IJLT 5 - Erica
"Mahal..."
Yumakap si Rico sa asawa. Nagmi-mix ito ng batter para sa ibi-bake nitong cookies.
"Ano? Gutom ka na?" tanong ni Gale sa kanya.
Hinalikan niya ito sa balikat saka siya umiling. He nuzzled her neck. "Hindi na ba talaga pwede?" tanong niya sa asawa.
"Ang alin?"
"Yung ano..."
Ibinulong niya rito ang gustong sabihin.
"Rico!" Kumawala ito saka humarap sa kanya, the grim line of her lips failing to mar her beautiful face.
Sumimangot siya. "E kasi. Sina Jazz, meron. Panganay pa! Pati ang kuya France mo. Sina Toby rin! Tayo, wala," reklamo niya rito.
"Wala rin naman sina Femi e."
"Pero okay lang naman sa kanila," giit niya.
Naningkit ang mga mata ni Gale. "Gusto mo? O sige, ikaw ang mag-anak. Kahit sampu pa 'yan, okay lang sa 'kin."
Tuluyan na syang nalungkot. Ilang beses na ba siyang nakiusap kay Gale para pumayag ito? Gusto ulit niyang magkaanak. Lalaki naman. Yung mga kabarkada nila, may mga anak na lalaki, panganay pa!
"Mahal naman..."
"Huwag mo 'kong ma-mahal-mahal, Rico, ha! We talked about this already!"
True. They talked about that a lot of times already. She did the talking. He just listened. Kahit ilang pero naman niya sa asawa, ito pa rin ang nasusunod.
"Okay."
Wala naman na syang magagawa. Ito nga naman ang maghihirap. Na-trauma na si Gale noong isinilang ang anak nilang si Emily. Na-Caesarian kasi ito. Malaki na ang gastos, mas mahirap pa ang sitwasyon. That's why they've been careful ever since.
Gale sighed. Nakasimangot na rin ito. He had been told na nakakahawa ang emosyon nya. Kaya nga kapag masaya sya, sumasaya na rin ang mga tao sa paligid nya. Effective way 'yon para magpaaawa. Pero kahit ano namang paawa niya sa asawa, hindi pa rin siya nito pagbibigyan.
"Mahal..."
Hinawakan siya nito sa tigkabilang pisngi.
"It's okay," he said to her. "I'll get over it."
"Kinukonsensya mo naman ako e," reklamo nito.
"E di mag-give in ka na." Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ng asawa at saka ito siniil ng halik. "Dali na, mahal. Bago ka mag-menopause."
"Gano'n?" Sinamaan siya nito ng tingin.
"Joke lang!"
Babanat pa sana ito nang biglang pumasok sa kusina ang dalawa nilang dalagita.
"Ma, hindi pa ba baked yung cookies?" tanong ni Emily, ang bunso niya.
"Medyo matatagalan pa, baby. Ito kasing daddy nyo, ang kulit!"
"Kasi naman, dad, save your cuddlings for later!" saway sa kanya ni Erica.
"Why don't you just order pizza? Mamaya na lang 'tong cookies."
"What flavor?"
"All meat!" he suggested.
"Hawaiian din!"
"Order anything you like. Si daddy nyo ang magbabayad." Tinapik siya ni Gale sa balikat at saka pinasunod sa dalawang anak sa sala para umorder ng pizza. This is why he needs a son. Wala syang kakampi!
--
From: ......Ahn
Good noon po! :)
Ken tried not to smile in front of his sister. Baka lokohin na naman siya nito. Kaninang umaga, naka-receive din siya ng greeting mula kay Ahn. Gusto sana niyang magreply pero wala syang maisip na sabihin.
"Napadaanan ka ng GM ni Ahn?" biglang tanong nito sa kanya.
"GM?"
"Group message, Ken. Keep up with the acronyms."
He huffed saka siya pasimpleng umirap. GM pala. Akala naman niya, sa kanya lang ito bumati.
"I know what GM is."
"So, nadaanan ka nga?"
"Bakit ba ang nosy mo?" iritado niyang tanong sa kapatid.
"Bakit high blood ka? Nagtatanong lang naman e."
"Tss."
Bakit nga ba sya nagagalit? Hindi nya rin alam.
--
Rica stayed inside her room while waiting for the pizza to arrive. Gutom na siya pero wala pa ring lutong pagkain. Kakakain lang din naman nila kaninang alas dyes pero ang konti ng kinain niya. Nagsisisi tuloy siya ngayon.
From: Elizabeth Ahn Legaspi
Good noon po! :)
Ang sipag namang bumati ng kinakapatid niya. Ganito si Ahn kapag may load. Umaga, tanghali, hapon, gabi saka bago matulog, papadaanan sila ng GM. Simpleng pagbati lang naman. Wala itong palya kapag naka-unli.
She decided not to reply. Instead, she formed another message.
--
From: Rica
Magandang tanghali!
Ken sighed. Another GM. Bakit ba usong-uso sa mga babae ang mag-send ng group messages? Aksaya lang sa load!
"Na-receive mo 'yong GM ni Rica?" tanong niya sa kakambal.
Kumunot ang noo nito. Parang reaksyon nya lang kanina.
"GM? Anong GM?"
"Group message."
Iya gave him a bland look. "I know what it means. I meant the content."
Ipinabasa nya sa kambal ang mesage nito. Greeting lang din naman, kagaya ng kay Ahn kanina. Iya checked her phone. Saka ito umiling.
"Wala sa 'kin."
"Baka na-delay lang."
Iya just shrugged in response.
--
Dahil nasa restaurant ang daddy nila, si Ken ulit ang naatasang magluto. He had been craving for spaghetti since Thursday, kaya naisipan niyang iyon ang lutuin. But when they were already eating, his mom didn't seem satisfied with it.
"Matabang ba, ma?" tanong niya sa ina.
"No, it's alright," sagot nito.
"Bakit parang hindi mo naman nagustuhan?"
Ngumiti ito sa kanya. "Signature dish kasi ng daddy mo ang spaghetti."
"You're not up to par, bro," sabi sa kanya ni Iya sabay tapik sa balikat nya. "Stick to adobo ka na lang."
"Masarap din naman 'to," bawi ng mommy niya. "Pero mas prefer ko lang yung luto ng daddy nyo."
"Ang biased mo naman, ma!"
"Yaan mo. Kapag nagka-girlfriend ka na, magiging biased din sya sa 'yo." Iya wiggled her eyebrows and gave him a meaningful smile.
"Bakit? May bago na ulit?" curious na tanong ng mommy nila.
"Wala, ma."
"Wala pa po," sabat naman ni Iya. "Minor pa kasi."
Sinamaan niya ng tingin ang kakambal.
"Oh? I'm intrigued. Sino 'yan?"
"Wala nga po. Gawa-gawa lang ni Iya 'yon," sagot nya.
Hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang siyang niloloko ni Iya sa kinakapatid niyang si Ahn. Simula noong birthday nito a few weeks ago, hindi na siya tinigilan ng kakambal niya kakatudyo rito.
Sure, he was pleasantly surprised when Ahn came out looking like a girl—finally!—but that doesn't mean that he likes her. Mas marami pa naman dyang mas magaganda. Ayaw na lang niyang magka-girlfriend pa sa ngayon.
They're becoming annoying.
Plus, kailangan niyang mag-aral ng mabuti. Konting-konting panahon na lang, magkaka-kotse na siya.
--
Napasimangot si Rica nang halos isang oras na ay wala pa ring reply ang kuya Ken niya. Mag-a-unli pa naman sana siya kung sakaling mag-reply ito para makapagkwentuhan sila, pero wala. Suplado kasi ito kahit sa mga pinsan nito.
Mabuti pa ang kuya Paris niya, jolly. Minsan nga, napapagkamalan ng ibang tao na anak ng Tito France niya ang kuya Ken niya at ang kuya Paris naman niya, sa Tito Kent niya. Parang nagkapalit kasi ng anak ang mga ito, kung ibabase sa ugali.
Pero kahit na mas approachable ang kuya Paris niya, mas gusto pa rin niya si Ken. Palagi siyang nag-aabang ng mga family gatherings dahil dito. Crush na crush niya ito, dati pa. Minsan nga, pinanghihinayangan niyang naging magpinsan pa sila.
Dahil ganoon ang sitwasyon, hindi sila pwedeng magkatuluyan.
Rica sighed. Sabagay, kahit naman siguro hindi sila magkamag-anak, hindi rin siya mapapansin nito. Napaka-misteryoso ng kuya Ken niya. Sa una, aakalain mong tuod at suplado. Mahilig mang-irap at hindi namamansin ng hindi kakilala.
Pero di kalaunan, mag-i-improve na 'yong impression ng tao rito. Suplado lang pala ito talaga. Malayo sa personality ng Tito Kent niya na friendly. Minsan, sa sobrang friendly pa nga, natutuktukan ito ng Tita Jazz niya dahil masyado raw lapitin ng babae.
Her dad's the same. Pero hanga siya sa mga ito. They only have eyes for their wives.
Kanina, hindi niya maiwasang mapangiti nang makita ang mommy at daddy niyang magkayakap sa kusina.
Hanggang ngayon, sinisikap pa ring magtuto ng mommy nila sa pagluluto. Mabuti na nga lamang at may katulong sila sa bahay. Kung hindi, baka palagi na lang silang kumakain sa labas dahil hindi rin marunong magluto ang daddy niya.
She sometimes wonder how her parents ended up together. Parang masyado kasing similar ang mga ito. Parehong hindi magaling sa gawaing bahay. Parehong care-free. Mas maniniwala pa sya kung ang tita Femi at ang daddy niya ang nagkatuluyan.
Mas logical kasi 'yong opposites attract. Pero kung same forces repel, bakit palaging magkadikit ang parents niya?
--
From: ......Ahn
Good afternoon po!
He groaned. Wala na bang ibang maitext ang batang 'to kundi pagbati?
To: ......Ahn
Walang "good" sa "afternoon"
Maya-maya'y nagreply si Ahn.
From: ......Ahn
Ay? Badtrip ka kuya?
To: ......Ahn
Hindi. Gusto ko lang basagin ang trip mo.
To: ......Ahn
Hehehe.
He didn't know why he sent her a Hehehe message. Ang jeje! Pero wala na e. Hindi na niya mapapa-U-turn ang message.
From: ......Ahn
Ay? Ganon po? Haha
Lalo nang na-dry ang utak niya sa reply nito. Conversation killer. Nag-isip siya ng pwedeng sabihin hanggang sa maalala niyang may natira pa nga pala sa luto niyang spaghetti kanina.
To: ......Ahn
Gusto mo ng spaghetti?
From: ......Ahn
Opo! Bakit kuya? Bibigyan mo ko?
Napangiti siya. Ahn likes spaghetti. Halata naman. Naka-tatlong balik nga ito sa buffet table para kumuha noon.
"Iya!" tawag niya sa kakambal.
Lumapit ito sa kanya. "Bakit?" tanong nito.
"Punta ka kina tita Jae."
"Bakit?"
"Bigyan mo sila ng spaghetti. Hindi nyo na rin naman kakain 'yan mamaya."
"Bakit ako? Bakit hindi na lang ikaw?"
Sumandal siya sa couch. "Tinatamad ako."
"Tinatamad din ako!"
He sighed.
"Huwag na nga."
Pumanhik na siya sa kwarto at saka nagreply kay Ahn.
To: ......Ahn
Hindi. Tinanong ko lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro