Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I KISSED A GIRL 24

Hindi ko na namalayan ang pag-alis ni Lothur sa sobrang pagkagulat ko sa sinabi niya.

Pero bago pa ako abutin ng umaga sa labas ay minabuti ko na lang na pumasok na ng mansion. Maski pagsususi sa pinto ng bahay ko ay namamali ako sa sobrang pagkalutang.

Nang makapasok ako ay agad ko namang binuksan ang switch ng ilaw dahilan para makita ko ang kabuuan ng salas.

Aakyat na sana ako ng hagdan nang may marinig akong palakpak. Mabagal ito.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?"

Gulat akong napatingin kay Meagan na prenteng prente ang pagkakaupo sa sofa. Hindi ko siya napansin kanina kaya nagulat talaga ako.

"I have my own ways, Mikay."

"What do you want?" pagdidirekta ko sa kaniya. Gusto ko nang matulog kaya dapat sabihin na niya yung kailangan niya.

"Do you love him?"

Napamaang ako sa tanong ni Meagan.
"Sino bang tinutukoy mo?"

"Wala nang iba kundi si Lothur Chaste Meneses. Ano, magtatanga-tangahan pa tayo dito?"

Napaiwas ako ng tingin. "E-ewan ko." 'Yun na lang ang nasabi ko saka dumiretso na paakyat ng hagdan.

"Itutuloy mo pa ba ang paghihiganti sa kaniya?"

"Ewan ko!" sigaw ko sa kaniya. "Hindi ko alam, Meagan! Please, gusto ko nang magpahinga. Pwede na ba ako umakyat?" inis kong tanong.

Hindi umimik si Meagan pero ang mga mata niya ay kakikitaan ng disappointment. Marahil ay hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ko.

Maski rin naman ako ay nagulat sa sarili ko. Nainis ako bigla nang hindi ko alam ang dahilan. Pagod lang siguro 'to.

Nang tuluyan nang lumabas si Meagan sa mansion ay dumiretso na ako paakyat ng hagdan. Ginawa ko muna ang skin care routine ko bago mahiga.

Pero nakailang baling na ako ng pagkakahiga sa kama ay hindi pa rin ako makatulog. Binabagabag ako ng mga nangyayari. Nalilito ako. Naguguluhan sa nararamdaman.

"Mahal ko pa ba siya?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero iisa lang ang nakukuha kong sagot.

Inalala ko lahat ng nangyari sa'kin, sa'min. Lahat ng masasaya, lahat ng malulungkot. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit kailangan ko pang mahulog sa kaniya kung mas lamang pa ang sakit kong nararamdaman.

Nalilito na talaga ako.

Tinawagan ko agad si Larisa na siya naman nitong sinagot agad. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa'min ni Lothur. Nagtitiwala naman ako sa kaniya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na gawin 'yun.

"May nararamdaman ka pa sa kaniya. Sigurado 'yun peksman," sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako. "Kahit sinaktan niya ako? Kahit galit ako sa kaniya?"

"Hindi naman sapat ang galit lang para mawala ang pagmamahal."

"Hindi sapat ang galit? Eh pag galit na galit?" tanong ko na ikinatawa ni Larisa.

"Naghahanap ka lang ng dahilan para masabi mong hindi mo siya pwedeng mahalin. Alam ko namang alam mo na sa sarili mo ang sagot bago ka pa tumawag sa'kin."

"Nalilito nga kasi ako. Natatakot na rin. Hindi kasi malabong gawin niya ulit sa'kin 'yun."

"Tss. Eh hindi mo pa nga alam yung mga rason niya kung bakit niya sa'yo 'yun nagawa dati eh. Pinsan ko 'yun kaya alam kong hindi niya 'yun magagawa sa'yo nang wala siya mabigat na dahilan."

"Ilang kilong dahilan naman kaya 'yun?" pagbibiro ko sa kabila ng nararamdaman.

"Korni mo tibo!"

"Hoy anong tibo? Sa ganda kong 'to!"

"Kayabang! Kahit ako'y titibo tibo puso ko ay titibok tibok pa rin sa'yo..." Itinuloy pa niya ang pagkanta habang ginagaya pa si Moira.

"Tumigil ka nga!"

"Tibo ka naman talaga eh nagkagusto ka pa kay Jane!"

Natahimik ako dahil doon. Naalala ko tuloy si Jane at ang nasira naming samahan. Aaminin kong may mali ako dahil nagkaroon ako ng feelings sa kaniya kahit kaibigan lang ang turing niya sa'kin pero sapat na bang dahilan 'yun para saktan niya ako? Nang ganun kasakit?

"Ay sorry, nandiyan ka pa? Huy joke lang!" narinig kong sabi ni Larisa sa kabilang linya.

"Oo, a-ayos lang ako, may ginawa lang saglit."

"Ah akala ko umiyak ka na, eh."

Hindi ako umimik dahil medyo tama naman siya sa sinabi niya. Muntik na nga akong umiyak kanina.

"Nasaan na nga pala si Jane? Wala ka bang balita sa kaniya?" tanong ko.

"Wala na, eh. Halos sabay nga kayong nawala n'on. Si Kuya Lothur naman minsan ko na lang makita."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Saan pumunta si Jane? Nag-transfer?
"Hindi ba sila ikinasal ni Lothur?"

"Aba malay ko, wala akong alam diyan. Eh baka naman ikaw meron. May napapansin ka bang singsing sa daliri niya?"

"Nino?"

"Eh baka ako, Mikay! Ako kasi 'yung nag-asawa! Jusko! Malamang si Kuya Lothur!"

Binalikan ko tuloy sa isip ko kung may nakita ba akong singsing na suot si Lothur. "Hindi ko napapansin, eh."

"Ay ano ba iyan! Ang hina mo!"

"Teka! Hindi pala siya magkakasingsing kasi diba sinabi niya magpakasal daw ako sa kaniya?" kaswal kong pagkakasabi.

"Gaga, naniwala ka naman. Hinaharot ka lang n'ong tao."

Hindi ko na namalayang nakatulog ako habang nakikipag-usap kay Larisa. Napabalikwas pa ako ng bangon kinabukasan nang may marinig akong mag-doorbell.

"Sino ba naman 'tong nambubulabog! Umagang umaga eh!" pagdadabog ko pababa ng hagdan. Kulang na kulang pa ang tulog ko kaya naiinis talaga ako. Kaso ayaw naman tumigil nitong tao sa labas sa pag-doorbell kaya napilitan akong bumaba.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makita si Lothur. May hawak itong bouquet of flowers na halos ipagduldulan sa mukha ko.

Dali-dali ko itong tinanggap saka ako muling umakyat ng hagdan. Hindi pa nga pala ako naghihilamos o nagto-toothbrush man lang.

Agad naman akong bumaba matapos ang morning rituals ko. Nagbihis pa ako ng panibago dahil maiksi pala ang suot ko at naka-malaking white t-shirt lang ako.

Pati buhok ko ay gulo-gulo pa dahil hindi pa nasusuklay.

"Bilis ah," sabi ni Lothur nang makita akong bumababa sa hagdan.

"Bakit hindi ka nagsabi?" agad kong bulyaw dito.

"Na ano?" inosente nitong tanong.

"Na pupunta ka rito!"

"Bakit? Bahay naman 'to ng future wife ko ah, may karapatan din ako."

Pinandilatan ko siya nang sabihin niya iyon. "Ano ba kasing kailangan mo?" Inis kong tanong. I can't get over the fact na natutulog pa sana ako ngayon kung hindi siya dumating.

"Gusto lang sana kitang yayain."

"Saan?"

"Lumabas."

"Lalabas lang pala eh tara na," aya ko kay Lothur saka ito hinila papuntang labas ng mansion.

"No, I mean sa resto. Kakain, mag-uusap--"

"Diretsuhin mo na kasi, Meneses."

"I wanna ask if pwede ba kitang m-maisama sa ano, huwag kang mag-alala mabilis lang naman 'to. Paniguradong magugustuhan mo kung saan tayo pupunta--"

"Pucha diretsuhin mo na! You're asking me for a date?" kaswal kong pagtatanong na para bang simpleng bagay lamang ito.

Napakamot siya ng batok saka naiilang na tumingin sa akin. "Y-yes."

"Yes what?" naiinip kong tanong.

"Fuck, I'm asking you for a date!"

Gulat akong tumingin sa kaniya nang sigawan niya ako. "Grabe iba na pala sa panahon ngayon ang pagyayaya para makipagdate. Galit ba dapat?" natatawa kong tanong, balak mang-asar.

"Let me fucking say that again." Halos magmakaawa si Lothur sa akin.

"Yak ah! Hina mo naman! Ang lakas lakas mo bumanat tapos pagyayaya lang ng date nahihirapan ka," pang-aasar ko pa.

"Okay. Let's do it again."

"Go! Ulitin mo!" pang-uuto ko dito.

"Kehla, I wanna ask you for a date."

"Tss. 'Yun na 'yun? Walang dating."

Napakamot na naman siya sa ulo niya, this time ay hindi na dahil sa hiya. Galit na ata. Natatawa ko siyang tiningnan. "Paano ba?" inis niyang tanong.

"Dapat yung kapag sinabi mo parang mako-corner na ako. 'Yun bang parang hindi na ako makakatanggi kapag inaya mo 'ko. 'Yung ganun!"

Nakita kong napangisi si Lothur kaya bigla akong kinabahan. May binabalak ata ang kumag.

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin at bago pa ako makaatras man lang ay nahablot na niya ako. Huli na nang mapagtanto kong buhat na niya ako. Bridal style amp.

Napapikit pa ako sa gulat. "Anong ginagawa mo? Ibaba mo 'ko!"

"Akala ko ba gusto mo 'yung wala ka nang kawala?"

Amoy na amoy ko ang hininga ni Lothur nang sabihin niya iyon sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "Ang baho ng hininga mo!" bulyaw ko sa kaniya dahilan para ibaba niya ako at mahulog ako sa lupa.

"Aray! Bakit mo ako nilaglag?" inis kong tanong kay kumag na wala nang ginawa kundi ang amuyin ang hininga niya.

Maski pagbalik namin sa loob ng mansion ay hininga pa rin niya ang inaatupag niya. Natapos na ako pagdidilig ng mga halaman ay hindi pa rin siya kumikibo at umiimik sa akin.

"Galit ka ba?" tanong ko kay Lothur.

Hindi naman ito umimik at saka ako tinalikuran. Wow kabastos, kinakausap ko pa, eh.

"Just message me kapag handa ka na," pahabol na lamang niyang sabi.

Wala akong nagawa kundi ituloy na lamang ang pag-check ng mga halaman ko. Pagkatapos noon ay nagbihis na ako at nag-ayos nang konti.

Hindi rin nagtagal at bumalik din si Lothur. Kaagad siyang napangiti nang makita ako.

"Ayos ba?" tanong ko sa kaniya.

Hindi na naman siya umimik at dumiretso na lang sa kotse niya. Sumunod naman ako agad sa kaniya kahit naguguluhan ako sa iniaasta niya.

"Ano iyang hawak mo? Pahingi naman ako."

Hindi na naman siya umimik kaya't inagaw ko yung hawak niyang sachet.

"V-fresh?" natatawa kong tanong.

"Give it to me," naiinis na sabi ni Lothur.

Umiling ako. "Sabihin mo muna sa'kin kung bakit hindi mo 'ko kinakausap."

"Just fucking give it to me."

"Sabihin mo muna."

"Give it to me then I will tell you why."

Kaagad ko naman siyang sinunod. Ibinigay ko ang V-fresh sa kaniya saka siya tiningnan. "Favorite mo?" Mukha kasing gustong gusto niya yung V-fresh. Malay ko ba kung favorite na pala ni Lothur 'yun ngayon.

Kaagad siyang umiling at saka binuksan na lamang ang sachet ng bubble gum at agad iyong nginuya.

"Oh? Kakausapin mo na 'ko?"

Tumango siya na siyang kinainis ko.

"Binigay ko na sa'yo yung V-fresh bakit hindi mo pa rin ako kinakausap?!"

Hindi pa rin siya umimik kaya't hindi na rin ako nagsalita. Nanahimik na lang ako kesa kumausap sa hangin. Mukha na akong tanga.

Maya-maya ay iniluwa na niya ang bubble gum saka siya bumaling sa akin. "Okay, what's your question again?" tanong ni Lothur.

"Seriously? Hindi ka pala nakikinig sa 'kin all this time?"

"I was listening. Gusto ko lang ulitin mo."

"For what?"

"Wala lang, masama ba ulitin?" pagdadahilan niya.

Napahilot na lang ako sa sintido ko. Gosh! We're turning into bratty teenagers. Bigla ko tuloy naalala yung pagtatalo namin sa kwarto niya dati.

"Don't get mad," sabi ni Lothur habang nagda-drive siya. Para bang pakiramdam niya ay mawawala ang inis ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Paanong hindi ako maiinis eh hindi mo 'ko kinakausap, masaya 'yun ha?"

"Gusto mo pala ako laging kausap? Kikiligin na ba ako?" nagulat ako nang marinig iyon kay Lothur.

Napairap na lang ako bilang sagot.

"Mabaho pa ba ang hininga 'ko?" tanong niya sa 'kin saka inamoy ang sariling hininga.

"Aba malay ko sa'yo!"

"That's my reason. Kaya hindi kita kinakausap dahil sabi mo ang baho ng hininga ko." nakanguso na sabi ni Lothur habang ang paningin ay nasa daan lamang. Sinabi niya iyon na para bang nagtatampo at pinag-isipan niya iyon nang matagal bago sabihin sa akin.

Bigla namang nalusaw ang inis ko at natawa na lamang ako. Salubong ang kilay niya akong tiningnan.

"Why are you laughing?" inis na tanong ni Lothur.

"I was joking. Naniwala ka talaga sa sinabi ko?"

"Y-yeah, kaya ako bumili ng V-fresh." Nahihiya ang tono ng boses niya.

Tinawanan ko naman siya. "Uyy si Lothur conscious masiyado sa hininga yiee," pang-aasar ko rito.

"Stop it. I'm driving okay."

"Mabango pramis! Nagjo-joke lang talaga ako kanina."

Maya-maya ay nakatulog na ako dahil sa puyat. Si Lothur naman ay panay lang ang pagda-drive. Hinayaan lang ako nitong matulog. Pakiramdam ko tuloy ay ganoon kalayo ang pupuntahan namin para patulugin niya ako.

Nagulat at napabalikwas na lang ako nang maramdamang ginigising na niya ako.

"Nandito na tayo, sleeping beauty." Iyon ang bumungad sa paggising ko.

Nagtataka ko namang pinagmasdan ang pinuntahan namin. Tahimik na lugar. Madaming puno. At sa di kalayuan ay may natatanaw akong dagat.

"What the fuck are we doing here?" naghi-hysterical kong tanong.

"Ayaw mo ba? W-we can go to other place--"

"Are you kidding me?" tuwang tuwa kong tanong kay Lothur. "Gusto ko! Gustong gusto ko! Ang ganda dito!"

First time kong makapunta sa isang beach kaya excited na excited talaga ako. Ganun na yata ako ka-focus sa pag-abot ng pangarap ko kaya hindi ko na na-enjoy ang kabataan ko.

Sa sobrang tuwa ko ay napatalon pa ako at napayakap kay Lothur. Hindi ko ito inaasahan pero mas hindi ko inaasahan nang gantihan niya ito.

"I love you, Kehla," bulong niya sa akin.

~

FOLLOW
VOTE
COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro