Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IJLT 36 - Fallen

"Ahem."

Iya looked up to find Aubrey smiling.

"What?" tanong niya rito.

Pinagdaop ni Aubrey ang mga palad nito saka nagsimulang kumanta.

"At the same time, I wanna hug you

I wanna wrap my hands around your neck

You're an asshole but I love you

And you make me so mad I ask myself

Why I'm still here, or where could I go

You're the only love I've ever known

But I hate you, I really hate you,

So much, I think it must be"

Pinandilatan niya ito. Alam niyang tinutukso siya ni Aubrey dahil sa status niya. Pinakiusapan niya itong tumigil nang dumating si Hanson pero parang mas lalo pa itong ginanahan sa pagkanta. Sinamahan pa nito ng sayaw.

"True love, true love

It must be true love

Nothing else can break my heart like

True love, true love,

It must be true love

No one else can break my heart like you"

Pagkatapos ng mumunting number ay kinindatan nito si Hans. The latter was trying his best to hide his smile. She wanted to melt right there.

Nanghila si Aubrey ng upuan at pumagitna sa kanilang dalawa.

"Hanggang ngayon ba, hindi pa rin kayo nag-uusap?" naiiling nitong tanong. "Masama 'yan."

"Pa'no kami mag-uusap e nakaharang ka?" tanong ni Hans.

"A, hehe, sorry." Aubrey got up. Kumaway ito sa kanya bago ito lumipat sa unahan. She was left there with Hans and an empty chair between them. Hindi naman ito lumipat ng upuan. He stayed where he was sitting. Nilagay lang nito ang bag nito sa upuan na nasa gitna nila.

Ano na naman kaya ang trip nito?

His silence made her feel uneasy, lalo na't alam niyang tumitingin ito sa kanya kapag hindi siya nakatingin dito. Naku-conscious siya. Gusto tuloy niyang harangan ng libro ang mukha niya. Pero wala syang ibang magawa kundi tumingin sa unahan at hintayin ang pagpasok ng teacher.

Fifteen minutes na itong late. Ang ingay tuloy ng klase.

Through her peripheral vision, nakita niyang nagpangalumbaba si Hans. Nakatitig lang ito sa kanya. Para tuloy kinukuryente ang kanang pisngi niya. Nakatali pa naman ang buhok niya kaya wala siyang maipangharang.

In the end, she had no choice but to face him.

"Pwede bang sa kabila ka na lang tumingin?"

"Why? I like this view better," he said with a smirk. She could feel her cheeks burning up. Tapos ay bigla itong bumanat ng "Pero mas maganda kung aalis ka dyan. Nakaharang ka e."

Ngiting-ngiti ito nang makita ang reaksyon niya. Bigla tuloy siyang nainis. Tumayo siya at lumipat ng upuan, sa tabi ni Aubrey. Magsama kayo ng view mo! langitngit niya. Nilingon niya ito. Nakapangalumbaba pa rin ito... at nakatingin sa kanya. Ngumiti ito habang sya naman ay sumimangot.

"Nagpapapansin lang 'yan," nakangising sabi ni Aubrey.

Nagpapapansin? E kahit nga yata wala itong gawin, mapapansin pa rin niya ito.

--

Kakaiba naman ang trip ni Hanson buong maghapon. Hindi siya nito kinakausap, but he made sure that she's aware of him. Kulang na nga lang ay matunaw siya sa mga titig nito. Halos maya't maya ay may kumakalabit sa kanya. Nakatitig na naman sa 'yo si Hanson, they would say.

Natakot tuloy siyang baka alam nito yung panakaw niyang pagkuha ng picture nito noong Sabado. Pamihadong walang humpay na panunukso ang aabutin niya. That's why she didn't dare take out her phone. Hinayaan lang niya ito sa bag, on a silent mode.

Hanggang sa mag-uwian na ay hindi pa rin siya nito kinausap. Namimiss nya tuloy ito. Hindi niya alam na posible pala yun. Kasama mo maghapon sa isang lugar ang isang tao pero namimiss mo pa rin dahil hindi kayo nag-usap.

Malala na 'to, Iya.

Alam niyang kailangan niyang pigilan, pero parang ayaw niya. Ngayon lang sya nakaramdam ng ganoong pakiramdam. Hindi niya alam kung magtatagal iyon o mawawala. For the meantime, she just wants to savor the feeling while it's there.

"Anak, wala ka na naman bang ganang kumain?" nag-aalalang tanong ng mommy niya. Para syang nagising dahil sa tanong nito. Kanina pa pala sya nakatulala.

"Hindi po ako gutom," sagot niya.

Parang pinamumugaran na ng paru-paro at bricks ang tiyan niya. Parang mas masarap ang tumunganga kaysa kumain. Kahit ang sarap-sarap ng nakahaing ulam, wala siyang gana.

"May sakit ka ba?" tanong ng kambal niya.

She shook her head.

"You have to eat, Iya. Hindi pwedeng gabi-gabi ka na lang ganyan," her dad said.

"May banana cake pa po sa ref, di ba? Yun na lang po ang kakainin ko." She stood up and took two slices of banana cake. Nilagay niya iyon sa isang maliit na platito saka sya kumuha ng isang maliit na tumbler ng tubig.

Hindi na siya pinigilan ng mga ito nang iakyat niya iyon sa kwarto. But she didn't eat the cake. She just put it on the bedside table. Wala talaga syang gana.

Kinuha na lang niya ang diary saka siya nagkwento rito. It's been a long time since her last entry. Napangiti siya nang basahin niya iyon. She wrote that she wanted to have a relationship na kagaya ng sa parents niya. And she can't help but wonder, did she get what she wished for?

Nagsimula siyang magsulat. Simula noong unang beses niyang makabangga si Hanson hanggang sa nangyari kanina. Halos mamanhid ang kamay niya pagkatapos. Ikaw ba naman ang magsulat ng limang back-to-back pages. Some parts looked like chicken scratches dahil sa dami ng naiisip niyang gusto niyang isulat agad bago malimutan.

Nahiga siya at binasa ang mga isinulat niya. Halos lahat ng sentence, may Hanson na kasama. Ganoon na ba talaga niya kagusto si Hanson? Parang kailan lang, sukang-suka siya sa pagmumukha nito. Mahirap din palang panindigan ang mga sinabi niya noon.

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang tumunog ang phone niya. It was a text message.

From: Hans

If falling for you is crazy, then I must be going out of my mind.

She had to blink a few times para mapaniwala ang sarili na tama ang binasa niya. Is Hanson already declaring his love for her? Pakiramdam niya ay hindi pa sya handa. Baka mahimatay siya ng wala sa oras.

From: Hans

X sent. Lol

Parang nahigop pabalik yung tuwa niya. Wrong sent? Bwisit! Ngali-ngali niyang ibato ang phone sa inis. Kahit biro man yun o ano, sumama agad ang loob niya rito. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling mag-reply.

To: Hans

Sorry, who's this?

She smiled bitterly. Two can play the game, Hans. Hindi na ito nagreply. Itinago niya ang phone sa ilalim ng kutson saka siya nagpatuloy sa pagbabasa. Pero itinigil na rin niya iyon agad dahil nangangati ang kamay niyang pilasin ang pages ng diary na may sulat. Inis na inis kasi siya.

Itinabi na rin niya iyon at saka siya nahiga para hintayin ang antok, kahit alas otso pa lang ng gabi. Pero mas naunang dumating ang tawag na hindi naman niya hinihintay. Grunting, she pulled the phone from under her bed. Lalo siyang nabwisit nang makita ang mukha nito sa screen. Bukod kasi sa screensaver, ginawa rin niyang contact picture ang ninakaw niyang picture nito.

Hinintay niyang matapos ang tawag. Nakatitig lang siya sa natutulog nitong mukha sa phone. When the ringing ended, tumawag ulit si Hans.

She finally decided to answer on the 7th call.

"Hello?"

"Bakit mo binura ang number ko?!" iritado nitong tanong.

"Sino 'to?"

"Drop the damn act, Iya."

"Oh, it's just you," walang ka-latoy-latoy niyang sabi, pretending to finally recognize his voice.

"Yes, it's just me. What the fuck is your problem?!"

"If you're just going to cuss, then I might as well end this call."

"Fine. Hindi na ako magmumura. Tangina."

Walang sabi-sabi niyang pinutol ang tawag.

"Sabi ko kasi sa 'yo huwag kang magmura e!" inis niyang sabi sa phone.

Maya-maya ay tumawag na naman ito.

"Damn it, nakakarami ka na ha!" singhal nito.

"O, gusto mo ng isa pa?"

"Ano bang problema mong babae ka?"

Pakiramdam niya'y umakyat lahat ng dugo niya sa ulo.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" nanggagalaiti niyang sagot. "May nalalaman ka pang wrong send! Kung may iba ka na, then break up with me already! Ganun ba kahirap gawin yun? Kung ayaw mo na sa 'kin, huwag mo akong i-two time!"

Biglang natahimik ang kabilang linya. She thought she hit a mark, until she heard him laughing.

"Ano, biro na naman ba yun? Palabas mo lang para inisin ako? I'm not your toy, Hans, so stop playing with me. You're wearing me out! Ayoko na!" naiiyak niyang sabi.

She ended the call before he could hear her voice crack. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang sya nito. Pumapasakalye tapos biglang ganun ang segwey? Ano ba ang gusto nitong gawin? Ang paasahin siya? Ayaw niya ng ganun. Ayaw niya ng ginagago. Masakit kasi. Lalo na at unang beses niyang nagkagusto sa isang lalaki tapos ganoon pa ang gagawin nito sa kanya?

Ano sya, plaything? At ano ba ang meron sila, playtime lang?

Halos sampung minuto ang lumipas bago ito tumawag ulit sa kanya. She answered the call, because damn her finger for pushing the accept call button. But she didn't speak. Hinayaan nya lang itong magsalita.

"Iya?" Tumikhim ito. "Look, I'm sorry."

Kainin mo yang sorry mo.

"I was just joking. Sorry. Hindi ko naman alam na mamasamain mo e."

Gago ka ba? Natural mamasamain ko yun!

"Hey..." She heard him sigh. "Seryoso ka ba dun sa sinabi mo? Ayaw mo na ba talaga?"

She sniffed. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Honestly? I don't know. You're driving me mad, Hans. Every freaking day."

"It's because you're driving me crazy!"

Pareho silang natigilan. Tapos ay narinig niya itong nagmura ng mahina.

"I can't get you out of my system, Iya. And believe me, I've tried. But I can't not think about you every day. Paggising ko, ikaw ang una kong naiisip. You're the last thought I have before I go to sleep at night. Unang beses kong maging ganito ka-helpless. So, damn you, for being the reason why."

And then the call ended...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro