kaibigan.
Tinitigan lang nila ang nagri-ring na cellphone. Napabuntong-hininga na lang sila nang kusa nang mamatay ang cellphone ni Jem dahil sa pagka-lowbatt.
***
The Garden Suite Hotel
Room 610
Dahan-dahang bumangon si Kian sa higaan nang masigurong nakatulog na si Jodi. Wala siyang sinayang na sandali at kaagad tinungo ang rooftop. Pagdating niya roon ay nakita niyang si Mark lang ang naroon. Wala sina Kathryn at Jem.
"Nasa'n sila?"
Napalingon si Mark kay Kian. "Hindi ko rin alam. Pag-akyat ko rito, wala na sila. Kanina ko pa nga tinatawagan si Jem pero hindi sumasagot e."
"Pahiram ako ng phone. Pa-text ako."
"Sige, bro," sagot ni Mark. Iniabot niya ang cp kay Kian.
Jem, si Kian ito. Pakisuyo naman kay Kathy please. Tatawag ulit ako.
Matapos niyang i-send ang text ay tinawagan niyang muli ang cellphone ni Jem. Ngunit ilang beses na nilang tawagan ang dalaga ay hindi pa rin ito sumasagot hanggang sa maging un-attended na ang kabilang linya.
Napaupo na rin si Kian sa tabi ni Mark at isang buntong-hininga na lang ang nagawa niya.
***
"Welcome back, Kathryn!" Napalingon ang dalaga sa tumawag pagpasok pa lang sa bangko na kaniyang pinagtatrabahuhan. Si Liam iyon, ang katrabaho niya.
Isang ngiti ang iginanti niya sa binata. "Salamat, Liam. Nasaan si Manager Lozano?"
"Nasa office niya," sagot ng binata. "Teka, ayan na pala siya."
"Good morning, Ms. Rodriguez. Welcome back!"
"Good morning din, sir. Pasensya na po kasi ngayon lang ako naka—"
Pinutol agad ni Manager Lozano ang pagsasalita niya.
"I understand it, hija. Nandiyan naman si Liam para sumalo ng iba mong tasks habang nasa Amanpulo ka." Ngumiti ito. "Kumusta naman ang bakasyon?"
Napangiti si Kathryn. "Ayos lang naman, sir." Marami pa sana siyang gusto ikuwento pero naumid ang dila nila. Humaging sa isip niya si Kian. "Ah, siya nga po pala. May ibibigay ako."
Binigyan ni Kathryn ng keychain at ref magnet ang manager. Nagpaalam naman kaagad ang huli at matapos ay bumalik na ito sa office.
Nang mapag-isa sina Kathryn at Liam ay nagsalita ang binata.
"Let's have coffee later, Kathryn?"
"Hindi ako nagkakape, Liam, eh."
"Hanggang kailan mo ako tatanggihan, Kathryn? Pang-147 times na rejection ko na ito." May lungkot sa mga matang nasabi iyon ni Liam.
"Wow ha? Bilang na bilang talaga?" Napatawa si Kathryn sa sinabi ng binata.
"Binibilang ko talaga." Dinukot ng binata ang wallet na nakalagay sa right side pocket ng slacks niya. Mula roon ay kinuha niya ang isang nakatuping papel na may nakasulat na Coffee rejections. Sa ibaba noon ay ilang bakod-bakod na ginagamit pagbibilang.
"I can't believe it." Napatawa nang marahan ang 'di makapaniwalang dalaga. Nakangiti niyang binalingan si Liam. "Sige na nga. Dahil pinatawa mo ako, pagbibigyan na kita ngayon."
Sumigla ang mga mata ni Liam. "T-Talaga?"
Tumango si Kathryn at ngumiti bilang pagkumpirma. "Basta, ayoko ng kape ha? Okay na ako sa iced choco."
"Kahit ilang iced choco pa ang gusto mo, bibilhin ko." Kinindatan niya ang dalaga.
***
Philippine Bank of Commerce Inc.
Cubao, QC
"Dito ba 'yun? Sige. Salamat, Jem," ani ng isang pamilyar na tao. Nakadungaw ito mula sa bintana ng sinasakyang Grab car. May dala itong bulaklak. Nakatingin ito sa building na pinagtatrabahuhan ni Kathryn.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro