Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 - The Judgment

Opisyal nang isinara ng Wilbros ang pagpapasa ng entries sa #WestlifeBeMyDate contest nang sumapit na ang araw ng deadline.

Pinag-uusapan pa ng Westlife management kung kailan puwedeng mamili ang limang lads ng mga mananalong fan.

***

Valentia Islands
Ireland

"Babe?" Tinawag ni Cailean ang pansin ni Mark.

"Yes, babe?"

Tinitigan ni Cailean ang nobyo sabay bumuntong-hininga. "Para kasing ilang araw ka nang matamlay. Is there something wrong?"

Tumugon ng iling si Mark. "Napagod lang siguro ako sa sunod-sunod na rehearsals." Pinisil niya ang kamay ng nobyo. "Okay lang ako."

Pilit na ngiti ang pinakawalan ni Cailean. Tumingin siya sa asul na dagat sa harap nila.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang namagitan sa kanila nang tumunog ang phone ni Mark.

🎵 Cause when I look at my life,
How the pieces fall into place it just wouldn't rhyme without you.
When I see how my path seems to end up before your face,
The state of my heart,
The place where we are was written in the stars. 🎶

Kapansin-pansin ang biglang pagbabago sa ekspresiyon ni Mark. Mula sa pagiging matamlay ay sumigla ang mukha niya. Kinakitaan siya ng kinang sa mga mata.

Napatingin si Cailean sa nobyo. Ang mga mata niya ay humihingi ng paliwanag.

"Alarm," maikling tugon ni Mark.

Tumango lang si Cailean at tuminging muli sa dagat.

Egan's Mansion
Dublin, Ireland

Ginising si Kian ng mabangong samyo na nanunuot sa kaniyang ilong. Nang sundan niya ang pinanggagalingan noon ay napadpad siya sa kusina kung nasaan ang ina niyang nagluluto ng agahan.

"Good morning, Mom!"

"Good morning." Gumanti ng bati si Patricia sa anak. "Kumain ka na."

Tumango si Kian. Umupo na siya sa nakalagak na upuan sa dining area.

Habang naghahain ang kaniyang ina ay naisip niyang tingnan ang IG post ng girlfriend niya.

Napapangiti na lang siya nang 'di niya namamalayan habang tinitingnan ang bagong post ni Jodi Albert.

Siya na talaga ang gusto kong makasama habambuhay. ani Kian sabay dukot sa singsing na nasa kaniyang bulsa.

Tinapos niya ang pagkain at saka siya nagbihis ng damit na pamporma. M-in-essage niya si Jodi.

Magkita tayo sa Mulberry Garden, baby. Papunta na ako. Love you.

Wala siyang natanggap na sagot mula kay Jodi ngunit ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Tiyak naman siya na pupunta ang kaniyang kasintahan.

Dumiretso na siya sa meeting place nila ng nobya. Ilang minuto pa siyang naghintay at sa wakas ay nakarating na rin ang kaniyang pinakamamahal.

"Baby." Binigyan niya ng mabilis na halik si Jodi.

Um-order na sila ng pagkain at nagkumustahan na para bang matagal silang hindi nagkita.

Katatapos lang nilang kumain ay biglang nanahimik si Kian. Humugot siya ng isang malalim na paghinga bagay na ikinakunot ng noo ni Jodi.

Hindi pa siya nakapagtatanong nang iniluhod ng nobyo ang kanang tuhod sa harap niya.

"Baby...." nakangiting sabi ni Kian habang may dinudukot sa bulsa. Isang maliit na box iyon. Binuksan iyon ng binata at inilahad sa harap ni Jodi. Tumambad sa dalaga ang isang kumikinang na singsing.

Sumeryoso ang ekspresiyon ni Jodi. Nagpalit-palit ang tingin niya sa singsing at sa mukha ng nobyo.

"Matagal ko nang pinagpaplanuhan ang bagay na ito. It took me several days, even weeks to end up with this biggest question I want to ask you, and to weigh in the entire situation to assess if this is already the right time." Matamang tinitigan ni Kian ang nobya. Ang mga mata niya ay puspos ng pagmamahal. "To my travel buddy, princess..."

Tumingin-tingin si Jodi sa paligid sa pag-aalalang may makakita sa kanila. "Tumayo ka, baby."

Tila naman bingi si Kian. Nanatili lang siyang nakaluhod. "...my advisor, teacher, friend, most amazing girlfriend in the entire world, and one of the most amazing person I know. Will you marry me?"

Ilang segundong katahimikan ang pumailanlang sa mga saglit na magkahinang ang mga mata nina Kian at Jodi.

May pag-aalangan at lungkot ang mga mata ng dalaga. Bahagya siyang yumukod para tapatan ang mukha ni Kian.

"Baby, I'm sorry but it's a no for now."

The Subway, SM North
Quezon City

"Mga bakla, hindi ko makita 'yung IG ni Kian." Pabalik-balik ang tingin ni Kathryn sa screen ng kaniyang cellphone at sa mga kaibigan niya. "Do you think he blocked me?"

"Nag-deactivate lang siguro," wika ni Jem. "Hindi rin namin makita 'yung account niya, eh."

Humugot ng malalim na paghinga si Kathryn. "Akala ko na-block na ako, eh. Mabuti naman at hindi." Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan. "Pero bakit kaya siya nag-deactivate?"

"Wait, ite-text ko. Tatanungin ko siya." Kunwa'y kukuhanin ni Mae ang cellphone sa bag. Siniko naman siya ni Analisa na sunod na nagsalita.

"Wag kang praning, bakla. Baka nag-hiatus lang sa social media. Malay mo na-burn out lang. Siyempre tao lang 'yun, napapagod. Medyo nakaka-drain din naman kasing tumutok sa internet."

Medyo nadala naman si Kathryn sa sinabi ng mga kaibigan. Isinantabi na lang niya muna iyon.

The Palace Bar
Dublin, Ireland

Nasa isang private room muli ang lads habang pinagsasaluhan ang ilang bote ng beer. Aware na ang lads sa nangyari kay Kian kaya heto at dinadamayan nila ito.

Ngayon dapat sila mamimili ng masuwerteng Pinay fan ngunit hindi natuloy dahil sa nangyari.

Lampas ang tingin at nangingilid ang luha ni Kian. Para bang may ilang toneladang bagay na nakadagan sa dibdib niya.

Bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina.

"Hindi pa ako handang pasukin ang buhay mag-asawa. Baby, I love you. I really do. But I still want to live my life to the fullest. Sabi nga nila, enjoy-in ko raw muna ang pagkadalaga ko. Ayoko namang magpakasal nang hindi pa ako physically, mentally, and emotionally prepared. Gusto ko, 'pag tinanong mong muli ako niyan sa susunod, gusto ko ay buong puso ko nang masasagot 'yan ng 'oo' nang walang pag-aalinlangan. Gusto ko, buong-buo kong maibibigay ang puso ko sa 'yo. Pero sa ngayon baby, hindi muna. We can still remain boyfriend and girlfriend pa rin naman. Hanggang doon pa lang ang kaya ko, baby," mahabang paliwanag ni Jodi.

Napatungo naman si Kian habang nakaluhod. Matagal siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa tumango-tango siya kahit nakatingin pa rin sa sahig.

"N-Nauunawaan ko, baby." Mapapansin ang bahagyang pagyugyog ng mga balikat ni Kian tanda ng kaniyang nakaambang pagluha.

"Baby..." Hinawakan ni Jodi ang mga kamay ni Kian sabay pisil sa mga ito.

Umiling ang binata. "Wag mo akong alalahanin, baby." Tumalikod na siya upang hindi makita ng nobya ang kaniyang namumulang mga mata.

Naaawang tiningnan lang ni Jodi ang nobyo. Para siyang inurungan ng dila dahil wala siyang masabi.

Mahabang patlang ang namagitan sa kanila.

"Nag-chat pala sa akin sina Shane, baby. May lakad nga pala kami ngayon. I'll go ahead."

Hindi na hinintay ni Kian ang sagot ni Jodi. Nagsimula na siyang humakbang palabas sa restaurant.

Gusto mang pigilin ni Jodi ang nobyo ngunit naduwag siya. Umupo na lang siyang muli.

***


"Bro, i-resched na lang natin 'yung pagpili ng mananalo." Nakaakbay si Brian sa kaibigang si Kian nang sabihin niya iyon.

Umiling si Kian. "Ituloy natin, bro. Hindi ko hahayaang maapektuhan ng personal issues ko ang career natin. Paano na ang fans na nag-aabang 'di ba? Paano kayo?" Tiningnan ni Kian ang mga kaibigan. "Pero kung ayos lang sa inyo, puwede bang ipagpabukas na lang natin? Medyo masakit na ang ulo ko. Naparami masyado ang nainom ko."

Sumang-ayon naman ang apat kay Kian. Inubos pa nila ang isang case ng beer bago sila umuwi sa kani-kanilang bahay.

***

Alas otso pa lang ng umaga ay nagtipon na ang Westlife lads sa studio. Ngayon na sila mamimili ng mananalo sa #WestlifeBeMyDate contest.

Mahigit isandaang videos na may haba na isang minuto at tatlumpung segundo bawat isa ang kanilang panonoorin. Naka-record din ang kanilang gagawin para i-upload sa vlog sa kanilang official YouTube account.

Puno ng tawanan at kantyawan ang loob ng kuwarto habang ginagawa nila ang pagpili. Halos patapos na rin sila.

"Eto naman ay galing kay Jenelyn Roxas. Ang kakantahin naman niya ay My Love," ani Shane na siyang may kontrol sa computer.

Pinanood nila ang video. Humanga sila sa galing ng contestant sa paggigitara.

Ang isinunod nila ay ang entry ng nagngangalang Veniece na umawit naman ng What Makes a Man. Panay ang tukso nila kay Kian dahil higit sampung standee ng binata ang ipinagawa ng contestant para lang sa entry.

Napangiti si Kian. Hindi niya akalain na may fan siyang ganito mag-effort.

Sunod na pinanood nila ay ang entry ng fan na Mae ang pangalan. Si Shane naman ang tinudyo nila dahil naka-tshirt ang fan na may tatak na pangalan ng binata. May isinama pa si Mae na ilang tao. May tig-iisang hawak na lobo ang mga ito na kapag binuo ay nakasaad ang, Shane, can I be your date?

Next in line ay ang entry ng babaeng nagngangalang Analisa na nasa tabing-dagat. Panay ang tudyo nila kay Nicky dahil sumulat ang contestant ng napakalaking I love you Nicky Byrne sa buhangin.

Sumunod na pinanood nila ay ang entry ng isang babae. Kinuhanan ang video sa Tagaytay malapit sa Taal Lake.

*insert intro of Written in the Stars*

Stay with me don't fall asleep to soon,
The angels can wait for a moment.

Sumidhi ang damdamin ni Mark nang makita ang video na iyon. Hindi niya namalayan ay nayupi na pala ang aluminum can ng coke na iniinom niya.

Sabay-sabay namang nagtinginan sa kaniya ang mga kasamahan.

Come real close, forget the world outside,
Tonight we're alone its finally you and I.

Tutok lang ang mga mata ni Mark sa screen. She's that girl.

It wasn't meant to feel like this, not without you.

Uminit ang mga pisngi ni Mark. Pinipilit niyang huwag ipahalata iyon sa mga kasamahan.

Gustuhin mang tuksuhin nina Shane, Kian, Brian, at Nicky si Mark ay minabuti nilang manahimik na lang. Inobserbahan na lang nila ang kilos ng kaibigan. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makita nilang humanga si Mark sa isang babae.

Cause when I look at my life,
How the pieces fall into place it just wouldn't rhyme without you.
When I see how my path seems to end up before your face,
The state of my heart,
The place where we are was written in the stars.

Sa puntong ito ay napasigaw na sina Nicky, Shane, Kian, at Brian. Nilapitan nila si Mark at kinantyawan.

Ipinakita kasi sa video ang babae na yakap-yakap ang unan na may mukha ni Mark. Pagkatapos ng scene na iyon ay makikita ang dalaga na binubuklat ang isang album na puro pictures ng binata.

She really likes me so much. nasabi ni Mark sa sarili.

Hiyang-hiya siya dahil nang matapos ang video ay animo'y pinahiran ng kamatis ang mukha niya sa sobrang pula. Na-appreciate niya ang ginawa ng fan.

This feeling I currently have towards her is so intriguing. I cannot control it.

"Parang alam ko na kung sino ang pipiliin ni Mark," banggit ni Kian.

"Pare-pareho lang siguro tayo ng iniisip," ani Shane sabay nagtinginan silang apat kay Mark.

Umiling-iling si Mark habang natatawa. "Tama na 'yan. 'Yung kasunod naman ang panoorin natin."

Gustuhin man niyang huwag ilipat ang nasa screen ay hindi na niya ginawa. Baka hindi siya tigilan sa pangangantyaw ng mga kabanda.

**please check the cover of Written in the Stars above**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro