Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 - Night Camp

Ang madilim na karagatan ay nagkaroon ng liwanag dahil sa repleksiyon ng bilog na buwan. Sinamahan pa iyon ng mga talang nagniningning sa kalangitan na mas lalong nagpaganda ng gabing iyon.

Sinilaban na nila ang bonfire na nagpapawi ng lamig na dulot ng hanging panggabi. Abala sa pag-iihaw ng baong manok, barbeque, at bangus ang mga kababaihan habang ang Westlife lads naman ay kumakanta. Sinasaliwan ito ng pagtugtog ni Kian ng gitara.

More than Words

Saying I love you,
Is not the words,
I want to hear from you,
It's not that I want you,
Not to say but if you only knew,
How easy,
it would be to show me how you feel,
More than words,
is all you have to do,
to make it real,
Then you wouldn't have to say,
that you love me,
Cause I'd already know,

Kanina pa sinusulyapan ni Kathryn si Kian. Napapatalon ang puso niya sa tuwing nakikitang naka-pout ang lips ng binata. Parang nagmu-multiply ng sampung beses ang ka-cute-an nito sa kaniyang paningin.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang mapatingin sa kaniya si Kian. Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti na sinundan ng isang kindat.

Sa kabilang banda naman ay halos hindi iniaalis nina Mark at Jem ang tingin sa isa't isa. Hindi mapawi ang ngiti sa kanilang mga labi na halos ikangalay nila.

What would you do,
if my heart was torn in two,

More than words to show you feel,
That your love for me is real,

What would you say,
if I took those words away,

Then you couldn't make things new,
Just by saying I love you,

***

Pagkakain nila ay naglaro sila ng Spin the Bottle. Kung sino man ang matapatan ng bote ay may chance na makapili kung truth or dare. 'Pag truth, kailangang sagutin nila ang tanong. 'Pag dare naman ay kailangang sundin nila ang iuutos ng kung sinuman sa kanila.

Pinaikot na ang bote at ang unang natapatan ay si Shane.

Si Mandy ang nagtanong sa binata. "Truth or dare?"

Matapos ang limang segundong pag-iisip ay sumagot ang binata. "Dare."

"Sandali." Napalingon sila kay Kathryn na siyang nagsalita. "Ako na ang mag-uutos," nakangising sabi niya habang nakatingin kay Mae.

"Parang kinakabahan ako sa tingin mong 'yan, bakla," saad ni Mae na umayos ng puwesto.

Mas lumawig ang pagngisi ni Kathryn. Tumikhim muna siya at saka nilingon si Shane.

"Shane, at dahil pinili mo ang 'dare', ang iuutos ko ay mag-nose to nose kayo ni Mae sa loob ng isang minuto."

"Kathryn, enebe. Weg nge 'yen," ani Mae na nilaro-laro ang sariling buhok. Paulit-ulit niyang isinisingit 'yun sa likod ng tainga niya kaya napatawa ang lahat.

"That's a piece of cake. Akala ko kung ano na." Tumayo si Shane at naglakad papunta sa puwesto ni Mae.

"Humanda ka sa akin mamaya, bakla," galit-galitang sabi ni Mae kay Kathryn.

Siniko ni Analisa ang kaibigan. "Sus, kunwari pa e tuwang-tuwa ka naman."

Hindi na nakasagot si Mae dahil kaharap na niya si Shane.

Habang nakapikit ang mga mata ng dalaga ay hinigit niya ang paghinga. Sa loob-loob ay labis na tensiyon ang kaniyang nararamdaman.

Sa kabilang banda ay sumilay ang isang nakalolokong ngiti sa mga labi ni Nicky, tanda na may naisip siyang kalokohan.

Dahan-dahan siyang pumunta sa likod ni Shane. Nang nakarating na siya roon ay itinulak niya ang kaibigan papunta kay Mae.

Nawalan ng balanse si Shane kaya ang nose-to-nose lang sana ay naging halik sa mga labi.

Natauhan naman agad siya kaya smack lang ang nangyari. Humingi siya ng tawad kay Mae at tumalikod din agad para habulin si Nicky. Nang maabutan niya ang tusong kaibigan ay binigyan niya ng mahinang suntok ito sa tagiliran.

Napahagalpak ang ibang naroon habang sinasaksihan ang kulitan ng dalawa.

Si Mae naman ay nakatulala lang habang nakahawak sa mga labi.

"Ki..ni...ss-an a-ako..ni..Shane."

"Oy, bakla. Move on!" Natatawang inalog ni Kathryn ang mga balikat ng kaibigan.

"Mamaya ka sa akin, Nicholas." Naningkit ang mga mata ni Shane habang nakatingin sa kaibigan na bumalik na sa puwesto.

***

Itinuloy na nila ang laro. Ang sunod na natapatan ng bote ay si Brian.

"Truth or dare?" tanong ni Shane.

Mabilis na sumagot ang binata. "Truth."

"Ay, matapang," ani ng lads na nagkatinginan.

"Here's the question." Umayos ng upo si Shane habang itinatayo ang bote. "Sa limang dalaga na kasama natin, mayroon ka bang nagugustuhan o nagustuhan?"

Nagkaroon ng bulong-bulongan at konting ingay. Mayamaya pa ay nakatutok na ang kanilang atensiyon sa binata.

Tumikhim si Kathryn at inayos-ayos ang nakalugay na buhok. "Feeling ko ako na 'yan. Ako kaya ang crazy girl niya."

"I think, si Jem. Siya naman ang pinakamaganda sa atin, eh," ani Analisa.

Naghagikhikan sila nang mahina.

"Huwag mong banggitin ang pangalan niya, bro. I-describe mo lang," dugtong ni Shane.

Tango ang itinugon ni Brian. Tumingin muna siya sa paligid at bumiwelo bago sumagot.

"Meron. Una ko siyang nakita sa concert ko sa Pilipinas noong isang taon. Sa lahat ng fans na nandoon, nag-stand out siya dahil sa kakulitan niya. Panay ang sigaw niya ng 'I love you Brian', 'Please serenade me', 'Please notice me'. Napaupo pa nga siya sa sahig nang sinagot ko siya ng 'I love you too'. Na-cute-an ako sa kaniya noon. Ang ganda kasi niya ngumiti. Abot na abot hanggang mga mata."

Napatingin siya sa mga dalaga na noo'y tahimik na nakatingin sa kaniya at naghihintay pa ng susunod na kuwento.

Napatingin din siya kay Kian na noo'y nakatingin lang din sa kaniya.

Muli siyang nagpatuloy. "Pero crush lang naman 'yun. Hanggang doon lang. Alam ko naman kasi na sa ating lima, iba ang paborito niya. At hindi ako 'yun. Basta ang tinutukoy ko e marunong ding maggitara," Nakangiti si Brian at tiningnan sina Kian at Kathryn.

Pumeke ng pag-ubo si Mark. "Hindi ako marunong maggitara. Labas ako."

Napaurong naman si Nicky. "Mas lalo naman ako."

"Kanta lang ang alam ko," ani Shane.

Hindi naman sumagot si Kian na noo'y tipid na nakangiti.

***

Dinidikdik ng mga dalaga ang kaibigan nilang si Kathryn. Obviously, wala mang binanggit na pangalan si Brian ay alam na kung sino ang tinutukoy nito.

Hindi mapakali si Kathryn. Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

Shems!

Nagbibiro lang naman ako sa sinabi kong baka ako 'yung crush ni Brian.

Pero bakit may pagganito?

Luh siya.

'Di ko alam ang mararamdaman ko..

Overwhelmed?

And worried din ako kasi baka malamatan ang relasyon nina Kian at Brian.

Sana 'wag na lang.

Ako na lang ang lalayo 'wag lang masira ang samahan nila.

Char!

gAndA ka ghOrL?

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makita niyang nakipag-fist bump si Kian kay Brian. Matapos 'yun ay lumingon naman ito kay Kathryn at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Nakahinga nang maluwag ang dalaga dahil doon.

Muli nilang itinuloy ang laro at natapat ang bote kay Analisa. Napatili sina Mae, Kathryn, at Jem na iisa lang ang isinisigaw.

Niyugyog ni Jem ang kaibigan. "Pick dare, bakla!"

"Sasabunutan kita sa buhok sa baba kapag hindi ka nag-dare!" ani Mae.

Ngumiti nang nakaloloko si Shane habang pinagkikiskisan ang mga palad. Nakatingin siya kay Nicky.

"Patay ka, bro," ani Mark sabay akbay sa kaibigan.

Napakamot sa batok si Nicky na parang nagpapaubaya sa binabalak ni Shane.

"Dare," sagot ni Analisa.

"Ako ulit ang mag-uutos," presenta ni Shane na muli ay sumulyap kay Nicky.

Tumingin si Shane kay Analisa. "I dare you to take three shots of vodka. There are three sliced lemons here and you have to eat one per shot. Here's the twist, pahihigain ko si Nicky sa gitna. Ilalagay namin 'yung lemon sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Kailangan mong kuhanin 'yun using your mouth only."

Halos mapunit ang damit ni Analisa kahihila ng mga tumitiling kaibigan.

"A-Aray!" ani Analisa na inaawat ang mga kaibigan. "Kalma naman. Tig-2 for P180 na nga lang 'yang damit ko sa Divisoria tapos hinihiklas n'yo pa."

Napuno ng halakhakan ang paligid.

"Mukhang ayaw ni Analisa." Tumayo si Kathryn. "I'll take over."

Hinila ni Mae ang kaibigan kaya napaupong muli ito. "Woi, bakla ka ng dekada. Mahiya ka naman kay Kian. Harap-harapan pa talaga."

Siya naman ngayon ang tumayo. "Ako na lang ang magre-represent kay Analisa." Namaywang pa ito na para bang nasa isa siyang pageant.

"Puwede ring ako na lang," singit ni Jem. "No, just kidding." Napatingin agad siya kay Mark na noo'y nakahalukipkip ang mga kamay. Pinakitaan niya ito ng pa-cute na mukha dahilan para lumambot ang mukha ng binata.

Humugot ng malalim na paghinga si Analisa. "Excuse me. Ibigay ang kay Caesar ang para kay Caesar. Ibigay kay Analisa ang para kay Analisa." Inayos muna niya ang damit bago tumayo.

"Sino naman si Caesar?" bulong na tanong ni Kathryn kay Jem.

"Yung sa Bible."

Napatango-tango na lang si Kathryn habang pinanonood ang pagpunta ni Analisa sa gitna.

***


Pumunta si Nicky sa puwesto na itinuro ni Shane. Bago iyon ay nagtanggal muna siya ng t-shirt kaya kitang-kita na naman ang abs niya.

Pumiwesto na rin si Analisa at napa-sign of the cross nang ilang beses kaya napatawa ang mga kasama niya.

First shot. Inilagay ni Shane ang kapiraso ng lemon sa abs ni Nicky.

Nahihiya pa si Analisa at pikit-matang kinuha niya ang lemon doon. Malalakas na tili ang pinakawalan ng mga kaibigan niya.

Second shot. Sa dibdib naman ni Nicky inilagay ang lemon. Namumula na ang mukha ni Analisa at si Nicky ay napapatawa na lang din.

Third shot. Sa leeg ni Nicky inilagay ang lemon. Gusto nang umatras ni Analisa kasi parang 'di na niya kaya 'yun dahil sensitibong parte na iyon ng katawan. Alam niyang maaaring magdulot ng kuryente iyon kay Nicky.

Napasigaw ng 'Sana all' ang mga kaibigan niya.

Nilagok na niya ang third shot. Medyo nagkatama na rin siya dahil sa sunod-sunod na tagay. Dahan-dahan siyang lumapit sa leeg ni Nicky para kuhanin ang lemon. Nang mapadikit ang mga labi niya sa leeg ni Nicky ay medyo gumalaw ang binata na parang may natamaang sensitibong parte.

"Uhmmm."

Napahagalpak sina Brian at Shane Nagpalitan sila ng high five sa isa't isa dahil sa naging reaksiyon ni Nicky. Gano'n din naman ang mga dalaga na noo'y pinananakitan na ng tiyan katatawa.

"Sana all, Analisa!" sigaw ni Kathryn.

Samantala, sa kabilang dako ay dire-diretsong nilagok ni Kian ang isang bote ng beer habang nakatingin kay Kathryn na walang malay sa reaksiyon niya.

***


Itinuloy ulit nila ang laro. Natapat naman ang bote kay Mark na ang pinili ay 'Truth.'

Si Kathryn ang nagtanong.

"Who is Jem for you?"

Napatingin si Mark sa lads, sa mga dalaga, at sa huli ay kay Jem.

Sinimulan na niya ang pagsagot. "I think, tonight is not enough to suffice the time to answer that question." Tiningnan niya si Jem. "What I can only say is, she has a special place here." Itinuro niya ang puso niya.

Sumabay ang pag-init ng mukha ni Jem sa pagkakantyawan ng lads at ng mga dalaga.

***


Ang sunod na pagpihit ng bote ay napatapat kay Kian. Wala pang nagtatanong ay sumagot na siya ng Dare.

"Ay iba. Competitive." Tatango-tango si Mandy nang sabihin iyon.

"Ako na ang mag-uutos," ani Mae na tumingin muna kay Kathryn. Pinangmulagatan siya ng mga mata ng kaibigan na tila ba nagbabanta na huwag ituloy ang kung ano man ang naiisip ng kaibigan.

Pero walang naging epekto iyon dahil nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Mae. "Kian, nakikita mo ba 'yung tent na 'yun?"

Kian nodded.

"Mag-stay kayo ni Kathryn doon sa loob ng labinlimang minuto. Huwag kayong mag-alala. Walang lalapit doon kahit sino."

"Mae!" bulalas ni Kathryn.

Kian smirked. Tumayo siya at pinagpagan ang suot. "Game."

"Uy, game na raw!" Hinila ni Mae si Kathryn kaya napatayo ang huli. Binulungan niya ang kaibigan. "Chance mo na 'yan, bakla. Ngayon ka pa ba magpapakipot? Kurutin kaya kita ng nailcutter sa singit?"

Tinulisan lang ni Kathryn ng nguso ang kaibigan. Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito papunta sa tent.

***

Katahimikan ang namagitan kina Kian at Kathryn na noo'y magkaharap nang nakaupo sa loob ng tent.

"Kian.."

Bahagyang iniangat ng binata ang mukha para harapin si Kathryn. "Hmm?"

Umiling-iling ang dalaga. "Wala lang. Kanina ka pa kasi tahimik. Nakakapanibago."

Hindi sumagot si Kian.

Kathryn let out a deep sigh. "Ayan ka na naman. Seenzoned mo na naman ako." She paused. "Lalabas na nga lang ako."

Akma siyang tatayo nang hawakan siya ni Kian sa palapulsuhan.

Napatingin si Kathryn doon at matapos ay umangat ang tingin niya sa mukha ng lalaki.

"Wala pang fifteen minutes, Kathy. Dito ka lang."

Marahang kinalas ni Kathryn ang kamay mula sa binata. "Paano ba naman kasi, nandito nga tayo pero hindi mo ako kinakausap. Parang wala ring sense. Kung may problema ka, sabihin m-"

"Can you please stop gushing over Nicky? K-Kahit habang nandito lang tayo sa Amanpulo." Iniiwas ni Kian ang tingin sa dalaga. Pagkuwa'y napabuntong-hininga. "Ako naman ang pumili sa 'yo sa romantic date, hindi siya, eh."

"Tampo yarn?" Kunwa'y tanong ni Kathryn sa binata. Natatawa-tawa siya nang mapagtantong iyon pala ang pinagsisintir ng binata kanina pa.

Tinabihan niya sa pag-upo si Kian. "Sorry na. Medyo napapasobra na nga ako to the point na nakakalimot ako." Ipinulupot niya ang braso sa braso ng binata.

"Sige, okay lang. Do'n ka na lang kay Nicky." Para bang may bara sa lalamunan ang binata nang sabihin iyon.

Humilig si Kathryn sa balikat ni Kian. "Ayoko nga. Dito lang ako kay Mr. Blue Eyes No. 2 ko."

Bagama't kanina pa naghihinampo ay napangiti si Kian nang banggitin iyon ng dalaga.

"Hindi mo na naman ako sinagot." Kathryn looked up at Kian, not knowing that he's already staring at her for quite some time.

Tanging tingin na lamang ang nagpaparating ng nais sabihin ni Kian. Tinging hindi mawari at maarok ni Kathryn dahil habang tumatagal ang titig na iyon ay para bang lalo itong lumalalim patungo sa kaibuturan ng kaniyang puso.

Mayamaya pa ay dahan-dahang ibinaba ng binata ang tingin sa mga labi ng dalaga. Hinawakan ni Kian ang baba ng kaharap at unti-unting inilapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga.

Para bang alam na ni Kathryn ang susunod na mangyayari kaya ipinikit na lamang niya ang mga mata. She felt her lips are pressed unto him, and a passionate kiss followed after.

Inihiga siya ng binata sa sleeping mat at pagkatapos ay umibabaw ito sa kaniya. Nagdulot iyon ng pagkagulat kay Kathryn 'pagkat ito ang unang pagkakataon na magagawaran siya ng halik sa ganitong posisyon. Ibang pakiramdam ang idinudulot noon sa kaniya na nagpapalasing sa utak niya.

Lumampas na ang labinlimang minuto na gano'n lang ang ginagawa nila.

Nang pareho silang nakaramdam ng pamumugto ng paghinga ay saka lang sila naghiwalay. Umayos ng posisyon si Kian. Ngayo'y nasa tabi na siya ng dalaga.

"Wag mo nang tingnan si Nicky. Nandito naman ako, eh."

Awtomatikong napangiti si Kathryn sa sinabi ni Kian. Isiniksik niya ang ulo sa dibdib ng binata.

"Wala na akong ibang titingnan. Ikaw na lang."

Hinalikan siya ni Kian sa buhok at niyakap muli nang mahigpit. Nakatulog sila sa ganoong puwesto nang 'di nila namamalayan.

Ito na ang pinakamahimbing na tulog na naranasan ni Kathryn sa buong buhay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro