IJLT 38 - Distance
Long distance relationships are hard enough. What more yung pinadidistansya ka sa taong araw-araw mong nakikita at nakakasalamuha? It's pure torture. Lalo na kung ang katulad ni Hans ang kailangan niyang iwasan.
"Iya, please, talk to me."
Nakaluhod na ito sa harapan nya. Gusto nyang lumubog sa kahihiyan. Nakatingin sa kanila ang buong klase, nakikitsismis. Kahapon lang kasi ay ayos pa sila ni Hans. Sobrang sweet at hindi na mapaghiwalay. Who'd have thought na isang araw lang ang itatagal noon?
She got angry with her father yesterday. Kung makapagsalita ito, parang hindi nito napagdaanan ang pinagdadaanan niya. Pero pagkatapos niyang umiyak at makapag-isip, na-realize niya na tama rin ito. Alam niya sa sarili niyang kaya niyang mag-excel. But lately, her grades were going downhill. Madalas siyang absent at absentminded. And it's all because of Hans.
Pero ngayong nakaluhod sa harapan niya si Hans, hindi niya magawang magalit dito.
"Iya, please," pagsusumamo nito.
"Kausapin mo na."
"Oo nga. Kawawa naman."
Kanina pa niya gustong bawiin ang kamay niyang hawak-hawak nito, pero natatakot syang baka bigla na lang itong magwala. Mahina pa naman ang EQ ni Hans.
"O-Okay. Fine. Pero mamaya na pagkatapos ng klase."
--
She tried to ignore Hans during class hours, pero mahirap. Maya't-maya ba naman nitong nilalaro-laro ang buhok nya. Lumipat sya ng upuan kanina para makapag-aral ng maayos. But Hans followed her in front. Naupo ito sa likuran nya. Inilapit pa nito ang upuan sa kanya.
Gusto na nga niyang umuwi, mag-skip ng klase at magkulong na lang sa bahay. So when they were finally dismissed, nakahinga na siya ng maluwag. Just one more hurdle, and then she can go home. She sent her dad a message saying na mahuhuli siya ng kaunti dahil kakausapin niya si Hans.
He just replied 'Okay. I'll wait. Don't be long.'
Huminga muna siya ng malalim. Hans told her na sa sasakyan na lang nito sila mag-uusap. Kahit saan kasi sila pumwesto sa school, maraming umaaligid, so she agreed. Pero ang kundisyon niya, sa driver's seat sya uupo. Mahirap na, baka kung saan na naman siya dalhin nito.
Hinawakan nito kaagad ang kamay niya. His eyes, pleading.
"Iya, please don't break up with me."
"Hans." She pulled her hand away. "It's either that or you'll break up with me."
"I already said sorry, di ba? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Nagmukha na nga akong tanga kanina sa harap ng buong klase e. Balewala ba yun sa 'yo?"
Nalungkot sya sa narinig. So wala pa rin pala talagang pagbabago rito. He's still the same selfish jerk.
"Hindi ko naman sinabi sa 'yong kailangan mo akong luhuran, di ba?"
"Oo, alam ko. But I'm trying everything to make this work. I was expecting you'd do the same."
"I am," giit niya. "Kaya nga sabi ko layuan mo muna ako ng two weeks, di ba? Two weeks lang, Hans! I will just try to straighten my life that you so easily screwed for these past few days!"
Napamura ito. "Matapos mong sabihin kahapon na totohanan na tapos—"
"Hindi ko naman binabawi a!"
Natigilan ito.
Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Ang sa 'kin lang naman, totohanan na nga, bakit hindi pa natin ayusin? Our relationship is so wrong on so many levels. Ni hindi mo ako niligawan sa bahay namin, hindi ka humarap sa parents ko, you didn't court me properly. Ang pinairal mo lang, yung 'I don't take no for an answer' spiel mo. Na inaasahan mong susunod sa 'yo lahat kasi ayaw mong tinatanggihan ka.
"You know, maybe my father's right. Maybe you don't deserve me. Maybe I deserve better. Pero alam mo ba, okay lang sa 'kin yun. Because I like you. I really, really, really like you. Ayaw ko man pero hindi ko mapigilan. But you're not giving it any importance. All you care about is yourself."
"Iya, that's not true."
"Hans, the impromptu trips to Pampanga and Tagaytay are enough proof. Why do you have to force things to happen? Sasama naman ako sa 'yo, di ba? Pero gusto ko lang ng matinong usapan. When I tell you na may curfew ako, I expect you to take me home before that. Kapag sinabi kong ayaw kong mag-skip ng klase, you should respect that. Pero kung hindi mo kaya, then I guess..."
She sighed.
"Look, if you want, you can break up with me. Tell the whole class na ikaw ang umayaw, if that would make you feel any better."
"Fuck that, Iya. Akala mo ba ganoon lang kadali yun? I bared myself to you and this is how you reciprocate?"
"Then leave me alone for two weeks, Hans. Kapag nagawa mo yun, we'll talk."
--
Hans had a fit when she told him that. Kanina pa niya pinipigilang umiyak. Natakot siya rito when he punched the dashboard of his car. Akala niya'y sasaktan din siya nito. But he just told her to get off his car, in the most obscene way.
Pero nang makarating siya sa sasakyan ng daddy niya, doon na niya hindi napigil ang luha. Hanggang pagdating ng bahay ay umiiyak siya.
Kagaya ng mga nakaraang gabi ay hindi sya kumain ng hapunan. Nakabalot lang sya ng kumot. Yung Hello Kitty na bigay ni Hans, itinago na muna niya sa kasulok-sulukang parte ng closet niya. She turned her phone off and let the moping begin.
Kinabukasan, absent si Hans.
So the whole class assumed na break na sila. Aubrey didn't take it well. Nagtampo ito sa kanya. She had to endure all the snide remarks on her own. Lunch time nga lang sya nakakahinga ng maayos dahil kay Ken. And thank her twin for not bringing Hans up.
Umaarte itong parang walang nangyari for her sake.
The following day, wala na naman si Hans. And then the next. And the next. Hanggang sa dumating ang weekend, ni anino nito ay hindi niya nakita.
Hindi na rin ito tumatawag o nangungulit sa phone. His Facebook account was deactivated. Naglaho itong parang bula. But she managed without him. Mas marami syang oras para sa pag-aaral at para sa pamilya. She was even able to visit her grandparents one weekend.
Doon sya nag-stay kasama ng mommy niya. Napansin kasi nitong palagi siyang tahimik at walang kibo kapag nasa bahay. Minsan na nga lang daw siyang lumabas ng kwarto, hindi pa sya makausap.
Tuwang-tuwa ang lolo at lola niya. Maya't mayang naghahanda ng pagkain ang mga ito. Siya naman ay hindi makatanggi.
Nang gumabi, inaya siya ng mommy niya sa dati nitong kwarto. Walang nabago roon mula noong huli niyang punta. Sabi ng mommy niyaa, hindi raw talaga ginagalaw ng lolo at lola niya ang kwarto nilang magkakapatid.
Agad siyang nahiga at nagtalukbong ng kumot kahit maaga pa at hindi pa siya inaantok. But her mom removed the blanket from her. She yanked it off of her.
"Ma, matutulog na 'ko," sabi niya sa ina.
"No, you're not."
Niyaya siya nito sa may bintana. Akala naman niya ay kung ano lang ang durungawin nila. Nagulat siya nang umakyat ito at nagpunta sa bubungan.
"Ma!"
"Come here. It's completely safe."
Dalawa ang bintana sa kwarto ng mommy niya. Ang isa ay nakatapat sa kalsada. Ang isa naman ay nasa gilid ng bahay. Walang makikita roon kundi bubong. Katapat noon ang dating kwarto ng ninong niya, her mom told her.
She climbed and sat next to her mom. Yumakap naman ito sa kanya.
"I'm sorry, anak."
"For what, ma?"
"For your dad's overreaction." Ngumiti ito. "Takot lang kasi yun."
"Alam ko naman pong may mali rin ako e. I should've told him."
"I know, but I understand na naunahan ka ng takot. I was in the same situation before."
Kumunot ang noo niya. "Talaga, ma?"
"Yeah. Ang kaibahan nga lang, your dad chose to face my father and tried to win his heart."
She sighed. "I wish Hans could do the same."
"Well, if he really likes you, he will."
"Pa'no kung hindi?" naiiyak nyang tanong.
"Then you're better off without him. Remember this, anak, you don't have to settle for less. You're a ten, you deserve a ten. And if you happen to like someone who is a seven or a five or a two, huwag mong ibaba ang sarili mo para sa kanila. Lift them up instead. Make them a better person, a person who will suit you."
"Pero di ba parang hindi naman maganda yun, ma? I mean, I should like them for who they are."
Umiling ito. "You like the raw material, Iya. That doesn't mean that you can't polish them to bring out their shine."
--
The next week, wala pa rin si Hans. Nag-aalala na siya rito.
"Ano 'tong si Madrigal, drop na ba 'to?" tanong ng masungit nilang prof.
"Hindi pa, sir. Brokenhearted lang," sagot ni Aubrey sabay tingin sa kanya.
Tumawa naman ang prof nila. "Aba, hindi excuse ang pagiging brokenhearted! Pinapasok ba sya ng school para magmahal? Hindi, di ba! Kaya kayo, huwag kayong puro landi. Uso mag-aral!"
She somehow felt bad for Hans, pero may point ang prof nila. Ang main goal naman nila kaya sila pumapasok ng school ay para makapag-aral, maka-graduate at magkaroon ng magandang kinabukasan. So Hans should stop sulking. Dapat ay inaayos nito ang buhay nito.
Her mom's right. He should make himself better. Tingin ba nito ay magugustuhan niya ito kapag tumigil ito sa pag-aaral? There's a time for love, yes. But there's also a time for everything else.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro