Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 - Dream Come True

"Hi!"

Isang salita na may dalawang letra lamang ang kumawala sa bibig ni Kian pero sapat na iyon para matuod si Kathryn sa kinatatayuan.

"Bakla, 'wag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Si Kian na 'yan, oh." Itinulak ni Analisa ang kaibigan papunta sa binata.

Medyo napalakas ang pagtulak ng dalaga kaya halos matumba si Kathryn sa kinatatayuan. Mabilis ang pangyayari at inakala niya ay mauumpog siya sa sahig anumang oras. Ipinikit niya ang mga mata bilang paghahanda.

Ngunit habang hinihintay niyang mangyari iyon ay para bang kaytagal ng oras. Imbes na malamig na sahig ang sumalubong sa kaniya ay para ba siyang nakalutang sa hangin.

Unti-unti niyang pinaghiwalay ang talukap ng mga matang kanina ay mariing nakapikit. Laking gulat niya nang mapagtantong iilang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ni Kian.

Hindi siya sumalampak sa sahig dahil nasalo pala siya ng binata.

Ngayon lang niya napagtanto ang pagsuporta ng mga bisig ng binata sa kaniyang katawan kung kaya ay unti-unti siyang nakaramdam ng panlalambot. Hinugot niya ang lahat ng lakas ng loob para titigan ang mukha ng kaniyang crush.

Ano pa'ng hinihintay mo? Halikan mo na ako.

Charot!

Naks, ang lakas makapelikula ha?

Analisa, Mae, Jem. Dapat nagtapon kayo ng balat ng saging para madulas si Kian sa akin at aksidenteng lumapat ang mga labi niya sa labqhqgqyaqyyqqyququ..

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Kathryn dahil nadulas nga si Kian kaya napahiga sila sa sahig. Nakalapat ang mga labi ng binata sa mga labi niya.. sa harap ng maraming tao.

'Yung tipong, iniisip niya lang kanina ay totoo ngang napasubsob nga si Kian sa bibig niya.

"Ate girl, ikaw na!" sigaw ng fans na nasa likod.

"Sana all nadudulas!"

"Sana all napatungan ng crush!"

"Akin 'yan si Kian, eh!"

"Mang-aagaw!"

"Ang sweet!"

Namalik-mata si Kathryn. 'Yung part na nadulas si Kian dahil sa balat ng saging ay produkto lang pala ng kaniyang malikot na imahinasyon.

Pero totoong hawak talaga siya ni Kian dahil muntik na siyang matumba.

Shet, akala ko tunay na.

Maginoong inalalayan ni Kian ang dalaga papunta sa apat na lads. Nang makaharap ni Kathryn ang apat ay binigyan niya ng mabilis na yakap ang mga ito. Ramdam pa rin niya ang parehong excitement tulad ng nararamdaman niya kahapon.

Muling binalingan ni Kathryn si Kian. Gustong-gusto niyang tumili pero pinipigilan niya. Natatakot siyang baka mailang ang binata sa kaniya.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga na sinasabayan ng pagningning ng mga mata. Pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang mukha ng binata. Inaaral niya ng bawat detalye noon.

"I like your shirt," ani Kian na noo'y nakabulsa ang mga kamay habang nakangiti pa rin sa dalaga.

Parang lahat ng balahibo sa katawan ni Kathryn ay nagtayuan.

Hala gagi. May nakalagay nga palang Kathryn Egan sa t-shirt ko.

Nakakahiya.

Shocks.

"Hehe." Isang ngiting aso ang isinukli niya sa binata. Hindi niya alam kung paano makakaalis sa nakakailang na sitwasyon na iyon. Parang gusto niyang panawan ng ulirat.

Mabuti na lang ay sinenyasan sila ng isang staff na mag-picture na.

Nag-group picture na sila at ilang shots ang kinuhanan. Akala ng dalaga ay tapos na pero napatda siya nang magsalita si Kian. Kinausap ng binata ang photographer.

"Wait, dude. Can you take a photo of us?" Itinuro ni Kian si Kathryn at ang sarili niya.

Nakagat ng dalaga ang pang-ibabang labi sabay paulit-ulit niyang isinabit ang buhok sa likod ng tainga. Gustong-gusto nang kumawala ng kilig sa katawan niya.

Sheeeeeeems! G-Gusto niyang magka-picture kaming dalawa?

"Okay, in a count of three..." panimula ng photographer.

Inakbayan ni Kian si Kathryn habang naka-pose. Apat na shots ang ginawa sa kanilang dalawa.

Kung anuman ang kinahinatnan ng mga larawan ay nasasabik na si Kathryn na makita iyon.

***


Nakarating na ang magkakaibigan sa hotel isang oras matapos ang meet and greet. Hindi nila pinalagpas ang gabi nang hindi nila napag-uusapan ang nangyari sa concert lalo na sa meet and greet.

Nakaupo silang apat sa kama. Nakasuot na sila ng pajamas.

"Hinalikan ako ni Shane, mga bakla," ani Mae na nakatingin sa salamin. Para bang sinisipat niya kung may naiwang marka ng mga labi ng binata roon.

Nagtilian sila at napagdiskitahan nilang hampasin ng braso si Analisa.

"A-Aray!" ani ng dalaga habang pinangsasalag ang braso. "Bugbog sarado na ako, oh."

Huminahon naman ang tatlo at natigil sa paghampas. Sabay-sabay silang napatawa.

Nagsalita si Jem na noo'y isinalikop ang mga palad sabay inipit sa pagitan ng pisngi at balikat. "Tinawag ako ni Mark na Mrs. Feehily!" Paulit-ulit na ikinurap ng dalaga ang mga mata. Mayamaya ay napahiga siya sa kama sabay tingala sa kisame.

"Kaya nga. At saka may pagsundo pang nalalaman with matching background song pa," ani Mae. "Quota queen ka talaga, bakla!"

Dumapa si Jem sa kama. Ngiting-ngiti siya habang nire-replay sa utak ang mga espesyal na sandali nila ni Mark kanina. "Lalo ko na tuloy naging paborito ang Written in the Stars."

"Oy, may gustong umagaw ng trono sa pagiging Quota Queen," saad ni Analisa sabay lingon kay Kathryn. Hawak-hawak nito ang mga larawan nila ni Kian kanina.

"Patingin ako, bakla!" Di na hinintay ni Jem na sumagot si Kathryn. Kinuha niya ang pictures mula sa mga kamay ng kaibigan. Lumapit sina Analisa at Mae para makitingin.

"Shet, ang pogi ni Kian dito! Kitang-kita ang blue eyes!" bulalas ni Mae.

"True. At saka sa lahat ng pictures, ngiting-ngiti siya," obserbasyon ni Analisa. "Si bakla naman, puro stolen shot. Isa lang 'yung matino ang kuha."

Napatawa sila.

"Raulo. Siyempre nasa state of shock pa ako niyan 'no?" depensa ni Kathryn. "Ikaw ba naman ang akbayan ng crush mo, siyempre mabibigla ka rin."

"Ikaw na talaga, bakla," ani Mae sabay abot ng pictures sa kaibigan.

Room 610

Kanina pa pabiling-biling sa higaan si Mark. Pinipilit niyang matulog pero kusang lumilitaw sa utak niya ang mukha ni Jem. Ang isang bahagi rin ng isip niya ay paulit-ulit na ibinubulong ang pangalan ng fan.

Bakit ba kasi ako nagkakaganito?

Kinuha ni Mark ang sariling phone. Tiningnan ang photo gallery. Muli niyang ipapaalala sa sarili na si Cailean at hindi si Jem ang dapat niyang isipin.

Ilang minuto na siyang tumitingin ng mga larawan nilang dalawa nang may e-mail notification siyang natanggap.

Binuksan niya agad ang mensaheng natanggap. Raw pictures pala 'yun ng meet and greet kanina.

Sa ilang daang pictures na nandoon ay may hinanap siya. Hindi siya nahirapan dahil nakita niya agad iyon.

Group picture nila ito kasama si Jem. Magkatabi sila habang nakangiti at magkasalubong ang mga ulo.

Hindi napigilan ni Mark ang pagngiti. Ini-zoom pa niya ang larawan para mas makita ang kuha nila nang malapitan.

Ise-save na sana niya ang pictures nang mapatigil siya. Naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha.

Muling bumagabag sa kaniyang isip ang sitwasyon niya. Naalala niya si Cailean.

Wala siyang nagawa kundi i-close ang e-mail at i-turn off ang phone. Humiga siya at napatitig sa kisame.

Susubukan na talaga kitang alisin sa isip ko, Jem.

Pangako iyan.

At pumikit si Mark upang matulog.

Wala pang ilang saglit ay napamulat siya ng mga mata.

A-attend kaya ulit si Jem bukas?

***

Sa kabila namang room ay gising na gising pa rin si Kian. Nakaupo lang siya sa may edge ng kama.

Kanina pa niya napagtagni-tagni ang lahat.

Ang fan sa meet and greet na nakasuot ng t-shirt na may imprentang Kathryn Egan ay ang babaeng na-meet niya sa rooftop.

Ang babaeng ipinagsigawan ang damdamin para sa kaniya, na walang kaide-ideya na naroon lang siya at nakamasid.

Na-realize din niya na ang dalaga rin ang may entry sa contest na labis na na-appreciate niya.

"I really suck in photographic memory. Bakit ba hindi ko siya agad namukhaan?" saad ni Kian sa sarili.

Muli niyang binalikan ng alaala ang ekspresiyon ng fan kanina. Kung paano ito ngumiti sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. Kung gaano ito kasaya nang kausapin niya ito.

Hindi niya napapansing kusa na rin pala siyang napapangiti.

Gusto pa sana niyang magmuni-muni muna pero nakita niyang lumalalim na ang gabi. Natulog na siya para paghandaan ang ikatlo at huling araw ng concert kinabukasan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro