Chapter 18 - Concert Day 3 Part I
Alas-otso pa lang ng umaga ay nasa David's Salon na ang magkakaibigan.
Napagdesisyunan nilang magpaayos at pumorma. Ngayon na kasi ang ikatlo at huling Westlife concert sa Pilipinas.
"Naaalala n'yo ba 'yung sinabi ko na 'pag napansin ako ni Mark eh hindi na ako mag-aasawa?" ani Jem habang tinitingnan ang mga kaibigan sa repleksiyon ng salamin.
Tumango si Mae. "Siyempre naman. Iyak ka pa nga nang iyak habang nakatitig sa picture ni Mark no'n tapos tinatawanan ka lang namin."
"Ay oo. Tanda ko 'yun. Akala ko nga KDrama 'yung iniiyakan ni Jem pero si Mark pala," ani Kathryn na napatawa. Binalingan niya ang kaibigan.
Kinuha ni Jem ang women's magazine na nasa harap. Bagama't binubuklat niya iyon ay wala roon ang atensiyon niya. Binabalikan kasi niya ng aalala ang pangyayari kagabi.
Umayos ng upo si Kathryn. Pinagkrus niya ang mga hita. "Alam n'yo, kung hindi bakla si Mark, iisipin kong may crush siya kay Jem."
Kita ang pagtataka sa mukha nina Jem, Analisa, at Mae. Mayamaya ay naplasteran ng malaking ngiti si Jem sa mga labi na sinabayan ng pamumula ng mga pisngi.
"Luh, si bakla kilig na kilig," panunudyo ni Analisa na pinipilit sundutin ang tagiliran ng kaibigan.
"Kasi naman 'tong si Kathryn, eh." Kunwa'y sinungitan ni Jem ang tinukoy.
"Oy gagi, seryoso ako. Eh, kasi naman, iba makatingin si Mark sa 'yo tapos iba rin 'yung paraan ng pag-touch at pag-alalay niya sa 'yo kagabi. May something!"
"Same thoughts here," pagsabad ni Mae. "Akala ko ako lang ang nakapansin. Naku, unti-unti na yatang tumitigas ang talong ni Mark!"
"Bakla, ang bibig mo naman. May iba tayong kasama rito 'noh," tiningnan ni Jem ang mga beki na nag-a-assist sa kanila.
"Aysus, pero deep inside kinikilig 'yan!"
Roll eyes lang ang itinugon ni Jem sa kaibigan. Sa loob-loob ay iniisip niya na may pinupunto nga sina Mae at Kathryn. Mayamaya ay isinantabi niya rin 'yung thoughts na 'yun. Ayaw niyang paasahin ang sarili sa false hopes.
Binalingan ni Mae si Analisa. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa phone. "Anyare sa 'yo, bakla? Nanahimik ka bigla."
Humugot ng malalim na paghinga si Analisa. "Tingnan n'yo, ang dami nating bashers."
"Patingin nga." Kinuha ni Kathryn ang phone ng kaibigan. Binasa niya nang malakas ang comments na may kasama pang emosyon.
Grabe, hindi na nakuntento sa isang meet and greet. Sana ibinigay na lang nila 'yung slot sa iba. Limited lang 'yun, eh.
Wagas naman makapulupot 'tong mga ito kay Nicky. Ibili ko na lang kayo ng pangkamot, mga 'teh.
Dumikit 'yung mga labi ni Shane sa marumi niyang pisngi. Bwisit
Pa-VIP. Nagpasundo pa kay Mark!
Isa pa ito. Nagpasundo pa kay Kian imbes na siya ang lumapit. Di naman maganda!
Sumambakol ang mukha ng magkakaibigan.
"Wag na nating patulan, mga bakla. Matutuwa pa 'yang mga 'yan kapag nag-reply tayo. Iisipin nila e affected tayo," saad ni Jem.
Sumang-ayon sina Kathryn, Analisa, at Mae. Itinuon na lang nila ang pansin sa pagpapaayos ng sarili para mamaya.
***
Alas tres palang ng hapon ay nakarating na sila sa tabi ng Araneta Mall. Maaga sila ngayon kasi may meet-up ang kanilang fan group bago ang concert. Kasama ng mga dalaga si Carlos. Opisyal nang miyembro ng fan group ang binatilyo dahil sinagot na ni Kathryn ang membership nito.
"Uy Kathryn. Nakita namin 'yung picture n'yo ni Kian ha? Kainggit naman!" Si Riza iyon, ang kasamahan ng dalaga sa Team Kian.
"Pana-panahon lang 'yan, sis. Malay n'yo, kayo naman next time."
"Sana nga. Alam mo namang super fan din niya kami, eh," saad ni Jenelyn na kasama ng nauna. "By the way, ano'ng pakiramdam ng sinalo ng isang Kian Egan?
Ini-sway sway ni Kathryn ang katawan habang kinikilig. Muli niyang naalala ang pagkakadulas. "Parang feeling ko secured na secured ako sa yakap niya. Ayoko na nga sanang kumawala para ma-feel ang moment kaso wala, eh, may mga kasunod pa sa pila."
Siniko siya ni Jem. "Weh? Anong wala? Eh, alam ko namang gusto mong itulak namin si Kian papunta sa 'yo para mag-kiss kayo."
"Gagi." Napatawang hinampas ni Kathryn ang kaibigan.
Kumuha pa sila ng may karamihang pictures. Nang magsawa ay bumalik na sila sa kani-kanilang kasama.
Nang magkakasama nang muli sina Kathryn, Jem, Analisa, at Mae ay nadaanan sila nina Veniece at ng minions nito. Masama ang titig ng mga ito sa kanila.
Nang makalayo ang mga ito ay nagsalita si Analisa. "Looks like someone is envy at us."
They chuckled.
***
Hindi namalayan ng mga dalaga ang paglipas ng oras. Mayamaya ay sumapit na ang gabi.
Pare-parehas ng suot ang magkakaibigan. They are wearing skort (skirt in a short) and personalized blouse na may picture ng paborito nilang Westlife member. Lahat sila ay nakakulot ang dulo ng buhok.
Mas maganda ang puwesto nila kumpara sa mga nagdaang gabi. Nasa unahang row pa rin at kahanay nila ang ilang celebrities na fan din pala ng Westlife.
***
Nagsimula na ang concert. Totoo nga ang bulong-bulongan na iba ito sa nakaraang dalawang concert. Iba rin ang playlist na sinimulan ng kantang Uptown Girl.
Sinundan ito ng mga kantang World of Own, When You're Looking Like That, Easy Way, at I Lay My Love on You."
Nang matapos ang mga kanta ay may inilagay na bench sa stage. Inupuan 'yun ng lads.
Inilibot ng Westlife members ang tingin sa crowd. Kita ang amusement sa mga mata nila sa dami ng tao sa loob ng Araneta.
Mayamaya ay iniangat ni Shane ang kamay na may hawak na mikropono.
"Hello, Philippines!"
Sinundan iyon ng sigawan ng fans.
Mas lumakas pa iyon nang magsalita si Brian ng 'Mahal ko kayo'. Wari ay dumagundong ang buong concert venue sa lakas ng tilian ng mga tao.
"Tonight's our third and last concert here in the Philippines," panimula ni Nicky sa kaniyang speech. "Once again, we would like to let you know that we greatly appreciate your presence in our three-day concert here in Araneta."
Tumayo ang binata at pinagmalas ang mga mata sa mga tao. "We are really amazed. The whole arena is jampacked with people. It's roof-blowing!"
Iwinagayway ng fans ang kanilang Westlife lightsticks at banners bilang pagpapakita ng katuwaan sa sinabi ni Nicky.
"We would not let this take any longer. For our next song, we'll pick five people who will sing along with us on stage," saad ni Kian.
Dumagundong ang hiyawan sa loob ng Araneta. Halos lahat ay nagpepresenta na mapili, kasama na ang mga dalagang magkakaibigan.
Bumaba na sina Shane, Kian, Brian, Mark, at Nicky mula sa stage para simulan na ang pagpili.
Sa sobrang kilig ay napapahampas sina Jem, Kathryn, Analisa, at Mae sa isa't isa. Mas tumindi iyon nang makita nilang papalapit sa kanila ang lads habang nakangiti.
Ngunit laking panlulumo ng mga dalaga nang lagpasan sila ng mga binata. Sabay-sabay na lumaylay ang kanilang mga balikat.
Pinili ni Brian ang isang lifer na si Aiza. Hindi nagpaawat si Lala dahil kumapit din ito kay Brian. Tawang-tawa ang fans sa palibot nito dahil labis ang pagmamakaawa ng dalaga na mapili siya. Lumapit na ang bouncer ngunit hindi pa rin nagpaawat si Lala.
Natuwa si Brian sa pagiging pursigido ni Lala kaya pinili na rin niya ito. Dalawa na ngayon ang nakakapit sa kaniya nang bumalik siya sa stage.
Dumako sa may Lower Patron Box ang apat na lads. Isang babae na nagngangalang Jham ang mapalad na nakuha ni Shane at si Ecka naman na member ng official fan group ang nakuha ni Nicky.
Sina Mark at Kian na lang ang wala pang napipili.
Naglakad-lakad pa si Mark. Mayamaya ay napili na niya si Vivian na member din ng fan group.
Bumalik sa VIP seat si Kian. May isang pamilyar na tao siyang nakita at ito ang kaniyang pinili.
Si Veniece.
Halos mabingi ang mga katabi ni Veniece dahil sa pagtili niya. Wala nang sinayang na sandali ang dalaga. Agad siyang humawak sa braso ni Kian.
Bago sila umakyat sa stage ay isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay ni Veniece kay Kathryn.
***
Nang makaakyat ang lahat ay nagsimula na silang kumanta ng Queen of My Heart.
[Brian:] So here we stand
In our secret place
With a sound of the crowd
So far away
And you take my hand
And it feels like home
We both understand
It's where we belong
So how do I say?
Do I say goodbye?
We both have our dreams
We both wanna fly
So let's take tonight
To carry us through
The lonely times
"Sila yata 'yung nanalo sa contest." Nakatingin lang si Mae sa stage nang sabihin iyon.
"Mukhang hindi. Wala naman akong natatandaang nagpasa ng entry sina Vivian at Ecka, eh," sagot ni Analisa.
"Kung sabagay. At saka random 'yung pagpili nila kanina."
Sa tabi nila ay magkayakap sina Jem at Kathryn. Dinibdib nila ang hindi pagkakapili sa kanila.
"Ako dapat 'yun, eh." Tuluyan nang naluha si Kathryn nang sabihin iyon.
Nang makita ni Veniece ang reaksiyon ni Kathryn ay yumakap siya kay Kian at sumubsob pa sa dibdib nito.
Natigil naman ang pag-e-emote ni Kathryn. Isang matalim na tingin ang ibinunton niya kay Veniece.
Tuwa ka na niyan, girl? Pinagbigyan lang kita ngayon. Babawi ako.
Ngiting tagumpay ang pinakawalan ni Veniece na natutuwa sa pagkapikon ni Kathryn. Pinisil pa niya ang pisngi ni Kian habang nakatingin sa dalaga.
Hindi nalingid kina Jem, Analisa, at Mae ang ginawa ng dalaga. Tinakpan nila ang mga mata ni Kathryn para hindi na makita nito ang pang-iinis ni Veniece.
[Shane, Brian, Mark, Nicky & Kian:]
I'll always look back
As I walk away
This memory
Will last for eternity
And all of our tears
Will be lost in the rain
When I've found my way back
To your arms again
But until that day
You know you are
The queen of my heart
***
In-interview ng lads ang fans na napili. Pagkatapos makipag-selfie ay inalalayan ng bouncers ang mga ito sa pagbaba sa stage.
Sunod namang kinanta ng lads ay ang medley ng songs nila. May kinuhang gitara sina Kian at Brian dahil sila ang tutugtog. Ito lang ang magsisilbing instrumento nila sa pag-awit.
Ang kaninang maiingay na magkakaibigan ay hindi na halos nagsasalita. Pare-parehas silang malungkot dahil hindi sila napili ng lads.
Sa kalagitnaan ng pagkanta ng lads ay may chat na natanggap ang magkakaibigan. Mula ito sa verified page ng Westlife sa Facebook.
Hi! Please approach us at the backstage area. Please show this message to any bouncer within the vicinity.
- Westlife
Nagkatinginan ang apat. Kahit wala pa silang kaide-ideya kung para saan iyon ay dagli silang lumapit sa bouncer na pinakamalapit sa kanila.
Napansin nila si Mandy na lumapit sa kanila. May natanggap ding chat ang dalaga.
Sinamahan ng bouncer ang limang fans sa backstage.
Wala pa ring ideya ang mga dalaga kung para saan ang chat. Sinubukan nilang magtanong sa staff na nasa backstage pero ngiti lang ang isinagot ng mga ito sa kanila.
"Mga bakla, ano ito? I-a-abduct na ba tayo ng Westlife pabalik sa Ireland?" biro ni Analisa.
"Ay gusto ko 'yan. Hindi talaga ako papalag!" sagot ni Mae na may pagkumpas pa ng kamay.
Nabatid nilang natapos na ang pag-awit ang lads.
"The show is still not over. We'll be back in a minute!" Boses iyon ni Shane.
Nagulat sina Kathryn dahil dinala sila ng staff sa isang parte ng Araneta.
Namatay ang lahat ng ilaw. Ilang saglit pa ay narinig nila na pinatugtog ang instrumental ng Swear It Again.
Nahati ang dibisyon na nasa harap nila at iniluwa sila mismo sa stage.
Napaawang ang bibig nila dahil tumambad sa kanila ang lads na nag-change outfit na. Ngayon ay nakasuot na ang mga ito ng suit & tie in different shades of blue and gray.
Napatingin ang mga dalaga sa isa't isa. Kasunod noon ay nagtanong si Mandy sa kanila.
"Di ba nagpasa rin kayo ng entry sa contest?"
Dahan-dahang tumango ang magkakaibigan.
I want to know
Who ever told you I was letting go
Of the only joy that I have ever known
Girl, they're lying
Hindi nila napansin na nakalapit na pala ang lads na may hawak na tig-iisang bouquet ng rosas.
Nasa harap ni Mandy si Brian, si Shane kay Mae, si Nicky kay Analisa, si Mark naman kay Jem.
At si Kian kay Kathryn.
Just look around
And all of the people that we used to know
Have just given up, they want to let it go
But we're still trying
So you should know this love we share was never made to die
I'm glad we're on this one way street just you and I just you and I
Ibinigay ng lads ang bouquet sa mga dalaga at pagkatapos ay inalalayan nila ang mga ito papunta sa gitna ng stage.
Parang nasa alapaap ang mga dalaga. Bawat isa sa kanila ay pinamumulahan ng mukha.
I'm never gonna say goodbye
'Cause I never want to see you cry
I swore to you my love would remain
And I swear it all over again and I
I'm never gonna treat you bad
'Cause I never want to see you sad
I swore to share your joy and your pain
And I swear it all over again
All over again
***
Matapos ang kanta ay nagsalita si Shane. Hinarap niya ang crowd.
"I know that each of you are thinking why these beautiful ladies are here on the stage." Tumingin siya sa limang dalaga na kahanay nila at pagkatapos ay muli niyang ibinaling ang tingin sa crowd. "They have no idea too."
"Now watch this." Matapos noon ay may nag-play na video sa malaking screen sa likod nila.
Nagkaroon ng ingay sa audience dahil ang video ay tungkol sa contest na kamakailan ay ini-announce sa lahat ng social media platform ng Westlife. Ipinakita ang ilang segundong clip ng entry ng bawat isa at matapos noon ay ipinakita naman sa screen ang lads na nakaupo. Isa-isa silang nagsalita.
"The song that Mandy choose is so brilliant. I would like her to hear me singing that so I picked her," ani Brian.
"I pick Analisa to be my date because I like her creativity when she spelled my name on the sand," sabi ni Nicky.
"Mae is my choice. Aside from her name reminds me of my mom, I like the way she asked for my 'yes' to be her date," nakangiting sabi ni Shane.
"Jem's version of Written in the Stars is one of a kind," panimula ni Mark. "She made me remember the days when we recorded it years ago. I choose her."
Ngayo'y pagkakataon na ni Kian na magsalita. " Kathryn made my heart flutter after knowing that she has a collection of our merch. You can see her dedication as a fan."
Natapos ang video sa pag-focus sa camera sa bawat isa na nagsasalita ng sumusunod:
"Mandy, will you be my date?"
"Mae, will you be my date?"
"Analisa, will you be my date?"
"Jem, will you be my date?"
"Kathryn, will you be my date?"
Nang matapos ang video ay itinapat ang ilaw sa mga dalagang kipkip ang kani-kaniyang bouquet ng bulaklak. Ngayon ay malinaw na sa kanilang sila ang nanalo sa contest.
Pumanaw ang ingay sa loob ng venue. Bawat isa ay hinihintay ang sagot ng mga dalaga.
Itinapat ng lads ang mikropono sa mga napili nilang ka-date.
Walang alinlangang sinagot ng lima ng 'yes' ang Westlife lads.
Muli ay napuno ng tilian ang Araneta. Sinabayan iyon ng instrumental ng kantang Swear It Again.
Napasulyap si Kathryn sa VIP seat. Natuon ang mga mata niya kay Veniece na noo'y umaalog ang mga balikat sa labis na pag-iyak. Nang mapansin ni Veniece na tinitingnan siya ni Kathryn ay nag-walk out siya.
Napahugot na lang ng malalim paghinga ang huli habang sinusundan ng tanaw ang dalagang itinuturing siyang karibal sa pagiging fan ni Kian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro