IJLT 43 - Nineteen
Habang nag-uusap ang daddy niya at si Hans sa likod-bahay ay sinamantala niya ang pagkakataon para kumain ulit. Hindi siya makakain ng matino kanina dahil sa usapan nila sa hapag. Her dad threw Hans a lot of question. Dumagdag pa si Ken. Nag-tandem ang dalawang lalaking pinakamahalaga sa buhay niya against the one who could possibly be the third most important guy in her life, habang sila ng mommy niya, kumakain ulit sa kusina.
"Iya, mabulunan ka. Dahan-dahan lang."
She bit on the chicken thigh and put it down on her plate. Then she drank some juice.
"Ma, bakit sobrang tagal naman yata nila?" tanong niya sa ina.
"Aba, ewan ko," sagot nito sabay kibit-balikat. "Why don't you go and see for yourself?"
She wrinkled her nose. Baka kung ano pa ang eksenang maabutan niya. Baka mamaya, may marinig siyang kung ano. Loko-loko pa naman ang daddy niya. At si Hanson, not exactly matino. Si Ken, tinotopak din madalas.
Naghintay na lamang siya sa sala pagkatapos niyang kumain. Mga after 2 hours, sa wakas ay pumasok na rin ang tatlo. Nagpaalam sa kanya si Hans bago ito umalis. Kaagad naman niyang kinumpronta ang ama.
"Bakit ang tagal nyo, pa? Ano'ng pinag-usapan nyo?"
"Basketball," her dad answered with a shrug.
"And?"
"Wala. Yun lang."
"Papa naman e!" pagmamaktol niya.
Kent frowned. "O, bakit?"
"You got me worried over nothing. Kainis ka, pa!"
To think na kanina pa siya aligaga!
Tumawa lang ang daddy niya at saka siya niyakap. "I'm sorry, anak."
Hinila siya nito sa front porch para kausapin. Si Ken naman ay umakyat na sa kwarto nito habang ang mommy niya ay naunod ng TV.
"Ano nga kasi yung pinag-usapan nyo, pa?" pangungulit niya sa ama.
Napabuntong-hininga ito. "Syempre, ikaw. Meron pa bang iba?"
She blushed. "W-What about me?"
"I wanted to know if he's serious."
"And?" she pried.
Her dad shrugged. "I'm not sure. Mukha naman, kaya lang... you understand, right? I can't just entrust you to anyone."
"Hanggang kelan mo ba ako poprotektahan, pa? I'm already 18. Let me make my own mistakes."
"Anak, I'm just sparing you from the hurt," dahilan nito. And she get that. Pero wala naman yatang tao na palaging nakakaiwas sa sakit.
"Pa'no ako matututo nyan? Masyado mo 'kong bini-baby e."
Kent sighed. "Hindi mo kasi maiaalis sa 'kin yun e. Unica hija kita. Kung pumayag lang kasi ang mommy mo na mag-anak ulit, e di sana iba ang bini-baby ko ngayon."
Sinimangutan niya ang ama. Sure, a baby brother or sister will be a joy, pero hindi pa rin maiiwasan na magselos siya. Lalo na at siya ang baby ng pamilya.
"Anyway, nasa sa'yo naman yun kung bibigyan mo sya ng chance. If you like him, then who am I to stop you?"
"Weh. Samantalang nung nalaman mong nakikipag-date ako, you grounded me for a month!"
Her dad laughed. "Iba naman kasi yun. Hindi mo kasi sinabi sa 'kin. Gusto ko lang naman na liligawan ka ng maayos. I just wanted to get to know the guy, para alam ko kung sino'ng babalikan ko kapag nasaktan ka."
Yumakap siya sa ama. "So, do you think I should give him a chance?"
Kent shrugged. "Maybe? You know, you were right. He kinda reminds me of myself from way back."
"Do you think he's really changed?"
"People change, Iya. I know because I did." He kissed the top of her head. "But give him more time to prove it to you."
--
When November came, Iya's more than excited. Malapit na ang birthday nila ni Ken. It falls on a weekday so no big plans on the day itself. Maghahanda lang sila sa bahay tapos ay iimbitahan nila ang mga kakilala at kaibigan for dinner.
Nakakalungkot nga lang dahil wala sina JL at Mikey this year. Sa bakasyon pa makakauwi ang mga ito. Abby will try to come. Si Zanjo lang ang sigurado.
They told their parents na may kanya-kanya silang plano sa weekend pagkatapos ng birthday nila. She would go to Star City with Hans. Ken would go hiking with Ahn. The former, she had to negotiate with her dad and Hans, because apparently, Hans doesn't like rides. The mere mention of the roller coaster made his face turn green. The latter was harder. Kinailangan pang ipakiusap ng mommy nila sa ninong Toby nila na payagan si Ahn. Ken told them na kahit wala nang regalo at handa para sa kanya, just one day with Ahn will do.
Nakiusap din siya ng ninong niya na payagan ang gusto ng kakambal niya. Ken's a good guy. He won't do any harm to Ahn. Marunong naman itong rumespeto sa babae, so there's nothing to worry about.
"And if something would happen, Ken will take responsibility," her dad added to the discussion.
"Not helping, Kent!" reklamo ng mommy niya.
Sumimangot ang daddy niya. "Sorry. I'm just saying."
But in the end, napapayag din ang ninong niya. Wala namang problema sa ninang Jae nila. Honestly, what's wrong with their dads? Masyadong protective!
--
Wednesday, the day...
When she came to school, sinalubong siya ng greetings mula sa mga kaklase. Even Jeremy greeted her. Hans bought her a bouquet of pink roses and a Hello Kitty silver bracelet. Aubrey gave her a pink knit sweater.
"Punta kayo sa bahay mamaya ha," aya niya sa dalawa.
"Sure," they readily agreed.
Sabay-sabay na sila pag-uwi nang araw na 'yon. Si Ken naman ay isinabay si Ahn, since maaga ang uwi nito.
Pagdating nila sa bahay, marami nang tao. Sinalubong siya ni Abby at niyakap ng mahigpit. Saka lang niya na-realize kung gaano niya ito na-miss. Ilang linggo na rin silang hindi nagkikita. Abby gave her a coy smile when she introduced Hans.
"Hans, Aubrey, this is Anabelle Theresa Pugrad." Pinandilatan siya ni Abby nang sabihin niya ng buong-buo ang pangalan nito. "But we call her Abby for short."
"Hi, Abby." Nakipag-beso rito si Aubrey.
"Hello!" Sabi nito kay Aubrey saka ito tumingin kay Hans. "Ikaw pala yung palaging kinikwento ni Iya. Nice to finally meet you!"
Pinandilatan niya ang kaibigan. Hans simply smiled.
"Talaga? I hope she didn't mention anything bad about me."
"Ay naku, puro positive nga e!"
"Abby!" Hinawakan niya ng mahigpit ang kaibigan sa braso. "Excuse us."
Nang makalayo sila kina Aubrey ay hinampas-hampas niya ito.
"Pahamak ka talaga!"
"Aray ko naman, Iya!"
"Nakakainis ka!"
Tumawa ito. "Oy in fairness ha. Walang-wala yung description mo. Masyado mong in-undersell!"
"Tama lang kaya."
"Tinanong kita kung gwapo. Ang sagot mo, 'Okay lang'. Punyemas. Ganun ba yung 'okay lang' sa 'yo?"
"OA mo!" sabi niya rito.
"Hindi ako OA. You just didn't give him enough credit," naiiling nitong sabi.
"Iya mylabs!"
Napatingin sila sa paparating na si Zanjo. Lumayo sa kanya si Abby dahil pabulusok itong yumakap sa kanya.
"May plano ka bang sakalin ako, Zanjo?" natatawa niyang tanong.
Zanjo loosened his embrace. Saka siya nito hinalikan sa pisngi. "Happy birthday!"
"Kadiri ka! May pahalik-halik ka pa!"
Ngumisi ito. "Namiss kasi kita!"
"Haynako, Zanjo. Mamaya suntukin ka na lang bigla nung manliligaw ni Iya!" banta ni Abby.
"Manliligaw? Si Jeremy?"
Umiling siya.
"Hindi si Jeremy. May bago. Ang gwapo!" Abby exclaimed.
"Gwapo? Weh? Asan?"
Abby pointed Hans to Zanjo. She saw him looking grimly at them. Awtomatiko syang napalayo kay Zanjo. But when their eyes met, his expression softened. The corner of his lips curved up, and then he looked away.
"Maputi lang," kumento ni Zanjo.
"Wow ha! Nahiya naman sya sa hitsura mo!"
"Magtigil nga kayo!" saway niya sa dalawa. "Zanjo, kasama mo ba yung kapatid mo? Kabilin-bilinan kasi ng pinsan ko, ipasama ko raw sa 'yo."
"Oo. Nandyan lang yun sa tabi-tabi," sagot nito sa kanya.
--
Paris looked so happy to see Jasmine. But the latter pretended to not see him. Nilampasan pa siya nito nang magkasalubong sila.
"Hey," untag niya rito. "Galit ka pa rin sa 'kin?"
"What do you think?" mataray nitong tanong.
"Nag-sorry na 'ko, di ba? Ano pa bang kelangan kong gawin para mapatawad mo 'ko? Halos tatlong taon na pero galit ka pa rin."
"E kung nilalayuan mo kaya 'ko, 'no?"
"Bukod dun."
"Don't talk to me."
"Not that."
"Maghanap ka ng ibang guguluhin!"
"Ikaw lang ang gusto kong guluhin," seryoso niyang sabi.
Jasmine did not retort any further. Lumayo na lang ito sa kanya.
--
Pagkatapos nilang kumanta ng 'Happy birthday' para sa kanila ni Ken, kanya-kanya ng punta ang mga ito sa buffet table. Hans seized the opportunity to confront her regarding Zanjo. She didn't like his tone.
"Zanjo's my friend. If you so much as lay a finger on him—"
"Is he that important to you?"
"Yes," mariin niyang sagot. "He's like Ken to me. So don't even think of doing anything to him."
"Okay."
She didn't even need to tell him na wala naman syang gusto kay Zanjo. Hans was already walking away. She looked at Zanjo and Abby on one corner. And she couldn't help but smile. She didn't even need to tell Hans that Zanjo might already like someone else.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro