Chapter 23 - Amanpulo Day 2
Sumisikat pa lang ang araw sa silangan ay magkakasalo na ang mga dalaga at ang Westlife lads sa restaurant na kinainan nila kahapon.
"Let me grab you a drink, Jem," alok ni Mark sa dalaga. "Do you want coffee, milk, or tea?"
"Thank you, Mark." Masuyong nginitian ng dalaga ang katabi. "Coffee na lang sana na may cream." Kumuha ng bread knife ang dalaga. Pinalamanan niya ng mango jam at carabao butter ang anim na pirasong pandesal. Inilagay niya ang tatlo sa plato ni Mark.
Tumikhim nang peke si Nicky. "Mukhang may nabuo na agad na closeness sa inyong dalawa ha? Diyan 'yan nagsisimula." Nginisian niya sina Mark at Jem. Pagkatapos ay tinapunan ng makahulugang tingin sina Kian, Brian, at Shane.
"We're getting to know each other," ani Mark.
Awtomatiko namang napakanta sina Kathryn, Mae, Mandy, at Analisa ng chorus ng Getting to Know Each Other ni Ariel Rivera. Napahagikhik sila.
Nagpatuloy si Mark na noo'y labas ang mga biloy sa pisngi. Hinahalo niya ang coffee with cream ni Jem.
"Jem and I talked about a lot of things that made us closer yesterday." Tiningnan niya ang dalaga na noo'y pinamumulahan ng pisngi.
Ibinigay na ni Mark ang kape sabay hinaplos ang nakalugay na buhok ni Jem.
Napuno ng kantyawan ang hapag na pinangunahan ng mga kaibigan ni Jem.
"Ow em ji. Iba na talaga 'to!" Tumayo si Mae at nilapitan si Mark. Inamoy niya ito sa likod na ikinataka ng binata. "Humihina na ang Gay-dar ko. Tumutuwid na nga yata ang eggplant mo, dzai!"
Humagikhik ang dalaga na bumalik sa puwesto.
Mark gave Mae a questioning look.
Makahulugang sinulyapan ni Mae ang mga kaibigan. Pagkatapos ay pinukulan niya ng tingin si Mark. "Ah, wala. Sabi ko ang bango mo."
Ipinagkibit-balikat na lang iyon ng binata. Sa kabilang banda ay gumugulo ang utak niya dahil sa binanggit na Gay-dar ng dalaga.
***
Nang matunaw ang kanilang mga kinain ay lumabas silang muli. Dinako nila ang tabing-dagat. Ang bawat isa sa kanila ay nakasuot ng swimwear.
"Amazing." Hindi mapigilan ni Kian na hangaan ang kagandahan ng dagat na nasa harap niya. Naglakad siya nang kaunti papalapit doon. "Ang linaw pa ng tubig. Kitang-kita 'yung maliliit na isdang lumalangoy."
"Ginagawa lahat ng tao para mapreserba ang nature sa paligid ng Amanpulo. If you look around, you can't see even a piece of trash in the water kasi alagang-alaga nila ito. That's the reason why you can see fishes swimming almost near the shore. Hindi kasi nila itinuturing na threat ang mga tao, kundi kaibigan," paliwanag ni Kathryn. Yumuko siya para tingnan ang maliliit na isdang lumalangoy sa palibot ng mga binti niya.
Tumango si Kian. Umusbod ang paghanga niya sa dalaga dahil sa mga nalalaman nito.
***
Nagsipaglanguyan na ang kanilang mga kasama samantalang naiwan naman sa may tabi sina Kian at Kathryn.
"Do you want to swim, Kathy?"
"Later," sagot ng dalaga na hindi man lang tiningnan si Kian. Mayamaya ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Kian, I know something to do other than swimming that would excite you."
Kumunot ang noo ni Kian. "What's that?"
"Kite surfing."
Nagliwanag ang mukha ni Kian. Sinundan niya ang tingin ni Kathryn. Dumako iyon sa ilang tao sa dagat na nagka-kite surfing.
***
Mayamaya ay handa na si Kian matapos pakinggan ang ilang instruksiyon ng professional kite surfer na nakadestino sa isla.
Agad niyang nakuha kung paano ang pagka-kite surfing dahil na rin sa talento niya sa pagsu-surf boarding.
Nakaahon na ang lads at ang mga dalaga mula sa tubig. Nakahanay sila sa tabing-dagat para saksihan ang gagawin ni Kian.
"You can make it, bro!" hiyaw ni Nicky sa kaibigan.
Lumikha ng cheer ang mga dalaga. "Go, go, Kian. Go, go, go Kian, go!"
"Go, Kian babe!" dugtong ni Kathryn.
Binundol ni Jem ang balakang ng kaibigan gamit ang sariling balakang. "Bakla ka. Marinig ka ni Kian, oh."
Kathryn confidently shrugged her shoulders. "Sa lakas ng hangin, imposible niyang marinig 'yun. Go, Kian babe!"
Napapailing-iling si Jem sa kaibigan na muling inulit ang pagsigaw. "Oh, sige. Sabihin na nating hindi nga niya narinig pero recorded naman 'yun sa cam nina Jay-Ar at Arjay." Itinuro niya ang dalawa na nasa likod na tutok sa pagfi-film at pagkuha ng photos.
Napangiwi si Kathryn at napakagat ng pang-ibabang labi. Mayamaya ay nagkibit-balikat siya. "Okay lang. Babe ko naman talaga si Kian, eh."
Napangiti si Kathryn. "Manood na lang tayo." Ipinukol niyang muli ang atensiyon kay Kian na nagka-kite surf.
Lalo niya itong hinangaan. Sa galing nito sa pagka-kite surf ay para bang gamay na gamay na nito ang alon ng tubig-dagat. Para bang napakadali na lang para sa binata ang pagpapagalaw ng surfboard.
***
Pagkatapos ng halos tatlumpung minuto ay natapos na rin sa pagka-kite surf si Kian. Nang makaahon ay binigyan siya ni Kathryn ng isang bote ng mineral water. Dagli niya itong kinuha dahil na rin sa uhaw.
"Thank you," sambit ni Kian kay Kathryn sabay ngiti.
Natuliro ang dalaga nang magtama ang mga mata nila ni Kian. Sa pagkakataong iyon ay muli niyang napagmasdan ang asul nitong mga mata na nagsisilbing kahinaan niya. Hindi niya mawari kung ang pagkaasul nito ay repleksiyon ng asul na dagat o dahil sa natural na kulay nito.
Ahh.. hindi ko alam.
Ang tangi kong alam, napakaganda ng mga mata niya. Hindi nakakasawang pagmasdan.
***
Napansin ni Kian ang pagkawala ni Kathryn sa sarili.
"Kathy?"
Napapitlag si Kathryn na sinabayan ng pagmulat-pikit ng mga mata. Sandaling nag-loading ang utak niya.
"H-Ha?"
Hinawakan ni Kian ang braso ng dalaga. "Hindi ka kasi nagsasalita. Nakatitig ka lang sa akin."
"Wala lang." Ramdam ni Kathryn ang paggaralgal ng lalamunan niya. "Masama bang maguwapuhan sa 'yo?" Iniiwas niya ang tingin kay Kian. Nagpipigil-ngiti siyang tumingin sa dagat.
Ibinaling muli ni Kian ang mukha ni Kathryn paharap sa kaniya. "Eh, 'di huwag kang magsawa na maguwapuhan sa akin." Nakarinig sila ng panunudyo sa likod nila.
"Ayun lang. Nilapagan na ng banat."
"Paki-check ng oxygen level ng ating kaibigan. Baka ubos na!" hirit ni Mae.
Marahang napatawa sina Kian at Kathryn. Meron nga pala silang mga kasama. Ba't tila ay nakalimot sila?
***
They spent the remaining time of the morning in swimming and snorkeling. Aliw na aliw sila sa mga isdang naglalanguyan sa paligid nila. May malalaki, meron ding maliliit.
"Look! A turtle!" wika ni Brian nang mapansin ang pagong sa ilalim ng tubig.
Humanga ang magkakasama habang pinanonood ang lumalangoy na nilalang.
"Malayang nakalalangoy sa dagat ang mga pagong dito. Hindi talaga 'yan ginagalaw ng locals. Pinapabayaan lang na mangitlog nang mangitlog," pagkukuwento ni Kathryn.
***
Nang makaramdam ng gutom ay umahon na sila. Sa isang Kawayan Bar na may kapasidad na sampu hanggang labinlimang katao nila pagsasaluhan ang tanghalian.
"Boodle fight!" Akmang kukuha ng kanin si Analisa nang pigilin siya ni Kathryn.
"Magdasal muna tayo." Nilingon niya si Jem. "Please lead the prayer."
Namayani ang katahimikan habang pinangungunahan ni Jem ang isang panalangin.
Sa hudyat ni Nicky ay sinimulan na nila ang pagkain.
***
"You should try this crab, Mark. Malasa at masarap," ani Jem matapos ipaghimay ng alimango ang binata.
Tinikman iyon ni Mark. Napalaki ang mga mata niya.
"Masarap nga!" Kumuha siya ng isang piraso at hinaluan iyon ng kanin. "Try this too."
Aktong isusubo ng binata ang kamay na may pagkain kay Jem.
Walang alinlangang kinuha ng dalaga ang inaalok ni Mark.
Napatigil si Kathryn sa paglantak ng inihaw na manok. "Bakla, akala ko ba hindi ka na kumakain ng kanin kasi low carb diet ka? What's the meaning of this?"
"Cheat day," tipid na sagot ni Jem. Itinuloy ng dalaga ang paghihimay.
"Naiinggit ka yata sa kanila, Kathy eh," ani Kian." Oh, eto, mag-barbecue ka muna."
Itinapat ni Kian ang barbecue stick na nababalutan pa ng sarsa sa bibig ni Kathryn. Walang alinlangang kumagat ng isang karne ang dalaga mula roon.
"Ayoko na ngang kumain. Nawalan ako ng gana bigla," kunwa'y biro ni Analisa.
To the rescue naman si Nicky. Kinuha niya ang ulo ng baboy at akmang isusubo kay Analisa kaya napatawa silang magkakasama.
***
Nagpahinga lang sila nang kaunti at muli silang bumalik sa paglalangoy sa paligid ng Kawayan Bar.
Dahil sa lampas-tao ang tubig ay hindi makapaglangoy mag-isa si Kathryn. Inalok siya ni Kian ng piggy back ride para makasali siya sa paglalangoy ng mga kasama.
Sa una'y nag-alinlangan pa ang dalaga pero mas nanaig ang maharot na isip niya kaysa sa hiya kaya pumayag din siya sa alok ni Kian.
"Put your arms around my neck, Kathy." Ang mga kamay ni Kathryn na nakapatong lang sa mga balikat ni Kian ay kinuha ng binata para ipulupot sa leeg nito. Because of that, her body and face were leaned closer to him. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya.
"Ang harot mo, Kathryn!" ani Analisa na nakapansin sa dalawa. Sinabuyan niya ng tubig ang kaibigan na nakasampa sa likod ni Kian.
"Hoy, Analisa. Raulo ka talaga!" Gumanti ng saboy si Kathryn sa kaibigan.
Tatawa-tawa lang si Kian na pinanonood ang magkaibigan. Mayamaya pa ay bigla siyang sumisid sa ilalim ng tubig kaya nagulat si Kathryn.
Hindi na nakapagsalita ang dalaga dahil sa gulat at takot na bumangon sa kaniyang dibdib.
Natakot siyang mahiwalay kay Kian.
Sa puntong iyon ay ginawa niya ang lahat para lumipat ng puwesto sa harap ni Kian. Pakiwari niya ay mas ligtas siya kung kaharap niya ang binata. Kinapitan niya ito.
Unti-unti niyang naramdaman ang pag-angat nilang dalawa at ilang minuto pa ay nasa surface na sila.
Kapwa nila inalis ang tubig sa kanilang mga mukha habang sumasagap ng hangin.
Sa ilang saglit pa ay na-realize nila na kaunti na lang pala ang distansya ng kanilang mukha.
And then their eyes met. Few seconds that followed seems like forever.
Napatigil ang pagmumuni-muni ng dalawa nang wisikan sila ng tubig ni Mae.
"Huuuuyy! Nandito pa kami."
Napatda sina Kian at Kathryn. Napatingin sila sa mga kasama. Noon nagsimulang pumailanlang ang awkward atmosphere sa pagitan nilang dalawa.
Saka lang nila napagtanto na magkayakapan pala sila.
"Bonak ka talaga, bakla!" Pinisil ni Analisa ang pisngi ni Mae. "Moment na sana nila 'yun e. Kung tumagal pa 'yung titigan nila e unti-unting maglalapit ang kanilang mukha at—"
Hindi na nagawa pang tapusin ni Analisa ang sasabihin dahil sinabuyan siya ni Mae ng tubig.
"Kanonood mo 'yan ng teleserye, bakla!"
Bahagyang nalimutan nina Kian at Kathryn ang pagkailang dahil sa pagkukulitan nina Mae at Analisa.
***
Pagsapit ng dapit-hapon ay pumalaot na sila sa tabing-dagat. Naghiwa-hiwalay muna sila for a short afternoon walk. Magkakasama ang magkaka-partner.
Malayo na ang nararating nina Mark at Jem. Umupo sila sa isang bato.
Tumingin si Jem sa malayong kanluran. Pinagmasdan niya ang kalangitang pinaghalong kulay kahel at puti. "Sunset na pala, Mark. Buti naabutan natin."
Sinundan ng binata ang tinatanaw ng dalaga.
Muling nagsalita si Jem. "Ang ganda."
"Sobra.. parang ikaw," hindi sinasadyang nasabi ng binata. Mahina man iyon pero sapat pa rin para makarating sa pandinig ng dalaga.
Nilingon ng dalaga ang katabi. "W-What did you say, Mark?"
Natigilan ang huli. Noon niya napagtantong naisatinig niya pala ang mga salitang para sana sa sarili lang niya.
Pinilit niyang magpakawala ng normal na ngiti. "Wala 'yun, Jem." Muli niyang tinapunan ng tingin ang sunset. "Ang sabi ko, maganda nga 'yung sunset."
"Hindi 'yan 'yung narinig ko, eh." Sinimulan nang kulitin ni Jem si Mark sa pamamagitan ng pagkiliti sa tagiliran.
"Hala? Uy, Jem! Wag mo akong kilitiin. Hahahaha. Uy, uy! Tama na," natatawang sabi ng binata na iniiwas ang katawan.
Naaliw ang dalaga sa reaksiyon ni Mark kaya imbes na tigilan niya ay lalo pa niyang kiniliti ang binata na tawa pa rin nang tawa.
Nakahanap ng tiyempo si Mark na makawala at sa wakas ay nahawakan niya ang dalawang kamay ng dilag.
Sa puntong iyon ay napatitig siya sa mukha ng dalaga. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para mas kilatisin ang kabuuan noon.
Unti-unting napawi ang ngiti sa mga labi ni Jem nang makitang seryosong nakatingin sa kaniya ang lalaki.
Mas inilapit ng binata ang sarili kay Jem. Mayamaya pa ay nakasandal na ang noo nila sa isa't isa.
Jem never expected the next words that came out from Mark's lips.
"I like you."
Kasabay ng paglubog ng araw ay inangkin ni Mark ang mga labi ni Jem.
Nagulat ang dalaga ngunit walang pagtutol niyang hinayaan si Mark na gawin iyon. Bagkus, ipinikit pa niya ang mga mata para mas namnamin ang mga sandaling ang kanilang mga labi ay magkahinang.
Ang dating mga kamay ni Mark na nasa mga kamay ni Jem ay inilipat niya sa baywang nito. Ang mga kamay naman ni Jem ay kumunyapit sa may leeg ni Mark.
Tanging alon lang ng dagat at mga panggabing ibon ang saksi habang nagpapalitan sila ng halik. Halik na punum-puno ng sari-saring emosyon.
Ilang minuto pa ang tumagal at kusang bumitaw si Mark. Tumitig siya nang matagal sa mukha ni Jem. Binigyan niya ang dalaga ng isang halik sa noo – halik na sumisimbolo sa pagrespeto.
Magkahawak-kamay silang bumalik patungo sa club car. Wala mang salita ang namagitan habang tinatalunton nila ang daan ay ayos lang. Sapat na ang ngitian at sulyapan para iparating nila ang nais sabihin sa isa't isa.
***
Nagkasundo ang lahat na pumunta sa Beach Club kung saan gabi-gabi ay may nagaganap na disco party. Dinadaluhan ito ng ibang guests sa isla pati na rin ng mga staff sa resort.
Bandang alas otso ng gabi ay pinatuloy ng mga dalaga ang lads sa malawak na living room ng kanilang villa.
Binati nina Mark at Jem ang isa't isa. Hinalikan ng binata ang likod ng palad ni Jem at hindi na niya iyon pinakawalan pa. Dumiretso na ito sa paghahawak-kamay ng dalawa.
Walang pagtutol si Jem na kung makangiti ay para bang hindi na mawawala 'yun.
"Ano't may hawakan na ng kamay na nagaganap?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Analisa habang naka-cross arms.
Ngumiti lamang sa kanila sina Mark at Jem. Dumiretso na ang dalawa sa dining area.
Makahulugang nagtinginan ang mga naiwan. Ilang saglit pa ay sumunod sila para pagsaluhan ang dinner na inihanda ng private chef nila.
***
Matapos ang isang oras ay dumiretso na sila sa Beach Club. May isandaang katao ang naroon na halos lahat ay nagsasayaw.
Nang makapasok sila ay marami ang nagpa-picture sa lads. Walang alinlangang pinaunlakan ng mga binata ang mga iyon.
Dumako na silang lahat sa isang sulok na inireserba para sa kanila. Hinainan sila ng server ng ilang plato ng finger food at limang Bombshell Towers.
Nagsimulang pumailanlang ang tugtuging pansayaw na sumikat noong 80's and 90's.
Tumayo si Nicky. Ginagap niya ang kanang kamay ng katabi. "Let's dance, Analisa!"
Walang pasubaling umahon sa pagkakaupo ang dalaga. Sumama siya kay Nicky sa dance floor.
Pinanood ng mga naiwan ang dalawa na umiindak sa saliw ng kantang Karma Chameleon.
"Mga bakla, 'di ba may video si Nicky na kinakanta niya 'yan?" ani Mae sabay subo ng kornik. "Ang sexy ng voice niya sa clip na 'yun. Ow em ji."
Ipinatong ni Jem ang kamay sa isang hita ni Mae. Niyugyog niya 'yun. "Ay, oo! Naka-save pa nga 'yun sa dati kong phone. Kaso deleted na kasi na-virus."
"Ay, sayang. I-download na lang natin ulit," saad ni Kathryn.
"Wag na. Pakantahin na lang natin si Nicky mamaya," suhestiyon ni Mae.
"Ang talino mo, bakla!" Nag-apir silang tatlo. Sabay-sabay silang nanahimik habang ibinalik ang atensiyon sa dalawang nasa dance floor.
Isinungaw ni Mandy nang bahagya ang ulo, tama lang para makita siya ng mga kasamang dalaga. "Woi, aliw na aliw kayo sa pag-compliment kay Nicky, eh, tingnan ninyo naman 'yung mga katabi n'yo. Napapalagok sila ng isang baso ng alak."
Nilingon ng mga dalaga ang katabi nila.
Si Shane na katabi ni Mae ay chill lang. Parang may sariling mundo habang hawak ang isang libro.
Dumako ang tingin nila kay Mark na katabi ni Jem. Dire-diretso nitong tinutungga ang mixed drink mula sa Bombshell Towers. Nang maubos ay nagsalin muli ito ng isa pa.
Sa tabi naman ni Kathryn ay gano'n din si Kian. Magkakasunod na pagtungga ang ginawa nito sa dalawang puno na baso.
"Lagot kayo, bakla," sulsol ni Mae.
"Nicky pa more," ani naman ni Mandy na noo'y tawang-tawa.
Naiiling na kinagat nina Jem at Kathryn ang ibaba nilang labi.
Napabuntong-hininga nang malalim si Mark kaya napukaw ang atensiyon ni Jem. Nang tingnan ng dalaga ang katabi ay lalo nang namumula ang rosy cheeks nito dahil sa tama ng alak.
"Mark..."
Tiningnan ng mapupungay na mga mata ng binata ang katabi. "Hmm?"
"Did I offend you when we talk about Nicky earlier?"
"No." Mabilis na inilihis ni Mark ang tingin sa dalaga.
Hindi nakumbinsi si Jem sa sagot nito. "Sorry na. Hindi ko na ulit babanggitin si Nicky."
Akmang kukuha ulit ng alak si Mark ng pigilin siya ni Jem. "Tama na 'yan. Sayaw na lang tayo!"
Wala nang nagawa ang binata kundi magpatianod sa paghila ng partner niya.
Ilang saglit pa ay magkasayaw na ang dalawa sa dance floor.
***
Nilagok ni Kian ang laman ng basong may gin mix. Pagkaubos ng laman ay tumayo siya. Medyo nag-swing pa nga siya dahil sa kaunting hilo pero nakabawi rin siya agad. "I'll just go out to breathe some fresh air."
Inilibot ni Kian ang paningin niya. Huli niyang tiningnan si Kathryn. "Kathy, would it be okay to leave you here for a while? I'll be back in a couple of minutes."
Tumayo si Kathryn na noo'y nakasukbit na ang sling bag na dala. Marahan siyang umiling. "I'll come with you." Nagkusa na siyang umangkla sa braso ng binata.
Hindi na nakatanggi si Kian sa dalaga. Pagkatapos nilang magpaalam nang maayos sa mga kasama ay tinungo na nila ang daan palabas ng Beach Club.
Ilang hakbang ang ginawa nila. May nakita silang bench na hindi kalayuan sa entrance. Doon sila umupo.
Parehas silang nakatingin sa madilim na karagatan habang pinakikinggan ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
Katahimikan lamang ang namagitan sa kanila sa loob ng ilang minuto.
Gusto sanang tanungin ni Kathryn si Kian kung ano ang pinanggagalingan ng sudden change of mood nito kanina pero maaaring personal ito masyado kaya hindi na siya nag-usisa. Sumagi sa isip niya na maaari ngang may kaugnayan ito sa naging pag-uusap nila ng mga kaibigan tungkol kay Nicky. D-in-ismiss niya agad ang thoughts na 'yun. 'Ika niya ay hindi naman posibleng mag-react nang gano'n si Kian dahil lang do'n. Sino ba naman siya? Fan lang naman.
Naisipan na lang niyang kuwentuhan ang binata.
"Alam mo ba, Kian? Noong highschool student pa lang ako, madalas akong tumambay sa bahay ng bestfriend ko."
Napalingon si Kian sa dalaga. Halata sa mga mata niya ang interes sa kinikuwento ng katabi.
Muling nagpatuloy si Kathryn. "Madalas akong makibasa sa kanila ng song hits magazine. Hindi pa kasi madali ang pag-access sa internet noon para kumuha ng lyrics ng kanta kaya uso pa noon ang song hits.
Isang araw, habang nagbabasa ako ng gano'n ay may nabuklat akong isang page na may picture ng isang male boyband. Sabi ko, shems ang gaguwapo naman.
Tinitigan ko ulit 'yung picture. Noon napukaw ang atensiyon ko ng dalawang lalaki. Blonde ang hair nila at may blue eyes. That time, I declared that they will be my crush from that boyband starting that day."
Napatingin si Kian kay Kathryn sa puntong iyon.
"Hindi ko pa alam ang pangalan ng dalawa. Binigyan ko na lang sila ng codename na Mr. Blue Eyes #1 at Mr. Blue Eyes #2."
"Dumaan ang mga taon at dahil limitado lang ang access ko sa internet ay hindi ko pa rin nalalaman ang tunay nilang pangalan. Pero alam ko na ang pangalan ng banda nila.
Isang araw, may nakita akong isang Facebook post. Ang nakasaad doon e 'Sino ang bias mo sa group'? Natuwa ako kasi nasa choices sina Mr. Blue Eyes #1 and #2.
Pag-check ko ng comments, halos lahat ng sagot ay 'yung apat na miyembro ng bandang iyon at konti lang ang sumagot doon sa isa. Ang isang 'yun na tinutukoy ko ay si Mr. Blue Eyes #2.
Sabi ko, bakit naman konti lang ang may paborito kay Mr. Blue Eyes #2? Ang guwapo kaya niya, napaka-captivating ng ngiti at ang ganda ng mga mata.
Meron na akong cellphone noon kaya nag-check ako ng pictures niya online. Hindi ko namalayan na ang saglit na pagsulyap sa pictures niya ay naging limang minuto, kalahating oras hanggang sa naging limang oras. Hindi ko rin napagtantong sa buong panahon na nakatingin ako sa pictures niya ay nakangiti na pala ako.
It was at that time na nasabi ko sa sarili ko, I will be his ultimate fan. That I will encourage the people that like the other band members, Mr. Blue Eyes #2 is also worth to stan.
I also told myself na 'pag nakita ko siya, gusto kong iparamdam sa kaniya na may isang fan dito na humahanga sa kaniya. That I don't want to make him feel that he is the least in group."
Natigil sa pagkukuwento si Kathryn. Hinarap niya si Kian. "Alam mo ba kung sino 'yung tinutukoy ko?
Ikaw.. ikaw ang Mr. Blue Eyes #2 ko."
***
Nakaramdam ako ng konting bigat sa dibdib nang marinig ko ang pag-uusap nina Kathryn, Jem, at Mae tungkol kay Nicky. Nabanggit naman na sa akin ni Kathryn noong nasa Kawayan Bar kami kung ano'ng klase ang paghanga nila kay Nicky. Na bawat isa sa kanila ay may paborito sa Westlife pero pagdating kay Nicky ay nagkakaisa sila.
Hindi ko naman sila masisisi dahil aminado naman kami na iba talaga ang dating ni Nicky sa mga babae. Siya 'yung pinakamaedad sa amin pero siya talaga ang pinakalapitin sa mga babae.
Nakaramdam ako ng kirot sa may dibdib na hindi ko alam kung saan nagmula. Gusto kong tanungin ang sarili ko kung bakit gano'n ang nararamdaman ko noon pero wala akong mahagilap na kasagutan. Lumagok na lang ako ng isang baso ng gin mix.
Napagdesisyunan kong lumabas, magbabakasakaling mawala 'yun. Gusto ko sanang mapag-isa ngunit nagpresenta si Kathy na samahan ako.
Hindi ko siya matanggihan kaya pinasama ko na lang.
Nagsimula siyang magkuwento tungkol sa sinasabi niyang crush niya. Hindi ko alam pero napakuyom ako ng palad sa inis.
Itinuloy niya ang pagkukuwento at unti-unting nagkakahugis ang lahat at parang nagkakaroon na ako ng hula kung sino ang tinutukoy niya.
"Alam mo ba kung sino 'yung tinutukoy ko?
Ikaw.. ikaw ang Mr. Blue Eyes #2 ko."
***
Napatungo sa hiya si Kathryn matapos ang kaniyang mahabang pagkukuwento. Nagkaroon ng konting katahimikan na halos hilingin niya na matunaw na siya sa kinauupuan nila.
Muli niyang binalikan ang choice of words na ginamit. Gusto niyang tampalin ang sariling bibig. Nag-aalala siya sa magiging reaksiyon ni Kian. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil harap-harapan niyang binanggit na si Mr. Blue Eyes #2 na pinatutungkulan niya at si Kian ay iisa.
Nasa gano'ng sitwasyon si Kathryn nang unti-unting iangat ni Kian ang mukha ng dalaga, bagay na ikinagulat ng huli.
Napuno ng question mark ang kaniyang utak. Wala siyang ideya sa binabalak gawin sa kaniya ni Kian.
Halos panawan si Kathryn ng dugo sa mukha lalo pa nang haplusin ng binata ang malambot niyang pisngi habang nakapako sa kaniya ang asul nitong mga mata.
Para bang kaybilis ng mga saglit na nagdaan. Sa maiksing sandali lang ay dumapo na ang malambot na mga labi ni Kian sa kaniya.
Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mangyayari ito!
Napapikit siya upang damhin ang bawat sandali. Para bang may harpa na tumutunog sa loob ng puso niya sa loob ng mga sandaling iyon, hinehele siya.
Napakarami ng tumatakbo sa isip ni Kathryn ngunit ang malinaw lang sa kaniya ay nasa kaniyang harap si Kian at inaangkin ang mga labi niya.
***
"Ow em ji." Titili na sana si Mae nang may magtakip ng bibig niya mula sa likod. Nang lingunin ay si Shane pala iyon.
He positioned his forefinger to form a hush sign. "You may disturb them."
Tumango-tango si Mae. Niluwagan agad ng lalaki ang pagkakatakip ng kamay sa bibig ng dalaga.
Ilang hakbang ang layo nila kina Kathryn at Kian habang sinasaksihan ang paghihinang ng mga labi nito.
Sinenyasan ni Nicky ang mga kasama na pumasok nang muli sa Beach Club. Napapailing na napapangiti siya na tumingin muna kina Kian at Kathryn bago tuluyang pumasok sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro