Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I KISSED A GIRL 18

"Bakit parang biglaan naman yata ang pagpapa-sched mo ng appointment with that company? Hindi ka pa ba napapagod? Kaka-concert mo lang last night ah," nag-aalalang tanong ni Mamu sa akin, ang aking manager.

"Please, pretty pretty please..." pagpapacute ko rito. Sana tumalab. Minsan ko lang gamitin ang charms ko kay Mamu at di naman ako nabibigo tuwing sinusubukan ko.

"Marami ka nang ongoing projects, magugulo na naman ang schedule mo niyan eh. Sinong mahihirapan aber, hindi ba't ako?"

"Aba, sino bang sasalang at magtatrabaho sa mga projects na 'yun, diba't ako?" nakataas ang kilay kong tanong bagama't biro lamang iyon.

"Habang tumatagal pakulit ka nang pakulit. Para saan pa at naging manager mo ako kung hindi ko ima-manage iyang buhay mo. Lagi ka na lang nagsasarili sa pagdedesisyon."

Napanguso ako. Matagal pa akong nag-isip bago nagsalita. "Mamu naman eh." Akma ko itong yayakapin pero umiwas lamang ito. Aba attitude! "Last na talaga 'to, after this bahala ka nang magdesisyon, wala na akong papakialaman. Susunod na lang ako nang susunod sa'yo."

"Sa kulit mong iyan hindi ko alam kung maniniwala ako sa'yo."

"Is that a yes?" malawak ang ngiti kong tanong. Napatalon pa ako nang um-oo ito.

"Bakit ba interesado ka sa kompaniyang iyan?"

Napaiwas naman agad ako ng tingin. "H-ha? Wala!"

"Nakita ko kasi diyan sa dressing room mo yung mga articles about El Cajon. At kailan ka pa nagka-interes sa alak?"

"At kailan ka rin natutong makialam ng gamit?" depensibo ang tono ko.

"Hindi ako nangialam, nakita ko lang. And besides, I'm your manager. I should know every damn business you're into."

"Okay fine, gusto ko lang namang tulungang makabangon yung kompanya na iyon. Can't you see? Their company is being bankrupt!" madrama kong pagkakasabi. Sana gumana sa kaniya ang palusot ko.

"Wow concern citizen ka na pala ngayon? Concern na concern sa CEO ng El Cajon, tss."

"Issue ka!"

"So anong balak mong gawin? Maging endorser ng alak nila? Wala sa image mo iyan!"

"Edi I'll change my image."

"From being a sweet and girly fashionista to a hot and sultry woman?"

"Exactly!" Ipinakita ko sa kaniya ang ilan sa mga damit na galing sa wardrobe. May ilang daring na kasuotan dun na magagamit ko once na magsimula na ang photoshoot sa endorsement ko with El Cajon.

"Ewan ko lang kung magustuhan ng mga fans mo iyan."

"Oh come on, I'm a singer. Boses ko ang nagustuhan nila, susuportahan pa rin nila ako dahil hindi naman boses ang babaguhin ko."

"But looks matter darling. Kung wala ka nito..." Sabay turo sa mukha ko. "Wala kang career. That's the reality of showbusiness. May ilang sinusuwerte naman pero mas madami pa rin ang umaangat dahil sa hitsura." 

Napaiwas naman ako ng tingin nang maalala ang dati kong mukha. Malayong malayo na ako sa tomboy na iyon. Hindi na ako tulad noon na boyish at kung kumilos ay akala mo ay siga sa kanto. Naging mas pino na ang kilos ko sa tulong ni Meagan na ilang taon akong inihanda.

~

"Ang ganda mo talaga, Kehla," puri sa akin ng kaharap kong interviewer.

"S-salamat." Naiilang akong ngumiti rito.

"Ano bang sikreto mo?"

Gulat ko siyang tiningnan. "Anong sikreto?! Wala akong tinatagong sikreto sa inyo! Kung balak mong maghanap ng sikreto ko at isiwalat ito sa press pwes good luck na lang sa'yo!" depensibo kong sigaw.

Rumehistro ang gulat sa hitsura interviewer. Maski ako ay nagulat sa sarili ko na kailangan ko pang tumikhim para gumaan ang mood ng interview.

"I mean wala ka bang regimen for your skin? Any skin care?" Pinagpatuloy pa rin nito ang pagtatanong kahit kitang kita sa kaniya ang pagkagulat dahil sa sigaw ko.

"Siyempre meron, typical skin care essentials lang. Yung bang tipong may moisturizer, toner, cleanser, mga ganun ba."

Napatango ito saka nagsulat ng kung ano sa notebook niya. "Ang perfect naman ng mukha niyo." Nailang ako nang pakatitigan nito bawat anggulo ng mukha ko. "Wala po ba kayong pinaretoke o ano?"

"W-wala 'no! Hehe kayo talaga. Bakit naman ako magpaparetoke?" Tinuro ko bawat bahagi ng mukha ko. "These are all natural, okay?"

Tumango naman ito saka nagsulat ulit.

"Okay na? Wala na kayong questions?" nakangiti kong tanong.

Tumango naman ito saka nagpasalamat sa akin. Kinamayan pa ako nito. Nang makaalis sila ay kumuha ako ng alcohol sa clutch ko at nagpahid sa kamay.

Sinuot ko ang shades ko at face mask saka hinintay ang grab kong b-in-ook. Nang makarating ito ay agad ako ditong sumakay. Ngayon ko na kikitain si Lothur kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Tumunog ang cellphone ko maya-maya. Sinagot ko ang tumatawag na si Meagan. "What is it?"

"Chill. Galit na galit?"

"Tss. I'm focusing, Meagan. Bakit ka ba tumawag?"

"Oh so you're going to meet the CEO of El Cajon na?"

Napatango ako. Nakaligtaan kong hindi nga pala niya nakikita ang pagtango ko. "Y-yes. I'm on my way."

"Good. Tandaan mo yung mga binilin ko sa'yo ah. Tame him and break him."

"Tss. Oo na."

"And lastly, siya ang dapat na ma-fall sa'yo not the other way around."

"Seriously, Meagan? You're expecting me to fall for him? Sa dami ng kasalanan niya sa 'kin galit na lang ang nararamdaman ko sa kaniya."

"Good to know. Basta lagi mo na lang tatandaan ang mga paalala ko sa'yo."

"Yes Mom," sarkastiko kong sambit.

Ibinaba niya na ang linya kasabay ng pagbaba ko na din sa grab.

Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin. Makikilala niya kaya ako? May ideya ba siya na sikat na ang babaeng sinaktan niya noon?

Sa isang simpleng coffee shop lamang ako pumasok. Dito ko kikitain si Lothur. Balak pa sanang sumama ni Mamu pero sabi ko I'll take care of it na lang. Grabe 'no ang lakas ko sa manager ko ang luwag luwag sa 'kin. The best talaga 'yun.

Pinakatitigan ko lahat ng lamesa sa coffee shop na iyon. Wala akong makitang Lothur dito, ah. Baka naman inindyan ako o baka late lang hays.

"Ma'am, are you looking for someone?" Nagulat ako nang may magtanong di kalayuan sa akin. Lalaki ito na pormal na pormal ang hitsura. Naka-business attire.

"Yes. I'm waiting for Lothur Chaste Meneses."

"Are you Miss Kehla?"

Agad akong tumango. Nagulat naman ako nang magpunas siya sa gilid niya ng palad niya saka niya ito inilahad sa akin. Nakikipagkamay.

Agad ko naman itong tinanggap kahit naguguluhan.

"I'm Mr. De Guzman, the representative of El Cajon. Have a seat, Ma'am."

Gulat ko siyang tiningnan. Bumaba ang balikat ko nang mapagtanto na hindi si Lothur ang makakausap ko ngayon.

Pero gayunpaman ay pinaunlakan ko pa rin siya at agad akong umupo sa upuang kaniyang itinuro sa akin. Peke akong ngumiti sa kaniya.

"Let's start?" Hindi pa man ako nakakapagsalita para sumang-ayon o para tumango man lang sa tanong niya ay nagsalita na agad siya. "El Cajon is a company popularly known for its production of world class beverages pero wine talaga ang trademark namin--"

"Sorry to cut you off pero I'm expecting to talk with someone. N-not...you."

Nakita kong humalakhak siya na nagpataas ng mga kilay ko. "Our CEO is dealing with something more important than this, Ms. Kehla."

"More important than this? Excuse me, this 'unimportant' thing will save your company."

Siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin. "How come?"

Napairap ako  "Look at me." Itinuro ko pa ang sarili ko sa kaniya. "What's my name?"

"Kehla?" nakangisi nitong tanong. Nakakaloko.

"Exactly. I'm Kehla and your product to be honest is very old-fashioned pero once na i-endorse ko 'to magkakaroon 'to ng youthful vibe. The sales of that old shit wine will gradually increase kapag ako ang kinuha niyo to endorse it."

"Tss. Ang taas ng tingin sa sarili ah, ganiyan ang mga tipo ko." Kumindat pa ito sa akin. Napairap ako.

"We're here for business, Mr. De Guzman. Ano magpapabebe ka pa ba diyan? Ako na nga 'tong lumalapit sa inyo para magmalasakit. I will sign the contract not unless your CEO will talk to me. Right... now."

Napailing na lang si Mr. De Guzman habang nakangiti. Nag-dial na siya sa telepono niya at saka tumayo para kausapin iyon. Ang bastos lang ah, hindi nag-excuse me bago umalis.

Napatingin pa ako kay Mr. De Guzman na may kausap pa rin sa telepono. Mukhang babaero. I have to admit it, he's cute. No, he's well... handsome. But he's not really my type.

Oh, ano kayo diyan? Babae na 'to! Lalaki na ang mga tipo ko and I don't give a damn kung anong gusto niyong isipin kesyo nagpapanggap lang ako o ano.

"Kehla?"

"Yes," wala sa sarili kong sagot sa kung sino.

"OMG! Si Kehla nga!" Nagulat ako paglingon ko nang maghurumintado ito. Patay na. Nalimutan ko sandaling artista nga pala ako at nasa public place ako.

"Guys! Si Kehla nandito!" sigaw nito sa buong coffee shop na nagpakaba sa buong sistema ko. Riot 'to pag nagkataon, patay na.

"Pa-autograph naman, Kehla!" Nagulat ako nang may sumulpot na sa tabi ko.

"Pa-picture naman ako Kehla!" sigaw pa ng isa.

"OMG! Si Kehla nga oh my gosh pwede na akong mamatay!!!"

Napairap ako. Grab,e ang OA nila. Hindi naman ako ganito sa artista dati ah. Gulat akong napatingin sa mga taong mabilis na lumalapit papunta sa akin. Para silang mga leon na nakakita ng bibiktimahin. Para silang mga gutom na gutom na nakahanap ng pwedeng gawing hapunan.

Napatingin ako kay Mr. De Guzman di kalayuan. Nakangisi lang ito at mukhang nag-eenjoy pa sa panonood.

"Tulungan mo ko!" sigaw ko sa kaniya nang bigla nang mag-wild ang mga tao.

"Tss. Ienjoy mo iyan, sikat ka diba?"

"Fuck you!" sigaw ko dito.

Nang makita kong padami na nang padami ang mga taong lumalapit sa akin ay agad akong nagtakip ng braso sa mukha ko. Hindi pa rin sila tumigil sa pagkakagulo kaya tumakbo na ako palabas ng coffee shop.

Pikit mata ko pa itong ginawa dahil sobrang dami na talagang tao ang dinudumog ako. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Pasalamat sila hindi heels ang suot ko ngayon. Buti na lang. Baka maihampas ko din sa kanila ang takong ko kapag nasaktan ako.

Napatingin pa ako kay Mr. De Guzman pero hindi man lang ito kumikilos at umiinom pa sa kape niyang parang nanood lang ng paborito niyang teleserye tuwing hapon. Pakyu talaga sa'yo De Guzman!

Nang imulat ko ang mga mata ko ay saktong malapit na ako sa pinto ng coffee shop. Sa wakas! Binuksan ko ito at agad na tumakbo palabas. Pero dahil sa lakas ng mga tao dahil nagtutulakan pa ang mga ito ay tumilapon ako at napadapa sa sahig.

Napangiwi pa ako. Paniguradong may gasgas na ang tuhod ko pati braso't siko. Patay ako nito kay Mamu. Alagang Belo pa naman ang kutis ko. Sangkatutak na naman ang ilalagay na make-up o concealer sa 'kin. Malapit na pa man din ang photoshoot ko with Nineteen Magazine.

Nagulat ako nang may makitang kamay na nakalahad sa harap ko. Mula baba ay pinakatitigan ko ito.

Malinis na black shoes, mukhang bagong lagay ng kiwi dito. Wew. Plantsadong itim na slacks. Nalimutan ko palang banggitin ang medyas niyang itim. Napatingin pa ako sa suit niyang talagang akmang akma sa sukat ng katawan niya. Dinedepina nito bawat parte ng torso niya. At masasabi kong maganda ang katawan nito. Huli kong pinakatitigan ang mukha niya. Ilang segundo pa akong natulala. Umawang ang mga labi ko nang mapagtanto kung sino ito.

~

FOLLOW
VOTE
COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro