Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 7 - Jeremy

Bago mag-assembly kinabukasan, nakita niyang nilapitan ni Iya si Jeremy. Ang ngiti nito, hindi matawaran! Tinudyo-tudyo si Jeremy ng mga kabarkada nang makaalis si Iya. Agad naman niyang nilapitan ang kambal habang humahanay ang iba nilang kaklase.

"Bakit nandun ka?" tanong niya kay Iya.

"Wala lang. Masamang makipag-usap sa ibang tao?"

"Ano naman ang pag-uusapan nyo?"

Iya just shrugged. Alam na naman niya kung ano ang sinabi nito. Gusto lang niyang sabihin ni Iya sa kanya iyon. What's the big deal, anyway?

Ah, right. It's her first date nga pala.

"Hoy, Ken, pila na!" untag sa kanya ni Zanjo.

Sinundan niya ang kaibigan sa pila ng mga lalaki. Third to the last siya sa hanay nila. Kasunod niya si Zanjo tapos nasa huli yung pinakamatangkad nilang kaklase.

"Nakita mo 'yong kanina?" tanong ni JL na nasa unahan niya kahit di hamak na maliit ito kesa sa mga nasa likuran.

"Oo."

"Bakit daw sya lumapit dun?"

"Di ba nga, pumayag na ang dad niya na makipag-date si Iya," bulong naman ni Zanjo.

Siniko niya ito. "Huwag mo na ngang ipaalala," inis niyang sabi rito. He had been Iya's guardian and protector ever since they were kids. Palagi niya itong ipinagtatanggol. Ayaw na ayaw nyang umiiyak ito. Kasi kapag nasasaktan ito, pakiramdam niya ay nasasaktan din siya.

Sabi ng daddy niya, dahil daw iyon sa kambal sila ni Iya. They're connected on a different level.

Totoo iyon, kahit ngayong matatanda na sila. Ramdam ni Iya kung kailan siya makikipag-break sa current girlfriend niya. She will give him a certain look, a funny look, and he will know if it's the right time to end his relationship with someone.

Sometimes, it scares him. Kasi parang omen na iyon sa kanya. E paano kung ayaw nya pang hiwalayan yung girlfriend nya tapos bibigyan sya ni Iya ng ganong tingin? It happened once before. He refused to acknowledge that stare. They ended up breaking up anyway.

"Kuya Ken?"

Tumingin siya sa kaliwa niya. Isang estudyanteng may hawak na pink envelope ang nakatayo malapit sa kanila.

"Bakit?" tanong niya.

Bahagya itong namula. Siya naman ay nagsimulang maging iritado. Naiinis na talaga siya kapag nilalapitan siya ng babae. Call him old-fashioned but he's more into wooing girls, not the other way around.

"A-Ano po kasi—"

"Magsisimula na ang program. Baka mapagalitan ka kapag nakitang wala ka sa hanay," malamig niyang sabi rito.

"Sungit mo naman, p're!" Inakbayan siya ni Zanjo saka nito nginitian ang babae. "Ano ba kasi 'yon, Miss?"

Iniabot nito ang envelope sa kanya.

"B-Birthday ko na po kasi this Saturday. Sixteenth po. Sana po makapunta kayo."

Pagkasabi ay umalis agad ito para bumalik sa hanay ng klase nito.

"O." He shoved the envelope on JL's hand.

Kumunot ang noo nito. "Bakit binibigay mo sa 'kin?"

"Kailangan ko ng proxy. Hindi ako makakapunta."

"Bakit?"

"Basta." Ayaw niyang ipaalam sa mga ito na kailangan niyang i-stalk ang sariling kapatid. Baka makarating kay Iya, mapahamak pa siya.

--

Sabado.

Halos lahat sila sa bahay ay maagang gumising. Iya seems to be in a good mood. Ang daddy naman nila ay patingin-tingin sa kanya, naninigurado yatang gagawin niya ang ipinapagawa nito.

"Himala, ang aga mo," puna ni Iya nang makitang kumakain siya ng agahan. Usually, alas dyes na siya ng umaga nagigising.

"May lakad ako. Ikaw, bakit ang aga mo?" tanong niya sa kakambal.

"May date si Iya!" his mom announced in a sing-song voice. Ngumiti si Iya sa mommy nila habang sila namang dalawa ng daddy niya ay nagkatinginan.

"Friendly date lang naman, ma," Iya replied, pero halatang tuwang-tuwa ito.

"Yung usapan natin, anak, ha," paalala ng daddy niya kay Iya.

"Yes, pa," sagot nito.

"Anong oras ang date mo? Alas nwebe?" tanong niya sa kambal.

"Mamaya pang hapon," sagot nito.

"Hindi ka naman excited nyan?"

"Masamang gumising ng maaga?" taas-kilay nitong tanong.

Nagkibit-balikat na lang siya.

Nang humapon ay naghanda na rin siya sa paglabas. Hinintay muna niyang makaalis si Iya bago siya umalis. Dumating si Jeremy ng bandang alas tres ng hapon. Gusto niyang matawa sa suot nito. Disenteng-disente ito, to the point na nakalimutan na nitong pumorma. Iya rolled his sleeves up and messed with his hair a bit before presenting him to their dad.

"Gusto ko, pagbalik ninyo mamaya, ganyan pa rin ang ayos ng anak ko ha. Walang labis, walang kulang."

"Opo," sagot ni Jeremy.

"Before seven, nakauwi na dapat kayo."

"Yes, pa."

"What will you do, by the way?"

"Manunuod po ng sine saka po kakain sa labas."

"Saang sinehan?"

"Pa!"

Their dad sighed. "One seat apart ha."

Busangot na ang mukha ng kakambal niya. Gusto niyang matawa. First date pa lang ito. What more kung nanliligaw na si Jeremy sa kakambal niya?

"Papa naman e!" reklamo ni Iya.

His dad pointed his finger at Jeremy. "Remember: no holding hands, walang akbay-akbay at walang good night kiss."

"O-Opo."

Sa inis ay hinila ni Iya sa manggas ng damit si Jeremy palabas ng bahay.

"Be home by seven!" pahabol ng daddy nila nang pataklab na isinara ni Iya ang pinto.

"You're way overboard, Kent," naiiling na sabi ng mommy niya.

"Was I?" tanong nito sa kanya.

Agad siyang umiling. "Sakto lang, pa."

"Kita mo. Sakto lang!" sabi nito sa mommy niya.

His mom rolled her eyes. "Haynako, mag-ama nga kayo."

Nang pumunta ito sa likod-bahay para maglaba ay kinausap siya ng daddy niya para sa plano nilang pag-espiya kina Iya.

"Pa, is this really necessary?" tanong niya sa ama.

"Akala ko ba same pace tayo?"

"E, pa, kasi—"

"Ken."

He sighed. "Alright."

--

Para siyang tangang nakasunod sa dalawa. Hindi kumain si Iya ng merienda kanina. Konti rin ang kinain nitong lunch kasi kakain sila sa labas ni Jeremy. Dinala nito ang kakambal niya sa isang cafe sa mall. Naghintay siya sa labas, tambay, habang kumakain ang dalawa.

Nang sa wakas ay lumabas na ang mga ito ay agad siyang nagtago.

Tumuloy ang dalawa sa sinehan. Jeremy let Iya choose what movie to watch tapos ay bumili ito ng ticket. Naglabas si Iya ng pera pero hindi iyon tinanggap ni Jeremy. Napilitan tuloy siyang bumili ng ticket para mabantayan ito sa loob.

"Kuya Ken!"

He was just standing nearby when Rica called him. Napalingon si Iya sa gawi niya. Kunot-noo itong lumapit sa kanya.

"What are you doing here?!" iritado nitong tanong sa kanya.

"M-Manunuod ng sine," dahilan niya.

Pinamay-awangan siya nito. "Sinusundan mo ba 'ko?"

"No!" mariin niyang tanggi. Hinila niya si Rica at saka inakbayan. "Nagpapasama sa 'kin si Rica na manuod."

Nagpalipat-lipat ang tingin ng kambal niya sa kanya at sa pinsan nila.

"Totoo ba 'yon, Rica?"

Rica giggled under his arm. She looked up to him and smiled.

"Opo," sago nito. "Sorry kuya, na-late ako ha."

Napilitan syang ngumiti para maging convincing. "Okay lang." Saka siya tumingin sa kakambal. "See?"

Iya huffed but didn't argue. "Okay. Enjoy the movie, then," sabi nito saka ito pumasok sa sinehan. Ten minutes na lang, showing na kaya nagpapapasok na sa loob.

Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa pinsan saka niya ito tinuktukan.

"Pahamak ka talaga."

Napasapo ito. "Aray ko naman, kuya!"

"Tsk. Bumili ka ng sarili mong ticket," sabi niya rito.

"Hala. Pa'no si Ahn?"

Ewan ba niya kung bakit bigla syang kinabahan nang banggitin nito ang pangalan ng kinakapatid niya. Nagpalinga-linga siya pero wala naman ito.

"Kasama mo si Ahn?"

"Opo. Nasa bookstore sya. Sabi ko titingnan ko kung may magandang movie e, tapos manunuod sana kami. E nakita kita, kuya!"

"Tawagan mo. Sabihin mo pumunta sya agad dito."

"Ikaw na lang, kuya. Wala akong pantawag e."

He tsk-ed, fished his phone from his pocket and called Ahn. Nang nagri-ring na ay itinapat niya sa tenga ni Rica ang phone niya.

"Hello, Ahn! Si Rica 'to. Kasama ko si kuya Ken."

Bigla siyang nauhaw.

"Bibili lang ako ng drinks."

Tumango si Rica bago sya umalis.

He bought drinks and popcorn. Tapos naalala nyang hindi pa nga pala niya naibibili ng ticket ang dalawa. So he went to the ticket counter to buy them. Nakabili siya ng katabi nung upuan nya pero yung isa, nakahiwalay, two seats away from them.

Nang bumalik siya ay kasama na ni Rica si Ahn.

"Kuya, phone mo o."

"Thanks, heto tickets nyo. Ako na lang yung nakahiwalay."

Sumimangot si Rica. "Ay... tabi na lang tayo, kuya. Horror kasi 'to e." Tumingin ito kay Ahn. "Ahn, okay lang ba?"

"O, sige. Okay lang."

"Yay!" Kumawit si Rica sa braso nya. "Tabi tayo, kuya!"

Ahn smiled and offered to help him to carry the popcorn. Saka nito kinuha ang ticket para sa nakahiwalay na upuan at umuna ito pagpasok ng sinehan.

Nakita nila sa bandang gitna sina Iya. Sila naman ay sa bandang likuran pa. Nasa gilid si Ahn. May mag-boyfriend sa pagitan nila. Hinayaan na lamang niya kay Ahn 'yong isang popcorn tapos share sila ni Rica dun sa isa.

Ahn didn't seem to mind. Isinuot nito ang jacket nito and made herself comfortable. Katatapos lang noong mga patalastas. Movie proper na. Kakasimula pa lang pero kapit na kapit na sa kanya si Rica. Hindi naman niya ito maitulak palayo dahil baka magtampo ito. Isumbong pa siya sa mommy niya.

Nang may unang lumitaw na multo ay napasigaw ng malakas si Rica. Sumubsob ito sa kanya nang nasa screen pa rin 'yong multo. He glanced to his left and couldn't help but smile.

Nakataas ang mga kamay ni Ahn sa mukha nito. Dilat na dilat ito, hindi inaalis ang mata sa screen, pero may takip ang bibig nito, ayaw sigurong sumigaw.

There were a lot of muffled screams from Rica. Gusto na niya itong saksakan ng popcorn sa bunganga para lang matahimik ito. He wasn't able to concentrate much on the movie though.

--

Mag-aalas syete na nang matapos ang movie. Nagpaalam na sina Iya sa kanila para makauwi ito before seven, kagaya ng napag-usapan nito at ng daddy niya. Siya naman ay hinila ni Rica papunta sa CR. Wala pang dalawang minuto ay lumabas na si Ahn mula sa CR ng mga babae.

Sumandal ito sa pader, sa tabi niya.

"Si Rica?"

"Nag-aayos pa po sa loob."

"A." Wala na siyang ibang masabi.

"Nakakatakot yung movie, 'no, kuya?" maya-maya'y tanong nito.

He shrugged. "Okay lang."

"Grabe. Nung nilulunod yung bata kanina, hindi rin ako nakahinga," sabi pa nito.

He chuckled. "Matatakutin ka pala?"

"Minsan po." Ngumiti ito.

Magsasalita pa sana siya pero saktong lumabas si Rica mula sa CR.

"Pauwi na kayo?" tanong niya sa dalawa.

"Dadaan lang po ako ng bookstore tapos uuwi na kami," sagot ni Ahn.

"A, samahan ko na kayo."

"Sige, kuya!" tuwang-tuwa namang pagpayag ni Rica. Kumawit ito sa braso niya habang si Ahn naman ay nasa kabilang gilid niya.

Agad na kinuha ni Ahn ang isang libro na nakalagay sa best sellers. Love and Misadventures by Lang Leav. Come to think of it, iyon yung librong ireregalo sana niya rito pero hindi niya alam kung magugustuhan ni Ahn iyon.

Pagkabayad ni Ahn sa libro ay inihatid na nila si Rica sa MRT station.

"Ikaw, saan ka?" tanong niya kay Ahn nang makaalis ang tren.

"Bus po."

"Okay. Halika na."

"Hindi na, kuya. Kaya ko na po. Mapapalayo ka pa e."

"Ayos lang. Dali na."

Tumango ito at naglakad. Sumunod naman siya.

"Gusto mong mag-coffee muna?" tanong niya nang mapadaan sila sa Starbucks.

"Huwag na po. Wala na 'kong pera," she replied with a cheeky smile.

"Libre ko," sagot niya. Dala naman niya ang ATM card niya. Mabuti na lang... Ang dami na niyang gastos ngayong araw.

"Talaga, kuya?" Namilog ang mata nito saka ito tumawa. "Sabi ni Rica kuripot ka raw!"

"Pakonswelo ko dun sa spaghetti," nakangiti niyang sabi.

"Umasa nga ako dun."

"Hayaan mo, next time, ipagluluto kita."

"Sige po."

Pumasok sila sa coffe shop.

"Anong gusto mo?" tanong niya rito.

"Coffee jelly po."

"O sige. Hanap ka na ng upuan."

Tumango ito saka umalis sa pila. Sya naman ay nag-order na. When he got the coffee, hinanap niya kung saan nakaupo si Ahn. Nakita niya ito sa may sulok, nagsisimula ng magbasa. Nang inilapag niya ang kape at dalawang slices ng oreo cheesecake ay isinrado na nito ang libro.

"May cheesecake pa, kuya? Wow!"

"Patingin nga nyan."

Iniabot nito ang librong hawak saka ito nagsimulang kumain ng cheesecake.

"Akala ko kwento," he told her.

Umiling ito. "Puro poems lang po."

Ibinalik niya ang libro kay Ahn. "Mahilig ka sa ganyan?"

"Opo."

"Sana pala 'yan na lang ang niregalo ko sa 'yo."

Ngumiti ito. He suddenly felt warm.

"Cute din naman yung Totoro, kuya."

--

He made sure that Ahn got home safely bago sya umuwi.

"Mag-text ka kapag nakauwi ka na," paalala niya rito kanina.

From: .......Ahn

Kuya, nakauwi na po ako. Thank you po sa coffee and cheesecake! :D

Napangiti siya.

To: ........Ahn

Welcome. :)

"Nak, kumain ka na?" tanong ng mommy niya.

"Opo. Si Iya po, nakauwi na?"

Napabuntong-hininga ito. "Ayon, nagkukulong sa kwarto niya."

"Bakit po?"

"E nalaman kasing pinasundan siya sa 'yo ng papa mo."

Biglang nag-downward spiral ang tuwa niya. Agad siyang umakyat sa second floor at kumatok sa kwarto ng kapatid niya.

"Iya? Uy, sorry na. Nagwo-worry lang kasi si papa sa 'yo."

Idinikit niya ang tenga sa pintuan nito. Umiiyak ito.

Kinabukasan, sila lamang tatlo ang kumain ng agahan. Halos hindi makakain ang daddy niya. Mukhang depressed ito.

"Ayan, kasi," naiiling na sabi ng mommy niya. Umakyat ito at tinawag si Iya para kumain. Magsisimba kasi sila. Bumaba naman si Iya, padabog. Kumuha ito ng pagkain at saka nagpunta sa sala para doon kumain.

After the breakfast, nag-prepare na sila para sumimba. Iya did everything dutifully, while avoiding him and their dad. Sa kotse, naupo ito sa likuran katabi ng mommy nila. Iya usually shouts shotgun bago ito sumakay sa passenger's seat. Mas gusto kasi nito doon. But today, Iya's sulking on the backseat.

At ang pinakamalala, nang nag-peace offering sa misa, hindi ito lumingon sa kanila ng daddy nila.

Mukhang malaki nga ang tampo nito sa kanilang dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro