Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

🌺
SUBSOB ang ulo ko sa tambak na trabaho. Makita ko pa lamang ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa, pakiramdam ko ay nalulunod na ako. I couldn't even answer my phone calls. I don't know the exact time to eat or drink or take a break. Subalit nagpapasalamat pa rin ako dahil may dahilan upang manatili rito sa loob ng opisina.

Nakaugalian ko na ang hindi lumabas at magkulong na lamang dito kapag nariyan si Thorn.  Isang linggo na ang lumipas pagkaraan ko siyang sampalin. Ayokong magkrus ang landas namin dahil nag-iiba ang ugali ko kapag nakikita ko siya. Tila ako nilulukuban ng kung anomang ispiritu at gusto kong lumapat ang pinipigilan kong mga palad sa guwapong mukha niya. At naiinis ako sa sarili ko dahil panay pa rin ang paglagabog ng puso ko kapag nariyan siya.

My employees are already adjusting to the new changes he's implementing. I hate to admit it, but the new employees have been excellent since they began. Medyo nabawasan din ang trabaho ko.

Napaangat ang ulo ko nang biglang may kumatok. My chest throbbed unexpectedly. But it was Caleb who was standing at the door.

Really, Ada? Expecting someone, huh!

"Caleb."

"Alam mo na ba?" bungad niya.

"Ano na naman, Caleb?" Siya kasi ang mga mata ko rito. If it has anything to do with Thorn's decisions, he has to inform me. "May binago na naman ba si Thorn?"

Umiling siya. "Dumating si Sir Zed."

"Ano!" Napatayo ako. "Nandito si Zed? Kailan pa?" nag-aalala kong tanong.

"Medyo kanina pa, eh. Kanina pa rin sila nasa loob ng opisina ni Mr. Weston."

Hindi ako nakakibo. Ano'ng pinag-uusapan nila? I had a fight with Zedrick the last time we talked. Baka kung ano-ano na ang paninirang sinasabi niya patungkol sa akin kay Thorn. That asshole!

"GM..." Hindi makatingin ng diretso si Caleb.

"What?" I asked, worried.

"May ingay kasi kaming naririnig mula sa loob. Kaya kita pinuntahan dito," kakamot-kamot ng ulong sabi niya.

"Eh, bakit ngayon mo lang sinabi? Paano pala kung nagsasaksakan na ang mga iyon?" nanlalaki ang mga matang sermon ko sa kanya.

Mabilis akong tumayo at halos takbuhin ko na ang opisina ni Thorn. Sobrang kapal talaga ng mukha ng Zed na iyon. Kung bakit nagbalik pa pagkatapos mag-AWOL. He's not welcome here anymore. Wala na siyang babalikang trabaho rito.

"Zed!" I slammed the door open.

I was stunned in an instant. Sunod ay napanganga ako sa mga taong nadatnan ko. Zedrick stood next to a girl who was sitting in front of Thorn's table.

What exactly is this? A get-together?

Tumayo ang magandang babae at sinalubong ako para magbeso. "How are you, Matilda Rhyce? It's been a long time." The woman greeted me as if we were friends and we were on good terms. I recall her insulting me numerous times back then.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
What is Chary doing here? She looks even more stunning and revealing in her black backless plunge gown.

"We were just discussing about you. My family is hosting a banquet on Friday night. I heard na dumating from Greece si Thorn. I came here to invite him." Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina at saka nagde-kuwatro kaya lumitaw ang hita. Agad na napatutok doon si Zed.

Well that's fantastic. She was aware that Thorn left the Philippines and went to Greece. She knew that the jerk had arrived. At baka alam din ng Chary na 'to, that he was working in Greece with my parents? While I was here stupidly working my ass off and I didn't know anything!

"And since we're friends, Ada..."
I want to shut her mouth up! We're not friends.

Napasulyap siya kay Zed na nakatayo sa gilid niya. "And you have a gorgeous fiancé whom Thorn and I just met..." Fiancé? The fuck!  "I'm inviting you both as well."

I saw Thorn clenched his fist. Pero nawala rin agad ang tingin ko sa kanya dahil humakbang palapit sa akin si Zed at tangkang halikan ako sa pisngi. Mabuti na lang at nakailag agad ako. Ngumisi lang siya ng nakakaloko.

Thorn was staring at us intently. I wanted to correct Chary by saying that Zed isn't a boyfriend or fiancé to me. But I couldn't lalo na nang tumayo si Thorn at hinawakan ang baywang ni Chary.

"I'll accompany you outside," Thorn suggested.

Umakyat ang kumukulo kong dugo sa buo kong mukha. Gusto kong sumigaw at magtanong. Wala bang paa ang babaeng iyan? Bakit sasamahan pa?

"Oh sure, thanks Thorn. You are always nice to me."

Umikot ang mga mata ko sa hangin. Nananadya ba sila? May Lucille na ang lalaking iyan! Kung puwede ko lang sabihin sa kanila na lumayas na sila sa harapan ko.

Ugh! What is going on with me? It's all in the past, Ada. Bakit nagkakaganyan ka pa rin na parang may kayo ng tinik na iyan?

"I'll be expecting you, Ada. And I hope that you'll leave the past behind us," makahulugan niyang sabi.

Hindi ko na lang siya sinagot. Baka kung ano pa ang masabi ko na pagsisisihan ko lamang sa huli.

Paglabas nila Thorn at Chary ay hinarap ko si Zed. Gusto kong ibuhos sa kanya lahat ng inis ko lalo na at lumapat sa likod ng haliparot na babaeng iyon ang palad ni Thorn.

"You are not welcome here, Zed."

"Baby, alam kong galit ka sa 'kin..." Umilag ako nang tangkain niya akong hawakan. "Pero nagbalik na ako."

"Shut up, Zed. Alam mong wala kang babalikan dito. You left me unaware where you are, at a time that I needed you most. Dahil lang sa hindi kita pinagbigyan sa gusto mo, nilayasan mo na 'ko..." sumbat ko sa kanya.

Sinubukan niya ulit akong akbayan pero tinampal ko ang kamay niya. "You're not my fiancé, Zed. Get out!"

Ngumisi siya. 'Yong nakakaloko. "Sinong ipinagmamalaki mo? 'Yong lalaking iyon?" Itinuro niya ang pintuan. "Hindi mo nga kilala kung saang lupalop galing ang Thorn Reid Weston na iyan! Ano? Mas may tiwala ka sa kanya kaysa sa 'kin?" mayabang na tanong niya.

"What if I say, yes?" taas-noong sagot ko.
Napatawa siya ng hilaw. "You like him, don't you?"

Bigla akong natahimik.

"The way you looked at him. I know Ada. I've known you for years at kilalang-kilala na kita. You never allow me to touch you or anyone else because you're waiting for someone. It's him, right? He's the one you're waiting for?"

Naglakad ako paalis ng silid na iyon. "I don't know what you're talking about." Ngunit nahagip niya ang braso ako.

"Prove to me you're not into him. Kiss me, Ada." He grabbed my nape and he forced me to kiss him.

Umilag ako ngunit hinawakan pa niya ang magkabilang braso ko para mapalapit sa kanya.

"Zedrick, stop!" bulyaw ko sa kanya.

"Ayaw mo? Ayaw mo sa 'kin dahil gusto mo ang lalaking iyon!" I felt his kiss on my neck.

"Zed, please... Tigilan mo 'to!" I fought harder, but he kissed me on the lips again.
Sa sobrang inis ko, I tapped my heel on his foot. I thought he'd let me go but instead, he bit my lip hard and I screamed in pain.

"Fuck!" someone hollered nearby.

Nagulat na lang ako nang makita kong bumagsak sa paanan ko si Zedrick.

"Shit!" gulat na hiyaw ni Zed na napahawak sa tinamaan na noo. Mukhang nahilo sa suntok na natamo.

"Get out!" Thorn was still clenching his fist. "Now!"

Nakaigting ang panga ni Zed na tumayo. Tinitigan niya ng masama si Thorn. Saka siya mapaklang tumawa. "Fine. Fine! Magsama kayong dalawa. You're both pieces of shits!" he roared.

"Out, Mr. Flores! Kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa mga guwardiya!" Thorn's eyes were fierce na halos hindi ko siya makilala.

Zed clenched his fists as he headed for the door. He looked at me with his angry eyes before he finally left.

My knees trembled. I closed my eyes and took a deep breath. Thorn quickly caught me as I nearly fell to the floor.

"Ada!" he mumbled.

Hawak ng isa niyang kamay ang kamay ko habang nakayakap ang isa sa baywang ko. And his warmth against my skin seems to pervade my entire being.

Pagtingin ko sa kanya ay naramdaman kong nabasa ang pisngi ko. I was crying? Shit!

Thorn immediately took me in his arms. "It's alright, Ada. I'm here."

Lalong tumulo ang mga luha ko. Dahil pakiramdam ko, tila pinalakol ang puso ko sa sakit na marinig mula sa kanya ang pangalan ko. Masakit isipin na yakap niya ako ngayon dahil lang sa awa. Dahil hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko kaya ang maging katulad niya na tumayo sa sariling mga paa at naging matagumpay sa buhay. Wala nang nakakikilala sa akin katulad noon. Hanggang ngayon, pinatutunayan ko pa rin sa mga magulang ko ang kakayahan ko. I was nothing compared to him. And he will never like me. Ever.

Mabilis akong kumawala mula sa mga bisig niya. I ran away again. This is what I was good at. Running away. Kaya noon ay palipat-lipat ako ng eskuwela. Hindi ko hinaharap ang mga problema.

I could slap Thorn as many times as I want and then I will run. I could let him embrace me and touch me but I will still run. Because I know myself. That I will always be a coward.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro