Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 9 - Jacket

iamsuperiya: Malayo ang tingin. Sinong tinatanaw mo kapatid? :D @kendrickeusebio #hulaankungsino #inlababositwin

Araw-araw nagpopost ng kung anu-anong picture niya ang kakambal na si Iya. Sa post nito sa IG ngayon, makikita siyang nakatingin kung saan. It was taken during recess. Nakatingin siya sa bintana ng classroom nina Ahn. Nasa tabi kasi ng bintana si Ahn.

Hindi niya namalayang kinunan na pala siya ng picture ni Iya. Ini-upload nito iyon pagkauwi nila sa bahay.

notzanjoemarudo: Ohoho! Me is curious. Sino yan Iya mylabs?

abbymarquez: Oyyyy si ex. Lumalandi na naman! Hahahha

iamsuperiya: ang sama na ng tingin nya sakin. Masasakal na ko nito!

He had been glaring at Iya from across the room. Ngumiti ito sa kanya saka bumalik sa pakikipagdaldalan online. Ang malala, inilagay din nito sa Facebook ang picture niyang iyon. He has a handful of followers already. Mga nasa tatlong libo na rin. Last year kasi, isinali siya sa pakulo ng school nila. Yung high school cutie contest.

May isang page sa Facebook kung saan nagpopost sila ng pictures ng mga gwapo sa school nila. Kung aling picture ang may pinakamaraming likes, yun ang panalo.

Iya sent his picture on the page. And he gained many likes. Landslide nga e.

Nang malaman niya, huli na. Nai-announce na. Kabi-kabila ang nag-follow sa kanya sa FB, pati sa IG niya. Araw-araw, may nagpi-PM sa kanya, humihingi ng number niya. May mga nantatag pa sa kanya sa FB with pictures of him. Mga stolen! He was totally crept out.

Nag-away pa sila ni Iya dahil doon.

Now, she's doing it again, turning his life into a circus.

"Stop it," saway niya sa kapatid.

"Ni-like nya o!" sabi nito.

Kahit naiinis, he couldn't help but check the notifications.

Liz Ahn Legaspi liked a photo that you were tagged in.

"Kilig ka 'no!" natatawa nitong sabi.

"Shut up!"

Liz Ahn Legaspi commented on a photo that you were tagged in.

"Ang cute mo dyan kuya! :D"

"Ayeeeee. Cute ka raw o!"

Itinapat nito sa kanya ang phone nito. Then he heard another click.

"Iya!"

"Ang pula na naman ng tenga mo, Kenken!" natatawa nitong sabi.

Hinabol niya ito paakyat. Wala pa ang parents nila. Alas-otso na. Nagdi-date na naman yata ang mga ito. Kakatapos lang nilang kumain. Baka manakit ang tiyan niya sa pagtakbo. Pero si Iya kasi, magpopost na naman ng picture nya!

He found out na namumula ang tenga niya kapag sobra siyang natutuwa. Kumbaga, ganoon maglabas ng kilig ang katawan niya. Equivalent sa pamumula ng pisngi ng mga babae ang pamumula ng tenga niya. Though, he sometimes blushes too...

Girls find it cute, especially Iya. Madalas itong gumawa o magsabi ng kung anu-ano na alam nitong ikapupula ng tenga niya.

Muntik na siyang tamaan sa mukha ng pintuan ng kwarto nito nang bigla iyong magsara bago siya pumasok. He heard a soft click of the lock. Nakakulong na naman ito sa kwarto.

"Iya! Huwag mong ipopost 'yan a!"

"Too late!"

Narinig niya itong tumawa.

Maya-maya'y tumunog ang phone niya. May notification.

Ilia Christina Eusebio tagged you in a photo.

"Ganyan si KenKen kapag kinikilig. Ang cute cute no? Hahaha."

"Iya! Burahin mo yun!" inis niyang sabi.

"Ayoko nga!" He heard her squeal. "Ni-like ni Ahn o!"

Agad siyang napatingin sa phone niya.

Liz Ahn Legaspi liked a photo that you were tagged in.

Liz Ahn Legaspi commented on a photo that you were tagged in.

"Ang cute cute! XD"

Sigurado siyang lalong namula ang tenga niya dahil sa nabasa.

--

"Anong meron? Kagabi ka pa pinagtitripan ni Iya," bungad ni Zanjo sa kanya kinabukasan.

"Oo nga. Sino na kasi yung kinahuhumalingan mo ngayon?" tanong naman ni Abby. "Parang ngayon ka lang ulit namula ng ganyan e."

"Huwag nga kayong magulo!" saway niya sa dalawa.

"Gusto ko sanang sabihin sa inyo pero mahal ko pa ang buhay ko," natatawang sabi ng kakambal niya. He glared at her.

"Subukan mo lang ipagsabi!" banta niya.

Pinandilatan siya nito. "Or else, ano?"

"Tss."

Iya smiled cheekily. "Takot ka 'no? Pwede ko kasing sabihin sa kanya anytime."

"Sino nga kasi 'yon?" singit ni JL. "Kilala ba namin?"

He saw Iya shrug. "Siguro."

Mabuti na lang talaga at kahit papaano ay binibigyan pa rin siya ng konsiderasyon ng kakambal niya. Kapag sikreto, sikreto talaga, kahit sa mga kaibigan nila. Yun nga lang, madalas namang torture sa kanya.

Hanggang lunch ay kinukulit pa rin siya ng mga ito. Kung hindi pa niya ipagdadamot ang niluto niyang ulam ay hindi siya titigilan ng mga ito. Habang kumakain ay naka-receive si Iya ng text message. Napatayo ito bigla.

"Bakit?"

"Wala. Emergency lang." Tinabi nito ang pagkain at ibinigay sa kanya. "Huwag mong kakainin a. Babalik din ako agad."

"Sa'n ka pupunta?" pahabol niyang tanong dito. But she was already at the door. Madaling-madali ito. Ano naman kaya ang problema?

--

Kanina pa nasa loob ng CR si Ahn. Ang sakit-sakit ng puson niya. Hindi naman niya akalain na ngayon pa sya magkakaroon. Wala syang baon na napkin. Pipiso na lang ang load nya nang malaman nya. Ang malala, natagusan pa sya!

Alam niyang lunch break ng kinakapatid niya ng ganitong oras. She's her only hope. Sana lang ay natanggap nito ang mensahe niya. Ayaw kasi niyang i-text si Chet. Hindi ito nagchi-check ng phone kapag nasa school. Wala naman siyang ibang ka-close na pwedeng hingian ng tulong.

"Ahn?" maya-maya'y narinig niya.

"Ate Iya! Nandito ako sa pangatlong cubicle!"

Nakita niyang lumitaw ang kamay nito sa itaas ng pintuan ng cubicle. May hawak itong napkin. Kinuha niya iyon.

--

"Okay ka na?" tanong ni Iya sa kinakapatid.

Pumunta ito sa may lababo, binuksan ang gripo saka sumahod. Ahn attempted to remove a patch of stain from her skirt. Agad namang natanggal iyon, but it left a wet blotch.

"Heto o, gamitin mo muna." Iniabot niya dito ang jacket ni Ken.

"Okay na 'to, ate."

She shook her head and shoved the jacket to Ahn's hands. "Gamitin mo na. Ibalik mo na lang mamaya."

"Pero baka magalit si kuya Ken," nag-aalangan nitong sabi.

"Hindi magagalit yun," she assured her.

--

"Iya! Yung jacket ko?!" tanong ni Ken nang pauwi na sila. Napansin kasi nitong nawawala sa locker nila ang jacket nito. Share sila ng locker kaya wala syang nilalagay doon na importanteng bagay. Extrang damit lang, jacket... ganyan.

Saktong papauwi na sila nang biglang umulan. Given the weather, lalong lumamig. She already has her jacket on. Pareho pa naman silang lamigin ni Ken.

"Ipinahiram ko muna kay Ahn. Kailangan nya kasi."

Alam niyang hindi magagalit si Ken. And she was right. Medyo nagulat lang ito.

"Bakit?"

"Basta."

Kent didn't argue. Lalo na nang makita nila si Ahn sa may entrance ng building. She was hugging herself. Suot-suot nito ang jacket ng kakambal niya. Mukhang sumasakit na naman ang puson nito. Hindi kasi ito nakatayo ng maayos, parang namimilipit.

"Ikaw ang kumuha no'n a," sabi nito sa kanya.

"Tsk. Oo na," sagot niya. "May payong ka?"

Umiling ito.

"Hala, pa'no yan? Isa lang ang dala kong payong."

"O? E di sukob tayo," Ken replied.

"Pa'no si Ahn?"

Ken sighed. "Sige, kayo na lang ang sukob."

"Pano ka?"

"I'll manage."

Tinanguan niya ito saka niya pinuntahan si Ahn. Nasa'n naman kaya ang mga kaibigan ng batang ito kung kailan sila kailangan? Kapag maraming gustong mapalapit kay Ken, ang dami ring kaibigan ni Ahn. Sadly, hanggang dun na lang yung karamihan.

"Ahn!" tawag niya rito.

"Ate! Pauwi ka na po?"

Tumango siya. "Oo. Asan ang payong mo?"

"May nanghiram po kasi. Kanina ko pa nga po hinihintay e." Sumilip ito sa likuran niya. "Si kuya Ken po?"

Nilingon niya ang kakambal. Napataas ang kilay niya nang sumukob ito sa payong ng isang babaeng lower year.

Obvious nga. He can manage.

"Hayaan mo sya. Halika, hatid na kita sa may sakayan."

Tumango ito. "Salamat, ate. Nga pala, heto na po yung jacket."

Akmang huhubarin nito ang suot na jacket nang pigilan niya ito.

"Keep it. Sabi ni Ken, sa'yo na lang daw 'yan."

Napamulagat ito. "Po?"

"Oo nga. Kahit itanong mo pa sa kanya."

Siguradong maghuhuramentado na naman ang kakambal niya kapag nalaman nitong ibinigay niya ang jacket nito kay Ahn, na para bang siya ang nagmamay-ari noon. But at the same time, alam niyang wala itong magagawa.

Sigurado siyang hindi na nito iyon mababawi.

Mabuti nga sa kanya. Kung kani-kanino kasi nakikisukob, sabi niya sa sarili.

--

As expected, nainis na naman ito dahil sa ginawa nya. Pero wala itong nagawa. She snapped a photo of him and ran to her room, locking it before he could even process what she had done.

"Iya!"

iamsuperiya: Ang mukha ng frustrated. #hulaankungdahilkanino HAHAHA. Labyu @kendrickeusebio! :D

mikeymouse: Sino ba kasi yan? Nakaka-curious na talaga!

notjohnlloydcruz: oo nga! Spill!

kendrickeusebio: Bwisit ka Iya!

iamsuperiya: HAHAHA @kendrickeusebio chill ka lang twin!

Maya-maya'y nakita niyang nag-comment si Ahn.

lizahnlegaspi: Halaaaaa. :(

"Iya!" nanggagalaiti nitong sigaw mula sa labas.

"Lagot ka! Natatakot na naman si Ahn sa 'yo!"

lizahnlegaspi: dahil ba dun sa jacket, kuya? :(((

"Bwisit," she heard Ken mutter.

kendrickeusebio: @lizahnlegaspi hindi Ahn. Nambibwisit lang kasi talaga tong si Iya.

iamsuperiya: sabi ko naman sayo @lizahnlegaspi e. binigay nya na yan sa 'yo.

"Hindi ko kaya binigay!" sigaw ni Ken mula sa labas.

Tumawa siya. "E di bawiin mo sa kanya!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro