Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

🍃 "Kuya napakatagal mo naman diyan! Bilisan mo, papasok pa 'ko sa school! Daddy... si Kuya, napakatagal sa banyo!"

"Ahh, s-shit... M-Malapit na, m-malapit na... Ahhh..."

Titig na titig ako sa maganda niyang katawan. Ewan ko ba. Nababaliw na yata ako. Napakaraming magagandang babae riyan na lahat ay gagawin, mapansin ko lang. Pero iba talaga ang dating niya.

"Thorn?" Narinig ko ang boses ni Dad. Kung kailan naman na malapit na ako, saka naman siya kumakatok. "Thorn bilisan mo na riyan at gagamit pa si Lucy ng banyo! Thorn!"

Nagulat ako nang biglang itulak ni Dad ang pinto.

"Daaad!" sigaw ko. Mabilis akong nagtapis ng tuwalya. Nahulog tuloy sa sahig ang magazine na hawak ko.

"Ew, Kuya! Ano'ng ginagawa mo?" Pinulot ni Sweetie ang magazine habang si Dad ay ngising-ngisi sa akin.

"T-Teka, Sweetie! Huwag mong kukunin iyan!" pigil ko pero nakuha na niya.

Shit! Nahuli nila ako. Alam ko, pulang-pula ang mukha ko ngayon. Aasarin na naman nila ako nito.

"Anak, kanino ka naman nagpapantasya? Umagang-umaga," pang-aasar ni Dad.

"Eh, 'di kanino pa, kundi kay Ada Rhyce!" Itinuro ni Sweetie kay Dad ang front page ng isang food magazine kung saan naroon ang magandang mukha at may pirma ni Ada.

"Simula noong nakita niya iyan na nag-model sa isang mall, palagi na niyang pinapangarap. Na-starstruck si Kuya sa babaeng ito kaya laging nagtatagal sa banyo!" pambubuska ni Lucy, nakababatang kapatid ko.

"Tumigil na kayong mag-aama riyan at tanghali na. Papasok pa tayo," singit ni Mama habang nakangiti at naghahanda ng almusal. Tumakbo ako sa kuwarto dahil sa kahihiyan.

I thought I was only dreaming. Aaminin ko, si Ada Rhyce ang babaeng pinagpapantasyahan ko gabi-gabi. Maamo ang kanyang mga mata, mahaba at singdilim ng gabi ang kanyang buhok, at ang labi niya ay napakapula. She has a killer body. Kaya kahit pigilin ko ang aking sarili, nag-iinit ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya kahit sa mga pictures lang.

'Tapos ay aksidente ko siyang nakita sa canteen ng school na pinapasukan ko. Kumakain sa mismong harapan ko. Hindi ba't isang napakagandang panaginip iyon? Kaso, halos ipangalandakan na niya ang sarili sa suot niya. Lahat na lang ay nakatingin sa ganda ng kanyang katawan.
Fate has been on my side. Akala ko ay namalikmata lamang ako. I ran into her again inside my classroom. F*ck! I want to jump in excitement. Kundi lang sa mga lalaking namimiyesta ang mga mata mula ulo hanggang paa niya. Kaya inis na inis ako!

Then I saw her hugging someone in front of the Dean's office. Rich daw ang pangalan. Was that her new boyfriend? I've been hearing a lot about her recently. That she was involved with a variety of famous and rich men. But every time I saw her on social media, she struck me as the ideal girl. She spoke politely, and her charm captivated everyone who watched her.

Damn it, Thorn! Wala kang sinabi dahil ang porma ng Rich na iyon. Kuto ka lang kung itatabi sa kanya.

"Thorn, ituro mo kay Ms. Rhyce lahat ng topic na natapos na natin. I want you to assist her dahil bago pa lang siya rito."

Gusto kong magmura sa mga oras na iyon. Hindi ako handa sa gustong mangyari ni Mrs. Madrid. Alam ko ang mga klase ng lalaki na gustong samahan ni Ada. Which is completely opposite of myself. Siguradong aayaw siya na makasama ang isang kagaya ko.

"Mas mabuti rin na ibigay mo ang number mo kay Ms. Rhyce para ma-contact ka niya anytime... Is that clear, Thorn?"

"Yes, Mrs. Madrid," sagot ko. My heart was throbbing at her beauty. Napakahirap na hindi siya pagmasdan. I was trying to hide my excitement dahil nakakahiya. Iginagalang ako sa buong klase namin. Maging ang mga guro, mataas ang tingin sa akin bilang iskolar. Ang suwerte ko naman talaga, 'di ba? Ang sikat na si Matilda Rhyce, pasasamahan sa hamak na katulad ko lang? At kung mangyari na hindi ako ang piliin ni Mrs. Madrid, I swear, I will do everything to catch her attention.

Napalunok ako pagkakita sa hubad niyang katawan. Fuck! I almost kill myself dreaming of her, and then she's completely naked in front of me?
Ganoong klase ng babae pala siya. Na kahit may lalaki sa paligid ay ganoon-ganoon na lamang kung siya ay maghubad. Paano kung hindi ako ang kasama niya? Siguradong gagamitin ang pagkakataon para makuha siya.

"I never thought the Ada Rhyce I knew would be like this." Hindi ko alam kung bakit nabubulabog ang utak ko na malaman na nagagawa niyang ibilad ang kanyang katawan sa harap ng mga lalaki. Nagkamali ba ako sa pagkakakilala sa kanya?

"The person you knew and the person in front of you are not the same. Dahil ang Ada Rhyce na kilala mo ay isang perpektong babae na nakasulat lang sa papel. Tell me, what kind of Ada Rhyce do you think I was?"

"You're right. Ang Ada Rhyce na kilala ko ay isang perpektong babae. She's rich, smart... and sexy. Hindi ko alam na ganito ka lang pala."

I was jealous, damn it! Alam kong wala akong karapatan dahil hindi naman niya ako kilala. Pero gusto kong manapak kapag naiisip ko na marami na ang lalaking dumaan sa buhay niya.

"Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena? I didn't know you're this cheap."
Huli na para bawiin ang sinabi ko. She slapped me on the face and I deserved it.

"Who the hell are you, Thorn Reid Weston? Hindi mo 'ko kilala kaya huwag mo 'kong husgahan!"

Hinusgahan din naman niya ako. I heard her refer to me as gay a few times. I don't know, but I want to prove her wrong.
Kaya masisisi ba ako ng kahit sino? Hindi ako gago para pigilin pa ang sarili ko na maangkin siya.

"I'm your first. I thought..."

"Well you thought it wrong."

Naguluhan ako. But I was ecstatic to learn that I was her first. Tama ang hinala ko. Hindi totoo ang mga nababasa at naririnig ko tungkol sa kanya. And I have no intention of letting her go.

Written by: Mar Mojica

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro