
I KISSED A GIRL 21
"L-larisa?" halos di makapaniwala kong tanong. Inayos ko din ang sarili ko nang ma-realize kung ano ang hitsura ko.
"S-sorry Ma'am?" naguguluhang tanong ng kausap ko.
"It's me!" Para bang nag-iba ang mood ko nang makita siya. Mas sumigla ako, grabe miss ko na talaga siya.
"Sorry pero sino po ba kayo?" kunwaring natatawang tanong ni Lar.
Agad ko namang tinanggal ang face mask ko pati shades. Umaasa akong makikilala niya ako pero na-disappoint lang ako nang makitang hindi iyon nangyari.
"W-wait diba sikat kayo?" medyo gulat na tanong ni Larisa.
Tumango ako habang malaking malaki ang ngiti sa kaniya.
"I'm Kehla," nkangiti ko pa ring sabi, balak pa siyang pagtripan.
"Hoy tangina! Kehla? Ikaw ba talaga iyan? Yung artista? Teka papicture muna ako!" Halos maghurumintado na ito pero pinapanatili pa ring kalmado ang sarili.
Halos matawa naman ako sa kaniya nang dali-dali siyang lumabas ng counter at nanginginig pang kinuha ang cellphone niya sa bulsa. Ngumiti ako dahil bigla bigla ay nakatutok na ang cellphone niya sa aming dalawa, balak na kumuha ng litrato.
"Ikaw ba talaga iyan? Baka nanloloko ka lang ah?" Natatawang tanong nito.
"Yes, ako nga si Kehla. Also known as Mikaela Saavedra." Di ko na mapigilang matawa nang makita ang hitsura niya.
"May kapangalan ka in fairness," sabi niya.
Nang hindi na ako makatiis ay agad ko siyang pinalo sa braso. Napangiwi siya nang gawin ko ito. Tatawa-tawa ko naman siyang tiningnan.
"Tanga si Mikay 'to!" Halos isigaw ko iyon sa kaniya. Pero hindi pa din nagbago ang hitsura niya. Mukhang hindi pa din kumbinsido.
"Ikaw huwag kang tokshit ah! Lakas ng trip mo!" Medyo nahihiya pa siya sa 'kin nang sabihin iyon.
"Ano ba ako nga 'to!" sabi ko ulit.
"Oh sige ano ang password?" nakapamewang nitong tanong.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Gwapong binata si Mikay."
"Hala tangina ikaw nga! Anong nangyari sa'yo?! Sumanib ka ba sa katawan ng iba?" nagugulat pa rin nitong tanong habang umiikot sa akin at tinititigan bawat parte ng katawan ko.
Natatawa na lamang ako sa kaniya.
"Ang OA parang wala namang nagbago sa'kin ah," pagbibiro ko.
"Edi sana naging crush kita noon kung ganito ang hitsura mo! Tangina kung ganito ang hitsura mo nung sumali ka ng Campus Crush paniguradong uuwi na yung mga kasali praktis pa lang!"
"Grabe! OA mo! Di ka pa rin talaga nagbabago," natatawa kong sabi.
Inaya ko muna siyang umupo at makipag-kuwentuhan matapos niyang magpaalam sa boss niya.
"Alam mo bang napakahirap palang-- Bakit ganiyan ka naman makatitig sa akin?" pagtatanong ko nang makitang titig na titig pa rin siya sa mukha ko.
"Ikaw ba talaga iyan? Grabe hindi kita nakilala."
"Ulit-ulit?" natatawa kong tanong. Natawa din naman siya dito.
"Saan ka na nga pala nakatira? Akala ko patay ka na eh. Wala man lang paramdam."
"Sorry naman," natatawa kong sagot. Sinadya kong hindi sagutin ang tanong niya.
"Ako nga 'tong dapat mag-sorry sa'yo." Medyo sumeryoso na siya.
"Huy! Ayaw ko ng drama okay baka mamaya mag-iyakan tayo dito!" pagbibiro ko ulit.
"Seryoso nga kasi! Sorry na nga! Nakialam ata ako masiyado sa'yo noon." Nakatungo na ito.
"Ano ka ba? Wala lang 'yun, hindi ko naman sinasadyang sabihin yung mga iyon. Ako nga dapat mag-sorry kasi hindi man lang ako nakipag-ayos sa'yo."
"Hindi. Ako talaga dapat mag-sorry. Hindi man lang kita kinamusta o nilapitan man lang nung alam kong nalulungkot ka. Alam ko namang hirap na hirap ka noon pero hindi pa din ako nagkusang lumapit."
"Hindi, ako talaga ang may kasalanan. Maski nga nitong mga panahong okay na ako hindi na kita nakamusta eh. S-sorry."
Nagulat ako nang matawa si Larisa.
"Tss. Contest ba 'to ng sorry ha? Kung ganun panalo ka na!" Natatawa niyang sabi.
"Namiss kita," nakangiti kong sabi.
"Ako din!" Tumayo kami pareho at saka nagyakap. Halos magtatalon pa kami sa tuwa.
~
"So anong balak mo ngayon?"
"Hindi ko pa alam eh. Kausapin ko ba dapat siya?" Si Lothur ang pinag-uusapan namin.
"Ikaw bahala, kung hindi ka naman komportable eh."
Hindi na ako umimik. Nanatili na lang ang paningin sa kalsada. Hinihintay ang grab na binook ko. Ewan ko kung alam na ni Larisa yung tungkol sa mga pananakit sa akin ni Lothur noon. Sa tingin ko hindi, dahil kung alam niya paniguradong hindi niya hahayaang makalapit sa akin ang huli.
"Sa susunod na lang ulit," sabi ko saka nakipag-beso sa kaniya.
"Gusto ko iyan! Pero mas maganda siguro kung may inuman. G? Isama na rin natin sila Bianca at Shaira."
"Sige ba," tuwang tuwa kong pagsang-ayon. Miss ko na rin yung dalawang 'yun kahit di ko masiyadong close. Parehas namang maaasahan. Talagang tunay na mga kaibigan.
Pagdating ko sa bahay ay agad kong tinawagan si Mamu. Hindi na naman ako sinagot nito. Napabuntong hininga ako saka ipinatong na lamang ang cellphone sa lamesa.
Wala naman akong gagawin kaya minabuti ko na lamang na puntahan ang kompanya ni Lothur. Hindi ko man siya makikita doon tiyak na magandang ideya kung magiging pamilyar ako sa kompanya nila.
This will be the start Lothur. I will let you feel the numbing pain you caused me.
Nang makarating ako doon ay agad akong pinapasok ng guard at winelcome ng ilang empleyado. Mukhang wala na halos karamihan sa mga empleyado dahil sabi nga ni Lothur ay ibebenta na niya ang kompanya.
Pinagpatuloy ko lang ang pagmamasid kahit pakiramdam ko ay nawiwirduhan sila sa pagkilos ko. Pasalamat nga sila isang sikat na artista ang nakikita nila.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Kaagad akong umayos ng pagkakatayo at nagkunwaring may kinakalikot sa cellphone.
"Ang hot talaga niya grabe!" narinig kong sabi ng isa.
Sino bang pinag-uusapan nila?
"Makalaglag panty bes! Sayang nga lang at ibebenta na niya 'tong kompanya edi hindi ko na siya makikita araw-araw."
So si Lothur ang topic nila? Tss. Gwapo naman talaga ang isang 'yun, di hamak.
Napailing ako sa sariling naisip. Bakit ko ba siya pinupuri? Galit tayo sa kaniya self, okay?
Bumalik naman ako sa kaagad sa reyalidad nang may kumuwit sa akin. Nagulat ako nang makita na naman yung bata sa mall. Tuwang tuwa ko itong pinagmasdan. Tulad noon ay umupo ulit ako para magpantay kami.
Pero nawala ang saya kong nararamdaman nang maalala ang sinabi ni Meagan. Kailangan ko ba talagang kidnapin ang bata? Masiyado pa siyang inosente para madamay dito.
Umiling na lang ako para mawala ang mga negatibong nasa isip.
"What's your name?" pagtatanong ko dito gamit ulit ang aking maliit na boses.
"G-gray," medyo nahihiya nitong sabi.
"Ang ganda naman ng pangalan ni baby boy!" puri ko dito na siyang ikinangiti nito.
"I-ice cream..." nahihiya nitong pagpapatuloy sa pagsasalita.
Natawa ako. "Gusto mo ulit ng ice cream?"
Agad itong tumango.
"Gusto mo ibili ka ni ate?"
Muli ay masigla itong tumango. Napakalawak ng pagkakangiti nito na parang siguradong sigurado na siyang ibibili ko siya.
"Lika dali! We will buy ice cream again." Binuhat ko agad ito.
"No more ice cream for today Gray."
Nagulat ako at halos mapatalon nang marinig iyon. As usual nandiyan na naman si Lothur na hobby na yatang sumulpot kung saan-saan.
"Oh nice to see you Mr. Kabute." Sinadya kong gawing sarkastiko ang boses ko.
Muli ay agad na bumaba ang bata sa akin at pumunta kay Lothur nang makita ito.
"Hindi ka basta-basta pwedeng magsama ng bata. I can sue you kidnapping."
Napangisi ako. Maghintay ka lang Lothur gagawin ko din iyan. "We're just going to buy something. It's not as if iuuwi ko siya sa'min," pagdepensa ko sa sarili ko.
Hindi na siya umimik pa at nagdire-diretso na lang palabas. Agad naman akong sumunod.
Aalis na rin naman ako. Magbu-book na sana ako ng grab pero biglang may humikit sa braso ko. Huli na nang mapagtanto kong si Lothur ito.
Isinakay niya ako sa kotse niya nang walang pahintulot ko. Wtf!
"Hey! I can sue you kidnapping for this Mr. Meneses." I managed to mock him despite of my nervousness.
Hindi naman siya umimik at ikinabit lang sa akin ang seatbelt. Hindi na ako nakapalag doon lalo pa at pinaandar na niya ang kotse.
Ano bang trip nitong Kabuteng 'to? Hindi na lang pala siya kabute, nahawa na rin siya kay Larisa na panay ang panghihila.
"Quit staring." Nagulat ako nang marinig iyon sa kaniya.
"I'm not!" agad kong depensa.
Hindi naman talaga, eh! Hindi lang pala siya kabute at manghihila. Assumero din pala! Assuming amp.
Pinagtuunan ko na lamang ng pansin si Gray na hindi na maipinta ang hitsura. Marahil ay gusto niya talaga ng ice cream pero dahil KJ itong isa ay hindi ito nakakain! Ang damot naman niya.
Nakikita kong natingin sa akin paminsan-minsan si Lothur kahit nagda-drive ito. Tyinempuhan kong nakatingin siya sa akin bago ako umirap ng todo. Nagkandahilo ako dahil doon.
Nakita ko ang pagngisi niya na siyang ikinainis ko. Natutuwa ba siyang asarin ako?
"Kumain ka na?" tanong sa akin ni Lothur.
"So kikiligin na ba ako?" sarkastikong tanong ko.
"Hindi pa rin nagbabago tss," bulong niya pero dinig ko naman. Malakas ang pandinig ng tainga ko remember?
"A-anong sabi mo?" agad kong tanong.
Hindi naman siya sumagot. Nagulat na lang ako nang dumaan kami sa drive-thru. Bumili siyang pagkain, siyempre natural.
"Oh," sabi niya habang inaabot sa akin ang pagkain niyang binili.
Hindi ko iyon pinansin at inirapan ko lamang siya ulit. Nakita kong napangiti siya sa ginawa ko.
"Oh Gray!" Iniabot niya ang isa sa bata. Pero maya-maya ay iniabot pa ang isa dito. "Ibigay mo sa Mommy mo iyan ah. Galit ata sakin eh, ayaw akong pansinin." Ang paningin ni Lothur ay nasa akin habang sinasabi iyon.
Nagulat naman ako nang iabot sa akin ni Gray yung binigay sa kaniya ni Lothur. Natulala naman ako dahil doon. So ako ang mommy niya? At sino ang daddy?
Napalingon ako kay Lothur na nakangisi pa rin habang nagda-drive.
~
FOLLOW
VOTE
COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro