IJLT 8 - Kendrick
"Where's Iya?" tanong ng daddy niya during dinner. Katatapos lang niyang magluto nang dumating ito. Agad itong pumunta sa kusina para kumain. Even though his dad works at a restaurant, he makes sure to come home every dinner to eat with his family.
Yun lang kasi yung oras na nakakapag-usap sila at nakakapagkumustahan.
"Still mad at you," his mom answered.
"Still?" kunot-noong tanong ng daddy niya. "Tuesday na a."
Pareho silang nalungkot na mag-ama. Kung magkakatampuhan man sa pamilya, hindi iyon tumatagal ng isang araw. Kaya nga tuwing dinner time, naglalabasan na rin sila ng sama ng loob. Para kinabukasan, okay na sila ulit.
But not this time. Iya's refusing to cooperate. Simula nga kahapon sa school ay hindi siya nito kinakausap. Si Abby ang kasama nito maghapon. Kahit ang mga kabarkada niya'y nagtataka na rin.
"Ikaw kasi," naiiling na sabi niya.
"Anong ako? Ano bang mali sa ginawa ko?" reklamo naman ng daddy niya.
"Dapat kasi hindi mo na sya pinasundan kay Ken. Feeling tuloy nung bata wala kang tiwala sa kanya."
"May tiwala naman ako kay Iya. Dun lang sa ka-date nya wala," dahilan ng daddy niya.
Maging siya man ay nagsisisi dahil pumayag sya sa gustong mangyari ng daddy niya. Siguro nga, maganda yung intensyon nilang mag-ama pero hindi naman maganda 'yong paraan na ginamit nila. Ang dating tuloy, parang wala silang tiwala kay Iya.
--
Kinabukasan, Iya commuted to school again. Maaga itong umalis. Kumakain pa lang sila ng daddy niya ng agahan ay wala na ito sa bahay. Pagdating niya sa school, naabutan niya si Ahn sa may gate. Lalampasan sana niya ito but she saw him first.
"Hi, kuya! Good morning po!"
Binigyan niya ng tipid na ngiti ang kinakapatid.
"Morning."
"Nasa'n po si Ate Iya?"
"Naunang pumasok e."
"A, sige po kuya. Una na 'ko," paalam nito.
Gusto niya itong pigilan. Gusto niya itong sabayan kahit sobrang lapit lang ng building nila mula sa gate. Pero bago pa man niya iyon magawa ay naharang na siya ng isang babaeng mukhang halos kaedaran lang ni Ahn.
Nakasimangot ito at halatang kaiiyak.
"Kuya..."
"Bakit?" kunot-noo niyang tanong.
"K-Kasi po... hinintay po kita nung Sabado," naiiyak nitong sabi.
"Huh? Busy kasi ako nung Sabado. Bakit, ano bang meron?"
Tuluyan na itong naiyak. Nagtatakbo ito palayo. Sya naman ay naiwan sa gitna, pinagtitinginan ng mga tao. May ilang nailing at bumulong na may na-heart broken na naman dahil sa kanya. Gusto niyang magmura. Ni hindi nga niya alam kung bakit bigla-bigla na lang itong umiyak. Ano ba ang meron noong Sabado?
"Lagot ka, Ken!" bungad sa kanya ng kaibigang si JL. Nakakuba siya nang akbayan siya nito. Mas maliit kasi ito sa kanya.
"Bakit na naman? Ano na naman ba ang ginawa ko?"
"Nakalimutan mo na? Yun kaya yung nag-invite sa 'yo sa 16th birthday nya!"
Saka lang niya naalala. May nag-imbita nga pala sa kanya noong isang linggo. Sixteenth birthday daw nito. But he was preoccupied that day. Kailangan kasi nyang manmanan si Iya nung nakaraang Sabado.
"Hindi naman kasi kami close. Ni hindi ko nga siya kilala. Bakit naman nya ako iimbitahan?"
"E crush ka kasi. Hindi mo ba binasa yung invitation? Special guest ka kaya dun. I'm sure napahiya yung bata sa mga bisita nang hindi ka naman pumunta."
"Tss." So kasalanan pa niya ngayon? Syempre, sino ba naman ang uunahin niya: yung kapatid niya o yung taong hindi naman niya kilala? Naiinis na talaga sya. Para kasing palagi siyang naoobligang makipagkaibigan sa kung sinu-sino kahit hindi naman niya gusto.
Nakakapagod na ring mang-turn down ng babae na ang lakas-lakas ng loob na manligaw pero mas malakas namang umiyak kapag na-turn down.
What did they expect? Oo na lang sya ng oo? Syempre tatanggihan niya kapag ayaw nya.
"Ano nga palang nangyari sa lakad mo nung Sabado?"
That question brought him back to Saturday. Ano nga ba ang nangyari? Setting aside the fact that Iya got angry with him, it was a happy Saturday. Thanks to Rica, nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama si Ahn ng silang dalawa lang, kahit pa gaano kaikling oras lang 'yon.
"Nakipag-date ka 'no?!" nakangising tanong ni JL. "Ang lapad ng ngiti mo, p're! Sino 'yan ha?"
"Wala."
--
Buong araw na umiiwas si Iya sa kanya. Ngayon lang nagtampo ng ganito si Iya. Unang beses din kasi itong pinayagang makipag-date. Big deal nga yata talaga ang firsts sa mga babae.
Nang mag-uwian ay nakita na naman niyang pasakay ng kotse ni Paris si Ahn. Ihahatid na naman yata ng pinsan ang kinakapatid niya. Gusto sana niyang makisabay kaso nakita niya si Iya na papalabas ng gate kasama si Jeremy.
Nabahala siya kaya sinundan niya ang kapatid.
He made sure na nakita sya ng dalawa nang sumakay sila ng sasakyan pauwi. Doon pa sya pumwesto sa malapit sa mga ito. Masama ang tingin sa kanya ng kambal niya hanggang sa makarating sila sa bahay. Umuna ito sa pagpasok sa bahay nila.
Tahimik lamang siyang nakasunod.
Umakyat siya nang umakyat ito at tuloy-tuloy siyang sumunod hanggang sa kwarto nito. He deliberately pushed the door while she was closing it.
"Iya, galit ka pa rin?"
Hindi ito sumagot. She just kept on pushing the door to close it.
"Iya, I really need to talk to you."
"Ayaw kitang kausapin!"
"It's about Ahn!" he blurted out. Napatigil si Iya sa pagsasara ng pinto.
"What did you say?" gulat na tanong nito.
Tuloy-tuloy siyang pumasok. The sight of pink everywhere made him sick but he really needs to talk to his twin bago pa sya tuluyang sumabog.
"I-I think I like Ahn. What should I do?" He gave her a pleading look. Napanganga naman ito.
"Totoo?!" Isinarado nito ang pintuan. Siya naman ay naupo, the tips of his ears gradually turning pink. "You're not saying this para kausapin lang kita, di ba?"
He shook his head.
"Ayaw ko nga sanang sabihin sa 'yo 'to kaso kanino naman ako magsasabi kundi sa 'yo? Ayoko namang magsabi kina papa."
Iya squealed saka ito yumakap sa kanya. "Oh my gosh, brother dear! Finally! Sa wakas! Sa wakas talaga!"
"Tss." Nag-iwas siya ng tingin.
"Kelan pa?" tanong nito.
"Malay ko," sagot niya. Hindi naman talaga niya alam. Parang noong una, minsanan lang nyang naiisip si Ahn. Then it gradually escalated. Lalo na nang magsimula silang magpalitan ng text messages. And then, last Saturday, they went out. Sort of.
And today, when he saw her with Paris... nainis siya bigla sa sarili niyang pinsan.
"Like lang? Sure kang hindi yan love?" nakangising tanong ni Iya.
"Iba naman kasi yung gusto sa mahal. Yung 'gusto', napipigilan."
"E di pigilan mo."
"Hindi ko yata kaya. Kaya nga humihingi ako ng tulong sa 'yo e."
Hindi magkandamayaw sa paghampas sa braso niya si Iya.
"Oh gosh!!! Gusto kong sabihin kay mama!"
Tumawa ito.
"'Wag! Don't you dare!"
"Kinikilig ako!"
"Tsk. Sinabi ko 'to sa 'yo para tulungan mo 'kong pigilan 'to."
Sumeryoso bigla ang kakambal niya. "At bakit mo naman pipigilan 'yan?"
"Kasi ayoko."
"Bakit?!"
He sighed. Paano ba niya ipaliliwanag? His mom and his ninong were once in a relationship. That's one reason. Idagdag pa na bata pa si Ahn. Hindi nya rin ito type. Well, she doesn't fall in his type of girls. Saka parang ang awkward. Close na close ang mga pamilya nila tapos biglang magkakagusto siya sa kinakapatid niya?
What will they say about that?
"I just don't think that it's right for me to like her."
"Right. Wrong. Walang ganyan sa love. You just love, Ken."
"LIKE pa lang, Iya. Huwag kang atat."
Tumawa ito. "Dun din naman ang punta nun."
"Not if I can stop it first."
--
But that's the thing, he couldn't stop it. At ayaw naman siyang tulungan ni Iya. Yung opposite pa nga nito ang ginagawa ng kakambal niya. She was goading him to like Ahn more. Kaya ginising siya nito ng maagang-maaga. Magluto raw siya ng spaghetti for Ahn.
"Ahn will surely like that."
Kahit pa antok na antok pa siya, hindi siya nito hinayaang bumalik sa kwarto niya para matulog. She even helped him prepare the ingredients. Nagulat ang mommy nila dahil pagkagising nito ay nagluluto na sila sa kusina.
Iya just told her na nagpaluto ito sa kanya para merienda nila mamaya sa school.
Pagdating nila sa school, panay ang hampas nito sa kamay ng mga kaibigan nilang gustong kumain ng spaghetti. Nang bandang 9:30, ipinagtulakan siya nito palabas para ibigay kay Ahn ang niluto niya. Break time nila noon pero buong year lang nila. May tigpi-fifteen minutes kasing allotted time for breaks na hindi sabay-sabay para hindi kagulo.
Nagka-klase pa sina Ahn nang pumunta siya sa classroom nito.
Kumatok siya sa nakabukas na pintuan at awtomatikong napako sa kanya ang tingin ng buong klase.
"Yes?" tanong ng teacher na nagsusulat sa unahan.
"Ma'am, may I excuse Ahn for a while? May pinapabigay lang po ang daddy nya."
It was a lie but he had to say it. Kasi kapag sinabi nyang sa kanya galing yung ibibigay niya, rumors would just spark. Alam naman sa buong school kung ano ang relasyon nila ni Ahn. Magkinakapatid. Kaya walang umaaway dito, kahit pa ang mga selosa nitong schoolmates na feeling yata ay pag-aari nila siya.
"Ahn," tawag ng teacher.
Nakita niyang tumayo si Ahn at nagpunta sa may pintuan. Iniabot niya ang paper bag na hawak dito.
"Heto na yung spaghetti mo," sabi niya.
"Galing sa daddy ko, kuya?" takang-tanong nito.
"Hindi. Galing sa 'kin. Nagpaluto kasi si Iya kanina so ipinagtira na rin kita. Wala na 'kong utang sa 'yo ha?"
Ngumiti ito. "Opo kuya, salamat!"
"Ibalik mo na lang sa 'kin yung lalagyan mamaya."
"Okay po."
"Sige."
Dali-dali siyang umalis. Pagbalik niya sa klase, tinudyo-tudyo siya ni Iya dahil namumula na naman daw ang dulo ng tenga niya.
--
Tuwang-tuwa si Ahn nang makatanggap ng spaghetti mula kay Ken. Iyon lang ang kinain niya during breaktime. Mabuti na lang at sinabi ng kuya Ken niya na galing sa daddy niya iyon. Alam yata kasi nitong hindi siya makakakain kapag nalaman ng mga kaklase niyang galing kay Ken mismo yung spaghetti. Mag-uunahan ang mga iyon sa pagtikim ng luto nito.
Napapapikit siya sa tuwing susubo. Ang sarap-sarap ng luto ng kuya Ken niya. Mana talaga ito sa ninong niya na isang chef.
Hindi niya agad ibinalik ang tupperware. Kinabukasan, siya naman ang nagluto para rito. She couldn't make a complicated dish kaya hanggang shrimp tempura at shanghai rolls lang ang nagawa niya.
During break time, dinala niya iyon sa classroom ng kuya Ken niya.
--
Ngiting-ngiti si Ken pag-uwi sa bahay. Bago nito kainin ang bigay ni Ahn ay todo kuha ito ng picture ng pagkain. He posted it on IG later that day.
kendrickeusebio: Ang saraaaap! Thanks, @lizahnlegaspi!
Since more of FB and IG folks sila, hindi na siya nagtaka nang agad na mag-comment si Ahn sa post ng kapatid niya.
lizahnlegaspi: Welcome kuya! Thanks din sa spaghetti! :)
iamsuperiya: ehem @kendrickeusebio @lizahnlegaspi
lizahnlegaspi: bakit po ate Iya? XD
kendrickeusebio: Iya.
iamsuperiya: @lizahnlegaspi di kasi ako binigyan ni Ken :(
lizahnlegaspi: aww. Yaan mo po ate, ipagluluto rin kita! :)
Napangiti siya. Ang bait-bait talaga ng kinakapatid niya. Bumangon siya mula sa higaan at saka sinilip ang kapatid sa kwarto nito. Nakahiga si Ken, yakap-yakap ang isang throw pillow. Nakangisi ito habang nakatingin sa phone.
Trying hard not to laugh at her twin, she sneaked her phone in and took a picture of him. Tapos ay inilagay niya iyon sa IG.
Wala pang sampung minuto ay naka-twenty likes na ang picture. Tapos sina Zanjo, todo pangungulit sa kanya.
notzanjoemarudo: Kinikilig kanino? HAHAHAHA
notjohnlloydcruz: may bago na naman? Lupet mo fre!
Natatawa talaga siya sa IG usernames ng mga kabarkada nila. Si Zanjo kasi, may kapangalang artista. Si JL din, na short for John Lloyd.
"Iya!!!!" narinig niyang sigaw ni Ken mula sa labas.
Gumulong siya katatawa. Paano naman kasi, panalo ang caption niya sa picture nito.
iamsuperiya: Uyyyy... si @kendrickeusebio kinikilig! HAHAHAHA. #hulaankungkanino
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro