Chapter 30 - The Departure
Dumudungaw na ang araw mula sa likod ng kabundukan nang magising na sina Kathryn at Kian.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kathryn nang makita niya si Kian na noo'y pupungas-pungas sa mukha. "Good morning."
"Good morning, Kathy," he answered in a low, manly voice.
Nanatili lang silang dalawa na nakatagilid nang magkaharap, tila ba kinikilatis nila ang detalye ng mukha ng isa't isa.
"Bangon na tayo?"
Umiling-iling si Kian. "Mamaya na." He pouted.
"Baka kasi naghihint–" Akmang tatayo si Kathryn nang higitin ni Kian ang braso niya pabalik sa pagkakahiga. Medyo napalakas 'yun kaya napatumba siya nang paharap sa ibabaw ng binata.
Mabilis ang reflexes ni Kathryn kaya in a split second bago magdikit ang mga mukha nila ay napigilan na niya ang ulo. Gayunman ay sobrang lapit pa rin nila sa isa't isa kaya nadarama nila ang init ng kanilang paghinga.
Napakalakas ng kabog ng dibdib ng dalaga na wari niya ay nararamdaman din ni Kian dahil magkadikit lang ang mga dibdib nila.
Napatutok ang tingin niya sa mga mata ng binata na may kakaibang klase ng kaasulan. Mistula ba itong isang bangin na nagtataglay ng enerhiyang humihila sa kaniyang katinuan.
"Good morning friendshi— ayyyy!" ani Mae na binuksan ang ziplock ng tent. Nagulat siya sa naabutang puwesto ng dalawa.
Dagling umayos ng upo sina Kian at Kathryn. Hindi maipinta ang mukha ng dalaga samantalang si Kian naman ay natatawa-tawa.
"S-Sorry." Tinakpan ni Mae ang mga mata at dali-daling tumalikod. "I-Ituloy n'yo lang 'yan."
Akmang isasara niyang muli ang ziplock nang pigilin ni Kathryn ang braso niya. "Oy, bakla. Natumba lang ako kaya gano'n ang puwesto namin."
"Ah, natumba? Oo na lang, bakla." Tinapunan ni Mae ng makahulugang tingin ang kaibigan.
"Kilala mo ako, Mae. Kung meron naman talagang nangyari e kayo rin naman ang unang makakaalam."
Medyo naibaluktot ni Mae ang katawan patalikod habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib. "Ay, ang defensive? Andami mo nang nasabi, bakla. Napaghahalataan ka."
"Gagi, hindi 'no. Kilala kaya kita. Andumi-dumi mong mag-isip."
Napatawa sila parehas.
"Siyanga pala, bakit ang aga mong mambulabog? Kasisikat palang ng araw, oh."
"Pasensya naman po ha? Tent n'yo nga pala 'yan kaya pala kami nagsiksikang walo sa kabilang tent," sarkastikong sabi ni Mae. Napahagikhik si Kathryn sa inaakto ng kaibigan.
"Nakausap na kasi ni Shane 'yung manager nitong resort kani-kanina. Mga bandang tanghali raw e cleared na 'yung runway. Puwede na tayong makabiyahe mamayang hapon."
Tumango-tango si Kathryn. "Gisingin mo na rin sila. Ililigpit na namin itong tent."
"Fine." Nagkibit-balikat si Mae. "Yung usapan ha? Ninang ako."
"Che!"
***
Nang matapos magligpit ng tent sina Kian at Kathryn ay saka pa lang nagsimulang magligpit ng tent ang mga kaibigan nila. Kagigising lang ng mga ito.
Inakbayan ni Nicky si Kian. "Bro, parang ang ganda ng gising natin, ah?"
Nakipag-fist bump lang si Kian sa kaibigan habang natatawa.
Seryosong hinarap ni Jem si Kathryn. "Marami kang dapat ikuwento mamaya, Kathryn Alexandria."
"Mukhang marami nga," sabad ni Kian na napapatawa.
Siniko nang mahina ni Kathryn si Kian. Napa-peace sign naman ang binata. Pinukulan lang siya ng dalaga ng nagsusungit na tingin at nanunulis na nguso.
"Ang cute mo talaga." Pinisil ni Kian ang ilong ng dalaga.
Tumikhim si Mandy. "Nandito pa po kami."
Napatawa silang lahat.
Hinarap ni Analisa si Kian. "May I please remind you, na base sa kultura naming mga Pilipino e dapat mong pakasalan 'yung babae 'pag nagalaw mo siya nang hindi pa kasal. Kaya kung nagchukchakchenes kayo ni Kat—"
"Analisa, ang bibig mo!" Naudlot ang sasabihin ni Analisa nang sawayin siya ni Kathryn.
"Gano'n ba?" Lumuhod si Kian sa harap ng noo'y nakatalikod na si Kathryn.
Napuno ng tawanan at kantiyawan ang paligid.
"Kathy, will you marry me?"
"Kian!" Para bang binudburan ng pink na blush on ang mga pisngi ni Kathryn dahil sa ginawa ng binata. "Tumayo ka na. Mamaya e isipin nila e may nangyari nga sa atin kagabi, eh." Tumalikod agad ang dalaga at itinuloy ang ginagawa.
Sinundot-sundot ni Mae ang tagiliran ng kaibigang. "Kilig na kilig, oh!" Binalingan niya si Kian. "Naku, Kian, mukhang 'di yata makatutulog si Kathryn nang ilang araw."
Tiningnan ng lads ang mukha ni Kathryn at talaga ngang namumula ito na parang nagka-allergy.
Hindi napigilan ni Kian ang pagtawa nang makita ang hitsura ng dalaga.
Napaismid si Kathryn. "Hindi 'yan magandang biro ha?" Akma siyang magwo-walk out pero napigilan siya ni Kian. Binuhat siya nito na parang nagbubuhat ng isang sako ng bigas.
"Kian, ibaba mo ako!"
Mas tumaginting ang tawanan na pinakawalan ng lads at ng mga dalaga.
***
Nang matapos sila sa pagliligpit ay sama-sama silang kumain ng almusal sa bungalow-type restaurant na kinainan nila noong first day.
"Ito na pala ang last breakfast natin dito sa Amanpulo," ani Mae. "Sana masundan pagbalik natin sa Manila."
"Puwede naman nating ulitin bago kami bumalik sa Ireland," suhestiyon ni Mark.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ng mga dalaga nang marinig ang sinabi ni Mark. Ang pagbabalik ng mga ito sa Ireland.
"Don't worry, girls. We'll always keep in touch." Kinuha ni Nicky ang phone niya. "Let me follow your IG accounts so that I'll be updated to your social life."
"Ako rin. Tutal e naging magkakaibigan na rin naman tayo. Ipa-follow na namin kayo," turan ni Shane.
Nagsisinuran na rin ang ibang lads sa pagkuha ng phone para i-follow ang mga dalaga.
"Ang bongga. Kakaunti lang ang nasa following list ninyo. Nasabit pa kami!" ani Mae na noo'y ini-screenshot 'yung notifications ng pag-follow sa kaniya ng limang lads. "Ma-i-story nga 'to."
Lahat ay masaya maliban kay Kathryn.
"N-Naku. 'Wag n'yo na akong i-follow. Okay lang sa akin," alanganing ngiti ang pinakawalan niya.
Kumunot ang noo ni Brian. "Bakit?"
Sumabad si Mae. "Eh, puro mga kabaliwan kay Kian ang posts niya ro'n e. Kulang na nga lang palitan na niya 'yung username niya ng kianeganfanpage."
Pinandilatan siya ng mga mata ni Kathryn.
Kitang-kita naman na napangiti si Kian sa narinig.
"I found your account, Kathryn!" Nicky let out a victorious laugh. "Nakita kong naka-tag ka sa post ni Analisa. Makapag-stalk nga."
"Nicky!" Napahawak siya sa sentido. Kung hindi sana niya iniwan ang phone sa villa e may pagkakataon pa sana siyang i-private ang IG niya. Kaso hindi, eh.
Para bang hindi narinig ni Nicky ang pagsusumamo ng dalaga. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-i-scroll down sa account nito. "Teka. May picture ako rito, ah."
Umayos sa pag-upo ang binata. "Magkasunod pala ang birthday natin, Kathryn? Ayos." Ang tinitingnan nito ay ang post ng dalaga na hawak ang isang cake na may nakasulat na Happy birthday, Nicky & Kathryn.
- From Analisa P550. Jem P550 Mae P550.
"Ano 'yung numbers sa kasunod ng mga pangalan n'yo?" tanong ni Brian.
Sinilip ni Mae ang post na tiningnan ni Nicky at saka binalingan si Brian. "Ahh, ambagan namin 'yan sa cake ni bakla."
Brian chuckled while shaking his head. "That's hilarious! You guys are really making me crazy."
Nagtawanan sila.
Ang kasunod na post naman ay ang edited pictures nina Jem at Mark. May caption iyong @mejfeehily04 Can't deny your chemistry with @markusmoments in this picture.
"Ang galing ng pagkaka-edit. Parang totoo," manghang sabi ni Nicky. "Bro, i-reenact n'yo nga ito." Iniharap nito ang phone kay Mark.
Wala namang pag-aalinlangan ang binata. Inilapit niya ang mukha kay Jem at ginaya niya ang pose ng mukha niya sa litrato.
"Tama na 'yan, Nicky. 'Yung kay Analisa na lang ang tingnan mo."
Umiiling-iling lang si Nicky nang nakaloloko. Nag-scroll down pa siya sa profile ni Kathryn. Nakita niya ang picture nina Kathryn at Brian Mcfadden noong nag-solo concert ang binata sa bansa isang taon na ang nakalilipas.
"Eto mga Bro. Astig 'to. 'Finally, I was able to meet one of the members of Westlife – Brian Mcfadden. Alam mo 'yung masaya? Yun 'yung nag-I love you too siya sa 'kin! Ang saya-saya. Sa dinami-rami ng Brianatics do'n, ako 'yung ina-i love you too-han niya. Sobrang nakakikilig. More than six times niya akong napansin kaya 'di ako mapakali. And not only that, tinawag pa niya akong crazy girl dahil sa kabaliwan ko that night. Omg Brian! Yes, I'm crazy.. for you!!!
Parang nahawakan ko na rin si Kian no'ng nahawakan ko si Brian. Grabe!!! Sana naman si Kian na next time.'
I love you, Brian but not as much as I love Kian. I love him more than anything else. Kiaaaaaan, notice meeeeeeeeeeeeeeee. I love youuuuuuuuu," mahabang basa ni Nicky na may kasama pang feelings.
Umubo nang peke si Shane. "Naalala ko 'yung sa Spin the bottle kagabi."
Nagtawanan ang lahat maliban kay Kathryn na hiyang-hiya na.
"Oh eto. Last na." Ipinakita ni Nicky sa lahat ang tinutukoy na post. "Sino ang Westlife lads para sa 'yo?"
"Utang na loob, Nicky. Basahin mo na ang lahat huwag lang 'yan. Please?!" Aktong aagawin ni Kathryn ang cellphone sa binata.
"Nicky, basahin mo na dali." Tawang-tawang pinigilan ni Mae ang braso ni Kathryn para 'di makalapit kay Nicky. Ganoon din ang ginawa ni Analisa sa kabilang braso ng kaibigan.
"Shane Filan, siya 'yung kuya ko sa group. Wala kasi akong kuya kaya siya na lang."
"Mark Feehily, siya 'yung the perfect guy, ang heartthrob ng campus, at boyfriend material dahil sa taglay niyang kaguwapuhan."
"Naks!" Nagbunong-kamao ang lads pagkarinig noon.
"Si Brian Mcfadden, siya 'yung tipo ng taong kamahal-mahal. Na kapag nakapalagayan mo ng loob ay paniguradong magiging kaibigan mo."
"Eto na. Nicky Byrne..ehem." Bumiwelo pa si Nicky bago ituloy ang nakasaad sa IG post.
"Nicky. Please, 'wag!"
"Siya 'yung tipong aasamin mong magkaanak sa kaniya kahit 'di na niya panagutan sa sobrang hot niya."
Napahagalpak ang lahat sa pagtawa.
"May pagnanasa ka pala talaga sa akin ha?!" Halos hindi naman maituloy ni Nicky ang pagbabasa dahil sa katatawa.
Ismid lang ang tanging isinagot ni Kathryn sa binata. Nilingon niya si Kian na noo'y nakapangalumbaba na. Kinakantyawan siya ng kapwa lads dahil 'di siya maitsurahan.
Nagseselos ba siya? sigaw ng isang bahagi ng utak ni Kathryn.
Bakit naman siya magseselos? Jowa ka ghOrL?
"Sige na. Medyo badtrip si Kian. Pangitiin nga natin 'yan." Muling bumalik si Nicky sa pagbabasa.
"Si Kian? Siya 'yung taong mahal ko. Siya 'yung tipong pang-husband material. 'Yung 'pag naiisip kong ikakasal ako ay nakikita kong siya 'yung naghihintay sa akin sa altar. Siya 'yung pang-forever."
Malalakas na kantyaw ang natanggap ni Kian mula sa mga kaibigan na panay yugyog sa balikat niya. Namumula na ang dulo ng mga tainga ng binata sa pagkakataong iyon.
Napayapa si Kathryn nang tuparin ni Nicky na iyon na nga ang huling post na babasahin ng huli.
***
"Sobrang daming memories na maiiwan natin dito." Bumuntong-hininga si Mae at matapos noo'y humiga sa kama. "Separation anxiety is real."
"Final na ba talaga ang pag-alis natin? Wala na bang ibang dahilan para ma-delay? Parang 'di ko kaya," nalulungkot na saad ni Mandy.
Tumango-tango si Kathryn. "Ito na talaga. Mahirap mang tanggapin pero gano'n talaga. May katapusan ang lahat."
"At least, naka-quota naman sa chukchak chenes 'yung dalawa riyan," pagpaparinig ni Mae na nag-iimpake ng gamit.
Hinampas ni Kathryn ang braso ng kaibigan nang mahimigang siya ang pinariringgan nito.
"Hmm?" Napatigil si Mae sa ginagawa at hinarap sina Kathryn at Jem. "Baka tinotoo ninyo 'yung pagbili ng gayuma sa Quiapo kaya ganiyan sina Mark at Kian sa inyo ha? Aba maling-mali 'yun. Maling-mali na itinago n'yo at 'di man lang kami binigyan!"
"Gayuma your face. Eto lang ang puhunan diyan," sabi ni Kathryn na tinutukoy ang mukha niya.
"Ay ang kapal," sabi ni Analisa at nagtawanan sila.
"May kailangan nga pala akong ibigay kay Kian," wika ni Kathryn at may kinuha siya sa maleta. Isa itong scrapbook. "Diyan muna kayo, mga bakla."
***
Dumiretso siya sa villa na tinutuluyan ng lads. Bumungad sa kaniya si Nicky na nakatapis lamang ng tuwalya.
"Uy, Kathryn. Ikaw pal— ohh hoho." Napatakip si Nicky sa bahaging natatakpan ng may kakapalang tela. "Wait," nahihiyang sabi niya at pumasok na sa loob.
Napatungo agad si Kathryn para maiwasang makita ang 'di dapat makita.
"Bro, may bisita ka." Tinawag ni Nicky ang pansin ni Kian na noon ay naggigitara.
"Sino?"
"Eh, 'di sino pa? Si Kathryn."
Napatigil ang binata sa paggigitara at dali-daling pinuntahan si Nicky.
"Bro, mag-shorts ka nga!" Inihagis niya ang shorts sa mukha ng kaibigan.
Napatawa naman ang kausap at tinungo rin nito ang kuwarto upang makapagbihis.
***
"Kathy, pasok ka," bungad na pagbati ni Kian sa dalagang nasa may pinto.
Nahihiyang tiningnan ni Kathryn ang binata. "M-May gusto lang akong ibigay sa 'yo." Kinuha niya ang scrapbook sa bag na dala at ibinigay niya iyon kay Kian. "Remembrance ko for you. May inilagay akong ilang pictures nating dalawa na nakuhanan dito sa isla. Buti na lang e nakahirit ako sa admin office na makigamit ng printer." Napatawa nang marahan si Kathryn.
"So colorful," saad ni Kian habang binubuklat ang scrapbook. "I love it."
"Ang simple nga lang niyan, eh. Hehe. Marami pa sana akong balak i-design kaso kulang na sa oras."
Pinisil ni Kian ang braso ng dalaga. "Sometimes, simple things matter the most, Kathy." He looked at her straight in the eyes.
Lihim na nagbunyi ang damdamin ng dalaga dahil sa appreciation na natanggap sa binata.
***
Bandang alas-dos ng hapon ay inihatid na sila ng staff pabalik sa private jetplane.
Inilibot nila ang paningin sa buong isla.
"Parang nalulungkot din itong isla sa pag-alis natin," ani Shane. "Di bale, babalik din ako rito. Pangako ko 'yan."
"Mami-miss ko lahat. 'Yung floating hut, 'yung pagong pati 'yung tubig na kasinlinaw ng mineral water at iba pa," ani naman ni Brian.
***
Mahigit isang oras rin ang iginugol nila sa biyahe. Sa wakas ay nakarating na sila sa NAIA.
May nagkukumpulang reporters na sumalubong sa kanila. Sa dami ng mga iyon ay napahiwalay na ang lads sa mga dalaga na in-escort-an naman ng bouncers ng Wilbros.
Isang malungkot na sulyap ang ipinukol nina Kian at Kathryn sa isa't isa. Parehas mabigat ang dibdib nila at lalong lumalala iyon habang inilalayo sila sa isa't isa.
Gusto pa sanang balikan ni Kathryn ang binata para pormal na makapagpaalam ngunit wala siyang nagawa. Masyadong malakas ang bouncers na humaharang sa kaniya.
May isang patak ng luha na kusang kumawala sa kanan niyang mata.
Kian, ito na ba ang huling beses na makikita kita?
***
Pinakisuyuan ni Kian ang bouncers na luwagan ang sekyuridad sa paligid niya. Gusto niyang habulin si Kathryn. Nais niyang yakapin ang dalaga nang mahigpit na mahigpit.
Susundan niya sana ang dalaga sa direksiyong nilakaran nito ngunit napatigil siya.
May dalawang kamay na nagtakip sa mga mata niya!
Malumanay niyang tinanggal ang mga iyon. Lumupaypay ang mga balikat niya nang hindi na niya makita kung nasaan si Kathryn.
Sisigaw sana si Kian nang magsalita ang may-ari ng mga kamay na tumakip sa mga mata niya.
"I miss you, baby."
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Sari-saring emosyon ang naramdaman niya nang makaharap ang dalagang ngayon ay nakayakap na sa kaniya.
"Jodi..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro