SPECIAL CHAPTER [ The Real Ending. ]
HINGAL akong napakapit sa dibdib ko kasabay ng mabilisang pagbangon. Malapot na pawis ang humantad sa aking noo pababa hanggang sa leeg. Maging ang aking likod ay may pamilyar na lamig dahil sa likidong dumadaloy doon.
"Nanaginip ka na naman?" tanong ng katabi ko. Nag-alala siyang tumingin sa akin at hinaplos ang noo ko papunta sa buhok.
Inabutan niya ako ng inuming tubig na walang alinlangan ko namang inubos hanggang sa huling patak.
"Iyon na naman ba ang napanaginipan mo?" tanong sa akin ng katabi ko. Mabagal akong tumango para sagutin ang tanong niyang iyon. Bumuntong hininga siya kasabay ng pagpapatong ng baso kong hawak sa lamesita.
"Natatakot ako, Lothur." Sa wakas ay nagawa kong magsalita.
Ikinagulat ko nang bigla akong yakapin ng kausap ko. Mahigpit ang yakap na iyon na halos hindi ko na maikilos ang sarili ko. Pero wala akong balak magreklamo; naging kalmado ang pakiramdam ko dahil doon.
"Hindi totoo lahat ng 'yun, Mikay. Buhay tayong dalawa at magkasama tayo ngayon. Kung iisipin, napakahirap ng pinagdaanan nating dalawa lalo ka na. Ilang buwan kang nasa ospital dahil sa pagkakabaril sa iyo ni Meagan. Nagpapasalamat akong lumaban ka at hindi ka sumuko." Habang yakap ay panay ang haplos ni Lothur sa buhok ko na para bang isa akong manika. Lagi niya iyong ginagawa para pakalmahin ako.
Pumasok sa isip ko lahat ng nangyari sa lumang bodega; ang dalawang putok ng baril. Totoong sa akin tumama ang isa sa mga iyon. Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Kinuwento na lamang sa akin ni Lothur na dumating raw ang mga pulis kaya't nahuli si Meagan.
Hindi ako namatay. Buhay ako at panaginip lamang ang pagkamatay ko at ang hitsura ni Lothur habang nagluluksa sa akin. Hindi rin totoong binaril ako ni Gray. Hindi totoong namatay kami ni Lothur.
Nanikip ang dibdib ko kaya't marahan ko iyong hinaplos. Panaginip lamang ang lahat ng mga iyon pero parang totoong-totoo tuwing napapanaginipan ko.
"Hindi kayang gawin ni Gray ang napanaginipan mo. Napakabata pa niya. Hindi nga niya mabuksan ang bote ng C2, pagbaril pa kaya?"
"Alam ko, hindi ko lang talaga maiwasang madala sa mga panaginip kong iyon. Para bang totoong-totoo sila."
"Shh, let's not talk about that. Gusto kong sa ikalawang araw natin bilang mag-asawa ay pareho tayong maging masaya. Hindi ka ba nag-enjoy kagabi?"
Awtomatikong nagbago ang emosyon ko at napalitan ng hindi ko maipagkakailang hiya at pagkailang. Kung ang nararamdaman ko kanina ay kaba dahil sa takot, ngayon naman ay kaba dahil sa kakaiba pa ring dulot sa akin ni Lothur.
"Bakit ka namumula, Mikay? Hindi ka ba nasiyahan sa unang gabi mo bilang Mrs. Meneses?"
"Tumigil ka Lothur Chaste Meneses kung ayaw mong agad akong mag-file ng annulment!"
Tinawanan lamang ako ni Lothur saka siya humiga sa kama. Ganoon din naman ang ginawa ko. Hindi man maalis sa isip ko ang masama kong panaginip kanina ay totoong na-distract ako dahil sa pagpapaalala sa akin ni Lothur ng nangyari sa amin kagabi.
Hindi na bago sa akin ang usaping pakikipagtalik pero iba pa rin talaga kapag ikaw na mismo ang gagawa ng bagay na iyon.
"Anong iniisip mo? Alam kong hindi na iyan tungkol sa mga panaginip mo; tungkol sa 'ano' natin iyan, hindi ba?"
Umirap na lamang ako kay Lothur at saka tumalikod sa kaniya sa pagkakahiga.
"Mrs. Meneses! Anong karapatan mong talikuran ako habang kinakausap pa kita?"
"Huwag ka ngang OA! Inaantok na ako! Alas tres pa lang ng umaga, oh."
Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Lothur. "Bumabalik na naman iyang pagka-masungit mo."
"At bumabalik na naman ang pagiging makulit at mapang-asar mo. Akala ko pa naman ay nagbago ka na mula nang maging CEO ka. May pag-english ka pa, huh!"
Sarkastikong tumawa si Lothur sa likuran. "Ikaw nga 'tong naging artista lang panay na rin ang pag-Ingles!"
"Hoy! Kasama sa workshop ko dati ang pag-e-english 'no! Hindi lang ako ang artistang dumaan sa mga ganoong training!"
"Kasama din naman sa training naming mga CEO ang pagsasalita ng ibang lengguwahe, ah!"
Humarap ako kay Lothur para lamang ipakita ang pag-irap ko. "Alam mo, lumala pa ata ang pagiging mapang-asar mo kesa noon."
"Hala naasar ka na sa mga sinasabi ko ngayon? Wala pa 'to sa level one ko! Mahirap pala kapag totoo na kitang inasar, baka umikot na iyang mata mo kaiirap!"
Ngumisi ako sa kaniya. "Yeah right, Mr. CEO."
"Tss. Bakit ba kanina mo pa pinangangalandakan sa akin ang posisyon ko sa El Cajon?"
"Para umakto ka na parang isang CEO! Ang hirap sa iyo kapag tayo lang dalawa nagiging isip bata ka!"
Natawa si Lothur doon pero mabilis ding nawala iyon. "Speaking of El Cajon, napagdesisyunan kong huwag nang ibenta ang kompanya."
Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. "Talaga?"
"Naalala mo 'yung sinabi sa'yo ni Primrose na pagpunta ko sa New York?"
Bigla namang pumasok sa isip ko ang gabing nakilala ko si Primrose. Iyon din ang gabing nagkasagutan kami ni Lothur at napag-alaman ko ang lahat-lahat sa pagitan nila ni Jane. "O-oo, naaalala ko." Hindi ko na lang pinahalata ang pag-iiba ng mood ko nang maalala iyon. Kahit sabihin kong napatawad ko na silang dalawa, masakit pa rin.
"Natuloy ang pagpunta ko sa New York habang nasa ospital ka at nagpapagaling. Ayaw ko mang iwan ka ay mahirap ang makompromiso sa usapan ko kasama ang ilang mga investors."
"Oh? Tapos?"
"Ayun, it turned out well. Nagawan ko ng paraan, na-save ko ang kompanya."
"I'm so proud of you."
Nagkangitian kaming dalawa matapos iyon.
--
"ARE you ready, Gray?"
"Yes, Mommy." Pinisil ko ang pisngi ng bata. Hindi ko talaga mapigilan ang panggigigil dito. Sino ba naman ang magsasabing ang batang ito ang papatay sa akin?
Napaka-imposible ng bagay na iyon.
"Are you okay, Mommy?"
"Y-yes, Gray. Mommy is absolutely okay."
Maya-maya ay sumakay na kami ng kotse ni Lothur dahilan para mas lalong ma-excite si Gray.
Hindi rin nagtagal ay nakarating rin kami sa lugar na kinasasabikan na puntahan ni Gray.
"The Northwest Cemetery," pagbasa ko sa malaking karatula sa gate.
Mabilis naming tinahak ang daan papasok doon. Tulad ng mga tipikal na sementeryo ay tahimik lamang dito. Pero malinis siya, paniguradong laging may mga naglilinis na caretaker.
"Mommy!" agad na tumakbo si Gray sa lapida ni Jane.
Nakakatuwa lamang na hindi siya tulad ng ibang bata na sobrang lungkot kapag wala ang mommy nila. Itong si Gray ay iyak nang iyak noong ilibing si Jane pero matapos iyon ay bumalik din agad ang sigla.
Mas sumisigla pa nga siya kapag dinadala namin siya rito sa sementeryo.
Nang tingnan namin siya ni Lothur ay mukhang nagsasalita na naman siya mag-isa. Hinahayaan na lamang namin dahil sabi niya ang Mommy raw niya ang kausap niya.
"I owe you a lot."
"Saan na naman?" agad kong tanong kay Lothur.
"For making Gray happy, ngayong wala na ang Mommy niya hindi ka nagdalawang-isip na pumalit bilang bago niyang ina."
"Kahit naman nandito si Jane alam mong magpapaka-nanay pa rin ako diyan kay Gray. Mahal na mahal ko iyang batang iyan."
"Buti nga at hindi nagbago ang tingin mo kay Gray."
"Bakit naman?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi ba't napapanaginipan mong siya ang pumatay sa'yo?"
Tipid na lamang akong ngumiti, nasa kay Gray pa rin ang pagkakatingin. "Tulad nga ng sabi mo, panaginip lamang iyon. At saka hindi ba't ikaw na rin ang may sabi na imposibleng magawa ni Gray iyon?"
"Oo, alam ko. Natutuwa lang talaga ako at ganiyan pa rin ang trato mo sa kaniya."
Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan si Gray na katapat ng lapida ni Jane. Lumapit ako rito at umupo sa katabi.
"Tapos ka na makipag-usap kay Mommy Jane?"
Tumango si Gray habang ngiting-ngiti. "You go talk with my mom too."
Ngumiti ako saka pinagmasdan ang lapida ni Jane. Hinaplos ko ito bago ibuka ang bibig ko. "Kumusta ka na? Sana hindi ka na nakakaramdam ng sakit kung nasaan ka man. Huwag ka nang mag-alala sa anak mo, aalagaan ko itong cute na batang ito. Huwag mo na rin isiping hindi pa kita lubos na napapatawad, napatawad na kita. Gusto kong magpasalamat sa mga panahong nandiyan ka sa tabi ko noon. Hindi ko alam kung totoo bang pagkakaibigan 'yung pinakita mo sa akin pero totoong naging masaya akong kasama ka."
Napatingin ako kay Lothur. Sinenyasan kong siya naman ang magsalita pero tanging iling lang ang iginanti niya. Ang KJ talaga.
"Pasensya ka na kay Lothur, Jane. Nahihiya lang iyan pero hindi na iyan galit sa 'yo." Natawa na lamang ako nang makita ang hitsura ni Lothur.
Nang makatulog si Gray ay agad namin siyang dinala sa kotse. Bumiyahe na kami pauwi ng bahay.
"Ang daming nangyari ano?"
"Sakto lang." Natatawang sagot ni Lothur.
"Bakit di ka na lang um-agree?"
Muli akong tinawanan nito. Hindi na ata mabubuo ang araw nang hindi ako naiinis.
Ikinagulat ko maya-maya nang bigla siyang lumapit sa akin habang ang mga mata ay nangungusap.
"Anong binabalak mo, Meneses?"
Ikinagulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. May hinugot siya sa bulsa niya dahilan para mapahawak ako a bibig.
"Ano iyan? Tanga kasal na tayo, magpo-propose ka ba ulit?" hindi makapaniwala kong tanong.
Nang buksan niya ang hawak ay napansin kong hindi iyon singsing kundi kuwintas. Inalis niya iyon sa lalagyan dahilan para bumalandra ang kabuuang disenyo nito.
Ang palawit ng kuwintas, mukha siyang pamilyar. Hindi kaya...
"Eccentric," nakangiting sabi sa akin ni Lothur.
Nanlaki ang mga mata ko havang pinagmamasdan ang kuwintas na hawak niya.
"Huwag mong sabihing-"
"Oo, ito nga. Ito ang kuwintas na iniregalo ko sa'yo noong 18th birthday mo. Ito 'yung kuwintas na ibinato mo sa akin na para bang walang halaga sa'yo."
Napaiwas ako ng tingin. "Kasi naman! Niloko mo ako noon! Nagpapatulong ka sa akin kay Jane tapos kayo na naman pala, hmp."
"Oh akala ko ba napatawad mo na?"
"Si Jane oo, pero ikaw?"
"Oh? Hindi mo pa ba ako napapatawad?"
Umiling ako. "Pero mapapatawad lang kita kapag inilagay mo na sa leeg ko ang kuwintas na iyan."
Agad naman na napangiti si Lothur at lumapit sa akin. Itinaas ko ang buhok ko para maayos niyang mailagay ang kuwintas.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit eccentric ang palawit nito?"
"Hindi."
"Tss. Ang KJ naman nito!"
"Nagsalita ang hindi KJ." Sarkastiko akong tumawa dahilan para samaan ako nito ng tingin.
"Eccentric dahil tulad ng nararamdaman ko sa iyo, kakaiba. Noong una ay hindi ko talaga alam kung bakit at paano kita minahal. Basta nalaman ko na lamang isang araw na may kakaiba na akong nararamdaman para sa'yo." Bahagya siyang tunawa. "Bukod doon ay ikaw ang pinaka-kakaibang babaeng nakilala ko buong buhay ko."
"Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano eh." Sarkastiko kong sabi sa kaniya.
"Compliment 'yun! Dahil ang kaibahan mo ang nagustuhan ko sa 'yo. Iyan ang dahilan kung bakit kita minahal."
Napaiwas ako ng tingin. Corny din palang magmahal ang isang Lothur Chaste Meneses, akalain mo 'yun. Pero hindi ko maipagkakaila ang kapulahan ng mukha ko ngayon hindi pa rin talaga ako sanay.
"Ewan ko sa 'yo." Tumayo ako room saka dumiretso sa terrace ng kwarto. Agad naman akong sinundan ni Lothur doon.
"Kinikilig ka ba, Mrs. Meneses?"
"Hindi, ah! Anong nakakakilig doon?" kunwari kong masungit na tanong.
"I love you."
Ikinagulat ko ang sinabi niyang iyon dahilan para mapalunok ako ng ilang beses. At nasabi ko na ba kung gaano siya kagwapo ngayon? Hindi ako makapaniwalang naging asawa ko ang nilalang na ito.
"Wala man lang bang sagot diyan?"
Naiilang akong nag-iwas ng tingin.
"Hanggang kailan ka ba hindi masasanay? Asawa na kita at sanayin mo na ang sarili mong makarinig ng kakornihan sa akin."
Muli ay hindi pa rin ako nakaimik. Nanatili lang ako sa pag-iwas ng paningin.
"Huy, ayos ka lang? Bakit wala kang imik diyan?"
"K-Kasi..."
"Kasi ano? Kausapin mo naman ako. Hindi ko talaga alam minsan kung paano ako lulugar sa iyo eh. Minsan ang sungit mo, minsan ang cute, at minsan naman sobrang ganda. Sabihin mo nga kung paano ako lulugar doon, ah-"
Hindi na naituloy ni Lothur ang kaniyang mga sinasabi dahil inilapit ko na ang mukha ko sa kaniya. Wala na akong sinayang na panahon at pinagdikit na ang aming mga labi.
Sari-saring mga paru-paro ang nagwala sa tiyan ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para pangunahan ang halik na iyon. Ang alam ko lang ay kailangan kong iparamdam sa kaniyang mahal ko siya nang higit pa sa paggamit ng mga salita.
Tumagal ang halik na iyon ng ilang segundo bago namin pakawalan ang isa't isa. Kita ko ang malawak na pagkakangisi ni Lothur.
"Iba pala ang moves ng isang Mikay ah, walang sabi-sabi! Attack agad!"
"Tss. Ginawa ko lang 'yun kasi ang ingay mo."
"Huwag ka na magdahilan pa. Humahanap ka lang nama. ng tiyempo para gawin 'yun eh-"
Dahil sa rindi ay pinutol ko ang sinasabi niyang iyon at binigyan siya ng isang mabilis na halik. Ikinagulat niya iyon pero kapagkuwa'y ngumisi rin.
"Magsalita ka pa, hindi lang iyan ang aabutin mo," akmang pananakot ko.
Pero imbis na matakot ay mas lumawak ang pakakangisi ni Lothur. "Puro ka pananakot, bakit hindi mo na lang gawin ah? Akala mo ba matatakot mo ako sa kagaganiyan mo-"
Muli ay pinutol ko ang sinasabi niya gamit ang isang halik. Kinikilig namang ngumiti ang kumag. Ngiting tagumpay eh.
"Nakakarami ka na ah, baka akala mo hindi ko gagantihan iyan--"
Ngumuso pa ang kumag na aklala mo ay hahalikan ko pero tinampal ko lang ang noo niya.
"Masiyado ka naman yatang nag-eenjoy."
Natawa na lamang ako nang makitang hinahaplos ni Lothur ang noo niyang tinampal ko.
"Masakit ba?" natatawa kong tanong.
Hindi sumagot si Lothur at ngumuso na lamang habang hinahaplos ang noo. Hindi ko tuloy mapigilang matawa lalo.
"Sige i-kiss ko para mawala ang sakit." Lumapit ako kay Lothur at hinalikan ang noo. Pero para asarin siya ay hinalikan ko rin ang ilong niya. Napatingin naman ako sa malambot at mapula niyang labi.
Ang pang-aasar ay napawi nang maakit ako ng mga labi niyang iyon. Nang-aakit kong tiningnan si Lothur na nakaawang na ang mga labi. Napakagat ako sa sariling labi. Handa na sana akong ilapit ang mukha ko nang husto pero...
"What are you two doing?" pupingas-pungas na tanong ni Gray dahilan para ilang kaming magkatinginan ni Lothur sa isa't isa.
Kapagkuwa'y natawa na lamang kami ni Lothur at itinabi sa amin si Gray. Niyakap ko si Gray at binigyan ng mga halik. Kiniliti ko rin siya para laruin. Todo iwas naman siya sa akin.
Napuno ang hapong iyon ng tawanan naming tatlo. Ang sarap lang sa pakiramdam. Wala na akong mahihiling pang iba basta't makasama lang silang dalawa.
---
I wrote this two years ago, might as well post it na rin bago pa mabulok.
:)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro