IJLT 4 - Totoro
"Nak, sandok ka naman ng kanin o," pakiusap kay Ahn ng mommy niya. Mukhang hirap na itong tumayo dahil sa tiyan nito. Ang daddy naman niya'y nasa office pa. Being the eldest, siya ang madalas asahan ng mommy niya sa mga gawaing bahay kapag wala ang daddy niya.
She stood up and got the rice bowl. Kumuha siya ng kanin mula sa rice cooker at saka iyon ibinalik sa gitna ng lamesa. Agad na dumamak ang mga kapatid niya ng kanin.
"Nagtira ka ba para sa daddy mo?" tanong ng mommy niya sa kanya.
"Opo."
"Baka konti na lang ha. Magsaing ka ulit."
"Kasya pa naman po."
It wasn't their fault na malaking kumain ang mommy niya kapag buntis ito. Normally, the rice would be enough for all of them. Minsan, may matitira pa. Pero dahil buntis ang mommy niya, triple ang kain nito.
Hindi na siya kumuha pa ng kanin. Nakuntento na lamang siya sa sabaw ng sinigang na niluto niya. Gabi na naman kaya ayos lang na hindi siya masyadong busog. She'll probably go hungry again later pero titiisin na lamang niya.
Kawawa naman ang daddy niya kapag umuwi ito ng gutom.
"I'm home!" came a familiar voice.
Agad na tumayo ang kapatid niyang si Darius para salubungin ang daddy nila. Sumunod ang kapatid niyang si Sabrina. Ang mommy naman nila'y naghintay lang sa dining area.
Their dad appeared, holding a cake box on his hand and Darius on the other. Ipinatong nito ang cake sa lamesa at saka yumuko para halikan sa pisngi ang mommy nila. Then, he held out his hand para makapagmano siya.
"What's with the cake, dad?" tanong niya. Wala namang okasyon.
"Nagpabili na naman kasi ang mommy nyo," sagot nito.
Tiningnan nya ang ina na kanina pa nakangisi. Parang noong isang araw lang, nag-ice cream cake na ito. Hindi kaya lamigin ang kapatid niyang nasa tiyan nito kakakain ng mommy nila ng ice cream cake?
"Kain ka na, dad."
Ibinaba ng daddy niya si Darius saka ito naupo sa gitna. Nilagyan ng mommy niya ng kanin ang pinggan nito habang siya naman ay tumayo para ihain ang natitirang ulam.
"Mommy, gusto ko ng ice cream cake!" said Darius.
"Later, 'nak. Pagkatapos kumain ni daddy," sagot ng mommy nila.
"Pero gusto ko na!" pagmamaktol ng kapatid niya.
"Hayaan mo na," her dad told her mom. Tumingin ito sa kanya. "Ahn, ipaghiwa mo nga ng cake ang kapatid mo."
"Opo."
"Ako rin, ate!" sabat ni Sabrina.
Pagkapatong niya ng sinigang sa lamesa ay kumuha siya ng dalawang maliit na platito saka naghiwa ng cake.
"Kumain ka na rin kung gusto mo," sabi sa kanya ng daddy niya.
Tumango siya at saka naghiwa ng cake para sa sarili.
She brought the cake to her room at doon siya kumain. Maya-maya, lalabas siya ng kwarto para magligpit ng pinagkainan. It's always been like this but she's not complaining. Sabi ng mommy niya, nagmana raw siya sa daddy niya. Mabait, matulungin at maalaga.
She wanted to keep it that way. Kahit sa school.
At dahil sa pagiging mabait at matulungin niya, hindi maiwasang may umabuso sa kanya. Tinitigan niyang mabuti ang screen ng phone bago siya nagkalakas ng loob na i-text ang kuya Kenken niya.
To: Totoro
Kuya? Si Ahn to. May itatanong lang po ako.
She put the phone down and ate the cake. Nagbukas din siya ng libro para magbasa, pampalipas oras.
Matagal na siyang may number ng kinakapatid niya pero ngayon lang siya napilitang mag-text dito dahil kailangan. Her friends had been bugging her for week to give them his number. Pero natatakot siyang baka magalit ang kuya Ken niya kapag basta-basta na lamang niyang ipamimigay ang number nito. So she hid his number under a different name. And symbolically, she chose Totoro, since his gift to her on her fifteenth birthday was a Totoro alarm clock.
When her phone beeped, agad niyang isinarado ang librong kanina pa niya tinititigan para basahin ang reply ng kuya Ken niya, kung ito man ang nag-text.
From: Totoro
Ano?
Huminga siya ng malalim at saka nag-type ng mabilis.
To: Totoro
May humihingi po kasi ng number mo. Pwede ko bang ibigay?
Halos kaka-send pa lang niya noon nang magreply ito.
From: Totoro
Ayoko.
Napasimangot siya. Expected na niyang aayaw ito pero umasa pa rin siya.
To: Totoro
Bakit po?
From: Totoro
Ayoko lang.
To: Totoro
Kahit po sa isang friend ko lang? Hindi pwede?
From: Totoro
Ayoko nga. Wag kang makulit.
She sighed. It can't be helped. Ayaw nito e.
To: Totoro
Ok po. Thanks.
Hindi na niya ipinilit dahil baka magalit lang ito sa kanya. Kung sana close sila, ang dali lang mangulit. Pero hindi sila close at baka never na silang maging close dahil halata namang ayaw nito sa kanya.
Nag-GM siya sa mga kaibigang humihingi ng number ng kuya Ken niya. Nalungkot ang mga ito nang sabihin niyang ayaw nitong ipamigay ang number nito. Nakiusap pa sila. Pilitin nya raw. Pero baka naman sa kanya pa ito magalit.
--
Ken grunted. His arms were outstreched, nakataas ang phone niya kanina nang may biglang mag-text. It was Ahn. Matagal nang naka-save sa phone niya ang number nito but he didn't bother contacting her. Nilagyan niya ng maraming tuldok sa unahan ng pangalan nito para malagay ito sa bandang huli ng contact lists, para hindi niya madaanan if ever na magte-text siya.
He had been tempted to send her a text message, pero wala syang maisip na sasabihin dito. Quote? GM? Wala. Wala rin silang mapag-uusapan if ever kaya binura nya ang number nito. Funny thing though, hindi mawala ang numero sa utak niya, kaya sinave na lang niya ulit.
And that evening, it was her who texted him first. Nalaglag ang phone niya dahil sa gulat. Bumagsak ito sa mukha niya.
Cursing, he sat up and read her text.
From: .......Ahn
Kuya? Si Ahn to. May itatanong lang po ako.
Wala pa mang tanong ay nag-isip na siya ng mga posibleng sagot. Pero sobrang dami ng options. In the end, curiosity got the better of him. Mamaya na lang siya mag-iisip ng isasagot kapag nalaman na niya ang tanong.
To: .......Ahn
Ano?
He added a smiley but it seemed off, so he erased it before sending it to her.
From: .......Ahn
May humihingi po kasi ng number mo. Pwede ko bang ibigay?
Bigla syang nainis. Akala naman niya ay kung ano na. Akala nya naman, importante ang itatanong nito. 'Yon pala, nag-text lang ito sa kanya dahil sa pangangailangan ng iba. Ilang beses na ba siyang nagpalit ng number? He even got himself another phone and another sim card. Iyon ang number na pinagkakalat niya. But he never replied to anyone.
Itong isang number niya, puro kamag-anak lang at close friends ang may alam. Though Ahn's not his close friend, their parents insisted na dapat ay may number sila ng mga kinakapatid nila, in case of emergency.
Ayoko, was his reply. He guessed na alam na ng mga kaklase nitong dead end yung isa nyang number.
Nangulit pa si Ahn at lalo siyang napikon. Nang sabihin niyang ayaw nya talaga, nagpasalamat na lang ito. Siguro ay naramdaman din nitong naiinis siya.
He was still waiting for her text. Pero baka nagtampo na ito. Gusto niyang i-text ito ulit, pero ano naman ang sasabihin niya?
He was currently contemplating on what to send her when his twin entered his room.
"Uso kumatok," sabi niya rito.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya.
"Galit ka ba kay Ahn?" tanong nito.
"Huh?" Kumunot ang noo niya. "Hindi. Bakit?"
"Wala. Pinapatanong nya kasi. Baka lang daw galit ka."
"Tinext ka nya?"
Tumango ito. "Oo."
"Bakit hindi nya na lang sa 'kin tinanong?"
"E suplado ka kasi. Natakot sa 'yo yung bata."
"Tss."
"Tutulog ka na?" tanong nito.
"Hindi pa." He adjusted his pillow. Sumandal siya sa headboard. "Ano, may kailangan ka pa?"
"Wala na. Yun lang." She headed to the door but turned around before going out. "Text her. She's worried."
"Ikaw na lang," sabi niya.
"Baka hindi 'yon maniwala."
"E di huwag," he replied.
His twin rolled her eyes saka ito umiling at isinarado ang pinto behind her.
Pinag-isipan muna niya ng ilang minuto kung iti-text ba niya si Ahn o hahayaan na lamang itong maparanoid. He stared at his phone for a while. Then, grunting, he created a new message and sent it to her.
--
Kanina pa naghihintay si Ahn ng reply mula sa ate Iya niya. Gusto niyang itanong ulit kung galit ba ang kuya Ken niya pero ayaw niyang abalahin ng husto si Iya. Baka pati ito ay mainis na rin sa kakulitan niya.
Maya-maya'y may kumatok sa pintuan. Her bedroom door opened and in came her dad.
"Nak, maghugas ka na ng pinagkainan."
Agad siyang bumangon. "Opo."
Mabuti na rin sigurong tinawag siya ng daddy niya para maghugas ng pinagkainan. At least her mind was preoccupied for a few minutes. She also brushed her teeth and did her evening rituals before going back to bed. Maaga pa pero gusto na niyang matulog.
Tiningnan nya muna ang phone bago siya mahiga. There were three messages.
One was from Chet and two were from her kuya Ken. GM lang ang text ni Chet kaya hindi na sya nag-reply.
From: Totoro
Hindi ako galit.
Nakahinga siya ng maluwag nang mabasa ang message na iyon. She opened the next one and smiled. It was a smiley. She often see her kuya Ken smile, but to his friends, never to her. So, it was a pleasant surprise for him to send her that.
At least kahit sa text, nginitian siya nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro