IJLT 40 - Hair
Thursday.
Hindi na umasa si Iya na papasok si Hans for the exams. Baka mas lalo pa itong lumayo dahil sa pinaggagawa niya noong pumunta siya sa penthouse nito. Her dad kept on asking her why she's crying all the way home. May punto pa na ginusto nitong akyatin ang kung sinumang nagpaiyak sa kanya. Galit na galit ito. She had never seen her father get angry like that.
Kumalma lang ito nang tumigil na siya sa pag-iyak.
Now, she can't stop looking at the door. Maya-maya lang ay magsisimula na ang exams. Halos lahat ng mga kaklase niya ay nakaupo na, nagrereview. But Hans was still nowhere to be found.
Her breath hitched when someone entered the classroom.
"Okay, class. We'll start in five minutes. Pakiayos na ng mga upuan. One seat apart."
The whole class groaned in unison. One seat apart means hihilahin nila ang upuan para mapaglayo-layo. Approximately, isang seat ang katumbas ng spaces between chairs, since marami sila at okupado nila halos lahat ng upuan.
Tumayo siya at idinikit sa pader ang upuan. Gumaya na rin ang iba.
Sa kalagitnaan ng langitngitan ng mga upuan, nakarinig siya ng mga singhap mula sa kaklase. Maya-maya'y biglang tumahimik. Natigil ang paghihilahan ng mga bangko. Kunot-noo niyang sinundan ang tingin ng mga ito.
They're all looking at the guy who just entered the room.
Muntikan na siyang mapanganga. Si Hanson, bagong gupit. He looked clean... and decent. Girls dig the hair, she remembered him say a long time ago. What happened to that?
Hans didn't mind the stares. Kumuha lang ito ng bakanteng upuan at saka naupo. Eventually, they stopped staring. Nakabawi na rin ang prof nila na natigilan din katulad nila. Nang maayos na ang upuan ay ipinamahagi na nito ang questionnares.
She knew Hans didn't study for this exam. How could he? Ilang araw din itong absent. Imposibleng makapasa ito. But still, natuwa siya dahil pumasok pa rin ito. And what's with the hair? She realized that she's dying to know.
--
After the exam, nakita niyang nilapitan ito ni Aubrey. Hans took out notebooks from his bag saka nito iyon ibinigay sa kaibigan.
"Thanks," he said with a smile.
Ginulo ni Aubrey ang buhok nito. "Ano'ng nangyari sa buhok mo?"
Tumawa lang si Hans bilang sagot saka pinalis ang kamay ni Aubrey. The latter walked away, shaking her head. She felt a tinge of jealousy. How can he smile to Aubrey like that samantalang ni hindi siya nito tinapunan ng tingin kanina?
Bigla siyang naalarma nang magawi ang tingin nito sa kanya. He didn't smile at her, but his gaze was enough to make her palpitate.
Nag-iwas siya ng tingin at saka hinintay ang kasunod na prof.
--
Hindi niya alam kung scheme na naman ba ni Hans ang nagaganap. She didn't know if her words hit home. Baka parte lang ito ng isang plano. Baka trip lang. O baka may iba na ito. Maybe he finally found the girl who could change him. And that thought hurts.
Pagkatapos na pagkatapos ng huling exam ay lumabas na siya ng classroom para puntahan ang daddy niya. Mga sampung minuto na raw kasi itong naghihintay.
"Uuwi ka na?"
Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Hans. Tumango na lang siya bilang sagot dahil pakiramdam niya'y biglang umurong ang dila niya.
"A, okay," sabi nito. Sinenyasan siya nitong magpatuloy sa paglalakad, which she did. It was kind of awkward dahil sinasabayan nito ang bawat hakbang niya. Everyone in the hallway's practically looking at them, particularly, him.
Hans was quite popular in their department. Hindi lilipas ang isang lingon niya kung saan nang wala siyang nakikitang nakatingin dito. And now, that doubled, thanks to his new haircut. Mukhang hindi lang siya ang nagtataka kung bakit ito nagpagupit.
Gustong-gusto niyang tanungin si Hans pero pakiramdam niya ay wala siyang karapatan, dahil pakiramdam niya ay panghihimasok iyon kung sakali.
Nang malapit na sila sa sasakyan ng daddy niya ay bigla siyang nitong hinawakan sa siko. Pakiramdam niya ay para siyang kinukuryente. It was a mere touch, and yet it already managed to create such havoc inside her.
"W-What are you doing?" tanong niya rito. "Hans, my dad will see you," she warned.
Ngumiti ito sa kanya. "I think that's kind of the point."
Kabadong-kabado siya nang makalapit sila sa sasakyan. Her dad looked sternly at Hans. Si Hans naman ay bumitaw sa kanya saka inilahad ang kamay sa daddy niya.
"Hi, sir. I'm Hanson Madrigal. Manliligaw po ni Iya."
Her jaw dropped at that statement.
Tumikhim naman ang daddy niya bilang sagot. He just looked at Hans' outstretched hand. Mukhang wala itong balak tanggapin iyon. Hans simply smiled saka nito binawi ang kamay.
"I'll go ahead," paalam nito sa kanya. Tinanguan nito ang daddy niya saka ito naglakad palayo.
"Manliligaw mo pala ang lalaking 'yon. I don't know if I should admire his guts or punch his face," her dad said grimly.
"Huwag mo na lang pansinin, pa," sabi niya sa ama saka siya sumakay ng kotse.
The car ride was tense. Ni hindi sinubukan ng daddy niya na mag-open ng topic. Naka-concentrate lang ito sa pagda-drive. She could see his knuckles turning white from gripping the steering wheel so tight. Wala syang lakas ng loob na magtanong o magsalita. She could feel his anger reverberate inside the car. At natatakot siyang masinghalan, kaya nanahimik na lamang siya.
--
Kinabukasan, nagulat pa rin siya nang makita si Hans sa school. Second day ng exam nila. Kagaya kahapon, buong araw siya nitong hindi innimikan. But he would smile kapag nahuhuli siya nitong nakatingin, which never failes to make her blush.
Hindi pa rin niya maiwasang magselos dahil si Aubrey lang ang kinakausap nito. Pero nang dumating ang uwian ay inihatid siya nito ulit. This time, hindi na lumabas ng sasakyan ang daddy niya para salubungin siya.
Next week will be the school festival. Katumbas ng sembreak iyon. They could either take a vacation or enjoy the festival. Some go home for a week off. But most of the college students stay.
The festival's called Odd October. Sa unang araw, parade at school ceremonials, which usually just takes half of the day. Sa pangalawang araw, pageant. Third day, talent search. Fourth day, sports. Fifth day, recognition, awardings at kung anu-ano pang concluding ceremonies, and then at night, the odd ball.
Students can come as anything odd and weird. Some usually cosplay. Others show up looking extremely unrecognizable. She planned on wearing a Hello Kitty costume, since si Hello Kitty naman ang favorite character niya. But then came a text message, which completely changed her mind and made her to make a last minute costume.
From: Hans
You're like Tinkerbell. You fix things. You fixed me.
Nang mag-weekend ay nagpasama sya sa mommy niya na bumili ng kulay green na tela para tahiin at gawing Tinkerbell costume. Pagkakuha ng mananahi ng sukat niya ay pumunta sila ng mommy niya sa restaurant. Doon sila nananghalian, para libre.
Then they went home.
Nang mag-Monday ay sumama lamang siya sa parade tapos ay umuwi na rin siya. Ken stayed home. Tuesday, she watched the pageant dahil kasali si Aubrey. Kasama niya sina Ahn, Ken, Paris at Rica. Maraming side comments si Rica sa mga contestants. Tahimik lang ito nang si Aubrey na ang nasa stage.
"Dapat kasi sumali ka rin, ate," sabi nito sa kanya.
"Ayoko. Nakakahiyang mag-two piece," she told her cousin.
Hindi naman sa wala siyang kumpyansa sa katawan niya. Ayaw lang niyang tinitingnan ng maraming tao, lalo na't alam niyang maraming manyak sa audience.
So far, mukhang si Aubrey lang ang qualified to earn the title. She looked more impressive in her evening gown. But that wasn't the highlight of the night.
It was Hans. He serenaded the girls.
Ang daming kilig na kilig sa audience nang naupo ito sa stool sa gitna ng stage at nagsimulang tipain ang gitara. Maging si Rica, hindi nakaligtas sa charm nito.
"Oh gosh, ate! Ito ba yung sinasabi ni Tita Jazz na manliligaw mo?!" malakas nitong tanong.
May ilang lumingon sa kanya dahil sa tanong na 'yon.
"Rica! Boses mo!" saway niya sa pinsan.
"Sorry! E kasi naman, ate, ang gwapo nya!" kilig na kilig nitong sabi.
Hindi lang gwapo. He can sing too, she thought. Mas lalo tuloy itong naging gwapo sa paningin niya. Naalala nyang nabanggit minsan ni Aubrey na kasama nito si Hans sa banda. Hindi naman niya natanong kung ano ang ginawa nito. Apparently, he's the vocalist.
Nag-init ang pisngi niya nang mapansing nakatingin si Hans sa kanya. His gaze lingered. Hanggang sa matapos ang kanta ay nakatingin lang ito sa kanya. Kaya naman hindi magkandamayaw sa paghampas sa braso niya si Rica.
When they went home that night, she received a message from him.
From: Hans
Just so you know, the song was meant for you. Good night.
She managed to muffle her squeal with her pillow. Naaalala pa niya kung gaano ka-intense ang tingin nito sa kanya when he was singing.
Don't tell me it's not worth fighting for
I can't help it, there's nothing I want more
You know it's true
Everything I do, I do it for you
There's no love, like your love
And no other could give more love
There's nowhere, unless you're there
All the time, all the way yeah
She wanted to send him a reply, to at least let him know how much she appreciates the song, pero nahihiya siya.
Before she could will herself to type, nakatanggap siya ng panibagong mensahe mula rito.
From: Hans
Iya, kahit tuldok lang ang i-reply mo, masaya na ko.
Lalong napahigpit ang yakap niya sa unan. Rereplyan na sana niya ito ng tuldok, like he asked, pero nakonsensya siya bigla. So she sent him this message instead:
To: Hans
Thank you
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro