Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 39 - Change

Iya began becoming torn when Hans didn't show up on a Monday, the following week. Talagang niliteral nito ang pagdistansya. Kahit kating-kati na siyang tawagan ito ay hindi niya magawa. Baka kasi lumala lang kung siya ang unang lalapit.

"Talaga bang hindi na papasok si Hans?" narinig niyang tanong ng isa niyang kaklase kay Aubrey.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Hindi ko ma-contact e. Unang beses nyang magkaganito."

"Sana kasi iba na lang yung ginusto nya."

"Oo nga! Kung ako na lang sana, e di hindi sya nagmumukmok kung saan ngayon!" sabat ng isa.

Lumingon ang mga ito sa kanya at saka umiyak. Dinaan na lang niya sa buntong-hininga ang inis. Maybe they will never understand her situation. Para kasi sa mga ito, himala na ang mapansin sila ni Hans. Hindi tulad niyang unang araw pa lang ng school ay inaaligiran na nito.

Bakit ba ako nagtataray? naiiling niyang tanong sa sarili. Calm down, Iya.

Hindi na lamang niya pinansin ang mga ito. Hindi naman niya kasalanan kung bakit nagkakaganoon si Hans. Maybe he's just not used to it yet. Palibhasa kasi, nasanay na itong palaging nakukuha ang gusto nito. E ano ba naman kung gustuhin niya na magkaroon ng matinong boyfriend?

"Papasok kaya si Hans sa Thursday? Di ba may exam tayo?"

Aubrey sighed. "Try ko ulit syang tawagan. Nagriring naman kasi yung phone nya e. Ayaw lang sumagot."

"Baka iba ang gustong kausap?" natatawang tanong ng isa.

She almost blurted out 'Oh, thank God!' nang dumating ang prof.

--

Hanggang sa pag-uwi ay hindi pa rin matahimik ang utak niya. Nakokonsensya yata siya dahil sa mga sinabi niya rito. Baka sobra na yung pakikipag-break niya. Pero hindi e. Nakiusap na ako sa kanya dati pa! katwiran niya.

"Nak, Iya, nasa bahay na ba ang utak mo?" tanong ng daddy niya.

Sumimangot siya saka ito sinagot ng matipid na 'Opo.'

"Ano'ng gusto mong ulam?"

"Bahala na po kayo." Pagkasabi'y saka siya umakyat. But midway up the stairs, she heard her father sigh. Nakaramdam na naman siya ng guilt. Bakit ba kasi ang hilig niyang manakit ng tao?

"Kausapin mo nga si Iya," narinig niyang sabi nito.

"Hayaan mo na lang muna. Lilipas din ang tampo nya," her mom replied.

"Nung isang linggo pa kasi e."

Rinig niya ang lungkot sa boses nito. Ilang beses na rin itong nag-reach out sa kanya pero inuunahan siya ng tampo. Pero this time, hindi na niya natiis ang ama. Bumaba ulit siya at nang nasa unang baitang na ng hagdan ay tinawag niya ito.

"Pa, gusto ko ng sweet and sour pork." She even managed to smile at him.

Mukha namang nagulat ito. "O-Okay."

"Saka gusto ko ng soufflé for dessert."

Ngumiti ang mommy niya sa kanya.

"Aba, demanding. Soufflé pa ang gusto."

She simply wrinkled her nose and ran upstairs.

Nang maghapunan, sinikap niyang kausapin ang ama. It was awkward at first, but as they went on, jumping from topic to topic, it got easier. Nang matapos ang hapunan, tinulungan pa siya nitong maghugas ng pinggan. But of course, he just did that so he could corner her to talk.

"Anak, galit ka pa?" tanong nito maya-maya.

"Nagtatampo lang po," she answered honestly.

Sumimangot ito. "Nagtatampo ka pa rin?"

"Konti po. E ikaw naman kasi papa, wala kang katiwa-tiwala sa 'kin."

"Of course, I trust you. I just don't trust him." Niyakap siya nito saka hinalikan sa tuktok. "I just want to make sure that he won't break the heart of my prettiest daughter."

She rolled her eyes. "Pa, I'm your only daughter."

"Exactly."

Gumanti siya ng yakap sa ama. "I love you, papa."

"I love you more, anak. And most, too. Dibs on most," sabi nito sabay tawa.

"Adik ka talaga, pa."

--

Kinabukasan sa school... still no Hans. At panay pa rin ang parinig sa kanya ng mga kaklase niyang babae. Mabuti na lang talaga at hanggang alas kwatro lang ang klase niya. Tapos alas tres pa lang ay pinauwi na sila dahil may importante raw gagawin ang prof nila sa last subject.

She didn't call her dad to tell him na maaga siyang uuwi. Instead, nagpunta sya sa restaurant nito. Agad siyang sinalubong ng nakangiting sous chef.

Nakita niya ang daddy niya across the kitchen. Abala ito sa pagluluto ng halibut.

"Chef! Yung pinakamaganda mong anak nandito!"

Nailing na lamang siya sa lame joke ng employee ng daddy niya. Kapag pumupunta sila ni Ken sa restaurant, palaging ganoon ang bungad. Siya ang pinakamagandang anak habang si Ken naman ang pinakagwapo.

Mapa-flatter sana siya kung hindi sila fraternal twins. And the only twins at that.

"Grace! Ikaw muna rito," sabi nito sa isang cook.

"Okay, chef!"

Grace took over. Lumapit naman ang daddy niya sa kanya.

"Ang aga mo naman yata?"

"Maaga po kasi kaming pinauwi."

"Punta ka muna sa office ko. I'll take you home after a few minutes."

She shook her head. "Pa, we won't go home yet."

Her dad frowned. "Why not? May pupuntahan pa tayo?"

"Actually, that's why I came here, pa. I need to ask you a favor."

"Why would you want to see him?" tanong nito maya-maya.

She followed him to his office a while ago. Kakasarado pa lang nito ng pinto nang sabihin niya agad kung ano ang pabor na hihilingin niya. Her dad looked so surprised. She asked if he could drive her to Hanson's place. Doon sa building ng pamilya nito sa Makati. Knowing Hanson, malakas ang kutob niyang doon lang ito nagtatago.

"Kasi may exams kami sa Thursday. Noong isang linggo pa sya hindi pumapasok e."

"And you think na makakapasa sya sa exams just by seeing you?" He crossed his arms against his chest. "If he wants to fail, then let him."

"Papa, kasalanan ko rin naman kung bakit sya nagkakaganon e."

"Why are you trying to defend him, Iya? If he fails, it's his fault because he didn't study."

"But I told him to stay away from me," dahilan niya.

"You told him to stay away, not to fail his classes."

She gave him a pleading look. Napabuntong-hininga naman ito.

"Why do you even like this guy?"

"Mabait naman sya, papa, e. And he's sweet at times. Madalas nga kitang maalala sa kanya."

Pinandilatan siya ng ama. "At bakit naman?"

She gave out a weak laugh. "I don't know. He just reminds me of you. Sa kwento nga ni mama, you don't always seem good."

"Of course, I wasn't. I made mistakes. I still make some," he said with a shrug. "But when I met your mom, I decided to change for the better to keep her. If he's willing to do the same for you, then I might give him a chance. That is... if."

"Then, will you take me to him? Kakausapin ko lang sya."

Bumuntong-hininga ito at saka umiling. "I can't believe you fell for him."

"Well... shit happens, pa."

Kent laughed. "I'll forgive you for cussing just because you're trying to drive home a point."

Niyakap niya ito. "So you'll do it then?"

"May magagawa pa ba ako? Pinakamagandang anak ko na ang humiling."

She groaned. "Enough with that lame joke, pa."

--

As she instructed, her dad drove her the building where Hans might be staying. She told her dad to wait at the lobby. Nakailang ulit pa siya ng pakiusap bago ito pumayag. Then, she headed to the elevator and got in before it could completely close.

"Iya?"

"Tita!" Nagulat siya nang makitang kasakay niya ang mommy ni Hanson. Natatandaan pa rin pala nito ang pangalan niya kahit matagal na pagkatapos noong huli niyang punta.

"Pupuntahan mo ba si Charlie?" nakangiti nitong tanong.

"Opo. Hindi na po kasi sya pumapasok e. Exams na po namin this coming Thursday."

Charlotte sighed.

"Well, I hope you can convince him to come out of the penthouse. Noong isang linggo pa ako nakikiusap sa kanya but he's just too stubborn. Heto nga't magdadala na naman ako ng food supplies sa kanya. He doesn't even order anything to eat!"

She bit her lip. So if Hanson dies from starvation, it's probably her fault too.

"Tulungan ko na po kayong magdala," she offered.

"Thank you." Iniabot nito sa kanya ang isang plastic na puno ng groceries.

Nang makarating sila sa penthouse ay ipinababa na lamang nito ang mga pagkain sa may couch.

"Charlie, Iya's here!" his mom called out.

Katahimikan lang ang sumalubong sa kanila.

"He's probably in his room. Maupo ka muna. Tatawagin ko lang sya."

Tumango siya at naupo sa couch. Maya-maya ay narinig niyang sumisigaw na ang mommy ni Hans. Mukha kasing ayaw pa ring lumabas ni Hanson ng kwarto. After a few tries, his mom finally gave up. Lumabas ito ng kwarto na nakasimangot.

"I'm sorry, Iya. He doesn't want to go out."

"Okay lang po."

"Kung gusto mo, puntahan mo na lang sya sa loob. I'll be right here."

"Okay lang po?"

Charlotte gave her a tight smile. "Oo naman."

Dahil may permiso na siya, siya na mismo ang pumasok sa kwarto ni Hanson. It was dark inside. Patay kasi ang ilaw. The TV was open pero wala itong sound. She saw Hans sprawled on the bed. Naglalaro ito sa tablet, ears covered with headphones.

"Hans!" tawag niya.

He was clearly ignoring her on purpose. Hindi naman plugged in yung headphones. May sound yung tablet nito. So she's pretty sure na nananadya itong hindi siya pansinin.

"Hoy, Hanson Madrigal, kinakausap kita!"

Nang hindi pa rin siya nito pinansin, kumuha sya ng unan at hinampas ito.

Napabalikwas ito ng bangon. "What the fuck?!" He glared at her. "Umalis ka na nga!"

"Kararating ko lang."

"I don't care, just go! I don't need your pity!"

"I'm not here because of pity, Hans." Naupo siya sa gilid ng kama nito. "I came here because I care."

His face softened... for a while.

"Then I don't need your care! Umalis ka na!"

"Ayoko!" she said indignantly.

"Putangina, alis sabi!"

She flinched. Wala pang nagmura sa kanya. Si Hans lang. It's like he's cursing every fiber of her being. Tumakbo siya palabas ng kwarto nito, not wanting him to see her tears. Buong buhay niya, puro magagandang salita lamang ang naririnig niya.

She can't believe that a guy she just met in college would ruin everything.

"Iya!"

Sinalubong siya ng mommy nito.

"Uuwi na po ako, tita," paalam niya rito.

Charlotted blocked her way. "No." Hinawakan siya nito sa tigkabilang balikat. "Do what you have to do. Slap him hard in the face, if it's necessary."

"T-Tita..."

"He became like this because of you. You alone can put a stop to it."

Tumango siya at bumalik sa kwarto ni Hans. Nakasalampak na ito sa sahig, nakatingin lang sa kawalan. She knelt before him and gave him a weak slap. In return, he cursed her again. Kaya sinampal nya ulit ito. It went on and on hanggang sa manakit ang kamay niya.

Hans cheeks were very red from all the slaps she gave. Pero mukhang wala pa ring epekto rito.

"Bakit ba ang immature mo?!" naiiyak niyang sabi. "Don't throw tantrums like you're a ten-year old kid. For Christ's sake, Hans, matanda ka na! Grow up already!"

Tumingin lang ito sa kanya.

"Alam mo bang nag-aalala ako sa 'yo? You've been gone for too long!"

Hans scoffed. "Sabi mo lumayo, di ba?"

"Tanga ka ba! Bakit mo niliteral?!"

Hindi ito sumagot.

"Bwisit ka! Do you know how empty I feel every time I look at your chair and see you not sitting there?!"

Sinuntok niya ito sa braso.

"Do you have any idea?!"

Pinagsusuntok niya ito hanggang sa mapagod siya. And then she slumped on the floor. She wiped her tears with the sleeves of her cardigan. Para pa rin itong tuod na nakatingin lang sa kanya. Punong-puno na talaga sya. Hindi na niya kaya.

Tumayo siya at nagtatakbo paalis. Wala na siyang pakialam kung hinabol man siya ng mommy nito hanggang sa elevator. She just wanted to get out of there. Hindi na siya makahinga. Alin ba ang mas mahirap: ang magmahal ng taong tanga o ang maging tanga sa pagmamahal? Tingin niya'y nakuha niya pareho. Pareho silang tanga.

Pero ayaw na talaga niya. She went there thinking that she could change his mind. Na baka matauhan ito kapag nakita siya. Pero singtigas ng bato ang ulo nito. Kulang na kulang ang mga suntok at sampal niya. Martilyo na yata ang kailangan to crack his skull open again.

--

Awang-awa si Charlotte sa anak. Pulang-pula na ang mga pisngi nito dahil sa napakaraming sampal na ibinigay dito ni Iya. But she could not bring herself to hate the girl. She had some guts showing up here to straighten out her son. Pero kakayanin kaya nito kung sya ngang mismong ina, sumuko na sa katigasan ng ulo ni Hanson.

"Charlie."

She sat next to him. Humilig naman ito sa balikat niya.

"Ma."

"Do you love her, anak?"

Naramdaman niyang tumango ito.

"Then why did you hurt her?"

"I don't know."

"You're stupid. Manang-mana ka nga sa 'kin," naiiling niyang sabi.

Ang katangahan niya ang dahilan kung bakit separated sila ni Jansen, Hanson's dad. They were trying to work it out. Kahit ano kasi ang kasalanan niya kay Jansen, handa pa rin itong magpatawad. But she insisted on the separation.

Kailangan muna niyang mag-isip. But she realized that she needs to think faster, dahil mukhang naaapektuhan na rin si Hans sa kanilang mag-asawa.

She cupped her son's face and wiped the tears forming at the corners of his eyes.

"Listen to me, Charlie. You don't get to find a girl like that every day. If you love her, chase after her. Eventually, she will get tired of running away."

"But she doesn't want me," malungkot nitong sabi.

She gave him a sypathetic smile. "Well, honestly anak, in this state, no one would want you."

Tumawa ito ng mahina. "So what should I do? Be someone else she could like?"

Umiling siya. "Iya doesn't need someone else, Charlie. She needs you. The better version of you, to be exact. You have to be worthy of her before she gives you her heart."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro