Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 - Amanpulo Night 2

Sa gitna ng gabi kung kailan pinag-isa ang mga labi nina Kian at Kathryn ay pumailanlang ang isang musika na may espesyal na kahulugan para sa dalaga.

Ang I'll Be.

Halos dinig na ni Kathryn ang paglakas ng pintig ng kaniyang puso. Pinakiramdam niya si Kian. Hindi man lang natigatig ang binata sa puwesto. Nanatili lang na nakadampi ang mga labi nito sa kaniya, wari ba ay ninanamnam ang bawat sandali.

Pilit na pinakalma ni Kathryn ang sarili. Para bang ang tagpong iyon ay nagbibigay sa kaniya ng pamilyar na pakiramdam.

Parang nangyari na ito.

Mas umigting ang paghuhuramentado ng puso niya nang kawitin ni Kian ang likod ng kaniyang ulo upang bigyang suporta.

Bahagyang iniangat ng dalaga ang kaniyang mukha. Ang mga kamay niya ay kusang kumawit palibot sa leeg ng kaharap.

Nang ginawa niya iyon ay nagsimula nang kumilos ang malalambot na labi ni Kian. Hindi malaman ni Kathryn ang gagawin. Sa huli ay nagpatianod na lang siya sa kilos ng binata.

Tila ba sinadya ni Kian na tapusin ang kabuuan ng kanta. Sa huling stanza ng I'll Be ay saka lang niya pinakawalan ang mga labi ni Kathryn.

Nang tumugtog ang masiglang awitin ay saka lang natauhan ang dalaga. Napatingin siya kay Kian na noo'y nakatitig sa kaniya. Agad din niyang iniwasan iyon dahil nakaramdam siya ng kaunting pagkailang.

Tumuwid ng upo si Kathryn. Muli siyang tumingin sa dagat.

Napahawak siya sa ibabang labi. Lakas-loob niyang tinanong si Kian. "W-Why did you kiss me?"

Narinig niya ang pagsinghap ni Kian. Tatlong segundo ng katahimikan ang pumagitna sa kanila.

"I... I honestly don't know.. It.. It just happened."

Sa dami ng nais sabihin ni Kian ay iyon lang ang lumabas sa kaniyang bibig.

My heart is overwhelmed.

The more I talk to her, the more I know about the efforts she did for me in the past.

She was unappreciated for a longtime,

Because I was unaware of her existence.

So I want to do anything that would make her feel that I appreciate all that she has done.

I know it sounds weird,

But the first thing I could think of that time is to kiss her

Aside from that, there is also a part of me that is urging me to own her lips again..

So I did.

My plan is, it would just only be a peck of kiss

But when my lips touch hers...

There seems like a force that disables myself to part away from her.

I felt a connection.

A connection that's so strange that I cannot name what it is.

Am I having special feelings for her?

***

Hindi alam ni Kathryn kung paano sasagutin ang binata. Sa totoo lang ay medyo lutang pa ang utak niya sa nangyari kani-kanina lang. Kinukumbinsi pa niya ang sarili niya na gising siya at hindi tulog.

Hindi pa rin siya makapaniwala na hinalikan siya ni Kian!

Bakit kaya niya ginawa iyon?

Hindi ko maintindihan.

O baka sadyang kissable lang talaga ang mga labi ko.

Char!

O baka trip lang niya.

Napabuntong-hininga si Kathryn.

Ano pa nga ba ang ipinagsisintir ko? E 'di ba nga, dati halos lumupasay pa ako at mag-novena sa lahat ng santo matupad lang ang hiling kong mapansin ni Kian. At heto, hindi lang niya ako pinansin dahil natikman ko pa ang kaniyang mga labi.

That is too much to ask for.

Tinanguan lang ni Kathryn ang kaharap. Ayaw na niyang magtanong pa.

***


Parang naubusan ng salita ang dalawa kung kaya pinukol na lang nila ang atensiyon sa dagat.

Tanging tunog lang ng Doctor Jones na nagmumula sa loob ng Beach Club ang naririnig nila.

Weird. Bakit pinatugtog ang I'll Be sa pagitan ng dalawang kantang pansayaw? tanong ni Kathryn sa sarili.

***

pagbabalik-tanaw

Nagmadali sina Jem, Analisa, at Mae sa paglakad-takbo nang nakapasok sila sa Beach Club.

'Di naglipas saglit ay narating na nila ang pakay. Ang disc jockey na in-charge sa mga patugtog sa gabing iyon.

"Kuya, pasuyo naman po ng I'll Be. 'Yung kay Kian Egan ha?" masuyong sabi ni Analisa.

"Sure, Ma'am. Wait lang po." Hinanap ng dj ang kanta sa laptop.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ng tatlo nang mag-umpisa na ang kantang paborito ng kanilang kaibigan.

***

Natigil ang usapan ng lads at ng mga dalaga nang dumating na sina Kian at Kathryn. May laman ang mga tingin ang ipinukol ng mga ito sa dalawa.

Nagpakawala ng pekeng pag-ubo ang lads samantalang ang mga dalaga naman ay naglilipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Patay-malisyang umupo sina Kian at Kathryn sa dati nilang puwesto.

Nakipag-bro fist si Kian kina Shane, Mark, Brian, at Nicky. Nakisali na siya sa mga ito sa inuman.

Samantala, sunod-sunod na text messages naman ang natanggap ni Kathryn. Galing iyon kina Mae, Analisa, at Jem.

Bakla, ano 'yuuuuuun? - Jem

Mesherep? - Analisa

Prayer reveal naman, baka sakaling tumalab kay Shane. - Mae

Noon niya napagtantong nasaksihan ng mga kasama nila ang nangyari sa kanila ni Kian kanina.

Lihim niyang tiningnan ang mga kaibigan at nginitian.

***

Alas onse na ng hatinggabi. Marami-rami na rin ang nainom nila kaya itinigil na nila ang pag-iinom. Nakuntento na lang sila sa pagkutib ng finger food at pagkukuwentuhan.

Napapiksi si Kathryn dahil may kamay na kumubkob sa kanang kamay niya. Napatingin siya sa nag-iisang tao na naiisip niyang gagawa noon.

Si Kian.

Nginitian siya ng binata. Tuluyan nang ikinulong nito ang kamay niya. Akma niyang babawiin iyon pero mas hinigpitan pa ni Kian ang paghawak doon.

Lingid sa mga kasamahan nila ang paghahawak ng kanilang mga kamay dahil nakatago ang mga ito sa ilalim ng lamesa.

Nag-init ang mukha ni Kathryn dahil sa pinaghalong epekto ng alak at ng kilig.

Tigilan mo na ito, Kian habang maaga pa.

Dahil baka lalo na akong mahulog sa iyo kapag itinuloy-tuloy mo pa.

Alam ko namang hindi mo ako sasaluhin e.

Kaya sa huli, ako pa rin ang uuwing talo.

Gustong-gusto niyang sabihin iyon kay Kian pero mas nananaig pa rin ang isang bahagi ng utak niya na nais magpaubaya.

***

Mayamaya ay may lumapit na isang staff kay Shane. Nagri-request ito ng isang kanta mula sa kanila.
Hindi nag-atubili ang lads. Pinagbigyan nila ang munting hiling na iyon.

Pumiwesto na sila sa mini stage. Agad nagkumpulan ang mga tao para saksihan ang performance nila.

Napili nilang kantahin ang I Lay My Love on You.

Mas lalong ginanahan ang lads nang makitang halos lahat ng nasa Beach Club ay nakikisabay sa pag-awit. Hindi rin mawawala ang hiyawan at tilian.

Nang aawitin na ng Westlife ang chorus ay napatingin sa dako ni Kathryn si Kian. Binigyan ng binata ng matamis na ngiti at kindat ang dalaga.

I lay my love on you
It's all I wanna do
Every time I breathe I feel brand new
You open up my heart
Show me all your love, and walk right through
As I lay my love on you

Madiing pisil sa braso ang iginawad ni Kathryn kay Jem. Gustuhin man niyang tumili ay hindi niya magawa kasi nakatingin pa rin si Kian sa kaniya.

"Bakla, parang nilalagnat ako." Kinuha ni Kathryn ang kamay ng kaibigan para pahawakan ang leeg niya.

Natatawa lang si Jem sa kaibigan. Alam niyang kinikilig lang ito.

"Hindi 'yan lagnat. Love-nat 'yan."

Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi na napawi ang ngiti sa mga labi ni Kathryn. Pakiramdam niya'y para siyang nasa alapaap.

Wala mang sinabi si Kian kung para ba sa kaniya 'yung kanta e inari na niya. Mula ngayon ay ibibilang na niya ang I Lay My Love on You sa mga paborito niyang kanta.

***

Matapos magbigay ng maikling speech ay bumalik nang muli ang lads sa kani-kanilang upuan. Dinaluhan ng mga dalaga ng towel at tubig ang mga ito dahil bahagya silang pinawisan sa kanilang performance.

"Eto ang towel, Kian. Pinawisan ka," saad ni Kathryn habang pinupunasan ang mga basang parte ng mukha ng binata.

Napangiti si Kian sa ginawa ng dalaga. "Thank you, Kathy."

Pumiwesto sa likod si Kathryn. Pasimple niyang sinamyo ang likod ni Kian.

Ang bango-bango pa rin niya kahit pinawisan.

Napatigil siya nang may maalala siya sa samyo ng pabango ni Kian.

Dahil katulad na katulad ito ng pabango ng lalaking nagnakaw ng unang halik niya.

Posible kayang si Kian ang mystery stranger na iyon?

Napansin ng binata ang paghinto ni Kathryn kaya tinawag niya ang pansin nito.

"Kathy?"

Kathryn got back on her senses. She responded. "Nothing."

She gasped then continued drying Kian's back.

***

Nagkayayaan silang lahat sa dance floor habang iniindakan ang I Wanna Dance with Somebody ni Whitney Houston.

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw nila ay napalitan ang tugtog ng love song kaya napatigil sa pagsasayaw ang lads at ang mga dalaga.

Dismayado man dahil naudlot ang kanilang pagsasaya ay pinalampas na lang nila iyon.

Nabawasan ang mga tao sa dance floor. May mangilan-ngilan na natira na piniling ituloy na ang pagsasayaw. Karamihan sa mga ito ay halatang magkasintahan.

Pabalik na sana sa upuan si Kathryn nang may pumigil sa kaniya.

Si Kian.

Nagliparan na naman ang mga paruparo sa kaniyang tiyan dahil sa nararamdaman. Humarap sa kaniya si Kian upang ilahad ang kaniyang kanang kamay bilang pag-alok ng isang sayaw.

Walang pag-alinlangan niyang tinugon ang alok na iyon at 'di naglipas saglit ay makikitang nagsasayaw na sila sa gitna ng dance floor.

This I Promise You by Shane Filan

When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you
Are secrets and lies
I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Was standing here all along

Nagsipagsunuran na rin ang ibang lads at ang mga partner nilang dalaga. Pinalibutan sila nina Brian at Mandy, Shane at Mae, Analisa at Nicky, pati na rin nina Mark at Jem na noo'y makikita na seryosong magkatitigan.

And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you

***

Tiningala ni Kathryn ang binata. Muli na namang nagpabagabag sa kaniya ang pagkakapako ng mga mata ni Kian sa kaniya.

Kian, tama na ang katititig.

Lumalala na talaga.

Panagutan mo itong feelings ko.

Kasi hulog na hulog na ako sa 'yo.

I've loved you forever
In lifetimes before
And I promise you never
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart
This is a battle we've won
And with this vow
Forever has now begun

***

Gustuhin man ni Kian na ilingon ang mga mata sa ibang direksiyon ay hindi niya magawa. Para bang nabatubalani siya sa kaharap niya.

Mas lalong nababagabag ang sarili ko.

Posible ba talagang makaramdam ka ng pagtatangi sa isang tao sa maikling panahon ng inyong pagkakakilala?

Kasi kung oo, baka ganito ako ngayon.

I looked at her even more. I gazed on her eyes, trying to find answers...

But I couldn't find any.

Mas lalo lang dumami ang mga tanong sa utak ko.

At mas lalong naguluhan ang damdamin ko.

****

Just close your eyes each loving day
I know this feeling won't go away
Every word I say is true
This I promise you
This I promise you

Over and over I fall
When I hear you call
Without you in my life, baby
I just wouldn't be living at all

And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
Every word I say is true
This I promise you
Every word I say is true
This I promise you
This I promise you

***

Sa isang bahagi ng dance floor ay may dalawang mga mata na nakamasid kina Kian at Kathryn.

Ramdam kong may namumuo nang pagtingin si Kian kay Kathryn.

Lalaki ako at halata ko iyon sa ikinikilos niya.

Hindi naman siya ganyan tumitig sa ibang babaeng nakaka-hang out niya noon.

Ni hindi nga niya magawang tumitig sa mga babae kasi naiilang daw siya.

Pero ngayon, ibang-iba.

Bakit sa babaeng nagugustuhan ko pa?

"Woi, Brian. 'Wag ka nang tumingin doon." Ginamit ni Mandy ang kamay para ipilig ang ulo ni Brian paharap sa kaniya. "Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, eh."

Muling bumalik ang tingin ng binata sa dalawa.

Mandy clicked her tongue while shaking her head. Napakamot siya sa ulo.

"Ako ang kasayaw mo pero nasa iba ang atensiyon mo," kunwa'y sabi niya. Pabiro lang iyon.

Agad siyang nilingon ni Brian. He gave Mandy an apologetic look. "I-Im sorry, Mandy. I didn't mean t—"

Mandy smiled. "Alam ko. Nagbibiro lang naman ako." Siya naman ang tumingin kina Kian. "Bet mo si Kathryn 'no?"

Walang sagot na natanggap ang dalaga mula kay Brian.

"Alam mo, kasamahan ko 'yan si Kathryn sa Team Kian. Si Kian din kasi 'yung bias ko sa Westlife."

She paused then looked at Brian. "Gusto ko rin sanang matupad 'yung fangirling goals ko sa kaniya ngayon but I step one foot backward para magpaubaya kay Kathryn. Mas hibang kasi 'yan kaysa sa akin pagdating sa bias namin. Worth it naman kasi nakikita kong masaya siya ngayon. Seeing my friend happy makes me happy too."

Tinapik ni Mandy ang braso ni Brian. "Kaya huwag ka nang malungkot diyan. Parang masaya rin naman si Kian sa kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Kathryn. Be happy for him as his friend."

Sumang-ayon si Brian sa sinabi ng kasayaw. Masaya nga si Kian at ayaw na niyang pumasok sa eksena.

"I-I'll do my best to suppress this feelings for her. Sana magawa ko."

Hinawakan ni Mandy sa palapulsuhan ang kasayaw. "Bumalik na lang tayo sa villa. Bulabugin natin si chef. Papaluto tayo ng midnight snack!"

Wala nang nagawa si Brian dahil tuluyan na siyang hinila ng dalaga papunta sa kanilang club car.

***

Bandang ala-una ng madaling-araw ay nagkayayaan nang umuwi ang magkakapartner.

Sumakay na sina Mark at Jem sa kanilang club car. Imbes na sa villa sila pumunta ay sa tabing-dagat idiniretso ni Mark ang sasakyan.

Napansin kong bilog na bilog ang buwan na tanging nagsisilbing liwanag sa tabing-dagat.

Ang repleksiyon nito ay nakalatag sa karagatan na mas lalong nagpapaganda sa tubig-dagat.

May nabanggit si Jem kahapon na paborito raw niyang tingnan ang moonlight by the seashore.

Siguro mapapasaya ko siya kung masasaksihan namin parehas ang napakaliwanag at napakagandang buwan ngayon.

Natutop ni Jem ang sariling bibig sa sobrang paghanga.

"I've always wanted to witness this." Nilingon niya si Mark. "Grabe, parang kasasabi ko lang nito sa 'yo kahapon, eh."

Tumango-tango ang binata.

"I just want to make you happy." Pinisil ni Mark ang kanang pisngi ng dalaga.

Niyakap ni Jem nang mahigpit si Mark.

"Thank you," iyan lang ang tanging nasabi niya. Humilig siya sa balikat ni Mark.

Kumabog na naman nang napakalakas ang puso ni Mark.

Lihim siyang napapikit habang pinakikinggan ang pagpintig noon.

Ikaw lang ang nagdulot ng ganito sa akin, Jem.

Napansin ni Jem na parang 'di mapakali si Mark kaya nag-angat siya ng tingin. Hindi niya akalain na sa pag-angat niya ng ulo ay napakalapit na pala ng mukha niya kay Mark.

Tila tumigil ang orasan nang mapatitig sila sa isa't isa. Hindi na nakapagtimpi si Mark at muli, sa ikalawang pagkakataon ay inangkin niya ang mga labi ni Jem saksi ang bilog at maliwanag na buwan.

***


Nakatulog agad nang mahimbing sina Analisa at Mae dahil sa sobrang pagod at pagkalasing pagkarating sa villa.

Sa kabila ng pagkakahimbing ng dalawa ay hindi naman makatulog si Kathryn sa higaan. Bukod sa wala pa si Jem ay hindi rin siya pinatutulog ng thoughts niya sa mga nangyari kanina lamang.

Ngayon lang talaga nagsi-sink in sa akin.

Hinalikan ba talaga ako ni Kian?

Grabe 'yung palihim naming holding hands sa ilalim ng lamesa kaloka. Di ko na kinakaya.

'Yung pagtitig niya sa akin na sobrang lalim? Ano'ng meaning noon?

Siya rin ba 'yung first kiss ko?

Napagpasyahan niyang magpahangin kaya tinungo niya ang balkonahe. Sumulyap siya mula rito para tingnan kung mayroon pa bang gising sa villa na tinutuluyan ng lads.

Tumalon ang puso niya sa tuwa nang pagtanaw niya sa balkonahe ng kabilang villa ay nakita niya ang bulto ng taong kilalang-kilala niya.

Si Kian.

Kumaway sa kaniya ang binata. Mayamaya ay nawala ito sa paningin niya. Akala niya'y matutulog na ito pero ilang minuto lang ang lumipas ay nasa baba na ito sa tapat mismo ng balkonaheng kinaroroonan niya.

Sinundo niya ito sa baba at mayamaya'y nasa terrace na silang muli.

"Kian, ba't gising ka pa?"

"I can't sleep. How about you, Kathy? Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Same."

Nagkatinginan sila at nag-iwasan ng tingin. Parehas ang tumatakbo sa utak nila at iyon 'yung naganap kanina. Napakamot sa batok si Kian sa hiya at 'di niya alam kung paano makababawi.

"Gusto mo ng kape?" pagbasag ni Kathryn sa katahimikan na namamagitan sa kanila.

"Please," ani Kian na kanina pa rin natatakam sa mainit na inumin. "I like it black."

Ngumiti si Kathryn at sandaling iniwanan si Kian. Pagbalik niya ay meron na siyang dalang dalawang mug na kinalalamnan ng kape para kay Kian at hot choco naman para sa kaniya.

"Thank you."

Ipinatong ni Kathryn ang hot choco niya sa mesa. Nanatili siyang nakatayo. "May kukuhanin lang ako." Kumaripas siya ng takbo papasok sa loob.

Pagbalik niya ay may dala na siyang scrapbook, photo album, at notebook.

"Kian, pa-autograph naman?"

Napangiti ang binata. Sa tinagal-tagal nila sa isla, ngayon lang naisipan ng dalaga ang pagpapa-autograph.

Niyakap ni Kathryn ang binata bilang pasasalamat. "Thank you."

"Ikaw pa ba?" nakangiting sagot ni Kian na inakbayan ang dalaga.

Ilang sandali pa ay bumitiw na sila sa sa isa't isa. Humawak si Kathryn sa braso ni Kian at tumingin sa mga mata ng hinahangaan niyang lalaki. Walang katumbas ang laki ng ngiti niya dahil sa sayang nararamdaman.

Finally, after more than a decade, nagbunga na lahat ng pagpa-fangirl ko.

Parang may kumudlit sa damdamin ni Kian nang makita ang pagngiti ng dalaga.

Unti-unti na namang bumangon ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maunawaan.

Sinapo niya ang mga pisngi ni Kathryn upang mas mapagmasdan ang mukha nito. Nakita na lang niya ang sariling sinisiil muli ng halik ang mga labi ng dalaga.

Bigla namang napatahimik ang kanina'y madaldal na si Kathryn at nanlambot ang kaniyang katawan.

They kissed each other under the moonlight and they stayed like that for few minutes. Afterwhich, they bid goodnight to each other as if it's the last goodnight they could tell to each other.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro