
Chapter 15 - Concert Day 1
Para bang nasemento ang mga paa ni Kathryn sa kinatatayuan. Tinatanaw niya ang misteryosong estranghero na tumatakbo palayo. Madilim ang daang tinungo ng lalaki kaya hindi niya nakita nang malinaw ang itsura nito. Medyo may katangkaran ito, may white complexion, at blonde ang buhok.
Kumalat ang kilig sa kaniyang sistema. Ilan kasi iyon sa mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.
Konti na lang, iisipin kong si Kian 'yun.
Ilang minuto pa siyang nakatayo habang nakatingin pa rin sa pintong dinaanan ng lalaking pumawi ng pagkabirhen ng mga labi niya. Umaasa siyang babalik muli ito para magpakilala sa kaniya ngunit nabigo lamang siya.
May panghihinayang na napabuntong-hininga siya. Alanganin niyang pinakawalan ang isang ngiti at noon di'y bumaba na siyang muli para bumalik sa kuwarto nila. Kailangan na niyang matulog dahil concert na ng Westlife bukas.
Kinikilig niyang hinawakan ang mga labi niya habang tinatahak ang daan pababa.
That kiss is awesome. So addictive. And I'm longing for it. I want those lips again.
***
Isang lalaki ang nagmula sa fire exit. Tahimik nitong sinusundan ng tingin ang misteryosong babaeng hinalikan niya.
Ang lalaki ay walang iba kung hindi si Kian.
Si Kian na pinapangarap ni Kathryn.
Si Kian na first love ni Kathryn.
Ang lalaking laman ng day dream at pantasya niya.
Ang lalaking inspirasyon niya.
Ang tanging lalaking minahal niya sa buong buhay niya.
Na kahit alam niya na wala siyang pag-asa ni katiting na mapansin man lang.
Heto at humalik sa kaniya pero wala siyang kaalam-alam.
The Garden Suite Hotel
Room 610
01:00 am
Hindi mawala sa isip ni Kian ang senaryo kanina sa rooftop.
He was at his lowest when that girl came and expressed her love to him.
That girl looks familiar...
Parang nakita ko na siya.
I cannot forget her innocent eyes, cute face and that... ughh... lips.
Her soft lips.
I badly want to kiss those again.
I've kissed many girls before but heck. This is different. I don't know why.. All I know is, I can't stop thinking about her.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata para subukin ang sarili na makatulog na.
The Garden Suite Hotel
6th floor, Room 605
02:00pm
"Nakaligo na tayong lahat pero si Kathryn e himbing na himbing pa rin. Baka ma-late tayo!" Sinulyapan ni Jem ang kaibigan habang naglalagay siya ng kolorete sa mukha.
"Chill ka lang, bakla. Alas otso pa naman ang simula ng concert," gagad ni Mae na nagpaplantsa ng buhok. "Remember, VIP seat tayo kaya hindi na natin kailangang agahan para makipag-unahan sa puwesto."
"Kung sabagay. Pero 'di mo masasabi ang daloy ng trapiko. Nadala na ako sa pagka-late namin ni Kathryn sa Westlife concert two years ago." Binalikan ng tanaw ni Jem ang nangyari noong araw na iyon.
"Sige, gisingin na nga natin itong babaeng ito na ngingiti-ngiti pa." Tiningnan ni Mae ang nahihimbing na si Kathryn. "Sabog-sabog pa ang lipstick. Akala mo ay hinalikan ng sampung kalabaw."
Nilapitan ni Analisa ang natutulog na kaibigan. "Oo nga. Anyare sa babaeng 'to?"
Nagkibit-balikat si Jem.
Malakas na niyugyog ni Analisa si Kathryn. "Kathryn Alexandria Rodriguez!"
Parang mantika kung matulog ang dalaga dahil hindi ito natitinag.
Hindi naman siya sinukuan ng kaibigan. "Nasa labas ng pinto natin si Kian, kumakatok!"
"Uhm.."
"Nasa pinto si Kian dali!" pakli ni Mae na tumulong na rin sa pagyugyog sa kaibigan.
Napabalikwas si Kathryn sa higaan pagkarinig noon.
"Pinto? Si Kian?" Dagli siyang nagsuklay at binuksan ang pinto.
Nanlumo siya dahil nang buksan niya ang pinto ay wala namang tao roon. Pabalagbag niyang isinara ito at saka nakapamaywang na hinarap ang mga kaibigan.
"Nakakainis naman. Ang lalakas ng trip n'yo!"
"Kasi naman, ang hirap mong gisingin. Himbing na himbing ka sa pagtulog." Ibinaba na ni Mae ang hawak na plantsa ng buhok. "Tingnan mo kami. Aalis na lang. Ikaw na lang talaga ang hinihintay."
Uminat si Kathryn sabay hikab. "Sorry na. Heto na, maghahanda na." Umahon na siya sa kama pagkasabi noon.
"Oy, bakla. Bakit ba kalat-kalat 'yang lipstick mo? May nakahalikan ka ba?" usisa ni Analisa.
Natigalgal na napahawak si Kathryn sa bibig. Hindi pa nakuntento ay humarap pa siya sa salamin.
Kalat na kalat nga ang lipstick niya sa paligid ng kaniyang mga labi. Nag-flashback sa utak niya ang mga nangyari kagabi.
Napadukot siya sa bulsa niya. Naroon pa rin ang panyo na ibinigay ng misteryosong estranghero.
Lumunok muna siya bago magsalita. "Tama ka, bakla. Someone kissed me last night."
Tinapunan nina Jem, Analisa, at Mae ng makahulugang titig ang kanilang kaibigan.
Hindi pa rin sila makapaniwala.
"Di ka na virgin! Tara't ipagbunyi!" palatak ni Analisa na kinuha ang mga kamay ng kaibigan para itaas.
"Gagi!" saway ni Kathryn sa kaibigan. "Yung lips lang."
Nagtawanan silang tatlo. Hiniram ni Jem ang panyong hawak ni Kathryn at sinamyo ito. Kumunot ang noo niya, tila ba inaalala kung may naamoy na siyang katulad noon.
"Mga bakla, amuyin n'yo ito. Parang naamoy ko na ito somewhere, eh?"
Kinuha nina Mae at Analisa ang panyo at sinamyo rin iyon.
"It smells like JOOP perfume," saad ni Mae.
Kumislap ang mga mata ni Kathryn. "JOOP perfume? 'Yung paboritong pabango ni Kian?"
Nagkatinginan silang apat.
Araneta Center
Cubao, Quezon City
"Oy, mga bakla! 'Yung plano natin mamaya ha? Umeksena na ang eeksena," ani Jem.
Kasalukuyan silang kumakain sa McDo malapit sa Araneta habang hinihintay ang pagsisimula ng concert.
"Naku, 'pag usapang ganyan, asahan na natin d'yan si Kathryn. Nasa kaniya ang korona pagdating sa pagpapapansin," sabi ni Mae. Tiningnan niya ang kaibigan na mukhang malayo ang iniisip.
Siniko siya ni Analisa. "Oy, bakla? Hanggang ngayon ba'y iniisip mong si Kian ang nagmamay-ari ng panyo?"
Naputol ang daloy ng iniisip ng dalaga. Nilingon niya si Analisa. "H-Ha?"
"Wag kang masyadong mag-overthink diyan. Baka sa huli e ikaw rin ang masasaktan." Hiniwa ni Mae ang manok na nasa plato. "Sa dinami-rami ng gumagamit ng JOOP perfume lalo na mga taga-UK e napakaimposible na si Kian 'yun."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Kathryn. "Alam ko. Naku-curious lang ako kung sino 'yung mystery stranger na nakadaupang-palad ko. Kailangan niyang panagutan ito," himig-biro pa niya.
Hindi nila napigilan ang pagbunghalit ng tawa.
"Bago tayo umalis sa hotel, ako naman ang tatambay sa rooftop. Baka makasuwerte rin ng kahalikang guwapo," biro ni Analisa.
"Baliw!" Hinampas nang mahina ni Jem ang kaibigan.
At nagtawanan silang muli.
Nang makarating si Carlos ay sabay-sabay na silang pumasok sa loob. Hindi pa man nagsisimula ang concert ay nakaisandaang selfie na sila.
Nakatagpo nila ang ilan sa mga kapwa miyembro nila sa fan group. Nakita rin nila sina Veniece at ang mga kabarkada nitong sina Suzy at Venus sa kabilang dako.
Ilang minuto pa ang lumipas at nagsimula na ang concert. Sinimulan ito ng pag-awit ng lads ng Uptown Girl.
"Ang gaguwapo!" Napapatalon pa si Jem nang sumulpot na sa bulwagan ang limang lads.
"Ang ha-hot!" Halos mapatid ang litid ni Analisa sa leeg kasisigaw.
Sumunod na inawit ng Westlife lads ang 'When You're Looking Like That', 'World of Our Own', 'Mandy', 'Queen of my Heart', 'Obvious', 'I Lay My Love On You', pati na rin ang 'My Girl'.
Kilig na kilig ang lahat lalo na sa kantang 'My Girl' dahil boses ni Brian ang nangingibabaw.
Nang matapos ang isang set ng kanta ay kinausap muna ng Westlife ang crowd.
Kinuha ni Brian ang mikropono mula sa isang staff.
"Hello Philippines!"
Pumapalirit at naghuhumiyaw ang crowd habang iwinawagayway ang lightsticks na hawak nang muling magsalita ang binata.
"It's nice to be back here!" Lumagok siya ng konting tubig mula sa mineral water bottle na hawak. "I miss you all!"
Sinundan ito ng sagot na "We miss you too, Brian!" mula sa kumpulan ng mga tao.
"Last year, I came here alone but now, I came back with the lads." Tumingin siya sa mga kasama.
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Mayamaya pa ay humupa na ito upang mabigyan ng pagkakataon si Brian na makapagsalita.
Isang tinig ang nagmula sa may unahang upuan sa audience. "I love you, Brian!"
Lumingon si Brian sa lugar kung saan iyon nangggaling. Agad siyang sumagot ng "I love you too!" which makes every fangirl craze.
Umaliwalas ang mukha ni Brian, para bang mayroon siyang naalala.
"When I had a solo concert here last year, there was this girl who kept on shouting 'I love you, Brian'. I remember she almost pass out when she drop on the floor."
Nagkaroon ng komosyon sa may VIP seat at may itinuturo silang isang babae na pilit nagtatakip ng mukha. Walang iba iyon kung hindi si Kathryn.
***
Few minutes ago
"Ang pogi talaga ni Papa B!" sigaw ni Mae.
"I love you, Brian!" sigaw ni Kathryn.
"I love you too," ganti nito.
Hinampas siya ng mga kaibigan niya.
"Hoy, bakla! Sa harap pa talaga ni Kian 'no?" pananaway ni Jem.
"Ay shet! Oo nga pala. Kay Kian nga pala ako," ani Kathryn na napahawak sa likod ng ulo.
"When I had a solo concert here last year, there was this girl who kept on shouting 'I love you, Brian'. I remember she almost pass out when she dropped on the floor," pagkukuwento ni Brian.
Naghiyawan na naman ang crowd lalo na ang mga nakasama nina Kathryn no'ng solo concert ni Brian. Siya lang kasi ang bukod tanging gumawa ng eksenang gano'n.
Itinuturo ng mga tao si Kathryn na nasa VIP seat.
"Mga gagi kayo. Wag n'yo akong ituro! Kay Kian ako this time," ani Kathryn na nagtatago pa rin sa likod ng poster na dala niya.
Hiyang-hiya ang dalaga. Buti na lang ay sinalo na ni Nicky ang mikropono.
"We're really thankful for your undying support. I hope you'll be with us until the third night of our concert. We got a big surprise for you all."
Bumalik na sila sa pag-awit ng mga kantang My Love, Swear It Again, If I Let You Go at Fool Again.
Tuwang-tuwa naman ang crowd dahil sa blending ng boses ng limang lads.
"Kian, anakan mo ako!" Medyo napalakas ang pagkakasigaw na iyon ni Kathryn kaya literal na pinagtinginan siya ng mga tao.
"Bakla ka talaga. Mamaya nga, anakan ka niyan, eh," pagsuway sa kaniya ni Jem.
"Eh, 'di masaya," himig-biro ng dalaga na muling ituloy ang pagtili kaya napatawa ang mga katabi niya sa upuan.
Malapit nang matapos ang concert. Nagulat ang lahat sa mga huling piyesa na kinanta ng lima - ang mga kanta sa Gravity Album.
Nang i-release ng Westlife ang album na ito ay hindi pa nila kasama si Brian, kaya gano'n na lamang ang pagkamangha ng fans nang bumagay sa binata ang mga linyang ibinigay sa kaniya.
***
Natapos ang concert at heto na ang pinakahihintay na pagkakataon ng mga nakakuha ng SVIP ticket - ang meet and greet.
Isandaang katao ang mapalad na nabigyan ng pagkakataon na makapagpalitrato sa limang lads.
Nasa pila na ang mga dalaga. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman nila.
"Ito na 'yun, mga bakla!" ani Mae na magkadaop ang mga palad sa sobrang excitement.
"Analisa, pakisabi kung gaano kainit ang katawan ni Nicky ha?" biro ni Jem.
"Buti ipinaalala mo. Teka." Kumuha si Analisa ng mighty bond mula sa bag.
"Gagi. Ano'ng gagawin mo sa mighty bond?" tanong ni Kathryn.
"Ilalagay ko sa braso ko para 'pag yumakap ako kay Nicky, hindi na kami matanggal sa isa't isa. Till death do us part ang peg!"
"Lukaret ka talaga. Kung ano-ano ang naiisip mo!" bulalas ni Mae.
Hindi pa rin maipaliwanag ang saya nila at sa wakas ay pagkakataon na nila sa meet and greet. Nauna na si Mae na dumiretso agad kay Shane at yumakap nang mahigpit sa binata. Sa sobrang excitement ay nalimutan niyang batiin ang ibang lads.
Sumunod ay si Analisa na yumakap muna isa-isa sa lads. Matapos noon ay dumiretso siya sa bias niyang si Nicky.
"Nicky!"
Nagulat si Analisa nang siya ay pisilin sa balikat ng binata. Ayaw pa niya sanang pakawalan si Nicky kaya sinundo na siya ng bouncer.
Sumunod naman sa linya ay si Jem. Nang papalapit na siya ay palihim na nagtinginan ang lads. Napatingin nang sabay-sabay ang mga ito kay Mark na noo'y natulala. Para bang nawalan ito ng dugo sa mukha.
Yumakap na si Jem sa bawat isa. Medyo nalibang siya kay Nicky kaya napatagal at napahigpit ang yakap niya sa binata.
Sa wakas ay nakaharap na niya si Mark, na sa 'di niya malamang dahilan ay nakatulala sa kaniya.
Siniko ni Kian si Mark at saka lang ito natauhan. Siya na ang nag-initiate ng hug kay Jem. Panay ang hiyawan ng mga kaibigan ni Jem sa kilig.
"If I remember it correctly, you're the girl whose entry in the contest is 'Written in the Stars'?" tanong ni Shane kay Jem.
"Y-Yes. Why?"
Ngumiti at nagkibit lang ng mga balikat si Shane. Pigil pa ring tumatawa ang ibang lads habang nakatingin kay Mark.
Yumakap muli si Jem kay Mark at sa pagkakataong ito ay yumakap pabalik ang binata na tumagal nang ilang segundo. Nag-picture na rin sila sa wakas.
Natapos na si Jem at ang sumunod naman ay si Kathryn.
Si Kathryn na yumakap din sa bawat lad. Una niyang binalingan si Shane.
"Hi, Shane!"
"Hello. Nice to meet you!"
Sumunod naman sina Mark at Brian.
"Hi crazy!" bati ni Brian.
Gulat si Kathryn at sumagot ng "H-Hello. Nice to meet you again, Brian!" Sumalubong siya ng yakap sa lalaki.
Nang pagkakataon na niya na makaharap si Nicky ay lumambitin siya sa leeg nito sabay halik sa cheeks. Nang magawa iyon ni Kathryn ay namula ang kaniyang pisngi, tila ba natablan ng hiya sa ginawa.
At ang pinakahihintay ng lahat lalo na ng official fan group members at ng mga kaibigan niya ay ang oras na makaharap ni Kathryn si Kian.
Parang nag-slow motion ang paligid nang tumingin siya sa hinahangaan. Lumapit siya sa binata sabay yakap nang mahigpit. Ramdam niya ang tigas ng katawan ng matagal nang hinahangaan. Sobrang saya niya dahil sa wakas ay napagmasdan na niya nang malapitan ang mukha ng crush.
I love every single detail of his face. The eyes, lips, nose, cheeks... I love everything, I love his hair, his smell...
his smell?
Kaamoy ng pabango na kumapit sa panyo..
Napalaki ang mga mata ni Kathryn sa naisip. Dagli rin naman niyang pinawi iyon sa isip niya. Limitado nga pala ang oras dahil may iba pang magpapalitrato.
Wala na siyang sinayang na oras at yumakap kay Kian. Nang bumitiw siya sa pagkakayakap ay tiningala niya ang binata. Nakita niya ang pagngiti nito na umabot hanggang sa mga tainga.
Ito 'yung ngiti niyang paboritong-paborito ko. 'Yung ngiti niyang makita ko lang e nabubuo na ang araw ko. 'Yung pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko.
Lalo ko tuloy siyang naka-crush-an!
Sa wakas ay natapos na ang photo op. Hinintay nilang ma-claim ang hardcopy ng pictures kaya nagtagal pa sila nang ilang minuto sa Araneta.
May limang kopya sila ng litrato. Bukod pa roon ay may raw pics din na i-a-upload sa Facebook page ng producer team.
Wala nang paglagyan ng kilig ang mga mapapalad na naka-meet & greet ang Westlife lalong-lalo na ang mga magkakaibigan.
Bandang alas diyes y medya ay tinahak na nila ang daan pabalik sa hotel na tinutuluyan, dala-dala ang ngiti sa kanilang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro