Chapter 16 - Concert Day 2
The Garden Suite Hotel
Room 605
Kanina pa pagulong-gulong sa kama si Kathryn habang nakatakip ang unan sa mukha. Pinipigilan niyang kumawala ang kilig na kanina pa nararamdaman.
Nang magsawa ay bumangon siya at nag-indian seat.
"Shems, totoo ba talagang na-meet na natin ang Westlife kanina?" Tiningnan niya isa-isa ang mga kaibigan na may kani-kaniyang pinagkakaabalahan.
Si Jem ay nasa tabi ng bintana habang kinakantahan ang picture nila ni Mark sa meet and greet. Si Mae naman ay pangiti-ngiting nakatitig sa picture nila ni Shane. Si Analisa naman ay binabalot ng plastic cover ang isinuot na damit kanina.
"Yiz! Trulaley na itey. Hindi na pantasya, bakla!"
Nagtinginan ang apat at sabay-sabay na pumalirit. May gigil nilang niyakap ang isa't isa na may kasama pang hampasan sa braso. Ganyan sila 'pag kinikilig. Nagkakasakitan in a good way.
Bumilog sila at umupo sa sahig ng kuwarto.
"Woi, alam n'yo ba, tinanong ako ni Shane kung ako raw ba 'yung may entry ng Written in the Stars. Ang weird," ani Jem.
"Shala naman. Na-recognize agad! For sure, isa ka na sa winners." Umaktong nilalagyan ni Kathryn ng invisible na korona ang kaibigan sa ulo.
"Woi, kinabahan ako, ah? Ayoko munang mag-conclude." Tiningnan ni Jem si Kathryn at marahang siniko ito sa tagiliran. "Oy, bakla. Sikat na sikat ka kanina no'ng magkaharap kayo ni Kian."
"Uy, enebe. I'm shy." Kunwa'y tinakpan ni Kathryn ang mukha.
"Eh, paano ba naman? Halos lahat ng fans, eh, kilala na 'yang friend natin. Puro Kian ang laman ng timeline. Aba sana pala ay pinalitan na niya ng pangalan 'yung FB niya. Gawin na niyang Kian Egan PH Fan page," saad ni Analisa na umakbay kay Mae.
"Oy, nakakahiya naman, bakla. Para namang hindi mo naman bukambibig si Nicky Byrne. Aba, eh, sino ba 'yung ginawang standee si Nicky tapos i-dinisplay pa sa labas ng grocery store? Di ba nga na-feature ka pa sa GMA 7? Oh, pak!" saad ni Kathryn.
"Well, pare-parehas lang naman tayong apat, mga bakla," sabad ni Jem. "Magkakaiba lang 'yung paraan ng pagpapakita natin ng pagsuporta sa kani-kaniyang bias natin... and the whole group."
They nod their heads in unison.
"Teka lang, balik nga tayo kay Nicky." Napakapit sila nang mahigpit sa isa't isa at muling pumalirit.
"Grabe! Akala ko sa pictures lang malakas ang appeal ni bebe Nicky. In real life din pala!" palatak ni Kathryn.
"Totoo. Muntik ko na ngang malimutan na si Mark 'yung bias ko dahil kay Nicky, eh." Si Jem ang nagsalita.
Bumaling ng tingin si Mae kay Analisa. "Bakla, sobrang sinulit mo na talaga 'yung momentum sa tabi ni Nicky. Ayan, nasundo ka tuloy ng bouncers."
Napahagikhik sila nang muling maalala ang nakakatawang pangyayaring 'yun.
"Ayoko na ngang umalis sa tabi ni Nicky, eh. Masyado lang talagang malalakas 'yung bouncer. Dalawa ba naman sila." Napatawa nang marahan si Analisa. Nilingon niya si Kathryn. "Eh, ikaw naman, bakla? Quotang-quota ka rin naman kay Nicky babe ko. Kung makapulupot sa leeg akala mo nama'y mauubusan." Pinamilugan niya ng mga mata ang kaibigan.
"Hiniram ko lang naman saglit, bakla. Isinoli ko pa rin naman, eh," sabi ni Kathryn habang nagpi-pretty eyes.
"Hay naku." Napakibit ng balikat si Analisa. Si Mae naman ang napagdiskitahan niya. "Antahimik mo naman, bakla. Can't relate?"
Natatawa-tawa si Jem. "Baka nagtampo sa 'yo 'yung apat ha? Si Shane lang ang pinuntahan mo, eh."
Nagtawanan silang magkakasama.
Tumulis ang nguso ni Mae. "Ayos lang. Remember? May meet & greet pass pa tayo sa susunod na dalawang concert. Hintayin n'yo akong makabawi. Baka i-unfriend n'yo ako sa panlalanding gagawin ko sa biases ninyo." Tumawa nang malagom si Mae.
"Lamangan mo 'yung ginawa ni Kathryn kay Nicky," paghahamon ni Jem.
"Sige. Kakandong ako kay Nicky. Tingnan n'yo," panunusot pa ni Mae.
"Kaloka! Baka masampal kita nang hindi oras, bakla," pagbibiro ni Analisa na ipinakita pa ang palad.
Nagkuwentuhan pa sila nang ilang oras at nagkayaan na ring matulog kalaunan.
Papatayin na sana ni Jem ang mga ilaw nang tumayo si Analisa. Aktong lalabas sa kuwarto ang dalaga.
"Saan ka, bakla?"
Isinuot muna ni Analisa ang jacket bago sumagot. "Sa rooftop. Baka makasuwerte rin ng poging hahalik sa akin."
Iniangat ni Kathryn ang ulo. Narinig pala niya ang pag-uusap ng mga kaibigan. "Loka-loka ka talaga!"
The Garden Suite Hotel
Room 610
Pinagsasaluhan ng lads ang tig-iisang bote ng beer bago sila matulog.
"Bentang-benta ka kanina, bro ha? Iba talaga ang karisma mo sa mga babae," biro ni Shane kay Nicky. Nilagok niya ang isang bote ng beer na hawak.
Napapangiting-napapailing lamang ang binata.
"Pansinin naman natin si Mark. Kanina pa 'yan parang natataranta." Sumulyap si Brian sa kaibigan.
"Yuuh, ako na naman ang napagtrip-an ninyo. Tumagay na lang tayo. Maaga pa tayo bukas," sagot ni Mark in an attempt na ilihis ang usapan.
"Bro, atin-atin lang ito. Sagutin mo ha?" Umayos ng upo si Kian at hinarap si Mark. "Tinamaan ka 'no?"
"Tinamaan? Kanino? Doon sa fan kanina sa meet & greet na may entry na Written in the Stars?" tanong ni Mark na medyo nakukulitan na sa mga kaibigan.
Nagkatinginan nang nakaloloko sina Shane, Brian, Kian, at Nicky.
"Bro, wala kaming binabanggit na pangalan pero may tinutukoy ka na agad. Sa 'yo na mismo 'yan nanggaling," biro ni Nicky na noo'y lumalantak ng kornik.
Marahas na napabuga ng hangin ang binata.
"Oo na. Sige na, aamin na ako." Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan. "I think I'm attracted to her."
Napatayo sa tuwa sina Shane, Nicky, Kian, at Brian.
Nagsisimula pa lang ang banda nila ay aware na sila sa preference at kasarian ni Mark. Lubos nilang tanggap iyon. Medyo natuwa lang sila na malamang nagkakagusto sa babae ang kaibigan dahil bago ito para sa kanila. Mark never admitted that he liked a woman. Ngayon lang.
"Binata na si Mark!"
sigaw ni Shane habang minamasahe sa mga balikat ang kaibigan.
Mas lumakas ang pangangantyaw ng apat kay Mark.
Natatawang-napapailing na lang si Mark. Hindi na niya kayang sarilinin pa. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso niya nang makita niya ang tinutukoy na fan. Kanina pa parang may mga paruparo sa tiyan niya kaya hindi siya mapakali.
Samantala, may napadaan sa labas ng Room 610.
Ano ba naman itong mga ito? Gabing-gabi na e naghihiyawan pa rin. Nakakaistorbo sa mga katabing room. Hays. ani Analisa sa sarili.
Hindi na siya nagtagal sa harap ng tinutukoy na room. Dumiretso siya patungong elevator para makaakyat sa rooftop.
***
Nasa isang pribadong restaurant sina Jodi, Ben, at ang fianceé nito.
"Sarah..." Humawak si Jodi sa mga kamay ng fiancee ni Ben.
Ngiti ang itinugon ng dalaga. "Jodi, you don't have to explain. Ben already told me everything. I believe in him." Pinisil ni Sarah ang kamay ng dalaga.
"Thank you so much."
"C'mon, magpa-picture tayong tatlo. Ipo-post ko sa IG," alok ni Ben sa dalawa.
Wala namang pagtanggi si Jodi na ngumiti habang kinukuhanan ni Ben ang picture nila.
had a small talk with jodi and my fianceé sarah @DublinResto
Nag-reply si Sarah sa IG post ni Ben
"i luv u baby" na ni-reply-an kaagad ni Ben ng "love you too".
Nag-comment naman si Jodi ng 'you two are cute. best wishes'.
Ilang minuto lang ang lumipas ay agad nag-trending ang IG post ni Ben sa buong Ireland at UK na umani ng iba't ibang reaksiyon. Kahit papaano ay nagsilbi na rin itong damage control sa nangyari.
***
The Garden Suite Hotel
Room 605
"Ano'ng unit kaya ng Westlife dito 'no? Tatlong araw na tayo rito, wala pa ring ganap," tanong ni Jem.
"That's what we need to find out," sagot ni Mae na nakahawak sa sariling baba.
"Mga bakla!" humihingal na sigaw ni Kathryn na kapapasok lang ng room nila.
"Ano?" sabay na tanong ng mga kaibigan niya.
"Nakasalubong ko si Louis Walsh sa elevator. Galing siya rito sa floor natin!"
Bahagyang naiawang ni Mae ang bibig. "So nandito nga talaga sa hotel ang lads?"
"Posible," sagot ni Kathryn na medyo kalmado na ang paghinga. Napatingin siya sa mga kaibigan. "K-Kung dito nga sila nag-i-stay, malaki 'yung chance na si Kian 'yung—"
Naisalikop ni Jem ang mga kamay. "Hala. Baka nga? Tapos JOOP pa 'yung pabango."
Nagtilian silang lahat sa teoryang naisip.
"Ayoko pa ring mag-overthink. Baka naman kasi hindi talaga. Aasa lang ako." Napatingin siya sa relong pandingding. "Tara na nga. Anong oras na, oh? Kakain pa tayo."
Iniba ni Kathryn ang takbo ng usapan nila para hindi na humaba pa. Ang hindi alam ng mga kaibigan niya ay iyon pa rin ang nilalaman ng isip ng dalaga.
Paano nga kaya?
Araneta Coliseum
Panay ang daldalan ng magkakaibigan habang 'di pa nagsisimula ang concert. Gano'n pa rin ang setlist ng kanta katulad kahapon pero hindi nabawasan ang energy ng fans. The vibe is still the same.
Natapos na ang concert at oras nang muli para sa meet & greet.
"Medyo nahihiya ako sa part na tayo-tayo na naman ang makikita ng Westlife," ani Jem.
"Why should we? We paid for this," pagdepensa ni Kathryn.
"Ay taray. Englishera!"
Tumikhim si Kathryn. "Nagpa-practice lang kasi alam mo na, baka isama ako ni Kian pag-uwi sa Ireland kaya kailangan kong matuto ng primary language nila."
Pabirong inismidan ni Jem ang kaibigan. "Oh, sige. Support kita, bakla. Gusto mo ng English lesson? Ako na ang magtuturo."
"Luh, huwag na 'no? Strict ka pa namang guro, Teacher Jem."
Natatawang-naiiling lang ang dalaga sa tinuran ni Kathryn.
Ang kapwa fan nilang si Lala ang una sa pila ng meet & greet. Isa siya sa ultimate fan ni Brian kaya kilalang-kilala na siya ng binata. Wala naman kasing pinalampas na concert ito basta pagdating sa iniidolo. Masuwerteng nahalikan ni Brian sa cheeks si Lala kaya halos magwala ito sa saya. Mabuti at napigilan siya ng kaibigan niyang si Donnalyn dahil kung hindi ay baka naglulupasay na siya sa sahig.
Ilang fans pa ang sumalang sa meet & greet. Sa wakas ay pagkakataon nang muli ng magkakaibigan.
Una sa pila si Mae. Bumawi siya ng pagyakap sa ibang lads na hindi niya nayakap kahapon sa kasabikang mayakap si Shane. Inuna niya si Brian na hinawakan pa niya ang baba. Napahagikhik ang mga kaibigan niya sa kaniyang ginawa.
Sunod naman ay si Mark ang kaniyang pinuntirya at sumubsob pa siya sa dibdib nito habang nakayakap. Pasimple siyang tumingin kay Jem na noo'y nakabusangot na.
Pagkatapos kay Mark ay si Kian naman na nilambitinan niya ang leeg habang iniinis si Kathryn. Si Kathryn naman ay hindi mo maitsurahan ang mukha sa pagkapikon.
Bago naman siya lumapit kay Nicky ay napatingin naman siya sa puwesto ng mga kaibigan niya. Ipinakita ni Analisa ang kanang palad kay Mae na parang nagsasabing 'Sige Mae, gawin mo 'yung sinabi mo, ipapatikim ko ito sa 'yo,'. Naghahagikhikan naman ang mga kaibigan niya dahil sa reaksiyon ni Analisa.
Yumakap si Mae kay Nicky. Aktong itataas niya ang kabilang paa pero hindi naman niya itinuloy.
Nakahinga nang maluwag si Analisa dahil doon. Mamamatay naman katatawa ang mga kaibigan niya.
At siyempre ang kaniyang pinakamamahal na si Shane ang panghuli. Matamis na ngiti ng binata ang bumungad sa kanya nang harapin niya ito.
"Hello again! We met yesterday, right?"
"Y-Yes," pagaralgal na sagot ni Mae.
Nabigla si Mae nang gawaran siya ng binata ng magaang halik sa pisngi. Hindi niya inasahan 'yun.
Pagkatapos ng photo op ay tulalang naglakad si Mae papuntang exit habang sapo ang pisnging nadampian ng mga labi ng iniidolo.
Sumunod ay walang iba kundi si Analisa. Medyo inabutan siya ng hiya kaya nagpa-picture lang siya nang simple sa lads habang nakakunyapit sa braso ni Nicky.
Nang maka-exit si Analisa ay si Jem naman ang sumunod.
Habang papalapit siya ay tumunog ang kantang Written in the Stars, bagay na ikinagulat nina Mark at Jem.
Si Kian pala ang may pakana ng pa-background music. Saglit niyang pinuntahan ang namamahala sa sound system para i-request ang kantang 'yun.
Sa sandaling nagtama ang mga mata nina Jem at Mark ay parang bumagal ang oras.
Sa gitna ng paglalakad ni Jem ay napatigil siya. Animo'y nasa panaginip siya kung saan hirap na hirap siyang ihakbang ang mga paa.
Nang matauhan si Mark ay walang alinlangan niyang nilapitan ang dalaga. Bagama't nakangiti ay nakatago sa likod noon ang kabang kanina pa bumibingi sa pandinig niya.
Napalingon si Jem sa kinaroroonan ng mga kaibigan. Nandoon na ulit sina Analisa at Mae sa tabi ni Kathryn. Magkakayakapan ang tatlo habang kinikilig.
🎵 Stay with me don't fall asleep to soon,
The angels can wait for a moment.
Come real close, forget the world outside,
Tonight we're alone its finally you and I.
Nasa harap na ni Jem si Mark. Taglay ng binata ang isang ngiting mas lalong nagpapaguwapo sa kaniya. Inilahad niya ang kamay kay Jem. Nanginginig man ay wala nang pag-aalinlangang inabot iyon ng dalaga.
It wasn't meant to feel like this, not without you.
Napatitig si Mark kay Jem at pinagmamasdan ang maamong mukha ng kaharap.
Her simplicity is stunning which makes her outshine other people here.
Ngiting-ngiti ang lads sa likod habang pinanonood sina Mark at ang fan.
🎵 Cause when I look at my life,
How the pieces fall into place it just wouldn't rhyme without you.
When I see how my path seems to end up before your face,
The state of my heart,
The place where we are was written in the stars. 🎶
Pakiramdam ni Jem ay para siyang nakalutang sa alapaap.
Ang guwapo-guwapo talaga ng baklang ito.
"Hi. You're Jem right?"
Napakurap-kurap ang dalaga. "H-How did you know?"
"Your name at the back says so," ani Mark na noo'y nakaturo sa tinutukoy na sulat. "It says Jem Feehily."
Hala, nakita niya 'yung nakasulat sa damit ko!
Lord, kuhanin N’yo na po ako!
Sana matunaw ako sa kinatatayuan ko.
"Are we related? We have the same last name," pabirong tanong ni Mark.
"N-No." Nakayuko na si Jem dahil sa sobrang hiya. Gusto pa sana niyang magpaliwanag pero hindi na niya ginawa. Pakiramdam niya'y magkakabuhol-buhol ang dila niya.
Ako kasi 'yung future wife mo. nais niyang isatinig.
Charot!
"Okay." Mas lumawig ang ngiti ni Mark sa mga labi. Tumango-tango siya. "Let's go to the lads, Mrs. Feehily."
Naudlot ang tangkang paghakbang ni Jem nang marinig ang sinabing iyon ng binata. Para bang sandaling nag-flat line ang buhay niya dahil pakiramdam niya'y tumigil sa pagtibok ang puso niya.
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya ang itinawag sa kaniya ni Mark.
Mrs. Feehily? Foreshadowing ba ito? Char!
Inalalayan ni Mark si Jem papunta sa lads. Niyakap ng dalaga ang bawat lads.
Pagdating kay Kian ay pasimple niyang kinausap ito.
"Kian, I have a friend over there who is a big fan of yours. I hope you make this night memorable for her."
"Sure! Where is she?"
"She's next in line," turo ni Jem sa kinaroroonan ni Kathryn.
Hinanap ni Kian ang direksiyong itinuturo ni Jem. Nang mapukol ang atensiyon niya ay nagitla siya.
Siya 'yung babae sa rooftop... the girl who I kissed that night... the girl who I wish to kiss again.
The girl who didn't make me fall asleep the other night.
Ibinalik niya ang tingin kay Jem. "Sure, I'm gonna make her night."
Ngiting tagumpay naman si Jem sabay nag-thumbs up sa kinaroroonan ni Kathryn.
Nagpakuha na ng litrato si Jem kasama ang lads. Nakaalalay pa rin si Mark sa likod niya. Tila ayaw pa niya itong pakawalan.
Nang sabihin ng photographer na ang susunod na fan naman ay bumangon ang lungkot sa dibdib ni Mark. Wala siyang choice kung hindi ang magpaalam.
"Thank you, Jem. Nice meeting you!"
Tipid na ngumiti si Jem. "Nice meeting you too. B-Bye, Mark!"
Malungkot na sinundan ng tingin ng lalaki ang dalaga.
Um-attend kaya ulit siya bukas?
Sumunod naman si Kathryn. Hindi niya napansin na siya na pala ang kasunod sa meet & greet dahil pinag-uusapan pa nila ang pag-quota ni Jem kay Mark.
Nagulat na lang siya nang may kamay na kumulong sa kamay niya.
Napatingin siya. Sa obserbasyon niya ay kamay ng lalaki iyon.
Napuno ng tilian ang paligid at pagsigaw ng 'Sana all!'
Unti-unting inangat ni Kathryn ang mukha niya. Laking gulat niya nang makita niya ang taong humahawak sa kamay niya...
...ay walang iba kung hindi si Kian.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro