Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 - Extended Again

Dahan-dahang isinara ni Kathryn ang pinto ng kanilang kuwarto.

Tinawagan ni Jodi si Kian.

At base sa narinig ko sa pag-uusap nila ay susunduin daw niya si Kian sa airport.

Siguro sapat na 'yun para ipaalala sa aking sarili na mayroon nga palang tunay na nagmamay-ari ng puso ni Kian.

Na dapat matuto akong lumugar.

Masyado akong naging masaya nitong mga nakaraang araw.

That I almost forget that Kian is still in a relationship with Jodi.

Ayoko namang makasira ng ibang tao para lang mapasaya ko ang sarili ko.

Siguro kailangan ko nang dumistansya.

Kahit masakit.

***

Napaupo si Kathryn sa likod ng pinto at tahimik na humikbi. Narinig niyang mayroong mahihinang katok sa kabila ng sinasandalan niya. Alam niya kung sino ang taong naroon.

Nakatulog siya na gano'n ang puwesto. Naalimpungatan na lang siya nang tapikin siya ni Jem na noo'y gising na.

Mugto ang mga mata ay dinaluhong niya ng yakap ang kaibigan. Nagising din sina Analisa at Mae kaya dinamayan na rin siya ng mga ito.

Ikinuwento ni Kathryn ang lahat ng nangyari kagabi.

"Ang bilis naman para masabi ni Kian na I'm into you raw siya sa 'yo. Eh, ilang araw palang kayong nagkakakilala mula no'ng concert, ah?" ani Jem.

"Excuse me, Ma'am," sabad ni Analisa. "Nakakahiya naman po sa pa-I like you ni Mark sa 'yo."

Magsasalita pa sana si Jem pero natameme siya. Ni-roll out-an na lang niya ng mga mata ang kaibigan. She heaved a sigh of defeat while raising her arms.

"Fine. I'm out." Tumayo si Jem at pinagpagan ang pajama. "Magsasangag na lang muna ako ng kanin. Iwanan ko na muna kayo."

Pumunta na siya sa kusina habang dala-dala ang maraming tanong sa isipan.

***

Nagdudurog siya ng kanin para gawing sinangag. Napapitlag siya nang may yumakap sa likod niya.

"Ayyy!"

"Good morning, Jem!" bati ni Mark na siya palang yumakap sa dalaga.

"Ginulat mo naman ako, Mark."

"Mukhang masarap kasi 'yung niluluto mo, eh." Sinamyo ng binata ang pinagkakaabalahan ni Jem.

"Bawang pa lang naman 'yan e kasi magpa-fried ako ng rice."

"Alam ko namang masarap kang magluto, eh." Ninakawan ni Mark ng halik sa pisngi ang dalaga.

Lumukso ang puso ng dalaga sa ginawa ng binata.

Sana laging ganito. I feel like I'm in cloud nine. ani Jem sa kaniyang sarili na para bang nalimutan ang mabigat na iniisip kani-kanina lang.

Isang malakas na pekeng pag-ubo ang nagpalingon sa kanila sa pinto ng kusina. Si Nicky pala ang nando'n.

"Can I excuse myself? I'll just get a glass of water." Nakangisi si Nicky na nakasuot lamang ng boxer shorts.

"Sige, bro. Kumuha ka na." Hinarangan ni Mark si Jem para hindi ito madikitan ni Nicky.

"Hey, bro." Natawa si Nicky sa inakto ng kaibigan. "What's with being an instant human barrier between me and Jem?"

"None, bro. Just keep going." Seryoso ang mukha ni Mark na nakatingin sa kaibigan.

Nicky scratched his nape. "Don't worry, bro. I'll keep distance." Kinindatan niya ang kaibigan.

Umalis rin ang binata pagkakuha ng malamig na tubig.

***

"Ganito na lang, bakla. Mag-usap kayo nang masinsinan ni Kian tapos linawin mo sa kaniya kung ano'ng meron kayo para hindi ka na mag-overthink."

"Ayoko nang makipag-usap sa kaniya. Iiwas na lang ako," ani Kathryn na nakayuko.

Sabay na napasinghap sina Mae at Analisa habang nakatingin sa kaibigan.

Nabulabog sila ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Napatingin sila roon.

Tumayo si Mae para buksan ang pinto.

Bumungad sa kanila sina Brian, Mandy, Shane, at Kian.

Tiningnan ng huli si Kathryn. Nang magtama ang kanilang mga mata ay itinungo ng dalaga ang ulo.

"Good morning, ladies!" bati ni Shane na nakatukod ang kamay sa pintuan. "Yayayain ko lang sana si Mae na maglakad-lakad sa labas." Tiningnan niya ang dalaga.

Tinanguan ni Mae si Shane. Lumabas agad siya sa pinto.

"Analisa, kakausapin ka raw ni Nicky. Come with us," ani Brian.

Tumango-tango ang dalaga. "Ahh, sige. Pasama na ako."

Nakuha agad ng mga babae ang dahilan kumbakit niyaya sila ng lads na lumabas. Iyon ay para mapag-isa sina Kian at Kathryn.

"Pasama rin ako," pahabol ni Kathryn. Akma siyang susunod ngunit naisara na ni Kian ang pinto ng kuwarto.

Nabalot ng pagkailang ang paligid nang sila na lang dalawa ang nasa loob.

Pupunta na sana siya ng balkonahe ngunit naharangan agad siya ni Kian bago niya mabuksan ang pinto papunta roon.

Nakatungo pa rin siya sa sahig at nagkaroon ng ilang saglit na katahimikan sa pagitan nila ni Kian.

"Kathy..."

Hindi pa rin lumilingon si Kathryn. May namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Hinawakan ni Kian ang baba ng dalaga at iniharap ito papunta sa kaniya. Nakita ng dalaga ang labis na pag-aalala sa mukha ni Kian.

Tila ba ay hindi man lang nakatulog ang binata. Ang asul na mga mata nitong malalamlam ay nagpapakita ng labis na kalungkutan. Dahil doon ay parang may karayom na tumusok sa kaibuturan ng puso ni Kathryn.

Ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Kian.

Naalala niya kung paano umiyak si Kian nang umalis si Brian si Westlife.

Sa pagluha ng binata noong pansamantalang nag-hiatus ang Westlife ilang taon na ang nakaraan.

Ayaw na niyang makita muli iyon.

"Sorry about last night. I shouldn't have picked up the phone," paliwanag ni Kian.

Tinakpan ni Kathryn ng daliri niya ang mga labi ni Kian.

"You don't have to say sorry. Wala ka namang kasalanan, eh. I left because I feel bad for myself. Parang nakasisira na ako ng relasyon ninyo. Na hindi ko dapat hinahayaan ang lahat ng 'to. Na hindi dapat ako nagpapakasaya to the point na nakakalimutan kong may isang tao nga pala na baka masaktan natin dahil sa ginagawa natin. Girlfriend mo si Jodi, ako ang dapat mag-sorr—"

Hindi na naituloy ni Kathryn ang pagsasalita dahil tinakpan ni Kian ang bibig niya.. gamit ang sarili niyang bibig.

Di namalayan ni Kathryn na may luha na palang pumapatak sa kaniyang mga mata. Luha na dumaloy at naramdaman ni Kian sa kaniyang mga palad. That was the time she decided to stop their kiss.

At that point, he hugged her tightly.

"I don't want to see you hurting. It kills me," ani Kian.

Ilang saglit pa silang nanatili sa ganoong puwesto.

Mayamaya ay bumitiw sa pagkakayakap si Kian. Hinarap niya ang dalaga at ginagap ang palad nito.

"I don't understand you, Kian."

"Yeah, right." Tumango-tango ang binata. "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ilang araw mo nang ginugulo ang utak ko, Kathy."

Napayuko lang ang dalaga. Nagsimulang bumangon ang pamumula sa mga pisngi niya.

"I promise to fix everything, Kathy." Mataman siyang tinitigan ni Kian. "Sa ngayon, puwede bang kalimutan muna natin ang lahat? I want to create happy memories with you here in Amanpulo."

Nginitian ni Kathryn ang binata.

***

Mayamaya pa ay magkasabay nang lumabas ng kuwarto sina Kathryn at Kian at nagtatawanan pa. Nagulantang sila nang bumungad sa labas ng pinto ang mga kaibigan na tila ba ay nag-e-eavesdrop. Nagulat din ang mga ito dahil hindi nila napansin na nakalabas na pala ng pinto ang dalawa.

"Ohh. Akala ko ba may pupuntahan kayo?" tanong ni Kathryn kina Mae at Analisa. Napatingin din siya sa lads para maghintay ng kasagutan. Napakamot lang sa batok ang mga ito. Nagpipigil sila ng pagtawa.

"Ahh... ano kasi.. ano," ani Analisa na lumilikot ang mga mata. Halatang nag-iisip ng alibi.

"Naiwan ko ang wallet ko!" sabad ni Mae na tarantang pumasok sa loob. Nakalabas din naman siya agad. "Sige, lalabas na kami, bakla."

"Hindi muna kayo kakain?" tanong ni Kian sa kanila.

"Oo nga pala. Kumain muna tayo." Tiningnan ni Analisa ang mga kasamahan. Matapos no'n ay tinungo na nilang lahat ang dining table.

Natatawa na lang sina Kathryn at Kian dahil dinig na dinig nila ang pagsabi ni Analisa kay Mae ng "Ikaw kasi, 'di mo pinakinggang mabuti kung lalabas na.'

***

Matapos nilang kumain ay napagdesisyunan nilang mag-swimming sa dagat.

Labis ang pagkamangha nila dahil para bang hindi man lang ito nakaranas ng isang unos.

"Kapag talaga inaalagaan mo ang kalikasan, magkukusa na itong maghilom ng sarili niyang sugat," ani Kathryn na pinagmamasdan ang kariktan ng anyong-tubig na nasa harap nila.

Siniko ni Jem ang kaibigan. "Lumalabas na naman ang pagkamakata mo, bakla."

Nangingiting-naiiling lang si Kathryn sa kaibigan.

Lumangoy na sila sa tubig at in-enjoy ang nalalabi nilang oras sa isla na magkakasama.

***

Tinuruan ni Kian si Kathryn kung paano mag-surfing. Sa una ay takot na takot pa ang dalaga dahil likas itong hydrophobic ngunit 'di kalaunan ay nasanay rin siya. Kian also assured that he will protect her at all cost.

Habang naglilibang sila kalalangoy ay mayroong isang club car na dumating. Bumaba mula roon ang manager ng Amanpulo Resort.

Umahon sa tubig si Shane na tumatayong leader ng grupo para harapin ang manager. Di nagtagal ay lumisan muli ang huli pagkatapos makipag-usap kay Shane.

Sinenyasan ni Shane ang mga kasama. Pinaahon niya ang mga ito.

"Guys, we can't go back to Metro Manila today."

Nagpalitan ng tingin ang kaniyang mga kasama. Muling siyang nagpatuloy sa pagsasalita. "May nabuwal na puno ng balete sa runway ng jetplane. Walang malaking makina sa isla na puwedeng pumutol sa puno kaya mano-mano nilang puputulin 'yun.... which might take two to three days."

Napakagat-labi ang mga dalaga at nagkatinginan.

"Please excuse me for a minute." Umalis saglit si Shane para tawagan si Louis Walsh.

Lihim na naghawak-kamay sina Mark at Jem. Iisa lang ang nasa isip nila. Na mas matagal pa silang magkakasama.

Sa kabilang banda, nagkatinginan naman sina Kian at Kathryn – ang tinginang iyon ay sapat na para maiparating sa isa't isa ang nasa saloob. Mayamaya pa ay isang ngiti ang pinakawalan nila, tanda ng saya dahil pabor sa kanila ang pagiging stranded muli sa isla.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro