Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 6 - Ilia

Noong isang araw pa busangot ang kakambal ni Iya. Ang sarap lang nitong pagtripan. Tuwing may text si Ahn, ipinapabasa niya rito. Alam nya kasing mabibwisit ito dahil simula noong isang araw, hindi na ito tinitext ni Ahn.

Dahil sa spaghetti. E sukat ba namang paasahin yung bata. Hindi pa ba alam ng kakambal niya na madamdamin ang kinakapatid nila?

"Kenken, nag-text sa 'yo si Ahn?" nakangisi niyang tanong. Lunch time noon, kumakain sila sa cafeteria. Kaka-GM lang ni Ahn ng 'Good noon'.

"Tss."

Inirapan siya nito. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang pagkawala ng gana ni Ken. Ang cute lang. Affected na affected ito. Kahit ilang beses nitong i-deny sa kanya, alam niyang may something. Something's different with him. Hindi nga lang nito pansin. O baka hindi lang nito ina-acknowledge.

"O? Tapos ka na?" tanong ni Zanjo rito.

Ken pushed his plate away.

"Sa 'yo na lang kung gusto mo," sabi nito sa kaibigan.

Agad namang kinuha ni Zanjo ang natitirang piraso ng manok na inadobo ni Ken kaninang umaga. Paborito ng mga kaibigan nila ang lutong pagkain ni Ken, na akala pa nila dati ay luto ng daddy nila. They would sometimes make him cook tapos iyon ang iuulam nila sa tanghali.

"Ate Iya?"

She looked to her right and saw a girl standing next to her. May hawak itong regalo.

"Hello," nakangiti niyang bati.

"May nagpapabigay po." Iniabot nito ang regalo sa kanya saka ito tumakbo.

"Hey, wait!"

But the girl was already gone.

"Ano na naman 'yan?" tanong ni Ken. Kinuha nito ang regalo sa kanya at binuksan iyon. Isang Hello Kitty diary ang laman noon.

Napangiti sya.

"Ang cute!"

"Tsk."

"May secret admirer ka na naman," nakasimangot na sabi ni Zanjo.

"Hanggang secret lang 'yon," sabi naman ni Ken.

She pinched her brother's cheek. Kaparegong-kapareho nito ang daddy nila sa pagka-overprotective. Kahit kaibigan nito, hindi pinapayagang lumigaw sa kanya. Mabuti na lang at hindi pa dumarating ang panahon na nagkagusto siya sa isang manliligaw. Kung mangyayari man 'yon, baka magkasira silang magkapatid kapag hindi pa rin nito iyon nagustuhan.

"Ken, masyado naman yatang bantay-sarado sa 'yo 'tong si Iya? Baka tumandang dalaga 'yan sa sobrang paghihigpit mo!" panakot ni JL.

"Grabe! Ayoko namang tumandang dalaga!" reklamo niya sa kakambal.

"Ang unfair, 'no? Si Ken, nakailang girlfriends na pero si Iya, wala pa ring nagiging boyfriend," sabat naman ni Abby.

"Bawal pa nga kasi," Ken told them.

"Magna-nineteen na 'ko't lahat e..."

She remembered her debut party. Si Ken ang escort niya. Katwiran ng daddy nila, sabay naman daw sila ng birthday. Gusto sana niyang ayaing maging escort yung crush niya that time pero hindi pumayag ang kakambal niya.

Naubos ang line up sa mga tito, pinsan at mga ninong niya. Sa 18 roses, ito ang line up: Her dad, tito France, tito Rico, ninong Toby, ninong JT, ang pinsan niyang si Paris, ang kinakapatid na si Darius, ang lolo niya sa father side, lolo sa mother side, ang dalawang kapatid na lalaki ng mommy niya, ang tito Chuck niya, ang ninong Daniel niya, ang anak nitong si Dylan, sina Zanjo, JL at Mikey and last but not the least, si Ken.

Since nasa isang barkada naman silang dalawa, ang mga kaibigan niyang lalaki ay mga kaibigan din nito. Ken did allow them to dance with her pero para naman itong lawin kung makapagmanman. Wala kasi itong tiwala sa tatlo nilang kaibigan when it comes to her.

Zanjo, JL and Mikey became friends because of her. Nasa junior high pa sila noon, second year. Unang nagtapat sa kanya si Zanjo. Sina JL at Mikey naman, na magkapatid, ay sumunod. Mikey's older than JL pero delayed ito ng isang taon sa pag-aaral dahil nagkasakit ito noong elementary.

Binasted niya ang tatlo, not because she didn't like them. Para na kasing kapatid ang turing niya sa mga ito. Lalo na nang naging ka-close ng mga ito si Ken.

Hanggang ngayon, magkakaibigan pa rin sila. Madalas pa ring umarte ang mga ito na parang may gusto sa kanya, though alam niyang ginagawa lamang ito ng mga iyon para inisin ang kakambal niya.

Abby was Ken's girlfriend back then. But the two decided to go back to being friends. Hindi raw kasi kaya ng mga itong maging romantic sa isa't isa.

Malapit na silang makatapos ng high school. Somehow, it saddens her. Kasi magkakahiwalay sila ng school na papasukan. Abby will be taking up medicine. Sina Mikey at JL naman, sa ibang bansa raw mag-aaral. Magma-migrate na kasi ang pamilya ng dalawa. Si Zanjo naman, gustong mag-vocational course lang para raw madaling makatapos. Ayaw na kasi nitong mag-aral ng maraming taon.

"Saka mas madaling makahanap ng trabaho kapag vocational course ang natapos," sabi pa nito dati.

"Ngek? Di ba mas madali kapag may diploma ka?"

"Ang tagal-tagal kasi kapag bachelor course ang kukunin. Apat o limang taon, pwede namang i-condense into two years lang," dahilan nito.

Meanwhile, sila ni Ken naman ay magpapatuloy ng pag-aaral sa school nila.  Binibiro sila ng mga kaibigan na baka raw ipagpagawa sila ng monumento dahil sa sobrang pagmamahal nila sa school. Since pre-school kasi, doon na sila nag-aaral. Pati ang daddy, tita Gale at tito Chuck nila ay doon din nag-aral. Naiba nga lang ang school ng tita Gale niya noong college dahil lumipat daw ito ng school para sa ninong Toby niya.

Sa public school noon nag-aral ang ninong niya. Kaibigan nito ang tito Rico at ang mommy niya. Obsessed daw noon ang tita niya rito kaya sinundan nito ang ninong Toby niya. There, she met her ninang Femi and the rest of the gang.

Kung tutuusin, good thing na na-obsess once ang tita niya sa ninong Toby niya. Dahil doon, nagkakilala ang mommy at daddy niya.

"Uy, may nakasulat o," puna ni JL sa HK notebook.

"Patingin!"

Kinuha niya ang notebook mula sa kamay nito saka binasa ang nakasulat sa unang page.

Hi Iya!

I know that you like Hello Kitty so I bought you this notebook. Sana nagustuhan mo.

Ako nga pala si Jeremy, from Section B. Pwede ka bang ayaing mag-sine this Saturday? Kung oo, itext mo naman ako sa number na nakasulat sa baba.

Thank you! Sana mag-text ka.

Kanya-kanyang kopya ang mga kabarkada niya ng number.

"Ipopost ko 'to sa Facebook. Sasabihin kong namimigay ng load," sabi ni Zanjo.

"Oy! Huwag nga!" saway niya.

"Kilala ko 'yang si Jeremy. SC representative sya. Matino 'yan," Abby told them.

"I don't care if he's a saint. Basta bawal," giit ng kapatid niya.

She rolled her eyes.

"Would you rather have me date women?" paasik niyang tanong.

"Ohhhh. Huwag naman, Iya. Maraming iiyak," biro sa kanya ni Mikey.

"Ano bang mahirap intindihin sa hindi pwede?" pabalik na tanong ni Ken.

She slammed the notebook shut. "Lahat!" Saka sya nag-walk out. It wasn't funny anymore. Minsan, nakakainis na rin. Ano ba naman 'yong harmless date? Manunuod lang naman ng sine. Bakit hindi sya mapagbigyan nito?

--

Iya was still sulking. She didn't come down for dinner kahit pa paborito niyang ulam ang nakahain. Ilang beses na siyang tinawag ng mommy niya sa kwarto para kumain, but she didn't answer. Nakasubsob lang sya sa kama, nagmumukmok.

She heard a knock on the door.

"Iya?"

It was her dad.

"Nak, mauubos na 'yong menudo. Ayaw mo talagang kumain?"

She could hear laughter in her dad's voice. Bakit gano'n ang daddy niya? Parang laging may iniisip na nakakatawa.

"I'm not hungry!" she yelled.

"Come on, Iya."

She sighed. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Ngumiti ang daddy niya saka ito pumasok. Dire-diretso ito sa kulay pink niyang kama. He sat on the edge of the bed and patted the space next to him.

Naupo siya roon. Umakbay naman ito sa kanya at hinalikan siya sa tuktok.

"What's wrong? Nag-away kayo ni Ken?" tanong nito.

Tumango siya. "Dad, kasi—"

"Kasi ayaw ka nyang payagang makipag-date this Satuday?"

She gaped. "He told you?!"

"Of course, anak. I told him to keep an eye on you, didn't I?" paalala nito.

"Pa naman kasi! Isang date lang 'yon! I'm not even sure if I would like Jeremy!" she blurted out. "Gusto ko lang namang ma-experience na makipag-date e."

"You know this Jeremy?"

She shook her head. "Not personally. Nakikita ko lang sya sa hallways. But Abby told me that he's a good guy, pa."

"Did Abby date him before?"

"No. Magkasama sila sa SC."

"Pa'no nya masasabing good guy 'tong Jeremy na 'to? Malay nyo, sa school lang pala 'yon mabait."

"Ang paranoid mo, pa. Kay mama nga, okay lang e."

Her dad sighed and hugged her tightly.

"Kasi naman, anak. You're a girl. Of course, I'll be paranoid."

Napanguso siya sa sinabi nito. She found it sweet of her dad to say so.

"I just don't want to see you get hurt. Some guys are jerks. Some guys just go for looks. Some guys—"

"—are fine. Like you and Ken."

Ngumiti ito.

"You think I'm alright?" tanong nito sa kanya.

"You're more than alright, pa."

"Hmm... sige na nga. Payag na 'ko."

Her face lit up. Finally!

"Talaga, pa? Thank you!"

"But I want you to be home before seven."

Agad siyang tumango.

"Yes, pa!"

"Saka gusto ko, susunduin ka nya sa bahay. I don't want you to just meet him elsewhere."

"Opo. Sasabihin ko sa kanya."

She felt giddy all of a sudden. Finally! After such a long time, pinayagan na rin siya!

"Does this mean that I can start dating now?" tanong niya rito.

"We'll see, anak. Let's not rush things."

"Okay, pa!" Hinalikan nya ito sa pisngi. "Thank you! You're the best!"

--

From: Zanjo

Huwaaaaat? Hindi nga? Pinayagan si Iya?!!!

From: JL

Bakit? Bakit? Bakit???

From: Mikey

Masakit!!!

From: Abby

OMG! Finally! HAHAHAHA

"Tsk."

Nag-compose siya ng isang message na pang-reply sa mga kaibigan niya. Tapos sana nya sinend to many.

Hindi niya maintindihan kung paano nabago ni Iya ang isip ng daddy nila. Ang usapan kasi nilang mag-ama, Iya will only be allowed to start dating kapag college na ito. Paranoid kasi ang daddy nila na baka masaktan lang ang kapatid niya.

He thinks she's too young for love.

Hindi naman niya masisi ang dad niya. He used to be that kind of guy kasi. Natatakot yata itong makarma through Iya.

Pero bakit pumayag ito? What did Iya say to earn his approval?

He was in a state of thinking when his dad came in the room. Bumangon siya.

"Pa."

"Ken, may lakad ka this Saturday?" tanong nito.

Kumunot ang noo niya. "Wala po. Bakit?"

"Good." Lumapit ito at saka bumulong. "I want you to keep an eye on Iya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro