IJLT 37 - Caught
Excited si Iya na pumasok kinabukasan. She wanted to see him. Sana nga lang ay hindi ito absent. May habit kasi si Hans na magtago pagkatapos nitong magpakita ng vulnerability. Kung hindi naman ay bigla na lamang itong hindi mamamansin.
But he was already waiting for her near the doorway. Nakapamulsa ito. He's wearing his usual getup. He looked warily at her. He wasn't his usual, playful self today. Napakaseryoso nito. Which is why she was so surprised nang kunin nito ang kamay niya. Pinagdaop nito ang mga palad nila.
Hindi pa rin ito nagsalita nang pumasok sila ng classroom. Every head turned. Every gaze zeroed on them. For the first time kasi, they own the feeling. Unang beses nilang ipinakitang tanggap nilang magkarelasyon sila.
Nang makabawi sa pagkagulat ay saka sila pinaulanan ng tukso. She hid behind Hans. Nahihiya siya pero natutuwa rin. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Pakiramdam niya, maya-maya lang ay lulutang na siya sa sobrang saya.
Hanggang sa pag-upo nila ay nakasunod pa rin ng tingin ang mga ito. But only Aubrey had the guts to confront them.
"Alright, spill."
"Go away, Aubrey."
Ngumuso ito. "Sige na. Bahaginan nyo naman ako ng kilig. What's your status?"
Bilang sagot ay itinaas ng bahagya ni Hanson ang magkahawak nilang kamay.
"Does that answer your question?"
Aubrey scowled. "Si Iya na nga lang ang tatanungin ko." Bumaling ito sa kanya. "So, Iya, totohanan na ba?"
She glanced at Hanson. Mukhang naghihintay din ito ng sagot niya.
"O-Oo," nauutal niyang sagot.
He smiled, pleased with her answer. Saka ito muling tumingin kay Aubrey.
"O, nasagot na yung tanong mo. Dun ka na," pagtataboy nito.
"Hmp. Oo na."
Hanggang sa magsimula ang klase ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.
"Hans, I need to take down notes."
Bumitaw ito sa kamay niya. "Give me your other hand," bulong nito.
"What? Huwag na."
Nahihiya siyang baka mapansin sila ng teacher. Masabihan pang nagpi-PDA sila.
Hans grunted. "Fine."
Umakbay na lang ito sa kanya.
--
Dahil grounded si Iya, hindi sila makalabas ni Hanson tuwing gabi or weekend. So to compensate, bumabawi sila tuwing break time, vacant at lunch time. Nagtatampo na nga sa kanya si Ken dahil hindi na niya ito sinasabayang mag-lunch. May pagka-loner pa naman ito.
"Let's skip class," sabi ni Hanson sa kanya pagkatapos nilang mananghalian.
"Ha? Bakit?"
"Date tayo," nakangiti nitong sabi.
"Maghapon na tayong magkasama a."
"Iba naman kasi yun."
"Saan naman? Dun sa malapit lang ha."
Pero kailan ba ito nakinig sa kanya? Nang sumakay sila ng sasakyan ay hindi nito sinabi kung saan sila pupunta. Basta, magdi-date daw sila. Mamukat-mukat na lamang niya, nasa NLEX na silang dalawa.
"Hans, saan na naman tayo pupunta?"
"Pampanga," sagot nito.
"HA?!" Napamaang siya rito. "Gusto mo bang ikulong ako ng papa ko ng tatlong buwan sa bahay?!"
He winced. "Geez, relax! Ibabalik din naman kita bago mag-uwian."
Although she finds the gesture sweet, nainis siya ng konti. Mapapahamak na naman siya kapag ginabi sila. Alam niyang maghihintay ang daddy niya mamaya sa school. Lagot siya kapag nalaman nitong nag-skip siya ng klase.
Medyo maulan sa Pampanga nang dumating sila. Hanson parked his car in front of one Korean restaurant. Nasa bandang dulo ito.
Agad siyang bumaba ng patayin nito ang makina.
"Bakit ka bumaba agad?" tanong nito.
"Bakit? Ano pa bang gagawin ko?" takang-tanong niya.
"Palagi kang nagrereklamong hindi ako gentleman tapos ngayong gagawin ko na—" Nailing na lamang ito.
Hindi niya napigilan ang sarili. Kinurot niya ito sa pisngi. Pinalis naman nito ang kamay niya. Ngumuso siya saka umunang pumasok sa restaurant. Halos sabay-sabay na lumingon ang mga babae sa magkakabuklod na table. May event yata sila. Nasa dalawampu ang mga ito, mukhang mga teenagers.
She heard someone yelp when Hans entered the restaurant.
"OMG. Pogi!" lantarang sabi ng isa.
Naupo si Hans sa isang bakanteng table. She sat across him, nakatalikod doon sa mga babae.
"Bakit nandyan ka?" tanong ni Hans sa kanya. He patted the chair next to him.
Umiling siya. "Kung gusto mong tabi tayo, dito ka," sabi niya sabay tapik sa katabing upuan.
Hans just sighed and stood up. Naupo ito sa tabi niya habang isiniset naman ng isang staff ang lutuan nila.
"Unlimited po o regular, ma'am?" tanong nito.
"Unli."
"Parehas po?"
"Ikaw din ba?" tanong niya kay Hans.
"Bahala ka na," sagot nito.
"Parehas na," sabi niya sa staff.
"Shet! Mukha syang fictional character! OMG!"
She grunted.
"Picturan mo! Dali!"
"Kuya, lingon ka please!"
"Sa iba na lang tayo," sabi niya kay Hans.
"Naka-order na tayo. Hayaan mo na kasi sila."
Tiningnan niya ito. So he was aware of the fangirling happening beside them.
"Tuwang-tuwa ka naman!" she hissed.
Tumawa ito. "Tuwang-tuwa ako kasi nagseselos ka."
"Hindi ako nagseselos. Naiingayan lang ako," tanggi niya.
"You're an awful liar, Iya."
Inismiran lang niya ito.
When their orders came in, siya ang pinagluto ni Hans habang ito naman ay pasyahan ang pagkain ng side dishes. Hindi pa man luto ang first batch ng pork, humingi na ito ng refill.
"What's this?" he asked, pointing at the paste on a small saucer.
"Bean paste. Nilalagay yan sa pork tapos ibabalot mo yung pork sa lettuce." She smeared a piece of pork with the paste and gave it to him. "Tikman mo."
He obliged saka ito nagkibit-balikat.
"Masarap?"
"Okay lang."
"Try mo naman with lettuce."
He wrinkled his nose. "I don't eat leaves."
"Tsk. Arte nito."
Since ayaw ni Hans kainin yung gulay, umorder na lang ito ng kanin. He liked the bean paste though. Maya't maya itong humihingi ng refill. He liked the shanghai rolls too. Saka yung egg rolls. Sya naman ang umubos nung gulay, saka ng kimchi, since he doesn't like them.
Malalakas magkwentuhan yung mga nasa likuran nila kaya hindi sila magkaintindihang dalawa. So instead of talking, they just stuffed themselves with food.
And after a few rounds of pork and side dishes, they decided to call it a day, bago pa sumabog ang tiyan nila sa sobrang kabusugan.
Akala niya ay diretso uwi na sila pagkatapos, but Hans have some other things in mind. Bumalik sila sa SM Clark, bought coffees from SB and went to the park near it.
"Akala ko ba uuwi na tayo?" tanong niya rito.
"I lied."
"Hans, baka gabihin tayong masyado."
"Would you relax? Alas singko pa lang."
"At alas sais ang end ng klase natin. Saktong alas sais, nandun na si papa."
Hanson sighed. Then he stood up and lend her his hand.
"Halika na."
Tahimik silang naglakad papunta sa sasakyan nito. At nang nagda-drive na ito ay hindi pa rin ito nagsasalita.
"It's not that I don't want to be with you. It's just that... may limitasyon ang oras ko," paliwanag niya.
"Alam ko," sagot nito.
"Magkasama naman tayo sa school araw-araw e."
"Oo na."
Sumimangot siya. Parang pinuputol nito palagi ang usapang sinisimulan niya. Shaking her head, she just focused on the road. Madilim na nang makarating sila sa may North Edsa. At pagdating ng Cubao, nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Traffic.
Umuulan pa ng malakas pagkarating nila doon kaya lalong bumagal ang usad ng mga sasakyan. She has a feeling that she will be kissing her freedom goodbye after this.
Nagsimula siyang matakot nang tumawag ang daddy niya. Apparently, he was already at school ten minutes before six. Tatlumpong minuto na itong naghihintay sa kanya.
"Papa, nandyan na po. Na-traffic lang sa Cubao."
"Ano'ng ginagawa mo sa Cubao?" takang-tanong nito.
Napasapo siya. Shit, patay na!
"M-May kailangan lang po akong bilhin."
"Emilia, I spoke with one of your classmates. Hindi ka na raw pumasok after lunch. What's going on?"
"P-Pa, I'll—"
"And who is this guy they're saying you're with?"
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
"I-I don't know what they're talking about."
"What are you hiding from me? Skipping class. Going home late. Not eating dinner. Anak, may hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"
"Papa—"
Bumuntong-hininga ito. "We'll talk later. Uuwi na 'ko. Be safe."
"Opo."
Napaiyak siya nang matapos ang tawag. Bukod sa alam niyang magagalit ang daddy niya, nagtatampo pa ito. Because of Hans, nagawa niyang magsinungaling at maglihim sa pamilya niya. And she can't help but hate herself for doing that.
"Iya, I'm sorry," Hanson told her.
"Just take me home."
--
Hindi na niya pinapasok sa loob ng subdivision ang sasakyan ni Hans. Bumaba na siya sa labas, kahit malakas ang ulan. Pagkarating niya sa bahay ay agad niyang nakita ang ama. Nakaupo ito sa sala habang kumakain naman ang mommy niya at si Ken sa kusina.
"Pa..."
"Sit," utos nito.
Umupo siya sa nakahiwalay na upuan.
"Papa, sorry po."
"Baka gusto mong magpaliwanag, Emilia? Enlighten me, please, dahil hindi ko na talaga maintindihan ang mga kinikilos mo."
Hindi siya agad nakasagot. Ano naman ang sasabihin niiya rito? Papa, may boyfriend na kasi ako. You grounded me kaya hindi kami makalabas, so we skipped classes instead. Pagbali-baliktarin man niya ang mga pangyayari, isa lang ang masisigurado niya. It was her fault.
"One of your professors called me the other day. Nakakadalawa ka na raw absent sa subject nya. Idagdag pa na mabababa raw ang nakukuha mong grades sa quizzes. I expected more from you. Valedictorian ka pa naman."
"Pa, hindi naman kasi kasingdali ng high school ang college e," dahilan niya.
"So that's your excuse? Bakit hindi mo pagbutihan ang pag-aaral? Nagbubuklat ka man lang ba ng libro kapag nasa bahay ka? Kung sana hindi ka nag-i-skip ng klase, hindi ka nahihirapan sa pag-aaral mo.
"Anak, hindi kita pinapasok ng college para maglakwatsa. I want you to have a great future, so I'm giving you a good education. Yang lalaki na 'yan, makakapaghintay yan. Magtapos ka muna ng college. Yun lang naman ang hinihiling ko sa 'yo."
"Sorry po."
"Are you with someone now, Iya? Si Jeremy na naman ba?"
Umiling siya. "Hindi po."
"E sino?"
She bit her lip. Sasabihin ba niya?
"Ipakikilala ko rin naman po sya sa inyo e. Kaya lang, natatakot akong baka hindi nyo sya magustuhan."
"Well, frankly Iya, dahil sa mga ginagawa mo, hindi ko pa man sya nakikita ay ayaw ko na sa kanya." Tumayo ang daddy niya. "If I don't see any improvement within the next 2 weeks, mapipilitan akong ipalipat ka ng school. I don't want you to go downhill for some guy, anak. You don't deserve that."
Matapos mapagsabihan ay nagkulong siya sa kwarto. When she checked her phone, marami nang messages galing kay Hans.
From: Hans
Hey, okay ka lang ba? I'm sorry.
Sobbing, she typed a message for him before shutting her phone off.
To: Hans
I'm not okay. Layuan mo muna ako kahit 2 weeks lang please.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro